



Pondong nakalaan sa DepEd Computerization Program, huwag ipagkait sa mga mag-aaral 04 | opinyon
![]()




Pondong nakalaan sa DepEd Computerization Program, huwag ipagkait sa mga mag-aaral 04 | opinyon
Patnubay na Tinig. Kaagapay sa Pagtindig.
Tinatayang 2.5k Vinzonians biktima ng sunod-sunod na pagbaha; VPHS SSLG nanguna sa donation drives, relief operations

LUSONG SA DELUBYO. Nash Kyle Bernardino, magaaral sa VPHS sa ika-12 baitang, lakas-loob na lumusong sa rumaragasang baha upang makalikas sa gitna ng paghagupit ng Bagyong Kristine. Kuha nitong ika-23 ng Oktubre, 2024. Kuha ni LYNARD I. ANDRES
Dulot ng sunod-sunod na pananalasa ng bagyo at walang tigil na pagbuhos ng ulan, umabot sa 2504 na mga mag-aaral sa Vinzons Pilot High School (VPHS) ang naapektuhan ng matinding pagbaha.
Sa lahat ng bagyong dumaan sa bansa sa nagdaang taon, ang Severe Tropical Storm Kristine (Trami) ang nag-iwan ng pinakamatinding pinsala kung saan 756 na bahay ang bahagyang nasira at 435 naman ang tuluyang nasira, at umabot sa 984 na pamilya o 3360 indibidwal sa Vinzons ang lumikas, ayon sa datos ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Sa kabuuan, 3,694 kabahayan ang binaha sa Vinzons sa pananalasa pa lamang ng Bagyong Kristine.
KALBARYONG HATID NG PAGBAHA
Sa tala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), record-breaking ang ulang ibinuhos ng Bagyong Kristine sa Daet, Camarines Norte, isa sa kalapit na bayan ng Vinzons, kung saan umabot ito sa 528.5 mm, higit na mataas sa karaniwang 489.6 mm dami ng ulan sa buong buwan ng Oktubre, isang buwang dami ng ulan ang ibinuhos sa loob lamang ng isang araw.
Kuwento ni Hazel Saman, 16, magaaral sa Accountancy and Business Management Baitang 11-Patience, residente ng Barangay Mangcayo, nang makapanayam ng Ang Panaguyod, “Hindi naman namin alam na malakas pala ‘yong bagyo, nagulat nga rin ako dahil yun ‘yong pinakamalalim na baha na naranasan ko.”
Muli na namang binaha ang ilang lugar sa Camarines Norte kabilang na ang Barangay Mangcayo matapos ang sunod-sunod na pagdeklara ng Orange at Red Rainfall Warning sa probinsya sa mga huling buwan ng taon kaya naman nagkasa ng Search, Rescue and Retrieval Operation ang Provincial at Municipal
DRRMO, Bureau of Fire Protection, at Special Resource Force nitong ika-1 ng Disyembre, 2024 kung saan makikita sa mga ibinahaging larawan ng Provincial Information Office sa isang Facebook post na lagpas tao ulit ang baha sa nasabing komunidad. Patuloy pa rin ang abiso ng PAGASA sa banta ng pagbaha dulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol dala ng tinatawag na shear line, amihan, at Intertropical Convergence Zone.
BAYANIHAN KABATAAN Nauna ng nagpaabot ng tulong ang Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng VPHS kung saan mahigit 300 pamilya mula Barangay Mangcayo, Sitio Spanish Road, Barangay Napilihan, Barangay Sabang, at Barangay Guinacutan ang nabigyan ng relief goods na naglalaman ng bigas, gatas, kape, mga de-lata, hygiene kit, at school supplies mula sa mga inkind donations at nalikom na Php 5,327 sa donation drive na inihanda ng samahan matapos manalasa ang Bagyong Kristine. Sinundan ito ng iba pang organisasyong pinamumunuan ng mga mag-aaral ng VPHS katulad ng Samahan ng Mag-aaral Kontra Droga, Samahan ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan, Student Technologists and Entrepreneurs of the Philippines, at ang Project Bangon Oragon sa pagsasanib-pwersa ng Public Speakers League, Media Information Literacy Society, YAMAN Club, at Young Entrepreneurs Guild, na namahagi ng hot meals, packed goods, at damit sa mga residente ng Barangay Mangcayo at Barangay Sabang na lumikas sa paaralan. Barangay Poblacion 1 at Barangay
Cagbalogo naman ang napagkalooban ng Bangon Vinzons Donation Drive sa pagkakaisa ng HUMANISTA Club, VPHS Red Cross Youth Council, at Young Achievers’ Club.
Mula naman sa nalikom na Php 7,853 at iba pang mga donasyon ng Alakbayan Films, grupo ng mga dokumentaristang mag-aaral ng VPHS, nakapaghatid din ng tulong sa mga residente ng Purok 6 ng Barangay Mangcayo.
“Bilang Presidente ng pinakamataas na organisasyon, tayo ay nararapat umaksyon nang agaran. Nararapat tayong magsilbing matibay na istraktura at pundasyon ng bawat organisasyon na handang tumulong, bilang mga mag-aaral, para sa kapwa mag-aaral, at para sa ating komunidad,” paglalahad ni Elizabeth Ilagan, pangulo ng VPHS SSLG.
Dahil sa banta ng muling pagbaha dulot ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan sa Camarines Norte, naghanda ang SSLG sa kanilang taunang fund raising event na ngayon ay may temang Whimsical Circus Wonderland: Paskuhan 2024.
Mula sa nasabing concert for a cause na ginanap nitong ika-16 ng Disyembre, nakalikom ang samahan ng Php 34,260 sa kabuuang 1,142 naibentang tiket.
Nakapaghatid na ng packed goods ang SSLG sa 50 pamilya sa Barangay Sula, Vinzons mula sa nakalap nilang pondo bago matapos ang taon nitong ika-30 ng Disyembre.
Inaasahang makakarating pa sa ibang mga mag-aaral at pamilya ng mga binahang lugar ng Vinzons at Labo ang kabuuang kinita ng SSLG sa mga susunod pang relief operations ng organisasyon.


Tumutok sa aming Facebook page
Sa Wangis ng Huwad na Maria Clara 09 | lathalain


32 pasilidad ng VPHS nagamit ng mga residenteng lumikas sa gitna ng paghagupit ng Bagyong Kristine, Pepito
Sa gitna ng pananalasa ng SevereTropicalStorm
Kristine nitong Oktubre at Super Typhoon Pepito nitong Nobyembre, umabot sa 1992 indibidwal mula sa bayan ng Vinzons ang lumikas sa 32 na mga silid-aralan at pasilidad sa Vinzons Pilot High School (VPHS).

PANSAMANTALANG
TAHANAN. Bitbit ng isang ina ang damit ng kaniyang pamilya upang lumikas at manirahan pansamantala sa mga silid-aralan ng Vinzons Pilot High School dahil sa hagupit ng Bagyong Kristine at Pepito. Kuha nitong ika-24 ng Oktubre, 2024. Kuha ni LYNARD I. ANDRES

“Binaha rin tayo but then yung mga evacuees natin ay nasa safe classroom, ‘di natin sila nilagay doon sa mga binahang classroom,” wika ng punongguro ng paaralan, Dr. Teresita Orendain Kinilala naman ng paaralan ang ilang mga pribadong organisasyon at samahan na tumulong sa mga naapektuhan ng bagyo na ilang araw namalagi sa VPHS, mula sa mga hot meals at mga kagamitang donasyon ng Bicol University, Unibersidad ng Pilipinas, at ang Mabini Colleges - Florence Nightingale Education Council.
Ayon kay Orendain, ang mga nasalantang indibidwal ay nagmula pa sa mga lugar na malapit sa ilog at nakatira sa tabing dagat na naapektuhan ng mga nagdaang pagbaha dulot ng sunod-sunod na bagyo ang naging prayoridad sa pamimigay ng mga tulong na natanggap ng paaralan. Samantala, puspusan pa rin ang pamamahagi ng lokal na pamahalaan ng relief goods sa mga nabiktima ng pananalasa ng mga nagdaang bagyo at tiniyak naman ng punongguro na handa ang VPHS na maging evacuation center anumang oras ng kalamidad.

