Gadgets, mag-aaral na lalahok sa PISA 2025, inihahanda na ng TNHS
ni VERA MARIE FRONDA
Sinimulan na ng Tarlac National High School (TNHS) ang paghahanda sa mga mag-aaral at mga kagamitan gaya ng laptops na kakailanganin para sa Program for International Students Assessment o PISA na gaganapin sa Marso 2025.
Ayon kay Dr. Yolanda M. Gonzales, punong-guro ng TNHS, inihahanda na ng paaralan ang mga laptops, internet connection, at ang mga mag-aaral na napiling lumahok sa gaganaping PISA 2025.
“Kulang pa rin ‘yung mga kagamitan natin, considering the number of students na mag-eexam, pero inaayos na natin at inihahanda. Challenging talaga sa part natin, lalo na online ang PISA kaya mahirap din sa part ng mga mag-aaral, kaya ngayon pa lang sinasanay na natin sila,” saad ni Gonzales.
Samantala, niresolba naman ito ng TNHS at kanila nang sinimulan ang unti-unting pagbili ng ilang mga gamit na kakailanganin ng mga mag-aaral sa internasyonal na pagtatasa.
ANG SUPL NG
“We bought 30 tablets na and I requested 20 more units pa to the Regional Office. After this, bibili ako ng dalawang generators para kung sakaling magkaroon ng emergency power outage while taking the exam, matutuloy pa rin nila ang PISA,” ani Gonzales. Ibinahagi rin ni Dr. Emmanuel A. Ferrer, punong-abala sa gaganaping pagtatasa sa mga mag-aaral ng TNHS, ang mga pagsubok pang kinahaharap ng paaralan alinsunod sa gaganaping PISA 2025.
“Dapat talaga ang pag-rereview at pag-eexam gamit ang laptops ay one is to one, one laptop per student. Pero ineembrace na natin yung ganitong learning para makasabay na tayo sa international level,” pahayag ni Ferrer.
Patuloy pa rin naman ang pagsisikap ng paaralan upang maihanda ang mga napiling mag-aaral sa TNHS para sa PISA 2025 gamit ang mga kagamitang kakailanganin para sa pagsusulit
Sa mga NUMERO
““
May pangarap kasi siya… Gusto niya maging doktor pagtanda, kaya hinikayat namin siyang mag-aral para tumaas din ‘yung confidence niya - Ama ni Mendoza
LIWANAG NG PAG-ASA
Physically challenged learners, patuloy sa pag-abot ng mga pangarap
usto kong maranasan ang buhay maging normal tulad ng ibang bata.”
Sinikap ng mga mag-aaral ng Tarlac National High School (TNHS) na PWD (Persons With Disability) na pumasok sa paaralan upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Ayon sa Batas Republika Blg. 7277, isa sa mga karapatan at
prebilehiyo ng mga taong may kapansanan ay ang pagkakaroon ng edukasyon. Kabilang sina Rhianna C. Domagtoy, John Luis Z. Mendoza, at Annisa Cruz sa mga PWD na piniling mag-aral sa pamamagitan ng face-to-face setting sa TNHS. Bagaman mayroong poliomyelitis, isang kondisyon na posibleng makaranas ng habambuhay na pagkalumpo, hindi naging hadlang kay Domagtoy at ina nito ang kondisyong walang lunas upang makapasok sa paaralan. “Gusto ko talagang pagaralin siya, iba rin kasi kung may pinag-aralan ka… Talagang mas malaki ‘yung chance na magiging matagumpay ka,” giit ng ina ni Domagtoy.
sa
ipagpatuloy ang
ang mga silid-aralan lalo na sa mga pampublikong paaralan, mahihirapan kaming mga guro na kumilos nang komportable niyan,” giit ni Samonte. Samantala, kumbinsido naman si Madilene E. Supan, guro mula sa senior
high school sa TNHS, na makatutulong ang nasabing dress code upang mapanatili ang kultura ng mga Pilipino. Gayunpaman, layon ng CSC na itaas ang propesyonismo ng mga kawani ng pamahalaan at tugunan ang mga umuusbong na isyung panlipunan tulad ng social diversity.
ni CANDICE SEIGRED MACAHILO
NILALAMAN
Nakakuha ng iba’t ibang opinyon mula sa ilang guro ng Tarlac
ni CANDICE SEIGRED MACAHILO
dibuho ni JOSHUA RAMIL
SULYAP NG PAG-ASA
Agad-ANGARAng tugon
ni ALMIRA MENDOZA
Sa likod ng mga nagtataasang papel at perwisyong tinakasan ng nakaraang Kalihim ng Edukasyon, matapang itong hinarap ni bagong Education Chief Edgardo “Sonny” Angara. Unti-unting pinapalakas ang kaniyang reputasyon kasabay ng pagsisikap niyang mapabuti ang sistema ng edukasyon. Sa mga pangakong nagmukha nang imposible sa nakaraang namamahala sa sektor, ginawa nang walang kahiraphirap ni Angara bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd).
Himalang sa loob ng maikling panahon ng kaniyang panunungkulan, agad nakapagpapakita ng mga konkretong hakbang si Angara. Ang isinusulong niyang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Law ay isang agarang solusyon na nagbibigay ng interbensyon sa mga mag-aaral na may learning gaps. Ito ay isang mabilisang tugon sa kasalukuyang suliranin, na hindi nangangailangan ng malawakang pagbabago sa buong sistema. Sa halip, nakatuon ito sa ugat ng problema, ang pagbibigay ng agaran at masusing sesyon ng pagtuturo sa mga mag-aaral na nahihirapan sa kanilang pag-aaral.
Bukod dito, kaniyang nirerepaso ang K-12 curriculum upang matiyak na ang mga nagtapos ng Senior High School (SHS) ay may sapat na kasanayan para sa trabaho o mas mataas na edukasyon. Nanawagan din siya sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor na bigyan ng oportunidad ang mga SHS graduates sa mga posisyong angkop sa kanilang kakayahan. Higit pa rito, naglabas siya ng memorandum na nag-aatas sa agarang pagpuno ng mahigit 46,000 bakanteng posisyon sa DepEd. Dahil dito, maraming indibidwal ang nabigyan ng trabaho, habang higit pang pinapalakas ang sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng mas maraming guro at kawani.
Binigyang-diin din ni Angara ang kahalagahan ng patas at transparent na proseso ng procurement sa ahensya. Tiniyak niya na anumang uri ng katiwalian ay hindi papayagan, at ang sinumang sangkot ay haharap sa kaukulang parusa.
Ang mga ito ay ilan lamang sa maliliit na hakbang patungo sa inaasam na pagbabago sa sektor ng edukasyon. Ipinapakita ni Angara, bilang isang pinuno, na ang agarang tugon at konkretong aksyon ay mahalaga upang matugunan ang pangangailangan ng bansang kaniyang pinaglilingkuran. Sapagkat sa isang sektor na nababalot ng suliranin, hindi lideratong bahag ang buntot ang kailangan, kundi tugon na agad-agaran.
