Patuloy na nagiging sandata laban sa bayan ang kapangyarihan sa kamay ng iilan, kung saan ang sistemang dapat maglingkod ay siyang umuubos sa lakas, pag-asa, at kinabukasan ng mamamayan.
Bilang mga iskolar ng bayan, tungkulin nating manindigan, magsalita, at ipaglaban ang katotohanan upang hindi manaig ang katahimikan at maitaguyod ang isang bansang tunay na makatarungan.