VPHS-RCYC naghatid ng pagsasanay pangkaligtasan sa mga Vinzonian
ni JOHN RAIZEN S. BUENDIA
Pinaigting ng Red Cross Youth Council ng Vinzons Pilot High School (VPHS-RCYC) ang kaalaman at kahandaan ng mga mag-aaral sa usaping pangkaligtasan sa pagsasagawa ng Occupational Safety and Health (OSH) Training na nilahukan ng 175 na mag-aaral noong ika-19 ng Oktubre, 2024 sa Function Hall ng paaralan.
Nahahati ang aktibidad sa tatlong bahagi: orientation, lecture proper na pinangunahan nina Emmanuel Villagen, coordinator ng VPHS-RCYC at Gabriel Roy Abilgos, Safety Officer III ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng Vinzons, at evaluation in field kung saan ipinakita ng mga kalahok ang kanilang natutuhan sa pamamagitan ng presentasyon at aktwal na pagsasanay.
“Nagbibigay ang OSH Training ng tamang kaalaman kung ano ang gagawin bago, habang, at pagkatapos ng sakuna, dahil dito makakaiwas tayo sa malalaking pinsala,” paliwanag ni Mark Dave Albos, pangulo ng VPHS-RCYC nang tanungin tungkol sa kahalagahan ng pagsasanay sa panahon ng kalamidad dulot ng kamakailang paghagupit ng sunod-sunod na bagyo sa probinsya.
VP Sara bumisita sa bayan ni Bintao
ni SANDI M. BERNAS
Sa paanyaya ng lokal na pamahalaan, dumalaw sa iba’t ibang kilalang lugar sa bayan ng Vinzons si Bise Presidente Sara ‘Inday’ Duterte-Carpio sa kanyang pananatili rito simula ika-21 hanggang ika-23 ng Setyembre, 2024.
Unang namalagi sa Calaguas Island Resort si VP Sara kung saan paliwanag niya sa isang Facebook post, “bumibisita ako sa mga malalayong lugar at isla upang malaman kung nakakarating ang serbisyo ng pamahalaan sa kanilang lugar.”
Sinundan ito ng pagtungo niya sa Vinzons Pilot Elementary School kung saan itinayo ang Vinzons Heritage Education Museum (VHEM) sa 1930- Gabaldon Building na isa sa kanyang kontribusyon bilang dating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd).
Tumungo rin siya sa Munisipyo, Vinzons Shrine, at St. Peter the Apostle Church na kabilang sa Tourism Heritage Tour sa pamumuno ng Alkalde ng Vinzons, Eleanor F. Segundo, Tourism Officer II Florence G. Mago, at Municipal Administrator na si Engr. Joseph Segundo.
Ayon kay Adelardo Vecino Jr. mula sa Municipal Tourism Heritage Office ng Vinzons, ang pagbisita ng Bise Presidente ay may kaugnayan sa Pista ng Tacboan bilang pagdiriwang sa kapanganakan ng bayani na si Wenceslao “Bintao” Vinzons.

BALIK-TANAW.
Sara Duterte, Bise Presidente ng Pilipinas sa kaniyang pagbisita sa Wenceslao Q. Vinzons National Historical Landmark sa Vinzons, Camarines Norte, ika-23 ng Setyembre, taong 2024. Mula kay VP SARA DUTERTE

Vinzons idineklara bilang Drug-Cleared Municipal
ni ALEXANDREA C. FLORES
Isa na namang mahalagang tagumpay ang naabot ng bayan ng Vinzons matapos itong opisyal na ideklara bilang isang Drug-Cleared Municipality ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing noong ika-25 ng Agosto, 2024.
Pinangunahan ni Alkalde Eleanor Segundo ang delegasyon ng Vinzons, kasama sina PMaj Ace Flores, Dr. Benjamin Torres, MSWDO Irene del Rio Cribe, at LGOO VI Rannel Gabad Domasig sa naganap na deliberasyon ng nasabing parangal sa Pleyto, Daet, Camarines Norte, na sama-samang nagsikap upang makamit ang layuning ito.
Kinilala naman ng Pamahalaang Panlalawigan nitong ika-9 ng Setyembre, ang lima pang munisipalidad na kasama ng Vinzons na unang nakapasa sa masusing proseso ng barangay drug clearing: ang mga bayan ng Basud, Capalonga, Santa Elena, San Lorenzo Ruiz, at San Vicente.
Ikinagalak ito ng School ParentTeachers Association (SPTA) ng Vinzons Pilot High School kung saan ayon kay SPTA President Norman Oco, “Ang balitang ito ay mahalaga para sa mga magulang. Ang tanging hangad namin ay maging ligtas ang aming mga anak at malayo sa impluwensiya ng masamang bisyo, partikular na ang ipinagbabawal na gamot.


Non-readers sa VPHS umaabot sa 564; Brigada Pagbasa, SPEED tugon ng paaralan vs krisis sa literasiya
ni JANNA MIKAELA R. GONZALES
Patuloy na hinaharap ng Vinzons Pilot High School (VPHS) ang pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral na hindi marunong magbasa matapos nitong pumalo sa 564 ngayong taong panuruan.
Sumasailalim taon-taon ang mga mag-aaral sa ilang pagsusulit upang matukoy kung ilan at sino ang nangangailangan ng tulong sa pagbabasa, tulad ng Phil-IRI Group Screening Test (GST), Rapid Literacy Assessment (RLA), at proyektong Serbisyong Pagbasa Ensayong Edukasyon at Dunong (SPEED).
Batay sa datos mula sa reading coordinators ng Filipino at English, Gedaliah Guinto at Krizza Añonuevo, 18 mag-aaral mula sa Junior High School (JHS) at Senior High School (SHS) ang deficit o hindi nakakapagbasa ng wikang Filipino, habang 141 naman sa Ingles.
Kabilang naman sa kategoryang coping o nahihirapang makasabay sa pagbabasa sa parehong asignatura ang 405 na mga mag-aaral mula sa JHS at SHS.
Tinukoy na noong 2022, unang taon matapos ang pandemya, ang may pinakamataas na bilang ng mga nonreaders sa ika-7 baitang na pumalo sa
344, kumpara sa kasalukuyang taon na hindi hihigit sa 200.
KAKAMBAL NA MGA SALIK
Wika ni Guinto, ang pagkawala ng face-to face classes noong pandemya, kawalan ng focus sa pagbabasa, at kahirapan ang ilang mga dahilan ng pagbaba ng karunungang bumasa’t sumulat sa Wikang Filipino ng mga estudyante sa paaralan. Dagdag pa niya, isa sa mga pangunahing dahilan ang sobrang pagkababad ng mga kabataan sa gadyet na dumadating sa puntong napapabayaan na nito ang kanilang pag aaral, kasama na rito ang kanilang kasanayan sa pagbabasa, at iba pang responsibilidad.
Kawalan ng interes, hindi nakatatanggap ng suportang kinakailangan mula sa mga nakatatanda sa sari-sariling tahanan, pagkakaroon ng kondisyon ang ilan pang mga rason na dinagdag ni Añonuevo, reading coordinator ng Ingles.
PUNAN ANG PUWANG
Ipinatupad ng DepEd ang Brigada Pagbasa, na nakapaloob sa Brigada Eskwela, noong 2019, at ang Catchup Friday bilang tugon sa hamong hinaharap ng iba’t ibang paaralan sa paghasa ng kasanayan ng mga magaaral pagdating sa pagbabasa.
Patuloy naman sa pagsasagawa ng mga aktibidad ang VPHS tulad ng proyektong SPEED na pinamumunuan ng mga guro sa Filipino.
Inaasahan ng punongguro ng paaralan, Dr. Teresita Orendain, na makakamit ang target na “zero” nonreaders, hindi lamang sa pagtatapos ng kasalukuyang taon kundi pati sa mga susunod pa.
“Kung ilan ang pumasok na estudyante dapat ‘yon din ang makakatapos,” saad ni Orendain kung saan layon nito na wala sa mga magaaral ng nasabing paaralan ang hindi makakapagtapos dahil lamang sa hindi nito pagkatuto na magbasa.

MARIA ANTONIA G. CRIBE
Pinasinayaan na ang pagbubukas ng Pasiyo sa Vinzons - Vinzons Heritage Education Museum (VHEM) sa isinaayos na Vinzons Pilot Elementary School (VPES) 1930-Gabaldon Building na naglalaman ng mga artepakto, larawan, at iba pang koleksyon mula sa mga sinaunang tradisyon
henerasyon ng nabanggit na bayan noong ika-27 ng Setyembre, 2024.
TUKLASIN ANG NAKARAAN. Si Dr. Eleanor Segundo, alkalde ng bayan ng Vinzons, ay dahan-dahang tinatanggal ang pulang tela sa kuwadro bilang opisyal na pagbubukas ng Vinzons Heritage Educational Museum (VHEM) sa publiko. Kuha nitong ika-2 ng Oktubre, 2024. Mula sa RADYO KATABANG 107.7 FM