PUNTO DE VISTA
Pininong Pinuno
ni JOHN PATRICK ABRAHAM AT VINCENT CABACUNGAN
Sa mga kabilaang gawaing sa kanila’y inaaatas, hindi maikakailang upang maging organisado ang sistema ng edukasyon ay kinakailangan ng mga pinunong aakay. Ngunit, sa lumalalang pagtaas ng datos ng mga eskwelahang walang punong-guro sa mahigit 24,916 sa 45,199 na pampublikong paaralan, paanong pagtutuonan ng pansin ang dapat kung maging ang magbibigay ng atensyon ay hindi sapat. Dahil dito, ang liderato sa mga paaralang ito ay napupunta sa mga Head Teachers, Teachers-inCharge (TIC), at Officers-in-Charge (OIC) na bagama’t may kakayahan, ay walang sapat na awtoridad at suporta upang pamunuan ang paaralan nang epektibo. Ang mas masaklap, ayon sa Teacher’s Dignity Coalition (TDC), maraming guro ang nakapasa na sa qualifying exam ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) para maging principal, ngunit nananatiling hindi naitatalaga. Isa sa mga pangunahing problema ay ang hindi patas na distribusyon ng mga kwalipikadong punong-guro sa mga rehiyon. May mga lugar kung saan napakaraming guro ang pumasa sa qualifying exam ngunit walang bakanteng posisyon, habang sa ibang rehiyon, nagkukulang ang mga kuwalipikadong aplikante. Pinagkakaitan hindi lamang ang mga paaralan ng tamang pamamahala, kundi pati na ang mga guro ng pagkakataong mamuno sa reporma sa edukasyon. Ngunit sa halip na humanap ng mabilisang solusyon, tila nagiging kampante ang sistema sa kawalan ng malinaw na plano upang ayusin ang imbentaryo ng school heads at mapunan ang kakulangan sa liderato. Hindi pwedeng manatili sa ganitong sitwasyon ang ating mga paaralan. Ang pagkakaroon ng isang punongguro ay hindi lamang tungkol sa administratibong papel, kundi sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon, tamang paggabay sa mga guro, at mas epektibong pagpapatupad ng mga patakaran.
Imbakan ng Larangan
ni VINCENT CABACUNGAN
Patuloy na isinasantabi bilang prayoridad sa iilang paaralan ang larangang nagsusulong ng katotohanan. Dahil dito, isang mahigpit na suliranin ang bumabalot sa Special Program in Journalism (SPJ), sa kadahilanang ito’y nagiging imbakan ng sistemang panlarangan at nadadala sa peligro ang mga tunay na mamamahayag ng bansa sa hinaharap. Sa halip na magpalamon sa maling sistema, mas mainam kung patuloy pa ring huhubugin at huhulmahin ang isang imbakan para sa isang makabuluhang larangan.
Ang Special Program in Journalism ay nilikha upang sanayin ang mga estudyanteng may angking talino sa pagsusulat, pagbabalita, at pananaliksik. Ayon sa Department of Education (DepEd), ang programa ay naglalayong palawakin ang kasanayan sa midya at komunikasyon, hindi upang maging tagasalo ng mga hindi pumasa sa ibang Special Program Curriculums.
SIGAW NG MASA
Ayudang PanAKAP-butas
ni NATHALIE WAYNE MUEGA
Pagod, hirap, at halos magkandakuba ang mga ordinaryong mamamayang Pilipino upang mapagkasya ang kakarampot na kitang pantustos sa pang araw-araw nilang pangangailangan. Kung kaya’t naglunsad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng panibagong palabas sa pamamagitan ng programang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) na tutugon umano sa problemang kinakaharap ng mga manggagawa.
Matagal nang pahirap sa bansa ang problema ukol sa mababang sahod, kung saan maging ang mga indibidwal na may propesyunal na trabaho ay nakararanas din nito. Ayon sa Department of Labor and Employment (DoLE), nananatili pa rin sa ₱645 kada araw ang minimum wage sa bansa ngayon 2025, walang pinagbago kung ikukumpara noong 2024. Kabilang sa mga tinatawag na minimum wage earner ang mga janitor, security guard, sales lady, cashier, at iba pa. Ngayong taon ay naglaan ng ₱26 bilyon na pondo para sa AKAP kaya’t inaasahan na magpapatuloy pa rin ang pagbibigay ng cash assistance sa ilalim ng programa.
Ipinagkakaloob ang one-time cash assistance ang AKAP na may halagang ₱3,000 hanggang ₱5,000 sa mga manggagawa na ang kita ay mas mababa pa sa poverty threshold.
Iginigiit nina Bise Presidente Sara Duterte at Kabataan National Spokesperson and
First Nominee Atty. Renee Co na kaya hindi mabitawan ang programa dahil ito na mismo ang ginagamit upang gawing legal ang pagbili ng boto ng mga mamamayan, bagay na hindi imposible lalo na’t malapit na ang eleksyon. Magandang pagkakataon nakaluklok na gahaman. Papalasap lang saglit ang ginhawa ng buhay pagkatapos kinakabukasa’y hikahos na ulit dahil pansamantalang cash assistance lamang ang binigay kaysa pagtaas ng sweldo na kung tutuusin ay higit na mas makatutulong.
“ “ “
Hindi ito ang tulong na kinakailangan at nararapat para sa mga manggagawa. Kung talagang kapakanan ng taumbayan at minimum wage earner ang prayoridad, sahod ang iangat.”
dibuho ni JOSHUA RAMIL
dibuho ni JOSHUA RAMIL
na nakapasa sa National Qualifying Examination for School Heads (NQESH) lamang ang naitalaga, datapwat kwalipikado sila sa pamumuno bilang mga punong-guro. mula kay Yolanda M.
dibuho ni VALINO LACTAOTAO
Dahil dito, bumababa ang kalidad ng output ng mga mag-aaral, lumalawak ang agwat ng kasanayan sa loob ng klase. Hindi biro ang epekto ng ganitong sistema.
Ayon kay President-elect ng JCI Malolos Inc. at School Paper Adviser President ng Region III, Reggie Rey C. Fajardo, sa nakaraang press briefing nitong taong Division Schools Press Conference (DSPC), sa ikatlong rehiyon, naitalang may pinakamaraming eskwelahan na nagpapatupad ng SPJ curriculum. Isang patunay ang Tarlac National High School (TNHS) sa islogan nitong
“Home of the Champions.” at “Center of Excellence” Sapagkat, nananatili pa rin ang alab ng pamamahayag, kalakip ang tamang atensyon at suporta. Pruwebang nasa pamamahala ng paaralan ang hindi paglaganap ng ganitong sistema at pumanday ng matibay na pundasyon pagdating sa dyornalismo. Patunay rito ang anim na taong napasakamay na Most Outstanding Journalist award ng mga estudyante ng TNHS na bunga ng SPJ. Kabilang dito sina Jandale Jimenez noong 2019, si Hannah Louise Pili noong 2023 hanggang 2024 at si Rolando Macapinlac Jr. ngayong taong pampaaralan. Gayundin, nagkamit ng back-to-back na kampeonato noong 2018 hanggang 2019 sa Regional Schools Press Conference (RSPC) sa larangang Collaborative Desktop Publishing English maging na rin sa National Schools Press Conference (NSPC) 2018 sina Ralph Pajarillo,
Kristine Adrielle Ramos, Raiya Gabrielle Martinez, at Christia Felice Espritu. Dagdag pa rito, nagkamit din ng ikatlong gantimpala sa pahinang agham at teknolohiya ang publikasyon ng Ang Supling sa NSPC noong 2022-2023. Gayundin, ngayong DSPC, nakamit ang over all champion. Patuloy na naiaangat ang kanilang kakayahan dahil sa masusing gabay at wastong pag-agapay ng paaralan at programa. Hindi kailanman dapat gawing imbakan ng maling sistemang panlarangan ang programang may malalim na halaga sa lipunan. Sa halip, mas kinakailangan itong mas palakasin upang maiging maihulma ang isang imbakan na magiging sandigan ng isang makabuluhang larangan. Dahil ang mga mamamahayag ay tagapagdala ng katotohanan, tagapagtanggol ng kalayaan, at tagapaglaban ng hustisya; patunay na ang isang larangan ay may malalim na pagmamahal sa bayan.
Tangay ang karapatang mangarap
ni SHAILEEN DOMINIQUE NAGUM
Dahil ang libre at makatarungang edukasyon ay karapatang panlahat, hindi kailanman nararapat ituring na kalabisan ang hinihingi ng mga mag-aaral sa Tarlac State University (TSU). Sapagkat ang edukasyon ay isang karapatan, hindi isang pribilehiyo, at tungkulin ng mga institusyong pangedukasyon na tiyakin na ang karapatang ito ay naipagkakaloob nang walang hadlang o kondisyon.
