ISULAN NATIONAL HIGH SCHOOL SCHOOL PAPER FILIPINO 2024-2025
Sultan Kudarat State University inilunsad ang Doctor Of Medicine Program, Scholarship ipinagkaloob
Ateliano M. Obejo
Binuksan ng Sultan Kudarat State University (SKSU) ang kanilang kauna-unahang Doctor of Medicine Program sa buong probinsya ng Sultan Kudarat noong Oktubre 28, 2024. Ang pagbubukas ng kursong Doctor of Medicine sa Sultan Kudarat State University ay naaprubahan sa pamamagitan ng Commission on Higher Education(CHED) sa pamamagitan ng Commission en Banc Resolution 633-2024.Ito ay kasunod ng pagpasa ng House Bill 6771,”An Act Establishing a College of Medicine in the Sultan Kudarat State University ( SKSU) in the City of Tacurong,”na iniakda ni Hon. Bai Rihan Sakaluran,Kinatawan ng Unang Distrito ng Sultan Kudarat,at inisponsor ni Cong.JC Abalos ng 4P’s Partylist.Ang pagtatag ng Kolehiyo ng Medisina ay isang mahalagang hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon sa medisina sa rehiyon at sa buong bansa.
Inilunsad ang Doctor of Medicine Program at kasama nito ay isang iskolarship program para sa mga magaaral. Ayon sa ulat, ang Provincial Government of Sultan Kudarat ay nagbigay ng suporta sa programang ito at nag-alok ng libreng edukasyon sa 27 na unang kwalipikadong mag-aaral, kasama ang isang buwang pinansyal na tulong na Php10,000 para sa bawat estudyante.
Ang pagbubukas ng kursong Doctor of Medicine sa Sultan Kudarat State University ay naaprubahan sa pamamagitan ng Komisyon sa lalong Mataas na Edukasyon (CHED) sa pamamagitan ng Commission en Banc Resolution 633-2024.Ito ay kasunod ng pagpasa ng House Bill 6771,”An Act Establishing a College of Medicine in the Sultan Kudarat State University ( SKSU) in the City of Tacurong,” na iniakda ni Hon. Bai Rihan Sakaluran,Kinatawan ng Unang Distrito ng Sultan Kudarat,at inisponsor ni Cong.JC Abalos ng 4Ps Partylist.
Ito ay malaking hakbang para sa unibersidad at rehiyon, dahil ito ay magpapalawak ng access sa edukasyon sa medisina at sa mga serbisyo sa kalusugan kalusugan sa Sultan Kudarat at sa mga kalapit na lalawigan.
Ang programang ito ay inaasahang magiging isang malaking tulong sa mga magaaral na gustong magpatuloy sa kanilang pag-aaral sa medisina at sa mga komunidad na nangangailangan ng mga mausay na healthcare professionals.
MGA TALA NG TEENAGE PREGNANCY
5,476
Bilang ng mga ipinanganak sa Sultan Kudarat sa taong 2023.
17.44%
Ang kabuoang ipinanganak sa buong SOCCSKSARGEN Region na galing sa Sultan Kudarat
Layunin ng pagbubukas ng Doctor of Medicine Program sa SKSU- ay ang pagpapalawak ng access sa edukasyon sa medisina sa rehiyon, pagtataguyod ng kalusugan sa rehiyon sa pamamagitan ng paghahanda ng mga mahusay na healthcare professionals na makapagbigay ng mga serbisyo sa kalusugan sa mga komunidad, pagpapalabas ng ekonomiya sa rehiyon, pagpapalawak ng mga pagkakataon sa pag-aaral at pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa medisina.
NANGUNGUNANG BALITA
INHS suportado ang pagbabawal ng pamahalaan sa POGO operations BALITA I PAHINA 3
Iisa pa ba sa pagkakaisa?
EDITORYAL I PAHINA 3
PAGTUTUWID NG MALI
DepEd ipinagtanggol ang Sex Education Framework; INHS, buo ang suporta sa kabila ng mga pagtutol ng Pamilya at Religious Group
Puspusan ang pagtatanggol ng Department of Education (DepEd) sa Sex Education Framework o ang Senate Bill 1979 na ipinasa ni Sen. Risa Hontiveros kahit na may mga pagtutol mula sa ilang pamilya at mga religious group.
Ang Senate Bill 1979, na kilala rin bilang Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2023, ay naglalayong magbigay pambansang patakaran upang matugunan ang pagbubuntis ng Kabataan sa Pilipinas. Ang panukalang batas na ito ay inihain noong Marso 7,2023 nina Senador Risa Hontiveros at Imee Marcos at naglalayong pigilan ang pagbubuntis ng Kabataan sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang ,kabilang ang mga kampanya sa edukasyon at kamalayan.Ang panukalang batas ay isinangguni sa isang komite at kasalukuyang sumasailalim sa proseso ng pambatasan.Ang layunin nito ay magbigay ng isang komprehensibong diskarte sa pagtugon sa isyu ng
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA),may 1.7 milyon na mga batang babae na nagiging jna bago ang edad ng 18.Ito ay isang malaking problema sa bansa , at kinakailangan ng solusyon upang maiwasan ito.
Dagdag pa,sinabi ni Senador Win Gatchalian,Chairman ng Senate Committee on Basic Education kinakailangang masuri kung epektibo ba ang polisiya ng mga paaralan sa pagpapatupad ng Comprehensive Sex Education.
Ang Comprehensive Sex education ay isang program na nagtuturo sa mga bata tungkol sa pag-iwas sa mga nakukuha sa pakikipagtalik,pagbubuntis,at iba pang mga isyu na may kaugnayan sa seksuwalidad. Sa kabilang banda,ihihayag naman ni
Dr.Juan Perez,isang eksperto sa seksuwalidad na kinakailangang masiguro na ang mga bata ay may kaalaman at kakayahan upang makapagdesisyon ng tama tungkol sa kanilang sariling katawan at relasyon.
Sa kabila ng mga kontrobersiya at protesta mula sa ilang sektor ng lipunan, kabilang na ang ilang mga magulang at religious group, ang Isulan National High School ay isa sa mga buong sumusuporta sa framework na ito. Ayon kay Gng. Lorely Anne F. Valencia, punongguro ng INHS, mahalaga ang pagtutok sa wastong edukasyon ukol sa sex upang matulungan ang kabataan na maging responsableng mamamayang may sapat na kaalaman.
“Layunin ng Sex Education na magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga mag- tungkol sa pisikal na aspekto ng katawan pati na rin ang epekto nito sa emosyonal at sosyal na aspekto ng ating buhay” ani Valencia. “Sa pamamagitan ng tamang impormasyon, mas magiging handa ang kabataan na harapin ang mga hamon ng makabagong lipunan, at magagabayan sila sa paggawa ng wastong desisyon.”
Samantala, ipinagpatuloy ng DepEd ang kanilang paliwanag na ang pagdagdag ng sex education sa kurikulum ay bahagi ng kanilang layunin na tiyakin ang kalusugan at kapakanan ng kabataan upang maiwasan ang mga hindi inaasahang isyu tulad ng teenage pregnancy at sexually transmitted infections (STIs).
Ayon sa ulat ng Commission on Population
and Development (CPD), tumaas ng 6.6 bahagdan ang bilang ng mga adolescent mothers sa bansa noong 2023 kumpara sa nakaraang taon. Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 142,276 ang bilang ng mga batang ina noong 2023, kabilang na ang 3,343 na may edad 15 pababa. Ito ay mas mataas kaysa sa 2022, kung saan umabot sa 150,138 ang kabuoang bilang ng adolescent mothers, at 3,135 dito ang nasa edad 15 at mas bata pa. Ayon kay Rev. Fr. Salvador Bucario, DCC, parish priest ng San Carlos Borromeo, ang pagtuturo ng sex education ay labag sa mga tradisyonal na paniniwala at mga turo ng simbahan. Aniya, “Ang mga magulang pa rin ang may pinakamalaking papel sa pagtuturo ng mga tamang values sa kanilang mga anak.”
Gayunpaman, binigyang-diin ng DepEd na ang programang ito ay binuo nang may pangangalaga sa mga karapatan ng mga mag-aaral at sensitibo sa mga kultura at pananampalataya ng komunidad.
Patuloy ang diskurso at pag-uusap ukol sa nasabing isyu, ngunit sa ngayon, nananatiling matatag ang INHS sa kanilang suporta sa bagong framework ng DepEd, at umaasa na magkakaroon ng mas malalim na pangunawa mula sa lahat ng sektor sa lalong madaling panahon.
Sa huli,ang mga magulang at mga guro ay iniimbitahan na makibahagi sa pagtuturo ng comprehensive sex education sa mga bata.
Myth Shine S. Laguda
INHS Red Cross Youth nakibahagi sa Blood Donation Drive
Muling ipinakita ng mga mag-aaral ng Isulan National High School Senior High School ang kanilang malasakit sa komunidad sa pamamagitan ng pakikiisa sa “Blood Donation Drive on Wheels” na pinangunahan ng Red Cross Youth Council ng paaralan upang makatulong sa pagresolba ng tumitinding pangangailangan ng dugo sa Sultan Kudarat.
Ang nasabing aktibidad na isinagawa noong Enero 22, 2025, ay naglalayong tugunan ang kakulangan ng suplay ng dugo sa Philippine Red Cross-Sultan Kudarat Chapter. Ang mobile drive na ito ay nagbigay ng pagkakataon sa mga magaaral, edad 16 pataas, na maging bahagi ng isang makabuluhang inisyatibo sa simpleng paraan na hatid-sundo mula sa paaralan patungong Red Cross chapter office.
Ayon kay Ginang Airah Salome E. Pontalba, isa sa mga tagapanguna ng proyekto, mahalaga ang blood-letting activity dahil ang dugo ay hindi mapapalitan o magagawa tulad ng gamot. Tumutulong ito na matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente, mapanatili ang
suplay sa blood bank, at magligtas ng buhay sa kritikal na sitwasyon. Isa rin itong simpleng paraan ng pagtulong at pakikiisa sa kapwa nang walang gastos. Mahalaga ang aktibidad na ito dahil sa kasalukuyang kakulangan ng suplay ng dugo. Sa pamamagitan ng mga mobile blood donation units, nakakolekta ng dugo mvula sa mga
Late-Night Activities sanhi ng pagliban sa klase, Brgy.nagpatupad ng mahigpit na curfew
Kirzhy Jane T. Sumagaysay
Kasunod ng patuloy na isyu ng mga mag-aaral na laging nahuhuli o late sa pagpasok sa paaralan, nagpatupad ang Barangay Kalawag II ng mahigpit na curfew upang matugunan ang epekto ng mga late-night activities.
Ayon sa tala ng Disciplinarian’s office, ang mga mag-aaral ay madalas na huli sa klase dahil sa mga aktibidad na nagaganap tuwing gabi, kabilang na ang mga kasiyahan, pagtitipon, pag-iinom at iba pang social events.
Dahil dito, nagbigay ng direktiba ang Barangay upang mapigilan ang paglabag sa oras at masiguro ang disiplina at kaligtasan ng mag-aaral. Ayon kay Rene F. Aristoza, Kapitan ng barangay, “Ang layunin ng curfew ay bawasan ang pagliliban ng mga mag-aaral sa paaralan at mapanatili ang kanilang seguridad at mabigyan ng sapat na oras para magpahinga at maghanda para sa klase.
Ang curfew na ipinatupad ay nagsisimula mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga, at ipinatutupad ito sa lahat ng kabataan mula sa edad 18 pababa. Ang sinumang mahuhuling lumalabag ay papatawan ng kaukulang parusa o babalaan ng barangay upang maiwasan ang pag-uulit.
Samantala, nagbigay ng saloobin ang mag-aaral ng Isulan
tao, na tumutulong upang matugunan ang pangangailangan ng dugo. at matulungan ang mga pasyente na nangangailangan ng agarang donasyon ng dugo” dagdag ni Mary Joy M. Yalong, grade 11 representative ng nasabing organisasyon. Sultan
National High School ukol sa ipinatupad na curfew. Ayon kay Leonell Tomagan, isang senior high school student, “Minsan, may mga assignments kami na ginagawa sa gabi so maghahabol talaga kami ng oras.
Sa kabila ng mga reaksyon mula sa mga mag-aaral, pinayuhan ng mga guro at mga magulang ang kabataan na maglaan ng tiyak na oras para sa kanilang mga aralin. “Mahalaga pa rin ang disiplina, at ang curfew ay isang hakbang upang matulungan ang mga estudyante na bigyang-diin ang kanilang edukasyon,” ayon kay Ivy B. Capuso, isang guro ng Isulan National High School. May mga magulang din na sumusuporta sa hakbang ng barangay, naniniwala silang makatutulong ito upang mapanatili ang disiplina at maiwasan ang mga posibleng panganib na dulot ng mga gabi-gabing gawain. Ayon kay Gng. Jefelyn Villa, isang magulang ng Barangay Kalawag II, “Bilang magulang, gusto naming maprotektahan ang aming mga anak mula sa mga negatibong epekto ng gabi-gabing paglabas.
Kabilang sa mga inaasahang pagbuti sa employment rate sa Sultan Kudarat ay ang pagtatayo ng mga bagong industriya at Negosyo,gaya ng agricultural enterprises at retail at service establishment, na makatutulong sa paglikha ng mga bagong trabaho at pagpapabuti ng ekonomiya ng rehiyon.
Patuloy na umangat ang employment rate ng Sultan Kudarat, na nakapagtala ng 96.8% ayon sa pinakahuling datos mula sa Philippine Statistics Authority. Ito ay patunay ng hakbang ng lokal na pamahalaan ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang sa pagpapalago ng ekonomiya at pagbibigay ng trabaho sa mga nasasakupan nito.
Ayon kay Governor Datu Pax Ali Mangudadatu, ang mataas na employment rate ay bunga ng iba’t ibang programa ng probinsya na naglalayong magbigay ng pagkakataon sa mga mamamayan. Isa na rito ang TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced
INHS nakiisa sa pagdiriwang ng Mental Health Awareness Month
Divine Grace Lauresta
Kung mas maaga silang makauuwi, magkakaroon sila ng mas maraming oras para magpahinga at mag-aral.
Gayunpaman, binigyan pansin ng barangay ang pangangailangan ng bawat kabataan. Titiyakin nila na maayos na mapatutupad ang implementasyon ng curfew.
Inaasahan ng Barangay Kalawag II na ang mga hakbang na ito ay makatutulong upang masiguro ang seguridad ng kabataan, mapabuti ang oras ng pagpasok ng mga mag-aaral at maging mas produktibo sa kanilang pag-aaral.
Break down of late-night activities: 25% 15% 15%
GAMING SOCIALIZING
OTHERS
Bolunterismo. Istanislao
Workers) program, kung saan ang mga benepisyaryo ay tumanggap ng Php 7,360 cash grant matapos makumpleto ang 20 araw ng community-based projects. Sa kabuoan, umabot sa Php 13.7 milyon ang na-disburse na pondo sa 1,863 pamilya sa buong probinsya. Binigyang-diin ni DOLE-12 Director Joel Gonzales ang kahalagahan ng programa sa pagsugpo ng kahirapan at pagpapalakas ng ekonomiya. “Sana ang payout na ito ay makatulong din sa pagpapabuti ng ekonomiya ng probinsya sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa 1,863 pamilya sa pamamagitan ng TUPAD.” ani Gonzales.
Samantala, sa ginanap na Labor Day Job Fair sa Sultan Kudarat Provincial Sports Complex, daan-daang mga job seeker ang nagkaroon ng pagkakataong maghanap ng trabaho. Isa sa mga napabilang sa mga nabigyan ng pagkakataon si Dennis Bialen, dating estudyante ng INHS na nagtapos ng Business Administration Bagamat maganda ang takbo ng employment rate, hindi pa rin nawawala ang mga hamon. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang under employment rate sa Region 12 ay nasa 25.2% noong Oktubre 2023, isang bahagyang pagbaba mula sa 27.1% noong Oktubre 2022 kaya
Ang Mental Health Awareness Month ay isinasagawa upang magbigay kamalayan at pagpapalawak ng kaalaman lalong-lalo na sa mga mag-aaral patungkol sa tinatawag na stigma. Ang buwan ng Oktubre ay nakalaan upang tutukan ang mga isyung may kaugnayan sa Mental Health. Binigyang-diin din ng mga guro ang kahalagan ng pag-aalaga sa kalusugan ng ating kaisipan katulad ng pag-aalaga natin sa ating katawan. Ibinahagi rin ang kahalagahan ng wastong komunikasyon ng damdamin upang mas mapalakas ang ugnayan at pag-uunawaan sa bawat isa. Bilang parte ng Mental Health Awareness Month, ang mga mag-aaral ng nasabing paaralan ay gumawa ng islogan na naglalaman ng mga “Motivational Quote” at pagpapahayag ng kahalagahan ng Mental Health at pag-iwas sa stigma. Ito ay isang paraan upang makaiwas sa problema sa kaisipan at upang magkaroon ng isang magandang buhay. Lumahok ang Isulan National High School sa pagdiriwang ng Mental Health Awareness Month noong ika-18 ng Oktubre taong 2024 na giginanap kasabay ng flag raising ceremony.
patuloy pa rin ang mga pagsisikap ng pamahalaan upang mabawasan ang bilang ng mga under employed at mapalago ang ekonomiya ng rehiyon. Ang mga hakbangin ng lokal na pamahalaan, tulad ng mga job fairs at mga programang tulad ng TUPAD, ay patuloy na nagbibigay ng mga oportunidad para sa mga mamamayan ng Sultan Kudarat. Gayunpaman, kailangan pa ring pag-aralan ang mga hamon at pagbutihin ang mga programa para sa employment at training upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga manggagawa at negosyo sa rehiyon.
Nag-organisa ng bagong patakaran ang administrasyon ng Isulan National High School (INHS) upang tugunan ang lumalalang problema ng basura sa paaralan dulot ng paggamit ng mga single-use plastic ng mga estudyante. Inanunsyo ng paaralan ang pagpapatupad ng “No SingleUse Plastic Policy,” na naglalayong bawasan ang paggamit ng mga plastic na produkto tulad ng plastic bags, straw, at bote ng tubig na ginagamit sa araw-araw.
Nag-organisa ng bagong patakaran ang administrasyon ng Isulan National High School (INHS) upang tugunan ang lumalalang problema ng basura sa paaralan dulot ng paggamit ng mga single-use plastic ng mga estudyante. Inanunsyo ng paaralan ang pagpapatupad ng “No Single-Use Plastic Policy,” na naglalayong bawasan ang paggamit ng mga plastic na produkto tulad ng plastic bags, straw, at bote ng tubig na ginagamit sa araw-araw. Ayon sa administrasyon ng INHS, ang patakaran ay isang hakbang upang mabawasan ang mga basura na nagiging sanhi ng polusyon at mga environmental hazards sa loob ng eskuwelahan. “Napansin namin ang patuloy na pagtaas ng mga plastic
waste sa paligid ng paaralan, at kami ay kumikilos upang makapag-ambag sa pangangalaga ng kalikasan” ayon kay Lorely Anne F. Valencia, punungguro ng paaralan. Bilang bahagi ng programa, magkakaroon ng mga worksyap at oryentasyon ang paaralan upang turuan ang mga estudyante at guro kung paano gamitin ang mga reusable na alternatibo sa plastic. Magbibigay din ang paaralan ng mga insentibo at parangal sa mga mag-aaral at guro na magpapakita ng mahusay na pagsunod sa bagong patakaran. Ayon kay Ramel T. Juntilla, isang guro, “Mahalaga na maturuan ang mga kabataan na maging responsable sa paggamit at pangangalaga ng kalikasan.”
Bagamat may mga estudyanteng nagaalala sa mga pagbabago, tinitiyak ng paaralan na magiging madali ang mga alternatibong solusyon, at inaasahan nilang magiging modelo ito sa ibang paaralan. Kasabay ng pagpapatupad ng “No Single-Use Plastic Policy,” magsasagawa rin ang INHS ng regular na paglilinis at pagsubok ng mga proyekto upang suriin ang epekto ng patakaran sa pagbabawas ng basura. Magkakaroon ng mga monitoring team na titingin sa pagsunod ng bawat isa kung paano pa mapabubuti ang mga hakbang na ito. Ayon kay Dr. Valencia, “na sa pagtutulungan ng mga mag-aaral, guro, at buong komunidad, magiging mas malinis at mas maayos ang ating kapaligiran.”
Kaugnay nito, ang mga estudyante at guro ay hinihikayat na gumamit ng mga reusable na produkto tulad ng eco-friendly bags, bote ng tubig, at mga metal o papel na straw. Ang mga nakatakdang oryentasyon at programa ng paaralan upang turuan ang mga estudyante tungkol sa mga alternatibo sa plastic at ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan ang mabisang solusyon upang lubos na maunawaan ng lahat ang pagsusulong ng programa. Ang hakbang na ito ay nakatakdang magbigay ng positibong epekto sa kampanya ng paaralan na magkaroon ng mas malinis na kapaligiran para sa batang INHS.
