
Tungo sa maalam, mabuti, at totoong pagbabagong anyo ng buhay.

Tungo sa maalam, mabuti, at totoong pagbabagong anyo ng buhay.
Panulat | Aljhon Clemente
Nagpatupad ang Quezon City Science High School (QCSHS) ng mga bagong kurikulum nitong nakalipas na tatlong taon upang matugunan ang pangunahing layunin ng paaralan na bigyang-pansin ang mga larangan ng agham, teknolohiya, at matematika.
Bahagi rito ang tatlong magkakaibang kurikulum: ang “MATATAG Curriculum” para sa mga nasa ikapitong baitang, ang “Regional Science High School (RSHS) Curriculum” para sa mga
nasa ikawalo hanggang ika-10 baitang, at ang “K-12 Curriculum” para sa mga nasa ika-11 at ika-12 baitang. Nakatuon ang MATATAG Curriculum sa pagpapatibay ng pundasyon at nasyonalismo sa pamamagitan ng mas kaunting learning competencies, RSHS Curriculum para sa mas malalim na pag-unawa sa agham at teknolohiya, at K-12 Curriculum para sa komprehensibong edukasyon na naghahanda sa mga
mag-aaral para sa trabaho o kolehiyo.
Sa kabila ng layunin ng mga pagbabagong ito, dala rin ng mga bagong kurikulum ang iba’t ibang hamon gaya ng kakulangan ng mga guro para sa mga bagong asignatura, mas magulong pamamahala ng magkakaibang kurikulum, at mas mabigat na workload para sa ilang mga mag-aaral.
Ibinahagi G. John Anthony Beron, adviser ng Grade 10 - Kepler ang kanyang mga karanasan sa pagtuturo sa ilalim ng bagong sistema.
“Medyo nakapapanibago talaga ang magturo sa loob ng 45 minutong klase dahil limitado ang oras.
Marami sa amin, kasama na rin ako, ang napapasobra sa oras ng pagtuturo upang masigurong natatalakay nang buo ang mga paksa, “
...ani Beron. Ipagpatuloy sa pahina 5...
PAHINA 6
Ilabas ang Pondo ng Kabataan EL BIMBO lathalain. PAHINA 14 HUSAY, KISAY TATAK KISAY agham.
PAHINA 16
PUSONG PALABAN isports.
PAHINA 18
3 sa 5 Nagsasabing madalas nakababahala ang dami ng gawain sa paaralan.
tuwing nagsasabay-sabay ang dami ng gawain sa bawat asignatura
2
Nakuhanan ang isang Scientian habang nagsasaliksik sa track record ng mga kandidato sa Halalan 2025
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), isang malaking bahagi ng mga bagong rehistradong botante sa bansa para sa nalalapit na 2025 midterm elections ay mula sa sektor ng kabataan, partikular ang mga may edad 18 hanggang 25.
Batay rin sa datos ng COMELEC, mula sa 69 milyong botante na inaasahang boboto sa darating na halalan, 20 milyon dito ay nagmula sa
Generation Z, na ipinanganak mula 1990 hanggang 2012, kaya’t malaki ang epekto na inaasahan na magiging dulot ng kanilang boto sa magiging resulta ng eleksyon. Pahayag ng mga eksperto, ang social media ay itinuturing na isang mahalagang salik sa pagpapasya ng kabataang botante, subalit may mga alalahanin na ipinalabas ukol sa paglaganap ng disimpormasyon na
maaaring makaapekto sa kanilang mga desisyon.
Ayon kay Shane Villanueva, isang estudyante mula sa Linnaeus 11 ng Quezon City Science High School (QCSHS), sinasabi na ang kabataan ngayon ay mas handa na sa pagboto ngayong digital age.
“Mas marami kaming alam at may kakayahang suriin ang mga plataporma ng mga kandidato,” ani Villanueva.
Pinag-usapan nina QCSHS Principal George Emanuel Martin at Senator Sherwin Gatchalian ang mga pasilidad sa paaralan sa ginanap na site visit noong Oktubre 11.
Panulat | Alice Canta
Halos 8 rin sa 10 mga kabataang botante ang lubos na nagaganyak sa darating na halalan dahil sa kanilang ‘hangaring magdulot ng positibong pagbabago sa bansa’, base sa isang survey na isinagawa ng Publicus Asia, Inc. noong 2024. Gayunpaman, isang kakulangan ang nakikita sa mga voter education initiatives para sa kabataan, at bagama’t may mga programa na ipinatupad
Binisita ni Senator Sherwin Gatchalian, kasama ang The Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) kung saan cochairperson ito, ang Quezon City Science High School (QCSHS) noong ika-11 ng Oktubre upang siyasatin ang kung sapat ang nakukuhang suporta ng mga “pinakaaktibong” estudyante sa Pilipinas.
Isiniwalat ni EDCOM 2 Executive Director Dr. Karol
Mark Yee na layunin ng kanilang site visits na suriin at
ikumpara ang iba’t ibang sistema ng mga science high school upang mailapat sa iba pang paaralan.
We are here to observe the school system and what we need to do right now when it comes to supporting our best students, “
...ani Yee. Sinimulan ang nasabing diskusyon sa pagpapakilala sa paaralan na pinamunuan ni Master Teacher II Sheryl Verdadero. Nakapaloob sa nasabing
ng COMELEC at ilang civic groups, hindi lahat ng sektor ay naaabot ng mga programang iyon.
Sa kabila nito, patuloy na isinasagawa ng mga youth organizations ang pagpapalaganap ng tamang impormasyon sa mga kapwa botante, gaya ng mga factchecking workshops, voter’s education campaigns, at town hall discussions na isinasagawa upang matiyak na ang bawat boto ay may
pagpupulong ang admission rates, student profile, basehan ng admission ng mga estudyante, pasilidad at kagamitan sa eskwelahan, at estado ng alumni ng paaralan. Matapos ang talakayan, inikot nila Gatchalian ang paaralan upang obserbahan ang mga laboratoryo, silidaralan, at iba pang pasilidad ng paaralan. Bukod pa sa QCSHS, nagsagawa rin ng site visit sa Philippine Science High School at iba pang mga paaralan na may special science programs.
1.03% 27,081,292 sa mag-aaral sa bansa lamang ang may sapat na suporta mula sa Department of Education (DepEd) ngayong taong panuruan. - EDCOM 2
sapat na kaalaman at basehan.
Binibigyang-diin ng mga eksperto ang potensyal na epekto ng kabataan sa resulta ng halalan, at kung paano ang karapatan nila sa pagboto ay magagamit upang masiguro ang makatarungan at tamang pamamahala.
Samantala, nakatakdang ganapin ang 2025 Midterm Elections sa Hunyo 12 sa kasalukuyang taon.
Gantimpala para sa mga pangalawang magulang mula sa mga Scientian noong Teacher’s Day.
BAGONG PASILIDAD
Pormal nang binuksan ng Quezon City Science High School ang bagongtayong gazebo na may solar-powered charging station sa paaralan sa tulong ng Philippine Institute of Civil Engineers, Inc.Quezon City Chapter (PICE-QC) noong Agosto 2.
Nanguna si Engr. Mark Dale Diamond P. Perral, pangulo ng PICE-QC, sa seremonya upang buksan sa Scientians ang makabagong gazebo.
Ikinatuwa naman ng mga Scientian ang solar-powered charging stations dahil bukod sa maaari itong magamit para sa kanilang mga gadyet, may mahalagang tulong din ito sa kalikasan.
“Energy engineering. Resiliency and green engineering, and part of it—’yang solar energy, we’re trying to somehow disconnect
from the usual grid, which is sourced from fossil fuels,” ani Perral.
Ibinida ni Perral na dito maaaring makapagpahinga at makalanghap ng sariwang hangin ang Scientians, bilang siya ay naging magaaral din sa parehong paaralan.
This kind of small facility would be able to provide much needed air, literally and figuratively. “
...It can help us rejuvenate in times of difficulties and, of course, with our friends, whether we are doing formal academic activities or not,” ani nito.
Hinihikayat ng proyektong ito ang mga mag-aaral na gumamit ng renewable energy at madala sa kanilang mga tahanan ang adbokasiya ng nasabing proyekto.
REGALO SA KAGURUAN
SDO-QC, ipinagdiwang ang World Teachers’ Day sa QCSHS
Panulat
ang isang guro bilang performance
Mainit na pagsalubong at pasasalamat ang ipinahatid ng Schools Division OfficeQuezon City (SDO-QC) sa kaguruan sa selebrasyon ng lungsod sa World Teachers’ Day na isinagawa noong ika-2 ng Oktubre sa Quezon City Science High School (QCSHS).
Nagbigay ng pagpugay sa pamamagitan ng parangal na “Service Milestone Award” ang buong SDO-QC sa mga guro ng elementarya at sekondarya na nagsilbing mga pangalawang magulang ng kanilang mga mag-aaral sa loob ng apat na dekada.
Kalakip nito ang pagbibigay ng mga parangal na “Idol Ko Si Ma’am/Sir” at “Gurong Kyusi, Maipagmamalaki” na nagsilbing papuri sa mga guro ng lungsod sa kanilang tanyag na serbisyo at paninindigan sa kanilang tungkulin.
Naghatid din ng mensahe si Quezon City Mayor Joy Belmonte upang paalalahanan ang mga guro na edukasyon ang pinaka-unang prayoridad ng lungsod, at nagbigaypapugay sa kagitingan ng mga guro.
“Ano man ang kahirapan, hindi kayo nagpapatinag—
hahanap at hahanap kayo ng paraan. Alam ko na pursigido kayo dahil sa paniniwala na edukasyon ang susi para maging mas maganda ang kinabukasan ng ating mga kabataan,” ani Belmonte.
Dumalo rin sa nasabing selebrasyon si Alliance of Concerned Teachers (ACT) Representative France Castro, Congressman Patrick Michael “PM” Vargas, at Councilor Aly Medalla na nagbigay ng kanikanilang mensahe para sa mga guro.
Pinangunahan ang nasabing programa ng mga tagapagdaloy na sina Patrick Jay Arroyo at Phoebe Cor-Oyen ng Quirino High School at Angelica Principe at Christine Joy Ignacio ng Commonwealth Elementary School.
Nagpasiklaban naman ng iba’t ibang talento ang mga kaguruan ng Lungsod Quezon sa naganap na “Gurong Kyusi Got Talent” na isinagawa sa hapon ng parehong araw. Isinagawa naman sa kasunod na araw, ika-3 ng Oktubre ang malawakang pagdiriwang ng World Teachers’ Day sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.
LATE SA KLASE
Panulat | Einjhel Justiniano
Sa nakaraang mga buwan, patuloy na tumataas ang bilang ng mga mag-aaral na nahuhuli sa kanilang mga klase, sa kabila ng mga pagsusumikap na mapigilan ito.
Ayon sa mga ulat, ang pangunahing dahilan ng pagka-late ay ang matinding trapiko sa Pilipinas partikular para sa mga mag-aaral na umaasa sa pampublikong transportasyon, sa kadahilanang kahit na magtangka silang umalis nang maaga, ay nahaharap
pa rin sila sa matagal na pila at mabigat na daloy ng trapiko tuwing umaga.
Ayon kay Carmelo Gian ng Quezon City Science High School (QCSHS) na nahuli na rin sa klase dahil sa trapiko, “Tanungin muna sana nila ang mga mag-aaral kung ano ang nangyari at bakit sila nalate.”
Nakikita ring dahilan ang maagang pagsisimula ng mga klaseng karaniwang nagaganap sa ika-6 o 7 ng umaga, at bagamat nakatutulong ito upang
mapahaba ang oras ng pagkatuto, nagiging sanhi naman ito ng pagka-abala sa tulog ng mga estudyante upang makarating sa oras. Dahil dito, may mga panawagan mula sa mga sektor ng edukasyon upang muling suriin ang mga oras ng pagsisimula ng klase, upang maisaalang-alang ang mga panlabas na salik na nakaaapekto sa oras ng pagdating ng mga estudyante.
KABATAAN
Mataas na Marka, Karangalan pa rin ba? opinyon.
Panulat | Yesha De Leon
Kagulat-gulat na datos ang sumalubong sa masa nang ianunsyo ang bilang ng mga magtatapos sa University of the Philippines (UP) Diliman Class of 2023.
SA PAHINA
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Paaralang Sekondaryang Pang-agham ng Lungsod Quezon Tomo I Blg LI | Agosto-Enero
Panulat | Miles Bernardo, Nicca Devela, at Miel Calagui
TALENTADO. Panalo ang Banyuhay TV Broadcasting team sa DSSPC 2024.
SEX EDUCATION
MATALINO. Wagi ng pilak si Joshua Delloro sa SIMSO.
MALAKAS. Nasungkit ng QCSHS Women’s Volleyball team ang iakalawang pwesto sa Palarong Pambansa District Meet.
Panulat | Mischa Pingol
Samu’t saring batikos ang natanggap ng Comprehensive Sexuality Education na bahagi ng Senate Bill 1979 o Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2023.
Pahayag ni Pangulong Marcos, mahalagang magkaroon ng sex education upang ipaalam sa mga kabataan ang panganib na dala ng maagang pagbubuntis, ngunit mariin nitong tinutulan ang ilan sa mga probisyon ng bill at sinabing magsasagawa ito ng veto sa oras na maipasa ito.
“I was shocked, and I was appalled (...) you will teach 4-year-olds how to masturbate, (...) this is ridiculous,” komento ni PBBM.
Tutol din sa panukala si Ex-Chief Justice Lourdes Sereno dahil nakabase umano ang CSE sa International Standards: WHO.
Base sa WHO, ang mga batang may edad 0-4 ay marapat na malaman ang “enjoyment and pleasure when touching one’s
Ipinamalas muli ng mga mag-aaral ng Quezon City Science High School (QCSHS) ang kanilang galing at husay sa iba’t ibang larangan tulad ng isports, pamamahayag, at mga internasyonal at nasyonal na kompetisyon\ sa agham at matematika.
Agham at Matematika
Nakibahagi nang aktibo ang mga scientians sa iba’t ibang kompetisyon kabilang na ang SIAM International Math and Science Olympiads (SIMSO) sa Thailand, kung saan nagwagi sina Joshua Delloro ng Silver Award at Jaecob Delloro ng Bronze Award.
Nasungkit nina James Arzaga at Maria Enriquez ang Gold Award, habang pinangaralan din si Joshua Velasco ng Silver Award sa International Science Olympiad Competition of Southeast Asia (ISOCSEA).
Ipinamalas naman ng mga mag-aaral ng QCSHS ang kanilang kahusayan sa Philippine International Mathematics Olympiad (PHIMO) kung saan nakamit ng mga ito ang anim na gintong medalya, isang pilak, apat na tanso, at isang merit award.
Pamamahayag
Nagwagi ang mga opisyal na pahayagang pangkampus ng QCSHS, ang Banyuhay para sa Filipino at The
TALINONG SCIENTIAN
Electron para sa Ingles, sa District at Division Secondary Schools Press Conferences.
Pasok ang Online Desktop Publishing team at TV Broadcasting team ng Banyuhay, at Collaborative Desktop Publishing team at individual category participants Yuri Jimenez, Andrei Buan, at Aljane Dalin ng The Electron sa regionals.
Larangan ng Isports
Nakamit ang Soaring Griffins women’s varsity team ang ikalawang pwesto sa District Volleyball Meet laban sa Philippine Science High School at Judge Juan Luna, na ginanap sa Judge Juan Luna Court noong Oktubre 12-13. Lumaban din ang Soaring Griffins men’s varsity team laban sa Masambong High School at Ernesto Rondon High School.