Lahat ng SUCs at LUCs ay nilapatan ng opsyong magpatupad ng opt-out base sa Section 8 ng Republic Act No. 10931 o ang “Universal Access to Quality Tertiary Education Act,” kung saan sistematikong inaalis ang mga estudyanteng nakapasa ngunit may kakayahang pinansyal at boluntaryong mag-opt out mula sa pagtanggap ng libreng matrikula. Kaya magbabayad sila kabilang ang iba pang bayarin sa paaralan, bilang isang hakbang upang mapalago ng unibersidad ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon, sa kabila ng budget cut sa Commission on Higher Education (CHED).
Kung kaya naman isa na rin ang TSU sa mga sumabay sa ganitong mekanismo, gayunpaman, ayon sa mga mag-aaral sa paaralan, karamihan sa mga napabilang sa opt-out ay ang mga hindi nakapasa sa admission test, na isang pagtaliwas sa batas at sa layunin ng pamahalaan na magbigay ng libreng edukasyon sa mga pampublikong unibersidad at kolehiyo sa buong bansa. Tinuturong dahilan ang ₱30 bilyong budget cut ng pamahalaan sa CHED, kung saan ₱3 bilyon dito ay nakalaan sa libreng edukasyon. Nagmumukhang komersyalisado at represibo ang sistema ng edukasyon. Sa halip na maging katuwang sa pag-abot ng pangarap ng kabataan para sa de-kalidad na edukasyon, nagiging balakid ang pamahalaan dahil sa budget cut na hindi makatarungan. Nawa’y magsilbi itong paalala sa pamahalaan na unahin ang edukasyon para sa ikaaangat at sa ikauunlad ng pambansang kapakanan, gayundin ang kanilang layunin na maglingkod at magbigay ng dekalidad na edukasyon sa mga mag-aaral. Nawa’y magawa na nilang makinig at wakasan ang mapanupil na optout scheme, sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang mekanismo, maiiwasan na mapagsamantalahan ang disenteng karapatan ng bawat estudyante Tarlakenyo!
TIRA SA UGAT
Hindi Pipi ang Katotohanan
ni JANESSA IRISH RIVERA
Pikit-mata ang mga kaalyado ni Bise Presidente Sara Duterte kaugnay ng mga inihaing sunod-sunod na impeachment na naglalaman ng mga paglabag at katiwaliang kaniyang ginawa. Panahon na upang bigyang liwanag ang mga matang ito, sapagkat walang silbi ang mga mata kung bulag-bulagan ang nagmamay-ari.
Mukhang hindi na kakayanin pa ng mataas na lente ng salamin upang malinawang hindi politically motivated ang pag-impeach ng Kamara kay Sara. Ginagawang pampalubag-loob na political
exercise, hindi bilang prosesong legal. Idinidiin na paraan ito upang punan ang mga personal na hinaing ng 215 mula sa 305 na kongresista. Datapwat, kahit ano pa ang motibasyong nagtulak sa kanilang sumang-ayon sa impeachment, saksi ang numerong ito sa mga naasiwa sa mali niyang gawa.
Upang malinawan sa mga dahilang nag-udyok sa 215 na kongresista, ating himayin ang tatlong impeachment na inihain kay Sara. Nangunguna sa pangamba ang mga pagbabanta, tulad ng paghukay sa bangkay ni Ferdinand Marcos Sr. at ang kanyang pag-amin na
mayroon siyang assailant na papatay kina Pangulong Marcos, First Lady Liza Marcos, at Speaker Martin Romualdez. Ang walang pakundangan niyang pag-upload ng mga bidyo ang siga na nagpapaapoy sa pagkawala ng tiwala ng mga Pilipino sa pamahalaan. Maliban sa pagpatay, hanggang ngayon hindi niya maipaliwanag ang paggasta niya sa ₱125 milyon na confidential funds ng DepEd (Department of Education) noong 2022 sa loob ng 11 araw, pati na rin ang ₱150 milyon at ₱500 milyon na confidential at intelligence funds na natanggap ng
Office of the Vice President at DepEd noong 2023. Bugso ng hindi wastong paggasta ng mga pondo, nagkakaroon ng kakulangan sa mga proyekto at programang dapat bigyang alokasyon. Saksi ang mamamayang Pilipino kung paanong ang isang tagapaglingkod ng bayan ang tumangging magpaliwanag at piniling manahimik sa pamamagitan ng self-incrimination sa paulit-ulit at napakaraming maling gawain, tulad ng mga may sala na mas pipiliing iiligtas ang sarili upang takasan ang pananagutan. Ngunit, lalaban ang bayan dahil hindi pipi ang katotohanan.
Silang walang kamalay-malay
ni SHAILEEN DOMINIQUE NAGUM
Isang payapang umaga, habang umiinom ako ng kape at tanaw ang telebisyon, isang balita tungkol sa isang bagong panganak na sanggol na itinapon ng sarili niyang ina sa tambak ng basura ang nasaksihan ko. At kung mas may ilalala pa ang sitwasyon, isang tissue paper ang natagpuang nakasiksik sa loob ng bibig ng bata. Naiisip ko na ang mga maaari niyang depensa sa sarili, gaya ng iniwan siya ng ama ng bata. Kasabay nito, malamang makatanggap siya ng mga batikos mula sa publiko. Subalit ano ba ang dapat gawin?
Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng teenage pregnancies, sa Tarlac National High School pa lamang, 16 na ang naitatalang kaso mula sa labing dalawang libong mag-aaral, malinaw na kailangang palakasin ang implementasyon ng comprehensive sexuality education (CSE) sa Pilipinas. Isa itong programa na naglalayong turuan ang kabataan hindi lamang tungkol sa pisikal na aspeto ng sekswalidad kundi pati na rin sa mga aspetong emosyonal, mental, at moral.
Base sa pag-aaral ng UNESCO noong 2021, ang mga bansang may malakas na implementasyon ng CSE ay may mas mababang kaso ng teenage pregnancy at sexually transmitted infections (STIs). Halimbawa ang Netherlands na pinapatupad ang CSE mula sa murang edad, mababa ang kaso ng teenage pregnancy, na 5.1 births per 1,000 women aged 15-19 kumpara sa Pilipinas na 47
births per 1,000 women. Tinuturo rin nito ang tamang pananaw ukol sa sekswalidad, kahalagahan ng consent, at respeto sa sarili at sa iba. Sa pamamagitan nito, natutulungan ang kabataan na unawain ang mga epekto ng kanilang mga desisyon hindi lamang sa kanilang sarili kundi pati na rin sa kanilang pamilya at lipunan. Sa karagdagan, itinuturo rin dito ang tamang paggamit ng contraceptives, na maaaring maiwasan ang 34% ng maternal deaths, ayon sa World Health Organization. Ang sex education ay hindi kaaway kundi kaagapay sa pagtugon sa agamagam at paghubog ng mas responsableng kabataan. Ito’y hindi lamang nakatuon sa akademikong aspeto kundi pati na rin sa pagkakaroon ng malalim na kaalaman sa sariling katawan at emosyon. Sapagkat sa pagkakait ng kaalaman, biktima tayo ng kawalan ng kamalayan.
‘Di family business ang demokrasya
ni JANESSA IRISH RIVERA
Laganap pa ring problema ang politikal na dinastiya sa sistema ng gobyerno ng bansa. Datapwat nakasaad sa 1987 Constitution, Article 2, Section 26, na ipagbawal ang mga dinastiya sa politika, wala pa ring gumagawa ng aksyon laban dito. Nakakaalarmang maging sa bayan ng Tarlac ay may mga namamayagpag nang magkakamag-anak.