Aguilar, isang tanod mula sa Brgy. Kalawag II nagbabantay sa kalye upang isiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral. Kuhang Larawan ni: Brenda Cabuslay
Arnie Waje
Myth Shine Laguda
Gian Carl D. Magbanua
DOH-RHU naglunsad ng
“Bakuna Eskuwela”, mga magulang nagpahayag ng pagkabahala
Naglunsad ang DOH-RHU Isulan ng programang@ Bakuna Eswela@ bilang pakikipagtulungan sa Department of Education (DEPED) upang protektahan ang kabataan laban sa mga sakit na maaaring iwasan sa pamamagitan ng bakuna tulad ng Measles, Rubella, tetanus,,Diptheria, at Human Papilloma Virus ( HPV).Ang programa ay may layunin na mabakunahan ang humigit kumulang na 3.8 milyong estudyante sa pampublikong paaaralan.
Kaugnay ng programang ito ng RHU-DOH,inilunsad sa Isulan National High School ang Bakuna Eskuwela upang mabakunahan ang mga estudyanteng Grade 7 hanggang Grade 12 laban sa tigdas,Rubella,tetanus at Diptheria.
Ngunit, maraming magulang ang nag-aalinlangan dahil sa takot sa posibleng epekto ng bakuna at pangamba na maaaring may allergy ang kanilang mga anak sa gamot.
Ayon kay Maria Santos, isang magulang, nais nilang makakuha ng tamang impormasyon bago magdesisyon tungkol sa pagbabakuna. Samantala, tiniyak naman ng mga guro na ligtas at epektibo ang bakuna dahil ito ay dumaan sa masusing pagsusuri ng mga eksperto at kinikilalang ahensya ng gobyerno.
Ayon kay Dr. Lanyfe Laguda, ang pagbabakuna ay mahalaga upang maprotektahan ang mga bata mula sa malulubhang sakit na
INHS suportado ang pagbabawal ng pamahalaan sa POGO operations
Sultan Kudarat
pamahalaan ang operasyon ng Philippine
(POGO) upang sugpuin ang mga negatibong epekto ng online
Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang hakbang na ito ay naglalayong protektahan ang kabataan mula sa peligro ng pagsusugal at kriminalidad habang pinapabuti ang kalagayan ng mga komunidad.
Bagamat may benepisyong ekonomiko ang POGO, nauugnay ito sa mga isyung tulad ng pagkakautang at pagtaas ng krimen, kaya’t itinulak ng gobyerno ang pagbabawal nito. Sa Isulan National High School (INHS), isinagawa ang isang survey upang alamin ang pananaw ng mga magaaral sa nasabing hakbang
HIV Cases tumaas sa Sultan Kudarat, SHS naglunsad ng Awareness at Prevention Symposium
Isulan, Sultan Kudarat-Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng HIV sa Sultan Kudarat, na umabot na sa 412 na kaso hanggang Hunyo 2024, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH). Ang rehiyon ng SOCCSKSARGEN, kabilang ang Sultan Kudarat, ay nakapagtala ng kabuoang 3,221 na kaso ng HIV, isang seryosong isyu na nagbigay-diin sa pangangailangan ng higit pang kaalaman at edukasyon hinggil sa sakit. Bilang tugon sa lumalalang problema, naglunsad ng isang HIV awareness symposium ang Isulan National High School (SHS) upang magbigay ng tamang impormasyon at magsagawa ng mga hakbang upang mabawasan ang stigma habang pinapalakas ang kaalaman at kamalayan tungkol sa HIV/AIDS sa komunidad.
ng pamahalaan.
Lumabas sa resulta na 75% ng mga estudyante ang sumusuporta sa desisyon ng gobyerno.
Ayon kay Gian Magbanua, isang Senior High School Student, “Malaking tulong ang pagpapahinto ng POGO dahil mababawasan nito ang mga kabataang naaapektuhan ng pagsusugal.” Naniniwala ang mga mag-aaral na makabubuti ang hakbang na ito para sa kanilang edukasyon at pang-arawaraw na buhay.
Sa kabila ng malawakang suporta, may ilan ding mag-aaral na nagsabing mahalaga ang mas malalim na
Ang symposium ay dinaluhan ng mga mag-aaral, guro, at mga lokal na eksperto na nagbigay ng mga presentasyon hinggil sa mga sanhi, sintomas, at paraan ng pag-iwas sa HIV. Ayon kay Lorely Anne F. Valencia, punungguro ng paaralan, ang layunin ng event na ito ay magbigay ng tamang impormasyon upang mapigilan ang pagkalat ng HIV at matulungan ang mga kabataan na magkaroon ng tamang pag-unawa tungkol dito.
DepEd balak ng ipatupad ang pagbabawas
ng Subjects ngayong 2025
Pinaplano na ng Department of Education (DepEd) na simulan ang pagpapatupad ng pagbawas ng core subjects sa Senior High School (SHS) kurikulum ngayong 2025. Ang plano ito ay para mapataas ang employability ng mga mag-aaral pagkatapos nilang magtapos.
pag-unawa sa isyu ng pagsusugal. Sa parehong survey, 25% ng mga estudyante ang naniniwala na hindi sapat ang pagbabawal lamang. Ayon kay Al-Jazzer Castromayor, isang Junior High School Student, “Bukod sa pagbabawal, kailangan din nating magbigay ng tamang impormasyon sa mga kabataan tungkol sa epekto ng pagsusugal.” Ipinapakita nito na mahalaga ang edukasyon upang lubos na maunawaan at maiwasan ang masamang dulot ng ganitong gawain.
Sa kabuoan, suportado ng mga mag-aaral ng
“Ang kahalagahan ng edukasyon ay hindi matatawaran, kaya’t kami po ay nagsasagawa ng mga ganitong programa upang mas mapalawig ang kaalaman ng mga estudyante at ng buong komunidad,” ani Valencia. Inilahad din ng mga eksperto sa symposium ang mga prevention methods tulad ng paggamit ng condom, regular na pagpapa-test, at pagpapalakas ng mga hakbang para sa HIV awareness, lalo na sa mga kabataan na nasa panganib na mahawa. Ang pagsisikap na tulad
INHS ang desisyon ng gobyerno na ipagbawal ang POGO, ngunit nanawagan din sila ng karagdagang edukasyon at programa upang labanan ang masamang epekto ng pagsusugal. Para sa kanila, ang ganitong mga hakbang ay hindi lamang proteksyon, kundi oportunidad upang turuan ang kabataan na gumawa ng tamang desisyon para sa kanilang kinabukasan. Sa patuloy na suporta ng pamahalaan at paaralan, nananatiling mataas ang
nito ay inaasahang makatutulong sa pagpapababa ng bilang ng mga bagong kaso at paglaban sa diskriminasyon laban sa mga taong may HIV. Patuloy ang lokal na pamahalaan ng Isulan at Isulan National High School sa paghihikayat ng mas malawak na kampanya ukol sa kalusugan, at inaasahang magiging malaking tulong ang mga ganitong programa sa pagtugon sa lumalalang isyu ng HIV sa Sultan Kudarat at sa buong rehiyon dose.
Mga mag-aaral ng Batang INHS na pumapabor at hindi pumapabor
75% 25%
Ang mga estudyanteng pumapabor sa desisyon ng gobyernong ipagbabawal ang POGO
Ang mga estudyanteng naniniwala na hindi sapat ang pagbabawal lamang
45 minutong klase ng DepEd nagdulot ng magkahalong reaksyon sa INHS
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara sa kanyang pahayag sa isang forum sa Malate, Maynila na dapat sa 2026 ang itinakda ng pagpapatupad sa pagbabago sa kurikulum ngunit ito ay nagbago dahil target na nila itong ipatupad ngayong 2025. Magsisimula ang pagpapatupad na ito, mula sa 17 subjects sa SHS kurikulum ay magiging lima or anim na lamang. Bibigyan din ng DepEd ang mga paaralan ng kalayaan kung paano nila susundin ang pagbabagong ito. Ayon pa sakanya bahala na ang mga paaralan sa pagdagdag ng mga karagdagang subjects o electives lalong lalo na sa mga pribadong paaralan.
Sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga asignatura, magkakaroon ng mas malaking kalayaan ang mga mag-aaral na pumili ng mga kursong interesado sila.
Ibinahagi din ni Angara na nakikipagugnayan siya sa Commision on Higher Education at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang tiyakin na maaangkop ang pagbabagong ito sa kurikulum. Ang pagbabagong ito sa SHS Curriculum ay inaasahan na mababawasan ang hirap ng mga estudyanteng nasa Senior High at magdudulot ng maraming opurtunidad sa kanila sa trabaho pagkatapos grumadweyt.
Upang mas mapalawak ang pananaw, nagsagawa ang Isulan National High School ng isang survey sa mga guro at mag-aaral hinggil sa epekto ng 45 minutong klase. Batay sa survey, makikita na karamihan ng mga guro at mag-aaral ay pabor sa 45 minutong klase dahil ito ay nakatutulong upang mapanatili ang atensyon at pagiging produktibo ng mga magaaral (75%). Gayunpaman, may mga mag-aaral na naniniwala na kulang pa ang oras para sa mas mahihirap na leksyon, kaya’t 45% ang nagsabing hindi sapat ang oras upang lubos na maunawaan ang mga aralin. Sa kabouan, mas marami pa rin ang pabor sa pagpapatuloy ng 45 minutong klase (60%), ngunit kinakailangan pa ng masusing pagtingin sa mga asignaturang nangangailangan ng mas mahabang oras para sa pagtalakay.
Patuloy na pinag-aaralan ng DepEd ang epekto ng 45 minutong upang mapabuti ang sistema sa edukasyon. Mahalaga ang bawat opinyon upang mapabuti ang karanasan ng mga mag-aaral at guro.
Isulan,
– Ipinagbawal kamakailan ng
Offshore Gaming Operators
gambling sa bansa.
Bigay Payo. Si Lulu Mangulabnan, school nurse ng INHS nagbabahagi ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng HIV. Kuhang Larawan ni: Kenen Ivy Almodiente
Bakuna Eskuwela. Inihahanda ng kawani ng DOH-RHU ang one dose ng flu vaccine. Kuhang Larawan ng: The Sunbeams
Pokus. Ang mga mag-aaral ay nakatutok sa paglalaro ng online gambling games. Kuhang Larawan: Franches Lad J. Antonio
Kate Marianne Ramos
Merylou Ann Cantil
Princess Aira H. Labtang
Destine Rheal Javison
Kienah Camsa
Gang-related incidents dumarami, INHS nagpatupad ng mahigpit na seguridad
Patuloy na tumataas ang bilang ng mga gang-related incidents sa Isulan National High School (INHS), kaya’t nagpatupad ang pamunuan ng paaralan ng mas mahigpit na mga patakaran sa seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro. Ayon sa mga datos ng paaralan, noong 2023, umabot sa 13 gangrelated incidents ang naitala. Samantalang mula Enero hanggang Agosto ng 2024, tatlong insidente naman ang naitala. Ang mga kasong ito ay nagdulot ng pangamba sa mga magulang, mag-aaral, at mga guro kaya’t pinagtulungan ng lokal na pamahalaan at paaralan ang pagtutok
sa isyung ito. Bilang bahagi ng mga hakbang na isinagawa ng INHS, nakipag-ugnayan sa Barangay Peace Action Teams at Philippine National Police (PNP) upang magpatuloy ang monitoring at magbigay ng suporta sa mga preventive measures ng paaralan. Ayon kay Rio Insular, Guidance Counselor ng INHS, ang pinakamainam na interbensyon para matugunan ang mga ganitong insidente ay sa pamamagitan ng interogasyon kung saan ang mga mag-aaral ay pinapayuhan sa mga counseling session at mga posibleng solusyon sa mga isyu ng karahasan. “Ang interogasyon ay isang
mahalagang hakbang upang matutukan ang mga mag-aaral na sangkot at malaman ang pinagmulan ng problema.” ani Insular. “Kasama ang PNP at Barangay Peace Action Teams, magtutulungan kami upang maiwasan ang mga ganitong insidente at matulungan ang mga estudyante na makapag-aral nang walang takot.”
Tiniyak naman ng pamunuan ng INHS na magpapatuloy ang mga pagsasanay at seminar sa mga magaaral hinggil sa pagkakaroon ng disiplina at respeto sa kapuwa upang maiwasan ang ganitong mga insidente sa hinaharap.
Kita ng canteen pataasin, pagbebenta sa silid-aralan
ipinagbabawal ng Admin
Upang mapanatili ang operasyon ng kantina at maiwasan ang patuloy nitong pagkalugi, mahigpit nang ipinagbabawal ng administrasyon ng Isulan National High School (INHS) ang pagtitinda ng pagkain ng mga guro sa loob ng silid-aralan.
Layunin ng bagong patakaran na gawing pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng mga estudyante ang kantina upang mapanatili ang kalidad ng pagkain at maiwasan ang kompetisyong nakasasama sa kita nito. Ayon sa tala ng paaralan, bumaba ng 20% ang kita ng kantina noong nakaraang taon, kaya nahirapan itong bumili ng sapat na stock, na nakaapekto
sa pagpili ng pagkain ng mga estudyante.
Ayon kay Ginang Ronalyn Legaspi, mahalagang suportahan ang kantina upang mapanatili ang kalidad ng serbisyo nito. Dahil dito, mahigpit na ipinatutupad ng administrasyon ang patakaran, ngunit tiniyak na ito ay para protektahan ang kita ng kantina at kaligtasan ng mga mag-
aaaaral, hindi upang parusahan ang mga guro.
Patuloy naman ang paguusap para makahanap ng balanseng solusyon, kabilang ang pagpapababa ng presyo ng pagkain at posibilidad na food subsidy program. Sa huli, layunin ng INHS na matiyak na ang pagkain sa paaralan ay ligtas, malinis, at abot-kaya para sa lahat ng mag-aaral.
LGU Isulan naglunsad ng mga hakbang, pagdagsa ng mga Badjao nakikitang problema
Patuloy ang pagdagsa ng mga Badjao sa bayan ng Isulan, partikular sa palengke at iba pang pampublikong lugar, kung saan sila ay nanlilimos upang makatawid sa pang-araw-araw.
Ang naturang sitwasyon ay nagdulot ng pagkaalarma sa mga residente at lokal na gobyerno na ngayon ay nagsasagawa ng mga hakbang upang matugunan ang isyu.
Ayon sa tanggapan Municipal Social Welfare and Development Office oMSWDO-Isulan, patuloy ang koordinasyon ng kanilang opisina sa mga Badjao na dumadayo mula sa ibang lugar upang maghanapbuhay sa Isulan sa pamamagitan ng pamamalimos. “Kami po ay naglalayong magbigay ng tamang tulong at suporta sa kanila, ngunit kailangan din nilang sundin ang mga regulasyon ng ating bayan.” pahayag ni Abellera
Kasunod ng pagdagsa ng mga Badjao sa Isulan, nagsagawa ng briefing ang lokal na pama-halaan upang ipaliwanag ang mga programa at mga hakbang para sa kanilang reinte-grasyon sa komunidad. Sinabi ni Abellera na binibigyan nila ng mga pansamantalang tira-han ang mga Badjao, pati na rin ang mga libreng pagkain at mga serbisyong medical para sa kanilang kalusugan
Ang LGU ng Isulan ay nagsasagawa rin ng mga monitoring team na nagmamasid sa mga kaganapan sa palengke at iba pang mga pampublikong lugar upang matiyak na ang mga Badjao ay hindi nagiging sagabal sa kaligtasan at kaayusan ng pamayanan. “Kami po ay nakikipag-ugnayan sa iba pang mga ahensya tulad ng DSWD, PNP at mga non-government organizations upang makapagbigay ng long-term
kanila,”
Samantala, bilang tugon sa problema, ang SSLG ng Isulan National High School ay nag-sagawa ng symposium tungkol sa pagdami ng mga Badjao sa Isulan.
“Hangad naming na malaman hindi lamang ang problema kundi ang pinagmulan at ma-yamang kultura ng mga Badjao dahil ang pagkilala sa kanila ang pangunahing hakbang upang matulungan sila.”
Arnie T. Waje, Pangulo ng SSLG
Ang lokal na pamahalaan ng Isulan ay patuloy na nagsasagawa ng mga hakbang upang matulungan ang mga Badjao habang tinitiyak na ang mga karapatan nila ay mapangala-gaan at ang kanilang pangangailangan ay matugunan nang maayos.
Junior High School, Aprubado na sa Ikalawang Pagbasa, Mga Opsyon para sa mga Mag-aaral
Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ng House of Representative ang panukalang batas na magbibigay ng mas maraming pagpipilian magtatapos na Junior High School.
Ang House Bill No. 11213 ang Education Pathway Act ay layong bigyan ang mga junior high ng kalayaan na pumili sa pamamagitan ng preparatory program para sa kolehiyo sa ilalim ng Department of Education o technical vocational program sa pamamahala naman ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)”
Ayon sa panukala ang DepEd ay bubuo ng kurikulum para sa mga Grade 11 at Grade 12 na maghahanda sa mga estudyante para sa kolehiyo, Kasali dito ang functional literacy, practical skills at mga elective courses na magpapalawak sa kanilang interes at para makuha ang mga kinakailangan sa napiling kurso sa kolehiyo.
Ang house bill No. 11213 ay magbibigay daan sa mga magaaral ng technical vocational programs na sumasailalim sa isang ladderized education system. Sa ilalim din ng sistemang ito ay ang mga magaaral ay maaaring kumuha ng pagsusulit upang matukoy kung sila ba ay kwalipikadong mag enroll sa kolehiyo.
Kapag matagumpay na natapos ang technical -vocational nakapasa sa Philippine Educational
Placement Test na ginawa ng DepEd para sa mga Grade 11 at Grade 12 ay maaaring mag enroll ang mga estudyante sa kolehiyo at ladderized education para sa educational ng advancement.
Plano rin ng Commision CHED at TESDA na palakasin ang mga polisiya para sa accreditation at pagkilala sa mga natutunan ng mga magaaral.
Sa kabila na pagpapatupad ng K-12 program, Marami parin ang nananawagan na muling suriin ang programa. Ayon sa iba na hindi nalutas ang learning gap ng mga estudyanteng Pilipino.
Ang JHS ay may mga sumusunod na mga opsyon para sa mga mag-aaral tulad ng Acacdemic Track, TechnicalVocational Track, at Arts and Design Track.
Ang mga mag-aaral ay maaaring pumili ng isa sa mga opsyon na ito, depende sa kanilang interes at kakayahan.
“Ang Junior High School ay isang importante na bahagi ng ating edukasyon sa bansa,” ayon sa isang opisyal ng DepEd. “Ito ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng mga kasanayan at kaalaman na kailangan para sa kanilang pag-aaral sa SHS at sa kanilang paghahanap ng trabaho”
Ang panukalang ito ay hakbang upang mas mabigyan ng opurtunidad ang mga estudyante na matuto at magkaroon pa ng maraming opurtunidad pagkatapos grumadweyt.
Pinalakas ng Alumni Association ng Isulan National High School (INHS) ang programang “Uniform Mo, Buwas Damlag Ko” bilang bahagi ng kanilang patuloy na suporta sa mga mag-aaral ng paaralan. Kasama ang Supreme Secondary Learners Government (SSLG), 53 mag-aaral ang nakatanggap bagong uniporme at mga gamit pang-eskuwela.
Sa partikular, 53 mag-aaral mula sa Grade 7 ang nakatanggap ng bagong uniporme na magagamit sa kanilang pagpasok sa paaralan. Ang seremonya ay dinaluhan ni
Masterzeus Castillo, ang Pangulo ng Alumni, at ni Gng. Glendel Bermudo, ang Assistant Principal para sa Senior High School.
Ayon kay Castillo, layunin ng programa na matulungan ang mga mag-aaral na makapagsimula nang maayos sa kanilang pag-aaral, at magbigay ng inspirasyon upang magsikap at magtagumpay sa kanilang mga pangarap.
Dagdag pa ni Bermudo, malaking tulong ang proyektong ito para sa mga estudyanteng nangangailangan at nasa laylayan ng lipunan lalo na sa mga Grade 7 na nagsisimula pa
lamang sa kanilang paglalakbay sa high school.
Hindi naman napigilan ng mga mag-aaral ang saya nang nakatanggap ng nasabing uniporme. Ayon kay alias jun “Masaya ako na isa ako sa mga nabigyan ng uniporme. Sa wakas, madadagdagan naman ang aking isang uniporme.”
Ang “Uniform Mo, Buwas Damlag Ko” ay isang inisyatibo ng alumni association ng INHS upang magbigay ng suporta at tulong sa mga magaaral na nahihirapan sa kanilang pangangailangan sa paaralan.
Ashlee Michelle Lacsi
Raden Galmak
Ligtas ang batang INHS. Bilang pagtupad sa panawagan sinusuri ni Rahib Sangki ang bawat bag ng mag-aaral bago makapasok sa paaralan. Kuhang Larawan ni: Franches Lad J. Antonio
Kate V. Canada
Princess Cazandra Jimlah
Arnie Waje
solution para sa
dagdag ni Abel-lera.
INHS SPA, pinarangalan Bilang Outstanding School Paper Adviser ng Pilipinas
Muling ipinamalas ng Isulan National High School ang kahusayan nito sa larang ng Campus Journalism matapos kilalanin si Vincent B. Bialen, ang School Paper Adviser ng paaralan, bilang Outstanding School Paper Adviser of the Philippines. Ang prestihiyosong parangal ay iginawad sa 2024 National Schools Press Conference na ginanap noong Hulyo 8-12, 2024 sa Carcar City, Cebu. Si Ginoong Bialen na kilala rin bilang isang radio broadcasting English Coach, ay kinilala dahil sa kanyang dedikasyon sa paghubog ng mga batang mamamahayag.
