Skip to main content

Sambuwa Salidahay 2025

Page 1

Oktubre 6, 2025

ONHS

The Official Publication of Oton National High School

SE+A

ANG APLAYA THE SEASIDE ECHO

SAMBUWA

2025

Mahalaga ang isports sa buhay ng kabataan: ONHS Alumna, Gold Medalist Nat’l SCUAA 2016 Princess Xiarena Montealto

SALITA AT INSPIRASYON. Naghandog ng mensahe si Atty. Dianne Maurice G. Gomez, Gold medalist ng SCUAA noong 2016 sa isinagawang SAMBUWA 2025 - Opening Program sa Oton NHS Open Field, Oktubre 6.

Sambuwa at Salidahay 2025, idinaos sa Oton NHS Jorjette Baraña

Inilunsad ang Sambuwa at Salidahay 2025 : The Oton Municipal Sports and Cultural Meet sa Oton National High School Open Field, Oktubre 6. Sa temang “Pangibabaw : Rising Above Challenges, Shaping Champions” nagtipon-tipon ang mga atleta mula sa iba’t ibang paaralan upang ipamalas ang kanilang talento at kasanayan sa larangan ng isports. Sinimulan ang programa sa isang parada kung saan nakibahagi ang drum and lyre corps, atleta, SPTA, mga guro at iba pang organisasyon ng mga paaralan mula sa elementarya at sekondarya. Sinundan naman ito ng pambungad na mensahe ni Hon. Hyacinth Gardose, SKMF President, Munisipalidad ng Oton na nagbigay ng pagpupugay sa mga atleta.

“Indeed ang Oton gapangibabaw gid. This is a challenge kung ano gid man kataas sang lupad sang ogtonganon. Hindi man muna ka sampaton pero may ibuga gid,” aniya. Nagkaroon rin ng presentasyon ng mga delegado ang mga paaralan sa pamumuno ng mga punong guro kung saan kanilang ibinida ang cheers and yells bilang pagpapakita ng kanilang determinasyon sa darating na laro. Bago pa man nagtapos ang programa, nagkaroon pa ng isang mensahe mula kay Atty. Dianne Maurice G. Gomez, Gold medalist ng National SCUAA sa larangan ng Chess noong 2015 at dating mag-aaral ng ONHS. Ayon din sa kanya, isa sa pundasyon ng bawat kabataang atleta sa buhay ang larong pampalakasan. “Learners who grow in sports, grow in life” aniya.

Nagtapos ang programa sa isang unity dance kasama ang mga atleta, guro, school heads at mga guest speakers na siyang sinundan ng field demo performance ng Oton NHS Senior High School learners.

FCDSA ‘25 ILULUNSAD SA TIGBAUAN Princess Xiarena Montealto

Pormal na magbubukas ang First Congressional District Sports Association Meet sa Munisipalidad ng Tigbauan ngayong taon. Pitong Munisipalidad na siyang binubuo ng Oton, Tigbauan, Guimbal, Miagao, Igbaras, Tubungan, at San Joaquin ang maglalaban-laban sa larong pampalakasan at Literary Musical.

“Sports play a vital role in the holistic development of every learner. They mold not just the body but the mind and spirit.” Ito ang linyang binitawan ni Atty. Dianne Maurice G. Gomez, dating mag-aaral ng Oton NHS at Gold Medalist ng National State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA) sa larangan ng Chess noong 2015 sa kanyang naging mensahe sa Sambuwa 2025: The Oton Municipal Meet Sports Meet, Oktubre 6. Ayon sa kanya, ang larong pampalakasan ang humuhubog sa kakayahan ng isang kabataan. “Sports teach discipline before deadlines, resilience before adversity, teamwork before employment, and confidence before success,” aniya. Dating manlalaro ng Oton NHS si Atty. Gomez sa larangan ng chess, na ipinagpatuloy niya hanggang sa kolehiyo, kung saan nasungkit niya ang gintong medalya sa National SCUAA sa Tuguegarao. Nagtapos ang kanyang mensahe sa isang paalala na ang paglalaro ng isports ay higit pa sa mga gawain sa apat na sulok ng silid-aralan. “Your sport may not be your profession but it will shape your dreams,” pahayag niya.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Sambuwa Salidahay 2025 by The Seaside Echo & Ang Aplaya - Issuu