Skip to main content

QCHS-ANG PAROLA

Page 1

ang parola ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG QUEZON CITY HIGH SCHOOL TOMO LXXI BLG I | AGOSTO 2024 - ENERO 2025| NCR - NATIONAL CAPITAL REGION

‘‘

Sa programang ito, tinutulungan talaga ang mga mag-aaral na hindi lang basta magbasa kundi maunawaan at mapahalagahan. GNG. JOYLENE STO. DOMINGO

ARTIKULO NI YURI ABENIDO

MASUSING PAGTUGON

Pagbasa, binigyang-tuon ng Kagawaran ng Filipino sa QCHS

M

alaking problema ang kasalukuyang kinakaharap ng bansang Pilipinas matapos lumagapak sa pagbasa at komprehensyon batay sa pag-aaral ng Program for International Student Assessment (PISA) noong 2022.

Sinukat ng PISA ang kaisipan ng mga 15 taong gulang na mga mag-aaral sa iba’t ibang babasahin at nagresulta ito sa hindi kaaya-ayang antas dahil ang nasabing bansa ay nasa ika-60 na pwesto mula sa kabuuang 62 na bansa na sinuri din ng nasabing programa. Karamihan sa mga mag-aaral na sinuri ay walang sapat na kaalaman o nabibilang sa “Level 2 Proficiency.” Ipinabatid naman ni Pangulong Ferdinand Marcos

sa mga

numero

% sa mga

numero

Jr. sa Department of Education (DepEd) na gumawa ng hakbang upang mapabuti ang nakaaalarmang ranggo ng Pinas sa nasabing pag-aaral. Isa naman si Gng. Joylene R. Sto. Domingo, Teacher II mula Paaralang Sekondarya ng Lungsod Quezon (QCHS) na nagpupursigi upang malutas ang problemang kinakaharap ng bansa bilang tagapamahala sa programang “Pagbasa: Linangin, Pagunawa: Hubugin” (PLPH). Layunin ng programang PLPH na hindi lang basta makapagbasa ang mga mag-aaral kundi mapalawak ang pag-unawa pagdating sa pagbasa at pahalagahan ito.

Hindi bababa sa siyamnapung porsiyento ng mga batang Pilipino na may edad 10 ang nahihirapan sa pag-intindi at pagbabasa.

istatistika tatlo sa bawat sampung Quezonians mula baitang 7 ang hirap sa pagbasa Sa 107 na mga mag-aaral na kabahagi ng PLPH, 73 ang maalam sa pagbasa, habang 34 naman ang hirap sa pagbasa.

05 opinyon Wikang Filipino

11 lathalain Mabuting Pastol

KATAS NG EPEKTIBONG SERBISYO

QCHS, kinilala bilang natatanging stakeholder ng SDO Q.C. ARTIKULO NI YURI ABENIDO Malaking pundasyon sa loob ng 77 na taon ang ibinahagi ng Quezon City High School (QCHS) sa Quezonians dahilan para magawaran ng parangal sa katatapos na pagdiriwang ng ika-75 na taong pagkakatatag ng SDO Q.C. noong ika-21 ng Nobyembre.

Ika-60 ang pwesto ng Pilipinas mula sa 62 bansa na sumalang sa PISA noong 2022.

sa mga

17

nilalaman

ipagpatuloy sa pahina 03

60 62

QCHS Wushu Sanda team, sinelyuhan ang tiket tungong NCR Meet

i-scan ang qr code na ito upang magpatuloy sa opisyal na facebook page/ account ng Pahayagan ng Quezon City High School o ANG PAROLA

numero

60% Animnapung porsyento ng mga Pilipinong mag-aaral na naniniwalang hindi na kayang mabago ang kanilang talino.

Itinatag noong taong 1947 ang QCHS at hinirang bilang kauna-unahang pampublikong sekondaryang paaralan sa Lungsod Quezon na itinuring namang silidaklatang tumagal ng 77 na taon. Bilang tagapamahala sa paaralan, ibinahagi ni Dr. Remedios P. Danao ang kaniyang pinagtuunan at layunin upang mapanatili ang dekalidad na pagkatuto ng mga Quezonians. “Ang focus ko talaga ay academics at ang goal ko ay it should leave its legacy,” wika ni Dr. Danao. Ayon sa kaniya, bagama’t wala na silang opsyon kundi ipatupad ang inihaing patakaran, may mga hakbang pa rin na magiging solusyon sa pabago-bagong sistema ng edukasyon. “Sa amin, wala kaming choice but to implement. Mayroon talagang paraan kung paano matutugunan ‘yung mga inilalatag ng Department

Ibinida ni Dr. Remedios P. Danao, punongguro ng QCHS ang natanggap na pagkilala bilang natatanging paaralan na 77-taon nang naghahatid ng kalidad na edukasyon sa SDO QC, noong ika-21 ng Nobyembre.

of Education (DepEd) kasi hindi naman nila ilalatag ‘yun kung hindi nila nakita ang antas na nasa ground level,” saad niya. Samantala, binigyang-pagkilala naman sa pangalawang pagkakataon ang Quezon City High School bilang “Outstanding Stakeholder Award” sa 5th GAWAD KAAGAPAY noong ika-20 ng Disyembre sa Great Estern Hotel. Ang seremonya ng pagbibigayparangal ay dinaluhan ni G. Renato Telesforo T. Lina, miyembro ng Batch ‘77 at G. Jonathan P. Manuba ,HT-III, AP Department.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
QCHS-ANG PAROLA by ANG PAROLA 22-23 - Issuu