Ang tagumpay na ito ay nagdala ng karangalan hindi lamang sa paaralan at sa buong bayan ng Isulan. Sa pangunguna ni G. Bialen,
ang The Sunbeams ay nagbigay ng plataporma sa mga mag-aaral na maipahayag ang kanilang mga saloobin. Ayon sa mga mag-aaral, hindi lamang pagsusulat ang kanilang natutuhan kundi pati ang kahalagahan ng disiplina at pagiging responsableng mamamahayag. Dahil dito, naging inspirasyon siya bilang isang tagapayo. Ang pagkilalang natamo ni Ginoong Bialen ay nagudyok sa mas maraming mag-aaral
na sumali sa pampahayagang pangkampus ng INHS. Ayon kay Ayesha Dawn Pelaez, isang Grade 11 student, “Nakaiinspire na maging bahagi ng The Sunbeams lalo na’t may isang adviser na kinikilala sa buong bansa”. Bukod sa parangal na natanggap ni Ginoong Bialen, patuloy na nagpapakita ang INHS ng suporta sa mga programa sa dyornalismo. Ang dedikasyon ng pamunuan ng paaralan at ng kanilang adviser
ay nagbigay-daan upang ang dyornalismo ay maging isa sa pinakamatatag na programa sa INHS.
Sa pamamagitan ng The Sunbeams, patuloy na ipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang boses. Ito ay paalala na ang galing ng isang paaralan ay nakabatay sa tiyaga at determinasyon ng mga taong bumubuo nito.
Career Guidance Week, nagbigay ng Inspirasyon sa kabila ng kontrobersiya sa kasuotan
Isulan, Sultan Kudarat –Matagumpay na isinagawa ng Isulan National High School ang Career Guidance Week, isang palatuntunang naglalayong bigyan ng inspirasyon at gabay ang mga mag-aaral sa pagpili ng kanilang tatahaking kurso sa hinaharap. Sa kabila ng positibong layunin ng programa, hindi naiwasan ang kontrobersya kaugnay sa ilang kasuotan ng mga mag-aaral dumalo na sinasabing hindi angkop sa pormal na layunin ng okasyon.
Ang Career Guidance Week ay dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang antas sa Isulan National High School na nagbahagi ng kanilang kaalaman at panahon tungkol sa iba’t ibang propesyon.
Kasama sa programa ang career talks na nagbigay ng malinaw na pananaw sa mga magaaral tungkol sa kanilang mga pagpipiliang kurso at posibleng trabaho sa hinaharap.
Ayon sa mensahe ni Reynalyn Evangelista, tagapagsalita ng
programa “Ang bawat pangarap na inyong hinahabol, ang bawat pagsubok na inyong kinakaharap, at sa bawat tagumpay na inyong makakamit, tandaan: na kayo ang may-akda ng inyong sariling kuwento. Huwag matakot mangarap, huwag matakot mabigo, at higit sa lahat, huwag matakot lumaban para sa inyong kinabukasan.”
Gayunpaman, naging usap-usapan sa social media at maging sa loob ng paaralan ang ilang mag-aaral at bisita na nagsuot ng kasuotan na sinasabing hindi naaayon sa pormalidad ng naturang kaganapan. Ayon kay Nobe Joy F. Magbanua “ang programa ng Guidance Office ay dapat sineseryoso upang maging gabay nila sa kanilang tatahaking kurso. Bilang guro nasaktan ako sa mga ginawa ng mga mag-aaral na iyon dahil hindi nila binibigyang-diin ang programa.”
May ilan namang nagsabi na
Isulan National High School,
Muling ipinamalas ng Isulan National High School (INHS) ang kanilang husay at galing sa larangan ng debate matapos itanghal na panalo laban sa Esperanza National High School sa ginanap na Sultan Pax Leadership Academy Debate noong Nobyembre 20, 2024, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kalimudan Festival.
Sa isang mahigpit ngunit makabuluhang pagtatalo, pinatunayan ng INHS Debating Team ang kanilang kasanayan sa pangangatuwiran at pananaliksik sa pamamagitan ng matibay na argumento at matalas na diskurso sa inilatag na proposisyon.
Ang kanilang tagumpay ay hindi magiging posible kung wala ang gabay at suporta ng kanilang mga coach na sina Airah Salome Pontalba, Lea
hindi ito dapat maging hadlang sa layunin ng programa, dahil mas mahalaga ang natutuhan ng mga mag-aaral kaysa sa isyu ng pananamit. Sa kabila ng kontrobersyang nangyari, nananatiling positibo ang pananaw ng mga magaaral at guro sa kahalagahan ng Career Guidance Week. Marami ang nagpatunay na ang programa ay naging malaking tulong sa kanilang pagpaplano at pagpipili sa hinaharap. Ipinahayag din ng paaralan na magpapatuloy ang ganitong gawain sa susunod na taon na may mas malinaw na patakaran pagdating sa tamang kasuotan upang maiwasan ang parehong isyu.
Hamon Kabataan. Si Reynalyn Evangelista, guro, na nagbibigay inspirasyon sa mga batang INHS.
Kuhang Larawan ni: Daisy Grace Parangga
Santos, at Heherson Calumaya, na nagsilbing inspirasyon at nagturo sa kanila ng mahahalagang estratehiya at tips sa debate.
Ayon kay Rhian Grace Padillo, “Ang pagkapanalo namin ay hindi lamang para sa amin kundi para sa buong Isulan National High School. Pinaghirapan namin ito, at nagpapasalamat kami sa aming mga coach, pamilya, at mga kapwa magaaral na sumuporta sa amin mula simula hanggang dulo.”
Sa kabilang banda, iginawad kay Rhian Grace Padillo ang pagiging Best Speaker, Princess Cassandra Jimlah-Best Debater, Ivan Youseff Jimlah-Third Speaker, kasama sina Shynm Pasinag at Rex Estrellan bilang Researchers. Samantala, ipinahayag naman ni Coach Airah Salome Pontalba
ang kanyang pagmamalaki sa determinasyon at tiyaga ng kanyang mga estudyante. Aniya, “Hindi lang ito tagumpay sa isang kompetisyon, kundi isang patunay na ang ating mga kabataan ay may kakayahang lumaban at magpahayag ng kanilang mga pananaw nang may tapang at talino.”
Ang muling pagkapanalo ng INHS sa Sultan Pax Leadership Academy Debate ay isang patunay ng husay at dedikasyon ng paaralan sa pagpapalago ng kakayahang pandiskurso at pagpapalalim ng kaalaman sa mga isyung panlipunan. Ito rin ay nagsisilbing inspirasyon sa mga susunod pang henerasyon ng debaters upang ipagpatuloy ang pagpapakadalubhasa sa sining ng pangangatwiran.
Nakapag-ulat ang Guidance Office ng Isulan National High School ng malaking pagtaas ng mga kaso ng bullying ngayong taon na nagdulot ng pagkabahala sa mga magulang na ngayon ay nananawagan sa administrasyon na palakasin ang seguridad para sa kaligtasan ng kanilang mga anak.
Ayon sa datos mula sa Guidance Office ng paaralan, may naitalang 56 na insidente ng pang-aapi mula Hulyo hanggang Nobyembre 2024, na tumaas ng 30% kumpara sa bilang ng mga kaso sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Ang mga magulang na nababahala sa tumataas na bilang ay nagpahayag ng kanilang mga alalahanin sa isang kamakailang pulong ng Parents-Teachers Association (PTA). “Ipinapadala namin ang aming mga anak sa paaralan upang matuto, hindi upang magdusa dahil sa pang-aapi. Nakababahala ito at nangangailangan ng agarang aksyon,” ani Josie Marie Lacandula, isang nag-aalalang magulang ng isang Grade 7 na mag-aaral.
Samantala, suhestyon pa ng isang magulang na maaaring paanyayahan ang presensya ng polisya para magkaroon ng police visibility sa paaralan.
Inamin ng administrasyon ng paaralan ang suliranin at gumagawa na ng mga hakbang upang matugunan ito. “Nakikipag-ugnayan kami sa mga guro, tagapagdisiplina sa bawat antas ng baitang, Brgy. Tanod, at lokal na awtoridad upang ipatupad ang mas mahigpit na mga polisiya laban sa bullying at magsagawa ng mas maraming kampanya para sa kamalayan.” ayon kay Rio Insular, ang Guidance Counselor ng Junior High School.
Bukod sa mga hakbang ng administrasyon, inihayag ng tanggapan ng gabay na maglulunsad sila ng serye ng mga seminar na nakatuon sa inclusivity na layong maaabot ang parehong mga mag-aaral at magulang. “Hindi lang ito tungkol sa pagpaparusa sa mga gumagawa ng bullying, kundi sa paglikha ng kultura ng kabaitan at paggalang sa loob ng paaralan.” ayon kay Reynalvn Evangelista, Guidance Counselor ng Senior High School.
Sa kabila ng mga hakbang na ito, nananawagan pa rin ang mga magulang ng mas agarang aksyon at pagtugon, tulad ng pagdaragdag ng
Maliwanag na kinabukasan. Ang mg mag-aaral ng INHS na dumalo sa Career Guidance Week 2024.
Kuhang Larawan ni: Ericka Nacin
Tagumpay at Galak. Naipanalong muli ng INHS debating team ang SPLA 2024. Kuhang Larawan ni: Brenda Cabuslay
Kirzhy Jane Sumagay-
Sophia Bianca Huinda
Raden Galmak
Kate Marianne Ramos
ANG SIKAT
PATNUGUTAN
Taong-Pampaaralan 2024-2025
Punong Patnugot:
Princess Cazandra M. Jimlah
Pangalawang Patnugot:
Samantha Raine T. Talaban
Tagapangasiwang Patnugot:
Arnie T. Waje
Patnugot sa Balita:
Kate Marianne C. Ramos
Patnugot sa Kolum:
Charlynn T. Legaspi
Patnugot sa Lathalain:
Christine lyka E. Lanado
Patnugot sa Isports:
Alqursheed V. Mopak
Patnugot sa Pagkuha ng
Larawan:
Daisy Grace P. Paranga
Kartunista:
Febbie Kates A. Silabay
Punong Tagapag-anyo:
Ateliano M. Obejo
Kawaksing Tagapag-anyo:
Myth Shine S. Laguda
Zaleha A. Saban
Khyan Perj S. Montales
Alyahzia V. Mopak
Gurong Tagapagpayo:
Cristina T. Insular
Eduard Federick P. Palec
Judy Ann C. Barretto
Kontribyutor:
Kirzhy Janer Sumagaysay
Ashlee Michelle Lacsi
Maricris Barron
Raden Galmak
Ellora Gayle R. Apud
Alexander Issaiah
Mamadoa
Rhenzy Dave L. Navarro
Franches Lad Antonio
Zaleha A. Saban
Ateliano M. Obejo
Angela U. Casiple
Faye Mandylla Geron
Coaches:
Ivy B. Capuso
Glenda D. Bustamante
Lea A. Lanuevo
Jefelyn D. Villa
Charles Vincent T. Carbonel
Sex-Ed: Ang Pagtuturo ng Katotohanan at Responsibiliadad
Isang dambuhala kung iisipin ang potensyal ng Comprehensive Sex Education (CSE) sa paggabay sa kabataan, ngunit hanggang ngayon, patuloy itong sinasalaula ng maling pananaw at pangamba.
Sa kasalukuyan, isang naglalagablab na usapin ang Comprehensive Sexuality Education (CSE) sa bansa, lalo na sa panukalang batas na isinusulong ni Senadora Risa Hontiveros—ang Prevention of Adolescent Pregnancy Act ng Senate Bill No. 1979. Ang panukalang ito ay naglalayong magpatupad ng mas malawak na edukasyon sa seksuwalidad upang tugunan ang lumalalang isyu ng maagang pagbubuntis sa mga kabataan. Subalit, nahaharap ito sa matinding kritisismo at maling impormasyon na nagdudulot ng kalituhan sa publiko.
Sa bansa kung saan mas pipiliin ng ilan na takpan ang mata kaysa harapin ang katotohanan, nananatiling bulag ang sistema sa kahalagahan ng tamang edukasyon sa sekswalidad. Ang
Ayon sa datos mula sa Philippine Statistics Authority, araw-araw ay may mahigit 500 na dalagitang Pilipina ang nabubuntis at nanganganak, marami sa kanila ay wala pang sapat na gulang. Sa halip na isisi ito sa kabataan, bakit hindi tanungin ang sistemang nabigo sa kanila? Kung maaga silang naturuan tungkol sa reproductive health, consent, at responsibilidad, ilan kaya sa kanila ang hindi sana naligaw ng landas?
Dagdag pa rito, ayon sa World Health Organization, ang Comprehensive Sex Education ay napatunayang epektibo sa pagpapababa ng kaso ng teenage pregnancy, sexually transmitted infections (STIs), at sexual violence. Hindi ito hakahaka ito ay suportado ng agham.
Higit pa rito, isinabatas na mismo ng gobyerno ang kahalagahan ng edukasyong pangsekswalidad sa pamamagitan ng RA 10354 o ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012. Isang batas na naglalayong isulong ang edukasyon sa reproductive health, family planning, at sexual rights. Kung ito mismo
Matang Lawin
Sang-ayon ako sa pagpapatupad ng sex education dahil malaki itong tulong sa pagbibigay ng tamang kaalaman tungkol sa reproductive health, na makakatulong upang maiwasan ang maagang pagbubuntis.
Pabor ako sa sex education dahil natutulungan nito ang mga kabataan na magkaroon ng tamang desisyon pagdating sa kanilang katawan at relasyon.
Sang-ayon ako sa sex education dahil tinuturo nito ang responsibilidad at ligtas na pakikipagrelasyon, kaya naiiwasan ang sexually transmitted diseases (STDs).
Pabor ako sa pagpapatupad ng sex education sa mga paaralan dahil hindi lang ito tungkol sa pakikipagtalik kundi pati na rin sa self-respect, consent, at gender equality.
ay kinilala ng batas, bakit may ilan pa ring humahadlang sa tamang imlementasyon nito?
Sa panahon ng mabilisang impormasyon, hindi na makatuwiran ang pananatili sa lumang paniniwala. Ang hindi pagtuturo ng CSE ay hindi proteksyon, kundi kapabayaan. Sa halip na matuto mula sa paaralan at mga eksperto, hinahayaan nating ang social media at maling impormasyon ang maging guro ng ating kabataan. Dapat maging mas aktibo ang mga paaralan sa pagtuturo ng CSE nang walang bahid ng konserbatismo o takot sa kritisismo. Dapat ding sumuporta ang mga magulang sa halip na pigilan ito sapagkat ang edukasyon ay hindi kaaway, kundi kakampi. Hindi na natin afford ang ipagpaliban ito. Hindi dapat hayaan na ang susunod na henerasyon ay lumaki sa parehong kadiliman ng mga nauna. Oras na para yakapin angkaalaman, at talikuran ang kamangmangan. Ang CSE ay hindi kahalayan ito ay kaalaman. Hindi ito nagtuturo ng imoralidad kundi ng responsibilidad.
Hindi ako pabor sa sex education dahil maaaring maging dahilan ito upang mas maging curious ang mga kabataan sa pakikipagtalik sa murang edad.
Hindi ako sang-ayon sa sex education dahil maaaring magkaroon ito ng negatibong epekto sa moralidad at paniniwala ng isang bata, lalo na kung hindi ito naaayon sa kanilang relihiyon o kultura.
Hindi ako pabor sa sex education sa paaralan dahil mas nararapat itong talakayin sa loob ng pamilya upang masiguro na ang tamang values at pananaw ang naipapasa sa mga bata.
Hindi ako sang-ayon sa pagpapatupad ng sex education dahil maaaring magkaroon ng maling interpretasyon ang ibang estudyante at isipin nilang normal lang ang pakikipagtalik kahit hindi pa sila handa.
Princess Cazandra M. Jimlah
Iginuhit ni: Febbie Kates A.
Bulgaran
Gian Carl D. Magbanua - Grade 12 STEM 1
Maricris Barron - Grade 12 ABM 1
Franches Lad Antonio - Grade 10 STE 1
Ma. Allen Grace Estoquia - Grade 11 ADS
Angela U. Casiple - Grade 12 STEM 2
James Jian B. Eslabon - Grade 11 STEM 1
Sittie Ashleyah Impao - Grade 12 HUMSS 6
Racel F. Lintabo - Grade 12 TVL 1
OPINYON
Arnie T. Waje
Ayuda Solusyon sa Kahirapaan o Dulot ay Katamaraan?
Sa gitna ng lumalalang krisis sa ekonomiya, patuloy ang pamimigay ng ayuda. Hindi maitatangging may naitutulong ito, sa gutom, sa kahirapan, sa walang-wala. Ngunit hanggang kailan tayo aasa sa limos? Ang ayudang dapat ay panandalian, nagiging pangmatagalang tanikala.
Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., binigyang diin ang pagtatatag ng AKAP (Ayuda sa Kapos ang Kita Program at TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) na kung saan ay mga bagong programang may layuning magbigay ng tulong sa mga Pilipino na itinuturing na “minimum wage earners”, mahihirap, “near poor”, at mga nasa “informal economy”. Gayun nga, ito’y naging abot kamay na pag-asang pinanghahawakan ng ating mga kababayan na nais makaalpas sa masalimoot na pamumuhay.
Gayun nga, maliwanag sa atin na ang ganitong hakbang ay kislap ng pagasa sa mata ng mamamayan na ang AKAP at TUPAD ay naglalayong tulungan tayo sa gitna ng kagipitan ngunit huwag sana
Bagsik ng Dila
maging bulag sa katotohan.
Ayon sa The Manila Times, umabot na sa 63% ang self-rated poverty noong Disyembre 2024, pinakamataas sa loob ng 21 taon! Paunti ang trabaho, bumababa ang sahod, pero lumalaki ang ayudang ibinibigay. Sapat ba ang TUPAD kung pagkatapos ng ilang araw, balik sa kawalan ang tao?
Samantala, walang pondo para sa PhilHealth, pero may bilyon para sa ayuda. Kulang ang badyet sa ospital, pero mabilis ang pondo para sa ayuda, kapag pangkalusugan naman, kapos ngunit kapag eleksyon, biglang sagana.
Ayuda: Sandalan o Estratehiya?
Huwag tayong magbulag-bulagan. Mahalaga ang ayuda, ngunit kung ito’y ginagamit bilang pangako, hindi bilang solusyon, may mali. Dapat itong magsilbing tulay sa mas maunlad na buhay hindi pain upang manatili sa kahirapan.
Ang tunay na malasakit ay hindi pamumudmod ng barya kundi pagbibigay ng trabaho. Hindi ito pag-aabot ng sobre
kundi pagsigurong may dignidad ang bawat manggagawa. Hindi ito pangakong nauubos sa eleksyon kundi sistema ng serbisyong pangkalusugan at edukasyong abot-kamay ng lahat.
Tunay rin naman na ang tunay na pagbabago ay nakikita sa kung papaano ang pagtingin at pananaw natin sa mga ayudang tinatanggap natin ngunit hindi ba’t mas praktikal ang ilaan nalang ito sa mga programang alam nating hindi na kinakailangang magdalawang isip kung saan at papaano ito gagamitin?
Ang tunay na solusyon ay hindi ayuda o pera, kundi oportunidad sa trabaho na tunay na madarama. Serbisyong pangkalusugan na laging maaasahan, at edukasyong dekalidad na maghahatid ng kaalaman.
Sa halip na umasa sa tulong na panandalian, bakit di magtayo ng pundasyon na pangmatagalan? Isang lipunang nagkakaisa’t sama-samang kumikilos, upang maiahon ang bayan sa kahirapan nang tuluy-tuloy at maayos.
Lider ng Bayan: Iboboto o Ibabato?
Pilipinas, kung makapagsasalita lamang ang Inang Bayan sasabihin nitong “Pagod na ako sa mga taong nagbubulagbulagan sa katotohanan”.
Matagal nang usap-usapan sa bayan ang mabahong pamamahala. Kahit sino, puwedeng tumakbo, basta may pera at apelyido. Ang posisyon sa gobyerno ay tila laruan na ipinapasa-pasa, habang ang mamamayan ay nananatiling bihag ng maling sistema. Patuloy ang pag-upo ng mga walang kakayahan, at ganid sa kapangyarihan.
Hanggang kailan tayo magtitiis sa mga lider na ang tanging kuwalipikasyon ay apelyido at pera lamang? Ilang eleksyon na ang lumipas, ngunit paulit-ulit at pabalik-balik sa bayan, probinsya at maging sa mataas na katungkulan. Kung pagmamasdan ay lantaran tayong nililinlang ng mga politikong wala namang laman.
Katunayan, ang isang tunay na pinuno ay hindi ipinapanganak sa yaman o pangalan, ito ay hinuhubog sa prinsipyo, talino, at may tunay na malasakit sa bayan!
Nakagagalit na kahit sino, basta Pilipino, marunong bumasa at sumulat, rehistradong botante, at isang taon ng residente, ay puwedeng tumakbo bilang lider ng bayan o probinsya ayon yan sa Republic Act No. 7160 na kilala bilang Local Government Code of 1991, sa ilalim ng Book I, Title II, Chapter 1, Section 39. Ganito kababaw ang kuwalipikasyon, kaya hindi nakapagtataka kung bakit napupuno ang gobyerno ng mga politikong walang alam sa batas, ekonomiya, at tunay na
pamamahala.
