Skip to main content

Ang Sinagtala 2025-2026 | Tomo XXXIII, Bilang I

Page 1

I-SCAN ANG QR CODE

HULING TAYA. Inaakit ng online gambling apps ang mga estudyante sa mapanganib na bisyo, nagbubunga ng utang, adiksyon, at paghina ng pag-aaral.

upang mabasa ang nakaraang issue.

larawan galing ASIAS NEWS NETWORK

Ang Sinagtala Bakas ng Karanasan, Tanda ng Kaalaman

TOMO XXXIII • BILANG I • NOBYEMBRE-DISYEMBRE 2025 OPISYAL NA PUBLIKASYONG MAG-AARAL NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X DIBISYON NG CAGAYAN DE ORO • REHIYON X

HULOG SA PATIBONG ISYUNG KOMUNIDAD

Kaso ng OSAEC, patuloy na umusbong; CDO, itinakda bilang Justice Zone laban sa child exploitation inigyang-diin ng pagkaaresto sa isang Korean national sa Cagayan de Oro City ang patuloy na banta ng Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC), matapos matuklasan ng kapulisan ang mga bidyong naglalaman ng mga menor de edad sa YouTube.

“Itinuturing ng mga awtoridad na ang aktibidad sa naturang platform ay may kaugnayan sa OSAEC, isang krimen na patuloy na tinutugis ng pamahalaan alinsunod sa Republic Act No. 11930 o ang “Anti-OSAEC and CSAEM Act,” ayon sa National Coordination Center Against OSAEC at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (NCC-OSAECCSAEM). Sa kabila ng mga operasyon kontra OSAEC, nananatiling hamon ang mabagal na pag-usad ng mga kaso sa korte at imbestigasyon na nauuwi sa pagkakatambak ng mga kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya, dahilan upang hirap makamit ng mga biktima ang hustisya.

Bilang ng mga estudyanteng nakikilahok sa e-gambling, dumarami ni KLYNCH GUMALING

Tumindi ang impluwensiya ng e-gambling sa Gusa Regional Science High School - X (GRSHS-X), kasabay ng patuloy na pagtaas ng bilang ng gumagamit ng online gambling platforms sa bansa ngayong 2025. Batay sa isinagawang sarbey ng Ang Sinagtala, 13.46% ng mga mag-aaral ang gumamit ng iba’t ibang online gambling platforms, kung saan umaabot sa higit 100-1000 piso ang nagagastos nila kadabuwan. “Nakakabahala ang unti-unting paglawak ng impluwensiya ng pagsusugal, at kasabay ng paglaganap nito sa social media at paaralan, naeenganyo tayong makilahok. Dahil rito, patuloy na lumalaki, partikular na sa kabataan, ang epekto ng e-gambling,” ani Gabrielle Ladica, mag-aaral ng GRSHS-X. Pahayag naman ng iba, naniniwala silang patuloy pang tataas ang bilang na ito sa paaralan dahil mas madali na ang paggamit para sa mga mag-aaral. Sa kabila nito, 59.62% ng mga Regionalista ang sumasang-ayon sa pagpapatatag ng mahigpit na regulasyon ng mga online gambling platforms, habang 40.38% ang sang-ayon sa ganap na pagbabawal nito.

na dulot ang trauma uso... b ng pang-aa a n s la ay mada mga a s il pumipig tima na batang bik tulong g humingi n ng l o o maghab hustisya

ni VASH SARAPPUDIN & MYRIANE ALIPAO

B

KAMPUS EKSPRESS

MAN N ON HU COMMISIO RIGHTS

“Ang trauma na dulot ng pang-aabuso, kasama ang takot, kahihiyan, at emosyonal na bigat ng legal na proseso, ay madalas na pumipigil sa mga batang biktima na humingi ng tulong o maghabol ng hustisya,” ayon sa Commission on Human Rights. Dagdag pa rito ang kumplikadong proseso ng paguulat na kailangang dumaan sa iba’t ibang tanggapan na nagdudulot ng pagaalinlangan sa mga biktima upang maghain ng reklamo. Batay sa ulat noong nakaraang taon, nakapagtala ang Rehiyon 10 ng kabuuang 75 kaso ng Trafficking in Persons, kung saan 49 dito ay may kaugnayan sa OSAEC.

64 bata

naitalang biktima ng online and sexual abuse sa Northern Mindanao sa taong 2024

PINAGMULAN DEPARTMENT OF JUSTICE

/IPAGPATULOY SA P04

Mga lugar sa Rehiyon 10 na may pinakamaraming nahatulan dahil sa sa paglabag sa OSAEC at Trafficking in Persons.

TULONG NAMAN PO. Arestado sa Cagayan de Oro City ang isang Koreano sangkot sa pang aabuso, trafficking, at sekswal na pagsasamantala sa mga bata, matapos ginamit ang kanyang Youtube channel para umanoy humingi ng donasyon pantulong sa mahihirap na Pilipinong kabataan. PINAGMULAN YOUTUBE CRIME NET

CAGAYAN DE ORO CITY

5-14

ILIGAN CITY OZAMIS CITY PINAGMULAN PHILIPPINE SUPREME COURT PUBLIC INFORMATION OFFICE (2024)

TEEN PREGNO-NCY. Binigyan-diin ng PopDev ang kahalagahan ng pagtuturo ng edukasyong sekswal laban sa pagtaas ng bilang ng maagang pagbubuntis.

kuha ni GABRIEL LADICA

PINAGMULAN NATIONAL STUDY ON ONLINE SEXUAL ABUSE AND EXPLOITATION OF CHILDREN IN THE PHILIPPINES(2021)

ADBOKASYA NG PAARALAN

NSPC 2025

PopDev, sinuhayan ang pagkasa ng Adolescent Pregnancy Prevention Bill

Vigan City, Ilocos Sur

3rd | Best School Paper 1st | Page Layout and Design 4th | Sports Section

ni VASH SARAPPUDIN

Pinanigan ng Population Development Club (PopDev) ng Gusa Regional Science High School-X ang pag-aproba ng Adolescent Pregnancy Prevention Bill bilang tugon sa lumulobong kaso ng teenage pregnancy ng bansa. Pinagsentrohan ni Rod Izzander Tasi, dating pangulo ng PopDev, na kinakailangan turuan ang mga mag-aaral sa edukasyong sekswal upang maprotektahan at maturuan ang mga mag-aaral sa epekto ng maagang pagbubuntis. “Kasi karamihan sa mga mag-aaral na nonormalize na ang paggamit ng mga bastos na biro

taong-gulang ang kadalasang edad ng mga biktima

kaya kailangan natin silang turuan upang mapalawak ang kaalaman nila sa konsepto nito,” sabi ni Tasi. Samantala,naglunsad ng roomto-room campaign ang PopDev ukol sa teenage pregnancy sa mga junior high na klase kasunod ang pagtuturo sa mga classroom officers ng mga peer educators tungkol sa paksa.

Hinahangad ng PopDev na makapagsagawa ng mga symposium at maimbitahan ang mga kilalang speaker upang magbigay ng karagdagang kaalaman tungkol sa paksa. Sa kasalukuyan, matagumpay ang mga nagdaang programa ng PopDev at inaasahang mangibabaw rin ang mga susunod na programa.

NILALAMAN

P05

Bawal Maselan

P09

Tahanan ng Kahalayan


BAGONG RUTA, DAGDAG PROBLEMA. Nangangamba ang mga mag-aaral na commuter sa panibagong ruta na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Cagayan de Oro dahil sa dagdag oras at hirap ng pagbiyahe. kuha ni KRISTINE SUAREZ

02

BALITA

DAPAT ALAM MO Lugar sa Cagayan de Oro na kadalasan nangyayari ang Illegal Drag Racing

TOMO XXXIII • BILANG I • NOBYEMBRE-DISYEMBRE 2025 OPISYAL NA PUBLIKASYONG MAG-AARAL NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X DIBISYON NG CAGAYAN DE ORO • REHIYON X

WALANG PRENO ISYUNG KOMUNIDAD

KAMPUS EKSPRESS

TRANSPOTENSYON

Regionalistas, apektado ng Local Transport Plan sa CDO ni TASHMEDA SARIGAN

Ipinatupad ang Local Public Transport Route Plan (LPTRP) sa Cagayan de Oro City, na nagdulot ng mas mahabang biyahe at dagdag gastusin sa pamasahe, kabilang ang mga estudyante ng Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X).

