ANG SANGHAYA

Page 1


Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Tandang Sora National High School

BALITA

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng

Tandang Sora National High School

YOU ARE NOT ALONE”, Paalala ni Venus Raj

ag-iwan ng paalala

si Venus Raj sa kanyang panayam na inor- ganisa ng Christ’s Commis- sion Foundation (CCF) na programang “Not Alone” sa Tandang Sora National High School (TSNHS) noong ika-15 ng Nobyembre 2024, araw ng Biyernes. Binigyang-diin ng dating Ms. Universe 2010 4th Runner-Up, ang kahalagahan ng kumpiyansa sa sarili at pagkakaroon ng pagpapa- halaga sa buhay. Saad ni Ms. Venus, “Insecurity is the lack of confi- dence, madami, madaming reason why people are in- secure,” ito’y nang matapos niyang tanungin ang iilang mga mag-aaral na bahagi

ng programa. “Mahalaga ang buhay mo dahil ang pinambayad sa buhay na yan ay ang buhay ni Kristo na namatay sa krus para sa’yo” dagdag pa niya. Hindi rin nagpahuli si Ms. Venus na ipakita ang kanyang talento sa pagtula nang bigkasin niya ang sa riling tula na may pamagat na “Mahalaga ka” na pumu kaw sa atensyon ng bawat isa.

Sa tulong ng Supreme Secondary Learner Gov- ernment (SSLG) officers maayos na naisagawa ang nasabingInaasahanprograma.namang mag- kakaroon pa ng mga susu- nod na programa ang CCF sa ating paaralan.

Adopt a Classroom ng TSHNS Alumni, namahagi ng TV!

EZEKIEL DALISAY

oluntaryong nagbigay ng TV sa bawat silid-aralan ang mga alumni sa Tandang Sora National High School (TSNHS) bilang bahagi ng proyektong “Adopt a Classroom” na nagsimula noong Hunyo 2022.

Naglalayon ang proyektong ito na bigyan nang sapat na kapasidad ang bawat

mag-aaral upang matugunan ang pangangailangan sa pang-araw-araw na klase.

Sa kabuuan, 13 TV ang naibahagi ng alumni sa iba’t ibang silid-aralan, na ngayon ay ginagamit na bilang suporta sa mas epektibong pagtuturo.

“Ipinaunawa ko sa mga Alumni na syempre, huwag na nilang iparanas ang naranasan nila noon sa mga estudyante ngayon,” saad ni Gng. Cristina A. Norberte, Puno ng kagawaran ng Araling Panlipunan.

Bilang focal person ng

BALITANG

This Project aims to promote Mental Health Awareness and to support students so they will not encounter Mental Health Problems, so in the first place we are preventing the developing [of] Mental Health Problems.

Brigada Eskwela, ito ang naging daan ni Gng. Norberte upang matulungan ang mga mag-aaral ng TSNHS.

Dagdag pa ni Gng. Norberte, “Napaka-grateful para sa akin, napaka-thankful ako sa kanila kasi nga hindi biro ‘yong sasabihin ko, achieved naman ‘yong goal na… kaya wala naman akong pinag- sisihan.”

Sa kabila ng mga ito malaki ang pasasalamat ng paaralan sa mga alumni dahil sa malaking tulong na nailaan sa bawat mag-aaral.

umalima ang Tandang Sora National High School (TSNHS) sa mga programa ng literacy at numeracy upang bigyang solusyon ang suliranin kinahaharap ng kagawaran.

Matatandaan na ang DepEd, gagawing prayoridad umano ang pagpapabuti ng literacy at numeracy sa mga batang mag-aaral sa Pilipinas.

Base sa DepEd Order Blg.13, s. 2023, na inilusad noong Hulyo 3, 2023, DepEd ang

nagpatibay ng isang Pambansang Programa sa pagbawi ng pagkatuto na binibigyang-diin ang pangangailangan na tugunan ang mga pagkalugi sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Mas lalong pinalalakas at binibigyang pansin ng TSNHS ang nasabing programa. Ayon sa panayam ni Gng. Leonida Ela, guro sa TSNHS, sinabi nito na pinansiyal ang pangunahing suliranin ng mga mag-aaral na nagiging

narangkada ng SMASHED PH ang programang “Smashed” sa Tandang Sora National High School (TSNHS) noong Oktubre 17, 2024 upang magsulong at bigyang kaalaman ang mga kabataan patungkol sa epekto ng alak sa tao. Layunin ng SMASHED PH na mapangalagaan ang kalusugan ng mga kabataan lalo na ang underage drinking.

Ayon sa House Bill No. 1753. An Act Prohibiting The Access of Unqualified Individuals to alcohol or

sanhi ng pagliban nito sa klase.

“Para sa akin bilang isang guro mapapalakas ang literacy sa pamamagitan ng sapat na pinansiyal, dahil madalas napapansin ko na pinansyal ang palaging suliranin ng mga estudyante palaging suliranin ng mga estudyante dahil wala silang sapat na pambaon o pera para tustusan ang kanilang pag aaral, lalo na tayo ay nakakaranas ng poverty o

beverages and prescribing penalties. Naniniwala ang SMASHED PH na mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral ang panukalang batas na ito upang maiwasan ang pagkakalulong ng kabataan sa alak at sa iba pang bisyo.

Binigyang pansin ng tagapagsalita ang epekto sa kabataan ng underage alcohol drinking lalo sa pag-develop ng utak ng bata, kasama na rito ang risky behavior. Natuklasan din na maraming Pilipino ang binge drinker pagdating

SANDALAN Project, Bukas sa Lahat!

Sandalan na bukas para sa lahat” wika ng gurong tagapayo ng CENTREX mata- pos masimulan ang SANDALAN Project nitong ika-15 ng Nobyembre, taong 2024, sa Tandang Sora National High School.

Ayon kay Centrex Adviser Nids Asinas Ela na ang SANDALAN Project ay hindi lang isang simpleng proyekto ng CENTREX Project, ito’y kabilang sa School Division’s Project na sinalihan ng iba’t ibang paaralan ng Lungsod Quezon.

“Sandalan Project is not just a Centrex Project, it is a School Division’s Project that all schools in Quezon City, they are what we call CEN- TREX Scholars are tasked to make a project in their school and this project is all about Mental Health.” saad ni Centrex Adviser Nids Ela.

Ayon sa kaniya, ang SANDALAN Project ay naii- ba sa BATAHANAN HUB na nananalo at naging top 1 sa Centrex Special Project noong 2023 dahil ito ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang social media platform katulad na lamang ng Spotify, Tiktok at marami pang iba.

Sa kabilang banda, sinabi ni Haely Calizada, isa sa mga

kahirapan sa buhay.” saad nito.

Dagdag pa ni Gng. Ela, maaari ding mapalakas ang numeracy program sa pamamagitan mismo ng pagtutulungan ng mga guro at mag-aaral.

Samantala, para sa mag-aaral ng TSNHS, panghihikayat mismo ang solusyon sa pagpapalakas ng nasabing programa.

Nitong nakaraang Oktubre, nakiisa ang TSNHS sa literacy month upang bigyang pahalaga ang wika at kultura, pagsusulong ng edukasyon at pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga patimpalak sa essay writing, poetry

sa alcohol o alak na nagreresulta sa domestic violence, rape at physical abuse.

Nagkaroon naman ng mga interaksyon na talakayan, presentasyon, at mga aktibidad, hangad nilang magbigay-kaalaman sa mga magaaral tungkol sa mga panganib ng maagang pag-inom ng alak, gayundin ang paghubog ng wastong pagdedesisyon at tamang pagpapahalaga sa kalusugan. Nilunsad ang programang ito upang mas maraming kabataan ang naprotektahan mula sa panganib ng pang-aabuso ng alak, mapananatili ang maayos na kagalingan at kalusugang mental at pisikal.

CENTREX Scholars na ang proyektong SANDALAN ay makatutulong sa mga magaaral lalo na sa mga nakakaranas ng mental health problem.

“This project is vital as it addresses the increasing issues of stress, anxiety, and depression among students, which can significantly im- pact their academic performance and overall well-being. By fostering open discussions and providing easy access to resources, SANDALAN encourages students to share their feelings and seek support without fear. Ultimately, it highlights the importance of mental health for both academic success and personal growth.” saad ni Calizada. Ayon kay Calizada, tinitiyak ng proyektong ito na may sapat na espasyo ang bawat estudyante upang magbahagi ng kanilang saloobin at humingi ng tulong. Ang proyekto rin na ito ay ginawa upang magbigay ng suporta at tulong sa mga estudyanteng nangangailangan. Samantala, ang SANDALAN Project ay patuloy na pinoproseso upang mas maayos itong maisagawa at inaasahang magiging matagumpay sa pagtatapos ng taong panuruan 2024- 2025.

writing, slogan making at cosplaying.

“ Napansin ko ay ang pagiging hirap nila sa math o numeracy, para sa akin mapapalakas ito sa pamamagitan ng mas pag tutok pa sa mga estudyante na nahihirapan sa subject na math. Puwedeng ang mga estudyante na may kagalingan sa subject na ito ay mag turo sa kanilang mga kamag aral.

-Gng. Leonida Ela

LIAN BARTOLAY, JHAZMIN REBADULLA at KHRISTINE ALCAYDE
-Centrex Adviser, Nids Ela
JHIAN ROLDAN AT JHON VASQUEZ

SORANIANS, Nagsiklaban Sa DSPC 2024

amayagpag ang husay ng mga mag-aaral ng

Tandang Sora National High School (TSNHS) sa larangan ng pamamahayag matapos magtagumpay sa iba’t ibang kategorya sa nagdaang District Secondary School Press Conference (DSPC) noong Nobyembre 8-9, 2024.

Nag-uwi ng karangalan ang mga mamamahayag ng Ang Sanghaya mula sa TV Broadcasting na sina Jhian Rey Roldan na itinanghal bilang 1st Place Best News Anchor habang si Carla Mora, nagkamit ng 3rd Place Best News Anchor.

Nanguna si Ezekiel Dalisay sa kompetisyon bilang 1st Place Best News Presenter at na-

kasungkit naman ng 2nd Place

Best Script sina Samantha Zulita at Eunice Pascual, gayundin si Louise Oral na nagwagi bilang 1st Place sa Best Development Communication (DevCom).

Nagpakitang-gilas ang grupo ng I-Konek sa TV Broadcasting na nagkamit ng 2nd Runner-Up Overall.

Habang si Jane Antonio ay 2nd Place Best Technical Application sa Group Category.

Samantala, nagwagi naman bilang 2nd Place Best Opinion Page sa kategoryang Collaborative Desktop Publishing sina Ashbel Estoque, Misha Binza, Infinity Ramos, Alianah Escalona, Añiah Pidernal, Zwitssy Sontosi- dad, at Rolan Florentino.

HANS CABILIN

Ngiting abot-langit ang naging ekspresyon ng mga piling mag-aaral ng Tandang Sora National High School nang magwagi sa naganap na kompetisyong pinangunahan ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Tandang Sora noong Linggo ng Kabataan, ika-16 ng Agosto 2024. Ang nasabing Linggo ng Kabataan ay may temang “KILOS KABATAAN – Kabataang Media Literate; Boses ng Pagbabago sa Digital na Panahon,” na ginanap sa Barangay Hall ng Tandang Sora. Hindi nagpadaig ang mga piling mag-aaral ng TSNHS dahil sa kanilang ipinamalas na kahusayan at talino na

Nagsiklaban din ang ibang

Soranians pagdating sa pagsulat o mga Individual Category, nakapasok sa pagsulat ng lathalain sina Jessa Evangelista na nakakuha ng 1st Place at Krichelle Santua na pumuwesto sa ika-7.

Sa larangan naman ng Photo Journalism, itinanghal si Chloe Dalde bilang 2nd Place at si Alianah Escalona na nakakuha ng ika-7 puwesto. Nagbigay inspirasyon ang mga Mobile Journalist ng paaralan, kung saan nakamit nina Ashleigh Reyes ang ika-6 na pu- westo at Rhea Fermin sa ika-8 puwesto.

Sa pagsulat naman agham at teknolohiya, nakuha ni James

Biore ang 3rd Place habang sa Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita naman pumuwesto si Princess Albañez bilang ika-7. Nagpatuloy ang pag-ani ng tagumpay nina Angelique Albalateo ika-8 pagdating sa Pagsulat ng Balita, at si Maria Joveca Callos na pumuwesto sa ika-6 sa Pagsulat ng Kolum.

Sa kabilang banda, nagwagi rin ang mga English Journalist mula sa ‘The Plethora’ na sina Maria Novelita Rances, na naguwi ng ika-3 puwesto sa Mobile Journalism, Renztrojan Mission ika-5 puwesto at Elsa Crisostomo na nakatungtong sa ika-7 puwesto sa kategoryang Photo Journalism. Nakuha ni Veronica Repollo

Kabataang Soranians, wagi sa Linggo ng Kabataan 2024

nagresulta sa pag-uuwi ng unang pwesto sa video making at quiz bee.