“Makakatulong ito sa mga magaside from the museum, books do’n na pwede nilang basahin and may mga information dun na bago lang sa kanila at mabibigyan-diin ang kahalagahan ng umuusbong na makasaysayang kultura ng Vinzons,” wika ng Dr. Eleanor alkalde ng bayan ng Vinzons. Tinukoy naman ni Segundo na ang pagtaas ng interes at pamamahala ng pamana, mga organisasyong sibiko, at mga grupo na nakatuon sa pagpapanatili ng kasaysayan bilang mapagkukunan ng kultura ang naging pangunahing dahilan ng pagbubukas
Dagdag pa niya, magsisilbi itong isang destinasyon para sa mga turistang bibisita sa Vinzons kung saan maari nila itong puntahan sa pagkakataong masama ang panahon at mahihirapan makapagbiyahe tungo sa pangunahing lugar na dinarayo sa bayan, ang Calaguas
Nauna nang pinondohan ang pagpapatayo ng nasabing pasilidad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) – Rehiyon V noong 2016 at pinagtibay
ito ng Batas Republika Blng. 11194 o ang Gabaldon School Building Conservation Act noong 2020-2021 na makatutulong sa karagdagang learning outcomes ng mga paaralan.
Naisakatuparan ang pagkakatatag ng VHEM sa pakikipagtulungan ng Museo Bulawan, National Museum of the Philippines, National Commission for Culture and the Arts, at National Historical Commission of the Philippines
Samantala sa kaugnay na balita, inihayag naman ni Bise Presidente at dating Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) Sara Duterte ang kanyang pagkagalak sa museo na kanya ng personal na nabisita.
Aniya sa isang Facebook post sinabi niya, “Ang pagpapatayo ng mga Gabaldon buildings ay isa sa mga programa ng Kagawaran ng Edukasyon.”
Binigyan-diin din ni Duterte na salamin ng mayamang kasaysayan ng bayan ng Vinzons ang Gabaldon Museum Bukas sa publiko tuwing Lunes hanggang biyernes ang VHEM sa ilalim ng pamamahala ng Municipal Tourism and Heritage Operation (MTHO).
ni MICHAELLEAH FRANCIA O. BITARA Kampus Balita
Sa kabila ng mga programang isinasagawa ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), pumalo sa 508 ang bilang ng mga magaaral na nakapaloob sa kategoryang overweight sa kalagayang pangkalusugan ng Vinzons Pilot High School (VPHS) para sa taong panuruan 2024-2025 kumpara sa 284 noong nakaraang taon.
Ayon sa datos, humigitkumulang 1465 na mga estudyante mula ikapito hanggang ika-12 baitang ang hindi naaayon sa wastong kalagayan alinsunod sa sukat ng Body Mass Index (BMI) na mas mataas kumpara sa 1244 ng nagdaang taon.
Naitala na umabot sa 201 ang severely wasted, 423 ang wasted, at 290 ang obese Natukoy na ang ikawalong baitang ang may pinakamaraming bilang ng mag-aaral na hindi tugma sa normal batay sa komputasyon ng BMI na may bilang na 317.
Sa kabilang dako, patuloy na nakikilahok ang paaralan sa mga programang isinasagawa ng DepEd tulad ng Feeding Program, Gulayan sa Paaralan, Bakuna Eskwela, at Deworming sa mga kabataan.
Wika ng isa sa mga nars ng paaralan, Richard Porton, “Ang malnutrition kasi hindi naman ‘yan maso solve
Ayon sa datos ng Vinzons Pilot High School, naitala na umabot ng 1465 na mga mag-aarl ang hindi nabibilang sa kategoryang “normal“ batay sa pamantayan ng Body Mass Index.

in a day, dapat good for ilang months.”
Dagdag pa niya na ang pagsagawa ng mga feeding program ay hindi maaaring isang linggo lamang at dapat sundin ang nakalaan na araw at buwan.
Siniguro ni Porton na ang mga canteen ng paaralan ay mayroong mapagpipiliang mga masusustansiyang pagkain upang masolusyunan ang problema nito pagdating sa malnutrisyon.
Saad naman ng Head Teacher ng Technology and Livelihood Education (TLE) ng paaralan, Mary Grace Capistrano, “Sa pamamagitan ng pag-emphasize o pagpapakita sa kabataan ng kahalagahan ng tamang pagkain at pag-aalaga sa sarili nila, makakatulong ang paaralan sa mga estudyanteng ito.”


Tatlong bayan sa Camarines Norte halos isang linggong tigang ni
PUNAN ANG KAKULANGAN. Masuring pinaguusapan nina Joseph Ascutia at Ricarte Padilla, gobernador
sa

Norte, ang kawalan
daloy mula sa PrimeWater, nitong ika-16 ng Disyembre, 2024. Mula sa Camarines Norte News
Limang araw bago mag-Pasko, libo-libong residente mula sa tatlong bayan ng Camarines Norte—Daet, Mercedes, at Basud—ang halos isang linggo nang walang suplay ng tubig.
Isinisisi ito sa umano’y palpak na serbisyo ng PrimeWater, isang kumpanyang pag-aari ng pamilya ni Manny Villar, at sa mataas na turbidity level ng Mampurog River, ang pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig.
Apektado ng krisis ang mga kabahayan at mga mamamayan sa mga naturang bayan. Pati ang Vinzons Pilot High School ay hindi nakaligtas sa epekto ng mahinang daloy ng tubig mula sa PrimeWater.
Bunsod nito, maraming mag-aaral at guro mula sa nasabing paaralan, na nakatira sa apektadong mga lugar, ang napilitang magipon ng tubig sa kalagitnaan ng gabi o madaling araw, sa kabila ng napakahinang pressure. Ang sitwasyong ito ay lubos na nakaapekto sa kanilang tulog at pang-araw-araw na mga gawain.
Dahil sa paulit-ulit na problema, nanawagan ang mga residente na kanselahin na ang joint venture agreement sa pagitan ng Camarines Norte Water District at PrimeWater. Anila, hindi umano napaganda ng kasunduang ito ang serbisyo ng tubig sa kanilang lugar.
Sa kabila ng malawakang reklamo ng publiko, ipinatupad pa rin ng PrimeWater ang 2.06% na dagdag-singil sa bayarin sa tubig para sa buwan ng Disyembre. Ayon sa kumpanya, ito ay batay sa Consumer Price Index at Power Price Index, na isinasaad sa kanilang joint venture agreement.
‘Overload
hiling ng kaguruan sa VPHS


Nang inilabas ang DepEd Order No. 005 s. 2024 na nagtatakda sa Teachers’ Overload Pay ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) noong ika-29 ng Abril, 2024, mariing inihayag ng mga guro sa Vinzons Pilot High School ang kanilang kahilingang maisakatuparan ito.
“Magiging benepisyo niyan ay syempre sa teachers, yung oras na gugugulin namin ay nararapat lamang na mabigyan ng additional na bayad, para magkaroon ng saysay ang paglalaan namin sa sobrang oras dito sa school kase instead na gamitin namin yun sa bahay, ay ginagamit pa namin ito sa school,” wika ng guro sa Music, Arts, Physical Education at Health (MAPEH) at kasalukuyang Direktor ng Teatro Bintao, Melinda Llander nang makapanayam ng Ang Panaguyod nitong ika-31 ng Oktubre, 2024. Sa ilalim ng polisiyang ito ng DepEd, lahat ng mga guro na
maglalaan ng mahigit walong oras sa kanilang pagtuturo, pagiging coach o mentor sa iba’t ibang aktibidad sa paaralan, at ang mga gurong may kinalaman sa pananaliksik, isports, at iba pa ay makakatanggap ng nabanggit na overload pay. Alinsunod na rin ito sa Seksyon 13 at 14 ng Republic Act No. 4670 o ang Magna Carta for Public School Teachers na pinagtibay noong taong 1966 na nagsasaad na anumang probisyon ng kasalukuyang batas, co-curricula, at mga gawain sa labas ng paaralan na tinukoy na hindi kabilang sa normal na tungkulin ng mga guro ay mabibigyan ng karampatang karagdagang bayad.
Mga guro, mag-aaral ng VPHS pinuna ang nilagdaang ARAL Law
Nakabatay ang pagkalkula ng matatanggap na dagdag sweldo sa kabuuang bilang ng “overload hours × prime hourly teaching rate” na makukuha sa pamamagitan ng annual salary rate, kabuuang oras sa pagtuturo na 40 oras kada linggo, at 125% ng teachers’ remuneration para sa mga serbisyong sobra sa anim na oras na pagtuturo kada araw na hindi lalampas sa dalawang oras. Nilinaw naman ng DepEd na hindi maaaring makatanggap ng kabuuang bilang ng overload pay ang mga guro na hihigit sa kalahati ng kanilang natatanggap na taunang sweldo.
Umalma ang ilang guro’t mag-aaral ng Vinzons Pilot High School (VPHS) kaugnay ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Law na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong ika-18 ng Oktubre, 2024 dahil sa idinidiin nilang kakulangan sa mga aspeto ng implementasyon at konkretong hakbang ng batas.
“Walang maayos na framework, guidelines, at kung paano siya susunduin, doon tayo magkakaproblema,” ayon kay
Darrel Borja, guro sa Research
Para naman kay Lance Pabines, magaaral sa ikasiyam na baitang, hindi pa perpekto ang nilagdaang batas at maaari pa itong baguhin.
Pangamba ng ilan na maaaring magdulot ito ng karagdagang pressure sa mga mag-aaral, lalo na sa mga hindi pa nakaka-adjust sa MATATAG Curriculum
Gayunpaman, may ilan pa ring pabor sa batas tulad ng Alternative Learning System (ALS) Coordinator, Joanne Medina na naniniwalang makakatulong ito sa
mga estudyanteng nahirapan sa kanilang pag-aaral.
TUGON SA HAMON
Layunin ng ARAL Law na maglunsad ng mga libreng programa upang matulungan ang mga mag-aaral na hindi nakaabot sa minimum proficiency sa mga pangunahing kasanayan sa edukasyon na nag-ugat sa nagdaang pandemya at pagsasara ng mga paaralan.
Saklaw nito ang mga essential learning competencies mula sa K-12 Curriculum, kabilang ang Matematika at Pagbasa mula Baitang isa hanggang 10, Agham mula Baitang tatlo hanggang 10,
at pundasyon ng Pagbasa at Pagbilang sa Kindergarten.
BAKAS SA MGA NUMERO Isa sa naging hakbang ng pamahalaan upang mapataas ang resulta ng mga nagdaang Program for International Student Assessment (PISA) ang pagpapatupad ng nasabing programa. Matatandaang sa mga nakaraang pagtataya, 79/79 ang naging over-all rating ng Pilipinas noong 2018 at 77/81, pangapat sa huli noong 2022 na nagtulak sa batas na ihanda ang mga mag-aaral sa darating na PISA 2025.
Mga mag-aaral, guro ng VPHS umalma sa pagtapyas ng pondo ng DepEd
Nagpahayag ng mariing pagkondena ang mga mag-aaral at guro ng Vinzons Pilot High School (VPHS) sa halos Php 12 bilyong bawas sa pondo ng Department of Education (DepEd) para sa 2025.
Batay sa isang survey na isinagawa noong Disyembre 15, 2024, 97% ng mga mag-aaral na nakapanayam ng patnugutan ang nagpahayag ng taliwas na opinyon ukol sa hakbang na ginawa ng mga mambabatas, habang 100% ng mga guro ang mariing tumutol sa naturang budget cut. Sa 1,000 mag-aaral na nagpaunlak sa interview, 970 sa kanila ang nagpahayag ng pagkadismaya, samantalang lahat ng 50 guro ay nagpahayag ng matinding lungkot.
“Bilang isang mag-aaral sa pampublikong paaralan, ramdam na po namin ang kakulangan sa pasilidad at guro. Ang pagbawas pa ng pondo ay parang dagdag na pasanin para sa aming nagsisikap makapagtapos,” ani Sandi Bernas, isang student-leader sa Senior
High School.
“Mahalaga po sa aming strand ang Computerization Program para sa hands-on learning. Kung babawasan ang budget, baka hindi na mapondohan ang mga pangangailangan namin,” pahayag naman ni Lance Ramos, isang ABM student.
Bagaman dismayado, umaasa ang mga mag-aaral at guro na aaksiyunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isyu, lalo’t nauna na niyang ipinangako na tututukan ang problemang dulot ng pagbawas ng pondo. Naniniwala silang dapat bigyangpriyoridad ng pamahalaan ang dekalidad na edukasyon, lalo na sa aspeto ng digital transformation, upang masigurong handa ang mga mag-aaral sa hamon ng
makabagong panahon. Sa ilalim ng pinal na bersyon ng Php 6.352-trilyong General Appropriations Bill (GAB), ang orihinal na panukalang Php 748.6 bilyon para sa DepEd ay nabawasan sa Php 737 bilyon. Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ang pagbawas ng pondo ay nagdudulot ng pangamba sa kakayahan ng ahensya na tugunan ang digital divide sa sektor ng edukasyon.
Kabilang dito ang Php 10 bilyong kaltas para sa Computerization Program (DCP), isang programa na layuning magbigay ng mga kagamitang pangdigital tulad ng laptop, tablet, at network systems sa mga pampublikong paaralan.


