PANAYAM

![]()











Kung ang kuwago ay gising sa gabi at tulog sa umaga ang mga Guwardiya naman ay gising mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Sakripisyo kung tawagin ang buhay ng isang guwardiya, dahil sila ang nagsisilbing taga pag-ingat at nagpapanatili ng kaayusan sa loob ng ating paaralan. Mahirap ang trabaho ng isang guwardiya sa bawat paaralan, tulad na lamang ng pangangalaga ng kaayusan, pagbabantay sa mga mag-aaral, pagtugis at pagdakip sa mga kriminal. Ang pangkat uno ay nagsagawa ng panayam, kinilala at inalam ang pananaw ng bawat guwardiya tungkol sa kanilang sariling karanasan at buhay mula sa tatlong paaralan, ang Divine Word College of San Jose, San Jose National High School at Holy Family Academy
Si kuya Melchor Galima Ganda Jr. (Kuya Ganda) ay labing dalawang taon nang nagsisilbi bilang security guard sa Divine Word College of San Jose Ayon sa kanyang salaysay, napunta s'ya sa trabahong ito dahil gusto n'ya at s'ya mismo ang nag boluntaryo, sa loob ng taon na pagsisilbi niya rito ay marami na ang kanyang naranasan, ang ilan sa mga ito ay mahirap katulad na lamang noong siya ay na ospital habang nagtatrabaho, ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay masasabi pa rin ni kuya Melchor na masaya siya sa kanyang trabaho sa kadahilanang sapat ang kinikita niya at nakakaraos sa buhay kahit papaano. Mula sa kaniyang dugo at pawis siya ay nakapundar ng motor at bahay sa trabahong ito.
Hindi man si kuya Melchor nakapagtapos ng kolehiyo sa kursong kriminolohiya ay hindi ito naging hadlang at patuloy pa rin siyang nagpursige sa buhay. Bago naging guwardiya, siya muna ay naging konduktor ng dyip, construction worker, at naging welder sa iba't ibang lugar Mahirap man kung iisipin ay wala pa rin siyang balak itigil ang serbisyo bilang isang guwardiya sa Divine word college of San Jose Ayon kay kuya Melchor, maaaring isa siyang welder ngayon kung hindi guwardiya ang naging trabaho niya at mensahe nya naman sa mga taong nais maging guwardiya balang araw ay "Isipin nila ang pamilya nila, ang mahalaga may trabaho, kung magiging guwardiya ka dapat mahaba ang pasensya mo, kapag may sinita ka maganda ang pakikiusap mo para iwas din gulo".






Pangalawa ay sa San Jose National High School na si kuya Ranie Embanecido Ganda, siya ay tatlumput dalawang taong gulang at labing isang taon nang nagsisilbi sa pagiging guwardiya sa medalya (SJNHS) Ayon sa kanyang ulat siya ay nagsimula sa tamaraw bank mag serbisyo at pagkalipas ng isang taon ay nalipat sa San Jose National High School. Bagamat hindi na mabilang sa dami ng mga studyanteng nag aaral sa paaralang ito, maraming pagkakataon nang nahirapan sa trabaho si kuya Melchor kagaya na lamang ng mga kliyente nila na sinaksak at buwis buhay nga ito kung ituring. Mapanganib man ay may parte pa rin kay kuya Ranie na masaya sa kanyang trabaho sa kadahilanang sapat ang kanyang kinikita para sa pang araw araw na gastusin, ang pinaka malaking naging bunga sa kaniyang pagiging guwardiya ay isang bahay. Construction worker ang naging trabaho ni kuya Melchor bago siya naging isang guwardiya, kahit na ganon pa man kapanganib ito ay wala siyang balak itigil ang pagiging guwardiya, kung hindi siya guwardiya ngayon ay magsasaka ang maaari nyang trabaho Mensahe ni kuya Melchor sa mga gusto at nagbabalak maging guwardiya balang araw ay "Kailangan mahaba ang pag unawa mo dahil kung maiksi ang iyong pag unawa ay marami kang makakaaway".
Pang huli ay si kuya Gregorio Magdaraog sa Holy Family Academy katoliko at pribadong paaralan, apatnapu't dalawang taong gulang at halos sampong taon na sa serbisyo bilang guwardiya si kuya guard dito, siya ay nagsimulang maging construction worker sa HFA hanggang sa napili siya ng pari upang maging guwardiya sa paaralang ito
Nahirapan man noong una sa kanyang trabaho ay hindi siya tumigil dahil wala namang madali sa umpisa, kailangan muna itong maranasan bago ito matutunan. Ayon kay kuya Gregorio isa sa mahirap na trabaho niya bilang isang guwardiya ay ang initan ng mga makukulit na estudyante dahil siya ang taga awat sa mga ito. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang karanasan dito, siya ay masaya pa rin dahil kahit papaano ay mayroon siyang trabaho at sapat ang kinikita niya ayon sa kanyang salaysay. Sa kaniyang pag aaral, ang kanyang kurso ay Elektronika ngunit hindi natuloy dahil sa kahirapan ng buhay, ang unang naging trabaho ni kuya Gregorio ay isa ring konstruksyon Kung hindi guwardiya ngayon ang kanyang trabaho siya ay nag aalaga ng kahayupan sa kanilang bahay, pwede ring sa palayan at kung anong maari pang maisip na trabaho ayon kay kuya Gregorio. Hindi n'ya na gustong lisanin ang pagiging guwardiya dahil sa kahirapang humanap ng trabaho at sila na rin ang prayoridad bilang mangasiwa ng kaayusan sa paaralang Holy Family Academy at malaki ang benepisyo nito sa kaniya. Mensahe ni Kuya Gregorio sa mga gustong maging guwardiya "Para sakin ay sipagan nalang nila o gampanan ang trabaho para mas maganda ang kahinatnan ng magiging buhay at pagtatrabaho nila"






Tagapagpanayam : ADRIANO, RODEL D. : AGUILAR, CRISCHEL FLOREN D. : AGUSTIN, AECEE MAE M. : LIALAGAN, CYRON JAY M. : PATIÑO, MELODY B.


Manunulat at Disenyo: CATALAN, JHONABEL S.