“Nung nalaman namin na mag- jo-join kami sa competition, na-ex- cite talaga kami since team naman, at inisip talaga namin na maipana- lo ‘yun. Di naman kami nakaramdam ng kaba pero nung nag-start na competition,yung so- brang stressful niya. At dun sa ilang oras na ‘yun, sobra ang pagod namin, pero dahil nagtulun- gan naman kami at namannakapagbigay kami ng

ideas kung ano ang dapat namin gaw- in sa ilang oras na ‘yun, naging ma- ganda ang resulta ng video namin. Nag-lead pa ‘yun sa pagkapanalo namin dahil sa suporta ng aming mga guro at kaklase,” saad ni Ashleigh Noureen Reyes, kampeon sa videoKabilangmaking. sa mga lumahok dito na sina NoureenAshleigh Reyes, Jane Ashley Anto- nio, Romianne Carla Mora, at Adrianne Blazo na nagwagi at nagkampeon sa Vertical Video Contest. Samantala, ang

mga mag-aaral na nagmula sa pangkat Rizal na sina James Dela Cruz, Stephen Pingol, Eleccion,Estefano at Diesel Shawn Bajamonde ay nagtagumpay na makuha ang titulo bilang 2nd place sa Quiz Bee Competi- tion.

“Siyempre, nung nanalo kami, sobrang thankful namin sa mga sumuporta sa’min, kase kung hindi rin dahil sa mga reaksyon nila sa mga comment at pagcheer nila, hindi rin kami mananalo.

-Ashleigh

Scholarship, handog ng Magnificent Choir sa Grade 8 students

DAPHNE JUNIO

akatanggap ng scholarship ang 15 piling magaaral mula ng Grade 8 ng Tandang Sora National High School mula sa mga miyem- bro ng Magnificat Choir ng Mary Immaculate Church sa Cubao, Quezon City. Nakatanggap ang mga piling mag-aaral ng P2,000 bilang pangunahing tulong para sa kanilang mga gastusin sa pag-aaral. Ang pamamahagi ng mga benepisyo ay dinaluhan ng OIC-Head Teacher ng Science Department na si G. Dexter Aspa, Master Teacher I na si Gng. Leigh Sinigui-

an, Pangulo ng Faculty ng TSNHS na si G. Terrie Deguma, mga guro ng Science and Technology 8 na sina Gng. Judy Mae Gomez (Team Leader), Gng. Jeannette Dilan, at Gng. Joyceline A. Castillo. Dumalo rin ang mga magulang at mag-aaral ng mga napiling estudyante. Ang programang ito ng Magnificat Choir ng Mary Immaculate Church ay nagsimula noong 2015-2017 sa panahon ni dating punongguro, Gng. Ruby De Jesus. Sa pamamagitan ni G. Ericson Del Castillo, isa sa mga miyembro ng Magni-

ficat Choir, nagtanong siya kay Gng. Ruby De Jesus kung maaari nilang ipagkaloob ang ganitong uri ng scholarship para sa mga karapat-dapat na mag-aaral na nagsisilbing masipag, masikap, at regular na duma- dalo sa klase. Ayon kay G. Del Castillo, hindi kailangan ng kanilang grupo ang mga mag-aaral na sobrang talino, kundi ang mga mag-aaral na may kahirapan sa buhay at ang mga magulang ay walang trabaho o nasa ilalim ng mahirap na kalagayan.

Si G. Ericson Del Castillo ay

hindi lamang isang aktibong miyembro ng Magnificat Choir kundi isa ring Bise Presidente para sa HR ng Nissan Philippines at ASEAN.

Si G. Ericson ay nagpapas- alamat sa pagkakataong ito na matulungan ang mga karapat-dapat na mag-aaral sa tulong at pagpapala ng kasalukuyang punong-guro na si Gng. Marissa F. Duka na nag-apruba ng nasabing programang scholarship, at ni G. Margarito C. Vizconde, Head Teacher ng Science and Technology Department.

ang 6th Place sa Feature Writing, habang pumuwesto si James Imuan sa ika-7 ng News Writing.

Nakasungkit si James Lagana ng 8th Place sa Copyreading and Headline Writing, at nagwagi si Josh Verzano sa ika-10 pwesto sa Editorial Writing. Nakapasok naman si Samantha Espina bilang ika-10 sa puwesto pagdating sa Science and Technology Writing.

Pinatunayan ng mga mag- aaral ng TSNHS ang kanilang husay at dedikasyon sa larangan ng pamamahayag na nagdala ng karangalan sa buong paaralan.

2,500 PE Uniform, sakosakong bigas; natanggap ng Soranians!

ALTHEA ASUNCION AT CARLA MORA pinamigay ang mahigit 2,500 PE uniform para sa mga estudyante at limang kilong bigas para naman sa mga teaching and non-teaching personnel sa Tandang Sora National High School (TSNHS) nitong ika-3 ng Oktubre 2024.

Pinangunahan ni Hon. Marivic Co-Pilar, Quezon City, 6th District ang pamimigay ng PE uniform sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan.

Ayon sa kanya, bawat taon ay nasa mahigit 40,000 na PE uniform ang kaniyang ipinapamigay mula unang baitang hanggang high school.

“Ngayong Congresswoman na ako tinodo ko na, mula grade 1 hanggang high school na ang libreng PE uniform. Dito lang ‘yan, only in district 6 wala ng iba,” saad ni Hon. Marivic Co-Pilar.

Sinabi rin ng congresswoman na hindi ito makakalimot tumulong kahit sa maliit na paraan lamang. Bukod sa ipinamigay ni Hon. Marivic Co-Pilar na PE uniforms, nagpamahagi rin ang Sangguniang Kabataan o SK ng Tandang Sora ng mga sapatos na pamasok para sa mga piling mag-aaral ng TSNHS, nitong Setyembre 20, 2024. “Ang dulot ng mga sapatos para po sa mga students ay malaking tulong po sa mga estudyante lalo na po ‘yong estudyanteng walang-wala, malaking bagay sa kanila ‘yong sapatos na ‘yon lalo na kung sira na ‘yong sapatos nila, may pamalit na sila, at isa pa nakakatulong din sa budget ng mga magulang instead na bibili sana ng shoes hindi na nakabili dahil sa pinamimigay na sapatos,” saad ng SPTA Officer. Lubos naman ang pasasalamat ng mga estudyante, teaching, at Non-teaching personnel sa TSNHS sa munting handog ni Hon. Marivic Co-Pilar.

MICHAELA TAULE at ABEGAIL LOLO
Noureen Reyes, Isa sa mga Kampyeon ng Video Making

OPINYON

SOpisyal na Pahayagang Pangkampus ng

Tandang Sora National High School

WALANG MABA KUNG WALANG

BASTOS

aan mang sulok ng mundo, walang sinuman ang makakatakas sa mapangahas na buhay sa publiko. Ultimo paglabas lang ng tahanan ay pinangangambahan ng maraming tao. At ang maraming bilang mga sekswal na karahasan ang nag-udyok na ipasa ang Batas Republika 11313 o Bawal Bastos Law na nilagdaan ni dating Pangulo Rodrigo Duterte noong Abril 19, 2019.

Sa sarbey na isinagawa ng Social Weather Station(SWS), tatlo sa kada limang kababaihan ang nakakaranas ng sekswal na karahasan. Nasa 70% ng mga biktima ang nakatang- gap ng harassment mula sa hindi nila ka- kilala at 58% sa mga ito ay naganap sa mga kalsada at eskinita. Layunin ng batas na ito na protektahan ang bawat mamamayan laban sa mga karahasan sa pampublikong lugar gaya ng paninipol, catcalling, panghihipo, pamboboso, o pagpapakita ng pribadong parte ng katawan.

Sa ulat pa rin ng SWS, 50% sa mga biktima ng sexual harassment ang hindi naglalakas-loob na ilahad ang kanilang mga naranasan. Ibig-sabihin, kalahati ng bilang ang hindi nakakatanggap ng hustisya at maraming bilang ng mga nangha-harrass ang hindi nakakatanggap ng kaukulang parusa. Kung susumahin, hindi maipagkakailang madalas sa mga harassers ay kalalakihan habang kababaihan at LGBTQA+ ang

kadalasang nabibiktima.

Katulad ng iba pang uri ng pang-aabuso gaya ng pisikal at berbal, walang kaibahan dito sexual abuse; pare-parehong lubhang nakaaapekto sa buhay ng mga indibidwal at dapat na tututukan ng mga awtoridad. Sa bansang dati nang hindi binibigay ang karapatang dapat na umiinog sa buhay ng mga kadalasan nating biktima: ang mga babae, hindi dapat tayo maging pikit sa katotohanang sa araw-araw na lumilipas ay patuloy pa rin ang bilang ng katulad nilang naaabuso.

Walang kahit na sino ang gugustuhing maging biktima ng kahit ano pang pang-aabuso, kaya’t nararapat lamang na bigyang-diin pa ang batas na ito ay siguraduhing walang malalampasang kaso. Ang lalabag sa batas na ito ay nararapat kasuhan at makulong. Hindi dapat pang-aabuso ang nangunguna sa mundo, kundi ang paggaling at respeto. At palaging itatak sa isip na walang mababatos kung walang bastos.

Bakit Tayo Kulelat sa Pag-unlad?

GISING, EDUKASYON!

Jenesis Alvarez

ila’y isang napakalaking hadlang ang mababang antas ng literasiya sa pagtamo ng pag-unlad ng ating bansa. Hindi ito simpleng isyu ng kakulangan sa pagbabasa, kundi isang malalim na suliranin na nakaaapekto sa kakayahan ng mga mamamayan. Sa bawat kabataang nahihirapan sa pag-unawa ng binabasa, tila naantala rin ang pagkakataon nating sumabay sa mabilis na takbo ng globalisasyon. Batay sa ulat ng PISA 2022 (Pro-

gramme for International Student Assessment) ng OECD, 76% ng mga 15-taong gulang na estudyanteng Pilipino ang hindi umabot sa Level 2 proficiency sa pagbabasa, nangangahulugang karamihan ay hirap sa batayang pag-unawa ng mga teksto. Sa kabuuang 81 bansang lumahok, pumuwesto ang Pilipinas sa ika-77, ayon sa OECD Education GPS report. Bagama’t may bahagyang pag-angat mula sa resulta noong 2018, nananatiling isa ang Pilipinas sa mga bansa na may

pinakamababa sa larangan ng literasiya. Isa sa mga pangunahing dahilan ng mababang antas ng literasiya sa ating bansa ay ang kakulangan sa mga kagamitan at maayos na sistema ng pagtuturo. Sa maraming pampublikong paaralan, kulang ang mga aklat, silid-aklatan. Dagdag pa rito, ang mga estudyante ay madalas na kulang sa oras na inilalaan sa pagbabasa dahil sa dami ng iba pang gawain o ang kawalan ng interes na dulot ng makabagong teknolohiya at social media. Malaki ang papel ng gobyerno, sa paaralan, at maging sa paglutas ng krisis sa literasiya. Ang paglalaan ng sapat na pondo para sa mga programa sa pagbabasa, pagsasanay ng mga guro, at pagkakaroon ng de-kalidad mga

hakbang na maaaring gawin na materyales ay ilan lamang sa upang masiguradong ang mga bata ay natututo ng tama. Bilang isang estudyante, ramdam ko ang bigat ng krisis na ito. Mahirap magkaroon ng produkto ang edukasyong hilaw. Hindi sapat ang mga kampanya sa pagbabasa kung walang konkretong aksyon mula sa lahat ng sektor. Kailangan ng bawat gobyerno na magtulungan upang matiyak na ang mga kabataan ay may sapat na kakayahan sa pagbabasa. Dapat masiguro na ang mga susunod na henerasyon ay may mataas na antas ng literaisya. Kung hindi natin ito tutugunan ngayon, mananatiling kulelat ang d aating bansa sa pandaigdigang kompetisyon.

HUWAG MAGPALINLANG, PUMILI NG MAY KAKAYAHAN

a bawat eleksyong nagaganap, muling bumubukas ang pintuan para sa pagbabago. Ito ang sandali kung saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng bayan at wala sa nakatataas.

Sa pagkakataong ito, may kakayahan tayong mamili ng lider na mamumuno at magdadala ng maraming pagbabago sa ating bansa. Ngunit sa kabila ng kaliwa’t kanang propaganda, Iba’t-ibang uri ng makukulay na pangangampanya at patuloy na paglaganap ng mga fake news. Paano na nga ba makakasigurong mabuting pinuno ang ating maihahalal?