Drag racing sa Gusa, Ikinabahala ng Komunidad ni YSHMAEL MICLAT ni ANTONNETE TAYRUS

DRAG RISK. Patuloy nangangamba ang mga residente ng Barangay Gusa para sa kanilang kaligtasan dahil sa nagaganap na karaniwang illegal drag racing sa Gusa Highway. larawan galing THE STAR

angsinagtala

U

GUSA NATIONAL HIGHWAY KAUSWAGAN HIGHWAY SM UPTOWN ulat ng BOMBO RADYO

mugong ang pangamba ng mga residente ng Barangay Gusa sa patuloy na illegal drag racing sa kahabaan ng Gusa Highway, matapos mabalita ang trahedya ng isang 20-anyos na rider na nasawi umano matapos sumali sa ilegal na karera.

Batay sa mga ulat at reklamo ng komunidad, nagiging karerahan ng mga motorsiklo at sasakyan ang nasabing kalsada, lalo na tuwing gabi at madaling-araw. Ayon sa mga residente, nagdudulot ito ng matinding panganib hindi lamang sa mga kalahok sa karera kundi pati na rin sa mga ordinaryong mamamayan na dumaraan sa lugar. “Padayon gyud ang kabalaka sa mga residente diri kay saba raba jud na sila basta kadlawon,” pahayag ni Johann Silmonet, isang residente ng Barangay Gusa.

Dagdag pa niya, labis ang pag-aalala ng mga pamilya sa komunidad dahil sa posibilidad ng aksidente, lalo na sa mga oras na limitado ang visibility sa kalsada. “Naay times jud na kadlawon saba kaayo na ilang mga sakyanan ug mga motor, mabalaka gyud mi kay basin naay madamay na wala’y kalabotan sa racing,” ani Silmonet. Kaugnay nito, nagpasa ng resolusyon si Committee on Public Order and Safety Chairman Konsehal Roger Abaday upang higpitan ang pagpigil

sa illegal drag racing sa lungsod. Ayon kay Abaday, layon ng resolusyon ang mas mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng Land Transportation Office at Cagayan de Oro City Police Office upang matigil ang mga ilegal na karera sa lugar. Samantala, patuloy na nakikipag-ugnayan ang pamunuan ng paaralan sa mga opisyal ng Barangay Gusa upang magtalaga ng mga pulis sa labas ng paaralan, bilang hakbang sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga Regionalistas.

Nagdulot ng pansamantalang pagkawala ng bumibiyaheng jeepney sa ilang ruta ang kakulangan ng oryentasyon ng mga tsuper at kalituhan sa mga bagong traffic sign at designated loading areas na ipinatupad kasabay ng plano. “Mas hahaba ang biyahe ko papunta at pauwi ng school dahil kailangan kong sumakay ng mas maraming sasakyan o maglakad nang mas malayo, mas maaga akong umaalis ng bahay at minsan pagod na pagdating sa klase, na nakaaapekto sa aking focus at performance,” ani Lawrence Saldua, mag-aaral ng GRSHS-X. Dagdag pa ni Ian Galia, nakalilito ang re-routing dahil sa pagpapatupad nito ay nagbago ang mga ruta, at hindi na sa mga nakasanayan niyang sakayan at babaan siya makasakay at makababa. Humigit-kumulang 65% ng mga magaaral ng GRSHS-X ang naapektuhan ng bagong rerouting ng LPTRP, kung saan nadagdagan ng P10-15 ang kanilang gastos para sa pamasahe. Bilang tugon, nanawagan ang mga komyuter sa pamahalaan na ayusin ang koordinasyon, magbigay ng malinaw na impormasyon, at tiyaking handa ang mga tsuper bago tuluyang ipatupad ang bagong ruta.

SA MGA NUMERO

P10-P15 ang nadagdag sa mga pamasahe ng Regionalistas matapos ipinatupad ang local transport plan sa CDO. PINAGMULAN SARBEY NG ANG SINAGTALA

KINIPIL NA BALITA

BALITANG LATHALAIN

TWO IN ONE

Mababang sahod, itinulak ang guro maging Moveit rider ni VASH SARAPPUDIN

CDO, ‘zero budget’ para sa bypass roads sa 2026 DPWH budget

Habang natutulog ang lungsod, gising ang mga bayani ng paaralan; hindi para magwasto ng pagsusulit kundi para makipag-unahan sa booking bilang rider, iwasan ang ghosting ng mga customer, at ipaglaban ang kanilang lakas, oras, at pag-asa sa gitna ng pagod.

ni HANNAH MONCADO

Ibinahagi ni Jupiter Maceren ang kaniyang pamamsada sa kalsada bilang Move It rider upang punan ang kakulangan ng kanyang sahod bilang guro na naglalayong matugunan ang pangangailangan ng kaniyang mga anak lalo na ang anak na nasa ikapitong baitang na nag-aaral sa Gusa Regional Science High School - X. “Kailangan ko ng other financial source o income dahil sa taas ng bilihin at para sa pangangailangan ng pamilya ko,” ani Maceren. Ayon sa guro, kahit pagod sa pagtuturo ay tinitiis niya ang panganib sa kalsada at puyat, lalo na at sa bawat pagkansela ng mga manlolokong customer ay nawawalan siya ng mahalagang oras at kita. “The subsidy will increase from the current P18,000 to P24,000 per qualified

Nabigong makakuha ng pondo ang Cagayan de Oro City para sa mga bypass road project sa panukalang 2026 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH), dahilan upang umani ito ng pagkadismaya mula sa mga lokal na opisyal at residente. Itinuturing ng mga Kagay-anon na malaking kawalan ang kakulangan ng pondo, sapagkat inaasahan nilang ang mga bypass road ang solusyon sa lumalalang trapiko sa lungsod. Ayon kay Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez, malaking dagok sa lungsod ang kawalan ng pondo dahil patuloy ang paglala ng trapiko sa mga pangunahing kalsada.

private school teacher annually starting this school year, 2025-26,” ulat ni DepEd Secretary Sonny Angara. Gayunpaman, pahayag ni Raymond Basilio, kalihim-heneral ng Alliance of Concerned Teachers - Philippines, na lubhang nakababahala ang kasalukuyang sahod ng mga guro dahil napipilitan pa silang mangutang upang makaraos sa pangaraw-araw na pamumuhay, nang alinsunod sa datos na P27,000 ang sahod ng Teacher I, P29,165 ng Teacher II, at P31,320 ng Teacher III sa mga pampublikong paaralan. Sa kabilang banda, iIpinapaalam ni Maceren na bukas ang kanyang punongguro sa kanyang pagtatrabaho sa labas basta at hindi ito nakakasagabal sa kanyang mga opisyal na oras sa loob ng pagkaklase. “Hindi lamang ako ang nag-iisang propesyonal na pumasok sa Move It dahil marami ring mga pulis, nars, at iba pang kawani ng gobyerno ang kasama ko sa kalsada,” banggit nito. Gayunpaman, hinihiling ni Maceren, kasama na ang ibang mga guro, na itaas ang sahod at benepisyo ng mga guro sapagkat lumolobo na ang mga presyo ng bilihin sa araw-araw.

Kailangan ko ng other financial source o income dahil sa taas ng bilihin at para sa pangangailangan ng pamilya ko JUPITER MACEREN GURO AT MOVE IT RIDER

“DOUBLE LIFE”. Napipilitan maghanapbuhay ng iba’t ibang trabaho ang ilang Pilipino dulot ng kakulangan sa sahod at hindi tugma ng propesyon upang magkaroon ng marangal na buhay, kahit puyat at pagod na ang katawan. larawan galing ni JUPITER MACEREN

SA MGA NUMERO

Datos sa tumakbo ng SSLG S.Y. ‘25-’26:

3 4

posisyon na walang kandidatong sumali

na posisyon ang isa lamang ang kandidato o “unopposed candidate” PINAGMULAN LEARNER GOVERNMENT COMMISSION ON ELECTIONS AND APPOINTMENT (LG COMEA)


Ang kaalaman ay sandata para makalaya sa kamangmangan, hindi isang kasalanan.