Sa darating na eleksyon, dalawang apelyidong nagiwan ng malalim na marka sa kasaysayan ng Tarlac City ang nagtutunggalian, Yap at Angeles. Sina dating Gov. Victor A. Yap at Mayor Cristy Angeles ay lumalaban sa posisyong Congressman. Inaasahang maging Governor si Cong. Christian Yap, ang anak ni Gov. Susan A. Yap. Habang katunggali ng governor ang asawa ni Mayor Cristy, Victor “Vic” Angeles ang lumalaban sa pagiging Mayor. Gayundin, ang anak nilang si Katrina Theresa “KTY,” sa posisyong vice mayor. Kasabay ng pagsulong ng yumaong ama ng mga Yap, Gov. Jose “Aping” Yap upang maging component city ang Tarlac, pinagyabong ng pamilya ang turismo, umakda ng 63 batas para sa proteksyon ng mga bata at mga batas na susugpo sa cybercrime. Gayundin, naging instrumento sa pag-unlad ng Tarlac City si Mayor Cristy gaya ng pagtaas ng kita ng lungsod, mga programang nagbebenepisyo ang mga magaaral, at Aksyon Anghel 24/7 Emergency Response Team. Datapwat marami sa kanilang mga proyekto at programa ang pinakikinabangan ng mga Tarlaqueño. Hindi ito maaaring gawing katwiran sa pinapairal nilang politikal na dinastiya. Huwag na tayong magpagamit sa politikong hindi na demokrasya ang prayoridad kundi ang pagtatayo na ng family business sa pamahalaan.
dibuho ni JOSHUA RAMIL
Pamana ng Tinubuang Lupa
ni MADELENE BONAGUA
Tamis na umagos sa bawat patak ng pawis.
Nakapaligid ang mga ani sa lupang may tanging yaman, nagmistulang ugat upang pamumuhay ay maging makabuluhan. Taglay ang mga kamay na tila mayroong kapangyarihan, kinabukasan-may kahihinatnan.
Puno ng natural na tamis ang bayan na pinagmulan, nanggaling mula sa puro at kalidad na tanim na siyang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga Pilipino.
Ayon sa datos mula sa USDA Foreign Agriculture pang labing pito sa mga nangungunang bansa ang Pilipinas sa nag susupply ng mga tubo o sugarcane sa buong mundo.
Ilan sa mga produkto mula sa tubo ay ang asukal na puti at pula, molases, alak, at alcohol na siyang importante sa pang araw-araw na buhay ng bawat mamamayan.
Dagdag pa rito, ang industriya ng tubo ay nag-aambag ng humigit-kumulang PHP 76 bilyon taun-taon sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang tubo ay nililinang sa 398,478 ektarya, kung saan ang isla ng Negros ang nagtala ng 57%; kasunod ang Mindanao na may 21%; Luzon, 11%; Panay, 8%; at Eastern Visayas, 3% (SRA, 2022).
Ayon pa sa Philippine Council For Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development o DOST-PCAARRD. Ang Pilipinas ay may humigit-kumulang 88,000 magsasaka ng tubo. Sa mga ito, 84% ay may mga lupang mas mababa sa limang ektarya. Mayroong 27 gumaganang mga gilingan ng hilaw na tubo na may pinagsamang kapasidad na pagdurog ng 200,000 metric tons ng tubo bawat araw at 12 refineries na may pinagsamang kapasidad na 144,500 bag ng refined sugar bawat araw na gumagana sa 70% na kapasidad ng paggiling. Malapit sa 700,000 Pilipino ang direktang empleyado sa produksyon ng tubo at mayroon itong humigit-kumulang 5-6 milyong higit mga nakadepende Hindi naman bababa sa tatlong ranggo sa may pinakamalaking nagsu-supply ng produkto ng tubo mula sa Luzon ay nanggagaling sa Azucarera de Tarlac o mas kilala bilang Central Azucarera de Tarlac (CAT) itinayo noong taong 1927. Maging sa pangkasalukuyang taon ito’y patuloy nagbibigay opurtunidad at trabaho sa libo-libong Tarlaqueños.
supply ng tubo sa Azucarera de Tarlac, upang ito’y maging isang ganap na produkto tulad ng asukal at alak. Kabilang siya sa isang samahan na tinatawag na C80 Sugar Cane planters, ito’y binubuo ng iba’t ibang magsasaka at produser. Ayon sa kaniya malaking tulong ang tubuhan sa kanilang pangkabuhayan wika nya “Oo, yan yung pinaka mainstream livelihood namin”. Ayon pa sa kaniya isang itong pamana mula sa kanyang ama na patuloy nilang inaalagaan at pinagyayaman.
Tulad ng pag-ambag nito sa kanilang kinabukasan, ito rin ay may malaking ambag sa ating bayan. Malaking porsyento ng buwis o tax mula sa tubuhan ang napupunta sa Tarlac City na siyang nagiging daan sa pagsasaayos ng ating napaliligiran.
Hindi naman maiiwasan ang hamon sa larangan ng negosyo. Isa na sa naranasan ni Ma’am Vivian ay ang pagtaas presyo. Sa dami at laki ng kailangan tulad ng abono, patubig, at sahod ng mga trabahador ito’y naging isang hadlang sa mabilisang kalakal ng tubo papuntang Sentral.
“Masipag at Matatag”. Dalawang kataga na nanggaling mula kay Ma’am Vivian ng patungkol sa mga magsasakang pawis ang puhunan kapalit ang buwis para sa kaniya-kaniyang hangarin. Nang dahil sa mga magsasaka nagkaroon ng tamis ang ating mga hain at naging tulay sa samu’t saring mithiin.
Nararapat lamang na tangkilin ang mga produktong nanggaling sa ating sariling lupa’t kasipagan. Upang tayo ang unang mag benipisyo sa ating sariling yaman at patuloy na makinabang.
Sa wika nga ng dating Senator na Francis “Kiko” Pangilinan na ang pangunahing adbokasiya ay ang agrikultura. “After all, more than the Doctor, more than the Lawyer, we need the FARMER. Because we need a Doctor or Lawyer only a few times in our life, but we need a farmer 3 times a day.”
Ating pahalagahan at patuloy na tangkilikin ang produktong may taglay na tamis mula sa ugat ng ating mga kamay, sangay patungo sa maunlad na buhay.
Isa si Vivian Parazo, 45 na taong gulang isang guro at may negosyong tubuhan sa Gerona, Tarlac. Ang pamilya nila ay isa sa mga nagsu-
Umaagos ang tamis kapag ang puhunan ay pawis. Pinaghirapan at ipinaglaban upang ating kinabukasan ay patuloy na dumaloy sa ating mga ugat. Ang minsan nang itinanim ay siya parin aanihin ng mga susunod na supling.
Dapithapong Humiling ang Batang Bading ng Puwang sa Langit
ni CHARLES GUEVARRA
Sa mga panahong ikaw ay namamanikluhod at naglalambing sa Diyos, ano ang iyong palaging ipinapanalagin? Ano ang isinisigaw ng iyong puso sa tuwing nakadungaw ang liwanag mula sa tarangkahan ng kaniyang tahanan?
Para sa musmos na si Ostin, ito ay ang makita at makilala ang tunay niyang mga kulay, hindi sa kognisyon ng karamihan, kundi sa sarili niya mismong mga mata at pangunawa. Sa edad niyang sampung taong gulang ay nabalot na siya ng pangungutya at nabalingan na ng masasamang tingin. Pinandirihan, hinusgahan, at nilayuan na wari ba’y may taglay siyang nakahahawang kalagayan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ngitngit, ay tila hindi pa rin siya pinabayaan ng langit. Biyaya kung ituring ni Ostin ang kaniyang sanggang-dikit na si Jacob. Ang natatanging kamay na yumayakap at nagsilbi niyang pananggalang laban sa mga palasong patuloy na isinisipat sa kaniya ng tadhana.
ALAM MO BA?
na ang tubo ay hindi lamang ginagamit sa paggawa ng asukal? Narito ang apat na produkto na maaaring gawin mula rito:
TIMPLADO ANG PAGBABAGO
Sangkap at rekadong dala ay pagbabago. Pagbabagong dama sa dakong puno ng pag-asa. Sa bawat mainit na tasa na dala ay pagnanais at pagnanasa, isang mithiin na maghatid ng liwanag at pag-asa sa mga pusong nananabik sa pagbabagong nais matamasa.
