ang
sinagtala
KAMPUS EKSPRES Ang Bakas ng Karanasan, ang Tanda ng Kaalaman Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Gusa Regional Science High School - X Tomo XXXI | Bilang I NOBYEMBRE, 2023 - MARSO, 2024
‘‘ BALISA SA Huwag matakot na magsumbong dahil kayo ay nasa tamang panig.
Maria Louella Ruz de Garcia-Raut Assistant Principal
Papanatilihin ang 30 hanggang 35 na ratio ng estudyante bawat silidaralan’ - Rodriguez Anim na klasrum, itatayo tugon sa kakulangan ng pasilidad
DAGDAG KWARTO SA PAARALAN. Sa pangunguna ni Congressman Rufus B. Rodriguez, naglunsad ng groundbreaking ceremony upang tugunan ang kakulangan sa pasilidad para sa dumaraming mag-aaral.
PAGNANASA
KUHA NI AVRIL CARVERO
ni CLAIRE CAYABYAB
Pagdami ng biktima ng panliligalig,
Regionalista, tumindig laban sa lumalalang kaso ng pambabastos, nanawagan ng agarang aksyon
MGA NILALAMAN
TransportAKSYON BALITA | PAHINA 02
Isinagawa ang Groundbreaking Ceremony para sa dalawang palapag na gusali, bilang solusyon sa kakulangan ng silid-aralan ng Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) noong ika-10 ng Oktubre 2023. Pinangunahan ni Congressman Rufus B. Rodriguez, mambabatas ng ikalawang distrito ng lungsod ng Cagayan de Oro ang proyekto, naglaan ng halagang 18.5 milyon para sa bagong gusali na magkakaroon ng anim na modernong silid-aralan naglalayong mapabuti ang pasilidad ng paaralan para sa mga magaaral. Araw ng seremonya, ipinarating nina Rodriguez at Elizer O. Teruel, punongguro ng paaralan, ang kanilang positibong pananaw sa proyekto, na nagsisilbing solusyon sa mga suliranin tulad ng masikip na silid-aralan dahil sa lumalaking populasyon at kakulangan sa pasilidad, na nauuwi sa 45 na mag- aaral bawat silid. “Mahalaga ang pagpapanatili ng tamang ratio ng guro at estudyante na 30 hanggang 35 bawat silid- aralan. Ang bagong gusali ay inaasahang magbibigay ng mas magandang kapaligiran para sa pag-aaral,” dagdag ni Rodriguez. Inaasahan na matatapos ang konstruksyon ng gusali pagtapos ng anim na buwan, at kasunod nito ang iba pang plano para sa mas maraming silid-aralan na magdadala ng positibong pag-unlad sa mga mag- aaral. Kasama sa seremonya ang DepEd-10 Engr. Rosalio Vitorillo, mga opisyal ng DPWH, at mga lider ng Barangay Gusa, na nagpapakita ng pagsusumikap para sa paaralan. Naglakbay tungo sa mahalagang hakbang sa pagtugon sa mga hamon ng paaralan, sa suporta ng pamahalaan at dedikasyon ng administrasyon, umaasang magbubunga ito ng mas mabuting edukasyon para sa paaralan.
SA MGA NUMERO
P18.5M
Nakakubling Takot OPINYON | PAHINA 05
na pondo ang inilaan para sa bagong gusali
PaTINDERO LATHALAIN | PAHINA 09
Pinagmulan: Cong. Rufus Rodriguez
Pasensiya Siyensiya AGTEK | PAHINA 13
DIBUHO ni RENE TADENA
BALITANG KINIPIL
Regionalistas, humakot ng medalya sa IKMC 2024
nI ELOUISE CAÑEDO at RYAN TABAMO
ONLINE NA!
ang
sinagtala I-scan lamang ang QR Code upang ma-access ang page.
N
anindigan ang mga mag-aaral ng Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) dahil sa mabagal na solusyon sa sunod-sunod na lumalalang kaso ng pambabastos sa mga mag-aaral na nagsanhi ng pagkabalisa at kawalan ng seguridad sa mga mag-aaral.
Bagaman ay naniniwala silang ‘environment-friendly’ ang nasabing paaralan, hindi mawala sa kanilang isip ang takot at pangamba na kanilang dinadala sa tuwing lumalabas sa kanilang silid-aralan. Mula sa eksklusibong panayam ng isang biktima ng pambabastos na itinago sa pangalang Gia, “Bigay na hindi lang ako ang unang biktima na nagsumbong at ilang taon na ring nagpapatuloy ang isyu, ilang mag-aaral pa ba ang kailangang makaranas ng ‘harassment’ upang mabigyan ito nang mabilisang solusyon?” Banggit pa niya, marami rin ang naging biktima nito, kasama na ang kaniyang mga
kaklase noong may kaganapan sa kanilang klasrum, at ginawa pa umanong dahilan ang kasuotan nito upang bigyang-katwiran ang kanilang ginawa. PAMBABASTOS NG ISANG KONTRUKSYON WORKER Setyembre ng taong 2023 nang mangyari ang isang insidente na kung saan si Gia ay nabastos ng isang trabahador ng nasabing paaralan sa pamamagitan ng paninitsit at pagkuha ng sensitibong litrato nang walang pahintulot. “Abala po kami sa pagsagot ng aming pasulit nang bigla po akong nakarinig ng
sitsit. Hindi ko po napansin na nakaangat nang bahagya ang palda ko, sa paglingon ko, nahuli kong nakatutok ang cellphone nila sa akin, at nung napansin nila ako, agad nilang itinago ang cellphone, doon na po ako natakot,” kwento niya. Aniya pa, agad niyang sinumbong sa kaniyang guro ang pangyayari at humingi raw lamang ng kapatawaran ang mga trabahador, na siyang pruweba na kinunan nga ng litrato ang biktima.
/ipagpatuloy sa P4
ni ELOUISE CAÑEDO Patuloy na namayagpag ang Gusa Regional High School-X (GRSHS-X) matapos maipanatili ang sunod-sunod na paghakot ng pilak at tansong medalya sa isinagawang International Kangaroo Mathematics Competition (IKMC) noong Marso 23-27, 2024. Nakamit ng Grade 9 student na si Clark Naces ang pilak na medalya, samantalang tansong medalya naman ang natanggap nina Ethan Dabad at Ivan Garcia, mga Grade 11 at 12 students, ayon sa pagkakasunod. Ang IKMC ay isang internasyonal na kompetisyon sa matematika sa mahigit 77 bansa na anim na antas ng pakikilahok, mula grade 1 hanggang grade 12, at isinasagawa tuwing ika-tatlong huwebes ng Marso.