S

03

BAWAL MASELAN EDITO RYAL

OPINYON angsinagtala

Pagna nas kapal a sa Kaman it sa P agigin gmangan g Bana l a ku

ltu nakag ra ng labis na ka apos ang p na konser l b media usugan. D agpapalaw atismo sa ulot n a h u m i mas n ahana to, hin k ng kaala Pilipinas, m a p g “bana lalantad ng sago di na kata man tungk atagal na n t k mag-a l,” nanana sa kanila s ang kabat a-takang s ol sa seksw g t a a i a a l a al panga ral — sa ing maba panganib n—isang social halip baw a . Sa n espas nib ng n n g Sa kab a yo g a kama ila ng ng pag ngma sila’y map antas ng k lan ng pag ng ha p rotek ngan. iging a sa mg apatupad n los dalawan m a la tahan a g g detaly paaralan, lim sex educat dekada , isinu yan ng m io e na it k g it n suko aramih inutur ado pa rin Simba sila s a o h a protek an ay wala a iisip n ang Katolik dulot ng pa ng ng id taha

n ey a g o na nap ito ang dah . Ang makit tutol ng Dagda ang sarili la a kung paa ilan ku b id na p no g ag-iiw an sa s m p a a baga rito ng kalu ng bak anan a aga open-m it n Comp l ang imple , nananatilin kit. inde lumala sugang repr g bansa sa patuloy r m g e hensiv e n t u o a w s D s Ayon n d about it.” d a yon ng epartm e Sexu nakak ak ang pan uktibo. Ha pin aman E a d e l n u E ulong t c b a du lalo na at o naw n ang s a na pag sa mg f Education cation ng Philip ional Assoc a Catholic -iisip. ng bansa sa g mundo, M a iation ( p D p in a e a r a e m p Kaya’t ming g ng bat kinaka s E p ( of the d C m u ) E b , a AP), liko gula a s u la o tako kabata yang karapa a huli, napa wang t magt ro ang kulan ng paaralan pangu ng daw ang ang mga gkaka tan at an. u p . g n r a d s o ng m ksa d a tra it kalaya kanila ahing tagap apat magin Ay an ang an konse ahil sa pang ga sensitib ining ng g ag Anton on kay POP rbatib huhus ong s a reya mga anak. turo sa io Pere o C ga ng m lidad, Ngunit Pilipin Sa Gu . z III, h OM Chief J m h g in a a g d s u a o ula a Regio i la HighS kabila ang nanga los 500 kab an c n usapa ng ay hand hat ng n n a ayon s hool, 8 sa 10 al Science ang n ang ukol s g mga pana ganak araw taang a s e M e p s k tudya arami swalid pag-a a w sex ed agtuturo nte an a ad. n ng tee “abstinence agan ng sim raw. Sa g n u n g t c ahimik an n ,” nito n ation sa pa mas detaly g sangat wala anatiling ng kab age pregnan patuloy an bahan a ang k aralan a n d a o n k n g g a ataan g c bukas ala abataa . Ipina sa bago p y. Ang pak pagtaas nang w p n n kaman man, kaya’t pat ik a hinggil a isipan at h mismo ay akita gmang ang ng kat alang prote man sila m ipagtalik m a s la n a a a m y d n m ang m k ang sa o a ay naip ga usa sa sek a kasalu tohanan na syon ay isan kasal s t p s apasa u u in w h t s o u a e g lida nera nod ma kuyan hindi g sam maku long s d, kaya’t hin y kinalama katahimsyon—isang na Sa hali g sex educa mabisa ang pal a n d m s i dapa akalu tion sa p na sa sa kab Is panga ikan na na iklo ng b a p mag-a a si Kristine mang pana t sila gbubu nib. impor taan ay kum aaralan, ka ansa. a d n nga ng r e a a w l la n . r m R g amiha sumu H social asyon tung ukuha ng n supor GRSHS-X, s ita, isang simba indi kalaban media t kol sa a a n m h g s n a a g s pag eks a ng ma sex m at por sa hali n ang was g pamilya n u li ikabub wal na eduk papatupad to o p 58% n ng ideya. Ba ograpiya, n la sa asyon uti ng Mas m , ito ay kaka ng edukasy a g man t p a a k p ng tun mpi n o ainam abataa a n; r a onood y sa ulat n uno websit s a g mga g g e n motib ay na layun n. Para sa k uro at na matuto s kabataan. nakak ay mga bab g isang por Philstar, a in a e s il im n k y a n y o s p m a it p n a , n orm o ay h ert a ula ng pak kundi in kakula bahalang da eng Pilipin ographic a ik ng De asyon sa in o kaysa sa m sa o—isan tos na ngan s kaalam ng pagpapa ipagtalik a di ang pEd n ternet alin g n a t k a a t t a m . a m u a g D n lo ma pap kso, ga gur apat tiy g ay sap upang M ob ng sa pan o a s m a t akin a Unive as nakabab ng kaalama akita ng t n p g a m a m a a g t ngalag in tr a ga paa a rs n niya, a ng k g responsa na ralan u y konkreton aining ang Institu ity of the P hala pa, ayo . m a b t a g p le a s hilipp n w a s te (UP k u ng ma an ompre porta ines P sa kabata PI), ⅓ is a “sex e . Saad pa op la a Walan hensibong p akatuparan ng ducatio tungk ng edad 15– mang ng m ulation g a k m g n o h t n is uturo. ang ali sa p ealthc ol sa s s 2 g e a 4 r b a a n tibo, n are an a exuall g may infect ito up dw gunit giging y io a a contra ns (STIs) at transmitted lam should e nagiginng pigilan an kapag gina emerg ceptiv b e g e pills Ang se g hadlang it g edukasyo amit . Ibig s ency n o x abihin sa mo education sa pag-unla , , rali ay d. kamala dad, kundi p hindi pagta likod agsulo yan at Tanda proteksyon ng ng an na sa kab ay san an at d kaman ata para ma g kaalaman aan. kalaya gmang s kasala an, hin a nan. di isan g

dibuho ni NICOLE ABONITALIA

44% 39% BABAE

LALAKI

sa Pilipinas ay walang access sa mapagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa sex, ayon sa isang pag-aaral mula sa University of the Philippines PINAGMULAN UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

TOMO XXXIII • BILANG I • NOBYEMBRE-DISYEMBRE 2025 OPISYAL NA PUBLIKASYONG MAG-AARAL NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X DIBISYON NG CAGAYAN DE ORO • REHIYON X

SA MGA NUMERO


LATHALAIN 04

angsinagtala

SIMPLENG TRABAHO, SERBISYONG TAOS-PUSO. Sa kanyang 26 taong paglilingkod sa Gusa Regional Science High School - X, nagsisilbing inspirasyon sa komunidad ang tiyaga, sipag, at malasakit ni Kuya Loklok.

