ANGWAHIGPUBLICATIONSY20242025-1

Page 1


ang WAHIG

Ang Opisyal na Pamayahagang Pampaaralan ng Gingoog City Comprehensive National High School Tomo XXIX Bilang 1

Pahina 2 Balita

Mayor Canosa Itinaguyod ang Karapataan ng Kabataan sa State of the Nation’s Adress

Pahina 10

POST NG ina KO

4 na bata, nailigtas mula sa online pambubugaw ng sariling ina

Apat na menor de edad sa Gingoog City ang nailigtas mula sa mapanirang online sexual exploitation matapos ang operasyon ng mga awtoridad nitong Nobyembre 9, 2024.

Natuklasan sa imbestigasyon na mismong ina nila ang responsable sa pagbebenta ng malaswang materyales online, dahilan ng kanilang kalunos-lunos na sitwasyon.

Sadlak sa selda ngayong ang 40-any -

os na suspek sa isang matagumpay na entrapment operation na isinagawa ng pulisya.

Lumabas na karamihan sa mga kliyenteng tumatangkilik sa ilegal na nilalaman ay mga dayuhan mula sa iba't ibang bansa.

Kasalukuyan nang nasa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office ang mga bata para masiguro ang kanilang kaligtasan at rehabilitasyon.

Samantala, nahaharap ang ina sa mga mabibigat na kasong paglabag sa An -

ti-Trafficking in Persons Act at Anti-Online Sexual Exploitation of Children Act.

Inilarawan ng mga awtoridad ang kasong ito bilang isa sa pinakamatitindi nilang naharap sa rehiyon.

Binabantayan na rin nila ang iba pang posibleng kasabwat upang tuluyang matigil ang operasyon ng ganitong uri ng krimen.

Patuloy ding hinihikayat ang publiko na maging mapagmatyag at tumulong sa pagsugpo sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga kabataan.

igital Identification System, inilun sad ng GCCNHS Naglunsad ng bagong electronic identification system ang Gingoog City Comprehensive National High School (GCCNHS) noong Setyembre 25, 2024.

Ayon kay Dr. Helen C. Tanasas, School Principal II, ang sistemang ito ay makatutulong sa mas epektibong pagsubaybay ng attendance at magbibigay ng maaasahang paraan ng pagkilala sa mga estudyante.

Mayroong angkop na QR codes ang kanilang mga digital IDs para sa mabilis na pagkuha ng datos. Inaasahan din ang pagdaragdag ng SMS feature, na magbibigay ng agarang impormasyon sa mga magulang tungkol sa pagpasok at pag-alis ng kanilang mga anak mula sa paaralan. Sa isang panayam, binigyang-diin ng punong-guro ang kahalagahan ng suporta ng mga administrador para sa matagumpay na pagpapatupad ng sistemang ito.

in One sa Silid-Aralan Silip sa Batis AI: Obra Maestra ng Masa GCCNHS Kampeon sa Putbol matapos ang 10 taon Pahina 18 Isports Opinyon

Pinondohan ang proyekto mula sa Parent-Teacher Association (PTA) at mga pondo ng paaralan. Matatagpuan ang mga ID machine sa pasilyo ng paaralan, sa harap ng School Library Hub. Sa pamamagitan ng bagong electronic ID system, umaasa ang kinatawan ng GCCNHS na mapabuti ang seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral, habang pinapadali ang komunikasyon sa mga magulang.

Pahina 12
Pahina
NI KUIRT NATHANIEL AT CRISMAE JOY TAGARAO
Ni Kuirt Mercado

Karapatan, sa Kabataan

Mayor Canosa Itinaguyod ang Karapataan ng Kabataan sa State of the Nation’s Adress

agbahagi ng makab uluhang mensahe si City

Mayor Erick G. Cañosa sa State of the Children’s Adresss (SOCA) noon December 3, 2024 sa ASL Gymnasium na nagbigay diin sa temang “Break the Prevalence, End the Violence, Protecting Children, Creating a Safe Philippines”.

State of the Children’s Adresss (SOCA) bahagi ito ng pagdiriwang ng RA 10661 o National Children’s Month Act. sa tulong ng ibat ibang sektor mula sa lokal na pamahalaan, upang matutukan ang mga pangangailangan ng mga kabataan dahilan para makamit ng lungsod ang Seal of Child-Friendly Local Governance.

Layunin ng administrasyon na ipagpatuloy ang maayos na serbisyo upang matutukan ang mga adbokasiya para sa mental health, teenage pregnancy, karahasan laban sa mga kababaihan at kabataan, at iba pa.

Dumalo rin sa nasabing okasyon sina Vice Mayor Thaddeus Lugod, Kagawad Evelyn G. Cañosa at marami pang iba, para sa patuloy na pagpapatupad ng ibat ibang programa sa ilalim ng mabuti at epektibong pamamahala.

Sa pangunguna ni City Mayor Erick G. Cañosa, patuloy na pinapatunayan ng lokal na pamahalaan ang kanilang matibay na pangako sa kapakanan at proteksyon ng kabataan.

Ang State of the Children’s Address (SOCA) 2024 ay hindi lamang isang ulat sa bayan, kundi isang patunay ng kanilang dedikasyon sa pagbuo ng isang ligtas, inklusibo, at maunlad na

kundi isang patunay ng kanilang dedikasyon sa pagbuo ng isang ligtas, inklusibo, at maunlad na komunidad para sa mga bata. Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng pamahalaan upang tugunan ang mga hamon na kinakaharap ng mga kabataan. Habang patuloy ang pagbabago sa lipunan, nananatiling matatag si Mayor Cañosa sa kanyang misyon na bigyang-priyoridad ang kinabukasan ng mga kabataan. Sa kanyang epektibong pamamahala, naging inspirasyon sa lung sod ang pagpapa kita ng tunay na malasakit at aksyon pa ra sa kaba taan. Sa ga nitong de dikasyon, makakamit ang pa ngarap na isang mas lig tas, mas makata rungan, at mas ma saganang hinaharap para sa la hat ng bata sa lungsod. Nag bigay inpira syon sa bawat Isa ang mensa heng ibinigay ni Mayor Erick Cañosa upang magtulungan para sa kapakanan ng bawat kabataan para sa ligtas, maayos at makataong komuni dad. Impeachment

sang impeachment complaint ang isinampa laban kay Vice President Sara Duterte sa House of Representatives, na naglalaman ng mga paratang ng “graft and corruption,” “betrayal of public trust,” at “bribery.”

Kasama sa mga akusasyon ang umano’y papel ni Duterte sa extrajudicial killings at maling paggamit ng mga pondo ng gobyerno. Ayon kay Duterte, “Wala akong kinatatakutan sa mga impeachment complaint na ito, at handa akong harapin ang lahat ng akusasyon.”

““

Batch

ainit na tinanggap ng mga representante sa Sangju City, South Korea ang pagdating ng 28 na mga farm workers na ipinadala sa ilalim ng Seasonal Workers Program, isang pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Gingoog at Sangju City noong ika-11 ng Nobyembre.

Sumailalim sa 10-days na On-theJob Training at 5-days Training ang Batch 4 ng SWP upang mas mapahusay ang kanilang kaalaman sa modernong pagsasaka at mga pamamaraan sa agrikultura, bilang inisyatibo ng kasalukuyang administrasyon upang maging handa ang mga Gingoognon sa kanilang

paghahanap ng trabaho.

Diretso rin silang sumailalim sa mandatory medical tests na kinakailangan at oryentasyon upang sila ay makilala ng kanilang mga employers.

Sa pamumuno ni City Mayor Erick G. Cañosa at pakikipagtulungan ng iba pang mga lider sa lungsod, nagbigay ng matibay na suporta ang lokal na pamahalaan sa farm workers sa kanilang pagtatrabaho para sa isang matatag na kabuhayan upang mabawasan ang kahirapan at kawalan ng trabaho.

Ayon sa isang post ng Gingoog City Information Office,

sa pamamagitan ng matibay na pakikipagtulungan ng Gingoog at Sangju City, ating matitiyak na ang ating mga magsasaka ay mayroong ligtas na trabaho at makararanas ng mabuting pagtrato sa kanilang pinagtatrabahuhan. Kasama rin sa pagkakataong ito sina Sangju City Councilors Jun Seok Yeong at Shin Sun Hwa, Director Choi Bugeun ng Sangju Agricultural Business Corporation, HR Department, SWP Official Interpreter Abigail Lexie Babanto, Head Manager ng City Agriculture Division Kim Sang Cheol, at City Agriculture SWP Department OIC Park Eun Hee.

Maliban dito, mayroong pangalawang impeachment complaint ang isinampa laban kay VP Duterte, na naglalaman ng paratang ng “misuse of public funds” at “betrayal of public trust” kaugnay ng 612.5 milyong pisong confidential funds. Patuloy na itinatanggi ni Duterte ang mga paratang laban sa kanya at nanindigan na wala siyang dapat ipagsisihan.

Sinabi ng mga mambabatas na ang mga akusasyon ay seryoso, ngunit may ilang nagsasabi na ang pahayag ni Duterte ay “lip service” lamang.

Sa kabila ng mga impeachment complaint, nanatili si Duterte sa kanyang tungkulin bilang pangalawang pangulo ng bansa.

Pinanatili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang pahayag na ang impeachment laban kay VP Duterte ay “a storm in a teacup” at wala itong malalim na epekto sa bansa.

ANDREA HERMOGENES
OFFICE
Naghahain ng isang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa House of Representatives, noong Lunes, ika-2 ng Disyembre, 2024.
Lumuwas na sa Gingoog City ang Batch 4 Seasonal Worker Program (SWP) papunta sa Songju City South Korea noong lunes ika-11 ng November 2024.
Binigyang-diin ni City Mayor Eric G. Cañosa ang mga karapatan at kapakanan ng mga kabataan sa kanyang 2024 State of the Children's Address (SOCA), isiniwalat niya adbokasiya para sa karapatan at kapakanan ng kabataan, kasama ang hangaring maka lilha ng ligtas, payapa at maunlad na komunidad para sa kanila noong ika-3 ng Disyembre, 2024.

Earthquake and Volcano Sourcebook na sagana sa karanasang kaalaman na nakasulat sa mga lokal na wika, inilunsad ng DOST-Phivolcs

aglunsad ng makabagong inisyatiba ang Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-Phivolcs), upang mapabuti ang paghahanda ng ating mga kababayan sa mga pinsalang dulot ng pagsabog ng bulkan at paggalaw ng lupa sa bansa.

Itinatag ng

DOST-Phivolcs ang produkto ng proyektong DANAS: mga sourcebook na mayaman sa karanasang kaalaman na ipinahayag sa apat na wika, ang edisyong Tagalog, Cebuano, Kapampangan, at Hiligaynon, na opisyal na inilunsad noong Marso 2023.

Tumatalakay sa mga partikular na uri ng panganib o kaganapan na

natatangi sa lugar na saklaw nito ang bawat sourcebook, tulad ng edisyong Tagalog na nakatuon sa mga kaganapan sa Southern Luzon, kagaya ng pagsabog ng bulkang Taal at mga lindol sa mga kalapit na rehiyon. Tinututukan naman ng sourcebook na Kapampangan ang mga epekto ng pagsabog ng Mt. Pinatubo at iba pang pagyanig sa Central Luzon.

Samantala, binibigyang-pansin din ng edisyong Bicolano ang mga karanasan ng mga apektado ng mga lindol at pagsabog ng Mayon at Bulusan.

Ayon sa tagapangasiwa ng DOST-Philvocs, Doktor Teresito C. Bacolcol, ang wika ay gumaganap na

isang mahalagang papel sa komuni kasyon kung kaya’t umaasa siya na sa pamamagitan ng mga sourcebook ay maitataguyod ang epektibong komunikasyon sa agham. Dagdag pa niya, hindi lamang nababatid ng sinyentipikong datos ang komunidad sapagkat nakauugnay din sa impormasyon sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga lokal na kuwento.

Sa tulong ng makabagong inisyatibang ito, mas mapapahusay ang pag-unawa sa mga heolohikal na panganib tulad ng lindol, tsunami, at pagsabog ng bulkan, at mas mapabubuti ang kakayahan ng mga komunidad na maghanda at tumugon ng epektibo.

Gingoog City, Nangunguna sa Minority Crime Rates sa Misamis Oriental

Malawakang Sunog sa Los Angeles, Nagdulot ng Matin ding Pinsala sa Imprastruktura at Buhay ng mga Residente

uno ng takot at lungkot ang mga mamamayan ng Los Angeles matapos ang sunog na kumitil ng dalawampu’t limang (25) buhay at tumupok sa higit 40,000 na ektarya ng lupa.

Winasak ng Palisades Fire ang komunidad ng Pacific Palisades, kung saan 5,000 kabahayan ang naabo at iniwan ang maraming pamilya nang walang tirahan.

Patuloy ang laban ng mga bumbero laban sa Eaton Fire, na nagdulot ng matinding pinsala sa Altadena, habang 15% pa lamang ang nakokontrol dito.

Nagbigay gulat sa mga residente ang pagkakahuli sa apat na indibidwal na nagtangkang magpasimula ng bagong sunog habang ang mga otoridad ay abala sa kasalukuyang krisis.

Pinatindi ng malalakas na hangin ang panganib, kaya’t inilabas ng mga eksperto ang isang “Particularly Dangerous Situation” na babala para sa buong lungsod.

Nagdulot ng liwanag ang mga malalaking kumpanya tulad ng Amazon at Disney, na nagbigay ng milyon-milyong dolyar at relief goods upang matulungan ang mga biktima.

Ayon kay Fire Chief Kristin Crowley, ang pagbawas sa badyet ng departamento ay higit na nakaapekto sa kakayahan ng LAFD na maghanda at tumugon sa mga malakihang sakuna tulad nito.

“The budget reduction has adversely affected the Department's ability to maintain core operations, and the decrease in overtime hours has severely limited the Department's capacity to prepare for, train for, and respond to large-scale emergencies.”

Habang patuloy ang labanan, nananatiling mahirap ang sitwasyon at walang katiyakan kung kailan ito magtatapos.

angunguna ang Gingoog

City sa pinakamataas na crime rate sa Misamis Oriental ngayong 2024, ayon sa ulat ng Gingoog Philippine National Police.

Mula Enero hanggang Nobyembre, umabot sa 71 kaso ang naitala, karamihan dulot ng kahirapan, problema sa pamilya, at kalusugang pangkaisipan.

“Karamihan sa mga kabataang nasasangkot ay walang focus sa edukasyon,” pahayag ni Chief PLt. Col. Ariel Philip Pontillas sa isang mini conference.

Agad na isinasailalim sa rehabilitasyon mga kabataang may edad 12 hanggang 15 na nasasangkot upang maiwasang maulit ang mga insidente. Ginagamit ng PNP ang tulong ng DSWD, DOJ, at iba pang ahensya upang mabigyan ng suporta ang mga menor de edad.

Hinikayat ni Pontillas ang komunidad na magtulungan at suportahan ang mga kabataan upang mapigilan ang pagdami ng ganitong mga insidente.

NI JASMIN BARANGAN
NI KUIRT NATHANIEL MERCADO
Lumiliyab ang apoy na nagdulot ng malaking pinsala sa imprastruktura at buhay ng mga residente sa Los Angeles, noong Martes, ika-7 ng Enero, 2025.
Inilunsad Ng DOST-Philvocs Ang earthquake and volcano sourcebook para mapaghandaan at malaman ang mga pangyayari sa paparating na 2025 sa Gingoog City.
Inilalagay ng Gingoog City PNP ang mga menor de edad na na sangkot sa mga krimen sa ilalim ng mga programang rehabilitasyon upang tumulong na mapabuti ang kanilang kalagayan.
GUHIT NI Kyle Claro

Opinyon

PISApinas, Umagnas

““

Edukasyon ang nagsisilbing pundasyon ng karunungan sa mga kabataan. Dito nila matututunan ang mga makrong kasanayang pagbasat pagsulat, pagbilang, Matematika, Agham, at Teknolohiya. Mahalaga ang edukasyon sa paghubog ng kabataan upang maging isang huwarang mag-aaral, anak, at mamamayan. Kung ipagkukumpara sa mga karatig na bansa ang edukasyon ng Pilipinas, kamusta ang performance ng

dukasyon ang nagsisilbing pundasyon ng karunungan sa mga kabataan. Dito nila matututunan ang mga makrong kasanayang pagbasa’t pagsulat, pagbilang, Matematika, Agham, at Teknolohiya. Mahalaga ang edukasyon sa paghubog ng kabataan upang maging isang huwarang magaaral, anak, at mamamayan. Kung ipagkukumpara sa mga karatig na bansa ang edukasyon ng Pilipinas, kamusta ang performance ng kabataang Pinoy

Nagsisilbing sukatan sa kalidad ng edukasyon ng isang bansa at kung paano nagagamit ng kabataan ang kanilang natutunan sa paaralan ang Programme for International Student Assessment (PISA). Isa itong internasyunal na pagtatasa na sumusukat sa 15 taong gulang sa kanilang kakayahan sa pagbasa, Matematika, at Agham. Nakita ang kahinaan ng mga Pilipino sa 2022 cy cle ng PISA nang nasa mababang antas ang

Mahalagang magampanan ng edukasyon ang tungkulin nitong makabuo ng mga kabataang may kahandaan, karunungan, at katatagan.