Nitong Oktubre, muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagtanggap ng Certificate of Candidacy (COC) para sa nalalapit na halalan sa 2025. Kapansin-pansin na muling namamayani ang mga social media influencers at mga artista sa listahan ng mga nagnanais na tumakbo. Bagaman hindi na ito bago sa Pilipinas, kung saan matagal ng bahagi ng politika ang mga sikat na personalidad. Gayunpaman, hindi ba’t panahon na rin upang itaas ng mga botante ang kanilang pamantayan? Dapat nating tiyakin na ang bawat isa ay may sapat na kaalaman sa kandidatong

nasa halalan. Tanungin ang mga sarili kung bakit hanggang ngayon tila hindi pa rin umu- usad ang kalagayan ng mga Pilipino? Na tila ba ang

popularidad na ang nagiging pangunahing batayan sa pagboto at sinasawalang bahala na ang mga katotohanang magpamumulat sa tao kung sino ang nararapat na iboto.

Tulad noong 2022, mahigit na 63 milyon ang rehistradong botante ngunit hindi lahat ng bumoto ay may pagsusuri. Maraming botante pa rin ang patuloy na naaakit sa mga kandi-

datong hindi puro plano kundi kayang gumawa ng tunay na pagbabago. Tandaan na ang pagboto ay hindi lamang karapatan kundi isang obligasyon para sa ikabubuti ng ating lipunan. Hindi naka kapagtaka kung bakit hindi umu unlad ang bansang Pilipinas, dahil ang ating mga niluluklok ay mas inuuna ang tawag ng bulsa kaysa sa hinain ng mga mamamayan. Kailangan matuto ng bawat botante na tignan ang mga credentials ng mga politikong kanilang biniboto, sapat nga ba sila para makabilang sa pamahalaan, kara pat-dapat ba? Hindi porket nakatulong ang isang tao, dapat na ring tumakbo. Hindi ba tayan ang pagtulong sa kapwa sa pamumuno at pamamahala. Huwag sanang laruin at gawing circus ang politika dahil ang simpleng posisyon na kanilang inuupuan, malaki nang pagbabago para sa ilan. Matuto tayong tignan kung ano ang kanilang naiambag para sa ating lipunan at sa taumbayan.

Ang bawat botante ay may tungkuling magsaliksik, makilala ang mga isyu at kandidatong bumubuo sa halalan. Hindi sapat ang opinyon ng iba kung wala naman ang kongkretong ebidensya. Kaya sa darating na araw ng halalan, nawa’y piliin natin ang pinunong may kakayahan at kayang mamuno sa ating bayan. Dahil sa huli, ang mabuting pinuno ay hindi lamang magsisilbing gabay ng bayan kundi haligi ng pagkakaisa ng bawat mamamayan.

Bilang estudyante ng ating paaralan, batid ko po ang maraming extra curriculars na maaaring salihan ng mga estudyante, isa na rito ang Journalism. Subalit kapansin-pansin po na hindi lahat ay nakakalahok dito. Sana hindi lamang po sa higher section i-offer ang Journalism dahil tiyak na marami pa ang may angking talento at gustong subukin ang pamamahayag. Nawa’y sa mga susunod ay mabigyan po po ng pagkakataon ang ibang mag-aaral na ipakita ang kanilang talento.

TUGON SA HAMON

Ashbel Estoque

Ano ang CHATGPT sa Gen Z?” sabay click Pagkatapos ay lalabas na agad ang pagkahaba-habang kasagutan, hindi na kailangan pang maghirap at maglaan ng effort dahil matatapos mo na agad-agaran. Nakakatuwa’t kung minsa’y nasasama na rin ng iba ang pangalan ng mismong link, ay malalagot ka talaga, mapapahuli pero ‘di kulong ang peg.

Nang maihulma ang CHATGPT o anumang Artificial Intelligence (AI) na nagkalat sa iba’t ibang social media platform, malaki ang nagawa nitong pagbabago sa lahat ng larangan, lalong-lalo na sa larangan ng pagkatuto. Nakadepende na lamang kung paano natin ito nakikita’t kung paano’t saan natin gagamitin.

Bilang isang mag-aaral sa henerasyon ngayon, malaking tulong sa akin ang CHATGPT o kahit anumang AI. Kung minsa’y nga sa pangkatang gawai’y humihingi kami ng tulong sa CHATGPT upang mas mapalawak pa nito ang amimg bokabularyo’t malaman ang mga bagay na bago sa amin. Subalit, mayroon pa ring nagsasabi na wala itong maidudulot kundi kasamaan. Sa katotohana’y pagiging responsable lamang dito ang tanging kailangan, nang hindi tayo tuluyang dumepende’t malamon ng tuluyan. Hindi naman natin masisisi ang iba kung nananatiling buhay ang takot nila, na panahong mga tao’y papalitan ng AI ay malapit nang dumating. Simple lamang, nasa kapasidad ng CHATGPT ang kakayahang makabuo ng sanaysay, kung ikaw ba’y

ANGAT ANG DILAT

Kate Catanawan

ag-iingay muli ang usaping “No Read, No Pass” na kung saan hindi pahihintulutan ang mga magaaral na tumuntong sa susunod na baitang hangga’t hindi marunong bumasa.

Iba’t ibang komento mula sa panig ng guro, magulang, at mag-aaral ang maugong na lumalabas.

Ayon sa World Bank, Pilipinas ang may pinakamatas na learning poverty sa buong Asia at Pacific Region. Pumalo sa 91% ng mga estudyanteng Pinoy o isa sa bawat sampung batang Pilipino ang hindi nakakapagbasa, kung may kakayanan man

Bilang isang mag-aaral ng Tandang Sora National High School, napakarami ko nang napapansin ng mga problema sa ating paaralan ngunit sa kabutihang palad unti-unti nang nagkakaroon ng pagbabago, nakapagpagawa na ng bagong CR at Canteen, hindi na rin mataas ang mga presyo. Subalit, nananatili pa rin na ang kakulangan sa mga libro, at isa pa’y may mga classroom na hati, ito’y maaaring magdulot ng labis init na hindi nakabubuti sa kaligtasan ng mga mag-aaral. Bukod doon, hangad ko ring magkaroon ng mataas na seguridad ang mga estudyante at maramdaman nilang safe sila sa loob ng paaralan.

MATATAG Curriculum: Ambag!

eka-dekada na ang nakalilipas ngunit nananatiling nasa laylayan ng Program for International Student Assessment (PISA) ang bansang Pilipinas. Labis-labis na kahihiyan ang naidulot nito sa mga Pilipino. Naitulak nito sa dulo ng bangin ang pamahalaan, kaya’t nahulog sa desisyong palitan ang kasalukuyang kurikulum ng panibagong yugto ng pangangalap ng kaalaman. Dito na nailathala ng Department of Education (DepEd) ang MATATAG Curriculum o DepEd Order no. 010 s. 2024, na pangunahing layunin ay matapalan ang kakulangan sa edukasyon, sa pangunguna ng dating sekretarya

mga guro sa ganoong sitwasyon, lalo na ang mga mag-aaral. Sino ba namang gugustuhing aralin ang pito o walong subhekto sa isang araw, hindi ba’t nakauubos iyon ng utak? Isa pa’y karamihan sa mga itinuturo sa partikular na asignatura ay naituturo rin sa iba pang asignatura, kumbaga’y pumapaikot-ikot na lamang tayo’t umuulit. Inilunsad ang k-12 program noong 2012, dekada na ang nakalipas ngunit sablay pa rin tayo sa larangan ng edukasyon. Kinakailangan na ng panibagong tutugon sa pagkalagapak natin sa akademiko. Ito’y mahalaga sa larangan ng akademiko, dahil isang malaking hakbang ito para sa hinahangad na

ipagagawa mo pa sa robot ang sanaysay na tungkol sa iyong buhay? syempre hindi.

“ Walang kaso, ‘wag lang iaasa ang lahat, dahil lahat ng sobra’y nakasasama.

Ako rin ang tipong perfectionist kung tawagin, may mga oras na nakaka-overthink na baka mali ang grammar ko kaya’t ako’y lumalapit upang humingi ng gabay sa grammarly. Oo, gabay ang aking tinuran sapagkat nananatiling ideya ko ang lahat at hindi mula sa metal na utak. Sa realidad nga’y maaari pang makatulong ang AI upang mas mag-evolve ang mga tao, na imbis na magpalamon tayo sa takot ay bakit hindi natin gawing inspirasyon nang mahigitan natin ang AI, panigurado’y gugustuhin ng lahat kung mga tao’y mas angat. Sa gayon, ang panahong darating ay maaabot natin ang bot.

ay hirap pa sa pagbigkas at mas lalong hirap sa komprehensyon.

Isa sa itinuturong dahilan ng pagtaas ng learning poverty sa bansa ang Pandemya.Taong 2019 bago ito magpahirap sa buhay ng mga milyon-milyong tao, nasa 69.5% ang learning poverty sa Pilipinas. Nangangahulugan itong lubhang nakaapekto ang pagsasara ng mga eskwelahan at pagsasagawa ng mga online classes sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Sa kasalukuyan, palaki na nang palaki ang kahirapan sa pagkatuto, habang paliit naman nang paliit ang

SALIWANG PAGTUPAD

pinatupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) and Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantage/Displaced workers (TUPAD). May nakaukit na layuning bigyang trabaho ang mga salat sa pinagkakakitaan, o ‘di kaya’y mga manggagawang apektado ng kalamidad ang pinagkukunan ng hanapbuhay.

Nagbibigay ito ng emergency employment sa mga walang trabaho, nahihirapan makahanap ng trabaho, at hindi regular sa pinapasukan. Ipagkakatiwala sa kwalipikadong manggagawa ang temporaryong trabaho sa loob ng 10 days, at hindi lalagpas ng 30 days, sweldo mo’y nakabayay sa kung ano’t saan sila nagtatrabaho. Ngunit, iisa lamang sa isang pamilya ang maaaring mapabilang sa beneficiaries ng TUPAD. Noong 2021 lamang, umabot ng P2.8 Million displaced workers ang nakatanggap ng benepisyo sa programang ito. Sa parehas na tao’y nagtila

Bawat tao ay may karapatan. Karapatan mabuhay, karapatan makapag-aral, karapatan igalang o irespeto at iba pang karapatan na dapat taglay ng lahat na tao. Mayaman o mahirap. May kapansanan o wala, lahat ay pantay pantay sa ilalim ng demokrasyang sistema. Matatandaan nong Nobyembre 9, 2020, sa Ika-18 Kongreso ng Pilipinas. Inihain ang Panukalang batas ng Senado bilang 1907 na naglalayon magtatag ng mga programa para sa mga mag-aaral na mayroong kapan-

sanan bilang suporta sa inklusibong edukasyon upang matiyak na lahat ay magkaroon ng isang dekalidad na edukasyon. Ayon kay Senador Win Gatchalian may tinatayang 400,000 hanggang 5 milyong batang Pilipino ang mayroong iba’t ibang uri kapansanan. Gayunpaman, may 23,000 lamang ang mag-aaral na nakarehistro sa DepEd o Department of Education noong taong 2018-2019. Malalaman natin dito na maraming may mga kapansanan ang hindi pumapasok sa

utak ng mga batang Pilipino. Kaya dapat lang na maging mahigpit ang mga paaralan sa pagpapasa ng mga estudyante. Bukod dito ay tutukan nang husto ang mga batang nangangailangan ng alalay.

Sinasaad sa Memorandum No. 067, s. 2014 na ang mga mag-aaral na hindi nakakabasa o mga mag-aaral sa antas ng frustration level na hindi kayang makasabay sa akademikong pangangailanganin ay hindi makakatungtong sa susunod na antas.

Kung kaya lubos akong sumasang-ayon sa polisiyang ‘no read, no pass.’ Hindi nito dinadagdagan ang

bulalakaw sa bilis ng tama ng anomalya sa programa, nabahiran ng maduming kamay ang pondo para sa mga nangangailangang manggagawa. Mahigit P59 milyon ang nawalang pondo para sa programa, sa pamamagitan ng ghost beneficiaries o ang hindi pagsusuweldo na angkop sa trinabaho.

Sumasailalim sa Senate No. 2087, sinumang dumungis sa implimentasyon ng TUPAD gaya ng pagsasagawa ng ghost beneficiaries o anumang gawaing saliwa sa layunin ng programang ito’y maaaring managot sa batas.

Kaya ay upang maliwanagan ang

paaralan.

Marahil ay may iba’t ibang dahilan nito ngunit isa sa mga tinitignan ay ang hindi nakatatanggap ng espesyal na pangangalaga at pagsasanay na kailangan nila.

hirap at taon ng mga estudyante, bagkus tinutulungang makaalis ang mga estudyante sa kahong limitado lamang ang kanilang nalalaman.

Kung ang simpleng pagbigkas at pag-intindi ng mga teksto ay hindi na kayang gawin mga mag-aaral, sa paanong paraan pa nila mapipiga ang kanilang mga utak upang makasabay sa mga asignaturang mas kinakailangan ng mahusay na komprehensyon at kritikal na pag-iisip?