Task ni Kuya Saan mang sulok, handang tumulong si Kuya Loklok

TOMO XXXIII • BILANG I • NOBYEMBRE-DISYEMBRE 2025 OPISYAL NA PUBLIKASYONG MAG-AARAL NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X DIBISYON NG CAGAYAN DE ORO • REHIYON X

kuha ni KRISTINE SUAREZ

Bahay

ni ANGELICA MACEREN

Maliwanag ang araw, mga bulong ng hangin at masigasig na pagdating ng mga estudyante sa paaralan ay nangingibabaw sa ilalim ng lihim na stress. Malinis ang kapaligiran ng paaralan, at handa na para sa isang araw nanaman ng pagaaral—maangkop na lugar para sa edukasyon ng kabataan. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal, “ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan”, makatwiran naman kung bakit palaging malinis ang paaralan pagdating ng mga estudyante—alam naman natin na ang ito ay dahil sa mga janitor, pero naisip mo na ba kung sino talaga ang pinakamatapat at pinakamatanda sa kanila? At ang tao na nasakop na ang tiwala ng mga guro at estudyante sa eskwelahan? Siya ay si Florencio Ledesma, o mas kinikilala bilang is “Kuya Loklok”, isang mabait, masipag, at maalamat na tagapaglinis ng GRSHS-X. Si Kuya Loklok ay maraming taon nang nagtatrabaho bilang isang tagapaglinis sa GRSHS-X. Bawat umaga, makikita siya sa bawat sulok ng paaralan, nagwawalis at nag-aalaga ng mga silid-aralan. Hindi siya magaling sa salita, pero sa bawat walis na isinasagawa, nararamdaman ang kanyang malasakit sa mga kabataang nagsusumikap sa kanilang pag-aaral. Para kay Kuya Loklok, hindi hadlang ang simpleng trabaho para magbigay ng inspirasyon. Alam niyang ang bawat paglinis ay isang hakbang patungo sa mas magaan na bukas para sa mga batang magtatapos at magtatagumpay. Kwento siya ng dedikasyon— pagtulong sa bawat batang dumaan, hindi sa paraang malalaking galak kundi sa mga simpleng gawa na madalas ay hindi napapansin. Walang kailangang papuri, walang kailangang pansin. Ang tunay na tagumpay ay makikita sa mga mata ng bawat estudyanteng lumalapit, nagpapasalamat sa mga simpleng hakbang ni Kuya Loklok. Kaya’t kung maghahanap tayo ng tunay na halimbawa ng “pag-asa ng

bayan,” hindi kailangang maghanap pa sa malayo. Kuya Loklok ay nagsisilbing paalala na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa parangal o pagkilala, kundi sa mga simpleng gawa ng kabutihan at malasakit sa kapwa. Sa bawat walis at bawat hakbang na ginagawa niya, siya ang tunay na ilaw ng paaralan, nagaalaga ng kalinisan, at higit sa lahat, ng mga kabataan— mga pag-asa ng bayan.

S

Hindi lahat ng bayani ay may medalya—ang iba’y may walis at tahimik na malasakit.

SA MGA NUMERO | IMPORMASYON TUNGKOL SA WORKING STUDENTS

1SA10

PINAGMULAN

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

na mga mag-aaral sa Pilipinas ay working student

Outside World

BUHAY SA PUNERARYA. Sa kabila ng pagod at bigat ng kanyang responsibilidad bilang isang working-student, patuloy nagsisikap si Paulo Miguel Tabo sa kanyang trabaho sa morgue. Sa dilim ng kanyang paligid, siya ang nagsisilbing liwanag ng kanyang pamilya.

Hanap-buhay ni Paulo sa Labas ng Paaralan ni MARY ARANTON

kuha ni KRISTINE SUAREZ

Isang mundo na puno ng tawanan, group chats, at pagsusulit, may isang estudyante na tahimik na lumalakad sa pagitan ng mga karanasan na bihira lamang maranasan ng iba. Si Paulo, isang mag-aaral sa Gusa Regional Science High School, ay may parttime na trabaho sa morgue. Habang ang iba’y nagaalala sa grades at social life, siya ay humaharap sa katahimikan ng lugar na puno ng kwento—mga kwento ng buhay na nagwawakas at mga aral na madalas ay nakakaligtaan. Hindi madali ang balanse ng dalawang mundo. Sa loob ng paaralan, kilala si Paulo bilang matalino at masipag: palaging mataas ang marka sa exams, mabilis makaintindi ng komplikadong konsepto sa agham at matematika, at handang tumulong sa kaklase sa group projects. Ngunit sa labas ng paaralan, sa morgue, natutunan niyang ang talino ay hindi lamang nasusukat sa libro kundi sa kung paano harapin ang katahimikan at mga karanasang nagpapalalim sa pagunawa sa buhay. “Dito ko natutunan ang tunay na kahalagahan ng oras at bawat sandali,” paliwanag niya. “Minsan, kapag nagmamadali ka sa buhay, nakakalimutan mong pahalagahan ang simpleng bagay.” Ayon sa pag-aaral, ang exposure sa stressful environments ay maaaring magturo sa isang tao ng heightened emotional intelligence at resilience. Para kay Paulo, ang kanyang part-time na trabaho ay nagpatibay sa kanyang disiplina at pagpapahalaga sa buhay. Kahit na abala at minsang pagod, hindi bumababa ang kanyang marka sa

dibuho ni NATALIE PAJO paglalapat ni VINCE VERULA

paaralan—patunay na ang katalinuhan at dedikasyon ay kayang sabayan ang hamon ng bawat araw. Sa kanyang mundo, naiintindihan niya ang kahalagahan ng bawat relasyon, oportunidad, at sandali. Habang ang iba’y nagdiriwang sa tambayan o nag-aalala sa exams, natutunan ni Paulo na ang bawat karanasan—kahit sa tahimik na morgue— ay nagbibigay ng malalim na aral na hindi matuturo sa libro. Sa pagitan ng exams, social media, at tahimik na morgue, natutunan ni Paulo na ang tunay na mundo sa labas ng paaralan ay hindi nasusukat sa ingay o oras. Dito niya nakikita na ang bawat sandali, bawat kwento, at bawat karanasan—kahit sa lugar na tahimik at kakaiba—ay nagtuturo ng leksyon na hindi mo matutunan sa classroom. Para kay Paulo, ang “outside world” ay hindi lang tungkol sa kalayaan o kasiyahan, kundi sa kakayahang makita ang mga detalye ng buhay na madalas ay napapansin lang ng iilan.

Dito ko natutunan ang tunay na kahalagahan ng oras at bawat sandali. PAULO MIGUEL TUBO

a gitna ng makulay ngunit masalimuot na buhay paaralan, umiiral ang Bahay ng Regionalista—isang espasyo kung saan ang bawat estudyante ay nahaharap sa hamon ng edukasyon, pang-arawaraw na buhay, at sariling pangarap. Dito, makikita ang sipag ng mga guro, ang dedikasyon ng mga tagapangalaga, at ang tapang ng kabataan na lumaban sa hirap at


05

LATHALAIN

gawa ni VINCE VERULA

COASTfession ROOM. Sa bawat hampas ng alon sa mga bato, nagbibigay kapayapaan at kalma sa isipan ang Gusa Coastline, isang sanktuwaryo ng mga kabataang nag-nanais matakasan ang ingay ng mundo. kuha ni GABRIELLE LADICA

y ng

Violations Teamwork 101: Mga Iwasan upang Hindi Isang Dangkal maging sabagal na Problema ni TRISHA ASINO

limitasyon. Sa bawat proyekto, pagtutulungan, at pagkukwento, natututo silang harapin ang realidad, kilalanin ang sarili, at pahalagahan ang bawat sandali. Sa kabila ng abala at pagsubok, lumilitaw ang mga kwento ng tagumpay, pagkakaibigan, at pag-asa. Ang Bahay ng Regionalista ay higit pa sa paaralan—ito ay tahanan ng karanasan, inspirasyon, at pagtuklas ng tunay na kahulugan ng paglago, pagkakakilanlan, at pangarap.