Kathleen Jane A. Autor
ng

Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na aaksyunan ang mahigit Php 12 bilyong bawas sa pondo ng Department of Education (DepEd) para sa 2025. Ito ay matapos ipahayag ni Kalihim Sonny Angara ang kanyang pagkadismaya sa naturang hakbang. Bahagi ng tinapyas na pondo ang Php 10 bilyong inilaan para sa Computerization Program ng DepEd na layong magbigay ng mga laptop, tablet, at network systems sa mga pampublikong paaralan.
Ang pagbawas ng budget para sa DepEd ay hindi lamang simpleng usapin ng numero; inilalagay ng desisyong ito sa balag ng alanganin ang pundasyon ng mga kabataang Pilipino. Habang mabilis ang digital transformation sa ibang bansa, ang Pilipinas ay tila naiiwan sa laylayan. Tama nga si Senador Legarda, ang pagkakaltas sa budget ay higit na magpapalawak ng digital divide, lalo na sa mga komunidad na salat sa mga makabagong kagamitan. Base sa datos ng DepEd noong 2022, 64% lamang ng elementary schools, 72% ng junior high schools, at 67% ng senior high schools ang may internet access. Sa NCR, 98% ng mga paaralan ang may access, ngunit sa ibang rehiyon, tulad ng mga probinsya, halos 51% lamang. Ang hindi pantay na access na ito ay patunay sa lumalalang panganib ng digital disparity sa mga paaralan. Ang pagbawas sa pondo ay lalong

Punong
Al Bambino M. Camino
Tagapagpayo sa Pahinang Agtek
EdD
magpapalubha sa ganitong sitwasyon. Hindi ba’t kabalintunaan ito sa layunin ng gobyernong magbigay ng pantay-pantay na oportunidad sa bawat Pilipino?
Bukod sa kakulangan sa kagamitan, isang malaking hamon ang mababang digital literacy ng mga Pilipino. Sa ASEAN, kulelat ang Pilipinas sa ICT skills. Sa datos noong 2019, 6% lamang ng mga Pilipino ang may basic internet skills, 2% ang may standard digital skills, at mas mababa sa 1% ang may advanced digital skills. Ito ba ang kalidad ng edukasyon sa “Bagong Pilipinas” na ipinagmamalaki ng administrasyon? Bagsak sa Literacy and Numeracy Skills, pati ba naman sa ICT nasa kangkungan pa rin? Napakahalaga ng papel ng digital education, ngunit tila ito ang unang isinakripisyo ng mga mambabatas sa kongreso.
Hindi maikakaila na ang matinding hagupit ng pagbawas sa budget ng DepEd ay direktang tatama sa mga paaralan,
Sa bansang makabata,
Ang School-Based Feeding Program (SBFP) ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay isang hakbang upang matugunan ang undernutrition sa mga magaaral. Layunin ng programa na mapabuti ang estado ng kalusugan at nutrisyon ng mga bata at mapataas ang bilang ng kanilang pagdalo sa klase. Target nito ang mga batang stunted at wasted, at nagbibigay ito ng masusustansyang meryenda, fortified-blended food, at nutri-packs Ngayong 2024, pinalawak pa ng Kagawaran ng Edukasyon ang SBFP na magbibigay ng libreng pagkain sa mga estudyante sa kabuuang 220 school days sa bansa.
Ibinalik din ng pinalawig na feeding program ang pagbibigay ng mainit na pagkain at palalakasin ang distribusyon ng mga produktong gatas na masustansya, ayon kay DepEd Assistant Secretary Dexter Galban.
kabilang ang Vinzons Pilot High School. Kung susuriin, mayroon lamang 164 fully functional na desktop computers ang paaralan para sa halos 5,600 mag-aaral— isang malinaw na kakulangan sa ratio ng mag-aaral sa computer. Dagdag pa rito, dalawa lamang ang ICT rooms na may internet access, at wala pang robotics laboratory room. May punto ang mga mambabatas sa kanilang panawagan para sa transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng DepEd matapos mabunyag sa House Investigation ang nakaririmarim na daloy ng korapsyon sa departamento sa ilalim ng dating kalihim nito. Tama rin na punahin ang mababang utilization rate ng DepEd para sa ICT-related funds. Ngunit sa gitna ng hamon bunsod ng mga problemang ito, hindi solusyon ang pagbawas ng budget. Sa mata ng lipunang salat, ang pagtapyas na ito sa pondo ng DepEd
ay isang insulto sa pangarap ng bawat magulang at mag-aaral. Kaya naman sa halip na pagbuntunan ng galit ang budget ng DepEd, mas makabubuti ang paglalagay ng mga reporma upang tiyakin ang wastong paggastos ng pondo. Ang kapakanan ng kabataan ay hindi dapat isakripisyo sa usapin ng administratibong kakulangan. Kung may problema sa paggamit ng pondo, dapat tugisin ang mga may pananagutan, hindi ang mga mag-aaral ang parusahan. Ang “hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay” ay hindi nararapat na maging polisiya ng gobyerno.
Inaasahan natin ang positibong tugon ni Pangulong Marcos sa problemang ito. May binitawan ng pangako, subalit hindi dapat dito magtapos. Ang tungkulin ng pamahalaan para sa kinabukasan ng mga kabataan ay higit pa sa salita; nangangailangan ito ng aksyon.
(VPHS) na suot-suot ang maluluwang na damit na akma sa kanilang edad ngunit hindi sa kanilang katawan. Ayon sa Nutritional Status Report ng VPHS, sa 5,544 na tinimbang na mga mag-aaral mula Baitang 7 hanggang Baitang 12, nasa 7.63% ang bahagdan ng wasted habang 4.40% ang severely wasted at mayroong 13.78% na stunted at 6.28% na severely stunted Kung ikukumpara sa Vinzons Pilot Elementary School (VPES), isa sa mga public elementary school sa bansa na nagsasagawa ng SBFP; sa 1,639 kasi nitong enrollees, 17.42% ang wasted at 5.71% ang severely wasted
nangangailangan.
Hindi rin aakma kung ipipilit ang argumentong mas higit na nangangilangn ang mga edad mag-aaral edad 6-11 kung kaya’t prayoridad ang kanilang kapakanan, sapagkat ang kumukulong tiyan ay maingay anumang baitang. Sa kabila nito, tila nananatiling bingi ang DepEd sa hinaing ng kumukulong tiyan ng mga mag-aaral sa sekondarya. Sa pagbubukas ng DepEd Memorandum 36 o Lakas Gatas Campaign, ibinidang muli ang programang tanging mga mag-aaral sa elementarya lamang ang tatamasa.
“Sa isang bansang makabata, walang kumakalam na sikmura elemantarya man o sekondarya.”
Dumoble rin ang pondo para sa school-based feeding program ng DepEd sa 2024. Umabot ito sa record high na Php 11.7 bilyon mula sa nakaraang taon na Php 5.6 bilyon.
Tumpak ang hangarin ng programa, ngunit kapansinpansing sa ilang dekada nitong implementasyon, ni minsan ay hindi dumapo ang libreng pakain ni ang Nutribun sa mga gutom na mag-aaral sa sekondarya. Taliwas sa ipinangakong kaunlarang panlahat. Sa simpleng pagmamasid, lantarang makikita ang mga kapwa ko mag-aaral sa Vinzons Pilot High School
habang 21.92% ang stunted at 6.01% ang severely stunted. Totoo, higit na mas mataas ang bahagdan ng mga may problema sa wastong nutrisyon, ngunit lagpas triple naman ng mag-aaral sa VPES ang populasyon ng VPHS. Malinaw sa mga numero na ito na hindi lamang sa elementarya makikita ang malnutrisyon sa mga mag-aaral na Pilipino. Subalit sa kabila ng katotohanan na ito, kailan man ay hindi naging konkreto ang tunay na rason ng kagawaran kung bakit animoy hangin ang implementasyon ng SBFP sa parehong lebel ng edukasyon, gayong iisang mukha ang
Mahalagang kilalanin ng Kagawaran ng Edukasyon ang pangangailangan ng mga kabataang ito sa sekondarya. Ang pagbibigay ng sapat na nutrisyon sa mga kabataan ay hindi lamang makakatulong sa kanilang pag-aaral kundi pati na rin sa kanilang kinabukasan bilang mga produktibong mamamayan.
Hindi naman siguro isang malaking pabigat sa DepEd kung palalawigin ang benepisyaryo ng programa. Dahil sa huli, ang pagkakaroon ng mas malawak na suporta at programa para sa lahat ng antas ng edukasyon ay isang hakbang patungo sa isang mas malusog at mas matatag na henerasyon.
Sa isang bansang makabata, walang kumakalam na sikmura.
duplex veritas