Tumanggap naman ng tatlong gintong medalya at isang bronze medal sina Chester Reyes, Juan Miguel Osido, Jonelle Catatag, at Rheymir Abiog sa District Meet Taekwondo Championships, sa tulong ng kanilang mga coach na sina Magnolia Moquerio at Elisa Valladolid.
Sumulong din ang badminton team ng QCSHS sa semi-finals para sa men’s doubles, women’s doubles, at women’s singles.
own body, [and] early masturbation.”
Pinabulaanan ito ni Senator Risa Hontiveros, principal author ng CSE at tinangging may nakasaad na salitang ‘masturbation’ sa bill.
Paglilinaw pa ni Hontiveros, nakabase ang CSE sa Responsible Parenthood and Reproductive Health Law at hindi sa kurikulum ng Europe mula sa WHO.
Ayon naman kay DK Malesido, isang magaaral sa Quezon City Science High School (QCSHS), mahalagang maging komprehensibo ang pagtuturo ng sex education.
“Ang Sex Ed ay isang sandata laban sa STDs (Sexually Transmitted Disease), teenage pregnancy, at maling impormasiyon, hindi isang banta sa mga kabataan,” pagdidiin ni Malesido.
Layunin ng SB 1979 na idagdag ang CSE sa kurikulum upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng teenage pregnancy sa bansa.
Nakuhanan si Kenzo Tayko, isa sa mga nakatanggap ng scholarship, habang ang isa sa mga research study nito na ibinahagi noong Regional Science and Technology Fair (RSTF) noong Disyembre 2024.
Muling pinatunayan ng scientians ang kanilang galing sa larangan ng edukasyon matapos makatanggap ang dalawang magaaral ng Quezon City Science High School (QCSHS) ng mga prestihiyosong internasyonal na scholarship.
Pinarangalan ng full-ride scholarship si Emmanuelle Reigne Tica para sa online
summer course na nagkakahalaga ng $3,050. nang matagumpay na nakatapos ng Stanford PreCollegiate Summer Institutes sa Legal Studies: Critical Thinking sa Stanford University noong Hulyo 19, 2024.
Sa kabilang banda, nagdala ng dagdag na karangalan si Kenzo Miguel P. Tayko sa QCSHS
matapos makumpleto ang Yale Young Global Scholars Program 2024 at makakuha ng full-ride scholarship sa Yale University.
The opportunity to learn and be immersed at Yale are something that I will always be grateful for, “
...and surely, I will use it to fuel my advocacy
more to use STEM as a medium to help us transform and transcend to the most-pressing challenges we all face this time,” ani Tayko. Naging kinatawan rin si Tayko ng Pilipinas sa harap ng mahigit 600 na kabataang nagmula sa higit 150 bansa, at co-author isang internasyonal na polisiyang ipinasa sa United Nations.
Inaprubahan ng 215
mambabatas sa House of Representatives ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte matapos ang isang buwang pagwawalang-bahala nito sa naunang mga reklamo. Kasama sa mga paratang laban kay Duterte na naging dahilan ng pagsusumite ng impeachment complaints ang ‘conspiracy to assassinate’ laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez; maling paggamit ng P612.5 milyong confidential funds; katiwalian sa Department of Education; hindi
BALITANG DAGLI
maipaliwanag na yaman; pakikilahok sa extrajudicial killings sa Davao Death Squad; at pagtatangkang pabagsakin ang gobyerno.
Sa kabila ng pagtutol ni Marcos sa impeachment, ang kanyang anak na si House Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos ang unang lumagda sa reklamo.
Sinundan siya ng ilan pang kilalang personalidad sa politika, kabilang sina Ralph at Jocelyn Tulfo, at Aniela Tolentino, habang si Speaker Romualdez naman na kabilang sa mga umano’y target ng sabwatan ang huling lumagda sa reklamo.
Samantala, 91 mambabatas ang hindi pumirma, kabilang sina
Trump, nanalo muli sa pagkapresidente sa US
Panulat | Alice Canta
Sa kabila ng patong-patong na isyu tulad ng 34 kaso ng felony, napasakamay muli ni Donald Trump ang pagkapresidente sa United States matapos ang nangyaring 2024 US Elections noong ika-24 ng Nobyembre, 2024.
Natalo ni Trump ang oposisyon nito mula sa Democratic’s Party na si Kamala Harris, ang vice president ng nasabing bansa noon.
PAG-AARAL
Grade 12 scientians, registered voters na ba kayo?
SISTEMA NG EDUKASYON
Panulat | Aljhon Clemente
Pagpapatuloy...
dating Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo, House Deputy Speaker Camille Villar, House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, ang tatlong Revilla, at si Brother Eddie Villanueva. Hindi malinaw ang dahilan sa hindi paglagda ng mga nasabing mambabatas.
Mariing itinanggi ni Duterte ang lahat ng paratang at iginiit na ito ay isang pampulitikang paninira.
Naipasa na sa Senado ang reklamo, kung saan inaasahang magiging matindi ang sagupaan sa pagitan ng mga nagsusulong ng impeachment at ng kampo ng pangalawang pangulo.
SOKOR VS. YOON
SoKor President Yoon, haharap sa impeachment trial at kasong insurrection
Panulat | Mischa Pingol
Impeachment at kasong insurrection ang sumalubong kay suspended South Korean president Yoon Suk Yeol matapos ang “short-lived martial law” na inuutos nito noong ika-14 ng Disyembre.
Nagdeklara ng emergency martial law si Yoon sa isang live TV broadcast dahil umano sa “shameless pro-North Korean antistate forces,” noong ikatlo ng Disyembre, 2024, dakong 10:30 ng gabi.
Agad namang napagdesisyunan ng parliyamentong maghain ng impeachment case laban kay Yoon, ilang oras matapos ang nasabing insidente.
Bigong manalo ang unang impeachment vote laban sa presidente noong ikapito ng Disyembre nang harangin
ito ng kaniyang partido-People Power Party, ngunit nanalo sa ikalawang pagkakataon noong ika-14 ng Disyembre na may 204-85 na boto.
Kasalukuyang nasa detention center si Yoon matapos arestuhin ng Corruption
Investigation Office sa kasong insurrection nang pormal itong kasuhan ng South Korean prosecutors.
“The punishment of the ringleader of insurrection now begins finally,” pahayag ni Democratic Party spokesman Han Min-soo sa isang press conferenece.
Samantala, mayroon hanggang Hunyo ang korte upang mapagdesisyunan kung patatalsikin o pananatilihing presidente si Yoon.
Dagdag pa ni G. Beron, kailangan ng mas epektibong pagpaplano upang maiayos ang pagtuturo nang hindi isinasakripisyo ang kalidad ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa kabila ng mga hamon na ito, patuloy na sinusuportahan ni G. Beron ang mga mag-aaral na nahihirapan sa bagong sistema sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag na oras at gabay, lalo na sa mga mahihirap na bahagi ng aralin. Ayon naman kay Marie Antonette Escala, isang magaaral mula sa 10 - Pascal,
“Mahirap i-manage ‘yung oras at i-maintain ‘yung grades kasi maraming additional subjects at may research pa. Kaya’t may mga oras na kailangan talaga magsakripisyo at maghabol sa ibang asignatura. Wala ring available na teachers sa ilang subjects, kaya kawawa ‘yung ibang estudyante.”
Patuloy na sinisikap ng QCSHS na tugunan ang mga suliranin at ayusin ang mga polisiya sa ilalim ng bagong kurikulum upang matiyak ang mataas na kalidad ng edukasyon para sa kanilang mga mag-aaral sa kabila ng mga hamon.
Makabayan Bloc senatorial line up, mga ordinaryong Pilipino
Panulat | Mischa Pingol
Nanguna ang 11 senatorial aspirants mula sa Makabayan Coalition at mga grupo ng mga ordinaryong mamamayan sa paghahain ng kandidatura sa Commission on Elections (Comelec) noong ikaapat ng Oktubre. Binubuo ito nila Gabriela Representative Arlene Brosas, ACT Teachers representative France Castro, dating Bayan Muna representative Teddy Casiño, dating Gabriela representative Liza Maza, Kilusang Mayo Union secretary-general Jerome Adonis, at Filipino Nurses United secretary-general Jocelyn Andamo. Bahagi rin si Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas vice chair Ronnel Arambulo, Kalipunan ng Damayang Mahihirap secretarygeneral Mimi Doringo, Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide chair Modesto Floranda, Sandugo Movement of Moro and Indigenous People for SelfDetermination co-chair Amirah Lidasan, at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas chair Danilo Ramos. Ilan sa mga isinusulong ng Makabayan ang pagpasa ng Anti-
Dynasty law, pagbasura sa kontraktuwalisasyon, at pagtaas ng minimum wage sa P 1,200.
Ipinahayag ni Adonis, dating nagtatrabaho sa konstruksiyon, na noon pa man ay hindi siya nakaranas ng minimum wage.
“Hanggang ngayon, ‘yung naranasan ko po na hirap ng manggagawa ay nararanasan pa rin ng milyon-milyong manggagawa sa kasalukuyan. Kaya ito po ang nagsilbing inspirasyon sa ‘kin para tumakbo sa Senado bilang boses ng mga manggagawa at ng mamamayang Pilipino,” saad ni Adonis. Direkta namang binatikos ni Ramos ang mga Villar na anya dahilan ng pagliit ng mga lupang sakahan dahil sa kanilang negosyo.
“Paano kami na dumaranas ng hirap at wala ng masaka dahil sa nangyayaring massive land conversion? Tama na ang political dynasty, ang Senado po ay hindi family business,” diin ni Ramos.
Paliwanag ni Adonis sa kanilang islogan na “Taumbayan sa Senado,” matagal nang dinodomina ng political dynasties ang senado at wala naman itong idinulot na pagunlad sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino.
Banyuhay
Tomo 1 | Blg 51
Agosto - Enero
Punong Patnugot
Mischa Shalleah Pingol
Kapatnugot
Abraham Dain Dela Cruz
Kristina Cassandra Del Mundo
Tagapamahalang Patnugot
Khris Angel Garcia
Chloee Alexis Bautista
Tagapamahalang Pansirkulasyon
Angelic Mier Magbutay
Lorenzo Bajas
Tagapamahalang
Kabataan pa rin ba ang pag-asa ng bayan kung ang pamahalaan na mismo ang gumagawa ng paraan para sila’y pahirapan?
Pinal nang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang P113.75 bilyong badyet ng State Universities and Colleges (SUCS) para
SEX EDUCATION
sa National Expenditure Program (NEP) ng 2025. Mas mababa ito kung ikukumpara sa 2024 budget ng SUCs na umabot sa humigit-kumulang P128 bilyon. Sa kalungkotlungkot na tapyas ng badyet na ito, tinatayang nasa 28 na SUCs ang makararanas ng malubhang “budget cut” ngayong 2025.
Panibagong taon, panibagong suliranin na naman ang papasanin ng sektor ng edukasyon. Walang kahit anong makatwiranang rason ang mayroon para bawasan ang badyet ng kabataang tinuturing nating “iskolar ng bayan.” Hindi karapatdapat na ganito na lamang
tratuhin ng pamahalaan ang mga mag-aangat at magbibigay ng pagbabago sa hinaharap ng bayan, tila ba ito’y pananabotahe sa atin bilang isang bansa. Kahit nakabatay na sa ating Konstitusyon na ang sektor ng edukasyon ang dapat na mayroong pinakamataas na badyet na sektor sa bansa,
Parang lipstick—hindi agad agad naglalaho ang bakas. Mga mata’y sa’yo nakatutok kapag sinubukan, ayaw iparanas sa’yo mga matatanda. Matagal matanggal ang tinta ng malisya sa bansang pilit isinasara ang isipan sa usapin na hinidi nila lubos maintindihan.
‘’You will teach four-year-olds how to masturbate. That every child has the right to try different sexualities. This is ridiculous. It is abhorrent. It is a travesty of what sexual and sex education should be to the children.’’ Iyan na lamang ang naging komento ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Comprehensive Sexual Education Bill na isinusulong ngayon sa Senado sa pangunguna ni Senator Risa Hontiveros.
Tagapayo
Jason Samson
Punong Kagawaran ng Filipino
Neltissa De Villa
Punongguro
George Emanuel Martin
Mula sa Senate Bill 1979 o Adolescent Pregnancy Prevention Bill noong 2023, ang Comprehensive Sexual Education Bill ay naglalayong maiwasan ang maagang pagbubuntis ng kabataan sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng seksuwalidad ng tao, informed consent o pahintulot, epektibong paggamit ng kontraseptibo, pagkakapantay-pantay ng kasarian, at iba pa. Ang panukalang batas na ito ay napakahalagang pundasyon para sa mas malalim na pag-unawa ng kabataan sa kanilang mga karapatan, responsibilidad, at kakayahang magpasiya para sa kanilang sariling katawan.
Ngunit kahit walang nakasaad na salitang “masterbation” sa 25 pahina
ng isinusulong na bill, ay ito ang unang napuna ng Pangulo. Isang patunay sa malisyang nakakabit sa isyu ng seksuwalidad at pagtatalik sa Pilipinas. Mga matang walang napapansing mali sa karasahan sa kababaihan at pangangaliwa ng asawa ngunit maiinit sa mata progresibong batas para sa kabataan. Ayon sa estadistika noong 2022, lumobo sa nakakabahalang bilang na 3135 ang mga kababaihang edad 15 pababa na nabuntis, mas mataas ng 35% mula sa 2320 noong 2021. Hindi ba naaalarma ang pamahalaan sa numerong ito? Sadya bang nagbubulag-bulagan ang pamahalaan sa isyung ito dahil “nakakailang” pag-usapan kasama ang mga bata? Musmos at walang alam sa reyalidad ng buhay ang nagiging biktima ng kapabayaan at katahimikan. Hanggat wala sa tamang linya ang mga nasa upuan, iikot-ikot lamang tayo sa panahong mas sarado pa ang pag-iisip ng mga Pilipino kaysa sa pintuan ng pamahalaan sa progresibong pagbabago.
Sa naglilisik na mata ng katolikong relihiyon at ating nakasanayan, hindi lubos tanggap sa lipunan pag-usapan ang diskursong seksuwalidad dahil sa pagiging konserbatibo.
Ngunit kung hindi ito matututunan ng kabataan sa paaralan at hindi napaguusapan sa tahanan, saan na lamang
nila ito malalaman?
Para naman sa siyensya, parte ito ng pagiging dalaga at binata—ng buhay. Normal lamang na buksan ang diskusyon na ito para sa kaalaman at kamalayan ng kabataan. Mga maliliit ngunit progresibong hakbang na nararapat tanggapin ng pag-usapan, pangalagaan, at pangalanan ang kanilang pribadong parte sa katawan.
Opisyal na Pahayagang Filipino ng
Paaralang Sekondaryang Pang-Agham ng Lungsod Quezon
tila nagbubulag-bulagan na lamang ang pamahalaan. Hindi lang ito ang unang pagkakataong ginipit ng mga nasa taas ang kabataan. Kahit ang siyensiya, isang sektor na higit na kinakailangan upang mas mapaunlad ang bansa, walang takas sa kamay ng pamahalaan.