CONFESSION ROOM Kanlungan ng mga regionalista sa alon ng damdamin at lihim ni ALTHEA MACUSE

Alon sa baybayin ang saksi sa bawat ngiti at halakhak, pati sa mga tahimik na sandaling puno ng pag-iisip. Tulad ng mga batong nakalantad sa tabi ng dagat na hinahaplos ng tubig, dumarampi rin ang bawat kwento at marahang nag-iiwan ng banayad na bakas ng damdamin na kadalasang hindi nababanggit sa iba. Sa bawat dampi ng Natatagpuan simoy, unti-unting sumusulpot ang ang tapang sa mga pangarap, pag-aalinlangan, pagiging bukas, at maliit na kaba na natural kapayapaan sa pagiging sa bawat puso. totoo, at kasiyahan

Bawat ekspresyon ay may kwentong dala— hindi bilang mabigat na laban, kundi bilang simpleng pagharap sa sarili at pagsasabing “kaya ko.” Natututo ang bawat estudyante na maging totoo, makinig sa sariling damdamin, at magpatuloy nang mas magaan ang pakiramdam. Bawat hampas ng tubig ay parang paanyaya: buksan ang sarili, ilabas ang iniingatan, at hayaang gumaan ang loob. Sa loob ng paaralan, abala at matatag silang kumikilos; pagdating sa dalampasigan, lumilitaw ang isang mas payapang bersyon ng sarili—tapat, mahinahon, at mas nakakagaan pakinggan ang mundo. Kwento ng kilig at lungkot ay tila sumasabay lang sa hangin, dumadaang parang kuwentuhan sa pagitan ng kalikasan at isip. Ang hapon ay nagdadala ng katahimikan at ginhawa sa tabingdagat.

sa simpleng paglabas ng saloobin. Bawat halakhak ay nagiging mas magaan, bawat kwento ay nag-iiwan ng liwanag at lakas ng loob. Unti-unti, natututo silang pahalagahan ang bawat nararamdaman, hayaan itong dumaan, at gawing gabay para sa susunod na hakbang. Hindi lamang pahingahan mula sa ingay ng paaralan ang baybayin; nagiging espasyo ito ng pagbabago at mas masayang pagtuklas. Dito natutunan ng bawat estudyante kung paano maging kalmado, damhin ang sandali, at yakapin ang kabuuan ng kanilang kwento. Sa bawat sandali ng katapatan sa sarili, kusang dumarating ang kagaanan at paghilom. Hinahaplos ng araw ang tabing-dagat kasabay ng malamig na simoy at magaan na alon. Dito natatagpuan ang katahimikan—humihinga nang malalim, nagmumuni-muni, at marahang hinahayaan ang isip na bumitaw sa bigat. Untiunting napapalitan ng gaan ang pangamba, at bawat halakhak at kwento ay nagiging paalala ng tapang at saya. Ang tabing-dagat ay espasyo ng paglago, kung saan bawat alon ay nagbibigay-lakas at bawat sandali ay paalala na kay gandang magtiwala sa sarili at sa mundo.

B ‎ awat gawain sa paaralan, madalas nating marinig na sapat na ang talino at sipag upang magtagumpay. Ngunit sa aktuwal na karanasan ng mga mag-aaral, mas nangingibabaw ang maayos na pagtutulungan. Kahit gaano pa katalino ang bawat kasapi, kung may maling gawi sa grupo, naaapektuhan hindi lamang ang kinalabasan ng gawain kundi pati na rin ang samahan. Ang iyong paraan ng pakikitungo at ugali sa grupo ay magtatakda kung ano ang magiging kalalabasan ng inyong gawain. ‎ ‎SEENLORD Tipong mapapakanta ka nalang ng Multo by Cup of Joe dahil sa walang paramdam sa grupo niyo, daig pa yung literal na multo na minsan ay nagpapakita. Magtakda ng malinaw na oras ng pagrereply. Kung abala, magsabi. Mas mabuti ang maikling “mamaya” kaysa sa walang paramdam.

‎HABOL ORAS Laging huli sa pagpapasa ng bahagi ng proyekto, kaya nadadamay ang buong output. Mabuting hatiin ang gawain sa mas maliliit na bahagi at magkaroon ng panloob na deadline bago ang opisyal na petsa upang may oras pang mag-ayos kung may kakulangan. ‎NINJA LUSOT Yung kasapi na may potensyal na maging ninja, sinanay na mula pagkabata. Palaging nawawala sa meeting, kaya wala nang alam sa nangyayari sa grupo. Kapag tinanong naman ay palaging may dahilan. Kung hindi makakadalo, mainam na ipaalam sa grupo at manatiling may alam ang lahat. ‎TAHIMIK ANG AMBAG Moral support nalang daw ambag niya, kayo nalang bahala sa iba. Puro oo at opo, pero walang binibigay na ideya. Kapag iilan lamang ang nag-iisip, nagiging limitado ang kalidad ng output. Kahit simple, kailangan ang bawat miyembro na magbahagi para lumawak ang perspektiba. ‎SOLO FIGHT Solo ba to o by group? Makibahagi din kung may oras. Ito yung kasapi na gustong gawin lahat mag-isa, kaya minsan nagiging hadlang sa maayos na pagkakaisa ng grupo. Mas magaan at mas mabilis ang gawain kapag nakikibahagi at nagtitiwala sa kakayahan ng bawat isa. ALIBI MASTER Palaging may dahilan kung bakit hindi natapos ang parte niya. Araw-araw may rason, pero walang resulta, nadadelay ang plano at nagkakaroon ng tensyon sa grupo. Dapat maging tapat sa oras at kakayahan. Mas mahalaga ang responsibilidad kaysa sa dahilan. OVER SA REKLAMO Puro dada, wala namang kuda. Ang negatibong aura ay mabilis kumalat sa buong grupo at nakakaapekto sa diwa ng pagkakaisa. Panatilihin ang positibong pananaw, propesyonal na pag-uugali at ituon ang pansin sa solusyon kaysa sa problema. Mahalagang tandaan na ang pagiging kasapi ng isang grupo ay isang responsibilidad na dapat gampanan ng bawat isa. Huwag ipagwalang-bahala ang kapabayaan o maling gawi ng kasapi kahit magkakaibigan kayo dahil ang pagkakaibigan ay hindi dahilan sa pagiging pabaya. Sa pamamagitan ng malinaw na komunikasyon, respeto, at pagtutulungan, nagiging produktibo at matagumpay ang anumang grupo—sa paaralan man o sa tunay na buhay.


Ang titulong ito ay galing sa dokumentaryo ni Jessica Soho

“DONOR”. Maraming Pilipinong kapos sa salapi na lumingon sa illegal na donasyon ng bato upang matugunan ang kanilang pangangailangan ay nagdulot ng babala mula sa mga medikal na eksperto. larawang galing NEW INTERNATIONALIST MAGAZINE

SA NUMERO SAMGA MGA NUMERO

P200,000P300,000 ang halaga sa pagbebenta ng bato ulat ng CHANNEL NEWS ASIA

DAPAT MO DAPATALAM ALAM MO

RA 7170

o Organ Donation Act ng 1991 - batas na nagsasaad na ang donasyon sa bato ay legal lamang kapag ito ay mula sa pumanaw na o sa katawan ng isang taong may espisipikong kondisyon ulat ng THE LAWPHIL PROJECT

KIDNEY FOR SALE

06

Diskusyon sa Bingit ng ‘Illegal Kidney Donation’ ni STEPHEN LLORENTE

N

ag-uunahan sa bawat listahan ang dalawang pinakamahalagang hangarin ng isang indibidwal — ang mabuting kalusugan at maayos na kakayahang pinansiyal. Higit na prayoridad ang mga kayamanang ito na nararapat lamang pagtuonan ng pansin upang hindi mapabayaan sa hangin. Subalit kahit anumang pilit na bitbit, dumarating pa rin ang petsa ng pagkagipit, kung saan ultimo sariling lamang-loob ay nadadamay at salapi ang magiging kapalit.