Bukod pa dito, patuloy lamang din silang magiging kampante na sila’y makakausad kahit pa hindi nila pinaglalaanan ang pagkatuto.

lahat sa kababalaghang naganap, nagsagawa ng imbestigasyon ukol sa nawawalang pondo, kabilang na rito si Ombudsman Samuel Martirez, National Bureau of Investigation (NBI), at DOLE-National Capital Region. Sa ngayo’y wala pa ring lumalabas na resulta mula sa kani-kanilang imbestigasyon.

“ Taumbayan na kanilang pinangakuang paglingkuran, mismo kanila pang pinagnakawan.

Nakawawarak-puso kung ating

Bilang estudyante na may pananaw na lahat ay patas sa larangan ng edukasyon, ako ay lubos na sumusuporta sa pagtatag ng panukalang ito sapagkat pinahahalagahan nito ang karapatan ng lahat. Dagdag ko pa, marami ang magiging malaking tulong nito para sa mga may kapansanan gaya ng pagtugon sakanilang pangangailangan tulad ng mga kagamitan sa pag-aaral at materyales. Magiging bahagi na rin sila ng regular na sistema ng edukasyon na lubos na

Wika nga ng ating pambansang bayani, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,” kaya’t gawing matibay ang ‘no read, no pass’ policy upang walang maiwan nang sa gayo’y tunay na maging pag-asa ng bayan.

“ Dahil sa huli, nagaaral ang mga kabataan upang matuto ng maraming bagay hindi bastang pumasa lang.

isasaisip, kung sino pang naihalal sa pwesto na todo sambit ng mga mababangong salita sa harap ng madla, ngunit pagtalikod ay kung ano-ano nang nakakakunot noon ginagawa. Kay gandang programa sana kung hindi lang nagmisteryosong nawala ang pondong kakapal-kapal na nakalaan sa TUPAD program. Anomalyang to’y kailangan nang maituwid sa lalong madaling panahon, nang sa gayo’y hindi tumaliwas ang layunin ng TUPAD. Imbes na makadagdag trabaho, makadarag dag pa sa pagkasalat at iisipin ng mga ordinaryong Pilipino.

makatutulong upang makasabay sila. Isa pa sa maitutulong nito ay mapapabawas ang diskriminasyon sa mga may kapansanan. Dahil sa batas ay layunin nitong suportahan ang kanilang pag-aaral at pangangailan na maaaring magresulta ng patas na pagkakataon sa mga mag-aaral. Kaya naman, lubos akong naninindigan na ang pagtatag nito ay isang matalinong desisyon na makakapagbuti sa lahat ano man ang iyong kalagayan.

Minamahal kong patnugutan, Minamahal naming punong patnugot,
Sumasainyo, Luis Jamiel Glinogo
Sumasainyo, James Dela Cruz
Joveca Callos
Para Matuto at Hindi Basta Pumasa lang
LAHAT PUPUKSAIN
AYON SA SARBEY
Mula sa ginawang survey sa paaralan ng Tandang Sora National High school, sa kabuuang bilang na 507 students.

Hinahanap ka sa tabi, ‘di na mawala sa isip” tumutugtog sa aking magkabilang Tenga habang ako’y naglalakad sa gilid ng kalsada upang mag-antay ng Jeepney, masasakyan patungo sa aking paroroonan.

Subalit sandali, ano’t tila ang mga jeepney na ating nakasanayan at parte ng ating kultura ay nais lisanin sa mga kalsada? Tila ang mga businang kahit saan noo’y naririnig ngayo’y pilit pinaglalaho na?

Rekta byahe na sila kahit pa madaling araw magsimula upang may pambili sa pamilyang naghahangad na hindi kumalam ang sikmura sa buong magdamag. Pakikipag-unahan sa kapwa nila tsuper makapagsakay lamang ng pasahero.

Umaabot sila hanggang maghating-gabi na, atin ding makikita na sila’y namamasada pa upang mayroong masakyan ang kanilang kap

extension para sa tinatawag na consolidation ng mga jeepney na siyang unang hakbang sa modernisasyon nito. Sang-ayon sa LTFRB, may bilang na 159,682 o 83.3% ng kabuuang 191,730 jeepneys ang nakapag-consolidate na sa kanilang Public Transport Modernization Program o PTMP. May 1,781 cooperatives na may bilang na 262,870 na mga miyembro ang nagpa-accredit na rin sa ilalim ng Office of Transport Cooperatives. Ang hari ng kalsada ay nagdudulot daw ng usok patungo sa ating katawan na maaaring magresulta ng kakaibang sakit sa mamamayan.

Buhay komyuter. Malaki ang ambag ng jeepney noon pa man sa buhay ng mga estudyante at nagtatrabaho. Ito ang pangunahing transportasyon sa kani-kanilang patutunguhan. Maaaring malapit lang ang pupuntahan nariyan ang jeepney na masasakyan.

Kinagigiliwan din ang kulturang nakagisnan ng mga komyuter– ang pag-aabot ng bayad at sukli, ang iba’t ibang karatula at kasabihang sa jeepney mo lang makikita.

“Basta drayber, sweet lover”, “God knows HUDAS not pay”, “Barya lang sa umaga”, at marami pang sining na

lahat, hindi lamang sa mga tsuper na naghahanap buhay, kundi pati na rin sa mga taong sumasakay. Mas mababa ang halaga ng pamasahe ng jeepney kumpara sa ibang sasakyan kagaya ng bus at UV.

Nakatutulong din ito upang makapagtipid ang mga taong sumasakay, lalong-lalo na sa mga estudyanteng hindi masyadong kalakihan ang baong ibinibigay.

Aalisin ang ating nakasanayang jeepney, papalitan ng moderno at makabago. Hindi ba nila naisip na mas mahal din ang presyo kumpara sa halaga ng pamasahe na ibinaba

Sa mundong mapaglaro May mga bagay talagang hindi sigurado

Palagi na lang tuliro, kakaisip kung pa’no ba ‘to?

Hindi na alam kung anong gagawin mo.

Nagrerema na ang awit na ito sa aking tenga. Para bang sinasa bing nabigo man sa unang pag kakataon subalit tulad ng kawayang sumasabay sa ihip ng hangin muling bumangon bitbit ang talino at tagumpay Libo-libong boses ang bumubulong “Kamusta ang buhay ng isang Campus Journalist?” Isang katanungang kahit ako’y tila nasa kawalan ang kasagutan. Marahil, alam na sariling hindi madali ang pagsusulat at utak ang labanan sa propesyong ito. Sa sayaw ng buhay marami sa atin, tulad ko, ang nangangapa pa sa bawat indak na kailangang gawin. Minsan nasa tiyempo, ngunit madalas nama’y wala. Noong pumasok ako sa paaralan ng Tandang Sora National High School o mas kilala bilang TSNHS. Isa sa kanilang programa o aralın ang nakabihag ng aking puso. Nalaman ko na sila’y naghahanap ng mga

mag-aaral na nais sumali sa diurnalismo — isang programa kung saan pinapakita ang lakas at angking talino ng mga bata sa pagsusulat. Ito ang naging daan upang mas lalong makilala ko ang tunay na reyalidad ng mundo. Ito’y naging daan din upang mapuntahan ko ang iba’t ibang magaganda at malalaking paaralan na kung saan pinapakita ang talento at sumasabak sa mga patimpalak. Siniguradong bago magsimula ang kompetisyong sinalihan buong pusong nagensayo para sa mas mahirap at mas nakakatakot na labanang haharapin. Kinakatakutan ang pagkabigo dahil paano na lang kung mapunta sa wala ang lahat ng hirap at pagsasakripisyong ginawa para sa pag-eensayo?

Bagama’t pinanatili ang lakas ng loob determinasyon, at tiwala sa sariling kakayanin ito! Kung nagawa nila’y magagawa rin. Isinawalang bahala na lamang ang mga kaisipan at ito’y ibinaon sa hukay. Bahala na si Batman. Tulad ng mga superhero sa himpapawid, malayang isinulat ang mga kaisipang dala ng tapang at determinaryong manalo. Hindi man naging madali ang labanan, ngunit sinikap

walang humpay na magpapahirap sa kanilang lagay?

Bigyan natin ng pugay ang eksistensalismo ng ating tradisyonal na hari ng kalsada. Sumasalamin ito sa kultura at identidad ng Pilipinas. Salamin din ng pakikipagugnayan at likas na kagiliwan ng mga

ng talino at kakayahang mag-isip ng positibo.

Nag- isip ng mga taong makakatulong sa akin, tulad na lamang ng maalala ko ang kuwento ng buhay ni “Miss Universe 2018, Ms. Pia Wurtzback” Binibining kandidalang lumaban upang irepresenta ang bansang Pilipinas. Ayon sa kaniya, marami na siyang sinalihang “pageantry,” ngunit lahat ng mga ito’y napupunta lamang sa wala. Umabot pa sa puntong siya na lamang ang walang korona sa kanilang pamilya. Isang binibining nagmula sa lugmok, ngunit naabot ang tuktok dala ang determinasyon at tiwala sa sarili.Ang kuwento niya ang naging inspirasyon at lakas upang makaaayat sa tuktok.

Ginamit ang pagkabigo bilang sandata upang maabot ang medalyang inaasam. Tulad ng kaniyang matatamis na salita, ginamit ko ang mga salitang nagmula saa bibig ng nakararami upang maabot ang tuktok. Wala mang kasiguraduhan dahil sa tindi ng kalaban, ngunit naniwala sa sarili at ginamit ang sariling kakayanan. Bawat inspirasyong aking pinanghawakan ay naging sandata ng aking digmaan. Isang gintong medalya ang nakamtan - medalyang matagal pinangarap at inasam. Ipinakita sa lahat na sa likod ng madilim na karanasan ang angking talento at talino ang mangingibabaw. Sumabay lamang sa ihip ng hangin at muling bumangon para sa ikalawang pagkakataon. Kung sakalı mang matangay, okay lang iyan. Hindi tayo perpekto, kailangan nating tanggapin na ang pagkabigo’y isang daan upang pagaralan kung paano muling babangon, bitbit ang mga kaalaman at aral mula sa unang pagkakataon. “na..na..nandito na ako”

Jenn Jonhet Larosa onchalant. Isang tao na aakaling masungit sa unang tingin. Tila titignan sa malayuan. Ngunit siya pala’y isang matulunging katrabaho, lan, at padre de pamilyang maasahan. Siya ay si G. Joel Vizconde- puno ng kagawaran sa Agham at Teknolohiya na kung saan humarap sa mga unos habang siya’y naglalakbay patungo sa daan kung nasaan siya ngayon. Workaholic. Isa sa pinakagamiting paglalarawan ng kanyang mga katrabaho. Pumapatay ng oras na hindi nagliliparan ang mga papel dahil walang gumagalaw kundi nauubos na ang mga trabaho na siya lamang ang gumagawa. Go with the flow. Hindi nagpapadaig sa mga problema bagkus ang problema ang namomroblema sa kanya. Mula noong namatay ang kaniyang ina, bilang bunsong anak ay siya na ang inaasahan pagdating sa gawaing bahay. Dahil walang sumusuporta sa kanila ay kinailangan

niyang magsumikap komportableng kapagtapos
DIBUHO
DIBUHO NI: ROLAN FLORENTINO
DIBUHO NI: DENISE RAMIREZ

Tila isang misteryosong tao kung katrabaho, kaibigang masasandamagsumikap upang lumagay sa komportableng buhay. Bago pa man sya nakapagturo na kapagtapos muna sya ng Psychology. Hindi sya ka agad nakapaghanap ng trabaho kaya naman nakita niya ang kanyang sarili sa akademiya kung saan siya ay pinakuha ng education units at pinagkaloob ng Diyos na siya ay makapagturo. Connecting the dots. Sir Vizconde kung aking tawagin ang nagpatunay sa akin na kung patungkol sa trabaho ay dapat paghusayan at ibigay ng buo ang isip at puso at hindi pu-

masok sa isip niya na h’wag ng ituloy ang pagtuturo sapagkat kahit walang konektado ang tinapos mo sa kolehiyo at ang kasalukuyang trabaho mo ay mapag aaralan naman ito kung tayo’y pursigido at kung gugustuhin natin.

Sa pagdaan ng panahon ang isang bagay na hindi mo ginusto ang magiging daan upang may matuklasan kang bagay na hindi mo inaasahang magugustuhan at hindi mo magawang bitawan sa dulo at dumadating sa puntong dekada ang tinatagal mo dito. Sa halos nunungkulan bilang guro naging punong guro panahon upang magbitiw sa posisyon kung nasan siya at may tao ng papalit sa kaniyang posisyon. Pagpasok sa araw-araw, mga kasamahan, mga guro na under sa kaniya at higit sa lahat ang mga mag-aaral na nakakasalamuha niya sa pang arawaraw niyang pamumuhay ay kaniyang ma-mamanghaan at hindi makakalimutan.

Sa ilang taon ng kaniyang paglilingkod sa larangan ng edukasyon siya’y mas magka karoon na ng oras sa kaniyang pamilya at mga mahal sa buhay.