Sa makintab na motor at ingay ng tambutso, buhay ang taya sa bawat pag pindot ng preno “

Kilala Ang Gingoog City Comprehen sive National High School (GCCNHS )bilang Isang sikat na publikong paaralan sa Gingoog city misamis occidental region 10. Ngunit sa kabila nito mayroong mga bagay na bumabagabag na suliraning kung ating tatanawin ay tila mahirap solusyonan at hindi ito maiiwasan.Sa loob ng City High , hindi maikakailang nakakapukaw ng pansin ang mga estudyanteng menor de edad na nagmamaneho ng motorsiklo. Sa mata ng iba, sila’y astig tila may porma, may tapang, at may dating. Pero astig nga ba, o hambog lang? Ang pagiging cool ay hindi nasusukat sa ingay ng tambutso o sa bilis ng andar, lalo na kung ang kapalit nito ay kaligtasan. Kung sa kalsada, bawal ang menor de edad na pasahero, paano pa kaya kung sila mismo ang driver? Isa itong delikadong tanawin na tila nasanay na lang tayong tingnan araw-araw.

Ayon sa Republic Act 10666 o ang Children’s Safety on Motorcycles Act of 2015, malinaw pa sa sikat ng araw na bawal pasakayin ang mga bata sa motorsiklo, lalo na kung delikado ang kalsada. Kung ang pasahero nga bawal, mas matindi ang paglabag kung menor de edad mismo ang nagmamaneho. Ang paaralan ay dapat maging ligtas na lugar, pero bakit tila nagiging mini highway na ito ng mga estudyanteng walang lisensya? Sabi nga nila, "Kung may batas, may paraan para suwayin". Pero hanggang kailan natin hahayaang malusutan ito?

Magaling naman akong magmaneho.” Ito ang madalas na rason ng mga menor de edad na may motorsiklo. Pero kahit ang pinakasanay na driver, nadidisgrasya. Walang aksidenteng nagpaparamdam bago ito mangyari. Kapag may nalaglag, nasaktan, o mas

Pilipinas sa larangan ng Matematika, Agham, at Pagbasa kumpara sa mga estudyante sa ibang bansa. Ayon sa artikulo ng Pilipino Star Ngayon, ang mga estudyanteng

Pilipino ay nakakuha lamang ng 355 points sa Matematika, 356 sa Agham, at 347 sa Pagbasa. Para makapasa, kailangang ang iskor ay: 472 sa Matem atika, 485 sa Agham, at 476 sa Pabasa.

Masyadong mababa ang nakuha ng mga Pilipinong estudyante kumpara sa mga estudyante sa Singapore, Hong Kong, Japan, Korea, Macao, Ireland, Estonia,at Chinese Taipei na mataas ang nakuhang puntos. Nakababahala ang kahinaan ng mga estudyanteng Pinoy na napag-iiwanan na ng mga estudyante sa ibang bansa. Sino nga ba ang dapat sisihin? Ang kabataan o gobyerno? Ang mababang rating ng Pilipinas ay nagpapakita na hindi lubos na natutulungan ng ating sistema ng edukasyon ang mga mag-aaral. Maraming hamon ang maiuugnay ng kahinaan ng edukasyon ng Pilipinas. Kabilang dito ang hindi sapat na pundo sa edukasyon, kakulangan sa imprastruktura, libro, at teknolohiya. Hindi rin lahat ng mag-aaral ang may aksis sa internet o walang gadget lalo na sa nakatira sa mga probinsiya. Isang rason ng limitadong pagkatuto.

Nawa’y sa pagkakasatuparan ng bagong kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon, ang MATATAG, maisasaayos ang mga kakulangan at kahinaan ng edukasyon sa kabataang Pilipino. Dapat magkaisa ang sambayanan upang malutas ang hamon na ito at maiunlad ang performance ng kabataang Pilipino. Mahalagang magampanan ng DepEd ang tungkulin nitong makabuo ng mga kabataang may kahandaan, karunungan, at katatagan na bukal sa loob na maglingkod sa mamamayan bilang pag-asa ng bayan.

Astig baka mo ang dala? O peligrosong banta sa labas ng paaralan?

malala pa, sino ang sisisihin? Ang mga menor de edad ay wala pang sapat na karanasan at disiplina para sa tamang pagmamaneho. “Wala silang pormal na training sa defensive driving, at madalas, dala ng kabataan ang pagiging mapusok. Tanungin mo ang sinumang guro sinong estudyante ang laging maangas sa campus? Malamang, sila rin ang may dalang motor. Kapag may nangyaring aksidente, laging may sisihan. Magtuturuan bakit hinayaan ng eskuwelahan?. Bakit pinayagan ng magulang? Pero bago pa dumating sa puntong ito, hindi ba pwedeng gumawa na ng aksyon? Ang mga magulang, na unang guro ng mga anak, ay dapat maunawaan na ang pagbibigay ng motorsiklo sa menor de edad ay hindi pribilehiyo kundi isang responsibilidad. Dapat din maging mapanuri ang mga guro at administrasyon. Ang pagpapaalala sa estudyante ay hindi pagdidikta, kundi pagmamalasakit. Kung may disiplina sa bahay, dadalhin nila ito sa paaralan. Kung may patakaran sa paaralan, mababago ang pananaw ng estudyante.

Simple lang ang solusyon, bawal magmaneho ang menor de edad sa loob ng campus. Isang "No Motorcycle Policy" para sa mga estudyante. Maglagay ng malinaw na babala sa tarangkahan,"Bawal pumasok ang menor de edad na nagmamaneho." Maglagay ng guwardiya o "campus enforcer" para tiyakin na walang estudyanteng nagdadala ng motorsiklo. Puwedeng ipatawag ang mga magulang ng mga mahuhuling lumalabag sa panuntunan. Kung gusto talagang maging ligtas ang campus, dapat ay may aksyon, hindi lang intensyon. Sapagkat kung walang disiplina, sino pa ang matututo? Huwag nating hintayin na may masaktan bago kumilos. Huwag hayaang ang campus ay maging disgrasya zone dahil sa kapabayaan

ng lahat. Ang pagbabago ay hindi magsisimula sa isang aksidente kundi sa isang desisyon. Kaya ngayon pa lang, panahon na para ipatupad ang disiplina. Ipaliwanag sa estudyante na ang mga patakarang ito ay hindi para pahirapan sila kundi para protektahan sila. Hindi ka kalaban ng estudyante, kaagapay ka nila. Kapag nagkakaisa ang administrasyon, guro, magulang, at estudyante, walang problema na hindi masosolusyunan. Dapat bang hayaan ang mga menor de edad na magmaneho ng motor sa campus? Dahil ang kaligtasan ay hindi nakikipagkompromiso. Hindi lahat ng cool ay tama, at hindi lahat ng bawal ay hadlang. Minsan, ang mga bawal ay para sa ating proteksyon. Kaya bago magpanggap na astig sa harap ng kaklase, tanungin ang sarili ,astig ba ang mapahamak?. Bilang estudyante, hindi mo hawak ang lahat ng pagkakataon, pero hawak mo ang iyong mga desisyon. Huwag mong hintayin na ang pagiging cool ay maging sanhi ng pagluha ng iyong pamilya.

Ayaw nating maranasan ito mismo sa ating minamahal na paaralan, kung saan tayo natuto and namulat sa kaalaman taglay natin ngayon. Hindi pribilehiyo ang pagmamaneho kundi isang malaking responsibilidad. Hindi lahat ng uso ay tama, at hindi lahat ng patakaran ay para hadlangan tayo. Minsan, ang mahigpit na patakaran ay nagsisilbing sandata para tayo ay maging ligtas. Walang magulang na gustong magluksa dahil sa isang aksidenteng maiiwasan naman. Walang gurong gustong matrauma dahil sa estudyanteng naaksidente. Iwasan na ngayon, huwag nang hintayin ang trahedya. Dahil sa dulo ng lahat, hindi na mahalaga kung gaano ka astig sa tingin ng iba ang mahalaga, buo ka pa ring makakauwi sa tahanan ng iyong pamilya.

NI CARABELLE CAINOY
NI JHANDY Gil S. ALABA

OPINYON05

MORESCO: Dehado sa Bulok na Serbisyo

amo’t saring ilaw na kumukurap nagdulot ng malaking abala’t hirap. Kadiliman na bumabalot sa bawat sulok ng daan at tahanan, sanhi ng pagka-antala ng karamihan. Pagkawala ng kuryente’y isang kabiguan, “Brownout nasad?” ang palaging tanong ng santinakpan.

Ang walang katapusang patay sindi ng suplay ng kuryente ay gumambala sa mga munisipalidad ng Misamis Oriental; partikular sa Lungsod ng Gingoog. Ang patuloy na pagperwisyo ng kawalan ng kuryente ay nagdualot ng sandamakmak na reklamo at batikos mula sa mga Gingoognons; nagnanais at nanawagan ng agarang solusyon. Base sa mga nag daang anunsyo ng MORESCO 2, sa buwan lamang ng Oktubre, mayroong humigit kumulang na 20 unscheduled power interruption. Nangungunang kadahilanan ay ang pagkasira ng mga poste na dala na rin ng pinsala ng bagyong Kristine at Leon. Ang pagkumpuni ng mga nasirang poste na nangangailangan ng oras at pagsisikap, ay nag hatid ng karagdagang pagugulumihanan kung kailan babalik ang naturang kuryente. Luhog at lawiswis ng masa’y mabigyan ng agarang aksiyon ang kinakaharap na hamon.

Mula sa pag-iilaw ng mga tahanan, pagpapatakbo ng mga kagamitan at negosyo, kaakibat sa pag-aaral, serbisyong pang kalusugan at iba pa, kuryente ang ating kaagapay sa bawat hakbang ng paglalakaybay.

Lupon ng Patnugotan,

Magandang araw po!

Ang paulit-ulit na brownout ngayon dahil sa pagkasira nga mga poste ay nakapagbabahala sa galaw ng agos ng buhay.

Ganitong problema’y nakaka-apekto sa isang lungsod ay kinakailangang maagapan lalo’t maraming sektor ang naaapektuhan. Ang paulit-paulit na pagkasira ng poste ay siyang dapat na magsisilbing hudyat ng masusing regulasyon sa mga poste para maibsan ang pagkasira nito. Ang mga regulasyon ay magsisilbing gabay sa pagtatayo, pagpapanatili, at pagpapatakbo ng mga poste, na nagbabawas ng panganib ng mga aksidente at pagkagambala sa suplay ng kuryente. Ang pagpapatayo rin ng power station o power plant ay isa rin sa maaring solusyon kung sakaling darating ang malubhang krisis sa ating kuryente.

Matatandaan na noong ika-16 ng Septyembre, taong 2015, naghain ang Gingoog City Council Sangguniang Panlungsod Blg. 2015292 “pagsuporta at pag-eendorso nang walang anumang pagtutol sa panukala ng Oriental Energy and Power Generation Corp. na bumuo at magpatakbo ng upper, middle at lower cascades ng Odiongan River hydro-electric power project sa pagbuo ng kuryente batay sa isang Service Contract sa pagitan ng Oriental Energy at Power Generation Corp. at Department of Energy of the Philippines.” Subalit, ilang taon na ang nakalipas, walang balita ang nakalap ukol sa pagsimula at pagtatapos ng nasabing proyekto.

Hindi natin masisi ang MORESCO 2 sa paulit-ulit na brownout na naganap,

Nais ko po sanang ipahayag ang aming mga saloobin ukol sa kakulangan ng pondo o badyet para sa mga paligsahan at aktibidad na isinasagawa sa ating paaralan. Sa kasalukuyan po, hindi sapat ang pondo na inilaan para sa mga paligsahan, kaya't ang kalidad at kahusayan ng mga ito ay naaapektuhan. May mga pagkakataon po na hindi nakakamtan ang inaasahang gantimpala na dapat ay bahagi ng isang matagumpay na kompetisyon. Kami po ay nagsusumikap upang magtagumpay, ngunit sa kakulangan ng mga kagamitan at pondo, kami po ay nahihirapan. Kami po ay humihiling na sana ay mabigyan ng pansin ang isyung ito, at naniniwala po kami na ang mga pampaaralang aktibidad ay mahalaga sa aming pagkatuto at pag-unlad, kaya't sana po ay magpatuloy ang mga ito nang may sapat na suporta.

Maraming salamat po sa inyong oras at atensyon. Nawa po ay magpatuloy ang inyong malasakit para sa aming mga mag-aaral at ang ikabubuti ng aming paaralan.

Lubos na gumagalang, Mag-aaral sa GCCNHS

IDeal na Solusyon

aglunsad ng bagong elec tronic identification system ang Gingoog City Comprehensive National High School (GCCNHS) noong Setyembre 25,2024.Ito ang kauna-unahang I.D system na inilunsad sa paaralan ng Gingoog City. Ang panibagong teknolohiyang ito ay nakikitaan ng pagbabago sa sistema ng paaralan, ito ba'y sagot sa suliranin? o dagdag pasanin?

subalit nararapat lamang sa mga awtoridad na magbigay ng konkretong solusyon at magpatupad ng mga hakbang upang matiyak ang isang matatag at maaasahang suplay ng kuryente para sa lahat. Pagpapabuti ng imprastraktura ng mga poste at pag-aaral at pagsasagawa ng mga alternatibong mapagkukunan ng enerhiya ay ilan sa mga hakbang na dapat nating gawin at masagot ang tanong na “Brown out nasad?”at buhay ay uusad. Sa pagiging maagap ng anumang problemang kasalukuyan nating kinakaharap, mga hamon tulad ng palagiang brownout ay malalampasan upang makakamit natin ang hinahangad nating kaginhawaan.

Enerhiyang abot ng malakas na kapasidad ang solusyon sa numiningas na elektrisidad.

Mahal naming Mag-aaral ng GCCNHS, Magandang araw!

Tulad po ng inyong ipinahayag, mahalaga ang mga aktibidad at patimpalak sa ating pagkatuto at pagpapalawak ng mga kasanayan, kaya’t sisikapin po namin na magpatuloy ang suporta sa mga ganitong proyekto. Ang inyong mga saloobin ay magiging gabay namin sa pagsusuri at paghahanap ng solusyon upang matugunan ang mga hamon sa pondo. Kami po ay patuloy na makikipagtulungan sa ating mga guro at iba pang mga kagawaran upang mapabuti ang mga aktibidad sa paaralan. Umaasa po kami na magkakaroon tayo ng mas maraming pagkakataon upang magtagumpay at magbigay ng mas mataas na kalidad ng karanasan sa lahat ng mag-aaral.

Muli, maraming salamat po sa inyong pagtangkilik at malasakit sa ating paaralan.

Lubos na gumagalang, Punong Patnugot

Ang I.D system ay ipinatupad ng GCCNHS upang maiwasan ang mga kapahamakan na maaring maranasan ng mga estudyante.Ginagamit din ito upang masiguradong makakamit ang ligtas na paaralan para sa lahat, at upang masubaybayan ang numero ng mga mag-aaral na lumiliban sa klase o hindi pumapasok sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa mga magulang gamit ang I.D scanner.

Ngunit,sa nangyayari ngayon,ang I.D system ay hindi nakikitaan na nakapagbibigay ng kaunlaran sa loob ng paaralan. Kamakailan lang,noong January 6,2025 mayroong estudyanteng sinaksak mismo ng kanyang kapwa estudyante sa loob ng GCCNHS gamit ang pinagbabawal na patalim. Napag-alaman na ang mga estudyanteng ito ay parehong mga junior high school pa lamang. Pagdating sa attendance rate ng mga mag-aaral, napag alaman na wala itong pinagbago, at gaya ng dati,marami parin ang lumiliban sa klase.

Sa kabilang banda,ayon sa ilan sa mga guro sa GCCNHS, partikular sa mga grade 7, wala silang nakikitang pagbabago sa attendance rate ng kani-kanilang mga estudyante sapagkat hindi strikto ang pagpapatupad ng implementasyon ng I.D system sa paaralan. Halos 38% ang itinaas ng mga estudyanteng lumiliban sa klase. Humigit kumulang anim na libong estudyante ang target ng I.D system ngunit base sa I.D scanner, halos grade 7 lamang ang mga gumagamit at sumusunod sa patakaran.

Gayun paman, ang digitalized I.D scanner ay lumalabas na hindi nakakatulong sa pagkamit ng mithiin at layunin ng paaralan kung ipapaubaya lang ito sa mga mag-aaral. Ang panibagong sistema ay inaasahang makakatulong sa pag-papaunlad ng GCCNHS, ngunit sa pagpapabaya at pagpapaubaya ng responsibilad sa mga estudyante,malabong makamtan ang mga layunin ng I.D system na ito. Nararapat na mas paigtingin ng paaralan ang striktong implementasyon ng I.D system, sisimulan ito sa pagbabantay sa I.D scanner upang masigurado ang pakiki bahagi ng mga estudyante sa panibagong sistema.