...sa panahon man ng kawalan, hindi sagot ang saktan ang sarili para makamtan ang salaping inaasam

Hitik na pera ang pwedeng kitain ng kada taong nagbebenta ng kanilang lamang-loob, at isa sa pinakatanyag na paraan ay ang tinatawag na ‘Illegal Kidney Donation’. Malimit itong napapakinggan at napapanood sa bawat midya, at ang presyong ipinapaskil ay nagreresulta sa pagka-engganyo ng mga taong butas ang bulsa. Naging sandalan ng ganitong pamumuhay ang sampung mga tagaM’lang, North Cotabato kung saan ay nabistong nagbebenta ng kanilang mga bato, at ang nasabing operasyon at pagbebenta ay napag-alamang ginanap sa isang pribadong ospital. Sandamakmak na pera — rasong natukoy na lumason sa mga mamamayang kumaltas ng mahalagang bahagi sa kanilang pangangatawan. Kilala ang proseso ng maayos na donasyon sa bato kapag ito ay ipinlanta mula sa katawan ng isang tao, buhay pa man o hindi, papunta sa isa nang may maayos na etika at legal na pahintulot sa mga medikal na eksperto alang-alang sa batas na kailangan nilang sundin. Isang pares ng bato o kidney mayroon ang bawat taong may malusog na pangangatawan, at kahit mawalan ito ng isa, mananatili pa rin sa katatagan ang kabuuang ayos nito. Ang sinasabing

KALUSUGAN

kaso ng HFMD ang nalikom ng Cagayan de Oro mula sa 9 na paaralan ulat ni DR. MARK MISO

635%

ang pag-akselera sa kaso ng HFMD na may kabuuang 37, 368 na bilang mula Enero hanggang Agosto umpara sa naitalang 5,081 sa taong 2025 datos galing DEPARTMMENT OF HEALTH

KOMPLIKASYON SA SITWASYON Pinansiyal na pansuporta ang kadalasang hiyaw ng iilang mga kidney donors kung kaya’t nahahantong sila sa ganitong kalagayan. Ayon pa ni Philip Vincent Reyes, isang rehistradong nars ng Cagayan de Oro City, isa itong malaking problema na patuloy kinakaharap ng mga Pilipinong kapos sa barya, lalo pa’t ang iilan ay napipilitan lamang magbenta nito dulot ng labis na karalitaan. Ang mas masaklap pa rito, mas ikakapahamak pa kung ang proseso ay hindi dumaan sa ligtas na paraan at maayos na pagkakaplanta na nagmimitsa ng samu’t saring komplikasyon. Ilan sa mga negatibong epekto lalo na kapag hindi kaagad nabigyan ng wastong pangangalaga pagkatapos ng operasyon ay impeksyon, mga karamdamang may kinalaman sa bato, at hindi mainam na pagtanggap ng organ sa katawan. Maaari ring magkaroon ng transmisyon ng malubhang sakit mula sa

tagabigay kaya’t nararapat na sumailalim muna sa ligtas na pamamaraan. LAGOT ANG BAWAT SANGKOT “Medical professionals help prevent illegal kidney donation by strictly following DOH laws, screening donors carefully, reporting suspicious cases, and refusing transplants that involve payment coercion,” salaysay ni Reyes na nagpapahiwatig ng etikal na pamamaraan. Nakasaad sa Republic Act No. 7170 o Organ Donation Act ng 1991 na pahihintulutan lamang ang donasyon sa bato kung ito ay nanggaling sa katawan ng pumanaw na, o hindi kaya ay mula sa nabubuhay pa nang may espesipikong kaso o kondisyon. Mayroon ring mga polisiyang sinusunod ang Department of Health o DOH at isa rito ay ay DOH Administrative Order No. 124 (2002) na nagsasaad na hindi maaaring magbenta at bumili ng kidney sa hindi etikal na prosedyur. Karapatan ng bawat sambayanan na magkaroon ng pinansyal na pinagkukunan at malusog na pangangatawan, subalit sa panahon man ng kawalan, hindi sagot ang saktan ang sarili para makamtan ang salaping inaasam.

Hawak Kamay Karga ng Kaagapay ni NURIEL GARCIA

larawan galing HEALTHXCHANGE

65

‘katotohanan’ na ito ay nagsilbing panggising sa diwa ng mga nagnanais kumita, kaya’t tumutuntong sa mainit na usapan ang ilegal na kagawiang ikinakayaman ng karamihan ngunit ikinapahamak ng iilan.

COMMUNITY

KATI-KATING. Pinahintulot ang publiko ng labis na pag-iwas at pag-iingat matapos ang patuloy na paglaganap ng Hands, Foot, and Mouth Disease (HFMD) sa Cagayan de Oro City.

SA NUMERO SAMGA MGA NUMERO

AG-TEK

PUNYAL NA MGA PANTAL Paglaganap ng HFMD sa CDO

Mula sa lupain ng Mindanao, hindi lamang pananim ang pinatutubo, kundi pati na rin ang pag-asa sa gitna ng kapansanan. Ang modernong arm prosthetics ay hindi lamang isang alternatibong kagamitan, kundi isang sopistikadong teknolohiya na naglalayong ibalik ang pag-asa at kakayahan ng mga taong may kapansanan. Sa pag-unlad ng biomechatronics, ito ay nagsisilbing tulay upang muling makakilos nang may dignidad ang mga amputee.

ni NURIEL GARCIA

Matulis na armas ang mailalarawan sa isang punyal — maliit subalit marahas. Kasingtimbang lamang nito ang nagkakaisang mga pantal sa katawan na marahang tumutusok sa pangangatawan ng isang indibidwal. Walang pinipiling edad, handang sumalakay kahit tila maliliit na butil sa balat ang bungad. Para lamang isang simpleng lagnat at pantal kung pagmasdan, pero mabilis na kumakalat at marami ang naaapektuhan. Hindi lang basta trangkaso o ubo, kundi isang virus na tinatawag na Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD). Umakselera sa porsiyentong 635% na may kabuuang 37, 368 na bilang mula Enero hanggang Agosto kumpara sa naitalang 5,081 sa parehong panahon, ayon sa Department of Health. Umabot naman sa 65 kaso ng parehong sakit ang nalikom ng Cagayan de Oro mula sa 9 na paaralan, kumpirmado mula kay Dr. Mark Miso na isang Medical Officer sa DepEd Cagayan de Oro Division. Ayon kay Min na isang mag-aaral mula sa Gusa Regional Science High

School - X, malaki ang epekto ng pagkalat ng sakit na ito sa kanilang pag-aaral. “As for it being an obstacle in our learning, I would say nga oo, of course it would put the students health in danger but at the same time maybe the modular would help lessen the kanang pag-spread and sa kakapoy sa students nga need pa mag take ug precautions,” paliwanag niya na nagpapahiwatig ng malaking balakid sa kanilang pag-aaral at kalusugan. Isang mahalagang hakbang ang manatiling maingat upang maiwasan ang paglaganap ng sakit. Walang laban ang talim ng punyal kung ang pag-iwas ay parating nakagabay. Ang pagtuon ng pansin ay susi kontra sa namamaga at namumulang suliranin.

TULONG ABOT-KAMAY. May pag-asang natanim sa mga puso ng 38 indibidwal matapos bigyan ng libreng arm prosthetics mula sa LN4 Foundation at sa tulong ng PCUP Mindanao. larawan galing THE MANILA TIMES

Nakadepende sa body-powered tension cables o myoelectric sensors ang simpleng galaw ng balikat o kalamnan tungo sa pagbuka at pagtikom ng mga artipisyal na daliri. Isang halimbawa nito ang mga mechanical prosthetic hands mula sa LN4 Foundation na ipinamahagi noong Agosto 28, 2025, sa Camp Evangelista, Cagayan de Oro. Kabuuang 34 na indibidwal mula sa urban poor sector ang nakatanggap ng libreng “bagong kamay.” Sa tulong ng inisyatibo ibinigay ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) – Mindanao katuwang ang GMA Kapuso Foundation at 4th Infantry Division ng Philippine Army ang mga makabagong prostetik na ito ay idinisenyo upang maging magaan ngunit

matibay — sapat upang makahawak ng mga kagamitan sa araw-araw na gawain nang hindi nangangailangan ng mamahaling operasyon. Hindi lamang basta proyekto, kundi kabilang rin sa adbokasiya ng LN4 Foundation para punan ang kakapusan sa bahagi ng pangangatawan ng isang tao na maaaring dulot ng malubhang sakit, aksidente, at iba pa. Tunay na tagumpay ang misyong ito sa CDO sapagkat ang inobasyon sa medisina ay nagiging totoo lamang na makabuluhan kapag ito ay naaabot sa mga nangangailangan. Angbawat prostetik na naikakabit ay hindi lang pagbabalik ng pisikal na kamay, kundi pagbubukas ng pinto sa kinabukasan ng mga benepisyaryo.