Sa mga tao nais matupad ang kanilang pangarap dapat pagbutihin at dapat kung may opurtuninad na dumating ay “i grab” na ika nga ng iba dahil ang opurtunidad ay minsan lang dumating sa buhay ng isang tao.

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Tandang Sora National High School

estudyante, sila ay may kakayahang pumili ng strand na pinakababagay sa aspekto ng kanilang pagkatao at ninanais na trabaho. Dito ka mapapaisip: “Magaling ba ako pagdating sa lohika, o sa pagiging malikhain?” Marami itong pagpipilian, tulad na lamang ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) na nakatuon sa mga larangan na mabibigat ang parte ng numero, siyensya, at lohika. Isa pang maaring piliin ang Humanities and Social Sciences (HUMSS) na nakatuon naman sa mga trabahong dedikado sa emosyon and intuwisyon ang pinakapinapahalagahan.

Dahil din sa edad ng mga estudyanteng nasa senior high school, mas nahihikayat ang iba’tibang uri ng extracurricular activities tulad na lamang ng clubs at isports na iilan din sa rason bakit kawili-wili ang pag-aaral. Ang ganitong uri ng oportunidad ay hindi dapat pinalalampas at lalong pinapahalagahan gamit ang mga bukas palad ng mga kabataan. Tulad nga ng kanta ng BINI, “Dahan-dahan lang, buhay ay ‘di karera,” Ang pagdalo ng senior high school ay hindi lang kapupulutan ng iba’t-ibang aral ngunit isa itong makulay at maaliwalas na parte ng pag-aaral at higit sa lahat, nagsisilbing tulay patungong tagumpay.

Wika ng Gen Z

“Skibidi Sigma,” “Rizzler,” at “ISTG” ay ilan lamang sa mga salitang nagsimula sa social media at mabilis na naging bahagi ng pang-araw-araw na usapan. Sa TikTok, Twitter, at iba pang online platforms, nalilinang ang bagong wika ng kabataang pabago bago, puno ng laro, at minsa’y mahirap intindihin. Higit pa sa mga salitang ito, ang mahalagang kahulugan na naibibigay nito sa mga tao. Sa kabila ng mabilis na pagbabago ng wika, ang mga salitang ito’y nagiging tulay upang ipahayag ang damdamin, ideya, at kwento. Ito ang nag-uugnay sa henerasyon ngayon sa mas malawak na mundo ng komunikasyon.

Kaya naman, kahit anong slang pa ang gamitin ng Gen Z, mahalaga pa rin ang paggalang at pagmamalasakit sa wika at kultura. Dahil ang tunay na “petmalu” ay ang taong marunong magpahalaga sa kanyang pinagmulan habang yakap ang modernong panahon.

Binza
Diesel Shawn Bajamonde
NI: ROLAN FLORENTINO

LATHALAIN

aririnig na ang kani ya-kaniyang kalampag ng kutsara’t tinidor sa lamesa, maging ang buhos ng tubig, mga tunog ng alarm clock, at hindi mawawala ang kata gang “Bumangon kana, malalate kana”

Higit sa lahat, masis ilayan na ang mga kabataan suot ang plantsadong damit, mga naglalakihang bag, at kumikint ab na mga sapatos.

Nako! Pasukan na naman, parang kailan lang, kung may roong lamang genie humiling na sana akong pahabain pa ang mga araw para makapagpahinga’t makapaglaro pa ng mga online games o hindi kaya’y makagala.

Sandali, parang may mali?

Tama bang gustuhin ko ang mga bagay na ito kung nasisilayan ko naman na ilang mga kabataan ang naghihirap at nagnanais na makapag aral?

Ayokong maging bulag sa katotohan ngunit dahil lamang sa pansariling interes ko’y natatapakan ko na ang dapat gawin.

Sana tuluyan na tayong makalaya sa gapos ng kahirapan.

Sana tuluyan na nating mahanap ang daan palabas sa kung anuman na bumabara sa puso’t isipan natin.

Sana ngayong pasukan, ang mga kabataang nakita ko sa lansanga’y matagpuan ko na sa loob ng silid aralan.

Isa sa kahirapan ang nagiging hadlang kung bakit isang hamon ang edukasyon. Ayon sa Philippine Statistics Authority(PSA), umaabot sa 10.9% at katumbas nito ang 2.9 milliong pamilyang Pilipinong hindi sapat ang income na pumapasok sa tahanan. Hindi ko lubos maisip kung bakit sa halos ilang

maiwasan nang muli ang pagakakaroon ng diskrimanasyon sa loob ng paaralan. Kadalasang nakakaranas nito ang mga mag aaral na mula sa mga marginalized na grupo, tulad ng mga kababaihan, mga katutubo, at mga may kapansanan. Isa lang naman ang ninanais nila kundi ang makapag aral ng matiwasay at walang iniisip na anumang problema. Maging ako’y hangarin ko ring makapag aral at makita ang iba’t relihiyon at lahi ma nagkakaisa. Sana ngayong pasukan, pagtuunan ng gobyerno ang mga paaralang kulang sa kag amitan tulad ng teknolohiya, mga guro, at ang korapsyon sa loob ng paaralan. Marami sa paaralan ng Pilipi nas hindi nakakasabay sa kung anong meron ang ibang bansa kung kaya’t “kulelat” ang Pilipi nas pagdating sa mga pagsu sulit kagaya ng PISA. Isa dahi lan nito’y kakulangan sa mga teknolohiya, sa panahon ng digital age, ang kakulangan ng access sa teknolohiya ay nag iging isang malaking hadlang sa pag-aaral. Maraming mga estudyante, lalo na sa mga rural na lugar, ay walang access sa mga computer, internet, at iba

pang digital na kagamitan. Marami ang mga paaralan sa Pilipinas, lalo na sa mga rural na lugar kulang sa mga mapagkukunan tulad ng mga kwalipikadong guro, mga modernong kagamitan, at sapat na mga pasilidad kung kaya’t kulang din ang mga laman ng utak ng mga kabataan.Idagdag mo pa ang korapsyon sa edukasyon ay isa pang malaking problema. Ang mga pondo para sa edukasyon ay madalas na ginagamit para sa ibang layunin, at ang mga estudyante ay madalas na nagbabayad ng suhol upang makapasok sa mga paaralan o upang makapasa sa mga pagsusulit, kaya’t nagiging tamad at nakakapasa ang mag mag aaral kahit walang natutunan at puro kalokohan lamang ang alam. Sana ngayong pasukan, sa pamamagitan ng tinta’t papel kong ito, mabigyan ng pantay na kalidad ng edukasyon ang bawat kabataang Pilipino na naghahangad ng tagumpay. Ngayong pasukan, nais kong makita ang mga kabataang masaya sa kanilang daang tinatahak. Mga kabataang ipaglal-

agsapit ng dilim, siya namang pagtulog ni haring araw. Kuwago’y lumitaw sa sanga ng puno’y matatanaw. Ang pagmulat ng mata nito’y hudyat ng pagsimula ng kaniyang panibagong araw. Gaya ng ibang ibon, nais din nitong lumipad patungo sa kaniyang pangarap. Laki ng mata, laki rin ng markang nais makuha. Gaya ng isang estudyante, inaasam na makamit ang pangarap niya.

Henerasyon ngayon kung saan mga estudyante’y tila parang kuwago kung mag puyat. Itim sa ilalim ng mata’y tila parang isang buwan sa langit na agaw pansin. Kalunos-lunos na bata’y parang hinihintay ang umaga, mga gawain sa paaralan nais matapos na. Sunod-sunod na pasahan hindi na maagapan, oras ng pahinga’y sakop na ng aralin at mga pag-eensayo.

Kuwago sa gabi, kuwago sa umaga. Walang humpay ang determinasyon ng kuwago mapa dapit hapon o bukang

liwayway. Kahit ano man ang maisapit, patuloy pa rin sa kaniyang balakid. Kahit ano pang ingay ang umalingawngaw, tainga at mata’y sa gawain pa rin ang tanaw. Sandamakmak na takda na ang naipasa ngunit parang hindi natatapos ang ginagawa niya. Ang Pagpapatupad ng Sanate Bill No. 1792 Homework act of 2023 o ang pagbabawal mag bigay ng takda sa mga estudyante tuwing weekends, pinagtataka kung nasusunod pa ba. Pitong oras, walong asignatura. Matatag curriculum o DepEd Order (DO) No. 010 s. 2024 na ipinatupad para bawasan ang learning competency sa pagtatatag ng pundasyon sa isang bata. Tick-tock, tick-tock. Patuloy na pagtakbo ng oras, ngunit gising pa rin ang kuwagong may

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Tandang Sora National High School

artisa kung pagkaguluhan ng madla. Sino ba naman ang hindi matatakam, bukod sa abot kaya na, masarap pa. ‘Yan ang simula ni Neneng B, isang estudyante ngunit kung makapag sunog ng kilay mistulang walang kapantay. Daig pa ang call center, aral sa umaga, tinda mula hapon hanggang gabi. Tila wala na atang hindi nakakakilala sa kanya ngayon matapos siyang sumikat sa internet. Subalit, hindi maiiwasan ang haka-haka nang marami, “Paano nalang ang pagaaral nyan,” “Nag-aaral ba

habang siya’y nagtitinda sa twina? Hindi ba ito’y dagdag pasanin sa kanyang mithiin at inaasam na magandang kinabukasan kung habang maaga pa lang hati na ang kanyang atensyon sa pagaaral?

Sa patuloy na pag-inog ng mundo, patuloy rin ang suliranun sa edukasyon, hindi lang para sa kanya kundi para sa lahat. Sa mga panahong pinagsasabay ang ganitong gawain, nawa’y maging maigting ang pagtangkilik sa kaalaman na nanggaling mula sa paaralan. Huwag sayangin kung

sulat at pagbura hanggang sa matapos ang kaniyang gawain at aralain. Dilat na dilat ang mata nito, kaya niya kayang manatiling gising bago mag-umaga? Kaya niya kayang manatiling gising para sa pangarap niya?

panulat. Patuloy pa rin sa pagkayod hanggang sa maabot ang pangarap. Tagaktak ang pawis, pagod na ang mata. Kuwago, kaya mo pa ba?

Hindi nito nais sumuko, determinasyon sa buhay ang umiiral. Gaya ng ibang magaaral, patuloy ang pagpupursigi sa pag-aaral. Karamihan ang nahihirapan, ngunit ang tibok ng puso’y masungkit ang mataas na bunga ng isang mataas na puno. Kailan ma’y ang isang studyanteng may pangarap, tyaga at sipag ang inilalaan sa bawat hakbang sa pangarap.

“Kabataan ang pag-asa ng Bayan.” Ani nga ng ating Pambansang Bayani. Patuloy ang pagsisikap ng kuwago, upang mapabilang sa mga ito. Pag-asa ng bayan, pag-unlad ng lipunan. Buhay ng isang studyante na patuloy ang pagsisikap hanggang maabot

Ito na, sumapit na ang bukang liwayway. Kasabay ng pagtulog ng kuwago’y siya namang pagtatapos sa pag-aaral ng estudyanteng nakaraos. Si haring araw na masiglang sumalubong sa panibagong kabanatang kaniyang tatahakin. Ang detreminasyon sa buhay ng kuwago’y kasing lebel ng kasiyahang natamo nito. Ang kuwagong noo’y dilat na dilat, ngayo’y tila ba mawawalan ng mata sa kasiyahang nagaganap. Bawat pagsubok na nagdaan, nauwi sa pangarap na inaasam. Dilim sa kaniyang mga dinaanan, nagsilbi ang panulat niya bilang ilaw tungo sa pintong puno ng pangarap. Pangarap na nais mong matupad, edukasyon ang susi sa matarik na daang iyong tinatahak. Hirap man ang madama, bunga pa rin nito ang inaasam ng bawat isa.

Krichelle B. Santua
Nicole P. Bajar DIBUHO NI: STEPHEN PINGOL
Jessa Evangelista DIBUHO NI: ROLAN FLORENTINO

a patuloy na pagdaan ng panahon, ang mga mamamayan ay hindi nawawalan ng walang katapusang pangangailangan upang mabuhay. Maraming mga pagkaing kinokonsumo sa pangaraw-araw na buhay na nagbibigay sa atin ng lakas at masustansiyang hatid sa nutrisyon. Kabilang na rito ang bigas, na kung saan isa ito sa pangunahing pangangailangan ng bawat mamamayan. Hindi pa lutong butil ng palay na nalinis at tinanggalan ng ipa at handa nang lutuin upang maging kanin. Mayroon ding iba‘t ibang uri ng bigas na matatanaw at mabibili natin sa ating bansa. Ang puti, kayumanggi, at pulang bigas ay mas popular at malawak na magagamit sa

pangalawa sa pinakamalaking exporter sa buong mundo.