Isang lugar na hatid ay mainit na yakap na tumatanggap sa pagkakakilalanlan ng bawat isa. Kasama ang haplos na dama ang pagtanggap na nais matamasa. Dito, ang mga sugat ng nakaraan ay unti-unting naghihilom, at ang bawat galak ay muling nabubuhay sa mga tahimik na sulyap ng pag-unawa.
del Espíritu Santo, matatagpuan ang Saklay Café, isang lugar na higit pa sa isang kainan. Dito, ang bawat sulok ay nagaalok ng init at pagtanggap, tulad ng isang yakap na kumakandado sa mga pusong nangungulila. Itinatag ni Padre Randy Salunga, ang café ay nagsilbing kanlungan ng mga pangarap, isang tahanan ng mga kuwento ng tagumpay mula sa hirap, at simbolo ng lakas at pag-asa para sa mga taong may kapansanan.
mayroong PWD na barista, ang Saklay Café ay hindi lamang kape at pagkain ang tinatangkilik kundi pati na rin ang dimabilang na mga oportunidad at pangarap na patuloy na humuhubog sa bawat kaluluwa. Isang buhay na hindi tinatangi ang mga hadlang, tulad ng ipinakita ni Myrna Lorenzana, isang barista na may kapansanang dulot ng polyo, ngunit patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa iba. Siya’y isang liwanag na patuloy na kumikislap sa madilim na gabing sumasakop sa buhay ng bawat isa, nagsisilbing saklay at gabay sa bawat hakbang patungo sa mas maliwanag na buhay.
may kasamang kuwento ng lakas at pag-asa—tulad ni Myrna Lorenzana, na hindi pinalamig ng mga limitasyon ng katawan ang kanyang tapang at determinasyon. Siya’y nagmistulang isang mainit na kape sa malamig na klima ng umaga.
ni LIANNE SAMANTHA LIQUIRAN
magsanib-puwersa at maging bahagi ng lipunan.
Sa pamamagitan ng kanilang mga makabayang proyekto, kanilang tinutulungan ang mga PWDs na magtaglay ng lakas upang hindi lamang mangarap kundi pati na rin magsikap para sa kanilang mga pangarap. Sa bawat programa at inisyatiba ng Caritas, mula sa mga pagsasanay hanggang sa mga proyekto ng kabuhayan, ipinapakita nila sa buong komunidad na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa tropeto kundi sa pagtutulungan ng bawat Pilipino.
arangkada ng Saklay Cafe nasa likod nito ang Caritas Tarlac, na nagsisilbing ina ng mga proyektong ito, ay isang buhay na pagpapakita ng malasakit at pagmamahal na walang kapantay. Sa pamamagitan ng mga inisyatibang ito, binibigyan nila ng pagkakataon ang mga taong may kapansanan na
na maging mag-isa sa impyerno, kung doon man siya Nakalakip sa bawat pahina ang pirapirasong piyesa ng buhay ng may-akda na si Clarenz Narciso, isang gurong mag-aaral, at manunulat mula sa probinsya ng Tarlac. Hango mula sa kaniyang personal na mga karanasan ang katauhan ng batang si Ostin, mula sa pagiging sakristan niya sa pagkabata, hanggang sa kaniyang silakbo na Ibayong kaginhawaan na animo’y mainit na yakap ang hatid ng karakter na si Jacob mula sa istorya. Sa mga magtataka, hindi indibidwal ang pinaghugutan
ng inspirasyon para sa katauhan ng matalik na kaibigan ni Ostin. Nabuo si Jacob sa pagmamahal ng bawat taong bumuo sa batang si Clarenz. Hango sa kaniyang mga magulang, pamilya, at mga kaibigan, ang inosente ngunit tunay na pagmamahal na angkin ni Jacob.
Ang akda ay para sa lahat ng kulay, wala itong pinipiling tama ng liwanag. Bata man o matanda, bakla man o hindi, lahat ay bahagi at tiyak na mauunawaan ang kalagayan ng mga karakter. Hitik ito sa mga alaala ng bawat kabataang nalimbag at humaplos sa buhay ng awtor. Mahigpit na yakap sa kung sino man ang nakaranas sa istorya ng buhay ni Ostin. Bawat karanasang nakalakip sa
libro, tugma man sa mambabasa o hindi, ay nangungusap sa puso at kumukurot sa damdamin. Hayaang ang buhay ni Ostin ay maging isang daan upang umusbong ang mas inklusibong lipunan, kung saan ang lahat ng tao ay may puwang sa langit, at may espasyong gagalawan sa bayan. Sa muling pagbisita mo sa tahanan ng Diyos, nawa’y makaapuhap ka ng mahinahon na panalangin. Kung isa ka mang batang bading, hayaan mong yakapin ka ng mga taglay mong kulay. Ito ang makapag-aahon sa iyo sa lawa ng kawalang kasiguraduhan. Damhin mo ang dagitab nitong dala sa iyong pagkatao. Ikaw ay ikaw, at marapat lamang na piliin mong maging ikaw.
TANGGULAN NG PAG-ASA.
Sa apat na sulok na silid ng Saklay Café itinitimpla ni Myrna Lorenzana, 39, ang pangarap niyang buhay
G na G sa ZERO G:
Higpit ng Tubig, Hatak ng Magnet
Sa gitna ng patuloy na pagsasaliksik para sa hinaharap ng eksplorasyon sa kalawakan, isang batang Tarlaqueno ang nagdala ng kanyang natatanging ideya sa isang pandaigdigang entablado. Si Jann Jacob Mendoza, isang mag-aaral mula sa Tarlac National High School, ay napili bilang kalahok sa Asian Try Zero-G 2025 PH Entry sa kanyang pag-aaral tungkol sa surface tension at magnetism.
Sa karaniwang kondisyon dito sa mundo, sumusunod sa batas ng grabidad ang mga likido; dumadaloy ito pababa at kumakalat batay sa lalagyan nito. Ngunit sa microgravity, gaya ng nasa kalawakan, ibang-iba ang kilos ng mga likido; sa halip na bumagsak, bumubuo ang mga ito ng perpektong hugis-bilog dahil sa surface tension property ng tubig, kung saan pumoporma ang tubig sa pinakakaunting sukat.
Ang pananaliksik ni Mendoza ay nakatuon sa kung paano nakikipaglaban ang surface tension, ang higpit at lagkit ng tubig laban sa hatak ng magnet. Sa kanyang eksperimento, isang bakal na bola ang inilubog sa loob ng hugis-bilog na tubig, gawa ng kawalan ng grabidad. Sa pamamagitan ng pagpapalapit ng isang magnet, inaalam kung gaano kalakas ang puwersang kinakailangan upang mahila ang bola palabas sa tubig. Mahalaga ang impormasyong mahihinuha rito sa pagunawa ng kilos ng likido sa microgravity, na maaaring magamit sa mas epektibong disenyo ng mga sistema ng likido sa espasyo.
“Sa espasyo, walang gravity na nagdidikta kung paano gagalaw ang tubig, kaya iba ang dynamics nito kumpara sa Earth. Ang pag-aaral kung paano naaapektuhan ng magnetismo ang likido sa microgravity ay maaaring makatulong
sa pagpapahusay ng fluid systems sa spacecraft.” ayon kay Mendoza.
Sa mga misyon sa kalawakan, kritikal ang tamang paggalaw at pamamahala ng mga likido—mula sa paglipat ng gasolina sa spacecraft hanggang sa mga life-support system tulad ng tagapaglinis ng tubig. Kung mas maiintindihan natin ang kilos ng mga likido sa microgravity, maaari tayong bumuo ng mas mabisa at ligtas na teknolohiya para sa mga astronaut sa hinaharap.