ni CHESKA MAY EUNICE R. POBRE Scholarship para kanino?
Tila isang VIP membership club na maituturing ang pagiging iskolar sa mga State Universities and Colleges (SUCs) sa Pilipinas, kung saan higit na maraming bilang ng mga mayayaman ang nakikinabang sa pribilehiyo ng dekalidad na edukasyon.
Ayon sa datos mismo ng pamahalaan, halos 12% lamang ng mga estudyante sa mga SUCs ay nagmumula sa mga maralitang pamilya. Samakatuwid, halos 88% ng mga estudyante sa mga pampublikong kolehiyo at pamantasan ay may kakayahang magbayad ng tuition sa pagaaral. At ang higit na masakit, 29% lamang ng mga maralitang mag-aaral ang nabibigyan ng 100% full scholarship grant ng pamahalaan.
Talagang sawimpalad ang maging mahirap.
Gawin nating ehemplo ang datos ng Unibersidad ng Pilipinas. Karamihan sa kanilang mga mag-aaral ay nagmumula sa mga pamilya na may mataas na kita. Sa ilalim ng Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP), 72% ng mga estudyante ang kabilang sa A at B brackets — mga pamilyang kumikita ng hindi bababa sa Php 500,000 kada taon. Samantalang ang pinakamahirap, nasa bracket E, ay 6.2% lamang.
Ang malaking agwat sa mga numerong ito ay maituturing na isang iskandalo para sa isang pambansang unibersidad na sinusuportahan ng gobyerno gamit ang buwis ng taumbayan. Ang taunang matrikula sa UP ay Php 54,000, ngunit ang aktwal na halaga ay umaabot sa halos Php 150,000.
Sa madaling salita, ang bawat estudyanteng mayaman ay sinusuportahan ng estado ng halos Php 100,000. Bakit kailangang buwisan ang ordinaryong manggagawa para lamang mag-aral ang anak ng mga mayayaman? Hindi ba’t nakakagalit na ang isang institusyong itinayo para sa taumbayan ay mas nagiging eksklusibo para sa mga mayayaman? Masakit tanggapin na sa isang unibersidad na dapat ay nag-aangat sa buhay ng mahihirap, mas marami ang nagmumula sa nakaaangat na antas ng lipunan. Isang masakit na paalala ang kaso ni Kristel Tejada, isang estudyante ng UP Manila, na nagpakamatay dahil hindi na niya kayang bayaran ang kanyang matrikula. Tama si DepEd Secretary Sonny Angara, ngayon ang tamang panahon upang muling tumutok ang gobyerno sa problema ng implementasyon ng libreng edukasyon sa kolehiyo upang higit na matulungan ang mga karapatdapat na estudyante. Kung nais nating buwagin ang siklo ng kahirapan, kailangang magsimula tayo sa pagbibigay ng patas na pagkakataon para sa lahat. Ang edukasyon ay hindi dapat pribilehiyo ng iilan; ito’y karapatan ng bawat mag-aaral na Pilipino.
duplex veritas
Hindi lamang mahirap ang may karapatan!
ni KEN XAVIER JIMENEZ

Sa anong batayan natin titimbangin ang karapatan sa edukasyon, estado ng buhay o pagkakapantay-pantay?
Kamakailan lang, naging usap-usapan ang mungkahi ng bagong kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Sonny Angara, na repasuhin ang programa ng pamahalaan ukol sa mayayamang mag-aaaral na tumatangap ng subsidiya ng libreng edukasyon sa kolehiyo. Bagama’t may intensyon ang panukalang ito na gamitin nang mas epektibo ang pondo ng gobyerno, marami ang nangangamba: Ito ba ay patas? Iginiit ng kalihim sa isang interview sa episode ng ‘Thought Leaders with Cathy Yang’ na dapat busisiin ang Implementing Rules and Regulation o IRR sa pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act. Isinaad din ni Angara na dapat tutukan ng pamahalaan ang pagbibigay ng libreng edukasyon para sa mga karapatdapat na mag-aaral at pigilang makakuha ng subsidiya ang mga hindi nangangailangan nito sa gitna ng pagdami pa ng bilang ng underprivileged students sa kolehiyo na nagdrop-out kada taon dahil walang pantustos sa kanilang matrikula.
Tila masyado naman yatang nagpapabango si Secretary Angara. Hindi makatwiran na ipagkait sa mga estudyanteng itinuturing na ‘may kaya’ ang benepisyo ng subsidiya sa pagiging iskolar dahil unang
Sa inyong pananaw, gaano kahalaga ang RA 12080 o Basic Education Mental Health and Well-being Promotion Act na nilagdaan bilang batas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos noong ika-9 ng Disyembre, 2024.
Bilang isang School Head, lubos kong ikinagagalak ang katuparan ng batas na ito. Madalas nating makita ang epekto ng mental health issues sa academic performance, disiplina, at overall well-being ng mga kabataan. Sa pamamagitan ng School-Based Mental Health Program, magkakaroon na ng sistematikong paraan upang matugunan ang mga suliraning ito, kasama ang pagbibigay ng mental health first aid at crisis response. Napakahalaga rin ng pagtatayo ng Care
Centers upang tiyakin na ang bawat mag-aaral ay may access sa tamang suporta, anuman ang kanilang kalagayan.
Teresita A. Orendain, Ed.D. Secondary School Principal IV Vinzons Pilot High School

una sa lahat ang kanilang mga magulang ay nagbabayad din ng buwis. Sa pagbayad ng buwis, mayaman man o mahirap, tayo mismo ang nagbibigay pribilehiyo para sa libreng edukasyon sa kolehiyo ng mga mag-aaral. Dagdag pa rito, lahat ay dumadaan sa entrance examination upang masukat ang talino at kakayahan ng magaaral. Ito ay isang pantay na pagkakataon upang mapili ang karapat-dapat.
Ang edukasyon ay mahalaga para sa lahat, anumang estado ng buhay. Kung gagamitin ang income bracket bilang pamantayan, maraming estudyante ang maaaring mawalan ng pagkakataon na makapag-aral, kahit na hindi sila tunay na ‘mayaman’ sa konteksto ng kanilang kakayahang magbayad para sa edukasyon. Kung aalisin natin sa kanila ang karapatan na maging iskolar ng bayan, hindi lamang sila, kundi pati ang lipunan, ang maaapektuhan.
Sa huli, ang layunin ng mga institusyong pang-edukasyon ay makapagbigay ng dekalidad na edukasyon sa lahat. Kung ang mga scholarship ay ibinibigay batay sa kwalipikasyon, mas magiging inklusibo ang sistema, na hindi lamang nakikinabang ang mga estudyanteng mula sa mahihirap na pamilya kundi pati na rin ang mga may kaya sa buhay na may natatanging kakayahan.