Nakasusuka!
Gayunpaman, ang tunay na lider ay hindi natatakot sa laban, hindi taksil sa prinsipyo, at hindi balimbing sa kapangyarihan. Hindi puwedeng nakaupo lang sa opisina habang ang mamamayan ay nagugutom at lugmok sa kahirapan. Ang isang pinuno ay dapat lumalaban, nag-iisip, at kumikilos para sa kapakanan. Higit sa lahat, may napatunayan, may diploma at pinag-aralan!
Tama na ang panlilinlang, tama na ang kasinungalingan. Ang gobyerno ay hindi negosyo, hindi gantimpala kundi tungkulin. Hindi dapat umuupo sa kapangyarihan ang mga walang napatunayang kakayahan huwag nating ibigay sa kanya ang kapangyarihang magdikta sa ating kinabukasan.
Huwang iboto kundi ibato upang hindi makapanggulo!
Ibasura…
Sapagkat ang nais lang ng Inang Bayan ay ang makita ang kanyang pamayanan na hindi nagdurusa kundi tangan ang pagasa, umuusad, umaangat, may pakikikagkapuwa, at malasakit para sa isang mas maliwanag na bukas.
Dinggin ang hiyaw ng isang bayang nagsusumamo, nagmamakaawa at naghihinagpis. Kaawaan ang bayang sinilangan na kanlungan ng mamamayang nagmamahal sa Inang Bayan. Huwag sanang lapastanganin ang mga ginawa ng mga bayaning walang hinangad kundi kapayapaan at kasaganaan sa bansa.
Pilipinas, huwag ka sanang ma-agnas.
Dalangin ni Juan
Aming mapagpalang Maykapal, Sa nalalapit na eleksyon, muli na naman po naming ipagkakatiwala ang kinabukasan ng aming bayan sa mga taong may matatayog na pangarap hindi para sa amin, kundi para sa kanilang sariling kapakanan. Kami po ay lumalapit sa Inyo, hindi lang upang humingi ng gabay, kundi upang manalangin na sana, sana naman, may mangyaring himala.
Panginoon, nawa’y liwanagan Niyo po ang aming mga kababayan huwag po sanang sa araw ng eleksyon lang, kundi bago pa sila masilaw sa perang ipinamimigay ng mga politiko. Bigyan Niyo po sila ng mas matibay na prinsipyo kaysa sa sampung kilong bigas, limang daang piso, at libreng t-shirt na may mukha ng kandidato. Hinihiling din po namin na sana, sa pagkakataong ito, ay magkaroon naman ng tunay na debate hindi yung sagutan ng scripted na sagot, kundi sagutang may laman, hindi puro patawa, palusot, at pagbabalatkayo. Nawa’y matapos na po ang kultura ng “pogi points” at popularidad, at palitan ito ng tunay na kakayahan at malasakit.
Panginoon, basbasan Niyo rin po ang aming mga mahal na pulitiko. Bigyan Niyo sila ng lakas ng loob upang kahit halata na ang kanilang kawalan ng plataporma, kaya pa rin nilang ngumiti at sabihin, “Ako ang sagot sa problema ng bayan!” Huwag Niyo pong hayaang kapusin sila sa pangako, lalo na yung mga hindi naman nila magawang tuparin. Kung maaari, bigyan Niyo po sila ng konting kahihiyan, baka sakaling may isa o dalawa sa kanila ang umatras na lang kung wala naman silang balak maglingkod nang totoo.
O Diyos, alam naming hindi ito madali, pero baka naman po pwedeng subukan nating buwagin ang mga political dynasty. Ilang henerasyon na po kaming nagpapalit lang ng apelyido sa gobyerno, pero pareho pa rin ang resulta ng mga nasa pwesto. Patuloy pa ring tumutingala ang mga kababayan ko sa mga namumunong animo’y pinapakita ay totoo.
Sa huli, Panginoon, kung hindi man po mabago ang sistema, sana man lang po ay mas gumaling ang taumbayan sa pagboto. Turuan Niyo kaming maging mas mapanuri, mas matalino, at mas handang ipaglaban ang aming kinabukasan. Kung hindi, baka sa susunod na halalan, ito na lang ulit ang aming panalangin: “Panginoon, bahala Ka na po sa amin… Kasi mukhang hindi na namin alam ang aming ginagawa.”
Sa pangalan ng bawat Pilipinong umaasang may pagasa pa, Amen.
Ang Totoong Kuwento
Iginuhit ni: Febbie Kates A. Silabay
Maricris Barron
Impeachment ni VP Duterte: Pagkakaisa o Pagkakawatakwatak?
Ang impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte ay nagdudulot ng matinding pagkakahati sa bansa. Ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Disyembre 12-18, 2024, 41% ng mga Pilipino sumusuporta sa impeachment habang 35% ang tutol, at 19% ang hindi tiyak.
Ipinapakita nito na malaking bahagi ng populasyon ang naniniwalang dapat managot si Duterte sa mga alegasyon laban sa kanya. Sa kabilang banda, may mga grupong mariing tumututol sa impeachment. Noong Enero 13, 2025, mahigit isang milyong miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) ang nagtipon sa Maynila upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa impeachment ni Duterte. Ayon sa kanila, ang hakbang na ito ay nagdudulot lamang ng kaguluhan at pagkakawatak-watak sa bansa. Dumalo rin sa pagtitipon si dating Maynila Mayor Isko Moreno, na nanawagan para sa pagkakaisa at kapayapaan. Ang impeachment, nakasaad sa Artikulo XI, Seksyon 2 ng Saligang Batas ng Pilipinas, nagsisimula sa Mababang Kapulungan, kung saan sinumang miyembro o mamamayan ay maaaring magsampa ng reklamo. Sa kasong ito, tatlong reklamo ng impeachment ang naisampa laban kay Duterte kaugnay sa umano’y maling paggamit ng confidential funds.
Ayon kay Richard Heydarian, kilalang political analyst, ang mga kaganapang ito nagpapakita ng lalim ng hidwaan sa pagitan ng mga pangunahing pwersang pampulitika sa bansa. Binanggit din niya na ang mga pahayag ni Duterte, tulad ng pagbabanta na mag-hire ng hitman laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagdulot ng karagdagang kontrobersiya at pagdududa sa kanyang kakayahang mamuno.
Sa kabila ng mga alegasyon, may mga eksperto nagsasabing ang mga nagawang pagkakamali ni Duterte noong siya alkalde pa lamang hindi maaaring gawing batayan para sa impeachment sa kanyang kasalukuyang posisyon bilang Pangalawang Pangulo. Ito ay nagdudulot ng malaking tanong: Ang mga nakaraang pagkakamali ba ng isang opisyal ay dapat bang makaapekto sa kanyang kasalukuyang posisyon?
Sa kabila ng lahat ng ito, ang tunay na tanong na dapat sagutin ng bawat Pilipino ay kung paano natin masisiguro na ang proseso ng impeachment ay mananatiling tapat, makatarungan, at hindi magiging instrumento ng pansariling kapakinabangan ng sinuman. Habang ang mga mamamayan ay nagkakaroon ng kanya-kanyang opinyon, mahalaga na ang ating mga institusyon ay magpatuloy na magtrabaho nang may integridad at malasakit sa nakararami. Ang mga kaganapang ito ay isang mahalagang pagsubok sa ating bansa. Ang tamang pag-gamit ng demokratikong mga proseso, pati na rin ang pagpapakita ng malasakit sa bayan, ay mga hakbang na dapat magsanib upang hindi maging sanhi ng mas malalim na hidwaan, kundi magbigay daan sa mas matatag na pundasyon ng ating sistema ng pamamahala.
Sa huli, ang impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte ay isang pagsubok sa ating sistemang pampolitika at sa kakayahan ng bansa na harapin ang mga hamon ng demokrasya. Ang tanong ngayon: Paano natin masisiguro na ang proseso ng impeachment ay magiging patas at makatarungan, at hindi magiging kasangkapan ng politikal na paghihiganti? Sa panahon ng matinding pagkakahati, mahalaga na manatiling mapanuri at mapagbantay ang bawat mamamayan upang mapanatili ang integridad ng ating demokrasya.
Iisa pa ba tayo sa PAGKAKAISA?
Sa mga nakaraang taon, ang pagbuo ng Uniteam nina Vice President Sara Duterte at President Ferdinand Marcos Jr. ay nagsilbing simbolo ng pagkakaisa at lakas sa mata ng nakararaming Pilipino. Sa isang bansa na patuloy na hinaharap ang mga hamon ng politika, ang alyansang ito ay ipinakita bilang sagot sa pangangailangan ng isang matibay na pamumuno. Ngunit ngayon, sa kabila ng mga pangako ng pagkakaisa at pagtutulungan, ang kanilang pagkakawatak-watak ay nagiging paalala ng mga limitasyon ng mga alyansang pinapanday lamang sa ibabaw ng mga interes at mga ambisyon.
Sa mga paaralan tulad ng Isulan National High School (INHS), kung saan ang mga kabataan ay nagsisimula pang magtakda ng kanilang pananaw sa mundo, isang mahalagang aral ang lumitaw mula sa kabiguan ng Uniteam. Hindi tulad ng mga payak na proyekto o gawain sa paaralan na nagsisilibing pagkakaisa ng mga magaaral, ang politika at mga alyansa ay
hindi laging tungkol sa pagpapakita ng magagandang imahe o pagsangayon sa bawat hakbang. Sa halip, ito ay tungkol sa pagtutulungan, pagpapatawad, at pag-unawa sa mga pagkakaiba.
Ang pagkakawatak ng Uniteam ay isang malaking hamon sa mga kabataan ng INHS at ng buong bansa. Saksi tayo sa isang pamunuan na nagbukas ng pinto ng mga pangarap ngunit ngayon ay nagiging dahilan ng pagdududa at panghihina ng loob ng mga mamamayan.
Ang katanungan?!
Ano ang mangyayari kapag ang pangako ng pagkakaisa ay hindi natupad?
Ano ang mensahe nito sa mga kabataan na sana ay magsisilbing liwanag ng bayan?
Bilang mga mag-aaral, tayo ang magdadala ng susunod na henerasyon. Ang pagkakaroon ng tamang pananaw tungkol sa pagkakaisa at pagkakaiba ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos na lipunan. Ang tunay na pagkakaisa ay hindi nakasalalay lamang sa mga pangako, kundi sa mga
kongkretong hakbang na nagpapakita ng malasakit, pagtutulungan at pagmamahal sa bayan. Kung ang mga lider ng bansa ay hindi kayang magkaisa, paano pa kaya tayo bilang mga mag-aaral at mamamayan?
Ang mga kabataan, tulad ng mga mag-aaral sa INHS, ay dapat maging kritikal at mapanuri sa mga nangyayari sa ating paligid. Ang mga isyung tulad nito ay hindi lamang kuwento ng mga politiko, ito ay tungkol sa ating kinabukasan.
Sana, sa pagkakawatak-watak ng Uniteam, magtulungan tayo upang muling buoin ang mga pira-piraso ng ating bansa. Ang tunay na pagkakaisa ay nagsisimula sa maliliit na hakbang, sa bawat klase, bawat proyekto, at bawat hakbang na isinusulong natin bilang kabataan.
Bilang paalala, ang Uniteam ay nagbigay ng isang mahalagang paalala: Ang pagkakaisa ay hindi laro ng kapangyarihan, kundi pananagutan na kailangan ng bawat isa. Ikaw anong sey mo?
Pagbubuhay ng Kaluluwa
Espirituwal na aspekto, mahalaga pa ba?
Ang pagpapahalaga sa espirituwal na aspekto ng buhay sa mundong mabilis nagbabago at pinapatakbo ng teknolohiya ay tila nauurong sa kabataan kabilang na ang mga magaaral ng Isulan National High School (INHS). Namasid ng ilang mga guro na madalas ang pagtutok ng mga magaaral sa kanilang mga akademikong asignatura, mga gadgets, at iba’t ibang social media platforms tulad ng facebook, Instagram at Tiktok kaysa sa kanilang espirituwal na pag-unlad. Ngunit sa kabila ng mabilis na takbo ng buhay, mahalaga pa ba ang espirituwal na aspekto sa isang paaralan tulad ng INHS?
Hindi natin maitatanggi na ang espirituwal na aspekto ay may malalim na epekto sa pagkatao ng isang kabataang tulad ko. Hindi ito tungkol lamang sa relihiyon, kundi sa mga pagpapahalaga, moralidad, at ang paghubog sa ating karakter. Ang mga mag-aaral ng INHS ay nahaharap sa mga pagsubok na dulot ng paglipas ng panahon, mga pagdedesisyon sa kanilang mga personal na buhay, pamilya, at komunidad.
Sa gitna ng lahat ng ito, isang mahalagang sandigan ang espirituwal na buhay na magsisilbing gabay sa kanilang mga hakbang.
Ang espirituwalidad ay hindi lamang naglilimita sa mga relihiyosong
aktibidad tulad ng pagdalo sa misa o pagdarasal. Ito ay ang pagkakaroon ng malasakit at respeto sa kapuwa, ang pagpapakita ng kabutihang-asal, at ang pagpili ng tamang desisyon sa harap ng mga pagsubok.
Sa pamamagitan ng mga gawaing nagpapalago ng espirituwal na pananaw, tulad ng mga “interfaith dialogues” at mga retreat, natututo ang mga mag-aaral ng INHS kung paano maging responsable at makatarungan, hindi lamang sa kanilang pamilya kundi pati na rin sa komunidad.
Ang pagpapahalaga sa espirituwal na aspekto ng buhay ay hindi rin nangangahulugang tinatalikuran ang mga makabagong bagay. Sa halip, ito ay balanse. Ang espirituwalidad ay nagbibigay ng direksyon at layunin na siyang magsisilbing gabay sa tamang paggamit ng teknolohiya at sa pagpili ng mga wastong kaibigan at wastong gawain.
Ang mga mag-aaral ng INHS ay nasa yugto ng kanilang buhay kung saan ang mga prinsipyo at paniniwala ay nahuhubog kaya’t napakahalaga na matutuhan nila kung paano maglakbay sa mundong puno ng impormasyon at impluwensya mula sa iba’t ibang aspekto ng buhay.
Ang mga magulang, guro, at mga lider ng paaralan ay may mahalagang papel sa pagpapaigting ng espirituwal
na aspekto ng buhay naming kabataan. Mahalaga ang espirituwal na aspekto hindi lamang para sa mga magaaral ng INHS kundi para sa buong komunidad. Sa kabila ng mga hamon, ang espirituwal na buhay ay patuloy na magsisilbing ilaw at lakas na magpapaalala sa mga mag-aaral ng INHS kung ano ang tunay na halaga ng buhay tulad ng pagmamahal sa Diyos, sa kapuwa, at sa bayan.
Baka maaari nating ibalik ang pagkakaroon ng misa, pagsamba at sambayang sa paaralan ng sabay-sabay kahit isang beses lang man kada buwan bilang unang hakbang sa pagpapalago ng aming espirituwal na aspekto. Pakinggan niyo nawa ang aming mga hinaing.
Sa mabilis na pag-usad ng mundo at ang pag-usbong ng teknolohiya, hindi dapat mawala ang koneksyon ng kabataan sa kanilang espirituwal na paglalakbay. Ang pagtutok sa mga aktibidad na nagpapalalim ng pananampalataya at pagpapahalaga sa moralidad ay makakatulong sa paghubog ng mas may malasakit, may respeto, at may direksyong henerasyon. Hindi ito hadlang sa pag-unlad, kundi isang sandigan na magbibigay ng tamang gabay upang harapin ang mga hamon ng makabagong panahon nang may matibay na pundasyon ng pananampalataya at magandang asal.
Samantha Raine Talaban
Princess Cazandra Jimlah
Bulgaran
Iginuhit ni: Febie Kates A. Silabay
Zaleha A. Saban
Isip-isip
Iginuhit ni: Rhenzy Dave Navarro
Walang dISIPlina, kanino iaasa?
Nice Jelaica Romero
Sa loob ng paaralan, madalas nating makita ang mga estudyanteng walang pakialam sa kanilang paligid, mga nagtatapon ng basura kung saan-saan, hindi marunong sumunod sa simpleng patakaran, at madalas lumiliban sa klase. Sa kabila ng mga paalala ng guro at patakarang ipinatutupad, patuloy pa rin ang ganitong gawain. Ngunit ang tanong, bakit maraming estudyante ang walang disiplina?
Ang sagot ay malinaw, ang disiplina ay hindi lamang pananagutan ng paaralan, kundi dapat nagsisimula sa loob ng tahanan. Ang isang bata na lumaki sa pamilyang tinuturuan ng tamang asal at responsibilidad ay hindi mahihirapang dalhin ito sa eskuwelahan. Kung sa bahay pa lang ay nasanay na siyang magkalat dahil laging may naglilinis para sa kanya, hindi na nakapagtatakang hindi rin siya marunong magtapon ng basura sa tamang kinanalagyan sa paaralan. Kung hindi siya tinuturuan ng kanyang magulang na pahalagahan ang edukasyon, madali
Sulat sa Editor
Magandang araw po.
lang para sa kanya ang lumiban sa klase at hindi isapuso ang pag-aaral. Hindi puwedeng isisi lahat sa paaralan ang kawalan ng disiplina ng isang estudyante. Hindi ito simpleng responsibilidad ng mga guro, kundi isang malalim na tungkulin ng bawat magulang. Walang saysay ang paulit-ulit na paalala kung mismo sa loob ng bahay ay hindi na tinuturuan ang bata ng wastong asal. Kung sa murang edad ay napapabayaan na ang tamang paggabay, paano pa kaya sa paglaki? Hindi lang ang eskuwelahan ang dapat may alituntunin, kundi pati ang mismong tahanan.
Ngunit hindi lang ito tungkol sa mga magulang. Bilang mga estudyante, may responsibilidad din tayong matuto ng disiplina sa ating sarili. Hindi kailangang laging may guro o magulang na magbabantay para gawin ang tama. Ang simpleng pagtatapon ng basura sa tamang lugar, pagsunod sa alituntunin ng paaralan, at pagpasok sa klase nang hindi lumiliban ay mga
simpleng bagay na sumasalamin sa ating pagkatao. Hindi ito para sa eskuwelahan lang, kundi para sa ating kinabukasan bilang responsableng mamamayan. Ang disiplina ay hindi natuturo sa isang araw, ito ay hinuhubog mula pagkabata. Kaya kung nais nating magkaroon ng mas maayos at responsableng mga mag-aaral, kailangang magsimula ito sa loob ng tahanan. Hindi puwedeng iasa lahat sa paaralan ang lahat ng bagay. Ang tunay na pundasyon ng pagiging mabuting mamamayan ay hindi sa silid-aralan unang natutuhan, kundi sa sariling tahanan kung saan unang hinuhubog ang pagkatao ng isang bata. Kung nais natin ng isang maunlad na bansa na puno ng mamamayang may disiplina, hindi natin ito makakamit kung sa pinakaunang hakbang pa lang, sa loob ng ating tahanan, ay palpak na ang saligan. Kaya ngayon pa lang, bago natin sisihin ang sistema o ang paaralan, tanungin muna natin ang ating sarili: Tayo ba mismo ay may disiplina?
Nais ko pong ipahayag ang aking pagkabahala sa lumalalang problema ng basura sa Isulan National High School. Patuloy ang pagdami ng kalat sa paligid ng paaralan, na hindi lamang nakakasira sa ating kapaligiran kundi maaari ring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan ng mga mag-aaral at guro. Nais kong humingi ng payo at suhestiyon mula sa inyong malasakit na pahayagan. Paano ko masusubaybayan at maipauunlad ang kanyang kakayahan sa pagbasa? Ano ang mga maaaring gawin sa tahanan upang mas mapalalim ang kanyang pang-unawa sa mga teksto?
Sa ganitong sitwasyon, nais ko pong humingi ng suhestyon kung paano natin maaaring mabawasan ang basura sa paaralan, lalo na ang mga plastik na balot at iba pang basurang hindi madaling matunaw. Paano po natin epektibong ipapatupad ang pagbabawal sa paggamit ng plastik sa paaralan? At paano natin masisigurong ito ay masusunod ng lahat?
Lubos akong nagpapasalamat sa inyong oras at pag-unawa sa ating kasalukuyang sitwasyon. Umaasa ako na mabibigyang pansin ito upang sama-sama nating mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa ating paaralan.
Lubos na gumagalang, Hariette Aethra Pojol 12 STEM-2
sa Editor
Mahal na Hariette, Maraming salamat sa iyong liham at sa pagpapakita ng malasakit sa kalinisan ng ating paaralan. Tunay ngang ang problema sa basura, lalo na ang paggamit ng plastik, ay isang seryosong isyu na dapat bigyan ng agarang solusyon. Bilang tugon, ipinapaalam namin na nagsasagawa ang administrasyon ng ating paaralan ng mahigpit na patakaran sa pagbabawas ng plastik. Kabilang dito ang pagpapalakas ng kampanya para sa paggamit ng reusable containers at eco-friendly na pambalot ng pagkain. Mahigpit din naming ipapatupad ang pagbabawal ng single-use plastic sa kantina at iba pang bahagi ng paaralan. Upang masiguro ang pagsunod sa patakarang ito, kami ay magsasagawa ng regular na inspeksyon at pagbibigay ng impormasyon sa mga mag-aaral tungkol sa tamang pamamahala ng basura. Makikipagtulungan din kami sa mga magulang, guro, at estudyante upang sama-samang mapanatili ang kalinisan sa ating paaralan. Salamat sa iyong pagmamalasakit. Umaasa kaming makakaisa ka namin sa pagsulong ng mas malinis at mas disiplinadong paaralan.