Umaasa ang Department of Agriculture (DA) na magtutuloy-tuloy ang pagbagal ng rice inflation o galaw ng presyo ng bigas sa bansa. Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba na sa 14.7 bahagdan ang inflation noong Agosto 2024 mula sa 20.9 bahagdan noong Hulyo 2024.

Mayroon din tayong tinatawag na “National Rice Awareness” na ipinagdiriwang taun-taon tuwing buwan ng Nobyembre sa Pilipinas. Ito ay nagpapataas ng kamalayan tungkol sa kahalagahan ng mas malusog na anyo ng bigas na lokal na gawa tulad ng pigmented at kayumangging bigas.

Napakalaki ng papel nito sa ating ekonomiya, napapakinabangan ng bawat isa kung kumakalam na ang sikmura, naghahatid ng sustansya at nakatutulong sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura at sa ekonomiya. Pagkain na hindi mawawala sa hapag-kainan, mapa-almusal man, tanghalian

Tapak dito, sipa roon, mga halamang nagambala ng mga talampakan ng mga taong dapat na nagpapalago’t nag-aaruga. Nailikhang may buhay ngunit sa mata ng mga tao’y walang saysay kung pitasin dahil lamang hindi alam kung saan at paano ito gagamitin.

Ano nga bang silbi ng mga halamang nagkalat sa paligid at anong halaga nito sa araw-araw nating pamumuhay? Ang halamang karaniwang nagbibigay kulay berde sa lupang bilog na ginagawalan ay hindi lamang nagbibigay kagandahan sa ating kapaligiran, bagkus nagbibigay itong benepisyo sa ating katawan.

Kung ating papansinin, likas sa mamamayang Pilipino na iba’t ibang uri ng halaman ang pinaiinom sa atin depende sa sakit na kinahaharap natin. Katulad na lamang ng sambong, oregano, at lagundi na karaniwang ginagamit sa ubo. Ang mga ganitong gamot sa sakit ay tinatawag na herbal na medisina na siya ring maaaring solusyon sa malusog na pangangatawan at maiwasan ang malalalang sakit pangkalusugan tulad ng pag-ubo na maaaring maagapan sa pamamagitan ng lagundi’t oregano.

Ayon sa World Health Organization (WHO) ang herbal na gamot ay isang kasanayan na kinabibilangan ng mga halamang gamot, mga herbal na materyales, mga paghahanda ng halamang gamot at mga natapos na produktong herbal na naglalaman ng bilang ng mga ak tibong sangkap na bahagi ng mga halaman, o iba pang mga materyal ng halaman, o mga kumbinasyon. Hindi lamang ito nagbibigay lakas at kagalingan sa kalusugan bagkus nagbibigay ding katalinuhan lalo na sa mga kabataan upang maging mabisa ang kagalingan pagdating sa larangan ng edukasyon. Sa mga pakiki bakang naganap sa loob ng paaralan, hindi maiiwasang mapagod ang ating katawan. Kaya naman naging mabisa ang mga halamang gamot upang maibsan ang kasakitan sa katawan, paghina ng immune system na dulot ng pagpupuyat at iba pang aktibidad sa paaralan, at paghina ng memorya.

Ilan sa mga halimbawa ng herbal na gamot na nakatutulong sa utak ng tao ang luya at talinum na nakatutulong upang mas mapatalas ang memorya na siyang nakatutulong sa mga estudyanteng humihina

ang memorya habang bata pa dulot ng pag-iisip sa patong-patong na bagay at aktibidad o stress.

Gayunpaman, hindi lahat ng halaman ay nakagagamot at ligtas sa kalusugan dahil may ilang halaman ang maaaring makapagdala sa kapahamakan ng kalusugan at kinakailangan ng pananaliksik bago gamitin sa katawan. Upang malaman ang kaligtasan ng isang halaman naitala ang mga herbal na gamot na inaprubahan ng siyensiyang Department of Health (DOH) tulad ng sambong, akupulko, niyog-niyogan, tsaang gubat, ampalaya, lagundi, ulasimang bato, bawang, bayabas, at yerba buena.

Sa bilyong taong naninirahan sa mundong ibabaw, iba’t ibang uri ng sakit ang mararanasan at darating

a kasalukuyan, karamihan ay pera ang inaalala, bawat isa ay naghahanap ng bukas na oportunidad upang kumita ng malaking halaga nang hindi kinakailangan ng mahabang proseso ng paghahanapbuhay. Dulot ng inobasyon, maging ang teknolohiya’y nagbibigay hanapbuhay na. Makabagong pamamaraan na nagbibigay tuwa, hindi lang kasiyahan kundi maging salapi rin ang binabahagi sa karamihan na ginagamit upang may pang-tustos sa pang-arawaraw na pamumuhay.

Isa na rito ang pinaka tampok sa mga Pilipino sa ating lipunan ay ang scatter. Ang scatter ay isang laro kung saan kikita ng madaliang pera na hindi na kailangang paghirapan pa. Dito ay kailangan mong maglaan ng pera kung saan maaaring may pag-asang manalo o matalo. Sa tuluyang paglalaro nito ay may mayroon din itong masasamang epekto katulad ng pagkaadik sa paglaan ng oras dito, pinansyal, emosyonal at ang ang mental, dito mapapasok ang tinatawag na adiksyon.

Isang negosyante sa Zamboanga City na nalulong sa online sugal na naging mainitin na rin ang ulo ayon sa kaniyang mister at nabaon rin sa utang, gayundin naubos ang kanilang savings pambayad rito, milyones ang nawala sa kanila sa

loob lamang ng tatlong buwan Makikita na masamang impluwensiya ang online game na ito dahil sa mga epekto nito katulad ng mga Pilipinong natalo ng milyones dahil rito, Bukambibig na ang “pera na naging bato pa.” madalas na sinasabi kapag sila’y natatalo. Sa sitwasyong iyan, malaki ang epekto nito sa mental at emosyonal sa kadahilanang makakaranas ng anxiety, depresyon at relasyon nito sa pamilya, matutunan maging sinungaling, at mawalan ng kontrol sa sarili.

Mabigyan lunas pa kaya kung patuloy itong ginagamit? Upang maiwasan ang masasamang epekto ay maraming paraan ang makakatulong dito katulad ng pagtigil sa paggawa ng ganitong laro o pagtigil sa online gambling, sa ganitong pamamaraan ay mahihinto ng mga tao ang paglalaro at paglalaan ng pera dito, isa pa ang disiplina at pag-unawa at pag-intindi marahil na malaki ang epekto nito sa sarili. Mahalagang paalala na di lahat ng laro na may premyong pera ay maganda, ito ay isa sa problema ng mga mamamayang Pilipino dahil sa paglalaan ng salapi dito. Iwasiwasan rin na maimpluwensiyahan sa mga larong pera ang usapan, gayundin maraming maayos na paraan upang kumita ng pera kaysa mabaon sa utang.

Michaela Cerbito
Hailley Lopez
DIBUHO NINA: STEPHEN PINGOL AT ROLAN FLORENTINO

AGHAM

a patuloy na paglaganap ng globalisasyon, libo-libo ang natatamasang inobasyong napakikinabangan ng masang kinabibilangan maging ng mga estudyanteng nag-aasam ng maayos at epektibong kagamitang pang-edukasyon. Mayroon pa ngang likhang katalinuhang tunay na napakikinabangan ng masang Pilipino, lalo na ng mga kabataang Pilipino. Hindi na bago sa mamamayan ang salitang Artificial Intelligence (AI) likhang katalinuhang gamit na gamit sa iba’t ibang larangan lalo na ng mga guro’t kabataan dahil sa taglay nitong katangiang magpapadali sa aktibidad na inaabot pa ng siyam-siyam bago matapos. Isa ito sa pangunahing pinagkukuhanan ng impormasyon ng henerasyon ngayon.

Ilan sa mga katangiang taglay nito ang makapagbigay ng espisipikong impormasyong hinahanap mo. Maging sa pagsusuri ng larawan ay nakatutulong ito dahil sa taglay nitong katangiang hanapin ang katulad ng larawan sa pamamagitan ng scanner. Nagagamit din ito sa pagbabyahe na isa sa mga naging lantad na taglay ng AI, ang waze na siyang nagtuturo ng tamang direksyon sa patutunguhan.

Naging mas matunog ang AI mula nang inilunsad ang Generative Pre-Trained Transformer (ChatGPT) na siyang kinagigiliwan at tinangkilik ng lahat lalo na ng mga kabataan dahil na rin sa mahusay nitong pakinabang partikular na sa edukasyon dahil sa mga impormasyong kaya nitong ibigay.

Mula nang maging bantog ito sa Pilipinas, natutuhan na rin itong gamitin bilang kaagapay ng mga guro sa paggawa ng kanilang presentasyon at kuhaan ng impormasyon para sa epektibong pagtuturo. Naging matunog din ito sa mga estudyante na isa sa pinagkukunan ng iilan upang mas mapadali ang pagkalap ng impormasyon at maging organisado at espisipiko.

Bunsod nito, may iilan ding nagtatalo sa usaping paggamit ng ChatGPT dahil sa hindi makatarungang paggamit nito tulad ng pagasa sa mga aktibidad pampaaralan tulad ng essay, iskrip sa pagre-report, at kung minsan pa nga’y ginagamit ito sa pagsasagot sa mga takdang-aralin na siyang hindi kinatutuwa ng iilang guro na nauuwi sa pagtatalo sa pagitan ng sang-ayon at hindi sang-ayon.

Gayunpaman, may iilan namang ginagamit bilang nagsisilbing libanag dahil sa kaugnay ng kawili-wili nitong disenyong tila konbersasyon sa messenger, sumasagot din ito na tila isang tunay na tao. Ang iba’y ginagamit din ito upang manglibang sa mga social media tulad ng tiktok dahil sa mga katuwa-tuwang larawang ibinibigay nito.

Sa globalisasyong patuloy na nagaganap mga likhang katalinuhan ay umuusad, ngunit mas lalo itong uunlad kung gagamitin sa tama’t ikauunlad ng siyudad. Sa huli, hindi pa rin mapapalitan ng likhang katalinuhan ang talentong gawa sa sikap at tiyaga ng may tunay na sipag.

LOpisyal na Pahayagang Pangkampus ng Tandang Sora National High School

a bawat hakbang tungo sa pag-asenso ang landas na ating tinatahak ay patungo sa pag-unlad at pagbabago. Sa bawat sulok ng mundo ang agham at teknolohiya ay patuloy na umuunlad nag-aambag sa pagyabong ng ating lipunan. Kaya naman agham at teknolohiya ay may dalawang magkakaugnay na larangan na nagtutulungan upang maunawaan at mapabuti ang ating mundo sa pamamagitan ng pagtuklas, pagpapaunlad, at paggamit ng mga bagong kaalaman at makabagong teknolohiya. Sila ang susi sa paghahanap ng mga solusyon sa mga suliranin ng lipunan at sa pagpapaangat ng kalidad ng buhay ng bawat isa.

Ayon kay Department of Education (DepEd), Secretary Sonny Angara na kinikilala ng DepEd ang mga posibleng benepisyo ng Artificial Intelligence o Ai hindi lamang para sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga guro. Sapagkat magagamit ito upang tumulong sa pananaliksik at gawing mas madali ang paghahatid ng mga aralin sa mga estudyante.

Gayunpaman, sinabi ni Angara na alam din ng DepEd na ang teknolohiya ng AI ay bukas sa pang-aabuso o iresponsableng paggamit. tulad ng pandaraya sa mga pagsusulit o papeles. Bagkus, kapag gumagamit ang mga mag-aaral ng teknolohiya sa pag-aaral,

aganap na ang iba’t ibang estratehiya ng pangloloko sa mundo na kung tawagin ang mga taong gumagawa nito bilang ‘scammer’. Higit pa sa libong katao ang naapektuhan nito araw-araw saan mang sulok ng daigdig na siya ring isa sa pangunahing dahilan kung bakit nagiging mapanganib na ang teknolohiya sa panahong ito.

Kabilang ang Robocalls sa suliraning kinahaharap ngayon ng kung sino mang gumagamit ng teknolohiya. Isang estratehiyang ginagamit ng mga scammers ngayon na hindi maipagkakailang epektibo upang sila’y madaling kumita. Layunin ng bagong estratehiyang ito ang ganap na matawagan ang mga aktibong numero subalit sa halip na totoong tao’y robot o tila AI na pre-recorded ang nagsasalita.

Iba’t ibang pagrarason o pangbubudol ang isinasaad nila sa taong ibibiktima nito katulad na lamang ng panghihikayat na mag-invest sa kanilang kumpanya at sasabihing maibabalik nang mas higit pa sa salaping in-invest ng biktima ang maibabalik sa kanila.