Inaasahan din na lalagyan ng I.D scanner ang exit gate para hindi mag dulot ng anumalya sa pagpapatupad nito.Sa pamamaraang ito, makakamtan ng bawat isa ang mas ligtas at mapayapang paaralan, kung saan, ang mga estudyante ay mas gaganahang mag-aral at makahakubilo sa mga ibang estudyante.

LIHAM SA PATNUGOT
TUGON NG PATNUGOT
NI KIM HAZEL J. MONINIO
NI JANELL JANE S. OBEDENCIO

Hindi basehan ang pagiging tanyag sa halalan.

agsimula ang filing of Certificates of Candidacy (COC) sa Pilipinas noong unang araw ng Oktubre para sa taong 2025. Agaw-pansin ang sunod-sunod na paghain ng COC ng iilang sikat na influencers sa bansa. Ang kanilang karanasan at kaalaman sa politika ay naging kontrobersyal at palaisipan sa madla. Ano nga ba ang maidudulot nitong implikasyon sa lipunan? Nararapat bang ito'y pagtuunan ng pansin o basta-basta na lang balewalain? Hindi maikakailang malaki ang pagkakataon ng mga influencers na manalo sa halalan at umupo sa politika. Gamit ang kanilang social media mas mapapadali nilang maibabahagi ang kanilang adbokasiya at plataporma sa mamamayan. Sa pamamagitan nito maaari nilang maimpluwensyahan ang lahat lalo na ang kanilang mga

Kaunlaran sa Bayan o Sariling Kasikatan?

tagasuporta na iboto sila. Ang kanilang kasikatan ang isang benepisyo upang makakuha ng mataas na boto. Isa ang sikat na vlogger at entrepreneur na si Rosmarie "Rosmar" Tan-Pamulaklakin ang naghain ng COC upang tumakbo bilang konsehal sa unang distrito ng Maynila. Kabilang din si Enzo Pineda, isang aktor na tatakbo bilang konsehal sa 5th district ng Quezon City, pati na rin ang "It's Show Time" host na si Ion Perez bilang konsehal ng Conception, Tarlac. Maging ang pares vendor na si Deo Balbuena o mas kilala bilang si "Diwata" ay naghain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) na tatakbo sa ilalim ng Vendors Partylist. Nakaaalarma ang paghain ng Certificate of Candidacy ng mga content creators at social media influencers

Bakbakan sa Politika at Pahayagan

ananatiling malagim ang karapa tang pantao ng mga mamamayang Pilipino sa gitna ng Extrajudicial killings o EJKs na ayon sa panukatang bahagi ng House Resolution No. 1745 na inihain sa House of Representatives, ito ay matagal nang banta laban sa malaking bilang ng mga mamamayan sa loob ng maraming dekada. Maging ang mga mamamahayag at aktibistang politikal ay naaapektuhan, sa tungkulin at responsibilidad na ipahayag ang katotohanan.

sa bansa. Ito’y naging kontrobersyal sa mga taumbayan, lalo na’t ang pagpasok sa politika ay may kaakibat na mabigat na responsibili dad.

Mahalaga na pairalin natin ang ating kritikal na pag-iisip sa oras ng halalan. Bilang isang mamamayan dapat na masusi nating kilatisin na ang pipiliin nating lider ay tapat na maglilingkod sa bansa. " Palagi nating tatandaan na hindi basehan ang pagiging tanyag sa oras ng halalan." Ang tunay na pamantayan ng isang karapatdapat na mamuno ng bansa ay may tunay na pagmamalasakit at magandang layunin para sa ikauunlad ng ating lipunan. Maging mapanuri tayo sa kanilang tunay na intensyon at layunin. Hangarin nga ba nila ay kaunlaran sa bayan o sariling kasikatan?

““ N
Pag-uusig sa mga kriminal—hustisya sa masa’y ibigay.

Numero katumbas ng Pagkatuto

atas ba ang labanan sa pagbibigay parangal o butas ang sistemang binigyang parangal? Hindi lang mga bilihin sa bigas at produkto ang tumaas sa ating bansa ngunit pati na rin sa antas ng pagbibigay marka. Kung saan ang pagsisikap ay magkapareho na binibigyang katumbas.

Matagal nang tapos ang termino ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte subalit hindi pa ang War on Drugs Campaign. Sa pagupo niya bilang Presidente ng Pilipinas noong June 30, 2016, pinamunuan at sinimulan niya agad ang WOD campaign kasama ang mga pulisya at halos umabot sa 12,000 na mga mamamayang Pilipino ang nasawi at karamihan sa mga nabiktima ay mga mahihirap, na kadalasay nasa lansangan sa mga urban na lugar.

Malaki ang epekto ng WOD campaign sapagkat maraming extra- judicial killings ang naganap sa konteksto ng pampulitikang karahasan, partikyular na nauugnay sa halalan. Isa sa pinagdudahan ang pagsugod sa tirahan at pagbababaril ng dating militar at Negros Oriental Governor Roel Degamo kasama ang limang 4Ps beneficiary na noo'y kumukuha lang nang ayuda noong Marso 4, 2023, na hanggang ngayon ay hindi pa nalalaman ang salarin. Tinarget din ang mga mamamahayag na may 4 na nasawi hanggang ngayon sa ilalim ng pamumuno ni Marcos. Ang pinakahuling nasawi ay si Cresenciano Bunduquin, isang broadcaster sa Oriental Mindoro na binaril noong Mayo 21, 2025 at isang police major at kasamahan nito na operator ng peryahan ang sinasabing utak sa pagpatay.

Maayos na Daan, Protektado ba ang Kalikasan?

a ating panahon, laging nauurong ang mga proyekto ng pagpapabuti ng mga paaralan upang mapabuti ang karanasan ng mga mag-aaral. Isang halimbawa na ngayon ay isinasagawa sa Ginggog City Comprehensive National High School (GCCNHS) ang pagpapalawak ng daanan sa loob ng campus. Subalit, ang hakbangin na ito ay may kasamang kontrobersiya, upang matupad ito maraming mga puno ang pinutol. Sa kabila ng mga benepisyo ng proyekto, dapat ba natin ipagsakripisyo ang mga puno para sa progreso? Ang pagpapalawak ng daanan sa GCCNHS ay naglalayong mapabuti ang daloy ng mga mag-aaral at guro. Sa isang paaralan kung saan mataas ang bilang ng mga mag-aaral, ang masikip na daanan ay isang hamon na kailangang lutasin. Ngunit ang pagpapalawak ng kalsadang ito ay may kaakibat na kapalit, ang pagkawala ng mga puno na nagbibigay ng lilim, sariwang hangin, at iba pang benepisyo sa kapaligiran. Habang nauunawaan ko ang pangangailangan ng pagpapabuti sa imprastruktura ng paaralan, hindi ko nakikita na tamang proseso ang pagputol ng mga puno, na siya namang pinagmumulan ng maraming bene

Hindi makatarungan ang mga nagaganap na pagpapaslang sapagkat hindi ito nabibigyan ng hustisya lalo na't mga kapuwa pulis lang din ang nasasangkot at nag-iimbestiga. Makatitiyak kayang limbestiga han ng mga pulis ang kapuwa nila pulis? Lalo pa't mataas ang ranggo nito. Ito ay naghahatid ng pangamba at takot sa mga mamamayan sapagkat may posibilidad na hindi umusad ang imbestigasyon dahil mga pulis lang din ang inaasahang mag-iimbestiga. Nararapat lamang na ito'y gawan ng aksiyon sa lalong madaling panahon, ng Department of Justice na pakinggan ang bawat panig ng mga mamamayang nangangailangan ng tulong at proteksiyon. Sana'y tuparin ng Malacañang ang kanilang pangako noong Hulyo 2022 na maglatag ng mga bagong programa ang pamahalaan.

Daan sa Pag-unlad o Kapinsalan sa Kalikasan

pisyo sa kalikasan at kalusugan ng mga tao. Ayon sa mga eksperto, ang mga puno ay hindi lamang mahalaga sa ating kapaligiran, kundi sa kalusugan ng mga tao. Ayon sa isang pag-aaral ng World Health Organization (WHO), ang mga natural na espasyo tulad ng mga parke at puno sa mga urban na lugar ay may malaking epekto sa mental at pisikal na kalusugan ng tao. Ang pagkawala ng mga puno sa GCCNHS ay hindi lamang isang isyu ng kapaligiran, kundi isang isyu na may direktang epekto sa kalusugan ng komunidad ng paaralan. Bukod pa rito, ang pagkawala ng mga puno ay maaaring magdulot ng mga problema sa pagbabago ng klima, tulad ng mas mataas na temperatura sa mga urban na lugar. Bagamat may mga nagsasabi na ang pagpapalawak ng daanan ay isang kinakailangang hakbang upang mapabuti ang daloy ng mga mag-aaral at maiwasan ang mga aksidente, hindi ito dapat mangyari sa pamamagitan ng pagputol ng mga puno. Ayon sa mga kritiko, may iba pang mga solusyon na maaaring maisagawa upang hindi magsakripisyo ang kalikasan. Halimbawa, maaaring pag-aralan ang mga

alternatibong paraan ng pagpapalawak ng daanan na hindi aapekto sa mga puno. Isang posibilidad ay ang paggamit ng teknolohiya at mga maparaang solusyon tulad ng pag-reconfigure ng mga espasyo o pag-aadjust ng plano upang maiwasan ang pagkakaroon ng epekto sa mga puno. Higit pa rito, maaari ring magsagawa ng tree planting activities bilang kabayaran sa mga puno na nawala. Ang proyekto ng pagpapalawak ng daanan sa paaralan ay isang pag-unlad patungo sa mas maayos na imprastruktura, ngunit ito ay may malaking epekto sa ating kalikasan. Dapat nating tandaan na ang kalikasan at ang mga tao ay hindi maaaring paghiwalayin, kaya’t kinakailangan ang tamang balanse. Bilang komunidad, dapat tayong mag-isip nang mas malalim at maghanap ng mga solusyon na hindi lamang nakikinabang sa isang aspeto kundi sa buong ekosistema. Iminumungkahi ko na magsagawa tayo ng konsultasyon sa mga eksperto at magtulungan upang mapabuti ang ating paaralan nang hindi isinasakripisyo ang ating kalikasan.

Mula sa pagbabagong ito sa ating sistema ay natatakpan ang tunay na pagkilala sa mga mag-aaral na mas lumalaban ng patas para lang maipasa ang marka ng iba. Kung tutuusin ang ganitong sistema sa kasalukuyan ay nag-uudyok ito para sa mga mag-aaral na umasa na lamang sa bawat paghatak ng mga guro na hindi na kinakailangang pagbuhatan ng pawis upang magapang ang tuktok. At kung ihahambing ang bilang ng mga mag-aaral noon sa mga listahan ngayon ay tiyak na napakalaki ng agwat, halos humigit 20 hanggang 30 na ang nabibigyang parangal sa “honor list” na dati ay halos dalawa at lima lamang ang nakakapasok. Subalit nakakamangha man ang ganitong dami ng mag-aaral na kinikilala sa kanilang angking husay ngunit lagapak at bagsak pa rin sa magkabilaang pasulit na isinagawa ng Programme for the International Secondary Assessment (PISA) ang ating bansa. Kung saan sa huling datos nito ay ang mga mag-aaral sa edad na labin limang taong gulang ay mababa ang “creative thingking skills” na dahilan upang ang Pilipinas ay nakahilera sa ika-63 na antas ng nakuhanh resulta. Kung kaya tiyak na malabo ang pangngatwiran sa daminng mga mag-aaral na ito na may mataas na parangal at pagkilala kung hindi naman napapatunayan ang kaalamang taglay.

Kung kaya, sa ilalim ng sistemang ito ay tila nagiging makabuluhan na lamang ang pag-aaral para sa posisyon sa listahan at kung sino ang nabibigyan ng karangalan kaysa ang matamo ang kaalaman. Tiyak na mapapatanong kung ang parangal na natatanggap ng bawat nag-aaral ay isang patunay sa angking katalinuhan at malawak na kakayahan o hindi kaya ay natatakpan sa kadahilanang wala dapat mapag-iiwanan. At para lamang makamtan ang nakatatak na academic standards sa lipunan na nawawalan ng kabuluhan ang pagpapahalaga sa karangalan.

Sa makatuwid, tungo rin sa sistemang ito ay nawalan ng saysay ang tunay na kahalagahan ng pagbibigay puri sa mga magaaral na dapat mabigyang parangal. Kaya tanungin ang sarili, ikaw ba ay nabibigyang parangal dahil sa angking kakayahan? O ang iyong parangal ay ugat ng sistemang ito na mas sentro ang mga numero kaysa ang kapasidad na matuto.

NI JEWEL PRINCESS SEROJE
NI CARABELLE CAINOY
NI RHIAN PRINCESS CAMOCAMO
NI AYESSA MAE M. MUKARA

OPINYON

Mga Gawain sa Paaralan: Pag-angat o Pag-abala?

a mga paaralan, maging pampub liko man o pribado, ang pagsasagawa ng mga ekstrakurikular na gawain ay isang karaniwang kasanayan na may layuning mapaunlad ang mga talento at kasanayan ng mga mag-aaral. Gayunpaman, bagamat may positibong epekto ang mga aktibidad na ito, mahalaga ring suriin ang potensyal na negatibong implikasyon nito sa kalidad ng edukasyon, lalo na sa konteksto ng pinaikling akademikong taon 2024-2025. Sa katunayan, ang patuloy na pagkagambala sa mga regular na klase dahil sa mga nasabing gawain ay maaaring magdulot ng di-kanais-nais na epekto sa parehong mag-aaral at guro. Bilang resulta, ang kawalan ng balanse sa pagitan ng mga akademikong gawain at ekstrakurikular na mga aktibidad ay maaaring magresulta sa pagkukulang sa oras ng mga mag-aaral para sa pag-aaral at paghahanda sa mga pagsusulit. Bukod dito, ang patuloy na pag-aayos ng mga iskedyul ng klase dahil sa mga pagtitipon at pagsasanay ay nagdudulot ng pagkagambala sa proseso ng pagkatuto, na maaaring humantong sa mababang marka at pagbaba ng pangkalahatang akademikong pagganap. Higit pa rito, ang mga guro naman ay maaaring makaramdam ng labis na karga ng trabaho dahil sa pangangailangang mag-adjust sa kanilang mga plano sa pagtuturo.

““

Epektibong pagaaral ay isang hiyas sa lumiliwanag na bukas— balanseng wagas ay syang susi ng pagtuklas

Matatandaan na sa pagpapatupad ng DepEd Order No. 34, Serye ng 2022, na inilabas noong Hulyo 2022, ay ipinag-uutos na ang mga araw ng paaralan sa kasalukuyang taon ay dapat na "nakalaan lamang sa mga akademiko at kaugnay na mga co-curricular activities" at na "mahigpit na ipinagbabawal ang mga extracurricular activities." Bagama't ito ay upang mabawi ang mga pagkagambala na dulot ng pandemya ng COVID-19, ito ay isang matalinong hakbang ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) upang labanan ang posibleng pagkagambala ng mga klase dahil sa mga ekstrakurikular na mga aktibidad Gayunpaman, nagpahayag ng pag-aalinlangan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) tungkol sa desisyon ng DepEd na alisin ang mga extracurricular activities, na nagtatalo na ang ganitong hakbang ay maaaring maging kontra-produktibo at maaaring humantong sa burnout sa mga mag-aaral at guro.

Walang kamalian sa pagpapatupad ng mga ekstrakurikular na gawain sapagkat ito ay may mahalagang papel sa pagpapaunlad ng mga mag-aaral, na nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na magkaroon ng mga bagong kasanayan, makipag-ugnayan sa kanilang mga kapantay, at mapaunlad ang kanilang mga talento. Ngunit, ang pagpapahalaga sa balanse ay napakahalaga. Sa madaling salita, ang pagsasagawa ng mga aktibidad na hindi nakakaistorbo sa regular na pag-aaral ay dapat na maging prayoridad. Sa ganitong paraan, ang pag-aayos ng mga iskedyul at mahusay na pagpaplano ay susi sa pagkamit ng isang balanseng sistema na nagbibigay-daan sa parehong akademikong kahusayan at pagpapaunlad ng mga talento.

Two in one sa Loob ng Silid- Aralan:

Hating Kapatid sa Iisang Silid

ulan nang pagkamit ng isang matiwasay, handa, at ligtas na kinabukasan ay ang pagkakaroon ng maayos at komportableng silid-aralan. Ayon sa tuntunin ng paaralan, mahalaga ang pangangalaga sa kapakanan ng bawat mag-aaral at pagtitiyak na kanilang natatamo ang sapat at de-kalidad na edukasyon. Apat na kwadradong silid na nagsisilbing tahanan ng kaalaman-- sa patuloy na pagdami ng mga mag-aaral taon-taon, makakaya pa kaya ng mga mag-aaral na ipagsiksikan ang kanilang kapanalunan? Paano matitiyak ang kalidad ng edukasyon kung lugi sa silid-aralan?