Noong 2023, nakaranas din ang Department of Science and Technology (DOST) ng “budget cuts” para sa 2024 National Budget. Isa sa may pinakamalaking bawas ng badyet dito ay ang Philippine Science High School System (PSHS) na pinalolooban ng 16 na iba’t ibang campus
ng PSHS. Mula sa P3 bilyon noong 2023 ay binawasan ito sa P2.7 bilyon. Mukha mang maliit ang tapyas, marami na sana ang mararating ng P300 milyon para sa mas magandang kalidad ng edukasyon ng mga kabataan at paaralan. Kapag pera na ang usapan, nakakalimutan
HINAING SA MATATAG
Bibitbitin ng susunod na henerasyon ang takot, kahihiyan, at pangamba dahil lamang sa nanalaytay na bakas ng malisya sa ating lipunan. Hindi magbabago ang paniniwala ng masa sa diskusyong seksuwalidad kung ang pamahalaan na mismo ang nagbibigay ng maling pananaw dito. Sa pamahalaan lahat nagsisimula. Tulad ng lipstick, hindi nararapat maging malisya ipakita ang kaalaman tungkol sa seksuwalidad sa lipunan. Pakupasin ang halik ng lumang pag-iisip na nakatatak na sa lipunan ng Pilipinas. Hindi dinadamitan ang katotohanan, ito’y hubad at kita ng lahat—walang sensura, walang malisya.
na ang kinabukasan ng kabataan. Simple lang naman nais ng kabataan, pataasin pa ang badyet ng SUCs, DOST, at iba pang sektor ng edukasyon. Sa gayon, mas mapatataas din natin ang kalidad nito. Napakahirap ba nitong ibigay? Hindi ito isang laro na taguan ng pangangailangan
kung saan hinaharap ng milyon-milyong kabataan ang nakasalalay sa ginagawa ng pamahalaan. Mamumuti na lamang ang mga mata ng kabataan sa kahihintay ng kalidad na serbisyo sa kanila, ngunit heto ang pamahalaan, handang magtapyas ng badyet kahit kailan.
Mahal na Patnugutan,
Magandang araw po!
Mag-aaral po ako sa QCSHS mula sa ika-12 na baitang.
Siguro ay nararanasan niyo rin o kung hindi man, ay nababalitaan niyo ang kasalukuyang problema natin sa bagong curriculum. Pagod hindi lang mag-aaral ngunit maging mga guro sa MATATAG Curriculum kahit sino pa man ang tanungin ko sa loob at labas man ng paaralan. Nais ko lang po malaman kung ano po ang masasabi niyo rito? Ano po ang tingin niyong solusyon para rito? Tingin niyo po ba, makakabuti pa itong ipagpatuloy? Maraming Salamat po at umaasa po ako sa inyong agarang pagtugon!
Lubos na nagpapasalamat, Sianne Oabel
Mahal kong Sianne, Maraming salamat sa iyong liham, Sianne. Tunay ngang nararanasan at napapansin na ng karamihan ng mga guro at magaaral ang mga suliranin sa bagong MATATAG Curriculum. Maraming estudyante at guro ang hindi sumasang-ayon sa mga pagbabagong ipinatutupad ngayon, at nauunawaan namin ang pagod at hirap na dulot nito sa lahat. Ang layunin ng MATATAG Curriculum ay magbigay ng mas mataas na kalidad ng edukasyon at masigurong handa ang mga mag-aaral para sa kanilang kinabukasan. Subalit, hindi maikakailang may ilang bahagi nito na nangangailangan ng agarang pagsusuri at pag-aayos. Para sa kapakanan ng mga guro at mag-aaral, mahalaga na magkaroon muna ng konsultasyon ang kagawaran kasama ang mga kinatawan ng mga guro. Sapagkat sila ang higit na makakaranas ng mga pagbabago, nararapat lamang na dinggin ang kanilang mga karanasan at pananaw upang ito’y maging batayan sa mas maayos na pagpapatupad ng kurikulum. Sa kasalukuyan, hindi na maganda ang nagiging epekto ng MATATAG Curriculum, kaya’t marapat lamang na pansamantalang itigil at rebisahin ito upang maging mas epektibo para sa bawat guro at mag-aaral. Sa kabila nito, nasa pamahalaan pa rin ang huling desisyon, kaya’t mahalagang marinig nila ang tinig nating mga estudyante at mga guro. Maraming salamat sa iyong malasakit sa sistema ng ating edukasyon.
Nagmamahal, Patnugutan
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Paaralang Sekondaryang Pang-Agham ng Lungsod Quezon Tomo I Blg LI | Agosto-Enero
Panulat | Yesha De Leon
“Paano ka magsusunog ng kilay kung walang apoy sayo’ng mga mata?”. Ngunit ang apoy na 'yong pinagmumulan, liwanag ba o lamat sa iba kung masidhi kang magsunog ng kilay?
Kagulat-gulat na datos ang lumabas matapos ianunsyo ang bilang ng wwwwmga magtatapos sa University of the Philippines (UP) Diliman noong 2023. Nakasaad sa datos na sa 4,478 na mag-aaral na magtatapos, 2,243 o humigit-kumulang kalahati dito ang magtatapos nang may karangalan. Tinatayang 305 ang summa cum laude, habang 1,196 ang magna cum laude. Malaking tagumpay ito para
IMPEACHMENT
sa mga nagsipagtapos, subalit, hati ang opinyon ng masa sa nasabing datos. Kinekwestiyon ito ng masa kung normal ba ito, o marapat na kilalanin bilang isang nakaaalarmang bilang.
Grade inflation kung tawagin ang kasalukuyang nangyayari sa UP. Mula sa 2010-2019, ang taunang average ng summa cum laude sa UP ay 27.8% lamang. Ngunit, bigla itong lumobo noong 2022 sa bilang na 150, na patuloy na dumoble noong 2023, at 286 noong 2024. Nagiging maluwag na nga ba ang pamantayan ng
paggrado ng mga guro
Kahit ano pa ang gawin ng agilang nagmamataas, pumagaspas, taumbayan pa rin ang may kakayahang tumuldok sa kanyang pandarambong at maling pagwawaldas.
Pinakinggan na sa wakas ang tinig ng masa matapos patalsikin si Bise Presidente Sara Duterte sa kanyang puwesto sa bisa ng boto ng Mababang Kapulungan ng Kongreso nitong ikalima ng Enero. Sa kabuuang 306 na miyembro ng Mababang Kapulungan, 215 ang pumabor sa ikaapat na reklamong impeachment laban sa Pangalawang Pangulo, malayo sa kinakailangang 102 boto upang maaprubahan ang pagpapatalsik.
Nangingibabaw na rin ang tunay na tinig ng mamamayan laban sa mga pulitikong kumukupas na ang pabango pagkatapos ng halalan. Matatandaang noong 2024 nang magsimula ang mga impeachment complaint sa Bise Presidente dahil sa isyu sa confidential funds at betrayal of public trust. Bagaman hindi
pa pinal, patunay ito na gumagana ang tinig ng mamamayan. Unti-unti nang nagigising ang sambayanan sa katotohanang palpak ang agilang minsang hinangaan at pinalakpakan.
Lantad na lantad na ang baho at katiwalian, ngunit patuloy pa rin ang pagtatakip at palusot. Mula sa misteryo kung sino si Mary Grace Piattos, iniwanang Kagawaran ng Edukasyon, at ang publikong pambubusal sa Pangulo. Bawat galaw at pahayag ng Bise Presidente ay lalong nagpapalinaw sa kasinungalingan at pamamahalang baluktot. Galawang malayo sa dignidad at integridad na dapat taglayin ng isang lider ng bayan. Matapang—ngunit wala sa lugar at kulang ng galang. Makamandag— ngunit pagdating sa mga pagdinig at pagiging mapagkumpetensya ay laglag. Higit sa lahat, matalas—hindi ang kuko ngunit ang pananalita. Sawang-sawa
na ang Pilipinas sa mga palyadong namamahala na animo’y kay bango at tayog ng lipad tuwing eleksyon, ngunit lumalagapak at umiiyak kapag lumalabas na ang tunay na intensyon. Pababain ang agilang pasanin. Lumalabas lang na ang kaniyang pagkapanalo ay resulta ng pagkabulag ng mamamayan noong huling halalan. Hindi na nararapat pang bigyan ng pagkakataon ang pamilyang minsan nang nagkanulo, nagsinungaling, at tinalikuran ang mamamayan at ang bayan. Kung tayo ay may kakayahang magluklok ng mga kandidato sa posisyon, puwes may kakayahan din tayong magpatalsik ng mga nahalal na hindi karapatdapat sa puwesto. Sa huli, nasa masa pa rin ang halakhak sa pagwaksi ng agilang taksil.
Intelligence (AI) na agad nasisiguro kung ang mga matataas na markang ng mga mag-aaral, hindi lang mula sa UP, ay totoong bunga ng kanilang pagsisikap, o dahil sa tulong ng makabagong
Ngunit hindi rin naman natin pwedeng ikaila ang pagsisikap ng mga mag-aaral, lalo na sa pagusbong ng makabagong teknolohiya na nagbibigay ng mas bukas na akses sa impormasyon para sa lahat. Dahil dito, mas marami silang natutuhan
EDUKASYON
napatay
kumpara dati na tila pahirapan ang pagkuha ng magandang hanguan sa pag-aaral. Kasabay nito, dahil mas namumulat na ang mga Pilipino sa reyalidad ng bansa, ay mas pinagbubutihan ng mga estudyante ang pag-aaral para sa mas magandang kinabukasan.
Anuman ang totoong ugat sa paglobo ng matataas na grado, ay mabubunyag pa rin ang katotohanan kapag sumabak na ang mga magaaral sa trabaho at totoong mundo.
Kaya kayo Scientians, sang-ayon ba kayo sa ganitong sistema para sa edukasyon?
Salat sa kakarampot na pera o may pribilehiyo— parehas na nagbabayad ng buwis para sa sira at wasak-wasak na sistemang edukasyon. Nakakapanghilakbot mang katotohanan ngunit tila’y nagbubulag-bulagan na lang ang mga mayayaman at hindi maaninag ang pangangailangan ng mararalita sa oportunidad na gustong matamasa. State universities pero kay daming mga “burgis,” paangasan ng sasakyan at gadyet. Edukasyong para sa lahat ngunit luging-lugi ang nasa laylayan at nakakaangat na naman ang mga mariwasa. Makamasa pa ba o dinidikdik na naman ang walang laban para ‘di malasapan ang karangyaan?
“It is no longer true that the University of the Philippines (UP) is ‘burgis’,” ani Angelo Jimenez, presidente ng UP Kapit niya pa’y mas tumaas ng 12% ang nakapasa sa UP College Admission Test (UPCAT) noong 2024 na galing sa pampublikong paaralan mula sa 44% noong 2022. Kulang sa kalahating porsyento’y galing sa pribadong paaralan—kayang makipagpataasan ng halaga pagtungtong kolehiyo, ngunit nakikipagsiksikan pa rin sa mga karaniwang Pilipinong sabik na makapag-aral sa may kalidad na edukasyon.
Bitbit sa leeg ang pulang tali at pangalan ng unibersidad. Iskolar ng bayan, libreng pinapaaral
ng bansa, ngunit ang mga nakapag-review center para sa paghahanda ng UPCAT at may mga sariling materyales sa pag-aaral naman ang makikinabang. May panglalaban pa ba ang mga nangutang na maralita para lang makipagsabayan sa mga mayayaman? Tila’y nilason ang utak, hindi kayang tanggapin na ang pribilehiyong bitbit nila ay makapagpapasira sa kinabukasan ng mahihirap na mag-aaral sa bansa. Mula sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), hindi tataas sa P200,000 ang annual minimum wage ng mga karaniwang Pilipino. Sa mababang halaga na ito sa taontaong pangtutustos, hindi magiging sapat ito upang mapag-aral ang isang kolehiyo kung idadagdag ang gastusin sa tahanan. Subalit ang mga kumikita ng mga milyonmilyong halaga’y pinapairal lamang ang pagiging
umaayon sa bulok na sistema na bumabalot sa lipunan. Kay laki’t lalim ng agwat sa imbalanseng oportunidad at kapangyarihan, dulot lamang ng pagkakaiba sa antas ng pamumuhay. May katarungan pa ba sa edukasyon o pinopolitika’t ninanakaw na lamang muli ang karapatan, ginagawang katatawanan ang lantad na katotohanan?
Makamandag at malala na ang mundo kung pati sa larangan ng edukasyon ay may kalupitan sa karapatan ng mamamayan. Papel at panulat ay tila maisantatabi muna, hindi kayang makapagpatuloy dahil nasa karurukan ng kakulangan, habang tinititigan ang nagpapakasayang mga “burgis” sa kampus na dapat ay trono ng mararalita. Palayasin ang dapat palayasin, papasukin at palakarin sa karpeta ang mga tunay na iska at isko ng bayan.
Opisyal na Pahayagang Filipino ng
Paaralang Sekondaryang Pang-Agham ng Lungsod Quezon Tomo I Blg LI | Agosto-Enero
Tila pinagsakluban ng langit at lupa ang
MABIGAT NA UPUAN
Pilipinas dahil sa mga nananalantang bagyo na tumatama rito, kaya ‘di maipagkakaila na milyon-milyong mga Pilipino ang naghihirap at nagdurusa. Gayun pa man, hindi nawala sa atin ang kulturang bayanihan, kahit buhay ang nakataya, maligtas lang ang iba pa nating kababayan. Ngunit masyado yatang nabago ang ating pananaw sa konseptong pagtutulungan, sapagkat puro ito na lang at hindi na maramdaman ang kilos mula sa mga nasa upuan.
Ubod ng bagal ang pagresponde ng tulong mula sa gobyerno kahit libo-libo ang nakikipagsapalarang
Pilipino sa bagyo. Kilos pagong sa oras ng peligro, ganitong serbisyo ba ang hinahangad natin? Kung susumahin ay maaari na ngang palitan ng isang normal na Juan at nongovernmental organization ang iba sa nasa posisyon. Nakakaantig nga ito ng puso dahil buhay pa rin ang kulturang Pilipino, subalit ang rason sa likod nito ay nakapanlulumo.
Nakalulungkot isipin na maari sanang
ELEKSIYON
mabawasan ang epekto ng bagyo sa bansa, kung nagawan lang ng paraan bago pa man pumatak sa kalupaan. Patuloy na lang ba talagang ipagmamalaki ang mga proyektong hindi maramdaman?
Nasaan ang 5,500 flood control projects na sinabi ng pangulo noong katatapos lang na SONA, hindi maramdaman sa kasagsagan ng pangangailangan. Nasa kalahati na tayo ng taon ngunit para lang binaha at nawala ang mga perang nailaan para rito.
Nakapanghihinayang at nakababahala ang
mga sakunang maaari pang dumating, datapwat ang mga mapanganib na epekto nito sa atin ay pwedeng pang paliitin kung ang ginagawa ng mga may kapangyarihan ay naaayon din. Ngayong papalapit na naman ang midterm election, maging repleksiyon sana ang hagupit ng mga bagyong nagdaan sa mga pulitikong iboboto. Ang matalinong pagboto ang magsasalba sa ating nasalantang pag-asang mabago ang kalagayan nating mga Pilipino sa bansang sinilangan.
Dinagsa ng mga aspiranteng politiko ang naganap na paghahain ng sertipikasyon ng pangangandidato sa Comission on Election o COMELEC nitong nakaraang Oktubre. Samu’t saring kandidato ang nagbalak na tumakbo— may mga politikong muling tatakbo, nalaos na artista, mga social media influencer, mga may rekord ng krimen, at mga tao sa iba’t ibang propesyon. Delikado ang kapakanan ng bansa kung mananalo ang mga politikong gusto lamang makakupit ng pera. Napakaraming tumakbo
ang ‘di kwalipikado, sana isaisip ito ng mga boboto. Ingatan ang pondo ng bayan, maging matalino sa darating na halalan. Ginagawang retirement plan ng ibang mga nalaos na artista ang politika, dagdag mo pa ang mga sumikat sa social media, marami ang tumakbo na wala namang alam at karanasan sa pamumuno ang may tiyansang manalo dahil lang sikat ito, tulad Wilfredo “Willie” Revillame at Rosmarie TanPamulaklakin, hindi sapat ang galing nila sa kanilang industriya kung wala naman silang magagawa sa bansa.