Dulot nito, marami ng tao ang nabiktima nito dahil hindi ka lamang basta kukulitin at ulit-uliting tatawagan nito, bagkus maaari ka pa nitong lokohin sa pamamagitan ng paggamit ng pangalan o impormasyon ng katiwa-tiwala’t sikat na kompanya upang pagkatiwalaan at mapaniwala ka nito. Kahanga-hanga ang hindi pangkaraniwang

madali silang maabala ng mga feed at notification na regular na lumalabas sa kanilang mga gadgets. Sa buong mundo ang mga mag-aaral ay gumagamit ng mga makabagong teknolohiya para sa pag-aaral at karamihan sa mga magaaral ay inililihis ang kanilang atensyon sa Social media, na nakakagambala sa kanilang atensyon sa pag-aaral. May mga balakid man ito o masamang epekto ay dapat suriin ng mga magulang o tagapayo upang mahubog ang mga mag-aaral na maging isang mabuting tao. Mahalaga ang kanilang patnubay at suporta upang mapanatili ang balanse sa paggamit ng teknolohiya at paglinang ng kanilang mahahalagang katangian. Gayunpaman, ang Agham At Teknolohiya ay nagbubukas din ng mga bagong daan sa edukasyon, nagpapabago rin nito sa kung paano tayo natututo. Sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya, ang mga mag-aara ay nagkakaroon ng mas interaktibo at epektibong pag-aaral. Sa kasalukuyang panahon, hindi na ito isang haka-haka kundi isang katotohanan. Ang paggamit ng agham at Inobasyon ay hindi na lamang isang opsiyon, kundi isang pangunahing pangangailangan para sa isang bansang nagnanais na umunlad at makipagkumpetensya sa pandaigdigang pamayanan. S S

a patuloy na pagdami ng populasyon, kasunod nito ang pagtapon ng basura sa lipunan na ang tao lang din ang may kagagawan, malalanghap ang masangsang na amoy sa lansangan. Mga mamamayang kulang sa disiplina, sundin ang mga taong namamahala.

pag-iiba nito ng pangalan upang mapaniwala ang mga tao. Gamit ang messages app hindi nito basta-basta mapapalitan ang pangalan ng ginamit na numero kung kaya’t kahanga-hanga ang katalinuhang pagiging eksperto ng mga ito sa pagkalikot ng teknolohiya. Matapos kang mapaniwal’y hihingiin ang lahat ng impormasyon mo katulad na lamang ng pangalan, adress, at maaari ka pa nitong hingian ng salapi. Sa pamamagitan ng paghingi nito ng mga impormasyon, maaari itong magdulot ng panganib sa buhay mo at isang malaking halimbawa na maaaring gamitin ang impormasyon mo upang gamitin din ito sa panloloko sa ibang tao.

Karaniwang nabibikta ng scam na ito ang mga taong walang sapat na kaalaman sa paggamit ng teknolohiya na basta na lamang naniniwala sa kung anong makita nila. Katulad na lamang ng mga mensaheng nagpapadala ng “nanalo ka ng 1 milyon sa ganito ganyan” dahil tila nga naman makatotohanan ang malikhaing galawan ng mga scammer ngayon. Upang maiwasan ang mga ganitong suliranin sa paggamit ng teknolohiya dapat na isaalang-alang ang matalinong pag-o-obserba kung tunay bang mapagkakatiwalaan ang tumatawag sa numerong hawak mo. Kung hindi mo ito kilala’y piliing huwag na lamang itong pansinin upang hindi ka nito madala sa mas mabigat na pasanin.

Dulot ng patuloy na pagdami ng mga basura, nagkaroon na ng mga taong namamahala at nangunguna sa pagsasaayos ng mga kalat. Binigyang kahulugan ng Batas Republika Blg. 9003 (Solid Waste Management Act of 2000) ang solid waste bilang mga itinapong basura na nanggaling sa mga kabahayan at komersyal na establisimyento.

Ayon sa National Waste Management Status Report (2003-2008), ang Municipal Solid Waste (MSW) ay nagmumula sa residensyal, komersyal, institusyunal at in dustriyal na establisiyimento. Batay sa ulat, pinakamalaking bahagdan nito ay mula sa mga kabahayan na mag 56.7 bahag dan. Kasunod nito ay ang mga basurang nabubulok na may 52.31 bahagdan at 27.78 naman sa solid waste.

Nagsagawa din ng pataka rang “No Segregation No Collection Policy” na kung saan ay layunin nitong pagbuklod-bukludin ang mga basu ra. Dahil dito, nababawasan din ang trabaho ng mga nangon golekta ng basura dahil hindi na nila kailangan pang magsagawa ng waste segregation. Mayroon din tayong tinatawag na 3R’s technique na isa sa paraan upang makatulong ang bawat isa sa pamam agitan ng Reduce, Reuse at Recycle na maaaring maka bawas sa mga kalat sa lipunan na pwede pang mapakinabangan.

Kung hindi magkakaroon ng mga taong namamahala sa ganitong suliranin sa lipunan ay paniguradong marumi at masangsang na amoy ang mananatili sa bawat sulok ng ating bansa. Ang solid waste management ay isang programa na ang layunin ay maturuan ang mga mamamayan na magtapon at maghiwalay ng mga basura na maaari pang pakinabangan. Magsagawa ng mga proyekto na makatutulong sa mga mamamayan na magkaroon ng disiplina at bayanihan upang maging malinis ang kapaligiran. Nagkaroon ng mga namamahala sa mga basura sapagkat kung patuloy na magiging pabaya ang mga mamamayan at kung walang namamahala rito ay maaaring maaapektuhan din nito ang mga anyong tubig, lupa at gayundin ang hangin ng

James Biore Dibuho ni: Denise Ramirez
Michaela Cerbito
Win Andrei Ygrubay
TEKNOLOHIYA SA EDUKASYON. Sinimulang gamitin ni Ashleigh Reyes ang app na tinatawag na Chatgpt nitong Enero 30, 2025 sa paraalang Tandang Sora National High School (TSNHS). Kuha ni: Alianah Escalona
Michaela Cerbito

Althea Jheraine Pedernal

BAGSIK NG PAGBABALIK

TSNHS TABLE TENNIS TEAM, NAMAYAGPAG

SA DISTRICT FIGHT

agumpay ang Tandang Sora National High School (TSNHS) Women’s at Men’s Table tennis Team sa district fight, noong Oktubre 12, 2024, na ginanap sa Emilio Jacinto National High School.

Sa Men’s Doubles, nagpabida sina Estefano Eleccion at James Biore ng TSNHS nang dominahin nila ang laban kontra kina Aldred Daligdig at Jhuncel Patan-ao ng Talipapa National High School (TNHS), na nagbigay daan upang makamit ang gold medal matapos ang walang kalaban-labang iskor na 11-2, 11-4, 11-1. Bago ito, binasag rin nila ang depensa nina Aloysius Jashua Garcia at Kent Estocado ng Melchora Aquino High School (MAHS), at tapusin sa iskor na 11-6, 11-6, 11-5.

Ayon kay Biore, “Pinaghandaan namin yung laban sa pamamagitan ng pag-eensayo nang mabuti ng mga service, pag-receive ng bola, at pagpalo namin. Ina-apply namin kung ano yung itinuturo o ipinapakita sa amin ng aming coach sa training.” Hindi rin nagpatinag si Albert Paguirigan ng TSNHS sa Men’s Singles, kung saan nasungkit niya ang gold medal matapos pabagsakin si Dyan Tapiadan ng MAHS sa iskor na 11-9, 11-5, 6-11.

“Pinaghandaan namin ito sa pag-eensayo araw-araw dahil sa kagustuhan naming manalo sa district at makapasok sa division” pahayag ni Paguirigan.

Sa Men’s Singles, nakamit din ni John Clarence N. Gastalla ng TSNHS ang silver medal matapos matalo

kay Jade Blazo ng TSNHS sa iskor na 11-9, 11-5, 11-6.

Sa Women’s Doubles, pinalakas ng pares nina Ashbel Eunice Estoque at Mary Angeline D. Go ng TSNHS ang kanilang laro upang magwagi ng Gold Medal kontra kina Nicole Layao at Angeline Adroso ng TNHS, na tinapos nila sa iskor na 11-5, 11-2, 11-3.

Nagtala rin ng silver medal si Zhalyn Bayking ng TSNHS sa Women’s Singles, matapos matalo kay Junel Corzon ng MAHS sa matinik na labanan na sumapit sa iskor na 11-4, 12-10, 10-12.

Samantala, si Jelian Decnoso Eva ng TSNHS ay naguwi rin ng silver medal sa Women’s Singles, matapos niyang daigin si Regine Solaturio-Sucgang ng MAHS sa iskor na 13-11, 11-8, 11-8.

BUKAS NA PAG-ASA; PAGPUNTIRYA SA TAGUMPAY

EUNICE PASCUAL AT JOHNPAUL VERGARA

“ Sa likod ng ngiti at determinasyon, naroon ang mga pagsubok at sakripisyo na nagbukas ng daan patungo sa tagumpay.”

Ayon Kay Jhoeff Boen Bumanglag isang batang atleta ng Tandang sora National Highschool (TSNHS), Batang may angking galing sa isport na Taekwondo, ang pag-alis patungo sa labanan ay hindi lamang isang simpleng biyahe marahil nakakaramdam siya ng kaba ngunit nangibabaw ang kaniyang excitement upang maipakita ang kaniyang husay, ito ay simula ng isang bagong yugto sa kanyang buhay. Ang Taekwondo ay isang martial art na nagmula sa Korea. Ito ay kilala sa mabilis at malalakas na sipa, pati na rin sa mga teknik ng depensa at suntok. Ang pangalan nito ay nagmula sa tatlong salitang Korean.

BRENDA ELLA

Ang “Tae” sa Taekwondo ay hindi lamang isang simpleng paggalaw ng paa kundi isang simbolo ng lakas, bilis, at kalayaan. Ito ang pundasyon ng sining ng labang ito, isang pagpapakita ng kontrol sa sarili at disiplina sa bawat hakbang. Ang “Tae” ay hindi lang basta pagsipa sa hangin, ito ay isang ekspresyon ng determinasyon, isang pagsasayaw ng katawan sa pagitan ng hangin at lupa, kung saan ang bawat kilos ay may dahilan at bawat paglipad ng paa ay may dreksyon.

Ang “Kwon” naman sa Taekwondo ay higit pa sa isang sim- pleng kamao, ito ay sagisag ng kapangyarihan, kontrol, at disiplina. Sa bawat suntok, hindi lamang lakas ng bisig ang ginagamit kundi pati ang buong diwa ng isang manlalaro. Ang “Kwon” ay hindi tungkol sa pananakit o pananakot kundi sa pagtatanggol at katarungan, isang paalala na ang tunay na lakas ay hindi nasusukat sa bigat ng suntok kundi sa kakayahang gamitin ito nang may responsibilidad. Tulad ng isang alon na sumasalpok sa dalampasigan, ang kamao ng isang tunay na Taekwondo practitioner ay mabilis, matatag, at hindi matitinag.

Ang “Do” sa Taekwondo ay ang

landas, ang pilosopiya, at ang espiritu ng sining ng pakikipaglaban. Higit pa ito sa simpleng teknik o pisikal na lakas, ito ang disiplina na gumagabay sa isang mandirigma hindi lang sa laban kundi sa buong buhay. Ang “Do” ay ang daan patungo sa pagpipigil sa sarili, respeto, at patuloy na pag-unlad. Tulad ng isang ilog na patuloy na dumadaloy, hindi ito natitinag ng mga hadlang; sa halip, natututo itong umangkop at magpatuloy. Ang “Do” ay ang puso ng Taekwondo, isang paalala na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa panalo sa laban kundi sa kung paano natin isinasabuhay ang disiplina, integridad, at pagiging mabuting tao sa araw-araw. Ibig sabihin, ang Taekwondo ay ang “paraan ng paa at kamao.” Isa ito sa pinakasikat na martial arts sa buong mundo at isang opisyal na Olympic sport mula noong 2000. Bukod sa pagiging isang isport, itinuturing din ito bilang isang disiplina na nagtuturo ng disiplina, respeto, at kontrol sa sarili. Mula sa simula, ang pagmamahal niya sa taekwondo ang nagbigay inspira- syon sa kaniya, taong 2022 nang simulan niya maglaro nito. Ang mga araw ng pagsasanay ay puno ng hirap at pagod, ngunit sa bawat pagkakamali, may natutunan.

Sa loob ng ilang buwan, ang kaniyang pagsasanay ay nagbunga ng mas mataas na stamina, flexibility, at speed.

Sa kabila ng mga injuries at pagod, hindi siya sumuko. Ang kanyang determinasyon ay nagbigay liwanag sa madilim na mga sandali. Hindi madali ang daan patungo sa gintong medalya, aniya. Ngunit ang bawat sakripisyo ay may kapalit na tagumpay.

Ang mga hamon sa training ay nagpatibay sa kanyang karakter at nagbigay ng aral na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa medalya kundi sa mga natutunan sa proseso. Ngunit hindi siya nag-iisa sa kanyang paglalakbay. Ang suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan lalo na ang kanyang ninang na si Gng.