“


Isang tagumpay na matatawag ang batas na ito. Napakalaking tulong ang mga bagong plantilla positions para sa aming mga guidance counselor, lalo na’t madalas ay kulang kami sa tauhan upang ma-accommodate ang lahat ng pangangailangan ng mga mag-aaral. Gayunpaman, hindi sapat na magkaroon lamang ng sistema at posisyon; kailangan itong bigyan ng sapat na resources at malinaw na mga alituntunin. Bilang isang taong nasa frontline, nakikita ko ang napakalaking potensyal ng batas na ito upang lumikha ng mas ligtas at maunawaing kapaligiran sa paaralan.
Leusin Q. Alvarez, Ph.D. Education Program Specialist II Dating Guidance Counselor III – Vinzons Pilot High School
Sa araw-araw naming interaksyon sa aming kapwa mag-aaral, madalas naming makita ang mga hamon sa kanilang mental health at academic performance. Sa tulong ng batas na ito, magkakaroon kami ng mas maayos na access sa mga serbisyo tulad ng mental health first aid at counseling, na talagang makatutulong upang mabawasan ang stigma at mapabuti ang kalagayan ng bawat isa. Naniniwala kaming napapanahon ang batas na ito, lalo na sa harap ng mga pagsubok na hatid ng modernong panahon. Bilang kinatawan ng aming kapwa mag-aaral, handa kaming makipagtulungan upang mapalawak ang kamalayan ukol sa mental health at tiyakin na ang mga programa ay tunay na nagsisilbi sa pangangailangan ng bawat mag-aaral.
Pilot High School


Bilang pangulo ng faculty association, mainit naming tinatanggap ang batas na ito. Bilang mga guro, araw-araw naming nasasaksihan ang epekto ng mental health concerns sa disiplina at ugnayan ng aming mga mag-aaral. Kaya naman, para sa amin, isang malaking tulong ang batas na ito upang maibigay ang konkretong suporta hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga guro na minsang nangangailangan ng tamang gabay sa pagtulong sa kanilang mga estudyante.



Masayang balita ang hatid ng batas na ito, dahil nakikita namin na ito na ang tamang sagot sa isa sa mga pangunahing alalahanin naming bilang mga magulang — ang mental health ng aming mga anak. Malinaw ang layunin ng batas na bigyan ng suporta ang mga mag-aaral upang harapin ang mga hamon sa eskuwela at sa kanilang personal na buhay. Napakahalaga rin ng suicide prevention at mental health awareness na isinusulong ng batas na ito.


Intellectual Property Rights ng mag-aaral, kilalanin, igalang at pahalagahan

Sa panahon ng makabagong impormasyon, tila nababalutan ng maluwag na etikal na pamantayan ang akademya. Ang presyur na magtagumpay at higitan ang lahat ng inaasahan ay nagtutulak sa mga mag-aaral at guro sa maling landas. Isa itong patunay ng pagkabulok sa sistema ng edukasyon ng ating bansa.
Naging laman ng balita ang kaso ni Jayvee Ayen, Magna Cum Laude mula Batch 2022, matapos mapatunayang kinopya ang kaniyang talumpati sa isang nauna nang talumpati ni Mariyel Hugo, Cum Laude ng Batch 2019 mula FEU. Bagamat humingi ng paumanhin si Ayen, nagpahayag si Hugo ng paalala — ang anumang hiniram na ideya ay nararapat lamang kilalanin. Subalit mas nakaaalarma ang higit na malalaking kaso ng plagiarism, lalo na kung mga guro mismo ang lumalabag sa integridad ng kanilang propesyon. Sa University of Southern Mindanao, isang propesor ang nagpakilala ng tesis ng kanyang estudyante bilang sariling akda. Ang ganitong gawain ay isang malaking kasalanan sa academic community. Paano magiging
mabuting ehemplo ang mga guro kung sila mismo ay lumalabag sa ethics ng kanilang propesyon? Sa Vinzons Pilot High School, ipinagmamalaki ang masiglang kultura ng pananaliksik. Sa dami ng research manuscript na gawa ng mga mag-aaral, isang panganib ang nagbabadya — ang posibilidad ng plagiarism, hindi lamang mula sa kapwa estudyante kundi maging mula sa kanilang mga guro. Bilang mag-aaral, hindi natin hinahangand na dumating ang panahong kinakailangang magbitiw sa kanyang tungkulin bilang guro ang isang indibidwal bunsod ng intellectual theft. Hindi natin dapat hayaang mamayani ang ganitong kawalang-galang sa intellectual property rights ng bawat isang may-akda. Ang plagiarism
ay hindi lamang simpleng pagkakamali, ito ay pagnanakaw ng karunungan, isang sinadyang paglabag na nagpapakita ng kawalan ng respeto sa orihinal na may-akda.
Nanawagan tayo sa administrasyon ng bawat paaralan na patuloy na magsagawa ng mahigpit na patakaran laban sa plagiarism. Ang pagkakaroon ng isang komunidad na may mataas na etikal na pamantayan ay hindi lamang magtataguyod ng integridad ng mga academic institutions kundi magbibigay din ng inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga mananaliksik.
Ang karunungan ay hindi lamang natututuhan; ito ay dapat ipaglaban, pahalagahan, at igalang.

lux veritas
ni CHARISSE C. BALANON
Sa usapin ng edukasyon, ang mga guro ang itinuturing na pangunahing tagapaghatid ng kaalaman at kasanayan sa mga estudyante. Ngunit paano kung ang mga guro, na inaasahang magbigay-tulis sa isip ng mga kabataan, ay siya ring mapurol at kailangang hasain?
Ayon sa datos na inilabas ng Second Congressional Commission on Education o EDCOM2 noong nakaraang Agosto, mahigit sa kalahati o 62% ng lahat ng mga guro High School sa mga pampublikong paaralan ay nagtuturo ng mga asignaturang hindi nila major o hindi sakop ng kanilang specialization
Bunsod nito, sa halip na batay sa kanilang natapos na kurso, ang mga asignaturang itinuturo ay itinatakda ayon sa availability ng mga guro, isang sitwasyon na nagreresulta sa hindi pagkakatugma at hindi epektibong pagtuturo. Ang ganitong sitwasyon ay malinaw na ‘Teacher-Subject Mismatch’ na nagdudulot ng malaking pangamba sa mga estudyante, lalo na sa mga kukuha ng pagsusulit tulad ng Programme for International Student Assessment (PISA) sa 2025. Ayon sa DepEd, nangyayari ang mga nasabing kaso dahil sa kakulangan ng mga guro na may specialization sa isang partikular na asignatura.
naman ni Atty. Kristine
62%
Manaog, legal counsel ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA), na ganito rin ang kanilang problema sa pagkuha ng mga guro sa private schools. Naloko na!
Paano makakapasa ang mga estudyante kung ang kanilang mga guro ay walang sapat na kaalaman sa mga asignaturang kanilang itinuturo?
Nakapanlulumo na isipin na ang mga naatasang guro sa mahahalagang asignatura–tulad ng matematika at agham, ay hindi naman ito ang kanilang pinagaralan sa kolehiyo na humahadlang sa kanilang kakayahang iparating ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan. Ayon kay Karol Yee, Executive Director ng EDCOM 2, maraming guro ang napipilitang magturo ng mga asignaturang wala silang sapat na kaalaman, na nagiging dahilan ng kanilang pagdududa sa kakayahan nilang gampanan ang kanilang tungkulin. Ang ganitong kalakaran ay nagiging hadlang sa kanilang propesyonal
ng lahat ng guro sa high school sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas ay nagtuturo ng mga asignaturang hindi nila kinuhang major sa kolehiyo.
na pag-unlad at sa kalidad ng edukasyon na kanilang naibibigay. Ang depinisyon ng kalidad ng edukasyon ay hindi lamang nakasalalay sa mga pasilidad at kagamitan kundi lalo na sa kahusayan ng mga guro. Dapat unahin ng DepEd ang pagbuo ng isang mas sistematikong paraan ng pagkuha at pagtatalaga ng mga guro batay sa kanilang espesyalisasyon.
Dapat ding ipatupad ang mas matibay na suporta at pagsasanay para sa mga guro upang maihanda sila sa mga asignaturang ituturo nila. Ang kanilang propesyonal na pag-unlad ay dapat maging pangunahing prayoridad sa sistema ng edukasyon. Sa ganitong paraan, maiaangat natin ang kalidad ng pagtuturo at masisiguro ang mas matagumpay na kinabukasan para sa ating mga estudyante.
Ating pakaisipin na sa bawat guro na hindi nahasa, maaaring may isang kabataang maligaw ng landas.
74.6% 23.4%
Datos mula sa walong head teachers ng Mataas na Paaralang Panguyod ng Vinzons
gawing sandigan ng MATATAG na Edukasyon
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Oktubre 18 ang Republic Act 12028 o Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Law, na layong punan ang malalim na learning gaps at paghusayin ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Ang batas ay naglalaman ng libreng tutorial sessions na nakatuon sa pagbasa, matematika, at agham, gamit ang face-to-face, online, at blended learning formats. Sa kabila ng potensyal nito, ang tagumpay ng batas ay nakasalalay sa masusing implementasyon at pagbuwag sa mga sistematikong isyung nagpapababa sa kalidad ng edukasyon.
Bagamat mahalaga ang ARAL Law bilang katuwang ng MATATAG Curriculum, hindi ito magiging sapat kung hindi bibigyang-pansin ang umiiral na kultura ng “mass promotion,” kung saan ang mga mag-aaral ay itinutulak pataas kahit hindi sapat ang kasanayan. Ang ganitong sistema ay nagdudulot ng chain effect sa kalidad ng edukasyon. Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, ang National Learning Camp noong 2023 ay nagpapakita ng ganitong suliranin—sa kabila ng P1.8 bilyong pondo, tanging 10% ng mga nangangailangan ng interbensyon ang aktwal na nakinabang sa programa. Bukod dito, malaking hamon ang kawalan ng sapat na datos mula sa DepEd ukol sa mga mag-aaral na nangangailangan ng suporta, sa kabila ng paulit-ulit na kahilingan ng EDCOM 2. Ang kakulangan ng datos ay nagpapahirap sa epektibong alokasyon ng mga programa at interbensyon, na nagiging dahilan ng pag-aaksaya ng pondo at pagkakataon para sa mga mag-aaral. Isa pang mahalagang aspeto ay ang kakulangan ng mga punongguro sa 24,480
pampublikong paaralan. Ayon sa DepEd, higit kalahati ng mga paaralan ay umaasa lamang sa Teachers-InCharge na madalas nangangailangan pa ng karagdagang pagsasanay at suporta. Ang punong-guro ay kritikal sa pagpapahusay ng performance ng mga guro at mag-aaral, kaya’t ang kawalan nito ay nagpapabagal sa pagsulong ng kalidad ng edukasyon.
Sa kabila ng mga limitasyong ito, ang ARAL Law ay nagtatakda ng malinaw na landas para sa mga interbensyon na flexible at accessible. Gayunpaman, ang depinisyon ng tagumpay ay hindi dapat nakabatay sa dami ng pumapasa, kundi sa antas ng kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral. Kailangang alisin ang “mass promotion,” itutok ang mga programa sa
kalidad ng pagkatuto, at tiyakin ang epektibong liderato sa bawat paaralan. Ang ARAL Law ay may potensyal na magdulot ng positibong pagbabago sa edukasyon, ngunit ang tagumpay nito ay nakasalalay sa masusing pagpapatupad, transparency, at sistematikong reporma.
Sa ganitong paraan, ang layuning “No Child Left Behind” ay magiging isang kongkretong realidad, at hindi lamang isang slogan, sa bawat paaralan sa Pilipinas.