Kakulangan sa mga pasilidad ang pangunahing problema ng Gingoog City Comprehensive National High School lalo na't dumarami ang bilang ng mga mag-aaral kada semestre, upang matugunan ito gumawa ng reporma ang paaralan kung saan ipinatupad ang pagkakaroon ng shifting ng mga klase. Iisang klassroom, ngunit sa umaga at hapon ay magkaibang estudyante. Bagama’t ito'y isang makatarungang solusyon sa isang sitwasyong hindi maiiwasan, ang pagkakaroon ng irregular na klase ng ibang mag-aaral

ay nagdulot ng malaking pagbabago hindi lamang sa mga estudyante lalong-lalo na rin sa mga guro.

Labing-walong seksyon sa Grade 9 at labing- anim na seksyon naman mula sa Grade 10 ang naapektuhan ng set-up na ito. Ayon sa bagong iskedyul, ang klase ng pang-umagang

estudyante ay mula 6:30 AM hanggang 11:30 AM, at ang mga nasa hapon naman ay mula 12:30 PM hanggang 5:00 PM. Ang silid-aralan, na karaniwang ginagamit lamang ng isang seksyon sa buong araw, ay kailangang paghatiin upang magsilbi sa magkaibang lupon ng mga mag-aaral. Ito ba'y pangmatagalang solusyon o pinapabagal lamang nito ang pagbabahagi ng edukasyon?

Hindi maipagkakaila na epektibo ang paghahati ng klase sa umaga at hapon. Ito’y nakatulong upang malutas ang problema sa kulang na pasilidad ng paaralan, kung saan patas na nagkaroon ng pagkakataon ang mga estudyante na makamtan ang isang maayos na silid. Sa kabilang banda nagdala ito ng pasakit sa mga guro, sapagkat nadagdagan na naman ang kanilang mga trabaho na siyang maaring magdulot ng pagkaantala, at pagkaabala sa iba pa nilang gawain.

Ang hindi pantay-pantay na oras ng klase ay nakakaapekto rin sa pagkatuto ng mga estudyante na nagreresulta sa mahirapang pag-aadjust. Pinapabagal din nito ang pagbabahagi ng leksyon na kinakailangang maabot ng mga guro sa katapusan ng taon. Nagkaroon ng iba’t ibang hamon , tulad ng hindi pagkakaunawaan sa iskedyul, at nabawasan ang pagbabahagi ng kalidad na edukasyon. Kahit na maganda ang layunin ng shifting ng klase, ang pagtutok sa pagpapalawak ng lugar at pagpapanitiling ligtas ang kapaligiran ng mga kabataan ay kailangang maging pangunahing konsiderasyon.

Pangunahing layunin dapat ay ang pagkamit ng isang kapaligiran sa paaralan na nagtataguyod ng parehong akademikong kahusayan at pag-unlad ng mga mag-aaral sa labas ng silid-aralan. Upang makamit ito, ang maayos na koordinasyon sa pagitan ng administrasyon ng paaralan at mga guro ay mahalaga upang matiyak na ang mga ekstrakurikular na gawain ay hindi nakakasagabal sa proseso ng pagkatuto. Sa pagbibigay-pansin sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral at ang paghahanap ng isang balanse sa pagitan ng mga akademikong gawain at mga ekstrakurikular na aktibidad ay susi sa pagkamit ng isang matagumpay at produktibong taon ng pag-aaral.

Dahil dito, hindi sapat na ang shifting ng klase lamang ang solusyon; kinakailangan ang mas malawak na pagsisiyasat, patuloy na reporma, at konkretong plano para sa mas maayos na imprastruktura at sistema ng edukasyon. Mahalaga ang pagtutok sa kalidad ng edukasyon bilang pangunahing layunin upang matugunan ang pangangailangan ng bawat mag-aaral at guro. Ang hakbang na ito ay hindi lamang tungkol sa pagkamit ng maayos na silid-aralan kundi sa pangkalahatang kapakanan at tagumpay ng mga estudyante. Edukasyon ang pundasyon ng pag-asa at tagumpay para sa bawat kabataan. Sa pamamagitan ng tamang solusyon, masigasig na reporma, at pagtutulungan, posibleng matamo ang pangmatagalang pagbabago na pakikinabangan hindi lamang ng mga estudyante kundi pati na rin sa iba't ibang kawani ng paaralan. Ang mga hakbang nang shifting ng klase ay nangangailangan ng patuloy na pagsusuri at pagpapabuti. Hindi lamang ito isang solusyon sa kakulangan ng silid-aralan, kundi isang pagsubok din sa ating sistema ng edukasyon. Higit pa sa pagtatayo ng mga imprastruktura, ang tunay na sukatan ng tagumpay sapagkat nakasalalay din ito sa kalidad ng edukasyon at ang kapakanan ng bawat mag-aaral.

Paggawa ng mga imprastruktura at reporma ay dapat gawing pangunahin ng sa edukasyon at pasilidad ay di’ mag-alanganin ““

NI ERIKA B. LAURON
NI KIM HAZEL J. MONINIO

Ang Opisyal na Pamayahagang Pampaaralan ng Gingoog City Comprehensive National High School

Oktubre 2024-Enero 2025

Tomo XXIX Bilang 1

Tanso, Pilak , at Ginto lathalain

“Buti pa s’ya! “Dinig kong sambit ng iba.

Katagang nagpaigting ng aking tainga at nagpadilat ng aking mga mata.

“ Buti pa ako? “

Katoto, kung akin bang ikukuwento ang tunay kong pagkatao, yayapusin mo pa kayo ako mula suwelo hanggang ulo? Mararamda man mo pa kaya ang siphayo na dala ng puso?

hindi gawa sa metal, kun di gawa sa pagmamahal, tapang, at pagtanggap sa sarili. Iyan ang aking pinang hahawakan noong nakaraan, umaasang hindi ito maaag nas sa puso’t isipan.

damakmak na parangal na aking nakuha, sapat ba ito para ako’y maging kahan ga-hanga? Pa’no kung peklat at kakulangan ko’y aking ilalathala? Magiging tulad pa rin ba ako ng dyamanteng kumikinang na kay ganda? O malulugmok ako kapag dumating ang panahon na

Tanong na ito’y paulit-ulit na bumubulong sa aking isipan. Parang isang anino na sumusunod sa akin kahit saan. Noong una, iniiwasan ko ito, mas madali palang magtago, sa mga papuring natatanggap ko. Aking napagtanto, ito ang aking identidad, ang aking depinisyon. Ngunit, Ito nga ba talaga? Balat na mala porselana, wari’y isang manikang mukha at walang ka-

Itong mala gulugod pagong na tropeyo na aking natipon, sisimbolo ba ito ng aking pagkatao? Paano kung wala ako nito? Magiging ako ba ang sa tingin mo ay ako? O magiging isa nalang akong ordinaryong tao?

Pag-aalinlangan na ito ay nagdulot sa akin ng matinding pagkabalisa. Naramdaman ko ang pagkawala ng aking pundasyon, ang pag-alog ng aking mundo.

Ni Karen Mae Cahoy

Marahuyo. Malamig. Presko. Halika katoto, samahan mo akong humakbang sa tarangkahan ng isang makalaglag-matsing na paraiso. Ito’y hitik sa maririlag na tanawin, kung saan ang bawat paysaheng masisilayan mo’y mayroong ‘di pangkaraniwang kariktan. At ngayo’y ipamamalas ko sa iyo ang isang pook na tila bituing bumubusilak sa gitna ng alapaap; natatangi anh taglay nitong alindog. Tulad ng iba ito rin ay kakaiba at paniguradong mapapasabi ka ng “pambihira ang ganda”.

Unang hakbang ng mga paa papasok sa tarangkahan, agad dadapo sa iyong buong katawan ang lamig na tila sangkatutak na niyebe ang umuulan. Ang mga malabahagharing bulaklak at berdeng kapaligirang mistulang sining ang karisma , ay bubungad sa unang pagtitig ng iyong mata. Sa likod nito’y mababanaag ang namumukod-tanging hiyas na handog ay ang marahuyong tanawin sa masa—ito ang Bundok Balatukan.

Broom!!! Broom!!! Alis!!

Sa gitna ng magulo at mapanakit na daigdig, saan tutungo ang pusong sawi? Sa ilalim ng alapaap na tila may pasaning bagyo, may isang agos ba na makapapawi sa init at panibugho? Hindi kaya may lihim na tagong pugad ang mundo, kung saan ang bawat tunog at hampas ng katubigan ay tila dasal ng katahimikan? Mayroon nga bang yapos ang lupa sa paglalim ng bundok, naroon kaya ang sagot sa matagal nang tanong ng pusong marupok?

Tahimik ang agos ng tubig, tila umuukit ng kwento sa bawat batong bitbit. Hindi ito nagmamadali, parang isang tagong orasyon na hinihintay lamang ang handang makinig. Hanging dala ang halimuyak ng mga sariwang dahon at lupa. Bawat dapyo nito’y parang bulong na nag-aanyaya sa iyo upang huminto’t makidama.

Isa, dalawa, tatlo. Ang bawat hakbang mo sa hugis pusong walkway nito’y makabubuo ng malapantasayang pahina sa iyong libro; pagsapit ng gabi’y ang daanan nito’y tila alitaptap na nagliliwanag . Lipos-kinang ang bawat kapaligiran sa tuwing sumasapit ang pagsakop ng mga nagkakapalang ulap sa sinag ng kagandahan. Ang mga samo’t-saring bulaklak sa harding mayroong apat na replika ng mga istruktura ng Moai sa Easter Island ay kagila-gilalas pagmasdan— mistulang bakas ng nagdaan ang kumakalabit, at animo’y bahid na kumakapit sa saloy na panahon. Mauulinigan ang rumaragasang tubig sa Wahig na natural na umaagos mula sa bundok habang ang sariwang hanging hahaplos sa iyong buong katawan ay paniguradong magdudulot ng malamig na pagyapos— mistulang lunas sa kumukulong isipang pinapaligiran ng pagkabagot at pagkalito. Maaari ka ring tumampisaw sa kanilang swimming pool na animo’y lamig ng Baguio, nakapaninindig balahibo ang lamig na purongpuro.

Hindi lang nagagandahang paysahe ang handog ng pook na ito sa iyo katoto. Tangan nito ang mga nakatatakam na mga pagkaing hatid ay walang patid na kaluguran sa iyong sikmura. Unang yapak malapit sa pambungad nitong tarangkahan ay matatanaw ang kanilang Mt. Balatukan Cafe. Maaari kang bumili ng mga pasalubong foods dito, katulad na lamang ng sweet potato, peanut, binangkal at marami pang iba. Mayroon din silang iba’t ibang klase ng cake at dessert’s.

Katoto batid mo handa ka na ba?

Hindi pa tayo tapos sa pagsisid sa nakakubling ganda nito.

Kung ikaw ay nag-aapuhap ng malalasap na pagkain matapos ang pamamasyal aba’y Gaudencio’s hall and Restaurant ang sagot sa nagugutom mong tiyan. Kung nais mong manatili at sulitin ang pagkakataong yaposin ang kariktan ng paraisong ito maaari kang mamalagi sa kanilang Lavigne Staycation, barkadahan room, at camping tent ; ang magandang balita ay ‘di kana lugi sapagkat, pagsapit ng bukang-liwayway libre na ang iyong umagahan. Ang halang ma bituka’y may agarang solusyon sa umaga.

Hindi ba’t makalaglag-panga ang alindog nito?

Ihanda mo na ang iyong mga bagahe’t saksihan ang kahulilip nitong kariktan. Isama mo na ang kapilas ng iyong puso’t sabay ninyong yaposin ang magandang pahinang mabubuo sa loob ng palasyo.

Sulit na sulit ang pagpasyal mo dito katoto. Sa sandamakmak na magagandang pook sa isang santuwaryo’y may kakaibang busilak na matatanaw. Ang bulakakaw sa paraiso— Ito ang natatanging Iluminada Garden Resort ng Gingoog City. Katoto, handa na ba ang iyong mga paang humakbang sa tarangkahang ito?

Malamig. Marahuyo. Presko. Ihanda mo na ang iyong libro’t liposin ng kulay ang iyong kuwento— sa loob ng bulalakaw sa paraiso.

Sandal ang bagahe’t saksihan ang kahulilip ng kariktan ng Iluminada Garden Resort ng Gingoog City na Iwinahi noong ika-28 ng marso ta

Binabalot ng mga punong-kahoy, tila mga tagapagbantay ng isang lihim na dumadaloy. Mga sanga’y parang kamay na nagdadala ng anino’t lamig, dumaramay sa sinumang dumaraan na may pusong sawi. Tila isang dasal ang katahimikan, nagpapaalala ng kawalang-katapusang ugnayan ng lupa’t kagandahan.

Tagaktak ng katubigan na humahalik sa mga bato ay animo’y musika ng kapayapaan. Hindi lamang pandinig ang naaantig kundi pati puso na tila ang dala’y hinanakit. Agos nitoy tila alon ng panaginip, dumadaloy nang dahan-dahan ngunit malalim ang abot. Hindi lamang ito lugar na naririnig; ito’y espasyo na puso mo’y dama ang ganda at payapa.

Hindi karaniwan ang liwanag sa pook—banayad ngunit mapusok, animo’y sinag ng araw na dumuduyan sa damuhan. Sa dapithapon, ang bawat hibla ng liwanag ay ngayo’y naging gintong sinulid, bumabalot sa kalikasan

na parang maharlikang balabal. Sa gabi, ang buwan ay tila pintor, naglalagay ng pilak na aninaw sa ibabaw ng payapang katubigan. Kalangita’y saksi sa katahimikan ng gabi.

Animo’y pook ng panalangin ang lugar na ito, kung saan ang bawat paghinga ay nagiging mas malalim. Hindi mo mapipilit ang oras; ang panahon ay tila humihinto upang bigyan ka ng pagkakataong magnilay. Sa bawat hakbang, may hatid itong paalala na ang buhay ay bahagi lamang ng isang mas malawak na galaw ng mundo.

Hindi marangya o maingay ang lugar na ito. Hindi ito nag-aanyaya ng pansin ngunit sa sinumang makarating, ang ganda nito’y parang alon ng damdamin na hindi malilimutan. Sinumang makaranas nito’y para bang pinapawi ang bigat ng mga alalahanin. Tila sinasabi nito na ang kagandahan ay hindi kailangang ipagsigawan, sapagkat ang tunay na kagandahan ay nadarama sa katahimikan.

Ni Jymwhll Clynt Amper

Parang isang lihim na aklat, ang pook na ito ay naghihintay lamang ng mga handang magkubli ng pahina’t kabanata sa bawat simula at katapusan. Hindi ito para sa mga naghahanap ng magarbo, kundi para sa mga naghahanap ng lalim at kapahingahan. Bawat kwento ay sinasalaysay sa agos at bulong, hindi sa salita kundi sa damdamin.

Sa dulo ng paglalakbay, matutuklasan mo na ang kagandahan ng lugar na ito ay hindi lamang tungkol sa itsura nito. Ito’y tungkol sa damdaming naiiwan sa iyong puso. Hindi lamang ito pook ng kalikasan kundi pook ng pagninilay. Sa pag-uwi mo, hindi mo lamang madadala ang alaala ng ganda kundi ang aral ng tahimik na kalikasan.

Nagsimula sa patanong. Magtatapos na may sagot. Hindi ito mahirap mahalin. Sapagkat, sa unang tingin tiyak akong ikaw ay mahuhumaling. Ito’y hindi kilala at hindi sikat gaya ng iba. Ito ay payapa at sa panahong magulo ang mundo, hali ka katoto at silipin sa durangawan ang palapay ng lungsod ko.

Ni Jecha Sabunod
Agos na nakakpawi ng init ng ulo’t panibugho. Tagong pugad sa Lungsod ng Gingoog. Palapay

“Lagpas ka na sa kalendaryo”

Dalisay na Sigasig lathalain

‘Yan ang katagang tila patuloy nating naririnig na parang sirang-plaka na nagtatanim ng pag-alinlangan at nagpapabawas ng kumpiyansa sa sariling magpatuloy. Kalendaryo lamang ang natapos, bakit kailangang pati ang pangarap at diploma na nais makamit ay maupos?

Tayo ay iminulat sa mundong bulong lagi ang katagang “libre mangarap” — nagpapahiwatig na nasa kamay natin kung ano at kailan natin gusto maabot ang sariling mithiin. Pero paano kung may pader na humaharang? Paano kung may kadenang humihilala sa ating bagwis pababa upang tayo’y mahulog sa bangin ng kasawiang palad?