HUMAN RIGHTS
Sakit sa ulo ang mga politikong muling tatakbo kahit wala namang ipinapakitang ambag są mga Pilipino. Malamang matunog na ang kanilang pangalan sapagkat sila ay nasa upuang nang ilang taon, ngunit ‘di ibig-sabihin nito ay kaya na nilang pamunuan ang bansang minsan na nilang binigo.
Nakapanlulumo na may mga tatakbong sangkot na sa matitinding kaso ngunit maraming Pilipino ang handa pa rin silang iboto. Tigilan ang pagpapaloko at ‘di malayong kaya nilang gawin ulit ang mga krimen na ginawa nila lalo
na’t karamihan nito ay pangungurakot sa pondo ng bansa. Hindi natin mawari kung ano ba talaga ang intensyon ng mga tumatakbo sa posisyon, kung para sa bayan ba o sa kanilang sariling kapakanan. Mas makakabuti kung titigilan natin ang pagbubulagbulagan at bumoto para sa ikabubuti ng sambayanan. Kahit sino pa ang tumakbo, tayo pa rin ang may kapangyarihan na isalba ang bansa mula sa mga trapo.
Tama na ang pananahimik, oras nang aksyunan ang karumaldumal na pag-atake ng Israel at pagpatay sa libo-libong mamamayan. Nagagawa ito ng Israel sa tulong ng malalaking mga kumpanyang sumusuporta sa kanilang brutal na kampanya. Kaya naman, dapat nating i-boycott ang mga ito upang ipakita ang ating pagtutol sa mga pang-aabusong nagaganap.
Direktang nakikinabang mula sa pagpapatuloy ng genocide ang mga kumpanyang gaya ng Intel, Caltex, at Chevron. Ang bawat sentimong inilalaan natin sa mga kumpanyang ito ay nagpalalakas ng sistemang pumapatay sa mga inosenteng buhay sa Gaza. Sa pamamagitan ng pagboboycott, ipinakikita natin ang pakikiisa sa mga Palestino at pagtulong
upang gisingin ang mga kumpanya sa kanilang ginagawang mga desisyon.
Alam nating mahirap ang pag-boycott, lalo na’t marami sa atin ang nakasanayang tangkilikin ang mga kumpanyang ito. Pero ano nga ba ang hirap ng hindi pagbili ng “cravings” mong burger kumpara sa hirap na nararanasan ng mga Palestino? Ayon sa Integrated Food Security Phase Classification
(IPC), mahigit dalawang milyong Palestino sa Gaza ang nakararanas ng matinding kagutuman. Habang tayo ay abalang nag-iisip kung anong produkto ang susunod nating nais bilihin, ang mga Palestino ay abala sa pag-aalala sa kung paano makaliligtas sa bawat pambobomba. Ang pagbo-boycott ay hindi lamang simpleng pagtanggi sa pagbili at paggamit ng mga serbisyo at produkto,
isa rin itong malinaw na pahayag ng pakikianib sa mga nasisiil. Hindi natin dapat hayaang patuloy tayong pinaiikot ng mga kumpanyang nagpalalakas sa isang bansang hangad ay karahasan. Bukod pa sa pagbo-boycott, marapat din na kalampagin natin ang world leaders na magsagawa ng konkretong hakbang upang matigil na ang krimen laban sa mga karapatang pantao.
Mahalaga ang ating pagkilos, sapagkat ang patuloy na pananahimik sa gitna ng kaguluhan ay isang anyo ng paganib sa mga naniniil. Ang ating mga desisyon ay may kapangyarihan, at ang ating kolektibong pagkilos ay maaaring magdulot ng pagbabago. Boy, kota na sa karahasan—oras na para tumindig tayo para sa kanilang karapatan sa buhay, dignidad, at kapayapaan.
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Paaralang Sekondaryang Pang-agham ng Lungsod Quezon Tomo I Blg LI | Agosto - Enero
BONGBONG MARCOS
Nababalot sa samu’t saring kontrobersiya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na tila nagmistulang tiyanak—isang nilalang na nag-aanyong puslit na busilak at puno ng kabutihan ngunit nagtatago sa anino ng kapangyarihan at halos tinatalikuran na ang mga mamamayan.
Kasuklam-suklam isipin na ang isang taong binoto ng mamamayan ay hindi ginagamit sa tama ang kaniyang kapangyarihan. “Unity” na nga lang ang platapormang inilapag, hindi pa napanindigan at tila nagmistulang duwag. Gagawing bente pesos ang bigas aniya, ngunit ngayon ay nauuna pang maging bente ang pamasahe dahil sa kapabayaan ng administrasyon niya.
Panulat | Kate Tugano
ibinabayad na buwis, sapagkat imbis na maibalik ito sa publiko, nilalamon lang ito ng kasakiman at katiwalian sa gobyerno.
Kasabay pa nito ang balita na tungkol sa malawakang korapsyon sa PhilHealth na lantarang ipinamukha ang pag-abuso sa pera ng taumbayan. Ang institusyon na dapat sana’y naglilingkod sa kalusugan ng mga Pilipino, naging pugad pa ng mga buwaya sa gobyerno. Walang duda, ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng kapabayaan at kakulangan ng aksyon mula sa administrasyon ni Marcos upang sugpuin ang korapsyon. Sa halip na isulong ang kapakanan ng bansa, nilalamon ang kinabukasan para sa pansariling interes at sa kapangyarihan.
naghuhugas-kamay sa isyu.
Hinding hindi uusad ang bansa kung may tiyanak na lider ang mga buwayang nakaupo sa upuan. Kung sino pa ang dapat na naglilingkod, sila pa ang pinaglilingkuran. Ang pamumuno ni Marcos ay babala sa mga nais maglingkod sa bayan—ang katotohanan at integridad ay madaling matuluyan sa kamay ng mga nagpapalamon sa kasinungalingan at nagpapakasasa sa kaban ng bayan.
magbayad ng buwis
Kamakailan lamang ay nanawagan si Marcos sa publiko na ...upang mapabuti ang ekonomiya ng bansa—isang kabalintunaan sapagkat batid ng madla na siya mismo ay convicted tax evader na may bilyon bilyong pisong utang sa buwis. Isang tiyanak na ang lakas ng loob manakot at manawagan sa mga Pilipino ngunit takot sa sariling multo—ang anino ng kaniyang nakaraang mga kasalanan. Ang mga mamamayan ay patuloy lang na nahihirapan, tila walang napapala sa
Bukod pa rito, mariing itinatanggi ni Marcos ang kaniyang kaugnayan sa pag-usad ng impeachment complaint laban kay Bise Presidente Sara Duterte. Gayunpaman, kinumpirma niya na hiniling niya sa mga mambabatas na huwag ituloy ang impeachment laban kay Duterte sapagkat hindi naman ito importante at pagaaksayahan lamang ng oras ng Kongreso. Ang pahayag niyang ito ay nagpapakita ng direktang pakikialam sa impeachment kung saan pinagtatangkaan niyang protektahan si Duterte, tila
RODRIGO
Panulat | Kurt De Guzman
Takot at pangamba, dala ng tiktik na humilata sa upuan nang anim na taon, si dating pangulo Rodrigo Roa “Digong” Duterte. Walang pakundangang mga salita at ugaling brutal kung umasta, pano kaya ‘to natiis ng bansa?
Isang salita gamit ang matalas na dila, kikitil sa buhay ng mabibiktima. Kasuhan at bulukin sa kulungan ang tiktik na si digong na naghasik ng kadiliman at pumatay ng inosenteng mamamayan. Hindi lider ang tulad niyang ginagawang laruan ang buhay ng kanyang pinamumunuan.
And I don’t give a shit about anybody observing my behavior “
— galit na panayam ni Digong. Dito pa lang, nakababahala na ang ugaling mayroon
siya, ‘di kayang makinig sa iba, ‘di rin kayang ikalma ang dila. Makamasa raw sabi ng kanyang taga-suporta, pero para sa’kin isa lamang signos ng ugaling basura dahil kahit propesyonalidad bilang pangilo ay ‘di magawa.
Sinusunggaban ng tiktik ang kapwa niya halimaw na dati ay kaalyansa. Bakit kaya niya sinuportahan ang kasalukuyang pangulo kung sisiraan niya lang sa dulo?
‘Di na ba siya nakakukubra sa pondo ng bayan? Pati mga matitinong politiko, inaambahan kapag siya ay napipikon sa debateng usapin ay ang kanyang mga kaso. Lalo lang siyang nagdudulot ka lang ng kaguluhan sa magulong lipunan.
Makakalimutan ba natin ang pakulo niyang Drug on War? Ito lang naman ang bumiktima ng ‘di bababa sa 27,000 tao ayon sa Human Right Watch. Hindi ito makatao alam nating lahat. Miski siya, alam ang
SARA DUTERTE
Panulat | Precious Villanueva
kahalimawang ginagawa niya, kaya nga tumatakbo siya sa International Criminal Court (ICC) dahil ‘di tulad ng Pilipinas na nilalaro niya, susupilin at pababagsakin siya nito. Napakahabang dila na may bakas ng dugo ng kanyang biniktima. Nagbabalot-kayong bayani, siya naman ang halimaw na naghahasik ng kadiliman sa bansa. Mistulang laruan ang mga buhay na haharang sa proyektong pinipilit niya na magsasalba sa mga Pilipino.
Gumising na tayo, paulitulit na payo ngunit mahirap para sa mga Pilipino. Nilalaro at pinapaikot lang tayo ng mga nasa upuang tulad ni Digong na imbis na mamuno, nagpapadanak lang ng dugo. Ikulong ang pesteng sumira sa buhay ng mga pamilyang kanyang biniktima. Hindi kailanman dapat hinahayaang pagala-gala ang tiktik na tukad niya dahil baka madagdagan pa ang susunggaban ng kanyang matalim na dila.
Mga halimaw na namumuno sa bayan, nagsusunggaban para sa kapangyarihan.
Sa lahat ng nangyayaring kaguluhan sa gobyerno ngayon, bakit tila nawala ang isang hangaring ipinangako nila noon? Lahat sila ay naatangan na ng pagnanakaw. At sila rin ang nagsisiraan sa kanilang mga pangalan. Ito ba ang bago nilang depinisyon ng “UniTeam”? Sumisingaw na ang tunay na baho ng gobyerno.
Sa malulutong na mura ni Bise Presidente Sara Duterte sa
kanyang nakaraang live ay unti-unti nang lumalabas ang pangil ng aswang. Umano itong maling pagtatrabaho’t pangungurakot ni Speaker Romualdez at ang mga nakaupong Marcos ang nagtulak kay Sara upang isiwalat niya ang mga ito. Bente pesos na bigas? Sa pag-iintay sa kasinungalingang ito’y tayo ay nauutas. Nang dahil sa pera, ang dating magkasamahan ay ngayo’y magkalaban. Pangungurakot, pandarambong, at panloloko. Kung tutuusin, wala namang pinagkaiba si DUTERTE sa kanilang tatlo. Sa kanilang mga gawain, pare-parehas lang naman tayong ninanakawan, sinasaid. Kahit naman may ganitong pangyayaring gulo, sa palabas nila ay nanonood lang tayo.
Kalalabas lang na balita, pinatalsik na ng House of Representative matapos makakuha ng 215 na boto ang aswang na patuloy na naghahasik ng kadiliman. Tawa at tila kawalan ng respeto lang ang responde nito, kinumpara ba naman ang
pagpapatalsik sa kanya bilang tagapaglingkod sa isang hiwalayan ng magkasintahan. Umaalingasaw ang kaitiman ng budhi na matagal niyang inilihim sa mga Pilipino. Kung ako ang tatanungin, hindi ako natatakot sa kung anuman ang mangyari sa gobyerno. Marahil, mas natatakot ako sa mas tumatagal na kahirapa’t sakit na umiikot sa mamamayang Pilipino. Humaling tayo sa iisang pabangong inihahain sa atin ng gobyerno. Kahit sino pa ang magtrayduran sa mga ito, hindi pa rin tayo ang sentro. Mananatili ba tayo sa pagiging talunan, o uumpisahan nating isahan ang mga nagpapaikot sa upuan? Simulang ilaglag ang aswang na nakahilata sa upuan nang mabawas-bawasan ang mabigat na binubuhat ng mamamayan. Imulat ang mga mata, ‘wag na muling maghalal ng mga trapong tulad nila. Baka sa oras na tayo ay masilaw muli sa kanilang mga kasinungalingan, ‘di na sila magpapadalos-dalos at buong bansa na ang kanilang susunggaban.
Panulat | Yadah Ramos
“Akala mo lang wala pero MERON MERON MERON”
Meron nga ba talagang nagbago? Kung oo, ano?
Bakit hinayaan? Saan nagkulang ang mga direktor kung buong salapi nila ay nasisimot magawa lamang ang pelikulang napagkasunduan sa kontrata?
Kay bilis talaga ng panahon at nandito na tayo sa modernong panahong parang koryente lang kung dumaloy ang mga pagbabago. Taong 1919 nang maihayag ang pelikulang Dalagang Bukid sa ilalim ng pangalan ng Ama ng Pilipinong pelikula na si Jose Nepomuceno na binidahan ni Atang De La Rama na isang mang-aawit noong unang panahong naging hudyat ng pagsisimula ng industriya ng larangan ng pelikula sa Pilipinas. Maraming karayom na ang pinasukan ng larangan ng pelikula, maraming pangungutya ang tumusok sa puso at isipan ng mga artistang walang kahit isang almang maririnig hanggang sa matapos ang mga eksenang magsisilbing tubig sa agos ng pelikula.
Sa paglago ng industriya ng larangan ng pelikula marami nang mga manunulat at direktor tulad nina Manuel Conde kasama ang kaniyang obra maestrang may pamagat na Genghis Khan, Gerardo De Leon kasa-kasama ang kaniyang sikat na pelikulang Noli me Tangere na isinulat ng ating bayaning si Dr. Jose Rizal, at Lamberto Avellana na may pelikulang itinuturing na pinakatumatak sa isipan ng mga Pilipinong may pamagat na Anak Dalita—ang namayagpag sa industriyang kinabibilangan ng larangan ng pelikula. Marami pang mga pelikulang tumusok sa puso ng mga Pilipino dahil sa iba’t ibang aspeto at perkpektibo nito sa lipunan at paglikha ng masining na paraan ng paghahayag ng mensahe sa magkakaibang usaping kontrobersiyal sa bansa. Noong dekada ‘70 at ‘80 itinuring ang pelikula bilang karagdagang midyum ng sining, subalit ginamit din ito bilang midyum ng protesta
sa ilalim ng administrasyong Marcos. Pelikula ang naging paraan noong panahon upang ihayag sa madla ang pang-aapi sa likod ng mga mapupulang manggas ng dating presidenteng si Ferdinand Marcos Sr. na ngayong itinuturing diktador ng bansa. Sa kabila ng karahasan at bigat ng problema sa mga pelikulang ipinalabas sa panahong ito, ito ay hindi lamang naging usapin sa loob ng bansa ngunit naipadala pa ang mga ito sa pandaigdigang pagbibigay-parangal sa mga itinuturing obra maestrang mga pelikulang gawa ng dugo ng Pilipino.
