Skip to main content

ANG PAROLA 2023-2024 NEWSPAPER

Page 1

ang parola Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Quezon City High School | Tomo LXX | Blg. 1 | Setyembre 2023 - Marso 2024 | Quezon City | National Capital Region

NILALAMAN

Online digital platform SCAN HERE

pahina 02

pahina 05

pahina 09

pahina 14

pahina 18

Heat Index, nagdadala ng banta sa kalusugan

CATCH ME I’M FALLING

Lobo sa Alapaap

Ngiting Kalinga

QCHS Wushu team, nagnining sa QC Division Atheltics Meet

LATHALAIN BALITA EKSPRESS

QCHS, nakibahagi sa proyekto ng DepEd na 'Tree Planting' Samantha Hendrix Esposo

Lumahok ang Quezon City High School (QCHS) sa ‘Tree Planting’ na Proyekto ng Department of Education (DepEd) na may temang “236k Trees: A Christmas Gift for Children”, idinaos ang aktibidad na ito sa likod ng DPWH Building noong Disyembre 6, 2023. Kasamang lumahok dito ang Punongguro ng paaralan na si Dr. Josehpine M. Maningas, katuwang ang mga guro mula sa Kagawaran ng Agham sa pangunguna ni G. Fidel O. Guantero Puno ng Kagawaran sa Agham. Naging mahalaga rin ang pakikiisa ng iba’t ibang organisasyon ng QCHS, tulad ng YES-O Club, Eureka Club, JEAP Club, Ang Parola, The Capitol, Samaka Club, Project Plant, Gulayan sa Paaralan, at Supreme Secondary Learner Government (SSLG), upang matagumpay na maisakatuparan ang proyekto sa paaralan. Matagumpay na natapos ang proyekto sa pamamagitan ng pagpunla ng anim na puno na bubuo sa kabuuang 236k na punongkahoy.

sa mga numero

36.7% 63.3% voted NO

voted YES

In satisfaction with the performance of the Department of Education under VP Sara Duterte out of 120 students.

ISPORTS

QCHS Men’s Volleyball, pinuruhan ang CGEAHS

17

SINAG TALA Reyes, Resma, Cagahastian, dumalo sa ‘IKAW PA’ seminar/workshop Samantha Hendrix Esposo

B

ilang paghahanda sa darating na Division Secondary Schools Press Conference (DSSPC) ay naglunsad ang ‘Ang Parola’ ng seminar/workshop na IKAW PA: “Isulong ang Katotohanan At Walang kinikilingang PAmamahayag” noong Pebrero 1 sa Audio Visual Room (AVR) ng Quezon City High School (QCHS). Ang nasabing programa ay pinangunahan nina John Patrick C. Clavo Pangulo at Punong Patnugot at Reika Anjeli Juratil Tagapamayapa na dinaluhan ng mga piling mamamahayag ng ‘Ang Parola’ at ‘The Capitol’. Bilang panimula ay nagbigay ng inspirasyonal na mensahe ang Puno ng Kagawaran ng Filipino na si G. Jesse R. Vicente para sa mga mamamahayag pangkampus. Nagbigay-kaalaman ukol sa TV Broadcasting si GMA Integrated News Reporter/Anchor Gng. Bernadette Reyes. “Pagbabalita is not all about chika”, saad ni Gng. Reyes. Dumalo rin si Social Media Manager ng LBS Recruitment Solutions Corporation G. Frank Resma upang talakayin ang iba’t ibang istilo at paraan ng pagsulat ng Balita. Ibinihagi naman ni Manila Bulletin’s Editorial Consultant, G. Diego Cagahastian ang kaniyang mga kaalaman at karanasan sa pagiging manunulat ng Editoryal at Balita. Bilang pasasalamat ay ginawaran ng ‘Ang Parola’ ng sertipiko ng pagpapahalaga ang mga dumalo na tagapanayam at lumahok na mga Quezonians.

Bilang pagtatapos ng programa ay nagbitaw ng pangwakas na mensahe sina Gng. Christy F. Baccoy, Tagapayo ng ‘Ang Parola’ at G. John Patrick C. Clavo na Pangulo at Punong Pagnugot ng nasabing publikasyon. Ang nasabing programa ay pinangunahan nina John Patrick C. Clavo Pangulo at Punong Patnugot at Reika Anjeli Juratil Tagapamayapa na dinaluhan ng mga piling mamamahayag ng ‘Ang Parola’ at ‘The Capitol’. Bilang panimula ay nagbigay ng inspirasyonal na mensahe ang Puno ng Kagawaran ng Filipino na si G. Jesse R. Vicente para sa mga mamamahayag pangkampus. Nagbigay-kaalaman ukol sa TV Broadcasting si GMA Integrated News Reporter/ Anchor Gng. Bernadette Reyes.

‘‘

15 ChatGPT,

ang iyong sidekick sa bawat gawain

PATAS DAPAT, ikinasa ng ‘Ang Parola’ at ‘The Capitol’ Denzel Valdez, Carl Cedrick Clavo

Pagbabalita is not all about chika

Pinaghadaan ng dalawang opisyal na pampahayagan pangkampus ng Quezon City High School (QCHS) na ‘Ang Parola’ at ‘The Capitol’ para sa kanilang pagsasanay na may pamagat na PATAS DAPAT: ‘PAgsulong ng Tumpak at Sistematikong DAan sa Progresibo at Tamang dyornalismo’ sa Conference Room ng QCHS.

Para sa huli at ikalawang araw, nagsagawa muli ang ‘Ang Parola’ at ‘The Capitol’ ng ‘PATAS DAPAT’: “PAgsulong ng Tumpak At Sistematikong pagsulat DAan sa Progresibo At Tamang dyornalismo” noong ika-10 ng Nobyembre taong 2023 sa Conference Room ng Quezon City High School (QCHS). Pinangunahan ni G. John Patrick C. Clavo, Punong Patnugot at Pangulo ng ‘Ang Parola’ publikasyon sa Filipino at Via Venice Tiongson, Punong Patnugot ng ‘The Capitol’ publikasyon sa Ingles ang palatuntunan na dinaluhan ng mga piling mamamahayag pangkampus. Unang nagbahagi ng kaniyang mga kaalaman si Bb. Carmela Joy Naa, dating Punong Patnugot ng ‘Ang Parola’, itinuro niya ang mga ginagamit na pananda sa kategoryang Pagwawasto ng Sipi at Paguulo ng Balita.

Nagkaroon din ng pagkakataon na magbahagi ng kaalaman si G. Jesus Nathaniel Valdez na dating Ka-Patnugot ng ‘Ang Parola’ at isa nang Radio Broadcaster ngayon na nagturo sa kategoryang Balitang Isports at Radio Broadcasting. Nilinang rin ang kakayahan ng mga dumalo sa nasabing palihan sa pamamagitan ng pagbuo ng isang Radio Broadcasting program sa kanila. Tinalakay naman ni G. Dan Gonzaga, Far East Broadcasting Company (FEBC) Announcer/Producer ang Copy Editing at News Writing, Bilang panapos ng programa, ginawaran ng sertipiko ng pagpapahalaga ang mga naging tagapagsalita sa nasabing palihan kasabay din nito ang pagbibigay ng maliit na token,ginawaran din ng sertipiko ng partisipasyon ang mga mag-aaral na lumahok sa palihan.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
ANG PAROLA 2023-2024 NEWSPAPER by ANG PAROLA 22-23 - Issuu