Para sa mga nagnanais sumabak sa larangan ng agham at pananaliksik, may tatlong payo si Mendoza: master time management, maging matatag, at panatilihin ang hilig sa pagtuklas. “Mahirap pagsabayin ang academics at research, pero kung may maayos kang iskedyul at alam mong unahin ang mahahalagang gawain, mas magiging madali ito. Huwag matakot mag-explore ng bagong ideya—minsan, ang pinakamagagandang tuklas ay nagsisimula sa pinakahindi inaasahang konsepto.”
Sa kanyang pananaliksik, ipinakita ni Mendoza na hindi hadlang ang edad o lokasyon upang makapag-ambag sa agham. Patunay ito na ang mga batang siyentipikong Pilipino ay may maiaalay sa hinaharap ng space exploration—isang hakbang palapit sa pangarap ng bansang makilahok sa pandaigdigang siyensiya at teknolohiya.
AI Tutor KHANmigo,
Kaagapay ng kabataang Pilipino sa makabagong edukasyon
ni HARRY ACER ARCE
Noong Disyembre 10, 2024, inilunsad ng Khan Academy Philippines ang Khanmigo, isang AI-powered educational assistant, sa isang espesyal na event sa Shangri-La EDSA, Maynila. Ang proyektong ito ay inilunsad ng Khan Academy Philippines, upang gawing mas epektibo at interaktibo ang edukasyon sa bawat estudyanteng pilipino.
Sa isang opisyal na anunsyo, ipinahayag nina Secretary Sonny Angara at Khan Academy PH President and CEO
Geraldine Acuña-Sunshine na ang Khanmigo ay libre na ngayon para sa lahat ng guro at mag-aaral sa buong bansa. Ito ay isang malaking hakbang sa pagpapalawak ng access sa dekalidad na edukasyon lalo na para sa mga mag-aaral sa malalayong lugar.
“Dahil sa AI-powered tutor ng Khan Academy, ang Khanmigo, mas napapalapit sa atin ang hinaharap ng edukasyon. Hindi lamang nito pinapadali ang pag-unawa kundi hinahasa rin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa mas epektibo at interaktibong paraan,” ani Secretary Angara Plano ng Department of Education o DEPED na isama ang Khanmigo sa MATATAG Curriculum at kasalukuyang sumasailalim ito sa pilot testing sa ilang pampubliko at pribadong paaralan sa NCR. Isa sa mga layunin ng pilot testing na ito ay matukoy ang mga hamon sa paggamit ng AI tutor at ang mga posibleng solusyon para mapabuti ito bago ipatupad sa mas malawakang saklaw.
Sa tulong ng teknolohiyang ito, inaasahang mas mapadadali ang pagkatuto at mas mapalalakas ang suporta sa mga estudyanteng nangangailangan ng gabay sa iba’t ibang asignatura. Dinisenyo ang Khanmigo upang mapagaan ang trabaho ng mga guro, magulang, at mag-aaral lalo na sa
mahihirap na gawain tulad ng paggawa ng lesson plan at takdang-aralin.
Binibigyang-daan din nito ang mga mag-aaral na magtanong at linawin ang kanilang mga aralin. Hindi tulad ng ibang AI chatbots gaya ng Chat GPT, Meta AI, at Gemini na direktang nagbibigay ng sagot, tinutulungan ng Khanmigo ang mga estudyante na unti-unting maunawaan ang konsepto ng agham, matematika, at iba pang asignatura.
Sa kabila nito, nanawagan ang DepEd sa responsableng paggamit ng AI sa mga paaralan habang patuloy na pinalalakas ang ugnayan sa EdTech companies upang epektibong maisama ito sa edukasyon, ayon kay Undersecretary Fatima Lipp Panontongan.
“Itaguyod natin ang paggamit ng AI bilang isang kasangkapan sa pagpapalakas ng karunungan, Bigyan natin ng wastong kaalaman ang ating kabataan upang gamitin ito nang may pananagutan. Sama-sama nating likhain ang hinaharap kung saan pinalalakas ng teknolohiya ang kakayahan ng tao sa halip na bawasan ito,” ani Panontongan.
Sa kabuuan, kanyang isinaad na tungkulin nilang siguraduhin na ang bawat susunod na henerasyon—gaya ng Gen Z, Alpha, Beta, at iba pa—ay lumaking may sapat na kaalaman at karunungan upang maging handa sa kinabukasan.
Init sa Enerhiyang P
Ang Integrated Solar-Powered Irrigation System (ISPIS) ay isang makabagong teknolohiyang patubig na hindi gumagamit ng kurudo, kundi enerhiya mula sa araw. Bukod sa patubig, may kakayahan itong magbigay ng kuryente sa komunidad, sa mga ilaw at appliances na nagbibigay ng dagdag na benepisyo sa mga komunidad ng magsasaka. Ang disenyo ng ISPIS ay may kasamang “Daily Tracking Structural Mechanical Part” na nagpapahintulot sa mga solar panel na sundan ang galaw ng araw para sa mataas na pagkuha ng enerhiya. Mayroon din itong “Multiple Power Control System” na nagpapakita ng produksyon ng kuryente at isang safety feature na may dalawang susi upang maiwasan ang hindi awtorisadong paggamit. Nagdulot ang implementasyon ng ISPIS ng positibong pagbabago sa buhay ng mga magsasaka. Malaki ang nabawas sa kanilang gastos sa operasyon dahil sa pagtitipid sa diesel na itinatalang bawas-90 porsyentong gastos, at tumaas ang kanilang ani ng hanggang 60% dahil sa mas maaasahang suplay ng tubig. Bukod dito, nabawasan ang carbon footprint at polusyon sa ingay, na nagdulot ng mas malinis na kapaligiran. Nagbigay-daan din ang ISPIS sa paggamit ng mga kagamitang pambahay sa kabahayang malapit sa bukid, at pag-unlad ng mga karagdagang kabuhayan tulad ng pag-aalaga ng hayop. Ayon sa mga magsasakang nakinabang sa proyekto, malaki ang naitulong ng ISPIS sa kanilang pang-arawaraw na gawain. Bukod sa pagtitipid sa gastos sa kurudo, nagkaroon sila ng mas mahabang oras para sa pagtatanim at iba pang gawaing pangkabuhayan. Ang pagkakaroon ng kuryente sa kanilang lugar ay nagbigay-daan din sa mas komportableng pamumuhay, kung saan maaari na silang gumamit ng mga kagamitang de-kuryente tulad ng rice cooker, electric fan, at radyo. Nakatulong din ito sa pag-aalaga ng mga hayop tulad ng manok at pato gamit ang mga incubator, na nagdagdag sa kanilang kabuhayan. Ang ISPIS ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi: Solar Panel na nagko-convert ng enerhiya mula sa araw patungo sa kuryente na iniimbak sa mga baterya; Power Controller na nagreregula ng kuryente bago ito maiimbak sa baterya; Converter na nagko-convert ng Direct Current (DC) na
a Rehiyon III ng Pilipinas, matagal nang humaharap ang mga magsasaka sa mga hamon tulad ng nakipagtulungan ang Tarlac State University (TSU) sa Department of Agriculture Regional Field makabagong solusyon na gumagamit ng enerhiya mula sa araw upang mapabuti ang sektor ng
ni KERBY MUTU GARCIA
ni KERBY MUTU GARCIA
Bukid,Pampatubig
ng mataas na gastos sa krudo at hindi tiyak na suplay ng tubig para sa irigasyon. Bilang tugon, Field Office III (DA RFO III) upang bumuo ng Integrated Solar-Powered Irrigation System (ISPIS), isang ng agrikultura.