Iba’t ibang mga parangal na ang nasungkit ng mga iba’t ibang pelikulang ito na nagbigay ng makintab at magintong pangalan sa bansang Pilipinas. Subalit sa bilis ng mga pagbabago, bukod sa pelikula ay nakakaimbento na rin ang nakakaimbento na rin ang mga tao ng iba’t iba’t ibang paraan upang makanood ng pelikula nang libre na siyang nagdudulot ng pagbaba ng benta ng mga pelikulang nag-uuwi ng sakit ng ulo sa mga taong kumikilos sa likod ng mga kurtinang nagiging pundasyon ng isang pelikula.
Hihintayin ko nalang yan sa illegal website. “
Ilang gabing walang tulog, ilang taong papasahurin, maiwasan lang ang pagkakaroon ng abala. Ngunit bakit nagiging ganito ang kapalit? Bakit nababaon sa lupa ang mga pelikulang ilang buwang pinaghirapan dahil mas pinipili na ng mga tao ang manood na lamang sa ilegal na pamamaraan?
Sa pagsapit ng dekada ‘90, unti-unting bumaba ang mga manonood dahil sa pag-imbento ng mga teknolohikal na kagamitan tulad ng mga DVD at VCD at mga piratang
MAIKSING BAKASYON
Pasok na naman o kay tulin ng araw!
Dalawang linggo na tila ba dalawang araw lamang. Mga takdangaralin na napabayaan. Mga unipormeng hindi pa napaplantsa. Mga gawaing naiwang nakabinbin sa lamesa. Mga proyektong nakatunganga. Parang kahapon lang nagpapaunahan kami ng kuya ko para makakuha sa noche buena, ngayon nama’y nagpapaunahan kami sa
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Paaralang Sekondaryang Pang-agham ng Lungsod Quezon Tomo I Blg LI | Agosto-Enero
compact disc na sanhi ng dahan-dahang pagbagsak sa kita ng mga pelikula sa sinehan. Isa rin sa naging sanhi ay ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga banyagang pelikulang sinasabing mas mainam sa mga mata ng Pilipino dahil sa laki ng badyet ang meron ang mga banyagang bansa sa pagbuo ng mga pelikula, mas nakakagawa sila ng mga pelikulang mas adbans kesa sa bansang Pilipinas, kaya mas umaangat ang mga banyagang pelikula sa bansa; ngunit sa kabilang pahina, patuloy na bumabagsak ang industriya ng mga pelikula sa Pilipinas. Sa pagtungtong sa panahon na mas marami na ang nakakaalam kung paano laruin ang mundo ng teknolohiya, dito na pumasok ang mga pahinaryang ilegal na puwede nang manood ang kahit na sino nang hindi nagbabayad. Bakit nga ba kung sino pa ang hindi naghirap sa pag buo ng pelikula, sila pa iyong nagkakaroon ng salapi? Bakit nga ba may hanapbuhay na nakakasira ng hanapbuhay ng iba gaya nito? Hirap, pagod, at pagaalinlangan ang araw-araw na dinaranas ng mga taong ito kada pagpasok sa trabaho. Ilang papel at tinta ang nasasayang sa pagpapabagobago ng mga eksena makuha lang ang gustong timpla ng kliyente. Totoong walang pera sa larangan ng pelikula ngunit kung ikaw ay may puso sa iyong ginagawa, mas matimbang pa sa limpaklimpak na salapi ang meron ka sa iyong bulsa na madadala sa araw-araw na buhay. Hindi madadaig ng matiyagang tao ang mga taong uhaw sa salapi pero walang paghihirap.
Nagpapatuloy ang larangan ng pelikula sa bansang Pilipinas hindi dahil ito ay trabaho lamang, kung hindi dahil sa mga taong may pusong nagpapasaya ng mga tao gamit ang sining ng pelikula.
Dibuho | Briana Samson, Gionard San Pedro
paggamit ng printer para sa mga kailangan naming ipasa. Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga, sapagkat damang-dama ang pagmamadali sa dapat sana ay masayang pagdiriwang ng
Pasko at Bagong Taon. Mga araw na dapat ilaan para sa pagpapahinga at pakikisama sa pamilya, naubos agad tulad ng mango graham nila tita. Ang ingay at tawanan na kahapon ay bumabalot sa paligid; natigil na muli. Lahat ng tao sa tahanan ay balik na
naman sa dating gawi. Si inay at si itay, maaga na namang umalis para makarating sa trabaho. Si kuya, kahapon pa bumalik sa dorm ng kaniyang kolehiyo. Habang ako, magisa na naman at nag-aatubili para pumasok sa paaralan.
Sariwa pa sa hangin ang amoy ng paputok at may mga bakas pa ng nagdaang selebrasyong sa paligid ay nakabalot. Nung isang araw lang, puro mga kantang pampasko ang naririnig, ngayon mga busina
na ng mga kotse at kung ano-ano pang mga PUV. Habang naglalakad sa kalye, nakikita ko sa bawat taong dumadaan ang puyat. Panigurado’y dala ito ng kani-kanyang saya sa okasyong naganap kahapon lamang. Paskong nagdaan tila ba kung kailan lang! Pagdating sa klase, kita
ang mga matang papikitpikit at mga ulong hindi mapigilan ang pagyuko dala ng antok. Hindi na sorpresa na kakaunti lamang ang laman ng silid dahil karamihan ay nasa gitna pa ng bakasyon at puno pa ng diwa ng Pasko. Ang iilan namang pumasok ay
Bilang mga Pinoy, likas sa atin ang kahiligan at pagtangkilik sa iba’t-ibang uri at genre ng musika. Minsan, hindi talaga mapipigilan ang pag-indak at pag-indayog ng ating mga katawan sa tuwing nakakarinig ng mga awitin na kasalukuyang patok sa nakararami, lalo na kung ang mga ito ay tulad sa mga kanta ng Nation’s Girl Group na BINI at ng P-pop Kings na SB19. Bukod sa nakakaadik na kanilang mga kanta, naglalaman din ang mga ito ng mga makukulay na liriko na may kani-kaniyang espesyal na mensahe.
Kapag naman nangungulila, may dinadamdam, may ninanais o kaya naman ay trip-trip lamang, hindi mawawala sa playlist ang mga kantang tulad ng Pano ni Zack Tabudlo, Ikot ng Over October, Dilaw ni Maki, Captivated ng IV of Spades (IVOS), Ligaya ni mrld, at Estranghero ng Cup of Joe.
Kung noon ay uso ang mga mabagal at tila melodramatikong mga kanta, ngayon naman ay patok sa nakararami ang mga kantang may mabilis na tempo at may inspirasyon mula sa iba’t ibang mga genre sa mundo. Sa kabila ng pagbabago ng mga genre at pag-usbong ng mga bagong estilo, ang P-pop (Philippine Pop) at OPM (Original Pilipino Music) bands ay muling nagpapakita ng kanilang lakas at kakayahan sa pagakit ng madla, hindi lamang sa lokal na entablado kundi maging sa buong mundo.
Sa kabila nito, hindi pa rin nawawala ang pagkatatak Pilipino sa mga
halatang kulang sa tulog. Pati ang iilang guro na pumasok, papikit-pikit din sa antok. Ang mga klase na madalas ay ubod ng ingay at init, kasalukuyang binabalot ng tahimik at lamig. Lahat kami ay iisa lang ang nasa isip. Lahat kami, nangungulila sa aming mga tahanan at sa bakasyon na tila bitin. Habang lumilipas ang linggo, dumadami na kahit papaano ang mga estudyanteng pumapasok. Bawat isa may bagong
kanta ngayon. Siyempre, ang mga awiting ito ay gumagamit ng wikang Filipino; ngunit hinahaluan na rin ito ng iba pang mga diyalekto. Bukod pa dito, ginagamit na din ng mga musikero ang mga salitang kinokonsiderang “malalim” ang kahulugan. Isang halimbawa na lamang ay ang Sining ni Dionela. Ang kaniyang awitin ay gumamit ng mga salitang “ikinamada”, “marahuyo”, at “salamangka”, mga terminong hindi kadalasang naririnig sa araw-araw na mga usapan. Dahil sa natatanging estilo ng mga Pilipinong musikero na katulad nina Dionela, TONEEJAY, Rob Deniel, Maki, grentperez, YDEN, at marami pang iba, madaling makita kung bakit ang mga awiting Pilipino ay pumapatok hindi lamang sa mga lokal, kundi pati na rin sa mga internasyonal na tagapakinig.
Ang mga bandang tulad ng Ben&Ben, IVOS, Sugarcane, The Ridleys, Cup of Joe at Lola Amour ay patuloy nanagbibigay ng musika na umaantig sa damdamin ng bawat Pilipino. Karaniwa’y patungkol sa buhay, pagibig, at pag-asa— mga temang malapit sa puso ng kanilang mga tagapakinig.
Ang mga bandang OPM ay nagpapakita ng mga kwentong mula sa personal na karanasan na nagiging relatable sa mga tagapakinig. Sa bawat liriko, sa bawat nota at tugtog, sumasalamin ito sa tunay na buhay ng mga Pilipino. Mga tagapagsalaysay ng mga kwentong madalas hindi nasasambit sa pangaraw-araw na usapan.
Ang P-pop ay hindi na lamang isang lokal na genre; ito ay isang kilusang nagtatanghal ng natatanging musika, talento, at kulturang Pilipino. Sa mga naglalakihang grupo tulad ng BINI, SB19, at Alamat, ang P-pop ay tila isang rebolusyong kultural na sumasalamin sa
kuwento, kagamitan, regalo, gupit ng buhok, at kung anoano pa! Hindi nagtagal ay bumabalik na muli ang sigla na sa una’y nawala. Ngayong may pasok, dapat magpasalamatan! Bagamat bahagyang nakalulungkot dahil ang dating sulit na bakasyon ay tila pinaikli, masaya pa rin naman ito kahit papaano dahil nagkaroon kami ng panahon upang makapagpahinga at magsaya kasama ang aming mga mahal sa
damdamin at hilig ng mga kabataan. Mga musikang hindi lamang nagpapaindak ng ating katawan, mayroon ding mensaheng umaantig sa puso at nagpapakita ng pagmamalaki at pagmamahal bilang mga Pilipino.
Ang tagumpay ng P-pop at OPM ay hindi lamang makikita sa mga lokal na entablado, ang talentong pinoy ay nakaabot rin sa iba’t ibang international stage sa buong mundo, mula sa Billboard Charts hanggang sa mga Global music awards. Ang kanilang mga kanta ay nakikilala hindi lamang sa ating bayan kundi pati na rin sa buong mundo, dala ang pangalan ng musikang Pilipino. Patunay ang mga tagumpay na ito na ang musikang Pilipino ay kayang matapatan at maungusan ang iba’t ibang mga grupo at mangaawit sa buong mundo. Ang tunguhin at passion ng mga P-pop at OPM ay nagsisilbing inspirasyon, lalo na sa mga batang may angking talento at nangangarap din na magtagumpay sa industriya ng musika. Sa pagsikat ng P-pop at patuloy na pagningning ng OPM bands at singers, hindi nawawala ang kanilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa ating mga tradisyon at kultura. May mga pagkakataon pa nga na ito ang siyang inspirasyon o basehan para sa kanilang mga kanta. Sa bawat tempo at liriko na kanilang ibinabahagi sa kanilang mga tagapakinig, talagang makikita ang passion at pagmamahal na binubuhos nila sa kanilang mga awitin. Sa pamamagitan ng musika, nabubuhos nila ang kanilang mga hinanakit at iba pang mga damdamin. Sa pamamagitan nito, kanilang naibabahagi at naipagmamalaki sa buong mundo na sila ay tatak Pilipino.
buhay. Pagkatapos ng mahahabang buwan na puno ng puyat at luha kakahabol sa sandamakmak na mga takda, gawain, at proyekto, nagkaroon din kami ng oras para makapagsiyesta. Maiksi man at mabilis, mabuti at nagkaroon pa rin, kahit sandali. Kahit na may pagod na nadarama, ang mahalaga ay may karamay na muli. Panibagong araw, panibagong pagsubok. Panibagong pasok na naman, o kay tulin talaga ng araw.
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Paaralang Sekondaryang Pang-agham ng Lungsod Quezon Tomo I Blg LI | Agosto-Enero
Tagahugas ka raw ng pinggan sa may Misamis
Si Joy, punong-puno ng buhay, grasyosong umiikot sa kusina ng kantina sa kabila ng init at pagod. Bawat hakbang ay kumekembot, kumakanta, sabay ngiti sa kada putaheng hinahain; mga platong kanyang hinuhugasan ay walang laban sa puti ng kanyang ngiti.
Balita ko’y may anak ka na Pag-uwi sa tahanan, tila darna ang anak sa kanyang mga kamay— bawat araw mas bumibigat, habang papalapit na ang edad ni Ligaya sa edad ng mga pinaglulutuan nya sa Kisay. Puno ng takot ang ating bida. Ngunit sa mga araw nitong tumatanda na si Ligaya, patuloy ang kanyang pagkayod bilang isa sa mga pundasyon ng paaralan.
Muli, umikot ang plaka
Sa kada araw ng pagpasok ni Joy bilang “ate sa kantina”, paglingon sa may gate ay si Emman— determinadong protektahan ang eskuwelahan, maluwag at nagpapapasok ng mga atrasado, ngunit mahigpit sa mga mukhang
BUHAY MANGGAGAWA
arestado. Sa isa pang parte naman ng kantina ay si Hector—pumapapel bilang tagasuplay ng papel. At sino ba namang makakalimot kay Anthony— ang tanging dahilan ng ating kalinisan. Ang apat na magtotropa na hanggang sa pag-alis sa Kisay ay hindi malilimutan. Lumipas ang maraming taon ‘Di na tayo nagkita
Sa gitna ng kolehiyo, biglang bumalik sa isipan bilang inspirasyon para sa isang artikulo—pagbalik sa paaralan, halos walang nagbago. Amoy ang samyo ng menudo, rinig ang tunog ng blender sa tabi ng tusok-tusok, malinis pa din ang kapaligiran, at binabati ng ngiti ni Emman. Kisay.
Sana noon pa man ay sinabi na sa inyo, sa inyong mga trabaho, maliit o malaking gawain sa araw-araw, hindi kailanman kayang makapagtapos na wala ang inyong mga ngiti, at paulit-ulit papaikutin ang plaka upang masilayan ang pagsisikap para sa inyong mga pamilya, at ang pamilyang nabuo sa apat na sulok ng Kisay.
MATAAS NA PRESYO
“Hanggang saan aabot?” ‘yan ang natatanging tanong na kanina pa tumatakbo sa isipan ko. Habang nakaupo at nakatulala sa bintana, iniisip ko nang maigi kung magiging sapat ba talaga ang pera sa aking bulsa.
“Pasensya ka na anak, pagkasyahin mo na muna, walang sobra si mama.” ‘yan ang sabi sa’kin ng aking masipag at butihing ina kaninang umaga. Nang bilangin ko ang baryang kaniyang inabot, napagtanto ko na P100 lamang ito.
Habang naghihintay ng masasakyan papasok, kinakalkula ko na lahat ng magiging gastusin ko: P13 na pamasahe papasok, P13 na pamasahe pauwi, at P10 para sa ambagan ng aming class funds. Ang tanging matitira para sa pangkain ko;
P64. Pagsakay sa isang jeep, tinanong ko muli ang sarili ko, “Jusko, hanggang saan kaya aabot ang P64 ko?”. Sariwa pa sa isipan ko ang narinig ko sa balita noong nakaraang linggo. Ayon daw sa National Economic and Development Authority (NEDA), ang P64 ay sapat na para sa tatlong kainan ng isang tao mula sa pamilya na binubuo ng limang indibidwal. Hindi ko maiwasang mapakamot ng ulo, sapagkat tila malabo na mangyari ito. Paano nga naman iyon magkakasya sa lagay ng ekonomiya natin ngayon? Halos linggo-linggo, nagbabago ang presyo ng mga produkto. Bagamat hindi ganoon ka-taas ang bilang ng inflation sa ngayon, hindi ito nangangahulugan na bumababa ang bilang ng gastusin ng mga mamamayan.