Bessie Caculitan guro ng MAPEH na coach ng taekwondo, ay nagbigay ng lakas at inspirasyon.

“Sila ang aking motibasyon, alam kong proud sila sa akin, kaya kailangan kong ipakita ang aking 100% best.” aniya.

Ngayon, sa kanyang gintong medalya, dala niya ang mga aral ng determinasyon, pagsusumikap, at pagmamahal. Ang kanyang kwento ay isang paalala na sa likod ng bawat tagumpay ay ang mga sakripisyo at pagsusumikap na hindi nakikita ng lahat. Sa huli ang tunay na tagumpay ay hindi lamang sa pagkapanalo kundi sa pagbuo ng mas matibay na sarili.

MEN'S

PUMANGALAWA SA DISTRICT MEET

LIAN AGUSTIN AT MIAR MAGBANUA

agpaulan ng smashes sila Ivan Miguel Saño at James Jairus

Chua Clemente sa Mens Badminton, Doubles Category sa pagitan ng mga paaralan sa ika-6 na distrikto noong Oktubre 12, 2024, na naganap naman sa Emilio Jacinto National Highschool. Pinatumba nila sa iskor na 2-1.

Pagsabak sa matinding pagsasanay ang kanilang dinanas, kaya’t nakamtan nila ang pagwawagi.

“Mahalaga ‘yung communication namin sa bawat isa, ayon talaga yung naging daan para makamtan namin ang ikalawang pwesto.” pahayag ni Saño Nag bigay din ng panayam si Clemente. Ani niya pa ay “Lagi naming

ine-expect na mananalo kami, positive palagi. hindi man pinalad, ngunit babawi.”

Umarangkada ng husay sa unang bahagi pa lamang ang dalawa at pinadapa ang Melchora Aquino National High School sa iskor na 11-9. Pinabagsak din nila sa lakas ng hampas ang Emilio Jacinto National High School sa tala na 30-23. Hindi pinalad sa huling bahagi ng mitsa ng makalaban nila ang Ismael Mathay National Senior High School, 18-21. Tuluyan silang nakatuntong sa ikalawang pwesto Ating sabay sabay na aabangan ang kanilang susunod na laban sa District Meet Next Year. N D

TSNHS, WOMEN’S VOLLEYBALL

PUMANGALAWA SA DISTRICT COMPETITION

BRENDA ELLA

ikdikang sagupaan ang nasaksihan matapos makipagbakbakan ng Tandang Sora National High School (TSNHS) kontra Melchora Aquino High School (MAHS) at New Era National High School (NENHS) sa district competition ng volleyball nitong Oktubre 5, 2024 na ginanap sa Culiat National High School. TSNHS, natamo ang ikalawang pwesto.

Humugot ng matibay na puntos, Jayanne Velasco tila bayani ng laro. Aniya sa kaniyang panayam “Hindi ko inaasahan na ako yung magiging MVP kasi ang sabi ko lang talaga sa sarili ko gawin ko lang yung best ko”.

“Siguro kaya rin kami nanalo dahil may teamwork kami at bago rin kami lumaban, humingi kami ng gabay kay God na siya na ung bahala sa amin sa laban”, dagdag pa niya. Tila mala bulalakaw sa bilis ng galaw ng bola, natunghayan sa unang set ng mitsa ng TSNHS laban sa MAHS. Tinapos nila ang talaan ng pabor sa Tandang Sora, 25-19. Dumausdos upang saluhin, puntos ay ayaw ipaubaya ng TSNHS sa ikalawang bahagi ng laban kaya’t tuluyan nila napabagsak ang MAHS sa tala na 25-17. Sa pagtatapos ng pag-aarangkada

ng husay ay hindi pa riyan nagtatapos, sumabak muli ang TSNHS sa mitsa na ang kanilang magiging koponan naman ay NEHS. Bola’y nakanatili sa ere, iskor nila’y nagkakadikit ngunit naungusan pa rin ng TSNHS ang NEHS, 25-22. Sabik na sa pagkapanalo, TSNHS hindi na hinayaan na patikim ng pagkapanalo ang kalaban kaya’t tuluyan na nilang tinapos ang labanan, 25-19. Pagkamit nila ng ikalawang pwesto ay isang karangalan sa paaralan na piinaunlakan ng lubos na suporta. Puspusang paghahanda naman ang kanilang gagawin para sa susunod na Division Competition.

DALAWANG GINTO, SA HINDI BILANG

NA KALYO

ELLA BRENDA

ugo’t pawis na paghihirap ay napalitan ng ningning sa mata. Iyan ang nakita kay Carlos Edriel Yulo na tinaguriang “golden boy” matapos maging kauna-unahang atleta na nagkamit ng dalawang gintong medalya noong Paris Olympics 2024. Hindi naging madali para kay Yulo ang

proseso, madaming paghihirap ang kaniyang narana san lalo na nung siya ay nagpalit ng tagapagsanay noong Oktubre 2022. Nagkaroon ng malaking pagbabago pagdating sa paghahasa ng galing nito pati na rin ang kaniyang paraan ng pag-eensayo.

Panunumbalik na makapiling ang minamahal sa buhay ay pinagkakaitan sa sunod-sunod na pakikipag

bakbakan. Iba’t ibang bansa na ang dinayuhan, para lang tamang galing ay makamtan. Nagtamo rin ito ng iba’t ibang sakit sa kaniyang pagkokondisyon ng katawan pati na rin ang matinding mental na presyon sa kaniyang malaking laban. Ngunit hindi siya nagpadaig sa bulong ng isipan, kinando niya ang puso ng punong-puno ng positibong memorya. Mula sa kaniyang mga pamilya, at ang kaniyng minamahal na kabiyak. Lubos na suporta nila’y nagtulak upang mas mapatatag ang kaniyang kalooban.

Determinado ang atleta na hindi siya papatinag sa anumang pagsubok. Pursigido siyang manguna

AIRA VILLEGAS,

matapos maging ika-apat sa Tokyo 2020 Summer Olympics. Kung saan naidikta niya ang katagang “I realized that your greatest opponent is yourself”. “It’s funny because gymnastics is not always fun, and it’s not always about winning in the competition. It’s all about standing up after that fall.” kaniyang pinaniniwalaan.

Sampong daliri na may tig-iisang paltos, naging daan upang makamit niya ang unang pwesto sa men’s artistics gymnastics floor exercise final sa 15.000 na puntos.

Luha ng galak ay tumulo mula sa kaniyang mga mata, paggugunita sa kaniyang pagmamahal sa gymnastics ang nakita.

Kompetisyon niya noong ika-pitong bilang ay inalala. Pagkamit niya ng unang medalya noong isigawa ang National Age Group sa Pilipinas ay muling nabuhayan.

HINDI NAGPATINAG SA PARIS OLYMPICS 2024

ARDEM GABO

indi nagpatinag sa nata- pos na Olympics Journey si Pinay Boxer Aira Villegas matapos tumumba sa kalabang Turkish sa semifinal women’s 50 kg class sa Paris Olympics 2024 nitong ika-pito ng Agosto na ginanap sa Roland Garros Stadium. Pinatumba ng Tukrish Boxer na si Buse Naz Cakiroglu si Villegas na nagwagi mula sa isang unani- mous decision. Sa buong laban hindi nagpati- nag ang isa’t isa para makamit ang pagkapanalo sa women’s 50kgTilaclass.naging mainit ang ten- syon sa unang bahagi ng laro at nagpapalitan lamang ng suntok ang dalawang manlalaro.

Sinubukan pa ni Villegas na makahabol ng mga suntok para maka-iskor ng knockdown sa ikalawang round kay Cakiroglu, ngunit, sinabi ng referee na ito ay pagtumba lamang.

Agad-agad naman tumayo ang Turkish boxer mula sa pagkakatumba at pagtayo nito agad-agad nagpaulan ng sun- tok na nagresulta ng patuloy na pagbawi ng Turkish boxer. Matagumpay naman na naiuwi ni Villegas ang Olympic

Bronze Medal para sa Pilipinas, inamin niya na hindi biro ang naging kalaban nito, malakas at tinahak niyang babawi ito sa mga darating pa na internation- al boxing.

Sa huli, wagi ang Turkish boxer Cakiroglu at nagtakdang labanan ang top seed na si Wu Yi ng China.

“Nakapag-uwi po ako ng medalya po, sana po proud pa rin po kayo sa akin. And ano po, sa younger self po, I know na you are already proud of me.” panayam ni Pinay boxer Villegas

“And to my future self, mas lalo ka pang magiging proud.

Gagawin ko [lahat] yung pan- garap ko na bago man lang mag-retire sa boxing is patugtu- gan ako ng national anthem ng bansa natin sa mismong Olym- pics,” dagdag pa niya.

“Alam ko na pinag-aralan niya ako e, kasi sa lahat ng ano, parang sa akin sila nagulat na umabot ako sa semis... Halos parehas din po kami ng laro, pero yun nga po, magaling din po talaga, magaling kumuha ng distansya and everything po”, dagdag pa nito.

ISPORTS

Bagamat hindi pa rito natapos ang pakikipagbakbakan, sa muling pagsabak niya kinabukasan sa men’s vault finals. Ika-4 ng Agosto, taong 2024 nang marinig muli ang pambansang awit sa ikalawang pagkakataon.

Himig nito’y simbolo na muling nakamit ni Yulo ang ika-unang pwesto.

Ginulantang niya ang lahat ng manonood sa Bercy Arena matapos makapagtala ng 15.166 na puntos.

Tumuntong sa podium finish ng may paninindigan. Bansa natin ay nabigyan karangalan at pangarap ni Yulo kaniyang nakamtan.

Hindi mapakali, pero malinaw sa isipan na napagtagumpayan niyang mairepresenta at bigyang parangal ang bansang sinilangan.

Pasasalamat niya’y taos puso, sa taong lubos na nagtiwala sa kaniyang kakayahan, pati na rin sa mga sumuporta sa kaniya ng lubos, gintong medalya’y alay niya sa kanila. Pagpapakita ng bagsik ay hindi pa tapos. Pag-eensayo ng kaniyang galing ay ipagpapatuloy nang muli siyang masaksihan na manguna sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa susunod na taon, buwan ng Disyembre.

TSNHS, PINATAOB ANG SHS

SA ARNIS DISTRICT MEET

MIAR MAGBANUA AT INFINITY RAMOS

ila dumaan sa butas ng karayom bago magwagi sa larangan ng Arnis ang Tandang Sora National High School (TSNHS) kontra Sauyo High School (SHS) sa District Meet nitong Oktubre 5, 2024.

Binanderahan nina Haven William Litong pati na rin ang bayani ng laro na si Angel Mae Lumangaya ang naganap na laban, humugot sila ng matibay na puntos na naghatak sa pagkapanalo.kanilang

Inirangkada naman ni Angel Mae Lumangaya ang husay nito sa la- rangan ng combat kung saan nakuha niya ang 20- 18. Itinanghal din siyang kampyeon sa single at double weapon pagdating sa anyo, 9-9, 9.5- 8.9, 9.4-9.

Talagang nakakabilib ang ipinakita ng ating mga manlalaro dahil sa kabila ng mga naging suliranin na kanilang na- ranasan gaya na lamang ng kulang ang kani- lang atleta at maikling

panahon upang maka- pag-training, hindi sila nagpasindak at nagawa pa rin nilang mapagtagumpayan ang nasa- bing

“Yunglaro.kaba po at yung takot po kasi nandun po yung ano pag-overthinknamin,namin sa sarili namin kung kaya ba namin yun kasi yung preparation namin kulang, tyaka kulang din po yung player namin” pahayag ni Lumangaya.

Labis naman ang pag- katuwa at pagmamalaki ng kanilang coach na si G. Sherwin Alab-ab dahil tagumpay nilang nabigyan ng karangalan ang ating paaralan at isa rin sa kanilang ikinagulat ang kanilang pagkapana- lo ng dalawang beses sa Anyo Team Event.

“Actually nag-e-expect na kaming mananalo kami kasi nga, dati na silang lumalaban nung elementary, at cham- pion din sila, kaya lang iba dito kasi mga high school na kalaban nila, plus.. ‘yung little prepa-

ration namin, kumbaga, tuwang-tuwa kami kasi nag-materialize ‘yung ginawa naming practices tapos nanalo kami. At sa Anyo Team Event hindi na namin ine-expect na mananalo kami kasi

‘yung isa dun nahihira- pan siyang sumunod dun sa routine kaya ‘yun ang ikinagulat namin, dahil dalawang team event, pinanalo namin, hindi siya nagkamali.” saad ni Sir Alab-ab, Arnis Coach. Bagamat hindi pinalad na makapasok sa Division Meet ang ating mga manlalaro, hindi pa rin sila nawalan ng kumpy- ansa dahil patuloy pa rin nilang pagbubutihan para sa kanilang mga susunod na laban.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.