nagbibigay ng kinakailangang presyon para sa irigasyon at may sariling power controller para sa angkop na operasyon. Ang sistema ay idinisenyo upang maging matibay laban sa mga bagyo, may sapat na suporta sa estruktura, at may kakayahang sundan ang galaw ng araw para sa maksimal na enerhiya. Sa kasalukuyan, wala pang nasisirang unit ng ISPIS, na patunay sa kalidad ng disenyo at materyales na ginamit. Nahahati ang proyekto sa ilang yugto: Unang Yugto, paglalaan ng ₱720,000 mula sa DA RFO III sa disenyo at pagbuo ng sistema; Ikalawang Yugto, karagdagang ₱1.2 milyon para sa pilot testing sa Barangay Balanti, Tarlac City, na nagresulta sa 60% pagtaas sa ani at 90% pagtitipid sa gastos sa kurudo; Ikatlong Yugto, kabuuang ₱4.2 milyon ang inilaan matapos pumasa sa teknikal na pagsusuri ng DA Region III, na nagbigay-daan sa pag-install ng ISPIS sa iba’t ibang probinsiya sa Luzon, kabilang ang Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, at Zambales; at Ikaapat na Yugto, nilalayon ng TSU at DA RFO III ang mass production ng mga solarpowered irrigation systems para sa Rehiyon III, na may hinihintay na pag-apruba para sa ₱70 milyong pondo bago matapos ang 2025. “Kapag umaani ang magsasaka, buong ekonomiya ang naiaangat. Sila ang naghihirap, ang nahaharap sa maraming problema, at dahil dito, tumataas din ang mga bilihin. Kaya, layunin ng proyektong ito na magbigay ginhawa ‘di lang sa mga magsasaka, kundi maging sa buong komunidad.” ayon kay Professor Rodel Bocho, ang Project Leader ng ISPIS. Sa ikaapat na yugto ng proyekto, ang nilalayon nilang mass production ng ISPIS ay mas makatutulong sa maraming magsasaka gamit ang teknolohiyang ito. Sa pamamagitan ng karagdagang pondo na ₱70 milyon, inaasahang maipatutupad ang proyektong ito bago matapos ang 2025, na magbibigay ng mas malawak na suporta sa sektor ng agrikultura sa Rehiyon III. Sa daloy ng tubig mula sa ISPIS, umaagos ang progreso dala ang pagbabago. Mga magsasakang babad sa init ng araw, silong ang teknolohiyang araw ang tanglaw.
112,998
hektarya ng lupa sa Tarlac ang nakalaan at nakatuon para sa produksyon ng agrikultura mula sa kabuuang 305,345 hektarya ng lupain sa lalawigan. Ang mga lupang ito ay pangunahing ginagamit sa pagtatanim ng palay, tubo, mais, at gulay, na siyang bumubuo sa malaking bahagi ng suplay ng pagkain sa rehiyon. mula sa Department of Agriculture, Bureao of Agricultural Research
YAKAP ng Hinaharap:
Kalinga ng Project M-brace para sa taong may Kapansanan
ni KAYCEE FIONA SUPAN
Abot-kamay na pangarap, abot-kaya sa teknolohiyang hirap ang inaagap.
kakayahan at kalidad ng buhay ng mga amputee.
Sa sektor ng kalusugan, mababawasan nito ang gastos ng medikal na kagamitan, na makikinabang hindi lamang ang mga indibidwal kundi pati ang mga sistemang pangkalusugan ng mga bansang may limitadong pondo. Nakatutulong ang M-BRACE sa pagbawas ng pasanin sa gastusin ng mga pamilya at pamahalaan sa rehabilitasyon.
Sa aspeto ng kapaligiran, ang paggamit ng recycled na materyales ay nagpapakita ng pagiging makabago at responsableng paggamit ng likas na yaman. Hakbang ito sa napapanatiling pag-unlad na pakikinabangan ng mga tao, maging ng kalikasan.
Sa paghahari ng modernong teknolohiya sa kasalukuyang mundo, patuloy pa rin ang paghahanap ng mga solusyon sa mga suliranin ng tao. Isang malaking balakid kung ang isang tao ay mawalan ng kamay—nagiging sanhi ito ng pagkawala ng kakayahan sa paggawa, tulad ng pagbuhat, paglilinis, at pagsulat. Bukod dito, tanyag din ang diskriminasyon, habang ang mga tradisyonal na bionic na kamay pamalit sa nawalang braso, ay hindi pa rin abot-kamay. Kaya, inilunsad ni Mary Monique S. Canlas, mag-aaral sa Tarlac National High School, ang Project M-BRACE, isang murang bionic hand na ginagamitan ng electromyography (EMG) sensors. Ginaya nito ang natural na kilos ng kamay gamit ang recycled plastics, chipboard, elastic bands, at popsicle sticks, na nagpapanatili ng mababang gastos habang epektibo. Batay sa Econ Market Research, daan-daang libong piso ang tradisyonal na bionic hands—isang malaking hadlang sa maraming amputee, lalo na sa papaunlad na bansa gaya ng Pilipinas. Ang Project M-BRACE ay isang microcontroller-based bionic hand na sumusukat sa electrical signals ng kalamnan upang kontrolin ang robotic na kamay. Ang proyekto ay may recycled plastics, chipboard, elastic bands, popsicle sticks at foam upang panatilihing mababa ang gastos habang nananatiling epektibo. Ipinakita rin ng M-BRACE na kaya nitong magbigay ng maaasahang pag-andar gamit ang EMG sensors para sa mabilis at natural na kilos. Sa pamamagitan ng murang bionic hands, natutulungan nitong maibalik ang
Sa mga papaunlad na bansa tulad ng Pilipinas, ang Project M-BRACE ay nagiging modelo ng teknolohiyang maaaring magdala ng pagbabago sa mga lugar na kulang sa access sa modernong medisina. Ang kakayahang gumawa ng mga lowcost prosthetics gamit ang mga lokal na materyales ay nagbubukas ng maraming oportunidad para sa mga negosyante at lokal na komunidad.
Sa mga papaunlad na bansa tulad ng Pilipinas, ang proyektong ito ay modelo ng abot-kayang teknolohiya– daan sa mga lugar na walang kakayahan sa modernong medisina. Ang paggawa ng low-cost prosthetics ay nagbubukas ng oportunidad para sa mga komunidad. Higit pa sa solusyon ang Project M-BRACE, ito ay inspirasyon—patunay na may kakayahan ang kabataan na lumikha ng makabuluhang pagbabago.
Siyen-SKWELA:
Kauna-unahang Science Fair sa Tarlac, Kinagiliwan ng mga Estudyante.
ni JAKE BRIONES
Napuno ng mala-mahikang inobasyon mula sa kakayahan at inobasyon na handog ng agham ang
Bulwagang Kanlahi sa Diwa ng Tarlac matapos na mailunsad ang kauna-unahang Provincial Science Fair sa probinsya ng Tarlac na pinangunahan ng Philippine Space Agency o PhilSA noong ikatlo ng Pebrero na tumagal hanggang noong Pebrero 8. Naitampok sa Science Fair ang mga kamangha-manghang inobasyon na likha ng siyensiya, isa sa mga halimbawa nito ay ang mga Hydroponics, isang makabagong kagamitan sa pagtatanim na maaaring pagtamnan ng mga halaman nang hindi ginagamitan ng lupa, kundi ginagamitan lamang ito ng tubig, ginagamit lamang dito ang sustansyang mayroon ang tubig upang mapalago ang mga halaman, bonus pa nito ang kakayahan nitong makabuhay ng tanim gamit lamang ang maliit na espasyo. Naipakita rin sa Science Fair ang maraming mga eksperimento na nagbigay ng saya at bagong kaalaman sa mga estudyanteng dumalo, bukod pa rito, itinanghal rin sa nasabing Science Fair kung papaano gumagana ang mga bagay-bagay, isang halimbawa nito ay ang tinatawag na “Watch Me Pedal,” ipinakita rito kung paano kumikilos o gumagalaw ang buto ng mga tao sa tuwing sila at nagbibisikleta, sa pamamagitan ng ganitong mga demonstrasyon ay napadadali ang pagintindi ng mga estudyante sa kung paano gumagana ang isang bagay. Lahat ng mga eksperimento at aktibidad na matatagpuan sa naturang Science Fair ay maaaring salihan o lahukan ng mga
mag-aaral dahil sa ang mga ito’y mga interaktibong gawain o maaaring galawin at gamitin ng mga estudyante, sa pamamagitan ng kanilang paggamit sa mga ito, natutuklasan at higit na naiintindihan nila ang mga bagay na akala nila’y mahika, kundi ito pala’y handog lamang ng kamanghamanghang siyensiya. Maliban sa mga eksperimento at mga makabagong likhang kagamitan, nagkaroon din ng patimpalak na nilahukan ng 16 na munisipalidad sa Tarlac. Hinasa ng mga patimpalak na Science and Math Quiz Bee ang husay ng mga alagad ng agham mula sa probinsiya ng Tarlac, sa pamamagitan ng ganitong mga paligsahan, nalilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral na sumagot at makagawa ng bagong mga inobasyon na makatutulong sa sangkatauhan sa mas makabagong panahon. Mula sa mga natatanging inobasyon, hanggang sa patagisan ng talino, tunay na ang tarlakenyo ay maituturing na mga alagad ng agham. Sa kauna-unahang Science Fair na naganap, tiyak na mas hihigit pa ang kaalaman na malilinang at matutuklasan ng mga Tarlak-henyong matalino’t mayroong pagmamahal sa agham.