Lubos na gumagalang, Princess Cassandra Jimlah
Matatag Curriculum: Reporma o Pasanin?
Princess Cazandra Jimlah
Ang Matatag Curriculum ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay isa sa pinakamalaking reporma sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas noong panahon ni dating Kalihim ng Edukasyon at Pangalawang Pangulo Sara Z. Duterte. Tunguhin ng bagong kurikulum na ito na gawing episyente, makabuluhan, at angkop sa interes ng mga mag-aaral ang kurikulum. Habang may mga positibong aspekto ito, hindi maiiwasan ang mga pangamba at pagtutol mula sa iba’t ibang sektor. Ang tanong ng karamihang mag-aaral at magulang ng Isulan National High School ay kung tunay nga ba itong solusyon sa mababang kalidad ng edukasyon o isa na namang dagdag na pasanin para sa mga guro, mag-aaral, at magulang?
Para sa mga sumusuporta sa kurikulum, ito ay mahalagang hakbang tungo sa pagpapabuti ng sistemeng edukasyonal ng bansa. Isa sa mga pangunahing katangian nito ay bawasan ang sobrang bilang ng mga aralin na hindi na mapapakinabangan sa realidad ng buhay. Sa pamamagitan ng pinaikli ngunit pinagandang kurikulum, magkakaroon ng pokus sa mahahalagang kasanayan tulad ng pag-unawa sa binabasa, numeracy, at kritikal na pag-iisip. Makatutulong din ito upang hindi na matambakan ng mga impormasyong hindi na kailangan ng mga mag-aaral na kadalasang nagiging sanhi ng karagdagang gawain sa kanilang pag-aaral.
Bukod dito, sinasabing mas makapaghahanda ang mga mag-aaral sa hinaharap dahil mas binibigyangdiin ng bagong kurikulum ang kasanayan sa pagkatuto. Sa halip na puro teorya, sinisigurado nitong ang mga mag-aaral ay may praktikal na kasanayan na magagamit sa kanilang piniling larang. Kasabay nito, isasama rin sa pagtuturo ang makabagong teknolohiya upang mas gawing epektibo ang edukasyon. Ayon sa mga sumusuporta, ito ang wastong direksyon para sa mas kalidad na pagkatuto.
Gayunpaman, may mga bumabatikos sa Matatag Curriculum anila hindi ito tunay na solusyon sa suliranin sa edukasyon. Hindi naman ang mismong kurikulum ang pangunahing dahilan ng mababang kalidad ng edukasyon sa bansa, kundi ang mga isyung hindi pa rin natutugunan tulad ng kakulangan ng mga silid-aralan at mababang sahod ng mga guro. Kung hindi ito matutugunan, walang malaking pagbabago ang maidudulot ng Matatag Curriculum. Bukod pa rito, may pangamba rin na hindi pa handa ang mga paaralan sa biglaang pagpapatupad ng bagong kurikulum. Maraming guro ang nangangamba na ito ay magdudulot lamang ng karagdagang gawain para sa kanila, lalo na kung hindi sila mabibigyan ng sapat na pagsasanay upang maipatupad nang maayos ang mga pagbabagong ito. Karagdagan, maaaring mahirapan din ang mga magulang sa pagsuporta sa pag-aaral ng kanilang mga anak, lalo na kung magiging mas komplikado ang mga bagong paraan ng pagtuturo. Sa pangkalahatan, ang Matatag Curriculum ay hakbang tungo sa pagbabago, ngunit hindi ito dapat tingnan bilang tanging solusyon sa mga suliranin ng edukasyon sa bansa. Mahalaga ang reporma subalit higit na mahalaga ang maayos na pagpapatupad, sapat na suporta sa mga guro, at ang pagbibigay ng sapat na pondo sa mga paaralan. Kung hindi ito masusunod, maaaring mauuwi lamang ito sa panibagong suliranin sa halip na solusyon sa matagal nang problema sa edukasyon.
Tugon Mula
Kuwento ng Gurong nagtuturo ng Liwanag sa kabila ng kadiliman
Sa kabila ng dilim, may pag-asa at kaalaman, sa kabila ng pagkawala.
Habang ang iba ay nagtatago sa dilim ng kanilang pinagdadaanan, may mga tao pa ring patuloy na nagsisilbing liwanag sa kabila ng lahat ng pagsubok. Isa na rito si Maria Lyn Barrera, isang guro mula sa Isulan National High School. Sa kabila ng malupit na dagok sa kanyang buhay ay patuloy na nagtuturo at naging gabay sa kabataan.
Isang Mata, Isang Laban
Sa isang maaliwalas na araw, habang abala sa mga gawaing bahay, napansin ni Maria Lyn na may kakaibang pangyayari sa kanyang mata. Ang mataas na presyon ng dugo ay nagdulot ng pagkakaroon ng problema sa kanyang isang mata. Sa kalaunan, ito ay naging sanhi ng glaucoma at pagkabulag sa kanyang isa pang mata.
Sa kabila ng mga suliranin, hindi nawalan ng pag-asa si Maria Lyn. “Wala kami kwarta sadto nga time so wala namon gi pa operahan dayon,” aniya. “Sang naipa-check up na, ginhambalan sang doktor nga ‘di na mabulong, bulag na gid ko.”
Hindi naging hadlang ang kanyang kalagayan upang itigil ang kanyang misyon bilang guro. Nang tanungin siya kung ano ang nagpapatuloy
Huwag Magsawa, Huwag Sumuko
Sa mga kabataan na tinuturuan ni Maria Lyn, siya ay isang halimbawa ng hindi pagsuko sa kabila ng lahat ng mga pagsubok. Sa kabila ng pagkabulag, hindi siya nagpatinag. Ang kanyang mga hakbang ay mabigat ngunit may mga dahi lan kung bakit siya patuloy na lumalakad. Ang kanyang kuwento ay patunay na ang pagnanasa sa pagtulong at ang pagmamahal sa mga bata ay maaaring magtagumpay kahit na sa pinaka madilim na bahagi ng buhay.
Ang kuwento ni Maria Lyn Barrera ay nagsisilbing paalala sa atin na hindi kailanman magiging hadlang ang mga pagsubok sa pag-abot ng ating mga pangarap, lalo na kung ang ating misyon ay maghatid ng liwanag sa iba.
Si Maria Lyn ay hindi lamang isang guro, siya rin ay isang ina na may malaking respon sibilidad. Ang kanyang buhay ay puno ng mga sakripisyo ngunit ang kanyang mga anak at ang mga kabataan sa kanyang paaralan ang naging pangunahing dahilan ng kanyang patuloy na pagbangon.
“Mahalaga sa akin ang pagtuturo,” dagdag pa niya. “Kahit hindi ko na makita ang mundo ng buo, alam kong ang pagtuturo ay isang paraan upang matulungan ang mga bata na magtagumpay sa kanilang buhay.”
Tulad ng isang ilaw sa dilim, si Maria Lyn ay patuloy na nagbibigay ng liwanag sa mga kabataang nangangailangan. Sa bawat aralin, hindi lang siya naglalaman ng kaalaman, kundi ng malalim na pag-unawa sa buhay. Para kay Maria Lyn, ang pagtuturo ay hindi lang isang trabaho. Ito ay isang misyon, isang pang-
AI ang gabay, stampede babye!
Sa kabila ng pagsubok na dulot ng kanyang kapansanan, patuloy ang pagkislap ng bituin ng Isulan, Sultan Kudarat. Si Gilbert Romero, 16 na taong gulang at mag-aaral ng ikasiyam na baitang ng Isulan National High School ay patunay na ang kapansanan ay hindi hadlang sa pagkamit ng pangarap. Humahalimbawa sa tapang at dedikasyon. Kilala si Gilbert hindi lamang sa kanyang mga natatanging talento, kundi pati na rin sa kanyang hindi natitinag na pagnanais na makamit ang tagumpay sa kabila ng kanyang iniindang kalagayan bilang isang bulag. Lumaki si Gilbert na may kapansanan sa paningin at hindi naaninag ang sikat ng araw kahit isang beses man lamang ngunit hindi ito naging pader na pumagitna sa kanya upang tuparin ang kanyang mga pangarap.
Sa murang edad na anim, natuklasan ni Gilbert ang kanyang talento sa pagkanta, isang biyayang ginamit niya upang magbigay-inspirasyon sa ibang tao. Sa kabila ng kanyang kapansanan, hindi kailanman nawala kay Gilbert ang nagpupumiglas niyang pagmamahal sa musika. Ayon sa kanya, ang kanyang pamilya at mga tagasuporta ang nagsilbing inspirasyon sa bawat kanta na kanyang inaawit. “Ang aking pamilya at mga sumusuporta sa akin ang nagbibigay ng lakas at dahilan upang ako ay magpatuloy.”
Ikinuwento niya na sa tuwing kumakanta ay napapawi ang lungkot na kanyang nadarama. “Maganda sa pakiramdam ko ang pagkanta dahil napapalitan nito ang lungkot ng kasiyahan na aking nadarama lalo na kung naririnig ko ang kanilang mga palakpak.” pahayag ni Gilbert
Bagama’t may kapansanan, hindi niya kailanman itinuring itong hadlang sa kanyang talento at pangarap. “Hindi.” Matapang na sagot niya nang tanungin kung ang kanyang kalagayan ay naging balakid. Sa halip, ginamit niya ito bilang inspirasyon upang ipakita sa mundo ang kanyang kakayahan na ibinigay ng Diyos sa kaniya. Kahit na hindi nakakikita gamit ang mata,
Katunayan, isa siya sa mga pangunahing miyembro ng kanilang simbahan sa Isulan. Sa tuwing may mga pagsamba at aktibidad sa paaralan maririnig ang kanyang tinig, ang malakas at tamang ritmo ng drums na pinatutugtog ng kanyang mga kamay kaya ang kanyang mga kasamahan sa simbahan at sa paaralan ay tumitingala hindi lamang bilang isang magaling na mang-aawit at musikero kundi bilang simbolo ng tagumpay at pagpapakita ng tunay na halaga ng hindi pagsuko sa ano mang hamon.
Ibinahagi rin ni Gilbert ang kanyang pangarap na maging isang IT professional sa hinaharap. Aniya, “Pangarap ko na maging isang sikat na IT Professional.” Sa ngayon, patuloy na nagsasanay si Gilbert sa pagtugtog ng drum at pag-awit ngunit higit pa rito nais niyang magsilbing inspirasyon sa iba pang kabataan na may kapansanan. “Kung katulad ko kayo na may kapansanan, huwag kayong mahiya na ipakita ang inyong talento. Kung kaya ko, kaya niyo rin!” buong tapang na pagmamalaki ni Gilbert.
Ang kuwento ni Gilbert Romero ay isang inspirasyon na sa kabila ng mga limitasyon, walang imposible para sa pusong puno ng pangarap. Sa kanyang musika at determinasyon, patuloy siyang nagiging liwanag sa dilim. Isang paalala na ang tagumpay ay para sa lahat ng may tapang na sumubok at magsumikap.
“Ako si Gilbert. Isang bulag, ngunit hindi kailanman nawalan ng liwanag sa puso at isipan. Maraming nagsasabing mahirap ang buhay para sa tulad ko, at totoo iyon. Ngunit sa bawat hamon, natutuhan kong makita ang mundo sa mas malalim na paraan, hindi sa pamamagitan ng mata, kundi sa pamamagitan ng puso.”
Noong 1954, mahigit 400 katao ang namatay sa Kumbj Mela sa unang araw pa lamang ng piesta dahil sa hindi inaasahang aksidente rito. Isa ito sa mga kumalat na balita noong naganap ito. Dahil sa aksidente at pagkamatay ng mga tao, ginawan ng solusyon ng India at naisipan nilang gumamit ng matalinong AI upang mapanatiling maayos ang mga kalsada at gusali habang nagaganap ang pagtitipon.
Isang police officer na nagngangalang Amit Kumar ang AI daw ay makatutulong sa kanila upang maiwasan ang mga problema habang nagaganap ang pagtitipon. Ginagamit din nila ang AI upang masubaybayan ang dami at daloy ng mga tao, na kung saan binabantayan din nila ang mga iba’t ibang pasukan.
Ang mga polisya ay naglagay ng mahigit 300 cameras sa festival site at sa mga gusali upang mapanatiling kalmado ang mga tao. Ang command at control room din ay ginagamit ng small army ng police officers at mga technicians. Sa ganitong paraan, maproprotektahan nila ang bawat indibidwal.
Christine Lyka T. Lanado
Alyazhia V. Mopak
Tay, Uwi na Tayo...
Sa gitna ng mataong kalsada, anino niyo ang aking pinagmamasdan. Ang araw na ngayo’y malapit nang magtago sa likod ng mga kabundukan ay nag-iiwan ng mahabang anino sa mataong kalsada malapit sa pinto ng silid-aralan. Ang makina nito ay humuhuni ng malumanay habang ang drayber na si Randy ay nakaupo sa likod ng manibela. Wala siyang pagmamadali, sanay na siya sa paghihintay. Arawaraw, pare-pareho lang. Ano nga ba ang premyo ng matiyagang paghihintay kung kayo na mismo ang premyo ng buhay?
Hintuan ay ang pinto ng silid-aralan Sa mga nakaraang taon, ang buhay ni Randy ay umiikot sa pagmamaneho ng kanyang tricycle at kumikita sa mataong kalye. Hindi niya alintana ang paghihintay sa pinto ng silid-aralan kahit na ang araw ay unti-unti nang lumulubog at ang mga ilaw sa kalye ay nagsisimulang magningning. Ang distansya sa pagitan niya at ng kanyang anak ay maiksi lamang ngunit ito ay isang pagmamahal na kanyang pinahahalagahan.
Nang sa wakas ay makita ni Randy ang mukha ng kanyang anak na lumalabas sa pinto, ang kanyang mga labi ay nagpapakita ng isang ngiti. Si Vitalie, ang kanyang anak na babae, ay lumabas na may bahagyang hindi pagkakapantay sa kuwelyo ng kanyang uniporme.
Si Tine naman, ay may kargang bag na nakasabit sa isang balikat, ang buhok ay magulo mula sa hangin. Sa kabila ng pagod, may bahagyang ngiti sa kanyang labi, tila sabik na makauwi. Nang lapitan sila, bumaba si Randy mula sa kanyang tricycle, iniunat ang mga binti bago yumuko upang salubungin sila. “Buhi niyo na?” (Tapos na ba ang klase?) tanong niya sa kanila, na may tinig na puno ng malasakit.
Sa isang mundong kung saan ang oras ay madalas na parang kalaban, natutuhan ni Randy ang paghihintay. Inaalala niya ang mga tahimik na sandali sa pagitan, alam niyang hindi nasasayang ang mga minutong ginugol sa paghihintay sa kanyang mga anak. Dito niya binibigyan ng halaga ang bawat paghinga, ang bawat paghinto, at ang buhay na unti-unti niyang itinaguyod, hakbang-hakbang.
Para sa iba, ang pagmamahal ng isang ama ay ipinapakita sa mga malalaking bagay, sa mga dakilang gawa o mamahaling regalo. Ngunit para kay Randy, ang pagmamahal ay payak, at hindi natitinag. Ipinapakita ito sa bawat araw ng kanyang presensya, sa tahimik na paghihintay sa harap ng paaralan. Nasa mahinahong huni ng makina ng tricycle, sa rutina ng bawat araw, at sa tahimik ngunit matibay na kaalaman na palaging naroroon siya, kahit gaano pa katagal.
Sa isang mundong magulo, ang pagsusumikap ng mga ama tulad ni Randy ay nararapat ding kilalanin. Ang kanyang kuwento, bagamat payak ay sumasalamin sa mas malawak na kuwento ng mga magulang na nagsusumikap ng tahimik sa likod ng mga eksena. Ang kanilang pagmamahal ay hindi palaging nasa entablado ngunit matatagpuan ito sa kanilang matibay na presensya sa araw-araw at kahit na walang sinuman ang nakaaalam. Kaya’t sa susunod na makita mong may magulang na naghihintay sa labas ng paaralan, magmula man sa isang kotse o isang tricycle, tandaan mo, ang paghihintay na iyon ay isang uri ng pagmamahal. Isang paghihirap na hindi nakikita ngunit itinataguyod ang mundong pinapalakas ng bawat masikap na sandali.
Pamanang Walang Hanggan: Mano po, Sir!
Sa buhay may mga taong tumulong at nagbigay gabay. Isa sa mga pinakamahalaga at hindi malilimutang tao sa ating paglalakbay ay ang mga guro. Sila ang nagsisilbing ilaw sa madilim na landas ng ating pagkatuto at sila rin ang naghubog sa atin upang tayo ay maging mabuting tao. Kaya naman, ang payak na gawa ng pagmamano, kahit na hindi na guro ng isang mag-aaral ang isang tao, ay may dalang malalim na kahulugan na tumatagos sa dibdib ang pasasalamat, paggalang, at hindi malilimutang pagkalinga.
Paggalang na Hindi Nalilimutan Kahit na natapos na ang pormal na relasyon ng mag-aaral at guro, may mga mag-aaral na patuloy pa ring nagmamano sa kanilang mga guro. Bakit nga ba? Payak lamang ang sagot: ang relasyon nila ay hindi natitinag ng oras at distansya. Ang guro ay higit pa sa isang tagapagturo dahil sila rin ay nagsisilbing gabay sa mga pagninilay at personal na laban ng magaaral. Ang bawat turo, bawat paalala, at bawat sakripisyo ng guro ay may malalim at tiyak na epekto sa mag-aaral. Kaya’t ang pagmamano ay hindi lang isang pisikal na kilos. Ito ay simbolo ng
pasasalamat na hindi nasusukat ng oras at panahon. Para sa mag-aaral, ang guro ay isang mahalagang bahagi ng kanyang buhay, at kahit hindi na sila magkasama sa klase, ang paggalang at pagpapahalaga ay patuloy na umaagos mula sa kanyang puso.
Kultura ng Paggalang
Ang pagmamano ay bahagi ng isang malalim na kultura na itinuro sa atin ng ating mga magulang at nakatatanda. Isa itong tradisyon na kahit na umabot na tayo sa mga makabagong panahon, patuloy pa rin nating isinasabuhay. Sa bawat pag- galang na ipinapakita natin sa mga nakatatanda, tayo ay nagiging parte ng isang malalim na ugnayan ng paggalang at malasakit. Ang mag-aaral na nagmamano sa guro, kahit hindi na guro, ay nagpapakita na hindi niya nakalilimutan ang mga aral at gabay na ibinigay ng guro. Ito ay tahimik ngunit makapangyarihang mensahe:
“Salamat po sa lahat ng inyong ginawa para sa akin.” Pagpapahalaga sa mga Guro Ang mga guro, sa kanilang simpleng mga kilos at salita ay may kapangyarihang baguhin ang buhay ng isang mag-aaral. Hindi nila kailanman inaasahan ang mga malalaking pasasalamat, ngunit ang mga mag-aaral na patuloy na nagmamano ay nagiging saksi sa mga hindi matitinag na epekto ng kanilang mga aral. Ang bawat pagmamano ay paraan ng mag-aaral na nagsasabing, “Hindi ko po kayo malilimutan. Salamat po sa lahat ng iyong sakripisyo sa pagtuturo hindi lamang ng mga aralin, kundi pati ng mga buhay na aral.” Ito ay tapat na pagpapahayag ng pagpapahalaga na minsan ay hindi kayang iparating ng mga salita.
Ang tunay na halaga ay nasa malalalim na pagkatao at ugnayan na nabuo. Kaya’t patuloy nating isabuhay ang kulturang ito, hindi lamang sa mga guro, kundi sa lahat ng taong nagbigay sa atin ng pagmamahal, gabay, at pag-aalaga.
Christine Lyka T. Lanado
Christine Lyka T. Lanado
LATHALAIN
PagKAIN, PagbaBAHAGI at
Charlynn T. Legaspi
PagkaKAIBIGAN
Mga sandaling mahalaga
Ang tanghalian ay may espesyal na lugar sa buhay ng mga estudyante dahil nagbibigay ito ng pagkakataong makalayo mula sa bigat ng mga aralin at makabuo ng koneksyon sa iba. Isang estudyante na nagngangalang Jane ang nagbahagi “Kasama ko ang pinakamalalapit kong kaibigan. Pupunta ako sa kanilang classroom para kumain at mag-usap tungkol sa mga random at nakatatawang bagay habang kumakain. Masaya iyon.” Ang mga ganitong sandali ay nagpapatunay na ang tanghalian ay hindi lamang tungkol sa pagkain, kundi sa pagbubuo ng makabuluhang ugnayan sa pamamagitan ng samasamang karanasan.
