Maraming salamat sa mga nagsipatapos na manunulat ng pampaaralang pahayagan na Ang Bagiw! Salamat dahil isa kayo sa nagbigay ng karangalan sa paaralan sa loob ng apat na taon. Hindi niyo binigo ang paaralan noong sinabi niyo sa akin na muli ninyong ibabangon ang ating paaralan sa Regional Schools Press Conference at National Schools Press Conference. Tunay na kayo ay mahusay at saludo ako sa inyong lahat! Nawa'y gabayan kayo ng Panginoon upang matupad ninyo ang inyong mga pangarap. Maraming salamat, Bagiwers.