Ang
LATHALAIN
Bagiw
AGHAM AT TEKNOLOHIYA
Tignan sa Pahina 10
Tignan sa Pahina 14
Kampeon ng Kabutihan: Ang 16-anyos na Bayani ng Baguio
Banta sa Kalusugan Dalawang kaso ng Mpox, nakumpira sa Baguio
TOMO 80 ISYU 1 | HUNYO - ENERO 2025 OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG BAGUIO CITY HIGH SCHOOL - CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION
FIRST COME, FIRST SERVED
EDITORYAL Tignan sa Pahina 6
BCHS G11 enrollment, maagang dinumog dahil sa limitadong slots Alyssa Angel Gamboa
A
las-singko pa lang ng hapon ng Hulyo 10, mahaba na ang pila ng mga magulang at mag-aaral na nagbabalak na mag-enroll sa Baguio City High School (BCHS) sa kabila ng limitadong slots para sa grade 11, kahit na alas-otso ng Hulyo 11 pa ang itinakdang iskedyul para sa enrolment na may polisiyang ‘first come, first served’.
Pasado alas-otso hanggang alas-diyes ng gabi, mahigit 1,500 na mag-aaral at magulang na ang nakapila sa labas ng paaralan na nagbabalak na magpalipas ng gabi habang nakapila para lamang makapag-enroll. Ayon kay Whitney Dawayen, punong guro ng BCHS, walang inilabas na anunsyo ang paaralan na pumila nang sobrang aga ang mga magulang at guro. “Pero hindi po kami nagbigay actually ng announcement na magpipila sila dito, pupunta sila nang maaga ng July 10 eh July 11 pa naman ang enrolment natin,” saad ni Dawayen. Agad naman itong inaksyonan ng pamunuan ng BCHS kung saan pinapasok sa BCHS-Gymnasium ang mga magaaral at magulang at nagbigay na ng mga number sa mga ito upang hindi na sila magpapalipas ng gabi sa paaralan at babalik na lang kinabukasan. Sundan sa Pahina 2
Bilang ng mga Estudyantenteng Tinatanggap sa Senior High School
Numerong Balita
200 HumSS 200 STEM 150 ABM 150 TVL 50 SPORTS & 50 ARTS DESIGN
HAMON SA SISTEMA NG EDUKASYON
43.19% ng city highers, lumiban sa unang araw ng klase ngayong taong 2025
TATAK CITY HIGH
City higher, nagningning sa Miss Teen Baguio
Alyssa Angel Gamboa
Steven Paris
N
aitalang 3,030 na mag-aaral ng Baguio City High School (BCHS) mula baitang pito hanggang 12 o katumbas ng 43.19% ng magaaral ng BCHS (hindi kabilang ang mga mag-aaral n nakadistance learning) ang lumiban sa unang araw ng pagbabalik ng klase ngayong 2025, matapos ang 10 araw na Christmas break. Matatandaang base sa Department of Education (DepEd) Order 009 series of 2024 o ang Academic Calendar for School Year 2024-2025, naitakda ang December 21, 2024 bilang umpisa ng Christmas break sa lahat ng pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya sa Pilipinas, habang January 2, 2025 naman ang muling pagbabalik ng klase. Ayon naman kay Maria Rhoda
Elegado, presidente ng BCHS Senior High School (SHS) faculty, inaasahan na ng mga guro na maaaring marami ang liliban ngayong January 2. “Yes expected na konti lang ang papasok doon kasi nga its already the fourth day of the week and katatapos pa ng new year. Kaya malamang ang iniisip na ng mga estudyante hindi na lang papasok. [Sa] monday na lang sila papasok, ani Elegado.
Sundan sa Pahina 3
angibabaw ang kagandahan at kahusayan sa pagrarampa N at pagsasagot ni Kristine Daye Ramos mula Grade 10 Resourcefulness ng Baguio City High School (BCHS) na
inirepresenta ang barangay Ambiong dahilan upang masungkit ang korona sa ginanap na Searching for Miss Teen Baguio 2024, na isinagawa sa BCHS - Auditorium, Setyembre 14.
BITUIN NG TAGUMPAY. Ipinapakita ni Kristine Dae Ramos ng Grade 10 Resourcefullness ang kaniyang dedikasyon at kaliwa’t kanang parangal matapos magwagi sa Miss Teen Baguio. Kristine Dae Ramos Facebook Page
Bukod sa pagiging kampeon, nasungkit din ni Ramos ang special awards na Miss Congeniality, Miss Photogenic at Miss Personality matapos makipagtapatan sa 13 na kanditang galing sa iba’t ibang barangay sa lungsod. “I felt an overwhelming sense of joy and pride. It was a dream come true, truly representing all the hard work and dedication I invested in this journey. I’m excited to share the positive impact within my
community,” ayon kay Ramos. Bagaman, nahaharap si Ramos sa mga hamon pagdating sa patimpalak dahil sa pagbabalanse ng pangakademiko at pag-eensayo, subalit ito ay hindi naging hadlang upang siya ay tumigil sa pag-abot ng kaniyang mithiin. “My biggest inspiration throughout this journey has to be my family. Their unwavering support and encouragement pushed me to believe in myself and pursue my dreams,” saad ni Ramos.
Sundan sa Pahina 2