Ang Pagkain at Pagkakaibigan
Ang pagbabahagi ng pagkain ay matagal ng simbolo ng pagkakaibigan at malasakit. Ang paghahati ng isang slice ng pizza o pagpapasa ng isang dakot ng tsitsirya ay nagpapakita ng kabutihan at pagiging bukas-palad. Isang estudyante ang nagsabi na “Isa sa mga ugali ko ay ang pagbabahagi ng pagkain sa mga kaibigan ko. Kapag nagbabahagi ako ng pagkain o meryenda, napapangiti ako. Naiisip ko na ang
Sa isang mundo kung saan madalas na nangingibabaw ang pagiging makasarili, mapapaisip ka na un ti-unti na bang nawawala ang tradisyon ng pagbabahagi ng pagkain tuwing tanghalian? Nagpapasa pa rin kaya ang mga estudyante ng piraso ng kanilang turon o nag-aalok ng kagat ng kanilang meryenda sa mga kaibigan? O tahimik nang nawawala ang diwa ng pagbabahagi? Para sa marami, ang tanghalian ay higit pa sa pahinga upang kumain at ito ay isang sandali upang makipag-ugnayan, magtawahan, at
pagbabahagi ng pagkain ay mas naglalapit sa amin.” Ang simpleng kilos na ito ay nagiging mas makabuluhan, ginagawa ang tanghalian bilang sandali upang magpatibay ang samahan at lumikha ng magagandang alaala.
Pagkakaisa sa Panahon ng Pagsubok Sa gitna ng mga hamon, tulad ng pandemya, mas naging malinaw ang kahalagahan ng mga ganitong sandali. Isang pang estudyante ang nagkuwento, “Noong panahon ng pandemya, tuwing may faceto-face na klase isang beses sa isang linggo, sabay kaming kumain ng mga kaklase ko para magkumustahan. Ang tanghalian na iyon ay nagbigay sa amin ng saya at ginhawa.” Sa kabila ng pagiging bihira at walang-wala, ang mga sandaling ito ay nagbigay ng aliw sa gitna ng kawalang-katiyakan, pinatutunayan na ang pagbabahagi ng pagkain ay higit pa sa kilos dahil ito ay tungkol sa koneksyong nalilikha.
Kabutihang Nagniningning
Kahit sa panahon ngayon kung saan madalas nauuna ang pagiging makasarili, hindi pa rin nawawala ang diwa ng pagbabahagi.
Para sa ilang estudyante, ang pagbabahagi ay isang paraan upang masiguro na walang makaramdam ng pag-iisa. Isang estudyante ang nagsabi: “Kapag may nakikita akong nag-iisa, iniimbitahan ko siyang kumain kasama ko para hindi siya makaramdam ng pag-iisa.” Idinagdag pa ng isang estudyante “Oo, sinisiguro kong walang kaklase o kaibigan ang kumakain mag-isa o nagugutom, kaya palagi ko silang iniimbitahan na sabay-sabay kaming kumain tuwing tanghalian.” Ang mga simpleng gawaing ito ay nagpapaalala na ang kabutihan ay kayang magbigay ng liwanag sa araw ng iba sa paraang madalas nating hindi napapansin.
Sa mundo kung saan madalas na nauuna ang pansariling interes at personal na espasyo, ang pagbabahagi ng pagkain ay maaaring ituring na tahimik na rebolusyon at isang paraan upang magpakita ng kabutihan at ipaalala sa iba na hindi sila nag-iisa. Kaya, nawawala na nga ba ang tradisyon ng pagbabahagi ng pagkain tuwing tanghalian? Marahil ay hindi pa. Pinatutunayan na ang pinakamaliliit na kilos ng kabutihan ay ang pinakamatimbang.
Bago Ang Laban, BAYANihan Muna!
ung ang Kalawag Central School Oval ay isang mandirigma, siya ngayon ay sugatan, tinabunan ng tinabas na damo, nilamon ng alikabok at tila nalimutan ng panahon ngunit paano nga ba muling itatayo ang isang mandirigmang bumagsak? Sino ang magpapahid ng kanyang sugat at magbabalik ng kanyang inaalagaang dangal?
Dumating sila, narito na ang hukbo ng kabataang Isulan National High School (INHS). Sa pagsikat ng araw, bitbit nila ang walis, dustpan, at sako, hindi bilang simpleng kasangkapan, kundi bilang mga sandata ng pagbabago. Sa Pebrero 3-7, 2025, dito magaganap ang Sultan Kudarat Athletic Association (SKAA) Meet, isang
paligsahan ng lakas, tapang, bilis,liksi at determinasyo. Ngunit paano maisusulat ang bagong kabanata ng tagumpay kung ang entablado nito ay natatakpan ng mga kalat at natuyong damo?
Ngunit hindi lahat ay narito sa aking puso. Parang dalawang braso ng iisang katawan, magkaiba man ng galaw ngunit magkasabay na gumagalaw para sa isang layunin.
At dito ko naisip, ito ba ang kabataang madalas husgahan bilang tamad at walang malasakit? Ito ba ang henerasyong sinasabing hindi na nakikilahok sa tunay na gawain ng bayan? Ang sagot ay isang dumadagundong na hindi!
Ang kanilang bayanihan ay hindi isang simpleng paglilinis dahil ito ay isang panata. Panata na ang kanilang bayan ay hindi nila pababayaan. Panata na ang SKAA 2025 ay tatayo sa isang malinis at marangal na entablado. Panata na sa bawat pagwawalis ng damo, tinatanggal din nila ang duda ng mundo sa kakayahan ng kanilang henerasyon. Panata na uuwi ang mga delegado na may ngiti sa labi at puso.
Zaleha A. Saban
Paglala ng Kinabukasan
Christine Lyka T. Lanado
Sa simpleng tahanan sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat, maririnig ang tik-tik ng itak sa punong African Palm Oil Tree at ang banayad na kaluskos ng nilalaksing kalakat. Dito matatagpuan si Justin Boron, 15 taong gulang na sa murang edad ay batid na ang halaga ng sipag at tiyaga. Sa mga panahong maraming bata ang abala sa kanilang laruan o gadgets, si Justin ay abala sa paghahati ng sanga ng african, pagsasaayos ng hibla, at paglalatag ng mga disenyo. Sa bawat pagtutupi at paghahabi, tila musika sa kaniyang pandinig ang tunog ng aprikan na nagpapakita ng tiyaga at dedikasyon.“ Ang paggawa po ng kalakat ay hindi madali,” wika ni Justine. “Pero natutuhan ko na mahalin ito kasi alam ko na ito ang nagbibigay sa amin ng pagkain araw-araw.”Hindi lamang mga piraso ng nilaksing
Ang Hinaharap ng Kalakat
Ang “kalakat” kilala rin bilang “sawali” sa Tagalog, ay gawa mula sa manipis na hibla ng African Palm Oil na hinahabi sa iba’t ibang disenyo. Sa kasalukuyan, sa halip na kawayan, ginagamit din ng mga residente ng Mindanao ang manipis na balat ng African palm dahil sa pagiging masagana nito.
Karaniwang ginagamit ang kalakat bilang dingding, kisame, pinto, o bintana sa mga tradisyonal na bahay-kubo. Bukod sa pagiging mas abot-kaya kumpara sa plywood, ang kalakat ay may natural na kagandahan na hindi na kailangang pinturahan.
Ang bawat piraso ng kalakat ay nagkakahalaga ng humigitkumulang Php 120 hanggang Php 150 at maaaring tumagal nang hanggang walong taon. Sa mga lansangan ng Mindanao, makikita ang mga bahay na may dingding na
kalakat, nilililiman ng mga puno at napalilibutan ng makukulay na halaman.
Bata sa Likod ng Kalakat
“Nakikita ko si Tatay na gumagawa ng kalakat para sa aming bahay at pangkabuhayan, kaya natutuhan ko rin ito” ani Justine habang maingat na pinapatag ang mga hibla ng African. Sa araw-araw, pagkatapos ng eskuwela, siya’y tumutulong sa kanyang ama sa paggawa ng kalakat upang may dagdag kita ang kanilang pamilya. Bagamat mahirap, itinuturing ni Justine na isang biyaya ang kakayahan niyang matutuhan ang tradisyunal na sining na ito. ko.” dagdag niya.
Pangarap na Hinahabi
Sa kabila ng kaniyang murang edad, malinaw kay Justine ang landas na nais niyang tahakin.
“Gusto kong maging arkitekto balang araw. Yung marunong hindi lang sa disenyo kundi pati sa tradisyonal na mga materyales tulad ng kalakat.” aniya. Para kay Justine, ang kalakat ay hindi lamang piraso ng kahoy na pinagtagpi-tagpi. Ito ay simbolo ng kultura at ng kaniyang sariling kuwento.
Binibigyang-inspirasyon din ni Justine ang mga kabataan sa kanilang lugar. “Hindi naman kailangan maging moderno agad.
Pagbibigay-Pugay sa Kinabukasan
Sa mga kamay ni Justine, buhay ang tradisyon ng paggawa ng. Ngunit higit pa rito, ang bawat habi ay puno ng pag-asa para sa mas magandang bukas. Nais niyang maipakita sa iba na sa sipag, tiyaga, at paniniwala sa sariling kakayahan, kayang malampasan ang kahit anong pagsubok.
Maraming puwedeng gawin sa tradisyonal na mga bagay. Pwedeng maging simula ito ng mas malaking bagay.” sabi niya habang maingat na tinatapos ang isang piraso ng kalakat.
Ang kuwento ni Justin Boron ay paalala na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa
modernong mga bagay. Bagkus, ito ay nasa kakayahang magbigay-halaga sa mga tradisyon habang hinuhubog ang sariling landas patungo sa kinabukasan. Patuloy siyang nagbibigay liwanag sa mga taong naniniwala sa lakas ng kulturang Isulanon at sa determinasyon ng isang batang gumagawa ng sariling kuwento.
Si Tatay Leo,
ang aming TsuperHero!
Araw-araw sa Isulan, kasabay ng mga multicabs, yellow bus, at tricycle ang paglalakbay ni Tatay Leo. Isa lamang siyang payak na drayber sa mata ng marami, ngunit para sa mga pasaherong kanyang naihatid, siya ay isang tunay na TsuperHero. Hindi pa man nakasilip ang araw, si Tatay Leo ay naghahanda na. Maagang bumabangon upang masigurado na maayos ang kanyang tricycle, nililinis ito at sinisiguradong maayos ang makina. Para sa kaniya, ang bawat biyahe sa araw-araw ay hindi lamang paraan ng pagkita ng kabuhayan kundi isang misyon na ihatid nang ligtas ang kanyang mga pasahero lalo na ang mga estudyante at guro. Sa bawat kalyeng binabagtas, ang kanyang tricycle ay isang kanlungan para sa mga mag-aaral, empleyado, at kahit na ang mga manlalakbay na hindi pamilyar sa lugar.
Ngunit hindi lang ito tungkol sa pagmamaneho. Si Tatay Leo ay isang matapat at maaasahang kaagapay ng paaralan. Sa Isulan National High School, kilala siya bilang ”one call away” na tsuper. Kapag may naiwang gamit o kailangang hatid-sundo, siya ang unang tinatawagan. Ayon kay Gng. Maria Nova, isang guro sa INHS, “Kapag may nakalimutan ako sa bahay, si Tatay Leo agad ang naiisip kong tawagan dahil may tiwala ako sa kanya.”
Ngunit higit pa sa simpleng pagmamaneho, siya ay tagapagtanggol ng kanyang mga pasahero. Sa gitna ng matinding init ng araw o sa biglang pagbuhos man ng ulan, ang kaniyang munting tricyle ang nagbibigay ng proteksyon sa kaniyang mga pasahero. Ang mga kuwento ng kanyang mga pasahero, mula sa mga kuwentong nagmumula sa likurang bahagi ng kanyang traysikel hanggang sa mga musmos na ngiti ng mga batang nagmamadaling makasakay ay kanyang nagiging inspirasyon.
Minsan, isang matandang babae ang sumakay sa kanyang tricycle, bitbit ang mabibigat na plastik ng gulay. Halata ang pagod sa kanyang mukha, kaya’t walang pag-aalinlangang tinulungan siya ni Tatay Leo. “Salamat,” wika ng matanda, kasabay ng isang ngiting nagsasabing, “Kayo talaga, hindi lang drayber, kundi isang mabuting tao.”
Para sa iba, ang pagiging drayber ay isang simpleng trabaho, ngunit para kay Tatay Leo, ito ay isang tungkulin na may kasamang dedikasyon at malasakit. Hindi lang siya naghahatid mula punto A hanggang punto B, nagiging bahagi rin siya ng buhay ng kanyang mga pasahero. Tunay na bayani ay hindi palaging nakasuot ng kapa, minsan, sila ay nagmamaneho ng traysikel na binabagtas ang ulan, init at matarik na daan.
Tuwing gabi, habang pinapalipas ang huling biyahe, may ngiti sa kanyang labi. Para kay Tatay Leo, ang kanyang traysikel ay hindi lang isang sasakyan, kundi isang simbolo ng kanyang pagmamahal sa trabaho at malasakit sa kapwa. Siya, tulad ng maraming tsuper sa paaralan, ay isang TsuperHero isang tahimik na bayani sa lansangan, nagbibigay ng liwanag sa bawat pasaherong kanyang nakakasalubong.
“Biyaya ng HAMUNGAYA!”
Tuwing ika-30 ng Agosto bawat taon, ang bayan ng Isulan ay nagiging isang makulay na pook ng kasiyahan at pasasalamat kaugnay ng pagdiriwang ng taunang Hamungaya Festival. Mula sa terminohiyang Hiligaynon ang salitang Hamungaya na nangangahulugang “sagana”. Isang linggo bago ang pinakahihintay na araw, ang buong bayan ay unti-unting napapalibutan ng mga nakahilerang food stalls na umaakit sa bawat nagdaraang tao na tikman ang sugba, kilaw at bbq.
Sa bawat sulok ng munisipyo, ang kasiyahan ay umaagos na tulad ng tubig ng Ala River. Kumikislap ang mga mata ng batang dumaraan na may mahigpit na pagnanasa matapos makita ang iba’t ibang uri ng rides. Badjao na ginagamit ang pagkakataon ng pagdiriwang upang maghanapbuhay dala ang kanilang mga tambol na yari sa lata at plastik na pumapailanlang ng mga tunog na sumasabay sa ingay at sigla ng buong bayan.
Kung babalikan ang kasaysayan, malayo na ang narating ng
bayan ng Isulan mula sa pagiging dating sakop pa ng Norala.
Mula sa mga batang tuwang-tuwa sa rides, hanggang sa mga matatandang aliw na aliw sa peryahan, lahat ay nakikibahagi sa sigla ng pagdiriwang. Hindi rin mawawala ang mga Badjao na may dalang tambol na sumasabay sa ingay ng kasayahan.
Kung babalikan ang kasaysayan, malayo na ang narating ng bayan ng Isulan mula sa pagiging dating sakop pa ng Norala, South Cotabato hanggang sa naging ganap na bayan ito noong taong 1957. Hindi lang ipinagdiriwang ng mga Isulanon ang kanilang saganang ani at kita bilang pasasalamat sa Diyos na lumikha kundi buong pagmamalaki rin ng kanilang kultura, Unang Isulanon na nag-alay ng lakas, pawis at dugo upang makamit ng bayan ang kanyang kasalukuyang pwesto sa Pilipinas bilang isa sa Most Competitive Municipality ng Pilipinas. Sa pagdiriwang na ito, nakikita ang pagkakaisa ng Kristyano at Muslim na parehong naghahangad ng buhay na mapayapa, hamungaya at ligtas para sa lahat. Patunay na biyaya ang pagdiriwang ng Hamungaya sa bawat Isulanon na balikan at silipin sa lente ng kultura, kasaysayan at kinabukasan.
Charlynn T. Legaspi
Ashlee Michelle A. Lacsi
Kuhang larawan ng Pitik Isulan at Precious Mones Daroy
Problemang TooBig? May
SafeSIP!
Ang SafeSIP ang isang makabagong inobasyon na naimbento ng mga mananaliksik mula sa Grade 12-STEM 1 ng Isulan National High School. Ang paghahanap ng malinis at ligtas na inuming tubig ang nag-udyok sa mga estudyanteng mananaliksik na makagawa ng nasabing inobasyon. Ang SafeSIP ay isang Sustainable Integrated Purification Water Straw System na tumutugon sa lumalalang suliranin at kakulangan ng malinis na inuming tubig lalo na sa mga liblib na lugar na apektado ng kalamidad, at sa mga hindi pa naaabot ng sapat na imprastruktura para sa ligtas na tubig.
Ang SafeSIP ay isang portable na aparato na idinisenyo upang gawing ligtas at malinis ang tubig mula sa iba’t ibang pinagkukunan nito. Pinagsasama nito ang multi-stage filtration, UV-C technology, at pressure monitoring upang matiyak na ang bawat patak ng tubig na dumadaan dito ay ligtas na maiinom. Sa pamamagitan ng ng teknolohiya, kaya nitong alisin ang iba’t ibang contaminant tulad ng bacteria, virus, at maliliit na particles mula sa tubig habang pinapanatili nito ang flow rate at kalidad.
Ayon sa mga mananaliksik, ang SafeSIP ay lubhang mapakikinabangan ng mga sundalo, hikers, estudyante at komunidad sa mga underserved areas. Ayon sa datos ng World Health Organization, halos dalawang bilyong tao sa buong mundProblemang TooBig? May SafeSIP!
o ang walang access sa malinis na tubig. Ayon sa panayam, may apat (4) sa bawat sampung (10) mag-aaral ng Isulan National High School ang umaasa pa rin sa hindi ligtas na pinagkukunan ng tubig na maaaring magdulot ng mga karamdaman tulad ng diarrhea, cholera, at typhoid fever.
Pinatunayan ng mga mananaliksik na ang SafeSIP ay may kakayahang bawasan ang heterotrophic bacteria ng 65.79% at tiyaking ligtas ang mga antas ng Total Dissolved Solids (TDS), pH, at turbidity, alinsunod sa Philippine National Standards for Drinking Water (PNSDW). Gayunpaman, natuklasan din ang suliranin na kinakailangan pang i-optimize ang sistema upang higit na maibsan ang coliform contamination.
Bukod sa pagiging mabisa, ang SafeSIP ay madaling dalhin, magaan, at madaling gamitin, kaya’t malaking tulong ito para sa mga nangangailangan ng malinis na inuming tubig sa iba’t ibang sitwasyon. Ang UV-C disinfection na
Samantha Raine Leyza Talaban
ginamit dito ay isang makabagong teknolohiya na pumapatay sa DNA ng mga microoragnism kaya’t epektibo ito laban sa mga bacteria at virus. Ang pressure monitoring system nito ay nagbibigay ng real-time na datos upang masiguro ang maayos na daloy ng tubig sa buong proseso ng pagsasala.
Higit pa sa isang teknolohikal na imbensyon, layunin ng SafeSIP na magbigay ng mas malawak na akses sa ligtas na tubig habang hinihikayat ang mga kabataan na sumabak sa larang ng Science and Engineering. Nais ng mga mananaliksik na
VAPE: Ang Mapanlinlang na Tamis na nagdudulot
konsentrasyon, at kontrol ng mga emosyon. Bukod dito, ang ilang vape ay may metal particles at carcinogens na nagdudulot ng pinsala sa baga at iba pang bahagi ng katawan. Ang paggamit ng vape ay nagdudulot ng iba’t ibang seryosong sakit. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang mga kabataan ay gumagamit ng e-cigarettes o vapes nang higit pa kaysa sa anumang iba pang produktong tabako sa Estados Unidos. Walang produktong tabako, kabilang ang e-cigarettes, ang ligtas, lalo na para sa mga bata, kabataan, at mga young adults. Karamihan sa mga e-cigarette ay naglalaman ng nikotina, na lubos na nakaka-adik. Ang nikotina ay maaaring makapinsala sa mga bahagi ng utak ng mga kabataan na kumokontrol atensyon, pagkatuto, mood, impulse control.
Maraming estudyante ang nag-iisip lalo na sa Isulan National High School na ligtas ang vape dahil walang usok tulad ng sigarilyo, ngunit ayon sa pagaaral ng American Lung Association, ang singaw mula sa vape ay naglalaman ng mga toxic chemicals na maaaring magdulot ng vaping-associated lung injury (VALI). Patuloy na tumataas ang mga insidente ng respiratory at cardiovascular problems sa mga kabataang
Sa paaralan, nagdadala ang vape ng higit pa sa mga usaping pangkalusugan. Ang nikotina ay nagdudulot ng adiksyon na nagiging sanhi ng pagkawala ng pokus at pagbagsak ng mga grado. Ayon sa isang pag-aaral ng mga estudyante mula sa Grade 11- STEM ng Isulan National High
School ang mga estudyanteng lulong sa vape ay mas madalas magkakaroon ng problema sa konsentrasyon at mahinang pagganap sa mga pagsusulit. Bukod pa rito, nagiging gateway drug din ang vape patungo sa paggamit ng iba pang mapanganib na substansiya na naglalagay sa mga estudyante sa mas malalaking panganib. Lumabas rin sa pag-aaral na may apat hanggang limang estudyante bawat baitang na nakukumpiska ng guro sa mga estudyanteng gumagamit ng vape. Nakaaalarma ang mga ganitong insidente na nangangailangan ng kolaboratibong pagtugon ng magulang, guro, paaralan at ng estudyanteng biktima ng mapanlinlang na tamis. Hindi sapat na kilalanin lamang ang vape bilang isang modernong banta; kailangang kumilos nang sama-sama upang masugpo ang problema. Ang kalusugan ng kabataang Isulanon ay kayamanan ng bayan—kaya nararapat itong bigyan ng proteksyon bago pa maging huli ang lahat.