Bakit kaming mga kabataan ang kailangang maging biktima ng kasakiman?
Sa kabila ng kanyang tungkulin bilang isang lider ng pamahalaan, tila si VP Sara Duterte ay nahulog sa isang walang katapusang pagdurusa, na para bang naligaw sa isang modernong bersyon ng Divine Comedy ni Dante - isang “paglalakbay” patungo sa mga pinakailalim na bahagi ng impyerno. Bitbit ang pangakong malinis na pamamalakad, pinamunuan ni Duterte ang Kagawaran ng Edukasyon. Subalit sa halip na maging modelo ng kahusayan, tila naging pugad ng korapyon ang DepEd. Nakakayamot ang isyu ng P12.3 bilyon na hindi maipaliwanag na “unsettled balance” sa budget ng DepEd noong 2023. Ang masaklap pa nito, sa kabila ng mga tanong, wala ni isang konkretong sagot mula kay Sara Duterte. Ninakaw ba ang pera? Kung hindi kayang sagutin ang tanong ng taumbayan,
hindi kaya ang pera ng mga Pilipino ay nauwi sa maling bulsa? Kasunod nito, nandiyan rin ang higit P7 bilyong unliquidated cash advances na iniwan ang dating kalihim sa DepEd. Ang mga gastos na hindi suportado ng mga resibo ay hindi lamang isang simpleng administrative oversight; ito ay seryosong paglabag sa mga patakaran ng pamamahala ng pondo ng gobyerno. Kung ang isang opisyal ay hindi makapagbigay ng tamang dokumentasyon para sa mga gastos, anong ibang tawag dito kundi pagnanakaw?
Naghuhumiyaw din ang akusasyon ukol sa P112.5 milyon na confidential funds na nakalaan sa ahensiya na hindi rin nalaman kung paano ginastos. Ayon mismo kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, hindi nakialam ang finance unit ng ahensya sa proseso ng paggamit at liquidation ng pondo. Hindi rin maikakaila ang mga alegasyon ng pagmamanipula sa mga bidding para sa mga laptops at iba pang electronic devices ng DepEd. Ang dalawang bidding para



LIHAM SA PATNUGOT
Iginagalang na patnugot,
Bilang mag-aaral, nais naming ipahayag ang aming panawagan para sa kaligtasan ng aming paaralan. Napansin po namin na ang ilang sanga ng puno ay umaabot na sa bubong at bintana, na posibleng magdulot ng panganib, lalo na tuwing may malalakas na hwangin o bagyo. Kaugnay nito, kami po ay humihiling ng regular na pagtatabas ng mga sanga upang maiwasan ang anumang aksidente. Nawa’y magtulungan tayo upang mapanatili ang isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat. Maraming salamat!
Lubos na gumagalang, Ernst Jacob T. Bauca 11 STEM - Humility


TUGON NG PATNUGOT
Mahal naming Ernst, Maraming salamat sa inyong malasakit at aktibong pakikilahok sa kaligtasan ng ating paaralan. Kaugnay ng inyong obserbasyon sa mga sanga ng puno malapit sa mga silid-aralan, agad naming ipinaabot ito sa mga kinauukulan. Makikipag-ugnayan kami para sa regular na paglilinis upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.
Tinitiyak ng ating Punong-guro ang balanse sa pangangalaga sa kalikasan at seguridad ng mga mag-aaral. Salamat sa inyong pakikiisa para sa mas ligtas na paaralan.
Lubos na gumagalang, Alyssa Bhel B. Mallari Punong Patnugot


sa laptops na nagkakahalaga ng P8 bilyon ay busog sa red flag ng mga irregularidad at sabwatan. At kung hindi pa sapat ang mga nakaririmarim na garapalang korapsyon, higit na nakakadismaya ang testimonya ni Edward Fajarda, ang dating special disbursing officer ng DepEd, ukol sa pamumudmod ng mga sobre na may laman na pera sa mga piling opisyal ng kagawaran sa direktang utos ni VP Sara. Maliwanag pa sa sikat ng araw na tila ginawang “milking cow” o palabigasan ang pondo ng DepEd. Ang mga salaping nararapat sanang magamit para sa kapakinabangan naming mga mag-aaral at sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon ay nauwi sa bulsa ng mga gahaman at mga taksil sa kanilang sinumpaang tungkulin. Habang kami at ang aming mga guro ay kapit-kamay na nagsusumikap upang mabawasan ang learning loss, napakasakit isipin na ang mga opisyal ng gobyerno, na tila alipin ng salapi at korapsyon, ay nagpapakasasa sa
pondo ng pamahalaan. Ang bawat nasasayang na sentimo, bawat proyektong nababalot ng pangungurakot, at bawat iskandalo sa loob ng kagawaran ay direktang dagok sa mga pangarap naming mga kabataan. Ang gobyernong may malasakit sa kanilang mga mamamayan ay hindi dapat maging ugat ng pagkabigo, kundi dapat maging gabay sa pag-abot ng mas mataas na tagumpay para sa bawat mag-aaral.
Ito ang lalim ng pagtataksil na kinakaharap ngayon ni VP Sara Duterte. Pagtataksil sa mga Kabataang Pilipino. Pagtataksil sa sambayanan.
Ayon kay Dante, ang pinakamalalim na bahagi ng impyerno, ang ikasiyam na bilog, ay nakalaan para sa mga nagkasala ng pagtataksil laban sa kanilang bansa, pamilya at mga mahal sa buhay. Ito ang pinakamabigat na kasalanan sa pananaw ni Dante. Hindi natin hinahangad ang ganitong parusa sa mga katulad ni VP Sara.