Inihulma tayo nang parehong may mata, bibig, puso at isip pero hindi lahat ay may pantay na pribilehiyo sa buhay. May ipinanganak na may pilak na kutsara sa bibig, habang ang iba’y anak-dalita, na sana’y na sa ulam na toyo at mantika. Ganoon din sa larangan ng edukasyon, lahat tayo’y may karapatang asamin ang diploma pero hindi lahat ay may sapat na kakayahan at pribilehiyo upang maabot ito.

Ngunit hadlang nga ba ito? ‘Pag ba naiwan ka sa bus na sasakyan mo’y uuwi ka na? hindi ba’t tayo’y naghihintay sa panibagong dadating? Ganyan lang ang takbo ng ating buhay, ayos lang ang maiwan, basta’y may determinasyong nakatanim sa puso na maghintay ng panibagong pagkakataon.

Isang daan na dinisenyo ng Kagawaran ng Edukasyon ang Alternative Learning System (ALS) , na may adhikaing tumulong at maghandog ng oportunidad para sa mga out-of-school-youth and adult (OSYA) na Pilipino na walang kapasidad na makapag-aral ng Elementarya at Sekondarya.

“Anuman ang iyong edad, posible pa ring makatapos ng pag-aaral” saad ni Mwusews Anthony Mari Diaz, na kinilala bilang isa sa mga pinakamatandang nakapagtapos ng Junior High School sa edad na 82. Sina Luzviminda Fajardo na 73 taong gulang at Erlinda Dejumo na 63-taong-gulang rin ay nagtapos sa elementarya at nakumpleto ang High School sa tulong ng ALS. Bunsod ng kahirapan, bagamat tila matayog pa ang hakbangin tungo sa rurok ng pangarap, nagsilbi itong preperasyon sa hamong pagdoble-kayod upang mapaunlad ang sarili’t makamit ang masaganang buhay at bunga na kay tagal nang minimithi.

Hangga’t may bukangliwayway ay may pag-asang mamumulaklak. Hindi pa huli ang lahat, kahit pa nangungunot na ang ating balat o may mga apo nang nakakalakad. Hindi pa huli ang lahat hangga’t may diwang nagpupursiging magtagumpay sa huli.

Hindi lamang isang responsibilidad ang edukasyon, ito rin ay pagsasanay para sa haharapin na totoong aral na ibabato sa atin ng buhay. Ito ang ilaw na magsisilbing-daan sa atin na makita ang mundo sa mas malinaw na pananaw.

Kaya’t anong karapatan ang meron tayo upang maging hadlang sa mga taong nais pang matuto, lumago at abutin ang mithi?

Maging determinado, esperansado at pursigido sa pagharap ng mga pagsubok at paglaban sa mga esteryotipo. Nawa’y kasing tulis ng lapis ang ating kumpiyansa sa sarili upang matamasa ang adhikang matuto.

Iparanas natin sa kanila ang kaluguran ng pagkamit ng diploma sa entablado’t pagyuko sa harap ng madla at ang pagsuot ng toga na tanda ng pagtatapos sa larangan ng edukasyon. Ipadama natin sa kanila na hindi problema at lalong hindi hadlang ang katandaan sa pagtatagumpay.

Kayo ay tila mga sinagtala na naghahatid ng liwanag sa mga sangkatauhang naguguluhan at nawawala, sa mga nababawasan ang kumpiyansa sa sarili at pag-asa. Ang inyong liwanag ay tila sumasambit ng dalisay na motibasyon para sa lahat na ang buhay ay di karera, na mamuhay tayo sa ating sariling bilis at ritmo.

Maging determinado, esperansado at pursigido sa pagharap ng mga pagsubok at paglaban sa mga esteryotipo. Naw a’y kasing tulis ng lapis ang ating kumpiyansa sa sarili upang mata masa ang adhikang matuto. Iparanas natin sa kanila ang kaluguran ng pagkamit ng diploma sa entablado’t pagyuko sa harap ng madla at ang pagsuot ng toga na tanda ng pagtatapos sa larang an ng edukasyon. Ipadama natin sa kanila na hindi problema at lalong hindi hadlang ang katandaan sa pagtatagumpay.

Silip sa Batis

Malasorbetes ang tamis ng ngiti niya sa tuwing kasama ang mga kapilas ng kanyang kuwento . Kuwentong tila kalendaryong naaagnas—’di tiyak kung mababanaag ang alindog ng bukas. Siya’y nagnanasang makaalpas sa bisig ng katastropeng marahas upang madamtan ang bawat sipi ng marahuyong kalatas.

Nang siya ay isang hamak na kutad lamang ay hindi nababahiran ng hapis ang mga pahina ng kanyang kabanata. Ang bawat pagbangon niya sa tuwing sumasapit ang bukang-liwayway ay isang panibagong umaga . Ang bawat hakbang niya tungo sa dalampasigan ay tinutumbasan ng paglundag na senyales ng pagkagalak. Nangunguna ang kanyang balitataw sa pagbuo ng maliligayang sandali kasama ang kanyang mga kaibigan sa paglalaro ng tagu-taguan tumbang preso at patintero.

Umiikot ang kanyang mundo sa buhay na punong-puno ng ligayang walang kayamanan ang makatutumbas at walang lungkot na makagagambala. Purong-puro ang kanyang pagtawa’t walang halong pighati.

Subalit, nang siya’y namulat sa marahas na mundo— nagbago ang pa riwmatnugot ng rueda’t butas ng karay om ang kanyang sinuong. Mistulang usok na naglaho ang malabahagharing sipi ng kanyang libro. Animo’y gusaling gumuho at lugmok pagkatapos tambakan ng dambuhalang sigwa ang kanyang buong pagkatao.

Natamasa niyang sampalin ng matatalas na salita. Salitang naging punla kung bakit ang kanyang halaga’t kakayahan ay nagbigay ng sandamakmak na tandang pananong sa kanyang isipan . Ang mga simpleng salitang nag-udyok tungo sa pagkawala ng kanyang kompyansa sa sarili; hanggang

Hindi niya batid kung hanggang kailan pagtatakpan ang mga bahid sa mukhang nagmumula sa matang ‘di nakasakay sa ulap .Pilit niyang ipinamamalas ang labing abot-langit ang ngiti’t matang sumasayaw sa ilalim ng araw, upang bihisan ang ang tunay na iwiniwika ng kaloob-looban. Siya’y bihasa sa pagmamanipula sa tunay na namumugad sa kanyang damdamin. Lagi niyang suot ang maskarang panay ang pagtili’t halakhak, ito’y tila isang koloreteng nilalapatan ng tuwa ang balde-baldeng nananatak na luha. Siya’y bihasa sa pagmamanipula sa tunay na na-mumugad sa kanyang damdamin. Lagi niyang suot ang maskarang panay ang pagtili’t halakhak, ito’y tila isang koloreteng nilalapatan ng tuwa ang balde-baldeng nananatak na luha. Hindi man naging sisiw ang kanyang natamasa , tumayo’t umahon pa rin siya mula sa pagkalugmok .

Hindi man naging sisiw ang kanyang natamasa , tumayo’t umahon pa rin siya mula sa pagkalugmok . Sinisid niya ang misteryosong alindog sa bawat dagok na inaakala niyang magpapatumba sa matayog niyang minimithi. Ginawa niya itong sandata upang magkaroon ng sapat na lakas at tapang na hamakin ang peligrosong daan patungo sa panibagong umaga. Sinimulan niyang kumpunihin ang kanyang sarili upang masilayan ang pinakamagandang bersyon nito. Unti-unti nang tinatanggal ang suot niyang maskara sinisilip ang batis na tangan ang ‘di pangkaraniwang ganda. Siya ay tila isang bisagra, sapagkat kahit na ang mga katastropeng marahas ay nangangalabit— sa panibagong umaga’y patuloy pa rin siyang kumakapit . Sa tuwing nasisilayan ko ang aking re pleksyon sa salamin— siya ang aking nababanaag.

Gulugod-Pagong

itik sa buhay ang kanyang katawan. Sagana sa mga punong kahoy at halaman. Matibay, malalim at ubod ng kariktan. Siya ang natatanging diwata ng ka bundukan at tagapagtanggol ng kalikasan, mula sa mga katastropeng gumagam bala sa marahuyong buhay ng taong -bayan.

Isang makapangyarihang dalagang hango sa bato, lupa’t ugat ng kagubatan. Ang kanyang makalaglag-matsing na postura’y mapang-akit at ‘di mapapantayan. Ang kanyang katawan ay isang hiyas, mayaman sa malulusog na puno, halaman at sandamakmak na kayamanang nakakubli’t ‘di pangkaraniwan.

iya ang tahimik na bayani ng bayan sa tuwing may sigwang nagbabanta sa Pilipinas.

Gamit ang kanyang buong lakas, hinaharang niya ang malakas na hampas ng bagyo. Mistulang kalasag ng kapatagan at ng ‘di mahulugang karayom laban sa katastropeng 'di batid kung anong antas ng hapis ang ihahatid.

Ngunit, sa kabila ng kanyang pakikipagdigmaan sa sandamakmak na bagyo’y unti-unting nasusugatan, humi hina at natutunaw ang kanyang anyo. Isang katastrope para sa k anya ang itinuturing na kapakipa kinabang para sa madla.

Unti-unting nakakalbo ang kagubatan. Tila usok na dahan-dahang naglaho ang kabutihan at kagandahang taglay ng Sierra Madre, dahil sa pagbubungkal ng mga lupa para sa itatayong Kaliwa Dam. Ang hangarin ng proyektong ito'y mapabuti ang seguridad ng tubig at makapagbibigay ng dagdag na 600 milyong litro bawat araw, upang mabigyan ng sapat na tubig ang mga mamamayan.

Marahuyong Santuwaryo

Tik...tok...tik...tok...tik...tok...

unog ng orasang nakaukit sa ib abaw ng aming lumang kalendaryo. Tila tanda na papalapit na naman ang okasyong kinagigiliwan ng buong mundo at kinasasabikan ng mga musmos na kailan ri'y kagaya ko.

Namamanglaw pa rin sa aking kaisipan ang batang ako na t'wing kapaskoha'y waring sardinas kaming magkakapamilya na pinagsisiksikan ang mga sarili sa munting tampipi ng aming tinaguriang "tahanan". Hinihintay naming mag-abot ng sobra o tirang pagkain sa noche buena ang aming mga kapitbahay na maaari naming pag salo-salohan. Nang mga panahong 'yon, maligaya pa rin ang pasko. Wala mang nakabalot na aginaldo, kakarampot man ang pagkain sa salo-salo, ang mahalaga'y ang pamilya ay buo. Zero, sakto, o paldo, basta't nakakaraos kahit paano. Hanggang ngayon, saksi pa rin ng aking mga mata ang mga parol na kahit ibaiba na ang disenyo'y kakulay pa rin ng aking nagisnang ligaya.

Ano nga ba ang hiwagang dala ng pasko sa batang ako at sa bersyon ng saliri kong hinubog ng mga nagdaang pagpapagal?

Karamihan sa mga tao'y naniniwalang habang tumatanda, nawawala ang marahuyong dala ng kapaskohan. Subalit sa pakiwari ko'y hindi naman talaga nawawala ang mahika ng pasko. Sadyang habang lumalaki, patuloy inuuyam ng dambuhalang sasakyan ng oras ang ekspidisyong pinili ng batang beryson ng nakararami. Mas marami nang nakapugal na prinsipyo, pangarap, at responsibilidad kung kaya’y wala ng oras upang ramdamin ang banayad at marahang ihip ng hangin. Dinidiktahan na ng buhay ang bawat

desisyong pinii at aksyong ginawa. Ngayo'y urong-sulong na ang mga paa sa tsubibo ng pagbabago kasama ang pagkakandakuba upang lumago.

‘Yong batang sabik dating mamasko, nakakapagbigay na sa ibang tao. Ako na itong nakapagpapasaya. Ako na itong dinadalaw ng mga bata sa umaga upang kantahan ng kantang wari'y bawat nota ay deklarasyon ng kanilang debosyon sa kasalukuyang okasyon.

Saksi ng aking dal'wang mata ang mga litrato kung saan ang bawat pamilya't kaibiga'y nagsasama-sama muli sa iisang bubong. Hindi lamang pagkain ang pinagsasalohan kundi ang mga magkakaibang kuwento ng panalo't pagkabigo; ang mga pag-usad at saglitang paghinga sa kabila ng alambre ng buhay. Isang paalala na sa gitna ng mabilis na takbo ng buhay, may aginaldong nakabalot sa muling pagsasama't pagkakaisa ng mga taong naging marahan sa gitna ng magulong mundo.

Sa liwanag na hindi mahagilap ng kadiliman, kung saan lumuluhod ang mga bituin at nakatanaw ang sinag ng araw na siyang, ang pasko'y patuloy na magiging sagisag ng kapatawaran, pagbubukas-palad, at pagmamahalan sa salaming aking dala mula pagkabata hanggang sa pagtanda. Tik...tok...tik...tok...tik...tok...

Muli ko na namang naririnig ang tunog ng orasan tila indikasyong narito na ang Ika-360 na araw ng taon, ang muling pagsibol ng nagliliyab na pagmamahal sa puso, kung kaila'y naghahari ang kapatawaran sa kaibuturan ng tao, nagniningas ang pag bibigayan ng bukas-loob na aginaldo sa araw ng pasko; kung kaila'y nararamdaman ng bawat tao ang mainit na yakap ng marahuy ong satuwaryo.

Subalit, ang mabuti nitong pakay ay mayroong na panganib sa kabundukan ng Sierra Madre. Ang mga puno'y napuputol at ang mga lupa'y nadudurog ay pumupurol. Tila bumagal ang pag-ikot ng mundo sa bawat halimuyak ng samo't saring bulaklak na dahan-dahang naglalaho. Ang paglagaslas ng dahon, pagkaubos ng mga pananim at punong kahoy ay ang binhi kung bakit ang malaberdeng paligid nito'y dinamtan ng kayumanggi't kumupas ang tangang kariktan.

Paano na ang namumukod-tanging kayamanan ng ating bayan? Ang kalasag sa punyagian ay kinakailangang proteksyonan— Ang Sierra Madre ay nag-aapuhap ng kalinga sa taong-bayan. Ang tagasagip ng madla mula sa mga malalakas na bagyo’t unos ay nagnanasang yaposin ng pagmamahal at pag-aaruga, upang makapag-igib ng sapat. enerhiya. Enerhiyang nagmumula sa mga kamay at paang sumasabay sa pintig ng puso tungo sa pagtatanim ng mga sandamkmak na mga puno't bulaklak- hanggang sa ma kabuo muli ng magandang simula't maging laging handa sa anumang sigwang nagbabanta sa ilalim ng kanyang pangangalaga. Isang gulugod-pagong na may 'di pangka raniwang alindog, maya man sa lakas at ‘di mapapan tayan ng kahit anumang halaga. Ang tagasagip ay nan gangailangan rin ng proteksiyon, upang ang tungkuling sagipin ang kanyang nasasakupan ay matagumpay na bigyan ng walang hanggang kaligtasan. Payabungin ang mga puno’t halaman, yaposin ng kalinga 't ipaglaban ang diwata ng kabundukan — Ang Sierra Madre na kahulilip ang handog na alindog

NI JECHA SABUNOD
NI HEART CASTANOS

AGHAM

kanla ON: Bulkang

Nagparamdam Muli!

a paglipas ng anim na buwan, muling nagparamdam ang isang aktibong bulkan sa Negros Oriental na ang Kanlaon noong Disyembre 9, 2024, alas 3 ng hapon. Kung saan na-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang ilang Pyroclastic Density Current (PDC) na kaganapan.

PDC, isang mabilis at mapanganib na daloy ng volcanic gases, abo at pirasong bato galing sa bulkan na umaabot sa daan-daang kilometro kada oras.

Mahalaga na maging handa sa posibleng susunod na mangyayari para maiwasan ang matinding pinsala sa buhay at sundin ang mga babala ng pamahalaan o PHIVOLCS. Lalo na sa mga taong may problema sa baga o respiratory na mas matinding epekto ang hatid kapag na simhot ang abo. Ayon sa PHIVOLCS

Director na si Teresito Bacolcol, “Kapag madaanan ka ng PDC, most likely magiging casualty ka kasi mabilis po iyong takbo ng PDC –hundreds of kilometers per

hour – and puwede pong ma-incinerate po ang tao.”

“Ang kailangan nating pagtuunan ng pansin ay iyong abo na nanggaling po sa bulkan, kapag nalanghap po natin ito ay puwede pong ma-aggravate iyong respiratory tract natin lalo na kapag may problema tayo sa baga katulad noong may mga hika and heart problems,” dagdag pa nito.

Nagdala ng abala at panganib sa mga nakatirang residente malapit sa pumutok na Mt. Kanlaon, kahit na ang mga hanapbuhay. Posibleng magkaroon ng kasunod na pagsabog ito, ayon sa PHIVOLCS.

Dapat na mag-eva cuate ang mga residenteng nabalot ng abo ang kanilang lugar kahit na ang mga nakatira malapit dito para maiwasan ang pagkakaroon ng panganib sa kalusugan.