#INAMO #WAPAKELS

CDO DIVISION MEET

ML Boys, Girls umangat sa ikatlong pwesto sa COAA Meet

07

KINIPIL

“LEGENDARY”. Malinis nasungkit ng Mobile Legends RS Team ang ikatlong gantimpala sa COAA meet gamit ang taktikal at koordinasyon ng pangkat.

Umuwing luhaan ang RS Judo Athletes sa RS Judo Athletes, Batang Pinoy 2025 matapos sawing maiuwi ang pagkuha ng medalya sa kompetisyon na nalusaw ang ginanap sa Lagao Central Elementary School, pangarap sa Nabigo sina Bitara, Mabilis ang pag tanggal at Calapiz sa sa braketa nila Bitara at Batang Pinoy 2025 Genson, pagkamit ng panalo na Calapiz dahilan sa kanilang

kuha ni GABRIELLE LADICA

ni CHRISTOFF DELA TORRE

nag-uwi sa kanila ng walang panalo sa buong laro.

pagkatalo sa unang laban nila sa prelims.

#KULANGNAKULANG

Laban kahit Kulang ni SABINA BARBOSA

SA PAGITAN NG ARAL AT LANGUYAN. Sa kabila ng pagod at stress ng pagiging student-athlete, determinasyon, dedikasyon, at disiplina ang nagtulak kay Mike Warren Cabunias na mag-eensayo, na siyang nagbigay daan tungo sa kanyang tagumpay.

kuha ni GABRIELLE LADICA

ni YSHMAEL MICLAT

Rumatsada ang GRSHS-X Mobile Legends Team nang makuha ng ML Boys ang malinis na sweep kontra sa West 2, 2-1, habang nasungkit ng ML Girls ang ikatlong gantimpala sa ginanap na laro noong Nobyembre 13. Bagama’t mabigat ang pasimula para sa mga lalaki matapos sunodsunod ang tagumpay ng West, umangat sa pagkatalo ang East sa game 3, 16-8. “Sa game 3 namin, I decided to use my best hero Lylia kase alam ko na mahihirapan sila kapag gingamit ko ang Lylia, and that we should not be scared to compete with the objectives. We also banned the Core’s heroes because I noticed that without them(heroes) her(core) team struggles with team fights,” ayon kay Ethan Malferrari, manlalaro. Tuluyan nang bumida ang mga manlalaro hanggang sinirado nila ang laro sa pamamagitan ng taktikal na laro, 12-4. Samantala, hindi naman nagpahuli ang ML Womens matapos magpakita ng matatag na laro ang mga babae sa unang laro, subalit natalo sila sa iskor na 2–0, dahilan ng kanilang ikatlong pwesto sa overall standing. “We couldn’t win a game but overall as our first time, it was a great experience to have and we would like to go back here next year, stronger and as a better team,” salita ng Midlaner, Angel Martirez.

ISPORTS

INTERNATIONAL

KAGILAS-GILAS NA

CABUNIAS RS Swimmer, umariba sa Int’l scene

ni YSHMAEL MICLAT

Hangarin ng ibang mga estudyanteng atleta ang magkaroon ng determinasyon at talento kagaya ng Regionalista na manlalangoy, Mike Warren Cabunias. Kahit sa nakaka “stress” na mga gawain bilang GRSHS-X na mag-aaral, patuloy na nababalanse ng RS Swimmer ang kanyang pag eensayo at pag aaral. Kitang-kita naman ang kanyang sipag na ibinubuhos sa pag ensayo nang nakapag uwi na ng maraming medalya, kabilang na rito ang kanyang dalawang ginto sa 100M Freestyle at 4x50M relay sa naganap 2024 Congress of Philippine Aquatics. Kasama na rin dito ang dalawa pang ginto sa 100M Freestyle at 50M Breaststroke sa Sandugo Swim Fest na ginanap sa Bohol. Ngayon humataw nanaman si Mike matapos pumukol ng tansong medalya sa 100m Backstroke (16–17) and the 4x200 Mixed Medley Relay sa Singapore Island Country club Competition. Hindi ito magaang nakamit ni Mike dahil maraming taon at oras ang kanyang inilaan para

lang mapagpatuloy ang kanyang kinahihiligan. “Nag-start kog swimming way back 2018, 8 years old pa ko ato, and then nag-stop ko from 2020 to 2023. Actually ang main reason dili gyud competitive akong goal sa swimming murag for survival lang sya but as the time passed by nakita sakong coach and parents nga naa daw koi potential and nag go nalang pud ko kay makita man pud nako akong improvements.” Sa kabila ng mga pinaghirapan ni Warren, kinapos ang manlalangoy na makapasok sa Regional Athletic Meet nang magtapos lamang sa pangatlong pwesto sa 400M Medley Relay sa naganap na Division Meet noong Pebrero 15.

Akong goal sa swimming murag for survival lang sya...nakita sakong coach and parents nga naa daw koi potential and nag go nalang pud ko kay makita man pud nako akong improvements MIKE WARREN CABUNIA RS SWIMMER

COAA MEET

KORONA NI CARDONA

Kenken ‘Burger Machine’, pumukol ng pilak sa COAA Meet ni EUREKA OCLAMAN

MABAGSIK NA PAGBABALIK. Matagumpay nakuha ng Ravens Footballers ang ikaapat na pwesto sa COAA meet matapos ang anim na taon. Isang malaking pag-unlad na magtutulak sa koponan na higit pang magsikap sa kanilang pagsasanay.

kuha ni DAVE DAGCUTA

Pinangunahan ni Ken Cardona ang RS Cue Artists nang masungkit niya ang silver medal sa 8-ball billiards sa Division Meet noong Nobyembre 13, 2025, sa Sports Zone. Rumatsada si Cardona ng maaga sa laban kontra kay Flores ng West 1, ngunit umabot pa ng matagal ang labanan hanggang sa tense na 5-4 panalo. Pinakita niya sa laro ang husay sa krusyal breaks at long shots, na nakatulong sa kanyang ipagtanggol ang lead sa best-ofnine racks. Winalis naman ni Cardona ang sumunod na laro nang walang humpay, 7-0, na nagpakita ng kanyang dominanteng play-style. Walang pagkakataon ang kalaban dahil sa matalinong position play at eksaktong clears, na nagbigay-daan sa perpektong shutout. Nakasungkit si Cardona ng pilak sa finals matapos magpakita ng matatag at composed na laro, maagang kumamada sa best-of-13 racks at kontrolin ang tempo sa pamamagitan ng mga safe at smart shots, bago nakadikit ang kalaban sa dulo ng tensiyosong bakbakan. “In the early racks, I played calmly and focused on making safe and smart shots… I stayed focused by taking the game one rack at a time, not letting the pressure affect me, and trusting my practice until the end,” wika ni Cardona.

I stayed focused by taking the game one rack at a time, not letting the pressure affect me, and trusting my practice until the end. KEN CARDONA RS CUE ARTISTS

