Alumnus ng PSHS-WVC, nanguna sa Physician Licensure Examination
Inflation: Isang Suliranin sa Gitna ng Lahat
Tatlong Testamento ng Pamumuno at Kahusayan
Red Abuyo, nangibabaw sa PSHS System Ugnayan 2022
BALITA | 04
OPINYON | 08
LATHALAIN | 12
ISPORTS | 16
Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Philippine Science High School-Western Visayas Campus Tomo 1 Blg. 1 I Setyembre hanggang Nobyembre 2022
Pagkatuto sa PSHS-WVC, bumalik na sa harápan pagkatapos ng dalawang taon Carlos Manuel Eusoya at Ziyi Jesica Aduana
BUMALIK na sa harápan ang pagaaral ng mga iskolar ng Philippine Science High School-Western Visayas Campus (PSHS-WVC) matapos ang dalawang taong pagsailalim sa Remote Mode of Learning dahil sa mga paghihigpit dulot ng COVID-19. Nagbukas ang klase noong Agosto 31, 2022 sa serye ng mga programang dinaluhan ng mga iskolar at kawani upang maging malay ang lahat sa mga panuntunang pangkalusugan at iba pang mga paghahanda para sa Taong Pampaaralan 2022-2023. “Sobrang saya naming makitang muli ang aming mga estudyante. Isandaang bahagdan ng mga estudyante ang matagumpay na nakabalik. Patuloy tayong manalangin na magiging maayos lang ang lahat, at sana ay matapos natin ang taong pampaaralan na isandaang bahagdan pa rin tayo,” sabi ni Dr. Shena Faith M. Ganela, campus director ng PSHS-WVC, sa pagtitipon ng asosasyon ng mga magulang at mga guro. Banaag PSHS-WVC
Nilinaw ni Dr. Ganela na ang mga pagbabago sa operasyon ng paaralan at sa implementasyon ng kurikulum ay ginawa upang umangkop sa mga pangangailangan ng harápang pagkatuto, bagaman may mga paglilimita pa rin sa iba’t ibang bahagi ng pagpapatupad nito, dahil hindi pa lubusang bumalik sa normal ang sitwasyon. “Inaasahan kong patuloy na makikiisa ang lahat sa pagsunod ng mga protokol, kagaya minsan ng pagquarantine sa loob ng ilang araw sa labas ng kampus. Kung gusto nilang bumalik nang maaga, maaaring magpasuri, at kung negatibo lang naman ang resulta ay pwede nang makapasok ulit. Alam kong medyo nakaaabala ito, subalit kailangan nating sumunod sa IATF guidelines nang magkaroon tayo ng ligtas na lugar dito para sa bawat isa, lalo na sa mga bata. Patuloy nating tatanggapin at tatalakayin ang mga suhestiyon at obserbasyong papasok,” paliwanag ni Dr. Ganela @BanaagPSHSWVC
Tiniyak ang pagsunod sa mga protokol sa pamamagitan ng palagiang pagtingin sa kalagayan at pagsunod ng mga iskolar sa tuwing sila ay nasa paaralan, paglilimita sa bilang ng mga umuukupa sa isang saradong silid o bulwagan, at muling pagpapaalala ng mga dapat sunding protokol sa tuwing magkakaroon ng mga pagtitipon at programa sa loob ng kampus. Gagamitin pa rin ang learning management system na Knowledge Hub at ang mga gabay pampagkatutong sasangkapan ng talakayan at gawaing isasagawa sa loob ng klasrum. Dagdag pa, ibinalik din ang pagsasagawa ng mga gawaing itinigil sa nakalipas na dalawang taon kagaya na lamang ng Alternative Learning Activities (ALAs), malapitang konsultasyon sa guro, at holistik na aktibidades katulad ng isports na kinasasangkutan ng mga iskolar. banaag@wvc.pshs.edu.ph