Maging handa rin sa kung ano man ang maaaring mangyari at sumunod sa babala ng pamahalaan.

LOW ng YELO sa Greenland

anggang kailan na tin hahayaan ang Greenland na maglaho sa harap ng ating mga mata? Sa loob ng tatlong dekada, 11,000 milya kwadrado ng yelo sa Green land ang natunaw, na nagdulot ng malawakang pagbabago sa tanawin at nagbabala ng mas matinding epekto ng global warming. Mahalagang tugunan ang isyung ito dahil ang Greenland ay “ground zero” ng krisis sa klima. Ang kawalan ng aksyon ay magpapabilis sa pag-init ng mundo at magdudulot ng malawakang epekto sa global sea levels at ekosistema.

Ayon sa pag-aaral, halos 33,774 milya kwadrado ng vegetated land ang nadagdag sa Greenland mula 1980s hanggang 2010s. Kasabay nito, ang wetland areas ay halos nag-apatan, nagiging tagalikha ng methane; isang mas mapanganib na greenhouse gas kaysa carbon dioxide. Ang feedback loop na ito ay nagdudulot ng mas mabilis na pagkawala ng yelo at mas mataas na global temperatures.

Kapag nawawala ang yelo, tumataas ang temperatura ng lupa dahil mas maraming init ang sinisipsip ng exposed na bato at halaman. Ang feedback loop na ito ay nagpapabilis sa pagkatunaw ng natitirang yelo at nagpapalala sa global warming.

Hindi lang usapin ng Greenland ang krisis na ito; epekto nito ang nararamdaman ng bawat bansa. Ang pagtaas ng sea level ay nagbabanta sa milyun-milyong tao sa baybaying lugar habang naaapektuhan din ang kabuhayan ng lokal na populasyon.

Dapat higpitan ang regulasyon sa greenhouse gas emissions at palakasin ang paggamit ng renewable energy. Ang pagkilos ngayon ay hindi lamang para sa Greenland, kundi para sa kinabukasan ng buong planeta.

AI: Obra ng Masa Maestra

NI HANNAH SOPHIA D. AGOCOY
NI MONIQUE PINES
NI SHIELA MAE ALONZO

13AGHAM

KoronaKlima, bye bye na?

Mt.

Fuji: unti-unting pagkawala ng putting korona, konektado sa pagbabago ng klima?

ating marilag na si Mt. Fuji, na kilala sa putting korona ng yelong takip nito, ay unti-unting nawawalan ng kanyang dating kagandahan. Ang paglalaho ng niyebe sa tuktok ng bulkan ay isang senyales ng pagbabago ng klima at ang nagbabadyang panganib na dala nito sa ating planeta.

Noong 2024, nagtakda ito ng bagong rekord—ang pinakamahabang pagkaantala sa snowfall sa loob ng 130 taon! Umabot sa 1.6 degrees Celsius ang temperatura sa tuktok noong Oktubre, ang pinakamataas mula 1932. Ang Bundok Fuji, na dating may makapal na niyebe sa tuktok na halos buong taon na sumasakop dito, ay unti-unting nauupos.

Ang snowcap ay mas maaaga ngayong nawawala kaysa dati, at nagtatakda ng bagong rekord sa haba ng pagkaantala ng snowfall. Tumaas nang husto ang temperatura sa paligid ng bulkan, kaya mas maikli na ang panahon ng pag-ulan ng niyebe at mas mabilis ang pagkatunaw.

Ang datos ay nagpapatunay na ang snowcap ay naglalaho nang mas mabilis kaysa dati. Isang malinaw na babala ito – ang pagbabago ng klima ay hindi lamang nagbabanta sa kagandahan ng Bundok Fuji, kundi pati na rin sa ating kinabukasan. Malinaw na epekto ito ng ating kapabayaan sa kalikasan. Responsibilidad nating lahat ang pagprotekta sa ating kapaligiran. Hindi lang ito tungkol sa isang bulkan; ito ang ating planeta, ang ating tahanan.

Ang Bundok Fuji, sa unti-unting pagkawala ng puting korona nito, ay isang malakas na paalala. Kailangan nating kumilos – ang gobyerno, at tayong mga mamamayan – upang suportahan ang sustainable practices at magpatupad ng mga patakaran na magpoprotekta sa ating kalikasan, bago pa tuluyang mawala ang ating mga kayamanan. Huwag nang hayaan pa, simulan na!

Pagsasama ng Algae Chloroplasts, at Hamsters Cells

a pag-usbong ng enerhiya mayroong ibat-ibang nabuo ang mga siyentipiko rito. Pinagsama ang algae, chloroplasts at hamsters cells upang makabuo ng makabagong enerhiya. Ngunit anong enerhiya ito?

Mga resulta ng pag aaral na ito magagamit upang palakasin ang kakayahan ng photosynthetic sa nonchlorophytic algae. Ang algae ay isang grupong chlorophyta, kung saan lumitaw ang halaman sa lupa nag-aambag sa paggawa ng isang malaking proporsyon ng marine biomas, at komersyal sa sinasaka.

Pinagsama ng mga mananaliksik sa Unibersidad ng Tokyo ang mga chloroplast sa mga selula ng hayop, na nagbibigay-daan sa mga selula na gamitin ang enerhiya mula sa sikat ng araw. Ang teknolohiyang ito ay maaaring maging

kapaki-pakinabang sa artificial tissue engineering at proliferating tissues sa oxygen-lacking environment. Mahirap ang prosesong pagsamahin ang alage at chloroplasts, hamster cells, upang maka gawa ng makabagong enerhiya. Karaniwang ginagamit ng mga tao ang solar upang mapatipid sa gastosin.

Paggawa ng solar powder mula sa algae ay isang inobatibong paraan upang makabuo ng sostenible at malinis na enerhiya. Ang algae ay mayaman sa chloroplasts, na siyang nagbibigay ng enerhiya sa halaman sa pamamagitan ng photosynthesis. Sa paggawa ng solar powder, maaaring gamitin ang algae upang makabuo ng isang materyal na may kakayahang mag-convert ng ilaw ng araw sa elektrisidad.

Disyertong Puti: Biyaya o Babala?

agpapakitang gilas ni Inang kalikasan nahumaling man ang ilan nagtanim naman ng pangamba sa isip ng mga dalubhasa dahil ito ay maaring babala ng paparating na katapusan Isang pambihirang puti and bumalot sa lupain na dati ay puno ng hindi mabilang na mga buhangin, kasabay nito ang pagkamot-ulo ng mga taga Al-Jawf sa Saudi matapos and hindi kapani-paniwalang pangyayaring nagbigay ng maraming katanungan sa kanilang mga isip, pinaulanan kasi ng niyebing sing puti ng balahibo ng tupa and dating nangangapoy na disyertong kanilang nakagisnan na siya namang nag dulot ng pagtataka sa mga taong naninirahan dito.

Hindi inakala lalo na ng mga eksperto na maari palang mangyari ang hindi pangkaraniwang weather phenomenon na ito,taliwas kasi ito sa nakasanayang klima sa bansang Saudi . Kilala ang Saudi Arabia dahil

sa malawak na disyerto nito na kakambal ang mainit na sinag ng araw kaya’t hindi lubos maisip ng mga mamamayan ng nasabing lugar na biglang bubuhos ang misteryosong niyebi sa kanilang pook na hindi man lang nakakaranas ng katiting na patak ng ulan. Ayon sa mga eksperto ng Saudi National Centre Of Meteorology, dahil sa pagtatagpo ng low pressure system na binubuo ng mainit at malamig na hangin ang biglaang pagbaba ng temperatura na siya namang nagbigay daan sa pagbuhos ng niyebi sa lugar. Kaugnay nito, ibat-ibang turista ang naakit at nais na matanaw ang pambihirang pangyayaring mas lalong nagpatingkad at nagpalakas ng turismo sa Al-Jawf. Sa kabilang banda, marami rin ang nabahala sa estado ng klima sa kanilang lugar at ang mga posibleng implikasyon nito sa buong mundo Giniit din ng mga dalubhasa na nararapat ay bantayan ang ganitong klaseng pagbabago sa klima at temparatura dahil maari itong babala sa sangkatauhan hinggil sa kalagayan ng

ating planeta, kadalasan kasing lumalabas ang ganitong mga pangyayari kapag may paparating na malaking sakuna sa atin

Tunay ngang minsan ay nakamamangha ang kalikasan at kahit na gamitan pa ito ng mga makabagong kagamitan ay nananatili parin ang misteryo na kailanman ay hindi natin maiintindihan. Marami pa ang sekretong mahirap mawari at nagpapakita lamang gamit ang mga babala o senyales kagaya nalang pagsulpot ng pambihirang DIsyertong Puti.

NI DERIKA BELLEZA
NI CATHERINE ZETA V. MANGUBAT
NI THERENCE JUMARAN
KUHA NG 13WHAM.COM
KUHA NI FREEPIK

AGHAM14

Panibagong Inobasyon: Tulong sa Pagtugon ng Makabagong Hamon

Enerhiya go!ogle

Patuloy na lumalawak ang populasyon ng mga gumagamit ng Artificial Intelligence (Al) sa buong mundo, ngunit kasabay ng matinding paglubo ng mga users nito ay ang pangambang dala sa masa at maaaring negatibong epekto nito tulad ng kasalukuyang pagkalat ng mga applications gaya ng deepfake voices na kung saan ito ay nagsasalita o ginagaya ang mga boses na naging daan sa kasamaan o pangloloko.

Gayunpaman, sa kabila ng benepisyong dala ng AI sa buong masa, ang pagiging maalam at pagkakaroon ng sapat na kamalayan sa paggamit nito ay isang susi tungo sa responsableng gamit nito. Mahalagang maunawaan ng bawat isa ang limitasyong handog ng AI sa madla kung kailan at paano ang angkop na paggamit nito.

Batay sa datos ng Sumsub, humigit kumulang tumaas ng 10 beses ang kasong naitala ng deepfake voices fraud sa buong mundo sa nagdaang taon ng 2022 hanggang 2023 at patuloy na inoobserbahan ang maaaring pagtaas ng kaso nito sa taong 2024.

Ayon sa isang pananaliksik sa 2023 ACM Conference on Computer and Communications Security na

ginanap sa Copenhagen, Denmark noong Nobyembre ng nakaraang taon.Na pinangunahan ni Zhiyuan Yu, isang PhD student in computer science at Washington University in St. Louis, Mo., at sa tulong ng university’s Ning Zhang, isang panibagong tool ang kanilang inilunsad na kung saan ay nakahanap sila ng paraan para malinlang ang mga manloloko at maprotektahan ang iba laban sa pamemeke ng mga boses.

Dagdang pa ng mga eksperto, layon nilang tulungang bumaba ang kaso ng fraud at turuan ang mamamayan ng responsableng paggamit ng AI.

Tinagurian mang hindi na bago sa iba ang iba’t ibang handog ng artipisyal na teknolohiya, ngunit hindi natin maipagkakaila na isa itong nakakaalarmang pangyayari sa madla. Mahalaga man ang papel na ginagampanan ng AI sa kasalukuyan, lason naman na dala nito sa sangkatauhan ay dapat tutukan.

Kamalayan at pagiging responsableng user ay isang hakbang tungo sa unti unting pagbaba at pagbabago ng kalagayan ng mundo ng teknolohiya. . Mahalagang palawakin natin ang ating kaalaman at isalba ang sarili at lipunan sa negatibong kahihinatnan.

Luntiang Greenland: Pagsibol

lalim ng malamig na yakap ng Arctic, unti-unting nalalagas ang balabal ng yelo na bumabalot sa Greenland. Ang mga satellite images mula sa nakalipas na tatlong dekada ay naglalantad ng masalimuot na pagbabagong bihirang masaksihan ng tao; ang pag-usbong ng berde sa dating puti.

Labing-isang libong milya kuwadrado ng yelo, na minsang nag-alay ng katahimikan at yaman, ay ngayo’y nag laho, pinalitan ng berde na ngayon ay lumalago sa mga dating puti’t walang buhay na disyertong nilikha ng yelo. Bawat pagkatunaw ay tila isang dagok sa balikat ng ating mundo, isang sulyap sa kalupitan ng likas na pagbaliktad. Wetlands halos apat na beses ang dami ngayon kaysa noong 1980s, lalo sa kanlurang bahagi ng Greenland. Mga bagong anyong-lupa, na tila sugat sa kalikasan, ay nagiging pugad ng methane, isa sa pinakamatinding greenhouse gas.

Pagtunaw ng yelo humahantong sa domino effect na nagpapabilis ng global warming. Hubad na bato at bagong mga damuhan ang sumisipsip ng mas maraming enerhiya ng araw, nagpapataas ng temperatura sa lupa.

Bawat metro ng yelong nawawala, isa pang hakbang ang nilalakad papalapit sa potensyal na pagtaas ng dagat ng mahigit 23 talampakan. Hindi lamang Greenland ang pinapasan ang bigat nito, kundi ang buong mundo.

Berbe ang nagiging sagot ng lupa sa pagkawala ng yelo. Sa likod ng kagandahang ito, tahimik na nagtatago ang panganib ng mas mainit na mundo.

Katutubong pamayanan, na umaasa sa kalikasan para sa kanilang kabuhayan, ay unti-unting nawawalan ng kakayahang ipagpatuloy ang tradisyong minana mula pa sa kanilang mga ninuno. Ang yelo, na minsang kanilang kalasag, ay ngayo’y naging kanilang kalaban.

Yelo ng Greenland, na minsan ay nagtatanggol sa planeta sa pamamagitan ng pagsasalamin ng liwanag, ay naglalaho, nagpapakita ng higit pang lupang sumisipsip ng init. Ito’y nagpapatindi ng siklo ng pag-init na walang pahinga.

Landas ng Greenland ay nagbibigay babala sa buong mundo. Kwento nito ay salamin ng mas malaking pagbabago sa planeta. Hinaharap ng Greenland ay tila isinulat na ng modernong panahon, ngunit hindi pa huli ang lahat upang baligtarin ang kuwento. Sa bawat panibagong balita ng pagbabago, may pagkakataon para sa aksyon at muling pag-usbong ng pag-asa. Pagbabago ng kalikasan ay nagpapaalala ng kakayahan ng tao na makaapekto sa planeta. Greenland ay simbolo ng kagandahan at panganib ng patuloy na pagbabago. Sa katapusan, ang Greenland ay hindi lamang tungkol sa yelo o berde. Ito’y simbolo ng sakripisyo at pagkilos isang tanawin na sumasalamin sa ating kahinaan, ngunit nag-aalok din ng pagkakataon para sa pagkilos at pagbabago.

lens

Google Lens: Itutok mo, sagot ko

Teknolohiya palaging dala-dala, makakakuha ng kaalaman at impormasyon sa isang lagitik lang ng kamera?

Sa digital na panahon kung saan ang impormasyon ay abot lang ng ating mga kamay, isang teknolohiya ang nagbibigay ng mas mabilis na paraan upang makahanap ng kasagutan sa ating mga tanong – ang Google Lens.

Sa simpleng lagitik lang ng kamera, kaya nitong kilalanin ang mga bagay, imahe at teksto sa paligid natin at magbigay ng kaalaman at impormasyon tungkol dito. Ito ay parang sariling search engine na hindi na kailangang i-type.

Ang Google Lens ay may kakayahang makilala ang iba’t ibang bagay. Itutok lang ang kamera sa anumang teksto at si Google Lens na ang bahala sa pagbibigay ng sagot. Sa ganitong paraan, hindi na kailangan pang magsaliksik nang matagal.

Napakalaking tulong ng Google Lens para sa mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Sa halip na mag-type o maghanap pa sa internet, sapat nang itutok ang kamera sa mga mahirap na mga katanungan lalo na sa mga terms at equations. Maging sa ibang mga trabaho at aspeto ng buhay malaki ang natutulong ng Google Lens, tulad ng pag-translate ng mga banyagang salita o pagtukoy sa mga landmark habang naglalakbay, mayroong instant na kaalaman ang hatid nito.

Ang Google Lens din ay may shopping feature, na siyang ginagamit para kilalanin ang mga produktong maaaring makita sa online stores. Kung may nakitang damit, gadget, o anumang item na nais bilhin, itutok lamang ang kamera, at makikita na ang mga tindahang nagbebenta nito pati ang mga presyo. Mainam ito para sa mga mahilig mag-online shopping at gustong makatipid.

Sa kabila ng mga benepisyong dala ng Google Lens, mayroon din itong limitasyon. Minsan, nahihirapan itong makilala ang mga bagay na hindi malinaw ang hitsura o may kaunting detalye. Ngunit kahit na may mga kahinaan, ang Google Lens ay patuloy na pinapahusay upang mas makatulong sa mga gumagamit. Sa bawat tutok ng kamera, tunay ngang ang Google Lens ay isang makabagong kasangkapang nagpapadali sa ating pang-araw-araw na buhay.