Ang Chinese pharamacist na si Hon Lik ng Shenyang ng north-east China ay nag-imbento ng e-cigarette upang matulungan siyang tumugil sa paninigarilyo. Ang mga unang electronic cigarette (e-cigarette) ay nabuo noong taong 1965 at ipinagkaloob ang patent noong taong 2003. Ipinakilala ang mga ito sa Hilagang Amerika noong taong 2007. Mula noon, maraming bersyon ang nabuo at tinatayang may higit sa 400 iba't ibang brand names na mabibili at makikita sa merkado.
Zero Plastic, Zero Problem
Sa patuloy na lumalalang problema laban sa plastik na basura, marami pa ring tindahan sa paligid ng mga paaralan ang nagbebenta ng junk foods na nakabalot sa plastik. Upang tugunan ito, mas pinaigting ng Isulan National High School ang kanilang kampanya sa Zero Plastic Waste Policy, na layuning bawasan ang paggamit ng single-use plastics.
Ang Zero Plastic Waste Policy ay naglalayong hikayatin ang paggamit ng mga alternatibong pambalot tulad ng papel, dahon ng saging, o reusable containers. Bukod dito, isinulong din ang pagbebenta ng masustansiyang pagkain, tulad ng prutas at lutong-bahay na meryenda, bilang kapalit ng junk foods. Sa ganitong paraan, napagsasabay ang pangangalaga sa kalikasan at pagpapabuti ng nutrisyon ng mga mag-aaral.
Batay sa ulat ng DENR noong 2023, 79% ng basura sa bansa ay nagmumula sa mga plastik, na nagdudulot ng pagbaha at polusyon. Bilang tugon, nilunsad ng mga mag-aaral ng INHS ang Zero Plastic Waste Policy campaign upang hikayatin ang pagbabawas ng pagbili ng mga produktong may plastik na pambalot. Layunin ng kampanyang ito na tugunan ang
problema sa plastik sa pamamagitan ng pagbabago ng araw-araw na gawi ng mga mag-aaral, guro, at tindahan sa loob at labas ng paaralan.
Bitbit ang mga poster na may mensaheng tulad ng “We Can’t Solve Problems by Using the Same Kind of Thinking We Used When We Created Them” at “Dali na, Magbago Kita! Stop Zero Plastic Waste!,” aktibong hinihimok ng mga magaaral ang mga tindahan na gumamit ng alternatibong pambalot. Ang kampanya ay nagsilbing daan para sa mas malawak na kamalayan sa problema ng plastik na basura at ang kahalagahan ng disiplina sa pangaraw-araw na gawi.
“Masarap ang chichirya,
pero mas masarap ang malinis na kapaligiran,” pahayag ni Alfredo Sorsano III, isang Grade 12 STEM 1 student na isa sa nanguna sa naturang kampanya. Ayon sa kanya, ang pagbabawas ng plastik ay simpleng hakbang na may malaking epekto kung gagawin ng bawat isa. Ang ganitong pananaw ay nagsilbing inspirasyon sa kanyang mga kamagaaral upang maging aktibo sa kampanya.
Sa suporta ng administrasyon ng paaralan, layunin ng Zero Plastic Waste Policy na magdulot ng pangmatagalang pagbabago hindi lamang sa paaralan kundi pati na rin sa komunidad. Sa sama-samang pagkilos ng mga guro at mag-aaral, unti-unti nang naisasakatuparan ang Zero Plastic, Zero Problem. Sa simpleng pagbabago, nagiging posible ang isang mas malinis at responsableng kinabukasan para sa lahat.
AQUILA: Solusyon para sa Malinis na Hangin
Sa harap ng lumalalang problema ng polusyon sa hangin, isang makabagong teknolohiya ang binuo ng mga mananaliksik mula sa Grade 12 STEM 1 ng Isulan National High School upang tugunan ang masamang kalidad ng hangin sa loob ng mga gusal ng paaralani. Ang AQUILA: Real-Time Air Quality Monitoring System ay idinisenyo upang magbigay ng agarang solusyon sa mga isyung dulot ng maruming hangin, partikular sa mga tahanan, paaralan, at iba pang panloob na espasyo. Gamit ang teknolohiya, layunin ng sistemang ito na magpanatiling ligtas, komportable, at malinis ang kapaligiran para sa lahat. Ang datos ng World Health Organization noong 2016 ay nagpapakita na pumapangalawa ang Pilipinas sa Asya sa may pinakamataas na bilang ng mga namamatay dulot ng indoor air pollution na may 84 na kaso bawat 100,000 katao. Ang maruming hangin sa loob ng gusali ay maaaring magdulot ng iba’t ibang problema sa kalusugan, tulad ng sakit sa paghinga, allergy at pagbagsak ng konsentrasyon sa pag-iisip. Bilang tugon, nilagyan ang AQUILA ng mga sensor tulad ng MQ-2 at DHT11 upang subaybayan ang temperatura, halumigmig, at gas concentration sa real-time. Awtomatikong umaaksyon ang sistema, tulad ng pag-activate ng ventilation system kapag mataas ang temperatura at misting system kapag mababa ang halumigmig.
Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Raden S. Galmak, isa sa mga estudyanteng kalahok sa proyekto, ang kahalagahan ng
teknolohiya. Aniya, “Napakahalaga ng sistemang ito, lalo na sa mga lugar tulad ng classrooms at laboratories. Bilang bahagi ng research team, nakita ko kung paano ito nakatulong sa mabilis na pagtukoy ng kalidad ng hangin, lalo na kapag nagiging mas mainit o tuyo ang kapaligiran.” Dagdag pa niya, ang proyekto ay isang teknolohikal na inobasyon at isang praktikal na solusyon sa pang-araw-araw na suliranin sa isyu ng hangin at temperatura.
Ang AQUILA ay patunay na ang agham at teknolohiya ay makapangyarihang kasangkapan tungo sa mas ligtas, mas komportable, at mas maayos na pamumuhay. Umaasa ang mga mananaliksik na patuloy pang mapabubuti ang sistema upang mas maraming estudyanteng Isulanon ang makinabang dito.
Sa kabilang dako
Ayon sa World Health Organization, ang polusyon sa hangin ay ang kontaminasyon ng panloob o panlabas na kapaligiran dulot ng ano mang kemikal, pisikal, o biyolohikal na ahente na nagbabago sa mga likas na katangian ng atmospera.
Ang mga gamit sa bahay na nagbubug ng usok tulad ng mga sasakyan, mga pabrika, at mga sunog sa kagubatan ay mga karaniwang pinanggagalingan ng polusyon sa hangin. Ang mga pollutant na may malaking epekto sa kalusugan ng publiko ay kinabibilangan ng carbon monoxide, ozone, nitrogen dioxide, at sulfur dioxide. Ang polusyon sa hangin, maging sa loob at labas ng bahay, ay nagdudulot ng mga respirotory diseases tulad ng asthma, cystic fibrosis, emphysema, lung cancer, mesothelioma, pulmonary hypertension, at tuberculosis.
Sa gitna ng patuloy na hamon sa solid waste management sa Pilipinas, isang grupo ng mag-aaral mula sa Isulan National High School (INHS) ang nagdisenyo ng makabagong teknolohiya upang mapabuti ang segregasyon ng basura sa mga silidaralan. Ang proyektong pinamagatang GreenEye, ay gumagamit ng Arduino microcontroller at ESP32 camera para sa awtomatikong pagkilala at paghihiwalay ng mga basura sa plastik at papel. Ayon sa mga mananaliksik, ang GreenEye ay naglalayong bawasan ang pangangailangan para sa manwal na segregasyon, na nagreresulta sa mas episyenteng proseso ng pamamahala ng basura. Isa sa mga pangunahing tampok nito ay ang GSM module, na nagbibigay ng real-time na abiso sa pamamagitan ng SMS kapag puno na ang basurahan, habang ang proximity-activated lighting system ay nagpapahusay sa interaksiyon ng mga
gumagamit. Sa isinagawang pagsubok, napatunayan ang pagiging episyente ng GreenEye sa pagkilala ng iba’t ibang uri ng plastik at papel, na may accuracy rate na 80% hanggang 100%. Ang awtomatikong segregasyon nito ay nagreresulta sa mas kaunting kontaminasyon at mas mataas na kalidad ng mga recycled na materyales. Dagdag pa rito, ang sistema ay maaasahan, madaling gamitin, at maaaring ilagay sa iba’t ibang lugar tulad ng mga paaralan at opisina.
Sinasalamin ng proyektong GreenEye ang kahusayan ng mga mag-aaral ng INHS sa larang ng agham at teknolohiya bilang isang mahalagang hakbang patungo sa mas malinis at mas organisadong paaralan at komunidad. Ang pagsasama ng mga advanced na teknolohiya tulad ng artificial intelligence at Internet of Things (IoT) sa waste management ay isang mabisang solusyon sa patuloy na lumalalang problema ng basura sa paaralan at bansa. Ang tagumpay ng GreenEye ay isang patunay na ang makabago at responsableng teknolohiya ay maaaring magmula sa mga estudyanteng Isulanon at sa kabataang Pilipino na naglalayong magdala ng positibong pagbabago para sa kapaligiran.
AJ Charisse Atibula
AJ Charisse Atibula
Hariette Aethra Pojol
AGTEK
Kalachuchi: Halamang may lihim na galing
Sa kabila ng pagiging kilala bilang pandekorasyon at simbolo ng kagandahan, ang kalachuchi (Plumeria obtusa) ay nagtatago ng potensyal bilang isang mahalagang sangkap sa larangan ng medisina. Ayon sa pananaliksik, ang mga katas mula sa bulaklak nito ay may makabuluhang epekto laban sa bakterya at posibleng magamit bilang alternatibong lunas. Subalit, ang kagandahan nito ay may kasamang panganib, dahil ang mataas na cytotoxicity ng katas nito ay nangangailangan ng masusing pagsusuri.
Ang ethanolic extract ng kalachuchi ay dumaan sa iba’t ibang pagsusuri upang alamin ang epekto nito sa kalusugan. Ayon sa resulta ng Brine Shrimp
Lethality Assay, ang katas nito ay nagpakita ng 100% mortality rate sa brine shrimp, na nagpapahiwatig ng mataas na cytotoxicity. Sa kabila nito, ang phytochemical screening ay nagpatunay na naglalaman ito ng mga bioactive compounds tulad ng flavonoids, tannins, at alkaloids, na kilalang may mga antioxidant at antibacterial properties. Sa larangan ng antibacterial testing, ipinakita ng Disk Diffusion Method na kaya nitong sugpuin ang Escherichia coli, Staphylococcus aureus, at Bacillus subtilis. Bagamat limitado ang saklaw ng epekto nito, malinaw na ang katas ng kalachuchi ay may potensyal bilang
natural na alternatibo sa antibiotics.
Ngunit tulad ng anumang pananaliksik, may mga hamon na kailangang tugunan. Ang mataas na cytotoxicity
ng katas ay maaaring maging banta sa kalusugan kung hindi maayos na mapoproseso.
Gayunpaman, ito rin ang nagbibigay-daan upang magsagawa ng mas
malalim na pag-aaral sa posibleng aplikasyon nito sa cancer treatment at iba pang sakit.
Ang kalachuchi ay higit pa sa isang pandekorasyong halaman, ito’y isang simbolo ng potensyal na maaaring makatulong sa medikal na agham. Upang mas mapakinabangan ang benepisyo nito, mahalaga ang mas malalim na pananaliksik, maingat na pagproseso, at edukasyon sa komunidad tungkol sa mga panganib at benepisyo ng natural na alternatibong gamot. Ang agham at kalikasan, kung magtutulungan, ay may kakayahang maghatid ng mga solusyong makatutulong sa mas ligtas at mas malusog na hinaharap.
5 Halamang gamot na ginagamit sa Pilipinas
LAGUNDI SAMBONG
Sa pagsusumikap na bigyang-pansin ang kalusugan ng kanilang mga guro, inilunsad ng Isulan National High School ang makabagong programang “SLIM Possible Challenge.” Layunin nitong tulungan ang mga guro na magbawas ng timbang, labanan ang stress, at magkaroon ng mas balanseng pamumuhay sa kabila ng kanilang abalang trabaho bilang tagapagturo.
Ayon sa datos mula sa Department of Health (DOH), 60% ng mga Pilipinong guro ang nasa peligro ng sobrang timbang o obesity—isang kondisyon na maaaring magdulot ng seryosong karamdaman tulad ng diabetes, altapresyon, at sakit sa puso. Idagdag pa
YERBA
BUENA BAYABAS TSAANG
GUBAT
Stress Out, Slim In
rito ang stress at kawalan ng oras para sa sarili, na madalas humahantong sa stress eating Isa sa mga nagtagumpay sa hamon si Rachel O. Llorente, na nagbahagi ng kanyang karanasan. Aniya, “Hindi ko nga kailangang magdiet nang husto, pero nanalo pa rin ako. Mas naging masaya ang hamon dahil dito.” Ang kuwento ni Rachel ay patunay na ang hamon ay hindi lamang tungkol sa pagbawas ng timbang kundi sa pagkakaroon ng mas malusog na lifestyle. Ang programa ay hindi lamang nagbigay ng pisikal na benepisyo kundi nagkaroon din ng positibong epekto sa kalusugang mental ng mga guro. Ang pagbawas ng stress
hormone na cortisol at pagtaas ng serotonin levels dahil sa regular na pisikal na aktibidad ay nagdulot ng mas maayos na emosyonal na kalusugan. Bukod dito, ang hamon ay nagsilbing daan para sa pagkakaroon ng community support, kung saan ang mga guro ay nagtulungan at nagbigayinspirasyon sa isa’t isa upang maabot ang kanilang mga layunin. Naniniwala ang pamunuan ng Isulan National High School na ang pagkakaroon ng balanseng kalusugan ay mahalaga hindi lamang para sa mga guro kundi pati na rin sa kalidad ng edukasyon na kanilang
naibibigay. Kapag malusog ang mga guro, mas produktibo sila sa pagtuturo at mas nagiging inspirasyon sa kanilang mga mag-aaral. Sa tagumpay ng “SLIM Possible Challenge,” hinihikayat ng paaralan ang iba pang kalapit na institusyon sa Isulan na magsagawa rin ng katulad na mga programa. Ang ganitong inisyatiba ay nagpapakita na hindi lamang edukasyon ang dapat bigyang-pansin ng mga paaralan kundi pati na rin ang pangkalahatang kalusugan ng kanilang mga guro. Sa huli, ang pagiging malusog ay hindi lamang tungkol sa pisikal na anyo kundi para rin sa mas maayos na pamumuhay at paglilingkod sa komunidad.
Myth
Hariette Aethra Pojol
HIGHBlood: Dugo sa Himpapawid
Habang patuloy ang mga pagsubok sa epektibong pamamahagi ng mga medikal na suplay, isang grupo ng mga mananaliksik mula sa Isulan National High School ang nagdisenyo ng isang drone system na kayang maghatid ng dugo at medikal na specimen nang mabilis at episyente, partikular na sa mga malalayong lugar. Tinawag itong HIGHBlood: Harnessing Innovative Groundwork for Healthcare on Blood and Specimen Logistics Optimization and Operational Design Using Drone Transport.
Ang HIGHBlood ay isang drone na nilagyan ng mga makabagong teknolohiya tulad ng GPS module para sa tamang navigation, gyro sensor para sa flight stabilization, at electronic speed controller (ESC) upang kontrolin ang bilis at direksyon ng motors. Kasama rin sa disenyo nito ang LiPo battery para sa matagal na power supply, at servo motor para sa awtomatikong ejection ng dugo o specimen. Mayroon din itong temperaturecontrolled compartments na gumagamit ng ice gel upang mapanatili ang kalidad ng mga medikal na suplay.
Sa kasalukuyan, ang mga aksidente sa kalsada at kakulangan ng tamang transportasyon ay nagiging sanhi ng pagkaantala sa paghahatid ng dugo at iba pang mahahalagang medikal na suplay. Ayon sa datos mula sa Department of Health (DOH), ang pagkaantala sa pagdeliver ng dugo ay malaki ang kontribusyon sa mataas na bilang ng maternal mortality at trauma deaths sa bansa.
AJ Charisse Atibula
Ipinakita ng pilot testing ng sistema na matagumpay ang HIGHBlood sa paghahatid ng dugo, na may 100% success rate. Sinusuportahan ito ng tamang GPS navigation at maayos na temperature control. “Solusyon ang HIGHBlood sa problema ng traffic at malalayong lugar, kaya nitong maihatid ang dugo sa loob ng 2-3 minuto, kahit isang kilometro ang layo.” ayon kay Aulia Bea I. Adam, ang lider ng proyekto.
Ang pagdadala ng dugo sa himpapawid ay nagdudulot ng makabuluhang epekto sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang tulong. Sa tulong ng HIGHBlood, maiiwasan ang pagkaantala ng mga kritikal na paghahatid na maaaring magdulot ng mga hindi inaasahang trahedya. Ang mabilis na transportasyon ng dugo at mga specimen ay nagbigay daan sa mas madaling acces sa mga medikal na suplay, lalo na sa mga liblib na lugar na mahirap abutin.
Ang HIGHBlood ay isang makabagong solusyon para sa mga pangangailangan ng healthcare logistics sa bansa. Sa pamamagitan ng mataas na kalidad na teknolohiya, maiiwasan ang mga pagkaantala na maaaring magdulot ng hindi inaasahang pagkamatay. Ang proyekto ay isang halimbawa ng kung paano ang patuloy na paglago ng inobasyon ay nagsisilbing tulay sa pagpapabuti at pagbibigay ng mas mabilis at ligtas na serbisyong medikal na makikinabang ang buong bansa.
Likas at Abot-kaya: BroiLuxe Pellet Supplement
Sa pagsulong ng agham at teknolohiya, ito’y nagbigay daan sa mga mag-aaral ng Isulan National High School na makahanap ng makabago at likas na paraan para mapabuti ang agrikultura. Isa sa mga pinakabagong inobasyon sa larangang ito ay ang “BroiLuxe Pellet Supplement,” isang natural na feed supplement na gawa mula sa bawang (Allium sativum) at sampalok (Tamarindus indica). Layunin ng produktong ito na mapabuti ang kalusugan at kalidad ng mga broiler chicken (Gallus gallus domesticus) habang gumagamit ng abot-kaya at eco-friendly na sangkap.
Ayon kay Liu et al. (2018) ang bawang ay kilala bilang isang natural na antibiotic na may antimicrobial at antioxidant properties. Sa kabilang banda, sa pag-aaral ni Bressiani et al. (2021) ang sampalok naman ay mayaman sa bitamina at mineral na tumutulong sa pagpapalakas ng immune system. Sa kombinasyon ng dalawang sangkap na ito, napatunayan na kaya nilang mapahusay ang paglaki ng broiler chicken, mapataas ang timbang nito, at mapababa ang insidente ng sakit.
Ang BroiLuxe Pellet Supplement ay dumaan sa masusing pananaliksik at eksperimento ng mga Batang INHS upang matiyak ang epektibo nitong resulta. Sa pamamagitan ng tamang pormulasyon, ang supplement na ito ay nagiging natural na enhancer ng gut health, na
mahalaga para sa mas mabilis na pagtunaw at pagsipsip ng sustansya. Hindi lamang ang kalusugan ng mga broiler chicken ang pinapabuti ng produktong ito. Malaki rin ang tulong nito sa mga lokal na magsasaka dahil ang pangunahing sangkap ay mula sa likasyamang madaling matagpuan sa mga probinsya tulad ng Isulan, Sultan Kudarat. Bukod dito, makakatipid ang mga poultry farmer dahil mas mababa ang gastos sa produksyon at mas mataas ang kita mula sa mas magandang kalidad ng manok.
Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng mahalagang papel ng agham sa pagkamit ng mas sustainable at environment-friendly na agrikultura. Sa halip na gumamit ng synthetic additives at antibiotics na maaaring may negatibong epekto sa tao at kalikasan, ang BroiLuxe Pellet ay nagsusulong ng likas at responsableng pamamaraan ng pagpapalago ng livestock.
Patunay na ang ganitong uri ng inobasyon ay isang katangi-tangi na ang simpleng likas na yaman, kapag ginamitan ng agham at tiyaga, ay maaaring magbunga ng malaking pagbabago para sa kinabukasan ng agrikultura. Talaga namang Batang INHS angat sa lahat!
Arnie Waje
Isang Laban, Pitong Medalya: Derecho, Bumida sa Gymnastics!
Isang naglalagablab na tagumpay ang natamo ni Keefe Taylor A. Derecho, isang Grade 7 STE 1 na mag-aaral, sa kanyang pagsali sa 3rd JRC Gymnastics International Competition na ginanap sa Bangkok, Thailand mula Nobyembre 1 hanggang 3, 2024. Sa kabila ng matinding kompetisyon mula sa mga atleta sa iba’t ibang bahagi ng mundo, nagwagi siya ng pitong medalya, kabilang ang isang gintong medalya, dalawang pilak, dalawang tanso, at dalawang ikaapat na pwesto. Ang kanyang tagumpay ay hindi lamang patunay ng kanyang angking galing, kundi ng kanyang hindi matitinag na dedikasyon at sipag.