PALASO SA PALARO
isports 585 ISKOR
City, Tarlac at muling hinakot ang gintong medalya laban sa 20 niyang katunggali at kinuha ang ginto sa 60-meter, Half FITA round, at mixed team event, Olympic round at sa team event nito, at pilak naman sa 70-meter event.
Hindi umubra ang init ng araw sa mala-kidlat na pagpana ni Ines o mas kilala bilang isa sa mga may matatalas at pulidong tira sa larangan ng Archery na nagmula sa lungsod ng Tarlac matapos ang walang kahirap-hirap na pagpana nito sa 60-meter at pumuntos ng 6-2 laban sa pambato ng Camiling sa final round ng men’s archery.
Sa unang salang pa lamang ni Ines, ramdam na ang kaniyang buong gigil at determinasyon sa kaniyang paglalaro na lalong nagpatulin sa palaso nito at
pumigil sa ginagawang depensa ng kalaban nito na nagmula sa iba’t ibang mga munisipalidad ng Tarlac.
“Parang roller coaster ride minsan nananalo minsan natatalo pero parte rin kasi ng journey ng isang athlete yung pagkatalo pero at the end of the day tao ka lang din na pwede pa mag-improve para mas maging magaling,” ani Ines ng tanungin ito kung kumusta ang paglalaro nito sa larangan ng archery.
Si Ines ay isang mag-aaral na kabilang sa hanay ng Science,
Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) at aminado itong mahirap pagsabayin ang pagiging atleta at kaniyang pagiging STEM student.
“May mga isa-sacrifice lang na mga bagay. Kung wala siguro ang mga supportive and considerate na teachers and classmates ko ay hindi ko rin naman makakamit yung mga karangalan na meron ako ngayon,” saad nito. Samantala, meditation naman ang ginagawa ni Ines sa tuwing ito ay nag-eensayo at sa
tuwing siya ay may laban.
“Mag-shoot ka lang, wala kang ibang iisipin,” iyan ang katagang nagmarka sa isipan ni Ines sa tuwing siya ay kinakabahan sa kaniyang laro na siyang laging sinasabi ng kaniyang coach sa tuwing sasalang sa mga patimpalak.
Mensahe naman nito sa mga ibang atleta na laging makinig sa kanilang mga coach at naniniwala siya kung kaya niya, kaya rin ng mga kapwa niya atleta basta samahan ng disiplina, sipag, tiyaga, at dasal.
ni
na 2025 Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) na gaganapin sa Abril 21-24, 2025 sa nasabing probinsya.
“The reason why the Tarlac Province will host again
Tumanggap ng donasyon ang Tarlac National High School (TNHS) Football team sa pangunguna ni Rey Valdoz Andaya TNHS football coach mula sa Central Luzon Regional Football Association (CLRFA) bilang paghahanda para sa nalalapit na Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA).
Buong pasasalamat ang ipinaabot ni Andaya sa mga bagong bola na ibinigay ng CLRFA na gagamitin ng kanilang koponan para sa pag-eensayo nila sa darating
Kaagapay sa pag-abot ng mithiin
ni JILLIAN MAURIZZ P. OLIT
Hangga’t may handang sumuporta at umalalay sa kabataan, mananatiling mahigpit ang kanilang kapit sa mga pangarap na nais nilang makamit.
Minsan na ring nangarap si Kyle R. Villafaña Jr. upang maging isang batikan at kilalang manlalaro ng baseball sa buong Pilipinas. Nagsimula ang lahat sa simpleng pagmamasid niya sa mga nakatatanda. Noong siya ay nasa ikaapat na baitang— nang makitaan siya ng potensyal ng baseball coach sa kanilang paaralan.
Hindi man inaasahan, ngunit ito ang nagsilbing pagkakataon na nakapagbukas ng pinto upang matuklasan niya ang kaniyang tunay na kakayahan at potensyal. Dahil dito, si Villafaña ay nakapagtapos ng kolehiyo sa Adamson University. Sa kasalukuyan, isa nang kinatawan ng Philippine Baseball Team ang Tarlaqueñong manlalaro. Ngunit hindi lamang pansarili at pambansang karangalan ang kaniyang natatamo sa pamamayagpag sa paglalaro ng baseball, sapagkat hangad niya ang magpalaganap ng inspirasyon sa pamamagitan ng pag-sponsor sa mga batang manlalaro ng baseball at softball sa San Manuel, Tarlac City, at sa pagiging isa sa mga coach sa Philippine Baseball the Dreamers.
Sa loob ng mga taon ng kanyang paglalaro, si Villafaña ay napabilang na sa iba’t ibang kilalang paligsahan tulad ng Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA), Palarong Pambansa, University Athletic Association of the Philippines (UAAP), at iba pang mga international games. Ang mga paligsahang ito ang isa sa mga naging malaking hakbang at tulong upang mapalawak ang kanyang karanasan na makatutulong sa pagpapaunlad sa kakayahan ng mga batang kaniyang ginagabayan.
para sa CLRAA 2025. Pumayag naman si Tarlac Province Gov. Susan A. Yap sa pakiusap ni Central Luzon Regional Director Ronnie S. Mallari na muling ibalik sa probinsya ang nasabing paligsahan.
Malaki ang pasasalamat ni Villafaña sa mga gurong naniwala sa kaniya noon. Kaya naman, para sa kaniya, ngayon na ang kaniyang panahon at pagkakataon upang suklian ang paniniwalang minsan nang ipinagkaloob sa kaniya. “Gusto kong ibalik lahat ng tulong ng mga guro sa akin, dahil sa kanila nakarating ako kung nasaan man ako ngayon”, saad ni Villafaña sa isang panayam ukol sa kaniyang pagtanaw ng utang na loob sa mga naging gabay niya noong siya ay student athlete pa. Sapagkat walang sinuman ang kayang umunlad at manatili nang mag-isa—isa sa mga pinakapayak ngunit makapangyarihang layunin ni Villafaña ay ang magbigayinspirasyon at kaalaman sa mga kabataan, upang sila rin ay magkaroon ng kaagapay sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. a
Tarlaqueño PWDs, bibida sa Para Games ng 9th kanlahi festival
Kinumpirma
Dr. Yolanda M. Gonzales, Principal IV ng Tarlac National High School (TNHS), ang muling pagho-host ng Tarlac Province sa nalalapit
is because of the situation happened in Aurora wherein the province is very much affected with the typhoon Kristine and Pepito. DepEd Region 3 will host CLRAA with the support of Tarlac Province,” ani Gonzales, isa sa mga dumalo sa pagpupulong
ni ARCHIE A. DELA PENA ni ARCHIE A. DELA PENA ni ARCHIE A. DELA PENA