NI MONIQUE PINES
NI ALEXA KEZIAH GASATAN
NI CATHERINE ZETA V. MANGUBAT

GCCNHS hinampas ang CKC, 3-0

INGOONG CITY - Hinampas ng Gingoong City Comprehensive National High School (GCCNHS) ang Christ the King Colleges(CKC), gamit ang matinding service ace ni Sam Maglangit(2) at mala-pader na depensa nina Rj Maceda at Jade Castillo sa naganap na sagupaan ng huling tunggalian sa best-of-three finals Men's Volleyball Championship Match (DSPC) na dinaos sa Don Restituto Baol Central School, kanina, sa alas dose ng tanghali, kasabay ang maulinig at ang dumadagundong na hiyawan at palakpakan ng manonood.

Matagumpay na nauwi ng GCCNHS ang kampeonato matapos magtala ng 3:0 na iskor kontra sa CKC (KINGS), sa kanilang matinding galawan na hirap maka-ungos ang CKC sa puntos na 15-25,25- 23,17-25.

Masigasig na inumpisahan at ipinamalas ng bawat koponan ang kanila - kanilang opensa ngunit namayagpag ang koponan ng GCCNHS ng bumulusok ang sunod-sunod na nagliliyab na mga ispayk ni Sam Manlangit(2) gamit ang kanyang pangmalakasang Cross Shot at Target Spike, kung saan nahihirapan ibalik ito ng kalaban sa kanila sa unang set ng laro, 15-25 .

Dikit ang labanan ng bawat koponan sa pangalawang set ng laro subalit sa kabila ng pagsusumikap na ibinuhos nina Clifford Arabiana (26) gamit ang sumisiklab na ispayk at ang nag-aalab na Line Shot at Drop Shot ni Sam Salingay (1) ng CKC, tila hindi ito naging sapat upang patumbahin ang puwersa ng GCCNHS na humantong sa duwelo ang iskor na 23-23.

Nalilito na ang mukha ng mga manonood kung sino nga talaga ang mananalo sa dalawang malalakas na koponan dahil sa magkadikit na iskor ngunit hindi na hinayaan pa ni Rj Maceda (7) ng GCCNHS ang pagkakataon at tinapos na nito ang masiklab na labanan gamit ang ng kanyang malupit na Drop Push sa huling sandali ng laro, na naging dahilan upang makuha nila ang panalo sa pangalawang set ng laro, 25-13.

Malakas na hiyawan ang nangyari matapos ang pangalawang set ng laro at tila hindi maipinta ang mga mukha ng mga nanonood dahil sa sabik na nararamdaman at mas itinutok nila ang kanilang mga mata sa laro lalo na sa pangatlong set. Pinangasiwaan at pinataob na ng tuluyan ng GCCNHS at hindi na pinaporma pa ang CKC nang ipinamalas nila ang sunod - sunod na mala-kidlat na mga ispayk sa mala-pader na depensa at Read Blocking ni Earl Benedict Baldevino (17) ng CKC na tila sila ang nagpainit sa buong paligid.

Parang bulang mabilis maglaho kung maituturing ang CKC ng hindi nila maibalik sa GCCNHS ang bawat ispayk na inialay nina Sam Manlangit (2), Charlie Timbal (1), at ang huling mabagsik at nagniningas na Drop Shot ni Jievhann Cudora (3) dahilan kaya nila nakuha ang tugatog ng tagumpay, 17- 25. Ibinahagi ni G. Roland B. Acido, ang tagapagsanay ng GCCNHS, na ang babaunin ng pangkat sa kanilang pag-entrada sa huling bakbakan ng torneo, pagbibigay-lalim niya, "As a coach I'm happy kay ga perform what they had train and they have did it and even exceeded my expectations sa ilang performance, wala ko na pressure kay nag training man mi og igsakto, preparation is the key; if you failed to prepare, you prepare to fail".

Kasunod ng matagumpay na pagkapanalo, nag-uwi ng pilak na medalya ang CKC at susubukin ulit ang lakas ng GCCNHS sa paparating na Regional sa hindi matukoy na petsa na tatanghalin sa Oroquita City, Misamis Occidental.

DekadaNG umiikot ang bola, nasapul ang Korona

Ang Opisyal na Pamayahagang Pampaaralan ng

Gingoog City Comprehensive National High School

Oktubre 2024-Enero 2025

Dekada umiikot ang bola, nasapul ang Korona

GCCNHS Kampeon sa Putbol matapos ang 10 taon

NINA RAFAEL SALISE AT JASMINE ENCARDO ingoog City, Misamis Oriental – Makalipas ang sampung taon na pakikipaglaban,

Halos isang taong madugong ensayo at preparasyon ang inihanda ng mga manlalaro ng GCCNHS sa pagsabak muli sa larong Division Meet, matagumpay na nakamit ng mga atleta ang tamis ng pagkapanalo sa iskor na 2-0 sa loob ng kalahating oras matapos nagpakitang gilas ang bawat manlalaro.

Sa pag-umpisa pa lamang ng dalawang minuto at apat na pong segundo sa laro ay agad ng nagpatagisan ng mga galing ang dalawang koponan, agresibong sumalakay na parang walang kinakatakutan ang West 1 upang kunin agad ang tyansang magsunggab, subalit natapatan ng matinding depensa ng West 3 dahilan na hindi nila napuruhang maka goal. Dumadagundong na hiyawan at sigawan ang namumutawi sa mga manonood at taga-suporta, sabik na sabik silang malaman kung ano ang kahahantungan ng laro.

Brutal na dumaosdos at umatake ang atleta ng West 3 na si Kenneth James A. Asinero pero agad namang naharangan ng mala-pader na harang ng goal-keeper ng GCCNHS na si Pacheco at tumalbog ito ng sobrang lakas dahilan na napunta sa gitnang banda ang bola kaya’t hindi na nag alinlangan na kinuha ni Jezekhel ang bola at pinasok niya na walang takot na nadarama at nagpalabas ng naglalagablab na pagsipa na siyang saktong

naka goal sila sa pagpatak ng apat na minuto at dalawang segundo, 1-0.

Masyadong pina-ikot-ikot ng mga manlalaro ang mga mata ng mga manonood na tila ba’y ayaw mawala sa paningin ang atletang may bitbit ng bola dahil sa lawak ng spasyo na kanilang pinaglalaruan. Kamangha-mangha ang bakbakan sa kalagitnaan ng laro, dahil sa tensyon ng kanilang labanan umabot sa insidenteng nagkakabundulan ang dalawang manlalaro ng dalawang koponan na si Joven Jay Lozada at ang goalkeeper ng West 1, hindi inaasahang natadyakan niya ang panga ni Joven na siyang dahilan na nagkaroon ng pinsala kaya’t ipinatigil muna ang laro ng limang minuto.

Agarang sinimulan muli ang labanan ng dalawang koponan matinding puwersa sa pag-aagawan ng bola ang ipinamalas nila at todo-todo ang depensa na kanilang inihanda sapagkat masyadong mainit na ang bakbakan, nagpalabas ng buong lakas at enerhiya ang manlalaro ng SLNHS na si Jhiester A. Alaba upang ipamalas ang kanyang naglalagablab na sipa patungo sa net pero hindi niya kinayanang gibain ang depensa ng GCCNHS kaya nauwi rin sa wala.

Mala-kidlat sa bilis ang takbo ni John Patrick Bermudez habang bitbit and bola at nang makalapit na ito sa net ay agad niyang ipinasa ang bola sa kanyang kasama na si Ramasola gamit ang

nag-uumapaw na tira , hindi na pinakawalan pa ni Ramasola ang pagkakataon na ipalagapak ang mala-kabayo sa lakas ng pagsipa na siyang dahilan na naka dalawang goal siya, sakto sa pagkatapos ng oras at naikandado na ang laro sa iskor na 2-0. Matamis na ngiti ang nakapinta sa mukha ng mga atleta ng GCCNHS matapos nag uwi sila ng gintong pilak pagkaraan ng sampung taong pagkabigo, napatalon sa galak at saya ang mga manlalaro hangang-hanga sa sarili sa kabila ng mga masidhing pinagdadaanan at pagkatalo sila ay natuto na at mas determinado na makamit ang tugatog ng tagumpay, habang nag-uwi naman ng pilak na medalya ang mga manlalaro ng SLNHS. Patuloy na magsusumikap sa pag-eensayo ang GCCNHS upang paghandaan ang paparating na Northern Mindanao Regional Athletic Association 2025.

“Wala ko nila gi fail, then they all have the skills, all they have to do is to execute them properly, mao gyud na akong ginakuan sa ilaha, even all the teams and even the senior teams magkatingala na sailaha nga they going to make it for the championship, then I’m very proud of them na in-ana”, pagbibigay-lalim ng tagapagsanay ng GCCNHS na si Ginoong Banjo T. Clemeña.

Bayern binugbog ang Salzburg, 6-0

NI RAFAEL S. SALISE

WALS-SIEZENHEIM, AustriaSinungkaban at binugbog ng FC Bayern München ang FC Red Bull Salzburg sa kanilang arena matapos ito binubog at pinakain ng alikabok sa pangunguna ni Eric Dier na naka unang puntos sa laro kasama sina Michael Olise, Thomas Müller, Joshua Kimmich, at Julian Green sa kanilang pamatay-sunog na mga sipa at sa makatindig balahibong heading at depensa ni Daniel Peretz goal keeper ng bayern sa Eksibisiyon na laro ng Putbol na idinaos sa Red Bull Arena Salzburg sa ika-pito ng Enero taong 2025.

Matindi ang preperasyon ng FC Bayern München ng dahilan na hindi nakalaro ang ubang manlalaro subalit sila ay mayroong break, ngunit hindi ito hadlang upang hindi nila makamit ang tagutay ng tagumpay at pinahalik sa lupa ang katunggali sa 6-0 na iskor sa loob ng isang oras at kalahating minuto matapos nagpakitang gilas ang bawat manlalaro. Madugong bakbakan ang ipinamalas ng bawat koponan, sa umpisa pa lamang ng pitong minuto at labing siyam na segundo ay agad na nagpakitang gilas si Leroy Sané ng agresibong sumipa upang kunin ang tyansang masunggab ang unang puntos, subalit hindi nagpapatalo ang koponan ng Fc Red Bull Salzburg at madugong dumepensa sa mga tira ng kalaban.

KUHA NI
PAHINA 19
Isang mala-kabayong sipa ni Jezekhel Ramasola ang naging susi upang maangkin ang korona sa Putbol Division Meet 2024

Hampasan sa pag-selyo ng Kampeonato: Grade 12,

Ang Opisyal na Pamayahagang

Pampaaralan ng Gingoog City Comprehensive National High School Oktubre 2024-Enero 2025

Pagsasama ng Algae Chloroplasts, at Hamsters Cells

nilampaso ang Grade 12 na si Pitch Aperocho at John Brian Mangubat sa pag-selyo ng kampeonato sa naganap na

Men's Badminton Doubles Finals laban sa

Grade 8 na sina Ember Perocho at Jhon Olivar, 16-14, 31-20, ika-27 ng Setyembre. Bumubulusok ang maiinit na palitan ng tira sa loob ng EGP Sports Badminton Court, Gingoog City, kasabay ng hindi magkamayaw na hiyawan at palakpakan mula sa mga tagapagsuporta ng bawat koponan sa naganap na Gingoog City Comprehensive National

Umeksena ng mga nakakalusaw na drop shots ang tambalang Perocho at Olivar at nagawang lusutan ang ng katunggaling koponan dahilan upang

Hindi naman nagpahuli ang mga

Grade 12, humataw din ng mga pamatay smashes si Aperocho na agad tinatapatan ng maiilap na depensa ni Mangubat at magawang makaungos sa kalaban at makandado ang

Napuno ng tensiyon ang magkabilang koponan pagdating ng ikalawang set, bawat isa ay pokus na pokus na animo'y hindi gustong mawala sa paningin ang shuttlecock. Kumayod na parang marinoi ang Grade 8 upang makabawi mula sa pagkalugmok sa unang set, ibinuhos na nila ang kanilang buong makakaya sa pamamagitan ng pagpapakawala

Isports Internasyonal

nanlampaso

ng sensitibong mga opensa ngunit bigo pa rin silang lamangan ang 10-point lead ng kabilang panig, 10-0.

Hindi pa rin nagpatinag ang

Grade 12 at patuloy na nangingibabaw ang mapanlinlang na taktika ng tambalan nina Aperocho at Mangubat matapos kumana ng drop shots at masigurong mailusot ang bawat tira na pinapakawalan.

Nawala ng parang bula ang pag-asa ng Grade 8 ng magsanib pwersa ng lakas sina Aperocho at Mangubat upang tapusin ang laro at matagumpay na maselyuhan ang kampeonato, 31-20.

"Worth it gud tanan ka-hago kay as in first time pa na ko mag-champion, first time pa pud na ko mulaban karong muabutay nga district meet. Training, teamwork, og pray lang gud ang kinahanglan" bulalas ni Mangubat. Nang ianunsyo na magkakaroon ng panibagong laro para sa kung sino ang papalit sa posisyon ni Pitch Aperocho sapagkat overaged na siya ay tila ba nabuhayan muli ng pag-asa sina Perocho at Olivar.

Walang sinayang na oras ang dalawa at nagsimula ng magpakawala ng mga bumubulusok na smashes. Nangibabaw ang bilis at liksi ni Olivar at nagawang maikandado ang unang set ng laro, 11-3.

Pagdating ng ikalawang set ay ganadong-ganado pa ring maglaro si Perocho ngunit tila ba nawala na sa pokus si Olivar dahil sa sobrang pagod, patuloy na pinaulanan ni Perocho ang kalaban ng mga mapanlinlang na drop shots at hindi naman ito nadedepensahan ni Olivar dahil sa pagkahilo.

GCCNHS nagkampeon muli sa Badminton Men’s Single

ingoog City, Misamis Orien tal – Ipinamulsa muli ang korona ng atleta na si Kaemon Estrosos matapos depensahan ang kanyang titulo at nagpasiklab ng naglalagablab na smash (21-6, 21-16) upang manguna muli laban sa katunggali na si Keith Bollozos sa Kampeonato ng Badminton Men’s Singles ng Division Meet 2024 na idinaos sa korte ng Egp nitong ika-11 ng Desyembre, bandang ala una kasabay ng maalinsangang panahon. Nagkaharapan ang dalawang magagaling na manlalaro ng Distrito West 1 na galing sa paaralang Gingoog City Comprehensive National High School (GCCNHS) para sa unang puwesto ng dalawang bracket sa Men’s Singles. Pagpatak pa lamang ng isang minuto at walong segundo sa unang set ay agad ng nagpakitang gilas ang dalawang manlalaro, nagpalabas ng boung lakas at kakayahan si Estrosos at ipinamalas ang umaapoy na drop shot upang magtarak ng unang puntos sa laro. Makatindig balahibo ang bakbakan sa kalagitnaan ng set, pokus na pokus ang mga mata nila na tila ba’y ayaw mawala sa paningin ang bola, nang nagkaroon ng tyansa si Bollozos ay bumirit siya ng nagliliyab na forehand sa pag-atake subalit niresbakan namn ni Estrosos ng pinagsanib puwersang estratehiya at malakas na enerhiya ng kanyang mala-kidlat sa bilis na smash at pinaposte ang kalaban ng 15 puntos dahilan na nasungkit ang unang panalo, 21-6.

Bayern binugbog ang

Salzburg, 6-0

Di-mahulugang karayom ang korte ng badminton sa dami ng taong sumusuporta sa kanilang atleta, dumadagundong na hiyawan at palakpakan ang namumutawi matapos masilayan ng mga manonood ang kani-kanilang pambatong atleta. Mainit na sinimulan ang pangalawang set ng laro, bumangon naman sa pagkakadapa si Keith at hindi na ipinalampas pa ang mga tira ni Kaemon, ipinalasap niya ang boung puwersa ng paghihiganti gamit ang kanyang nag uumapaw na hampas ngunit hindi ito naging sapat para duminahin ang ikalawang set ng laro. Pamatay na smash ang huling sinandata ng atletang si Kaemon bago ikinandado nito ang paligsahan gamit ang kanyang mahiwagang raketa sa kamangha-manghang jumpshot na ipinalasap , 21-16.

Sa huli, masayang nag-uwi muli ng gintong medalya si Kaemon Cris Estrosos matapos pawis at matinding lakas ang ibinuhos para muling maka-upo sa trono, habang nag-uwi naman ng pilak na medalya ang manlalarong si Kieth Bollozos, sila ay magsasamang lalaban muli para sa susunod na kompetisyon ng laro sa paparating na Northern Mindanao Regional Meet Association (NMRAA).