Nang mag-umpisa na ang aming break time, sumabay ako sa dagat ng iba pang mga estudyanteng papunta sa canteen. Nagdesisyon na lamang ako na bumili ng kikyam at tubig na parehas na P20 ang presyo. Nais ko sanang tikman ang bagong paninda nila na taho, ngunit ito’y P35 at hindi pasok sa budget ko dahil kinakailangan ko pang bumili ng pangtanghalian mamaya. Dahil dito, tanging P24 na lang ang natitira sa bulsa ko. Muli, napaisip nanaman ako, “Hanggang saan naman kaya aabot ang natitira kong barya na ito?”. Meryenda pa lamang, ngunit tila paubos na ang salaping ito. Nakakatakam man ang itsura at amoy ng mga pagkain at inumin na makikita sa aming canteen, ngunit wala
na akong ibang magagawa kundi gawan ng paraan para pagkasyahin ang natitirang pera ko. Masakit sa bulsa pero alam ko din naman na hindi mura ang mga sangkap na ginagamit ng mga ate at kuya para ihanda ang mga pagkain na tinatangkilik ng mga estudyante, guro, at iba pang mga tao sa paaralan.
Habang ako’y pabalik sa aking silid-aralan, sumubo ako sa masarap na kikyam na binili ko.
Ngunit sa totoo lang; alam ko sa sarili ko na hindi sapat ito, dahil damang-dama ko pa rin ang pagkulo ng sikmura ko. Maya maya…
Kkkkkrrrriiinggggg!! Oras na ng tanghalian, ngunit hindi ko pa alam kung ano ang kakainin ko. Andami kong
gusto, pero ni-isa sa mga ito ay hindi ko mabili dahil ngayon ay walang-wala talaga ako. Natapos na lamang ang araw, hindi na ako nakapananghalian.
Habang nakasakay sa jeep pauwi sa tahanan namin, nagmunimuni ako. Kinapa ko muli ang bulsa kong wala nang laman at sinagot ko na ang tanong na sa akin ay buong araw bumabagabag; “Hanggang saan aabot?”. Hindi malayo ang maaabot mo sa P64 lamang—hindi sa ganitong ekonomiya. Ang halagang ito, kaya lamang magtawid ng gutom, ngunit hindi ito sapat para magsilbi bilang budget para sa tatlong kainan ng isang tao; dahil sa totoong buhay, hindi ito aabot at hindi din ito sasapat, para sa kahit sinong indibidwal.
Panulat | Brianna Untal
Sikat ng araw, binuksan ang aking mga mata, sa loob ng jeep, sa gitna ng gasolinahan, sa gilid ng malawak na kalsada ng mga bumubusinang sasakyan – isang estudyante ng Kisay, lumalaban para sa buhay, natutulog sa bukang liwayway. Mag-a-alassais na, isang oras na lamang bago magsara ang tarangkahan; pero maaga naman ang gising ko ah?
Alas dos ng umaga. Kumakalam na sikmura,
mahimbing na tulog ay ginising. Ngunit bago busugin ang sarili, ganito kaaga ang igigising para takdang-aralin ay tapusin at sapatos ay linisin. Alas tres ng umaga. Oras na para sa almusal, pero hindi pa gising si mama. Sa umagang gusto ko ng adobo, mas madali magluto ng itlog at tocino. Nang nagising na sina ate at kuya sa samyo ng simpleng agahan, kami’y nagsalo at nagtalo kung sino’ng unang gagamit ng banyo.
Alas kwatro ng umaga. Mahuhuli na yata kami nito! Kay bilis talaga ng oras sa umaga kung kasama mo ang mga kapatid na makipag-agawan sa oras. O sya, patapos nang maligo, sunod nama’y paggayak. Kung makaaalis kami ng alaskuwatro y medya, kaya pang dumating nang maaga. Alas-kuwatro y medya, ang jeep ay lumarga. Sobrang aga, ngunit walang magagawa—ang byahe mula sa probinsiya ay
hindi madali sa umaga. Sa takot na makipaghabulan sa orasan mamayang alas-sais ng umaga, pilit dinidilat ang mata sa oras ng tulog ng mga banyaga. Heto na, mag-a-alas-sais na at nagising ako sa gasolinahan. Patungong Mindanao Avenue, pakiramdam ko’y gumaan nang naging berde ang pulang ilaw, at alas-singko y medya—lumarga muli ang jeep. Minsa’y tinanong ako ni papa, bakit nga ba hindi
na lamang ako lumipat?
Kung tutuusin, mas malapit na paaralan, mas madaling puntahan. Ngunit ang puso ko’y laging tatawagin ng Kisay—isang pribilehiyo, isang karangalan, isang pagkakataon na hindi ko pakakawalan. Gaano man kahaba ang oras na gugugulin, gaano man kalayo ang mga daan na tatahakin, paulit-ulit na gagawin hanggang sa matapos ang biyahe tungo sa pagkamit ng diploma.
Opisyal na Pahayagang Filipino ng
Paaralang Sekondaryang Pang-Agham ng Lungsod Quezon
Tomo I Blg LI | Agosto-Enero
LGBTQ+ AWARENESS
Panulat | Jai Magonles
MABU-HEYYYYYY! IT’S WORLD DOMIN”ASIAN” TIME!
Sa patuloy na pag-ikot ng mundo, unti-unti nang nabubuwag ang mga hadlang at diskriminasyon laban sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community. Ang mga taong dati’y takot magpahayag ng kanilang nararamdaman ay nagtatagumpay na ngayon. Ang pag-usbong ng drag race ay tila isang ilaw na gumagabay sa landas ng pagtanggap at kamulatan— isang patimpalak ng di matatawarang kagandahan, walang kapantay na talento, at pak na pak na sining ng sariling pagpapahayag.
Sa unang tingin, iispin ng iba na ang drag race ay isang simpleng paligsahan ng kasuotan at anyo. Ngunit sa likod ng makukulay na kolorete sa mukha at naggagandahang runway, nakapaloob ang isang mas malalim na pagsasalaysay—isang labanan ng kaluluwa kung saan ang mga drag queen ay inilalantad hindi lamang ang
kanilang pisikal na anyo, kundi pati ang kanilang puso at damdamin. Ang bawat hakbang sa entablado, bawat rampa at ikot ng palda, bawat linyang binibitawan ay nagpapahayag ng matinding laban para sa pagtanggap—isang sigaw ng kalayaan mula sa mapanlinlang na paningin ng lipunan. Sa kabila ng mga ilaw at palakpak, ang drag race ay isang pakikibaka para sa karapatan, pagmamahal sa sarili, at pagkilala sa pagkatao ng bawat isa. Bagaman ang ilan ay nananatili sa anino ng kahapon, dahan-dahan nang nagiging bahagi ng liwanag ng kasalukuyan ang drag race. Kung dati’y itinatakwil at hinuhusgahan, ngayon ay isa nang pangunahing nyo ng kaligayahan at sining na tinatangkilik at niyayakap ng masa. Ang pagtanggap ng lipunan ay isang prosesong tulad ng paglaki ng isang bata—hindi madali at hindi minamadali, ngunit kinakailangang alagaan ng pagmamahal at pag-unawa.
”Racers, start your engines, and may the best drag queen win!” entablado, bawat rampa at ikot ng palda, bawat linyang binibitawan ay nagpapahayag ng matinding laban para sa pagtanggap—isang sigaw ng kalayaan mula sa mapanlinlang na paningin ng lipunan. Sa kabila ng mga ilaw at palakpak, ang drag race ay isang pakikibaka para sa karapatan, pagmamahal sa sarili, at pagkilala sa pagkatao ng bawat isa. Bagaman ang ilan ay nananatili sa anino ng kahapon, dahan-dahan nang nagiging bahagi ng liwanag ng kasalukuyan ang drag race. Kung dati’y itinatakwil at hinuhusgahan, ngayon ay isa nang pangunahing anyo ng kaligayahan at sining na tinatangkilik at niyayakap ng masa. Ang pagtanggap ng lipunan ay isang prosesong tulad ng paglaki ng isang bata—hindi madali at hindi minamadali, ngunit kinakailangang alagaan ng pagmamahal at pag-unawa.
“Ang tunay na ikaw ay ipakita sa isip, sa salita, at sa gawa. Puso, puso, at puso pa rin!”
Habang patuloy na nasa ilaw ng tagumpay ang drag race bilang isang anyo ng kaaliwan, sining, at pagpapahayag, natututo ang lipunan na hindi ito tungkol lamang sa mga makikislap na kasuotan at kolorete. Ito ay isang paghihimagsik laban sa mga pader ng panghuhusga— isang plataporma ng pagtanggap, pagkakapantay-pantay, at pagbibigaybuhay sa iba’t ibang anyo ng kagandahan.
Sa dulo ng bawat lipsync battle, sa kabila ng bawat halakhak, palakpak, at hiyawan, naroon ang tunay na mensahe ng drag race: ang mundo ay mas maganda kapag puno ng pagmamahalan, pag-unawa, at respeto sa pagkakaiba ng bawat isa. Sa bawat pagtanggap ng lipunan sa drag race, lumalapit tayo sa isang mas maliwanag at makatarungang bukas—isang mundong may karapatang ipahayag ng lahat ang kanilang tunay na sarili.
Diskriminasyon laban sa kababaihan. Isang madilim na ulap na pumapailanlang sa kalangitan ng pag-unlad.
Sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga inaalipusta, tila ba ay ginagatungan ang apoy na kumakain sa karapatan ng mga kababaihan. Kasabay ng pagliyab ng apoy ang pagsibol ng liwanag ng pag-asa. Isang simbolo ng katatagan at katapangan. Isang patunay na sa kabila ng mga bumabalakid at sumasalungat, nananatili pa ring matibay at patuloy na lumalaban.
Marahil ay kinikilala ng ilang tao ang mga kababaihan bilang mahihina at sunod-sunuran. Buhay na ang ganitong mentalidad mula pa lamang noon, at panahon na upang wakasan ito.
Ang kababaihan ay hindi sunodsunuran, bagkus karamihan sa kanila ay kinikilala bilang pinuno at bayani ng lipunan. Hindi isang sunod-sunuran, hindi isang nilalapastanganan, kundi isang binibining may angking lakas, tapang, at husay na manguna sa kahit anong larangan.
Ayon sa World Economic Forum, 80% ng mga lider na babae ay nag-ulat ng positibong pagbabago sa lokal na pamahalaan at ekonomiya.
Isang patunay na lamang ang mga magagaling at kahanga-hangang pinuno ng sanggunian ng mga magaaral mula sa Quezon City Science High School. Pitong babae na mayroong iisang layunin at mithiin— ang mamuno at magsilbi. Ang pangulo na si Gray David ang nangangasiwa sa kabuoang sistema. Katuwang niya sina Crista Bernal bilang pangalawang pangulo, Kim Pleyto bilang ingatyaman, Sydney Avendaño bilang Auditor, Carrie Gubalane bilang Public Relations Officer, Yupa Sala bilang Protocol Officer, Yana Ferrer bilang pinuno ng CVC, at Jesimiel Tadaya bilang pinuno ng 4Cs.
Mula sa pag-
| Robi Otia
oorganisa ng mga maliliit at malalaking pagdiriwang, pagpapapirma ng mga papel, pakikipagtalakan hanggang sa paghalili bilang boses ng sambayanan at paghingi ng mga mungkahi, sila ang nakaatas diyan. Hindi lamang sila mga pinuno kundi mga estudyante ring nagtatamo ng mga matataas na marka. Kahit nakakapagod at nakakapanghina dahil sa dami ng gawain, dagdagan mo pa ng mga pambabatikos at pagdagsa ng mga problema, hindi pa rin nila binibigo ang kanilang pinamumunuan. Iyan ang husay ng lider na alam ang kaniyang paninindigan at laban—ang tatak ng isang babae.
Mahinhin man ang tingin sa mga kababaihan, masidhi pa rin ang sigaw ng kanilang mga paninindigan. Hindi isang laro ang pamumuno. Hindi isang instrumento para sa dagdag na karanasan. Malaki ang gampanin ng mga tagapagsunod at malinaw na nagagampanan nila ito nang mabisa. Mahirap maging babae, lalo na kung kagaya ka nilang mayroong mataas na tungkulin at malaki ang inaasahan mula sa iyo. Isang pagkakamali mo lamang ay maririnig mo na ang mga linyang “Babae kasi,” at “Pabayaan mo na, babae lang ‘yan.” Ang hirap maghanap ng lugar para sa kanila kung ang mundong kanilang kinabibilangan ay agad nang mapanghusga.
Sa kabila ng mga bumabatikos at masasakit na salitang tumatagos sa kanilang mga dibdib, nananaig pa rin ang katatagan sa kanilang kalooban. Babae ka, hindi babae lamang. Hubarin na natin ang mababaw na mentalidad. Puksain na natin ang mga humaharang kapayapaan. Ihipan natin ang hangin ng pagunlad.
Larawan | Miykael Llesis
Banyuhay
Mahuhusay. Matatalino. Mararangal. Ilan sa mga salitang nagbibigay-buhay sa Quezon City Science High School (QCSHS)—isang paaralang hindi lamang nagtuturo ng kaalaman, kundi nag-uukit ng mga pangarap at tagumpay sa mga mag-aaral na may malasakit at dedikasyon sa agham at teknolohiya. Kabilang ang mga magulang, guro, at kawani sa pagiging daan sa tagumpay ng mga kabataang nagsisilbing inspirasyon sa buong bansa. Isa sa mga programa na tumutulong upang mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan sa agham ay ang taunang Regional Science and Technology Fair (RSTF). Sa temang “Towards a Shared Vision: Exploring the Future for a Better Tomorrow,” layunin ng patimpalak na ito na pagtibayin ang kasanayan sa pananaliksik at ipakita ang kahalagahan ng agham sa paglutas ng mga suliranin sa bansa. Sa pamamagitan ng RSTF, ang mga mag-aaral ay nabibigyan ng pagkakataong ipamalas ang kanilang galing at makapag-ambag sa mga solusyong kinakailangan ng bayan.
Mahahalagang Tao sa Likod ng Pagsulong ng Agham at Teknolohiya
Si Dr. Cristito Eco, Assistant Regional Director ng Department of Science and Technology (DOST), ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pasyon at dedikasyon sa agham: “Students should have a passion for what they do as if they’re doing it to help and share knowledge... not just for fame or grades.” Binanggit din niya ang kahalagahan ng konkretong solusyon sa mga proyekto, “If the proposal is solid, support will follow naturally—people are drawn to good ideas and solutions.”
Pagpapalawak ng Kaalaman: OLLH at ang Kahalagahan ng Praktikal na Karanasan
Ibinahagi ni Paul Richard T. Camangian, Presidente at CEO ng Our Lady of Lourdes Hospital, ang kahalagahan ng praktikal na
karanasan sa agham sa pamamagitan ng internship at hands-on learning. Ayon sa kanya, ang mga work immersion ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng pagkakataong matutuhan ang mga larangan ng agham at magpasya kung nais nilang ituloy ito bilang karera.
Dagdag pa niya, “Imagine a future where society relies solely on influencers with no scientific background… Science
is here to help us, based on empirical evidence and data.” Ang mensahe niya ay nagsusulong ng agham bilang gabay sa paggawa ng tamang desisyon, batay sa matibay na datos.
