Skip to main content

Opisyal na Pahayagan ng ''ANG PAROLA'' Paaralang Sekondarya ng Lungsod Quezon

Page 1

03 MAY 2023

ANG PAROLA

01

Liwanag ng Balita, Balitang Tama

Husay ng Quezonians

Paggamit ng Scantron Machine, sinimulan Shaquera T. Esteban at John Patrick L. Irinco

Matiyagang iniskan ng ilang mga guro mula sa Quezon City High School nitong Abril 28-27 ang mga sagutang papel ng mga Quezonians sa Scantron machine matapos ang ikatlong markahang pagsusulit na ginanap noong Abril 25-26 sa kasalukuyang taon. Ang scantron ay isang machine na automatic na itinatala ang iskor, datos at total ng mga estudyante sa isang pasadahan lamang. Layunin nitong mas mapabilis at mapadali ang proseso ng pagmamarka sa mga pagsusulit ng mga estudyante. Gumagana ang machine sa pamamagitan ng pag-iscan ng mga form, ang ilaw ng machine ay hahanapin ang mga itim na marka sa gilid ng form na tinatawag na timing track. Ang ibang mga ilaw naman ay nakahanay sa mga bubble row A hanggang E. Isinagawa na ng mga guro ang bagong proseso sa pagwawasto ng mga pagsusulit.

Samantala, kaya nitong magmarka ng higit kumulang 40 na pagsusulit sa isang lagayan. Ayon sa karamihan ng gumagamit nito, mayroong 99.9% na accuracy ang machine. "Ang advantage ng scantron sa aming mga guro is for easier collections of exams, aside from that sa item analysis hindi kami mahihirapan kasi in just one click may item analysis na kami at the same time result ng lahat ng test" wika ni Gng. Rowena F. Bondoc, guro sa QCHS. Dagdag pa niya, may mga disadvantage din ang paggamit ng scantron machine, sapagkat maaaring hindi mabasa ng machine ang mga sagot na hindi naka-shade nang makapal at maayos. Ito ay ipinakilala na noong 2018 pa lamang at muling opisyal na inilabas ngayong taon. Ayon sa Division Office of Quezon City, ang lahat ng paaralang sakop ng lungsod ay gagamit na ng scantron machine.

"I accept the challege of being the principal of Quezon City High Transisyon: Torres to Maningas School." saad ni Mrs. Josehpine M. Maningas

BALITA Rehistrasyon para sa National ID, Isinagawa

EDITORYAL Kasakiman sa kalikasan

KOLUM

Softdrinks pa more!

LATHALAIN

SCREAMshot

AGHAM

ISPORTS

Acne, kayang iwasan nang walang binabayaran

Atletang Quezonians, hakot medalya


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Opisyal na Pahayagan ng ''ANG PAROLA'' Paaralang Sekondarya ng Lungsod Quezon by ANG PAROLA 22-23 - Issuu