Ayon kay Keefe, ang pagkakapanalo ng gintong medalya ay isang napakagandang sandali para sa kanya. “Winning gold was an incredible moment. It felt like all the hard work paid off,” ani ni Derecho. Binanggit niya na ang tagumpay na ito ay isang bunga ng kanyang walang sawang pagsasanay at pagsusumikap, at ang pagkakaroon ng tamang mindset ay isang mahalagang aspeto ng kanyang pagtagumpay. Ang ginto ay isang simbolo ng kanyang pagsisikap. Dagdag pa niya, ang suporta ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga coach ay nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang patuloy na magsikap.
Ngunit hindi madaling lumahok sa isang internasyonal na kompetisyon, at aminado si Keefe na maraming hamon ang kanyang kinaharap. “It’s not easy being up against talented athletes from other countries, but it really inspired me to do my best,” pahayag niya. Ayon sa kanya, hindi naging hadlang ang mga mahuhusay na atleta mula sa ibang bansa. Sa halip, ito pa ang naging dahilan upang mas magsikap siya at patunayan ang kanyang kakayahan sa harap ng mundo. Ang kanyang tapang at determinasyon ay naging susi upang mapabuti
ang kanyang mga galaw at diskarte sa bawat kategorya ng kompetisyon.
Ang tagumpay ni Keefe ay nagiging inspirasyon sa mga kabataang atleta, lalong-lalo na sa mga may pangarap na magsikap at magtagumpay sa kanilang mga piniliing larangan. Ipinapakita ni Keefe na sa pamamagitan ng dedikasyon, disiplina, at pagmamahal sa sining ng gymnastics, ang isang batang atleta ay maaaring magtagumpay hindi lamang sa lokal na antas, kundi pati
INHS Athletes, ipinakita ang galing at determinasyon sa Batang Pinoy!
Isang makulay at puno ng kuwento ang laban ng mga kabataang atleta ng Isulan National High School (INHS) sa Batang Pinoy, isang pambansang palaro na nagbigay daan para ipakita ang kanilang galing sa iba’t ibang isports. Bagamat hindi nila nakuha ang mga parangal, hindi nila ito hinayaang maging hadlang upang maging inspirasyon sa kanilang komunidad at sa mga kabataang Isulanon.
Ang mga atleta ng INHS na sina Christian Jay Bonita, Gabriel Cabanban, Sean Eneko Calindao, Andreau Nikko Lagdamen, Dirk Cariel Leguisen, Jhazz Vincent Panganiban, Dan Youje Saito, Demver Sandigan, Joseah Benie Tabsing, Rbjay Villaula, Jose Travis Corcoro, Eul Marius Hunas, Datu Bora Ibrahim, Zyck Lambo, Denisse Rhean Figueroa, Carol Dolar, Ellyca Lapiz, Icetine Shane Labtang, Anjillan Sobretodo, Francis Jean Toribio, Argen Mae Padilla, at Lyka Avelino ay nagpakita ng hindi
magrepresenta ng kanilang paaralan sa pinakamataas na antas, hindi lamang sa isports kundi pati na rin sa pagbuo ng pagkakaisa. Hindi alintana ang matinding pagod at hirap sa pagsasanay, patuloy silang lumaban dala ang pangarap hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para rin sa kanilang paaralan at bayan.
Bagamat malakas ang kompetisyon mula sa mga pambansang koponan, ipinamalas nila ang tunay na kahulugan ng isportsmanship. Hindi sila nagkamit ng kahit anong medalya, ngunit ang kanilang dedikasyon, sipag, at pagtutulungan ang nagbigay ng mas malalim na halaga sa kanilang mga laban. Sila ay naging halimbawa na ang tagumpay ay hindi palaging nasusukat sa mga parangal, kundi sa malasakit sa kapwa at sa kanilang patuloy na pagsusumikap na magtagumpay bilang isang koponan.
Ang kanilang partisipasyon sa Batang Pinoy ay hindi lang nagsilbing pagkakataon upang ipagmalaki ang INHS kundi nagsilbing inspirasyon din sa iba pang kabataan. Ipinakita nila na ang bawat laban, kahit hindi man laging magtatapos sa panalo, ay mayroong
Roland Jones P. Tranquillero
paghulma ng karakter, disiplina, at pagkakaisa ng bawat indibidwal. Ang kanilang determinasyon at dedikasyon ay nagbigay ng bagong sigla sa kanilang paaralan at patuloy na magpapalakas sa sports development sa kanilang komunidad.
Sa kabila ng kanilang hindi pagkuha ng mga medalya, ang kuwento ng mga kabataang atleta mula sa INHS ay isang paalala na ang tunay na tagumpay sa isports ay hindi lang nasusukat sa tropeyo, kundi sa sipag, determinasyon, at sa inspirasyong hatid nila sa kanilang komunidad.
Ang kanilang naging karanasan sa Batang Pinoy ay isang patunay na hindi natatapos ang laban sa isang kumpetisyon lamang. Ito ay simula ng mas matinding pagsusumikap upang patuloy na mapaunlad ang kanilang talento at makamit ang mas malaking tagumpay sa hinaharap. Buo ang tiwala ng Isulan National High School na
ALAM mo ba?
Isang makasaysayang hakbang ang ginawa ng Department of Education (DepEd) at Palarong Pambansa nang ipahayag nila na isasama na ang Dance Sports bilang opisyal na isport sa Palarong Pambansa 2024. Ang desisyong ito ay isang malaking tagumpay hindi lamang para sa mga mananayaw kundi para sa lahat ng sumusuporta sa dance sports sa Pilipinas. Ito ay nagbigay-daan upang mapansin at pahalagahan ang potensyal ng isport na ito, pati na rin ang kontribusyon nito sa kultura at pamumuhay ng mga kabataan.
Ang pagpasok ng dance sports sa Palarong Pambansa ay resulta ng pagsusumikap at dedikasyon ng Philippine DanceSport Commission (PDSC) at mga lokal na dance sports organizations na nagsusulong ng isport sa mga kabataan. Sa ganitong hakbang, layunin nilang itampok ang disiplina at kahusayan na kinakailangan sa isport na ito, pati na rin ang mga aral na natutunan mula sa pagkakaroon ng seryosong pagsasanay, tulad ng teamwork at sportsmanship. Ayon kay PDSC President Monina Chua, ang pagiging bahagi ng dance sports sa Palarong Pambansa ay isang pagkakataon para sa mga kabataan na makita ang kahalagahan ng sportsmanship sa pamamagitan ng sayaw. “Isa itong oportunidad upang maipakita ang talento ng kabataan at magsilbing inspirasyon para sa iba pang kabataan na magtangkilik sa isport,” aniya.
Sa Palarong Pambansa 2024, magkakaroon ng mga kompetisyon sa Latin Dance at Standard Dance para sa mga high school students mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Dito, hindi lamang ang galing sa teknikal na aspeto ng sayaw ang tututukan, kundi pati na rin ang pagpapakita ng artistry at teamwork sa bawat performance.
Bilang isang opisyal na isport, inaasahan na ang pagsali ng dance sports sa Palarong Pambansa ay maghihikayat ng mas maraming paaralan at komunidad na palakasin ang kanilang mga dance sports program. Magkakaroon ng pagkakataon ang mga kabataan na magpakitang-gilas at makipagkumpetensya sa pambansang antas, at ang kanilang tagumpay ay maaaring magbigay daan sa mga internasyonal na pagganap sa hinaharap.
Ayon sa mga eksperto, ang hakbang na ito ay hindi lamang magpapalakas sa dance sports kundi magbibigay din inspirasyon sa iba pang mga isport na nagnanais na mapabilang sa mga pambansang kompetisyon. Ipinapakita ng pag-elevate ng dance sports sa Palarong Pambansa na ang isport na ito ay hindi lamang tungkol sa sining at kasiyahan, kundi pati na rin sa kahusayan, disiplina, at determinasyon.
Sa mga susunod na taon, inaasahan na magiging permanenteng bahagi ng Palarong Pambansa ang dance sports, at magsisilbing platform ito para sa mga kabataang Pilipino upang ipakita ang kanilang talento. Ang hakbang na ito ay nagbubukas ng mga posibilidad, hindi lamang para sa lokal na kompetisyon, kundi para sa mga oportunidad sa internasyonal na entablado.
Ashlee Michelle A. Lacsi
Ateliano M. Obejo
Isulan NHS Futsal, Nangunguna sa SKAA
Patuloy na pinatutunayan ng Isulan National High School Futsal Team ang kanilang husay sa larong futsal matapos ang kanilang kahanga-hangang performance sa SKAA Futsal Tournament noong ika-4 ng Pebrero. Dahil sa kanilang natatanging ipinamalas sa torneo, opisyal na silang pasok sa SRAA Qualifiers. Ang futsal ay isang mabilis at teknikal na indoor sport na kahawig ng football ngunit nilalaro sa mas maliit na court, kung saan may limang manlalaro bawat koponan. Dahil sa bilis ng laro at mataas na antas ng diskarte, kinakailangan ng mahusay na ball control, matibay na depensa, at epektibong teamwork upang magtagumpay.
Sa mga nakaraang
torneo, patuloy na ipinapamalas ng koponan ang kanilang galing sa larangan, kung saan may ilang manlalarong namumukod-tangi sa
ang futsal program upang ihanda ang kanilang mga atleta hindi lamang sa lokal na kompetisyon kundi pati na rin sa regional at national levels.
disiplina, at positibong saloobin,” ani Coach Dela Garcia. “Nakatuon kami sa pagpapalakas ng indibidwal na kasanayan at pagtutulungan ng
depensa, diskarte, at goal-scoring abilities. Ayon kay Coach Garrie Dela Garcia, patuloy nilang pinapalakas
“Ang futsal ay hindi lamang tungkol sa bilis at skills kundi pati sa teamwork,
Bentillo, Wagi sa Women’s
Lawn Tennis!
Tinanghal na kampeon si Bentillo sa naganap na PASIKLAB 2024, na idinaos sa New Capitol, Isulan, Sultan Kudarat, noong ika-10 ng Oktubre. Dinomina ni Bentillo ang kanyang laban kontra kay Fundal, tinapos ito sa iskor na 4-0. Walang kahirap-hirap na tinalo ni Bentillo si Fundal, at hindi nito binigyan ng pagkakataon ang kalaban.
Sa unang lap ng laban, agad na nagpakita ng agresibong laro si Bentillo. Nakagawa siya ng tatlong magkakasunod na service aces, at hindi na kayang ma-receive pa ni Fundal ang mga malalakas na palo ni Bentillo. Dahil dito, nakuha ni Bentillo ang unang lap ng laban sa iskor na 50-30.
Sa ikalawang lap, nagpatuloy ang lakas ni Bentillo. Wala siyang kahiraphirap na naibabalik ang bawat serve ng kalaban, na naging sanhi ng pagangat ng kanyang kalamangan, 40-0. Nahihirapan si Fundal na makakuha ng puntos dahil sa bilis at lakas ng mga palo ni Bentillo. Tinapos na ni Bentillo ang ikalawang lap na may iskor na 50-15.
Sa ikatlong lap, hindi pa rin nagbago ang sitwasyon. Nanatiling agresibo si Bentillo, patuloy na nagpapakawala ng malalakas na hampas. Walang magawa si Fundal upang pigilan siya, kaya’t natapos ang lap sa iskor na 5015.
Pagsapit ng ikaapat na lap, nagpakawala ng service ace si Fundal, ngunit hindi nagpatalo si Bentillo. Agad siyang bumawi ng malalakas na counterattacks at nakuha ang kalamangan sa iskor na 40-15. Isang puntos na lamang ang kinakailangan ni Bentillo upang makuha ang gintong medalya. Ngunit, hindi sumuko si Fundal at tinabla ang iskor sa 40-40. Lalong uminit ang tensyon sa loob ng court dahil sa sudden death. Hindi naman pinalampas ni Bentillo ang pagkakataon. Nagpakawala siya ng isang pamatay-sunog na hampas na nagbigay sa kanya ng panghuling tagumpay, 50-40. Dahil sa kanyang kahanga-hangang performance, itinanghal si Bentillo bilang kampeon at itinanghal siyang nagwagi ng gintong medalya. Irirepresenta niya ang kanyang paaralan sa nalalapit na district meet. “Isang karangalan na mairepresenta ko ang aking paaralan,” wika ni Bentillo, na may kasamang saya sa tagumpay.
koponan. Binibigyang-diin din namin ang mental na paghahanda upang maging matatag sa laro,” dagdag pa niya. Isa sa mga standout players ng koponan ay si Denisse Figueroa, na itinanghal na MVP sa SKAA Futsal Tournament. Ayon kay Figueroa, malaking tulong ang training program ng paaralan sa kanyang pag-unlad bilang atleta. “Marami akong natutunan sa koponan, lalo na sa pagiging disiplinado at mas matatag sa laro,” aniya. Sa patuloy na pagsisikap ng INHS Futsal Team, hindi malayong magkaroon ng mas marami pang manlalarong magtatagumpay sa mas mataas na antas ng kompetisyon. Bitbit ang disiplina at determinasyon, tiyak na patuloy nilang ipapakita ang husay ng mga Isulanon sa mundo ng futsal.
INHS Futsal Team, bumida sa 11th Kalimudan Football Festival!
Isang malaking tagumpay para sa Isulan National High School (INHS) ang pagkamit ng 2nd runner-up sa kanilang futsal team sa 11th Kalimudan Football Festival. Sa kabila ng matinding laban mula sa iba’t ibang koponan, pinatunayan ng INHS athletes na hindi lang sila magaling sa kanilang larangan, kundi may pusong naglalagablab na magrepresenta ng kanilang paaralan at komunidad. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang tungkol sa mga parangal, kundi sa kanilang pagsusumikap at dedikasyon upang ipagmalaki ang INHS.
Binubuo ang futsal team ng mga kabataang atleta tulad nina Anjillan J. Sobretodo, Carol Dolar, Glyka Lagdamen, Janice Kesha Ramirez, Ellyca Lapiz, Shane Icetine Labtang, Argen Mae Padilla, Lyka Avelino, Dennise Fegeuroa, at Franz Toribio. Sa pamumuno ng kanilang training coach na si Jude Landar, ipinakita
Rins Erie Rendon
INHS Futsal team panalo sa kauna-unahang U18 Ladies Tournament
Nagningning ang Isulan National High School (INHS) Futsal Team sa kanilang kampeonato sa 1st Futsal Tournament sa U18 Ladies category. Ibinida ng koponan ang kanilang kahusayan, pagtutulungan, at dedikasyon sa bawat laban, at sa kabila ng matinding kumpetisyon, sila ang nagwagi. Ang torneo ay nagtipon ng mga koponan mula sa iba’t ibang munisipalidad ng Sultan Kudarat,
isang patunay ng lumalawak na kasikatan ng futsal sa mga
kabataang atleta. Sa huling laban, ipinakita ng INHS ang kanilang lakas at disiplina, na nagbigay saya at pride sa mga tagahanga, at nagpatibay sa kanilang pangalan bilang isang pwersa sa larangan ng futsal. Ayon kay Denisse Fegueroa, isang
miyembro ng koponan, “Para sa amin, ang tagumpay na ito ay hindi lang tungkol sa panalo, kundi sa bawat determinadong sipa at sakripisyo na isinakripisyo namin bilang isang koponan. Ang gabay ni Coach Garrie Dela Gracia ay talagang malaking tulong sa amin.”
Ang tagumpay ng INHS Futsal Team ay higit pa sa isang kampeonato. Ito ay isang simbolo ng pagtutulungan, lakas, at determinasyon. Bawat sipa ng bola, bawat pagtakbo sa court, at bawat hakbang na magkasama nilang tinahak ay nagsilbing patunay na walang imposible sa mga may pangarap. Ang kanilang tagumpay ay nagbigay liwanag at inspirasyon sa iba pang kabataan na nagnanais magtagumpay, hindi lamang sa sports kundi sa buhay.
Sa kabila ng mga pagsubok at sakripisyo, natutunan nila na ang tunay na halaga ng tagumpay ay hindi nasusukat sa tropeo, kundi sa mga determinadong sipa na magkasama nilang tinahak patungo sa karangalan.
Pasiklab 2024 idinaos, Grado Onse
Kampeon sa Men’s
Naging kampeon sa idinaos na Pasiklab 2024 ang Grado Onse laban sa Grado Dose sa isinagawang Men’s Baksetball sa himnasyo ng INHS. Hindi nagawang makaligtas ng koponan ng Grado Dose sa umaapoy na kamay ni Jersey #22 Hunas. Matapos magtala ng 27 puntos, kasama na ang 7 assists at 4 steals, hindi na kinaya ng Grado Dose ang lakas ng kalaban. Gayundin si Lambo, na may 18 points at 4 rebounds na nagbigay ng malaking tulong sa koponan ng Grado Onse upang masungkit nila ang kampeonato. Sa kabilang banda, ang koponan naman ng Grado Dose ay walang ibang sinandalan kundi ang kanilang mga sarili.
Sa pagsisimula ng opening
Basketball
nanggaling sa 3 point area. Pero sa pagtatapos ng 1st quarter bumawi naman sila ng 5 to nothing run. Ngunit hindi ito sapat upang makuha ang kalamangan. Natapos ang unang quarter sa iskor na 19-17, lamang ng dalawang puntos ang koponan ng Grado Onse.
Sa pagsisimula ng ikalawang quarter, mas tumindi ang laban nang ipinasok itong si Hunas at Lambo. Silang dalawa ang namuno sa koponan ng Grado Onse. Kinontrol nila ang buong 2nd quarter hanggang matapos ito. Umiskor sila ng 12 puntos na pinagsama. Natapos ang 2nd quarter sa iskor na 37-29, pabor sa Grado Onse.
Sa pagsisimula ng ikalawang half
ang Grado Onse ng dalawang 3 points. Dahil dito, umalab ang sigla ng mga manonood. Ngunit hindi natinag ang koponan ng Grado Dose at agarang pumuntos ng dalawang magkasunod na layup. Ngunit hindi ito sapat para makuha ang kalamangan. Hindi magawang magdomina ng Grado Dose kahit sila’y matatangkad.
Sa huling quarter, nagliyab na naman ang kamay ni Hunas, gumawa siya ng 14 puntos na nagsigurado ng kalamangan para sa Grado Onse. Sa kabilang koponan, tila mahirap makuha ang puntos, dahil bawat tira nila ay parang dumadaan sa butas ng karayom. Sa huli, matagumpay na naiwang gintong medalya ang Grado Onse. Si Hunas, sa kanyang pamatay-sunog
nakamit ng Grado Onse ang gintong medalya.
Isulan Secondary Schools, Nagtipon para sa Triangular Meet!
Nagtipon ang mga atleta mula sa limang sekundaryang paaralan sa Isulan noong Nobyembre 15, 2024 para sa isang Triangular Meet. Ang paligsahan ay naging isang pagkakataon para sa mga kabataan na ipakita ang kanilang galing sa iba’t ibang sports at magbahagi ng sportsmanship sa buong komunidad.
Kabilang sa mga kalahok ang mga atleta mula sa Isulan National High School, Bambad National High School, New Pangasinan National High School, Laguilayan National High School, at Sultan Ali Akbar Sinanggayen National High School. Lahat ng mga atleta ay sabik at handang ipakita ang kanilang mga kasanayan.
Ayon kay Al M. Barrios, ang Coordinator ng INHS Junior High School, ang Triangular Meet ay para sa mga batang atleta na magtulungan at magbuo ng pagkakaibigan habang pinapanday ang kanilang mga kakayahan.
“Hindi lang tungkol sa pagkapanalo, kundi sa pagpapalakas ng samahan at pagkakaisa sa ating mga paaralan ang event na ito Masaya kami na nakikita ang mga estudyante na nagtutulungan at natututo mula sa bawat isa,” sabi ni Barrios.
Isang atleta mula sa INHS na si Danilo Sudario, na lumahok sa basketball, ay hindi maitago ang kanyang kasiyahan. Ibinahagi niya na malaking bagay sa kanya ang makipagkumpetensya sa iba pang magagaling na atleta mula sa mga kalapit na paaralan.
“Masaya ako na makipagkumpetensya dito sa mga magagaling na atleta mula sa mga ibang paaralan. Itinutulak kami nito na magbigay ng pinakamahusay na laro namin,” ani Danilo.
Tulad ng mga atleta, binigyang-diin din ng mga coach ang kahalagahan ng mga ganitong pagkakataon sa pagpapalakas ng disiplina, teamwork, at dedikasyon sa sports.
“Ang mga kaganapang tulad nito ay nagpapaalala sa ating mga estudyante na mahalaga ang pagtutulungan at ang pagiging disiplinado, kasabay ng pagpapakita ng kanilang talento,” wika ni Coach Cheenee Marz Tuerco, na isang gymnastics coach.
Sa pagtatapos ng Triangular Meet, masaya at puno ng inspirasyon ang mga estudyante, na nagsalu-salo sa pagdiriwang ng kanilang mga tagumpay. Lahat ay umaasa na magkakaroon pa ng mga ganitong pagtutulungan sa hinaharap, at mas marami pang kabataan ang magkakaroon ng pagkakataong magtagumpay.