Sa bawat sulok ng paaralan, naglalagablab ang diwa ng ating mga atleta—pinapatakbo ng pangarap, pagsusumikap, at paghahangad ng kahusayan. Hindi lamang sila naglalaro; sila ay sagisag ng pag-asa at pagtitiyaga. Gayunpaman, hindi nila makakamit ang tagumpay nang mag-isa. Tungkulin ng paaralan bilang komunidad na umalalay at magbigay ng sapat na suporta, lalo na sa kakulangan ng tulong at limitadong oras para sa kanilang pagsasanay. Subalit sa naging matagumpay na Division Athletic Meet ng mga Regionalista, ibinahagi ng karamihan na mga atleta na hindi sapat ang allowance na ibinigay sa kanila, kaya’t napilitan silang magtipid dahil sa kakulangan nito. Kasabay nito, kinaharap din nila ang limitadong oras ng pagsasanay. “Simple ra kaau ug tubag, no financial support ang school during Division Meet, reason is: PTA Sports Allocation is small which is Php30/student and not all students of RS contributed for the said fund. And nahurot na cya sa Intramurals and District Meet budget,“ pahayag ng Taekwondo coach, Gng. Ellen Bañares. Dagdag pa niya na nag-abuloy siya ng P7,200 para sa lahat ng mga atleta, kaya nakatanggap ang bawat manlalaro mula sa iba’t ibang sports ng tig-₱P100 noong division meet, dahil maliit ang pondo ng PTA nakalulungkot at para sa sports nakababahala na at nagamit na ito sa badyet ng ang kakayahan intramurals at district meet, ng mga atleta kaya wala ay kadalasan nang natirang pondo. napapabayaan “To be honest, throughout my journey as a studentathlete, we never had access to proper facilities. There was a lack of equipment, no allotted training time, no budget, and very little support from the school. Because of these limitations, many student-athletes, including myself, struggled to sustain our passion for the sport. Despite the dedication and effort we were willing to give, the absence of support made it extremely challenging to grow, improve, and stay motivated,” salita ng Sports Club President, Rushlee Baltazar. Madalas nakakaligtaan ng iba na kahit kilala ang GRSHS sa kanilang akademikong tagumpay, hindi humihina ang determinasyon ng mga estudyanteng atleta. Sa paaralang mas pinapahalagahan ang marka kaysa talento sa isports, nakalulungkot at nakababahala na ang kakayahan ng mga atleta ay kadalasan napapabayaan. Para sa kinabukasan ng mga mag-aaral, mahalagang mabigyan ng pantay na pansin ang kanilang husay sa laro, kasabay ng kanilang pag-unlad sa akademiko.

PALO NG KAMPEONATO. Muling nagpakitang gilas si Ken Cardona matapos magwagi ng pilak sa Division Meet sa Sport Zone, ng ipinamalas nya ang kanyang talino at agresibong paraan ng paglalaro.

kuha ni KRISTINE SUAREZ


PANALONG MAY GILAS. Sa kanyang sipag at dedikasyon, muling maglalaro para sa Palarong Pambansa si Maxine Vocales matapos masungkit ang gintong medalya sa Batang Pinoy 2025 sa kategoryang Aero Gymnastics.

Ang Sinagtala

kuha ni LANCE DABAD

TOMO XXXIII • BILANG I • NOBYEMBRE-DISYEMBRE 2025 OPISYAL NA PUBLIKASYONG MAG-AARAL NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X • DIBISYON NG CAGAYAN DE ORO • REHIYON X

...as I plan to do my very best and train hard to be able to compete again in Palaro. but pasok or not, i’ll still be grateful for the experience that i’ll have going to regionals. MAXINE VOCALES GRSHS-X GYMNAST

GRSHS-X ATHLETES

I-SCAN ANG QR CODE

ISPORTS

MAX

TO THE ISPORTS LATHALAIN

4-time NMRAA Qualifier, muling sasabak para sa tiketa pa Nat’l

Para makita ang mga mga batang atleta ng GRSHS-X na patuloy nagbibigay dangal sa paaralan.

ni YSHMAEL MICLAT

S

MAXINE’S HERSTORY

2026

Bukidnon

2025

Misamis Occicdental

2024 Camiguin

4-time Northern Mindanao Regional Atlethic Association (NMRAA) Qualifier

a kabila ng apat na taong paghahabol ng Regionalistang Gymnast sa kanyang pangarap na makaabot sa Palarong Pambansa, hindi nawalan ng pag-asa si Maxine Vocales na makuha ang inaasam sa kanyang huling taon bilang isang junior sa high school.

Kamakailan lang na nakamit ni Vocales ang gintong medalya sa Batang Pinoy 2025 para sa Trio ng Aero Gymnastics at naging malaking tulong ito para sa kanyang paparating na COAA Meet. “I was proud of my teammate, my coaches, and to myself, for working our very best for a clean and quality routine”, salita ni Vocales. Hindi madali ang pinagdaanan ni Maxine sa kanyang paghahanda para sa Batang Pinoy ngunit hindi niya rin ito pinagsisihan dahil sa tulong na ibinigay nito sa kanyang paparating na mga kompetisyon. “The preparations for my first ever batang pinoy was exhausting and expensive, but very worth it. It took me 3 months, training harder everyday to keep up with my teammates, a lot of money spent, but achieving gold in my first batang pinoy, it was worth it”. Matapos makauwi si Vocales galing General Santos City, agad na pinaghandaan niya ang City Level Meet upang makuha ang kanyang pang-apat na kwalipikasyon para sa Regional Level Meet.

2023

“Preparations for the division meet were actually pretty good, because I got to use the techniques and tricks I learned from Batang Pinoy. For my academics, it was stressful but okay. With time management, I successfully handled all the papers with the help of my teacher-coach”. Pinukol ni Maxine ang pangalawang pwesto sa Girls’ Individual Aero Gymnastics kasama ang Central District na manlalaro na umangkin sa gintong medalya. Sa hirap na mga pinagdaanan ni Vocales sa apat na taon, nananalig pa rin siya na maabot ang National Stage upang matugunan ang matagal na pinapangarap niya noong nasa elementarya pa lamang siya. “This is my sixth try for the nationals ticket ever since my first appearance sa NMRAA noong elementary pa ako and I’m confident to reach palarong pambansa this year, as I plan to do my very best and train hard to be able to compete again in Palaro. but pasok or not, i’ll still be grateful for the experience that i’ll have going to regionals”

Lanao del Norte

COAA MEET

NSPC 2025 Vigan City, Ilocos Sur

4th | Sports Section

ONLINE NA! I-follow at like ang Facebook page ng Ang Sinagtala para manatiling updated.

MINANDUHAN NI DALAGAN Dalagan, nagreyna muli sa COAA, sungkit ang dalawang ginto

galing sa YOUTUBE CRIME NET ni YSHMAEL MICLAT

Galing sa isang matagumpay na Batang Pinoy, umarangkada ang RS 10th grader, Lara Dalagan sa kanyang pangatlong COAA Meet matapos kumana ng dalawang gintong medalya at isang tanso upang maselyuhan ang kanyang pangalawang Northern Mindanao Regional Athletic Association Meet. Matapos kinapos si Dalagan sa lumipas na COAA Meet noong Pebrero dahil siya’y nagtapos lamang sa pangalawang pwesto, mas pinabuti ni Dalagan laro nang matagumpay siyang mapili upang kumatawan sa Cagayan de Oro City sa Batang Pinoy 2025 na ginanap sa General Santos City. Nakipagsapalaran si Dalagan sa U16 Girls kung saan nakuha niya ang pang-anim na pwesto sa Blitz Chess, at pang pitong pwesto sa Team Chess Rapid . Pumuwesto naman siya ng 11th sa Rapid Chess, 9th sa ASEAN Rapid, 13th sa ASEAN Blitz at 15th sa

Standard Chess. “I trained day and night to show them what I could do. Not only does the Batang Pinoy help me in my training for the Div Meet, but it also sharpens my mind day by day”, pahayag ni Dalagan. Kasama ang kanyang kaalaman na napulot sa mga talento ng iba’tibang siyudad sa bansa, madaling napasakamay ni Dalagan ang kanyang pangalawang NMRAA Meet na tiketa nang mangibabaw sa Blitz Chess at Rapid Chess. “For this upcoming NMRAA, it’s currently hard to train myself because of my academics, especially

research. Though it is hard, I strive to train to be the best version of myself. When it comes to my training arc, I jog almost every day to condition my body and mind. After that, I complete my daily 30 puzzles, work on my opening repertoire, practice endgame strategy, and then read an inspirational book to calm my mind and think more wisely”. Patuloy na naghahanda si Dalagan sa paparating na Palarong Pampook na gaganapin sa Bukidnon kung saan tatangkain niyang angkinin ang korona upang makuha ang kanyang inaasam na tiketa patungo sa Palarong Pambansa.

CHECKMATE. Madiskarteng sinugkit ni Lara Dalangan ang kanyang pwesto sa Palarong Pampook sa Bukidnon matapos maipanalo ang dalawang ginto at isang tanso sa Northern Mindanao Regional Athletic Association Meet. kuha ni DAVE DAGCUTA


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Ang Sinagtala 2025-2026 | Tomo XXXIII, Bilang I by Ang Sinagtala GRSHS-X - Issuu