“Happy ko nga nidaog ko sa Men’s Singles and makabalik kog dula sa upcoming NMRAA 2025, happy ko kay makabalik kog represent sa atong city.”, bulalas ni

ALS-SIEZENHEIM,

Austria- Sinungkaban at binugbog ng FC Bayern München ang FC Red Bull Salzburg sa kanilang arena matapos ito binubog at pinakain ng alikabok sa pangunguna ni Eric Dier na naka unang puntos sa laro kasama sina Michael Olise, Thomas Müller, Joshua Kimmich, at Julian Green sa kanilang pamatay-sunog na mga sipa at sa makatindig balahibong heading at depensa ni Daniel Peretz goal keeper ng bayern sa Eksibisiyon na laro ng Putbol na idinaos sa Red Bull Arena Salzburg sa ika-pito ng Enero taong 2025. Matindi ang preperasyon ng FC Bayern München ng dahilan na hindi nakalaro ang ubang manlalaro subalit sila ay mayroong break, ngunit hindi ito hadlang upang hindi nila makamit ang tagutay ng tagumpay at pinahalik sa lupa ang katunggali sa 6-0 na iskor sa loob ng isang oras at kalahating minuto matapos nagpakitang gilas ang bawat manlalaro. Madugong bakbakan ang ipinamalas ng bawat koponan, sa umpisa pa lamang ng pitong minuto at labing siyam na segundo ay agad na nagpakitang gilas si Leroy Sané ng agresibong sumipa upang kunin ang tyansang masunggab ang unang puntos, subalit hindi nagpapatalo ang koponan ng Fc Red Bull Salzburg at madugong dumepensa sa mga tira ng kalaban.

Dumausdos na hiyawan at palakpakan ang namumutawi sa arena, sa mga kani-kanilang taga suporta, at sabik na sabik kung ano ang susunod na kahahantungan ng laro. Sa gitgitang palitan ng malalakas na sipa, nagliyab ang pag-asa ng pangkat mula kay Harry Knae matapos matibay na naipasa kay Thomas Müller ang bola at brutal na tumirada ng headshot sa ika-siyam na minuto at dalawampu’ t apat na segundo na dahilan na nagbigay ng bentahe sa kaniyang koponan, 1-0. Hindi nagpaawat ang Bayern na si Hary Kane matapos matugumpay na naipasa ang bola kay Thomas Müller sa gitna ng madugong bakbakan at sa loob ng tatlumpu’ t tatlong minuto at apatnapu’ t anim na segundo ay mala-kabayo na sumipa si Thomas Müller na nakuha ng Bayern ang ikalawang puntos,2-0 Agad naman sumalakay ang koponan Bayern na si Michael Olise at umarangkada matapos tumirada ng mala-kabayong sipa ngunit saktong nasalo ito ng goal keeper ng Salzburg na si Alexander Schlager at sinipa subalit nasalo ito ni Michael Olise at sinungkaban ang tyansang maka-puntos ng kaniyang naglalagablab na sipa sa sinundaan ang ikalawang puntos, 3-0. Samantala, bumida ang atake ni Mads Bidstrup ng Salzburg sa kaniyang pigil hininga na sipa at depensa ngunit ito ay nawalan ng

saysay matapos mala-pader na hinarangan ng goal keeper ng Bayern na si Daniel Peretz ang kaniyang tira sa loob ng tatlumpu’ t anim na minuto at apatnapu’ t siyam na segundo. Hindi mapintang mukha ang ipinamalas ng mga manonood at halos hindi na maka-alis ang tingin sa bawat koponan dahil sa sobrang kaba.

Umiinit ang opensa ng Bayern upang higitan ang puwersa ng Salzburg na halos hindi na maka-porma ang Salzburg at maka depensa, sa loob ng apatnapu’ t pitong minuto at apatnapung segundo ay bigong nadakip ni goalkeeper Alexander Schlager ang umaapoy na tirada ni Thomas Müller dahilan na ang Bayern ang umarangkada sa laro, 4-0. Hindi na hinayaan pa ng Bayern na maka-puntos at porma pa ang Salzburg at ibinuhos ang buong enerhiya sa limampung minuto ng laro, at kaagad na binitawan ang tinatagong galawan ni Joshua Kimmich na tumirada sa gitna ng espasyo ng arena na dahilan na unting-unti nawawalan ng tyansang manalo ang Salzburg, 5-0.

Naging agresibo ang Salzburg dahil malapit na maubos ang oras ngunit hindi pa sila nakapuntos maski isa kaya sinira ng Salzyang opensa ng Bayern ng pilit na pumasok sa mala-pader na depensa at nakahanap ng tyansa si Edmund Baidoo at hindi na ito nag-aksaya ng

oras at tumirada ng umaalborotong sipa subalit sumablay ito dahil mala-higante na dumepensa ang goal keeper ng Bayern na si Daniel Peretz dahilan na hindi naagaw ng Salzburg ang momentum ng laro. Agaw tingin ng mala-kidlat na kumilos si Konrad Laimer ng Bayern habng bitbit nito ang bola ng makalapit ito sa net ng kalaban ay agad na ipinasa ang bola ng kaniyang kasama na si Julian Green buong tapang na ginagamitan ito nag-enerhiya at nag-uumapaw na lakas at hindi na hinayaan na maagaw pa ng katunggali ang bola at buong lakas na sumipa nag mala-kabayong lakas sa loob ng pitumpu’ t limang minuto at apatnapu’ t siyam na segundo na nakamit nila ang tagutay ng tagumpay, 6-0. Matapos ang isang oras at tatlumpung minuto ng bakbakan ay masayang nakuha ng FC Bayern München ang tagutay ng tagumpay sa kabila ng masidhing pinagdaan at pag-eensayo na kanilang hinarap. We won, that’ s always good, no injuries, that’ s the most important thing right now. It was good for fitness, we got the minutes we wanted, we didn’ t have that long a break, we didn’ t feel that the team needed much to look again from the start and now we’ re excited to get back to Bundesliga action “ , pagbibigay-lalim ng tagapagsanay ng FC Bayern München na si Ginoong Vincent Kompany.

KUHA NI DANIELA JOY RITCHA
NINA DERIKA BELLEZA
Bayern binugbog ang Salzburg, 6-0 Caption: Lakas at Determinasyon ang ibinuhos ng Bayern sa bawat sipa sa kanilang arena upang maghari sa Eksebisyong laro ng Putbol
Sumalakay nang walang humpay sa pagpalitan ng mga tira ang tambalan mula GCCNHS dahilan sa pagkamit ng kampeonato sa Men’s Badminton Doubles, Setyembre 27

Akari diniskaril ng Creamline, 3-0

Sumunggab nang may buong tapang at sigla ang Creamline upang ipagtanggol ang kanilang teritoryo sa pagkamit ng panalo sa PVL All Filipino Conference, Nobyembre - 23

ANDON CITY, Are na- Diniskaril at initlogan ng Creamline Cool Smashers ang Akari matapos ang matinding sagupaan at sa mga mala-kidlat na atake nina Isabel Beatriz De Leon at Jessica Galanza sa kani-kanilang madugong tira ng spike kasama ang mala-higante na blocks nina Jeanette Panaga at Tots Carlos sa Larong larong Volleyball ng PVL All- Filipino Conference na idinaos noong ika-23 ng Nobyembre taong 2024, sa sabado ng araw.

Three-tine Most Valuable Player na si Tots Carlos ay nagbalik para sa Creamline Cool Smashers sa harap ng 7,281 na tao matapos maupo sa Reinforced at Invitational Conferences dahil sa hindi natukoy na injury sa tuhod, sa kabila niyan ay pinulbos naman nila ang akari sa mga puntos na 26-24,25-17,2516. Mainit na nagsimula ang unang set ng laro matapos kaagad nagpakawala ng umaapoy na tira si Gumabao at sinundan ng kaniyang pamatay drop push, samantalang pilit na umungos ang Akari na dumating na sa dikit ang labana ng tumirada si Genesis ng naglalagablab na spike, subalit sunod-sunod na mala-kidlat nanagpawala si Galanza ng makamandag na spike dahilan na sila ang nanguna sa unang yugto ng laro,26-24.

Malakas na palakpakan at hiyawan ng madla ang sumakop sa arena at aminadong gulong gulo kung ano ang mahahantungan ng laro. Nagpakitang gilas ang akari sa ikalawang yugto ng laro matapos tumirada ng makamandag na spike si Sontones na hindi ito napigilan ng Creamline sa sobrang bilis, subalit mala-higante nahinarangan ni Tots Carlos ang mga tira ng Akari upang hindi na ito maka-iskor pa at sinabayan pa ng death push ni De Leon na sila ang nanguna sa ikalawang yugto ng laro, 12-18.

Mala-sonic sa bilis kung ku-

milos ang Akari upang bumawi sa laro at maagaw ang momentum ng laro at tumirada kaagad ng spike si Karaangas, hindi nagpaawat ang Creamline at hindi na hinayaan na maka-iskor pa ang Akari at sunod-sunod na tumirada ng spike at mala-pader kung hinarangan ang mga bola ng katunggali dahilan na sila ulit ang nanalo, 25-14 Hindi na mapakali ang mga madla dahil sa kaba na kanilang dinadama at hindi maalis ang mga mata sa mga manlalaro at sabik na sabik kung ano ang kahahantungan ng laro. Binuksan ang ikatlong laro at nanguna ang Akari na si Nisperos sa kaniyang pamatay-sunog na spike na hindi ito nadepensahan ng Creamline dahilan sa nanguna ang Akari sa iskor na 5-6. Samantalang hindi sumuko ang Creamline at hindi hinayaan ang Akari na makalamang sa kanila at pumasok si Gema ng Creamline at tumirada kaagad ng naglalagablab na spike at sinamahan pa ng mala-higante na blocks ni Tots Carlos gamit ang isang kamay, at hindi na naka-ungos ang Akari sa mga tira ng Creamline dahilan na sila ay nawalan na nag tyansang bumawi pa sa laro at agawin ang momentum ng laro, kaagad na tumirada si De leon ng Creamline mala-kidlat na spike dahilan na nakuha nila ang tayutay ng tagumpay,25-16. Matamis na tagumpay ang nakamit ng Creamline, sa kabilang banda naman ay uuwing luhaan ang Akari ng hindi nila nakuha ang kanilang plano na natulin ang Creamline Cool Smashers at umuwing Most Valuable Player o MVP si De leon ng Creamline. “ We just wanted to keep to make sure na yung small balls, na laging sinasabi ni ate Allysa yung small balls key any win namin, and personally I just wanted to keep enjoying, what I feel my knees are healthy and sila atw Allysa, Tots your back so I just wanted to really enjoy the game” , pagbibigay pahayag ng MVP ng laro na si De Leon.

West 1 Ibinulsa ang Kampeonato, West 3 Ipinako

INGOOG CITY— Binulsa ng Gingoog City Comprehensive National High School (GCCNHS) West 1 ang kampeonato laban sa San Luis National High School (SLNHS) West 3, (3-0) gamit ang bumubulusok na spayk ni Gracie Guanzon at mga swabeng set ni Chloe Salima sa 2024 District Meet Women's Volley ball Championship na ginanap sa covered court ng Don Restituto Baol Central School (DRBCS) noong ika-12 ng Disyembre, dako alas onse ng tanghali. Sa ilalim ng makulimlim na kalangitan na mas malagkit pa sa alkitran, ang mga malalakas na atake at matipunong depensa ay pumukaw sa madla ng nakakahalinang laro, ngunit sa huli, napatunayang mas nangingibabaw ang mga manlalaro ng West 1. Umpisa pa lang ng laban pinangunahan na nila Ashley Amoncio at Gracie Guanzon ng West 1 ang laro, sa pamamagitan ng kanilang malalakas na atake at kaliwa't kanan na spayk na nagdulot upang depensahan ng kalaban, ngunit mas nananaig ang estratehiya ng West 1 dahilan para makuha ang unang set, 25-17. Mas lalo naging kapanapanabik ang ikala wang set nang makuha ng West 1 ang momen tum ng laro, hindi naman nagpatinag si Jeselarie Landicho ng West 3 at pinilit makipagsabayan sa kalaban, subalit sa huli, ang mga manlalaro ng West 1 ay nanatiling palaban at determinado, 25-21.

Malakas na hiyawan ang ipinakita ng madla at taga suporta habang pinapanood ang laro ng dalawang koponan, ang kanilang mga titig ay nakatuon sa bawat galaw ng mga manlalaro na tila ba'y ang bawat punto ay parang isang sagupaan. Sinubukang resbakan ng West 3 sa ikatlong

Ang Opisyal na Pamayahagang Pampaaralan ng Gingoog City Comprehensive National High School Oktubre 2024-Enero 2025

Pana ng Tagumpay : West1

Namayagpag

ingoog City, Misamis Oriental– Namayani ang kagalingan ng mga atleta ng West 1 sa paaralang Gingoog City Comprehensive National High School (GCCNHS) laban sa katunggali na North 3, at South 2 matapos silang nagpakitang gilas gamit ang kanilang nag-uumapaw na tira sa kauna-unahang pagbabalik ng paligsahan ng Archery Division level na ginanap sa Villahermosa Carpio Lot nitong ika-16 at 17 ng Enero

Matapos ang matagal na pagkawala ay hindi inaakala na pagkaraan ng 28 taon ay nanumbalik muli sa lungsod ng Gingoog ang larong Archery, kapit-bisig na nagtulungan ang Department of Education, Local Government Unit (LGU) , at Gingoog City Sports Council sa pag-organisa sa paligsa-

“ Happy kayko as an archer myself, the last batch archer sa Gingoog City way back 1997, karon nagparticipate gihapon ko as a trainer sa ila, so dili nako athlete pero ako na import sa ila akong knowledge sa archery” , bulalas ng Trainer ng West 1

na si Mr. Kit

Sa secondary na pang-lal -aki indibidwal category, apat ang pasok na kwalipikadong rehiyonal at ang iilan ay manlalaro ng GCCNHS, sina Francis David L. Pontillas ng baitang siyam na nakakuha ng gintong medalya matapos umarangkada sa sunod-sunod

na pangunguna sa (60 meters-70 meters) at nakakuha ng kabuuang (782) puntos sa apat na round ng laro, sinundan naman ng ikalawang pwesto ni John A. Dimana na galing sa North 3 (771) puntos , Kylle Christian E. Sanchez ng baitang walo na nakaupo sa ikatlong puwesto (506) puntos , at ang pang-huli ay si Bernabe D. Lagaolao ng North 3 (438) puntos. Wagi naman ang 16-anyos na pambato ng GCCNHS na si Sophie Maureen C. Camasin sa secondary na pambabae, nabigo man itong manguna sa 30 meters ngunit bumawi at rumesbak siya sa (50 meters-60 meters-70 meters) na siyang dahilan na nakuha niya ang gintong medalya (540) sa indibidwal, sinundan naman ni Princess Clouie Senit ng North 3 (399) puntos, si Jedy D. Relator ng GCCNHS naman ang nakaupo sa pangatlong puwesto na siyang nakakuha ng (367) puntos, at sa pang-huli ay si Shaira Faith T. Rama (348) puntos na galing sa North 3. Sa kalagitnaan naman ng bakbakan, sa category ng 1440 at Olympic Round, si Pontillas rin ang itinanghal sa unang pwesto ng pang lalaki dahil sa kanyang matinding mga tira na center shot, hindi rin nagpahuli ang pambabae, naghari rin sa trono si Camasin na siyang nag-agaw pansin sa mga manonood dahil sa determinasyon at pokus na ipinalabas. Pagpatak ng isang oras pagkatapos ng Olympic Round ay agad namang sumunod ang Mix Event , na siyang hindi na pinalampas pa ng mga manlalaro ng West 1 na pinagbibidahan na naman ni

Pontillas at Camasin, si Dimana at Senit naman sa North 3. Todo hataw at pagkakaisa ang sinandata ng lahat ng mga manlalaro pagdating sa Team Event, na tila ba’y lahat sa kanila ay atat na atat na makamit ang gintong medalya para sa bitbit na Distrito at paaralang kanilang ipinaglalaban, mainit na kinuha agad ng mga manlalaro ng West 1 ang tyansa na magpaulan ng mga tira sa gitna na siyang naging dahilan na nagtagumpay sila muli. Sa kabuuang laro ng lahat ng category sa archery (Individual, 1440, Olympic Round, Mix Event, at Team Event) itinanghal na nangunguna ang Gingoog City Comprehensive National High School na siyang kinatawan ng West 1 na kampeon sa larangan ng Archery Division level.

‘ Di- maipinta ang ngiti ng mga manlalaro na sa wakas ay nagbunga ang lahat ng kanilang sakripisyo at mga ensayo, galak na galak silang yayapak sa Oroquieta para makipaglaban sa darating na Rehiyonal na paligsahan.

“ Happy ko especially biskan paman very short nga panahon, 1 month kapin na practice pero na achieve gihapon namo ni-a, so nagpakita lang gyud na there’ s no limit nga ato gyud ma-achieve as long as you’ re going to put your heart and mind to it, and gihatag pud ni syempre ni Lord nga blessings para sa amoa na maachieve ni-a” ,pahayag ng Trainer ng West 1.

NI JASMINE ENCARNADO
Isports Lokal
Nagpakitang gilas gamit ang nag-uumapaw na tira ang atleta ng GCCNHS sa Archery Division level, Villahermosa Lot, Enero 17

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.