Mga Guro sa Likod ng Pagpapaunlad ng mga Mag-aaral sa Agham
Si G. Earl Francis Merilles, guro sa QCSHS, ay patuloy na nagbibigay ng
Kuwentong Tagumpay ng RSTF 2024
Panulat | Fatima San Jose
inspirasyon at gabay sa mga mag-aaral. Ayon sa kanya, “I draw inspiration from my students, seeing how passionate they are about their work.” Kasama niya ang gurong si Bb. Genevieve Vasquez at ang iba pang mga kaguruan sa pananaliksik. Ang kanilang dedikasyon ay isang mahalagang salik sa tagumpay ng mga mag-aaral sa iba’t ibang patimpalak at proyekto.
Higit pa sa Mga Parangal: Ang Mas Malalim na Kahulugan ng Tagumpay Hindi nagtatapos sa mga parangal at medalyang kanilang natamo ang tagumpay na nakamit ng mga magaaral ng QCSHS. Ang bawat tagumpay ay nagpapakita ng mas malalim na kahulugan—ang kahalagahan ng pagtutok sa pananaliksik bilang bahagi ng pagunlad ng mga mamamayan bilang isang bansa.
May papel ang bawat mag-aaral na nagtagumpay sa RSTF at iba pang patimpalak sa pagpapalago ng agham at teknolohiya sa bansa. Nagsisilbing gabay ang mga magulang, guro, at mga nakatataas na patuloy na nagbibigay ng suporta upang matulungan ang mga kabataan na makamtan ang kanilang mga pangarap at maging bahagi ng solusyon sa mga hamon ng bayan. Sapagkat sa kabila ng mga mahalimuyak at mahapding karanasan sa loob ng minamahal na paaralan, hindi maikukubli na isang tunay na gantimpala ang mapabilang sa hanay ng mga bukod-tangi. Laging mayroong kasamang sakripisyo at pagsusumikap sa likod ng bawat tagumpay, ngunit ito rin ang nagbubukas ng pinto para sa mas maganda at mas maliwanag na kinabukasan.
Lagi’t lagi, para sa paaralang binubuo ng mga guro at mag-aaral na mahuhusay, matatalino, at mararangal. Lagi’t lagi tungo sa ikauunlad ng ating bayan, sa tagumpay na pangarap ng bawat mamamayan.
bawat detalye ng isang CT scan image upang matukoy ang mga senyales ng sakit bago pa ito lumala.
Isa sa mga kahanga-hangang kakayahan ng PINTIG ay ang pagtukoy ng bara kahit kasing-liit lamang ng 50 micrometers—mas maliit pa sa lapad ng isang hibla ng buhok ng tao—sukat na hindi basta-bastang nakikita ng ating mga mata, ngunit sa tulong ng AI, nagiging posible ang maagang diagnosis.
Ayon kay Kenzo Tayko, isa sa mga bumuo ng PINTIG, “Ang kasalukuyang sistema ay kadalasang natutukoy ang sakit kapag ito’y nasa advanced stage
may potensyal na magligtas ng libolibong buhay. Hindi naging hadlang ang kakulangan sa resources o limitadong suporta upang buuin ang PINTIG. Sa halip, ito ang naging hamon na nagpatibay sa kanilang determinasyon.
Ang PINTIG ay hindi lamang produkto ng programming at machine learning; ito ay bunga ng aming malasakit sa kapwa.
...ani Tayko. Ang kanilang pagkapanalo sa Regional Science and Technology Larawan | Mischa
Sa bansang binubuo ng mahigit 7, 640 pulo, tila naging pang-araw-araw na tanawin ang pagbagsak ng mga sakuna— hindi isang beses, kundi sunod-sunod, sabay-sabay, at walang pahinga. Hindi pa man nagagamot ang mga sugat ng huling trahedya, heto na naman ang susunod.
Sa bansang tahanan ng matatapang at matatatag, tila lagi na lang hinahamon ng kalikasan ang kakayahan ng bawat Pilipino. Waring isinumpa sa sabay-sabay na sakuna—isang masalimuot na koro ng unos, na sa bawat nota ay pumipinsala sa lupa, tahanan, at pangarap ni Juan.
Subalit, habang nananatiling di mahulaan ang galit ng kalikasan, hindi maikakailang tayo mismo ang tahasang humuhubog sa maraming mga trahedyang ito. Ang pagkalbo sa mga kagubatang minsang naging ating kanlungan, ang walang habas na pagmimina sa pusod ng lupa, at ang pagkapit sa maruming enerhiya ng fossil fuels.
Dahil dito, unti-unting umiinit ang mundo, tumataas ang alon ng dagat na tila nanunumbat, at lumalakas ang bawat unos na sumasalanta sa ating tahanan. Ang mas masakit? Tayo, na dapat sanang
KALUSUGAN
tagapangalaga ng kalikasan, ang siya ring dahilan ng bigat ng bawat delubyong ating dinaranas.
Sa bawat sakunang dumarating, hindi lamang lupa ang bumibitak, kundi pati na ang pag-asa ni Juan na tila ba nilamon ng alon at tuluyang nagkawatak-watak.
Wari’y nalulunod na lamang si Juan sa lahat ng mga inihaing pangakong lagi namang nauuwi sa pagkapako. Nadadala na lamang sa hukay ang kanilang mga poot at pighati, at animo’y nakalilimutan na lamang sa paglipas ng panahon ang kanilang mga pinagdaanan.
Katotohanang mas masakit? Tila hinayaan na lamang na maulit ang mga trahedya—paulit-ulit na sugat na hindi kailanman ginamot.
Ngunit sa kabila ng lahat, ang tugon ng pamahalaan ay tila nananatiling kulang— paulit-ulit, papetiks-petiks, at laging band-aid solution lamang ang inihahain. Maraming plano, ngunit walang aksyong tumutugon sa ugat ng problema. Sa halip na pagtibayin ang ating kakayahang maghanda at umangkop, tila mas inuuna ang pagpapatahimik sa gulo gamit ang mga pansamantalang lunas.
Sa kabila ng lahat, ang mga Pilipino ay nananatiling matatag. Ngunit hanggang kailan magiging sapat ang pagiging matatag? Hanggang kailan magtitiis ang bansa sa mga sulat na puno ng pangako, ngunit kulang sa aksyon?
May kasamang paalala ang bawat sakuna—na ang kalikasan ay hindi palaging magpaparaya. Ang hindi wastong pangangalaga sa kapaligiran ay may katumbas na kabayaran na tayong lahat ang magbabayad. Maghihintay pa ba tayo ng isa pang trahedya upang tayo ay mamulat at magising?
Ilang beses nang nakaligtas ang Pilipinas sa hindi mabilang na unos, ngunit hindi sapat ang kaligtasan. Ang pagiging handa, proteksyon, at tunay na pamumuno ay matagal nang kailangan.
Dahil ang tunay at pinakamatinding trahedya? Hindi ang hagupit ng bagyo, pagyanig ng lupa, o pananalasa ng baha—kundi ang katahimikan ng mga may kapangyarihan at ang kawalang-aksiyon na paulit-ulit na nagpapahintulot sa mga sugat ng bayan na hindi maghilom.
Kulubot ang balat, uugodugod, kulay abo ang mga buhok. Deskripsyong nakadikit sa pangalan ni Lola Tikas. Ito ang kanyang palayaw dahil nanatili siyang malusog at ligtas sa kabila ng mga sigalot na dumaan.
“Nung araw…” bungad ng bawat kwento ng kanyang buhay, susundan ito ng mga kwentong nakaaantig at kapupulutan ng aral. Sa lahat ng ito, kwento ng mga sakit na bumalot sa bayan at kung paano niya ito nalampasan ang aking paborito.
“Nagsimula ito sa dalawang linggong suspensyon,” sambit niya sa mala-paos na boses. ‘Di raw nila inakala na ang dalawang linggo ay aabot sa dalawang taon.
Maraming naghirap, maraming nawalan ng buhay, ngunit si Lola ay ligtas mula sa pandemyang tinatawag na COVID-19 na pangunahing
gawain ay atakihin ang baga natin.
Matapos ang pandemya, humupa ito, ngunit may sumunod pang banta tulad ng MPOX (dating Monkeypox) na pumasok sa Pilipinas. Nakakakilabot dahil nagdudulot daw ito ng masasakit na pantal at matinding lagnat.
“Siyempre, hindi rin nawala ‘yung mga sakit na matagal nang pumiperwisyo sa atin,” ani Lola. Tulad na
lamang ng Acquired Immunodeficiency Syndrome o AIDS, dengue, leptospirosis, at stroke dahil mainit sa Pilipinas.
“Ngunit Lola, paano po kayo nakaligtas sa mga sakit po na iyon?” tanong ng isa kong kaibigan.
“Simple lang,”
ani Lola. Sinabi nito na sinunod niya lang ang payo ng mga eksperto. Pagkain ng masusustansyang pagkain, pag-eehersisyo, at pagiging maalam sa mga nangyayari sa ating bansa. At ang pinakamainam sa lahat, makinig ng balita. “At ‘yan ang dahilan kung bakit tinawag akong Lola Tikas.” - Lola Talagang tumatak ang kwentong ito sa akin. Dito ko napagtanto na lamang talaga ang taong may alam at isa si Lola Tikas sa patunay rito.
Sa panahon ngayon, napakaraming bagong sakit ang bumabalot sa atin, ngunit alam kong kaya natin itong lampasan, tulad ng ginawa natin sa mga sakit ng nakaraan.
At magagawa natin ito kung magiging responsable tayo sa ating sarili, sa ating kapwa, at sa ating kapaligiran.
Sa bawat pindot, puno ay naipupunla, kabutihan ang dala.
Sa makabagong panahon, kung saan halos lahat ay abala sa mga gadyet, hindi na nabibigyang lugar sa ating mga isipan ang pagsalba sa mundong ginagalawan. Sa paggamit ng gadyet, nakasasama pa tayo dahil sa masamang epektong dulot nito sa kapaligiran.
Pero paano kung sa bawat pindot mo sa kompyuter mula sa kaginhawaan ng iyong upuan, ay pwede ka palang makatulong sa kalikasan? ‘Yan ang layunin ng Ecosia!
Tinatag noong 2009, ang Ecosia ay isang non-profit na kumpanya na may layuning magtanim at protektahan ang mga puno sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa tulong ng iba pang mga environmental organizations. Sa kasalukuyan, halos 220 milyong puno na ang naipunla nilang puno habang may kabuuang EUR89 milyong o kulang-kulang P6 na bilyong kita.
Katulad ng iba pang mga search engines, ang Ecosia ay ginagamit sa pagkalap ng impormasiyon sa internet. Ngunit imbes na sa mga shareholders o nagmamay-ari ng Ecosia mapupunta ang kita, didiretso ito sa mga proyektong nakatuon sa reforestation.
Ecosia ang dahilan sa likod ng pagbabalik-sigla ng mga kagubatan tulad ng Atlantic Forest sa Brazil, na dating lubhang napinsala dulot ng urbanisasyon. Sa kasalukuyan 20% o 94,000 ektarya na lamang ng dating 470,000 ektarya ng Atlantic Forest ang natitira.
Dito sa Pilipinas, tumutulong ang Ecosia sa pagpupunla ng mga native na puno at pagpapaganda ng tanimang lupa para sa mga magsasaka.
Bukod pa rito, ang mga proyektong suportado ng Ecosia ay nakatutulong din sa pagbibigay ng trabaho para sa mga lokal na komunidad. Sa mga servers ng Ecosia, ginagamitan nila ito ng malinis at renewable na enerhiya na nakababawas sa carbon footprint.
Sa makabagong panahon, kung saan ang suliranin ng climate change ay hindi masiyadong nabibigyang atensyon, hindi aakalaing ang simpleng click sa internet ay maaaring maging solusyon. Sa bawat pindot mo, nagiging bahagi ka ng pandaigdigang kilusan na may mabuting dala para sa kapakanan ng mundong ginagalawan.
Gamit ang Ecosia, bawat paghahanap ay nagiging hakbang patungo sa mas luntiang mundo— isang simpleng aksyon na may malaking ambag sa kinabukasan ng ating minamahal na mundo.
1,086,427 punong naitanim ng Ecosia sa Pilipinas mula 2020-2025
- base sa datos ng Ecosia
Opisyal na Pahayagang Filipino ng
Paaralang Sekondaryang Pang-agham ng Lungsod Quezon Tomo I Blg LI | Agosto - Enero
Panulat | Valrinilli Jr. Valbarez
Sa bawat hakbang ng batang atleta sa entablado ng Palarong
Pambansa, daladala nito ang pangarap ng kanyang sarili, ng komunidad, at ng kanyang rehiyon. Hindi lamang kompetisyon ang Palarong Pambansa—isa itong piyesta ng husay, tapang, at determinasyon. Isang lugar kung saan nagtatagisan ang pinakamagagaling sa iba’t ibang larang ng isports.
Noon pa man, nangunguna na ang Pambansang Punong Rehiyon (NCR) sa mga edisyon ng Palaro.
“...In sports, it is well-known that NCR is strong across the entire country,”
...ani DepEdNCR Assistant Regional Director Cristito Eco sa isang panayam. Pinatunayan ito sa isinagawang 64th edition ng Palarong Pambansa sa Cebu City kamakailan lamang, umuwi ang NCR na may 98
ginto, 66 na silver, at 74 na bronze.
Kasabay nito, hamon ang pagpapatatag ng grassroots sports programs upang patuloy na umunlad ang mga atleta. Ayon kay Assistant Regional Director Eco, mahalaga ang integrasyon ng sports programs ng DepEd sa mga proyekto ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) upang hubugin ang talento ng kabataan. Ang pagpapatibay ng sports clubs sa mga paaralan ay nagbibigay ng suporta para sa pagsasanay at mga kompetisyon, na tumutulong sa pagbuo ng matibay na pundasyon ng mga atleta sa bansa.
Nagsisilbing ilaw ang Palaro na nagtutulak sa mga atleta na abutin ang kanilang pangarap. Bagaman may pagkatalo, ang tiyaga at sakripisyo ang tunay na sukatan ng tagumpay. Sa bawat taglay na suporta, ramdam ang diwa ng pagwawagi.
Nag-aalab ang diwa ng iba’t ibang koponan ng Quezon City Science High School (QCSHS) sa District Meet kung saan umangat ang taekwondo at chess teams, daan para makapasok sa Division Meet. Hindi rin nagpatalo ang volleyball, football, at futsal teams na nagtapos sa ikalawang puwesto.
Humakot ng medalya ang taekwondo team kung saan parehong nag-uwi ng ginto sina Jonelle Cataag at Chester Emmanuel Reyes, habang si Faith Rhodaine Reyes at Noel Archangel Cruz ay nakasungkit ng pilak sa Poomsae mixed category.
Nagtagumpay rin ang chess team na pinangunahan ni Karen Baylosis na nag-uwi ng ginto, at Josh Evan David Disu na nagkamit ng pilak.
Nagpasiklab naman ng isang mainit na labanan ng football ang QCSHS at San Francisco High School (SFHS) na nagtapos sa 3-2 panalo ng SFHS. Si Mercado ng SFHS
ang unang nakapuntos sa loob ng pitong minuto, ngunit hindi nagpatinag si Corporal ng QCSHS para itabla ang laban. Sa second half, agresibong depensa ang ipinamalas ng Kiko, na sinundan ng goal ni Puertolano.
Bagama’t nakabawi si Estipular para sa QCSHS, ang huling apat na minuto ng laban ang nagpabagsak sa kanilang depensa.
Maganda pa rin ang naging performance nila [...] papanatilihin pa rin natin ang husay ng QueSci, “
...ani Coach Joel Viaña. Mula sa pagkatalo hanggang sa tagumpay, patuloy na dinadala ng mga atleta ang pusong palaban, patunay na ang disiplina at dedikasyon ay susi sa tagumpay.
school-based Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) Tournament, ang Scientian Battlefield: QCSHS MLBB Tournament, noong ika-16 hanggang 17 ng Disyembre, 2024 sa QCSHS Dome bilang bahagi ng ICT Month.
Nanguna sa ratsada ang Team Victorious nang talunin nito ang Team Keplerus sa Game 1, 29-5, at sinundan naman ng 25-13 victory ng EMC² laban sa The Algorithm sa Game 2.
Niyanig naman ng Argus Legends ang Nginig sa 30-11
victory sa bakbakan ng SHS teams; at kumamada ng 19-5 rekorde ang Parokya ni Edger sa Game 4 matapos kalabanin ang Boga. Dinomina naman ng Victorious ang EMC² sa semifinals, 31-11, habang bumawi ang Argus Legends mula sa maagang kalamangan ng Parokya ni Edger, 24-15, para makuha ang grand finals slot. Sumabak sa huling bakbakan ang Argus Legends at Victorious sa grand finals, kung saan nagtala ang Argus Legends ng makapangyarihang 2-0 sweep na pinangunahan ni Lance Erbina (Granger) sa makasaysayang five-man annihilation, upang tuluyang maghari sa Scientian Battlefield.
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Paaralang Sekondaryang Pang-agham ng Lungsod Quezon
Tomo I Blg LI | Agosto - Enero
FROM THE GRASSROOTS
Hindi aakalain ng batang
Samantha Catantan, mula sa munting
Barangay ng Del Monte sa Quezon City, na aabutin nito ang mga tala.
En garde sa Pangarap
Sa edad na siyam, nagsimula si Samantha sa Quezon City Sports Enhancement Program (QC SEP), isang programa na itinaguyod ni dating
Konsehal Joseph Juico upang hubugin ang mga kabataang atleta. Dito niya natutunan ang disiplina, tapang, at pagmamahal sa fencing. Sa mabilis na panahon, napansin ang kanyang likas na talento, kaya’t nabigyan siya ng scholarship sa University of the East, kung saan lalo pang pinanday ang
PARALYMPICS
kanyang kakayahan. Allez patungong Bout Ang bawat “bout” na dinaanan ni Samantha ay puno ng pagsubok. Mula sa matinding pagsasanay, natutunan niyang pagsabayin ang pag-aaral at ang pagkahilig sa fencing nang makakuha siya ng scholarship sa Pennsylvania State University. Bawat linggo, mahigit sampung oras ang ginugol niya sa “fencing salle” para sa ensayo. Kasabay nito, hinaharap ni Samantha ang kakulangan sa kagamitan at pondo, ngunit sa bawat “touché” ng problema, laging may handang counter-attack—ang kanyang determinasyon, lakas ng loob, at suporta ng pamilya.
Flèche ng Panalo
Sa pamamagitan ng sipag at tiyaga, napatunayan ni Samantha na ang bawat “touch” ay mahalaga. Noong Abril 2024, siya ang naging kauna-unahang Filipina fencer na nag-qualify para sa Paris Olympics 2024, na nagbukas ng panibagong kabanata sa Philippine fencing. Matapos ang 32 taon, muling nagkaroon ng kinatawan ang bansa sa Olympics. Mula sa Southeast Asian Games hanggang sa Paris Olympics, patuloy na nagdadala si Samantha ng karangalan sa Pilipinas. Touch the Roots Hindi nakalimot si Samantha sa kanyang pinagmulan. Muli siyang
UNDERFUNDED RECOGNITION
nagbalik sa QC SEP upang magbigay ng libreng pagsasanay at makiisa sa mga kabataang fencer. Kasama ang kanyang mga teammates mula Air21, nagbigay sila ng bagong fencing equipment at nagsagawa ng mga training sessions para sa 60 batang atleta. Ang kanyang layunin ay hindi lamang magtagumpay sa pista, kundi magbigay inspirasyon at ng pagkakataon sa mga kabataan na maabot ang kanilang mga pangarap.
Samantha Catantan—fencer ng pinandaygrassroots, ng hirap, ngayo’y nagniningning tulad ng tala.
Mayaman sa talento ang mga Pilipino. Pero hanggang ngayon, wala pa ring patas na oportunidad ang mga atletang Pinoy para makuha ang nararapat na suporta lalo na sa pagpopondo. Sa likod ng bawat tagumpay ng atletang Pilipino sa pandaigdigang entablado, ilang digmaan din sa sistema ang kinailangang kawagian. Kaya isang tanong ang palaging lumilitaw: Pinoy isports, para kanino ka nga ba?
Sa pagtatapos ng 2024
Paris Paralympic Games, muling nagningning ang pangalan Pilipinas sa global na entablado ng parasports—buhat ng anim na natatanging Filipino para athletes na lumaban sa limang larangan ng palakasan.
Sa edisyong ito, namayagpag sina swimmer Angel Otom, javelin thrower Cendy Asusano, wheelchair racer Jerrold Pete Mangliwan, swimmer Ernie Gawilan, para archer Agustina Maximo Bantiloc, at taekwondo jin Allain Keanu Ganapin. Nanguna sa ratsada
ang javelin thrower Cendy Asusano na nagtapos sa ikaapat na pwesto. Sa kanyang debut, umabot si Asusano ng 15.05 metro—isang personal best. Pinahanga naman ni Angel Otom ang lahat sa kanyang unang Paralympics, nagtapos siya sa ikalima sa women’s 50m butterfly S5 na may bagong personal best na 45.78 segundo.
Nagtapos sa ikaanim na pwesto si Ernie Gawilan sa men’s 400m freestyle S7 sa kanyang ikatlong Paralympic bout, katulad ng resulta
noong Tokyo 2020. Hindi rin umatras si Jerrold Mangliwan nang magtapos ikawalo sa men’s 400m T52. Hindi rin nagpatalo ang Taekwondo newbie Allain Ganapin nang umabante hanggang round of 16. Nagbigay naman ng karangalan si Agustina Bantiloc, unang Filipino para archer sa Paralympics, sa kabila ng pagkatalo sa elimination round laban sa world No. 3 na si Jane Karla Gogel. May medalya man o wala, ang tunay na tagumpay ay ang inspirasyon nilang hatid.
“I want to show others that sports is not just for those who are complete—it’sphysically for everyone,”
...ani Angel Otom sa isang panayam.
Sa kanilang tagumpay, ipinakita nilang ang kapansanan ay hindi hadlang, kundi lakas para magtagumpay. Isang pasasalamat at pagpupugay para sa ating mga Paralympian—mga huwaran ng katatagan at pag-asa.
Naging klasik na kwento ang mga hamong kinaharap ng mga atleta sa mga Olympics para mas tumamis ang lasa ng medalya kapag nandyan na ang resulta. Kulang sa pondo kaya mas lasap ang panalo, lalong lalo na kapag hindi kilala ang disiplina. Sa halip na ipagdiwang ang pagtitiis ng ibang atleta sa ilalim ng limitadong suporta, marapat na igiit ang patas na distribusyon ng pondo sa lahat ng larangan—anuman ang antas ng kasikatan nito. Sa katatapos lamang na 2024 Paris Olympics, naging mainit ang isyu sa uniporme ng mga kinatawan ng bansa. Ayon kay golfer Dottie Ardina, sila pa ang nagkabit ng sariling watawat sa t-shirt na binili bago ang kumpetisyon. Hiling niya, sana ay mayroon silang uniporme. Maaaring ang mga ganitong
pangyayari na wari ay simple lamang, ay nakaaapekto sa naging resulta ng kanilang laban. Isa lamang ito sa manipestasyon ng kakulangan sa suporta para sa mga delegadong naghahatid ng karangalan sa bansa. Nakakakiliti nga naman sa pandinig ang mga tanyag na kwento ng pagkapanalo kahit na may malaking hamong nakaangkla sa mga paa. Tulad nina Carlos Yulo at Hidilyn Diaz na kapwa may gintong medalya sa Olympics, ngunit imbes na iromantisa ang danas ng paghihirap ay dapat naging aral ito na kinaya nilang pagtagumpayan sa kabila ng kakulangan. Ibig sabihin, mas kakayanin nila kung nabibigyan ng sapat na pondo at atensyon mula sa gobyerno at pribadong sektor. Sa halip na ipagkibit-balikat ang katotohanang may mga atletang patuloy na ipinaglalaban ang kanilang lugar sa pambansang isports, marapat na itulak natin ang isang patas at inklusibong sistema ng pagpopondo. Ang tagumpay sa pandaigdigang kompetisyon ay hindi dapat maging laban na pinapasan lamang ng atleta—ito ay responsibilidad ng buong bansa. Dahil sa huli, ang kanilang wagi ay siya ring atin—sa mga Pilipino.
Sa bawat hakbang ng mga batang atleta patungo sa tagumpay, maririnig ang tunog ng sapatos na humahampas sa sira-sirang track oval, ang hampas ng raketa sa lumang shuttlecock, ang pagbato ng umimpis na bola, at ang paghingang binibigatan ng pangarap at kakulangan.
Para sa marami, ang mga paligsahang pampalakasan— Palarong Pambansa, Southeast Asian Games, at Olympics—ay tagisan ng talento at pagsisimula ng daan tungo sa karangalan. Pero, sa likod ng mga medalyang nagniningning, tila nagiging simbolo ang mga ito sa masalimuot na katotohanan ng sports sa Pilipinas: tagumpay na itinataguyod ng hirap at pawis, ngunit bihirang suportado ng estado. Sa likod ng mga medalya at palakpak ay kwento ng sakripisyo, utang, at pangarap na sinasamantala ng mga lider na hindi nagbibigay ng sapat na suporta.
Laban Tungo sa Kawalan
Hindi lang sa mga paligsahan makikitang lumalaban ang atletang Pilipino, kundi pati na rin para sa kakarampot na pondong inilaan ng gobyerno para sa kanilang sektor. Noong 2019, matatandaang humihingi ng tulong si Hidilyn Diaz dahil sa kanyang paghihirap sa pagpopondo ng kanyang laban para makalahok sa Tokyo 2020 Olympics. Anong nangyari? Nauwi ito sa pagpasok ng kanyang pangalan sa ‘Oust Duterte’ matrix na ipinakita noon ni dating Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Dahil sa pagiging bukas niya tungkol sa kanyang mga problema, naging biktima si Diaz ng redtagging mula sa mga kaalyado at sumusuporta sa dating Pangulong Duterte. Sa parehong taon, sina Edwin Villanueva at Adrian Asul mula sa Philippine Paralympic swimming team, ay hindi pa rin natatanggap ang kanilang allowance mula sa PSC, pati na rin ang food allowance at maayos na tirahan para sa training sa kanilang pakikipaglaban sa 2020 Paralympics.
Napilitang lumipat ng bandera si Wesley So, isang Filipino chess grandmaster, upang makuha ang suporta na kinakailangan sa kanyang karera, matapos i-hold ng PSC ang kanyang insentibo kahit nanalo siya ng ginto. Ngayon,
lumalaban na ito sa bandera ng Amerika. Si Glia Pahulayan, 15-anyos na wrestling gold medalist sa Palarong Pambansa, ay naglahad din ng kakulangan ng suporta, kabilang ang kawalan ng kagamitan mula sa kanilang lungsod maliban na lang kung makakapasok sa malalaking kompetisyon. Sa kanyang interpellation, binanggit ni OFW party-list
Representative Marissa “Del Mar” Magsino na patuloy na bumababa ang kabuuang pondo ng PSC sa pambansang badyet mula P2.27 bilyon noong 2023, naging P1.15 bilyon noong 2024, at inaasahang P725.75 milyon na lamang sa 2025.
Bukod pa sa kakarampot na badget, hindi rin nawala ang mga alegasyon ng
Opisyal na Pahayagang Filipino ng
Paaralang Sekondaryang Pang-Agham ng Lungsod Quezon Tomo I Blg LI | Agosto - Enero
korapsyon
sa PSC. Noong 2020, inakusahan ang ilang empleyado ng PSC na inililihis ang payroll at allowance ng mga atleta papunta sa kanilang mga bank account, na nagresulta sa paglustay ng kabuuang P14 milyon sa loob ng limang taon.
Palaro ng Pangamba
Sa isang panayam ng
Banyuhay sa Assistant Regional Director ng Kagawaran ng Edukasyon–NCR na si Dr. Cristito Eco, ipinaliwanag niya ang mga hakbang ng DepEd-NCR
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Paaralang Sekondaryang Pang-Agham ng Lungsod Quezon Tomo I Blg LI | Agosto - Enero 2025
upang suportahan ang mga studentathlete sa kabila ng kakulangan sa pondo. Ayon kay Eco, mahalaga ang integrasyon ng sports programs ng DepEd sa mga barangay at LGUs, pati na ang pagpapalakas ng sports clubs sa mga paaralan.
“Operationalize the sports manual of andDepEd... fund competitionsthesefor us to not rely on DepEd or the government to finance all these sports activities,” dagdag pa nito.
Bumabagsak ang pamahalaan sa wastong pamumuhunan sa mga programang pang-isports dahil sa patuloy na patakaran ng austerity. Tulad ng ibang mga proyekto, nais ng gobyerno ang pinakamataas na resulta sa pinakamaliit na gastusin. Mabilis itong magangkin ng mga tagumpay sa isports, ngunit mabagal sa pagbabayad ng mga gastos sa pagsasanay, tirahan, transportation fees, bayad sa registration, at pagkain. Dahil dito, hindi lang sa kanilang mga isports kailangang magtagumpay ang mga atletang Pilipino, kundi pati na rin sa pag-uunahan sa isa’t isa para sa mga limitadong pondo.
Dapat na Direksyon
Kung gusto natin ng radikal at makataong pagbabago, dapat na simula ito sa mga paaralang may kakayahang sumuporta sa pag-unlad ng mga atleta. Habang layunin ng DepEd ang patuloy na integrasyon ng sports sa paglago ng mga mag-aaral, hindi naman nito binibigyan ng sapat na pansin ang imprastruktura ng sports sa mga paaralan.
Mahahalatang ipinapasa ang responsibilidad sa mga eskuwelahan, barangay, at Sangguniang Kabataan (SK) na maghanap ng pondo, bagamat ang gobyerno at DepEd ang naglunsad ng mga programang ito. Dapat maglaan ang gobyerno ng sapat na pondo para sa mga grassroots programs upang maipatupad nang maayos. Hindi rin sapat na umasa lamang sa mga simpleng kompetisyon ng SK; mas makabubuti kung magiging katuwang sila ng DepEd, habang ang pangunahing pondo at direksyon ay manggagaling sa pambansang pamahalaan.
Noong Palarong Pambansa, muling ipinahayag ni Marcos Jr. ang pangakong pagpapabuti at pag-unlad ng mga atleta, ngunit nagiging ilusyon lamang ang mga pangako ng suporta kung ito ay isasaalang-alang sa patuloy na pagsasamantala sa mga pambansang atleta. Binibigyan natin ng mataas na pag-asa bilang mga kinatawan ng bansa ang ating mga atleta. Pero maliban sa patuloy na moral na suporta, ang mga atleta ay mananatiling napapabayaan.
Sa kabila ng mga balakid na ito, ang mga tagumpay nina Diaz, Petecio, Marcial, at Paalam ay nagbigay inspirasyon sa buong bansa. Nanalo sila sa kabila ng mga paghihirap at kakulangan ng suporta mula sa gobyerno.
Hindi sapat ang determinasyon lamang upang magtagumpay. Itulak ang tamang suporta at pagkilala sa ating mga atleta.