virtus impavida

Sa isang laro na ang nakataya ay ang kinabukasan ng mga kabataang mag-aaral; tama ba na sa araw-araw ay uuwing lawit ang dila ng mga guro sa pakikipaghabulan sa kamay ng orasan?
Mukhang mapapalaban ang tatag ng ating mga guro. Isang linggo pa lamang mula nang magsimulang muli ang klase sa bagong taong panuruan, daing na ng mga guro ang kanilang paghihirap sa implementasyon ng 45 minutong pagtuturo sa ilalim ng pagpapatupad ng DepEd MATATAG Curriculum na may layuning mahubog ang mas pinagyamang pagkatuto ng mga magaaral na Pilipino. Gaya ng naunang apila ni France Castro, kinatawan ng ACT Teachers Partylist, isang napakalaking hamon, lalo na para sa mga guro sa sekondarya ang pagbabagong ito bunsod ng karaniwang istruktura ng mga paaralan sa bansa. Sa Vinzons Pilot High School, halimbawa, malayo ang binabaybay ng mga guro upang makapunta sa sunod nilang klase. Sa malawak na sakop ng paaralan, kinakailangang lumipat pa ang mga guro sa kabilang building, na nagiging sanhi ng pagkaubos ng oras. Ang nakalaang 45 minutong oras sa silid-aralan ay nagiging hindi sapat, na nagreresulta sa isang sitwasyon kung saan ang mga guro ay napipilitang magmadali sa kanilang pagpapadaloy ng aralin sa kanilang klase.
Sa mas pinaikli at nababawasan pang oras ng pagtuturo, nagdudulot ito ng tila

isang “drive-thru learning”—mabilisang pagturo ng mga aralin nang hindi nahuhubog ang malalim na pag-unawa ng mga mag-aaral, lalo na sa mga asignaturang kailangan ng malawig na diskusyon tulad ng Matematika, Wika at Panitikan, maging ang Agham na siya ring dapat maigapang ng ating bansa sa paparating na Programme for International Student Assessment (PISA) sa 2025.
Ito ay katulad ng karanasan sa drivethru sa mga fast food restaurant, kung saan ang mga customer ay kumukuha ng pagkain nang mabilis at madalas na hindi na tumitigil upang talakayin ang kalidad o detalye ng kanilang order. Sa konteksto ng edukasyon, nagreresulta ito sa “siksik” na impormasyon na hindi nagiging epektibo sa pagbuo ng tunay na pag-unawa sa mga estudyante, na mahalaga para sa kanilang pangmatagalang pagkatuto at pag-unlad.
Sa ganitong kalagyan, ang mga magaaral ay hindi nabibigyan ng pagkakataong huminga sa pagmamadaling unawain ang sunod-sunod na aralin at ang mga guro ay napipilitang isiksik ang laman ng mga aklat sa kamalayan ng mga mag-aaral sa bawat pagkumpas ng kamay ng orasan. Mainam na muling pag-aralan ng mga opisyal ng DepEd kung nararapat ba talaga ang ganitong sistema sa ating mga paaralan
ni JULIUS ENGELBERT FUENTES
Inihayag ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino, nito lamang nakalipas na Oktubre 14, ang kanilang marubdob na pawgsalangsang sa planong bawasan o tuluyang alisin ang mga asignaturang Filipino sa Senior High School (SHS). Ito ay batay sa nakalap nilang impormasyon na nakapaloob ang planong ito sa kasalukuyang isinasapinal na bagong-bihis na kurikulum para sa SHS ng Kagawaran ng Edukasyon.
Kung sususugin, ang plano na ito ng DepEd ay isang panibagong kontraproduktibong hakbang na naman ng ahensya na tulad ng mga naunang kaugnay na programa ay tila ba hindi man lang pinag-isipan.
Déjà vu na matatawag, ika nga.
Matatandaan na sa bisa ng Commission on Higher Education Memorandum Order No. 20, Series of 2013, tinanggal ang Filipino at Panitikan bilang mga rekisitong asignatura sa kolehiyo. Ito ay humantong sa humigit-kumulang 10,000 guro na nawalan ng trabaho, nabawasan ng teaching load at nawalan ng sweldo at kita, natanggal sa posisyon, o sapilitang inilipat ng lebel o asignaturang itinuturo.
Ibig ba natin na mangyari ito sa DepEd? Hindi natin ito hinahangad, subalit, kung tuluyan nang maalis ang mga asignaturang Filipino sa SHS, hindi malabong maulit lamang ang mga pangyayaring ito.
Hindi rin tugma ang hakbang na ito sa ibinibida nilang MATATAG Curriculum Batang Makabansa” sapagkat taliwas ito sa hinahangad nilang
mahuhusay na guro nauubos! ni JESUS EMMANUEL E. TRINIDAD
Kasalanan ba ang bumitaw?
Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos nitong nakaraang Agosto ang pagbuo ng Education Cluster (EC) sa bansa. Ayon kay Sec. Angara, layunin nito na punan ang “learning gap” at magsagawa ng pag-aaral ukol sa mga akmang reporma sa sistema ng edukasyon sa bansa. Subalit ang higit na pangunahing dahilan ay ang malaking takot sa pamahalaan bunsod ng malawakang “exodus” ng mga guro patungo sa ibang bansa.
Tama ang Pangulo sa kanyang pag-amin na ang usaping ito ay nakakabahala. Tama rin si Kalihim Angara na ang sagot sa problemang ito ay hindi dapat magtapos sa pagtatalaga ng Education Cluster. Subalit may mali. Mali na ngayon lamang ito binibigyang pansin.
Malaon nang problema sa bansa ang usapin ng mga gurong napipilitang umalis sa DepEd at hanapin ang kanilang “greener pasture” sa ibang bansa.
Sa katunayan taong 2011 pa lamang may datos na Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ukol sa lumolobong bilang ng mga guro na tumalilis patungong ibang bansa. Mula sa bilang na 1,500 ito ay umabot na sa 876,842 noong taong 2020-2021. Kaya nakapagtataka na ngayon lamang ito binibigyang mukha ng pamahalaan.
Nagbubulag-bulagan lang ba ang DepEd sa mga nagdaang taon; o sadya lamang na ito ay napabayaan at hindi nabigyan ng sapat na atensyon? Takot nga ba ang DepEd at maging ang pamahalaan sa kanilang sariling multo? Kung susuriin, masasabing ang problemang ito rin ay isa mga dahilan ng mababang antas ng karunungan sa bansa. Maaring ang mga magagaling na guro o yaong mga dalubhasa ay kabilang sa mga gurong ngayon ay nasa ibang bansa na. Dagdag pa rito, ang daluyong ng mga guro na umaalis sa bansa ay nagbunsod rin ng kakulangan sa teaching force ng kagawaran na siyang dahilan kung bakit ayon kay Vladimir Quetua ng Alliance of Concerned Teachers “to reach the ideal class size of 35
students, DepEd need to hire 25,000 teachers annually until 2028”.
makabayang edukasyon.
Matatawag ba na makabayan ang isang sistema ng edukasyon kung ang kurikulum mismo ay isinasantabi ang wikang Pambansa? Kakambal ng hakbang na ito ang implementasyon ng Republic Act No. 12027 na naglalayong ihinto ang paggamit sa ‘mother tongue’ bilang wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa bansa. Kung ating pakalilimiin, naging salbabida ng ilang wika ng Pilipinas na nasa bingit ng alanganin o yaong mga endangered languages ang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTBMLE) kaya’t ang pagpaslang sa MTB-MLE ay tila pagpaslang na rin sa mga wikang nanganganib sa Pilipinas.
Buwelta ng DepEd, gagamitin naman ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa SHS ngunit hindi pa rin ito sasapat para magkaroon ng matibay na pundasyon sa pagkatuto sa mga aspetong nakadaiti rito sapagkat hindi nito saklaw ang ilang pagkatuto sa iba pang kasanayan.
Sa huli, kung pababayaan ng mga kasalukuyang opisyal ng DepEd na bawasan o alisin ang Filipino subjects sa SHS, hindi malayong dumating ang araw na unti-unti na rin itong alisin at tuluyang tanggalin sa junior high school at elementarya. Nakakalungkot.
Batid kaya ng DepEd na ang sangsang na nagmumula sa pagtangkang pagbura sa wikang sariling atin ay hindi kayang hugasan ng anumang pabango?

Sa kasalukuyan ramdam natin ang epekto ng problemang ito. Dahil sa kakulangan sa guro, lumalabas na anim sa 10 guro sa DepEd ay napipilitang magturo ng asignatura na wala silang kasanayan o “expertise”. Ito ay Nakakalungkot at malaking dagok sa patuloy na humihinang antas at kalidad ng edukasyon sa bansa. Ito sana ang mga problema na hindi na natin kinakaharap ngayon kung ang DepEd ay maagang nasawata ang ganitong sakit ng ulo. Nasa kanila ang numero, hawak nila ang mga pag-aaral, subalit tila nauwi lamang sa wala ang mga ito. Nagdaan ang administrasyon ni Dr. Leonor Briones, subalit wala tayong narinig na kongkretong aksyon ukol dito. Umupo si VP Sara Duterte subalit wala ring matibay na programa ang inilaan sa sitwasyong ito. Ang isang bansa ay kasing halaga ng kanyang yaman-tao. Mahalagang mamuhunan ang pamahalaan sa mga guro sa pamamagitan ng sahod na nagbibigayhustisya sa kanilang workload, pagtatayo ng de-kalidad na silid-aralan, at pagbibigay ng kinakailangang kagamitan. Ang pagbibigay ng proteksyon sa kanilang karapatan ang susi sa pagkamit ng kalidad na edukasyon para sa susunod na henerasyon, sapagkat hindi magbubunga ang mga binhi kung walang mag-aalaga sa mga ito. Hindi kasalanan ang bumitaw kung sa pagpapahalaga ay uhaw. Hindi kasalanan ang bumitaw kung sa pagpapahalaga ay uhaw.




Sa pagdikit ng yaong mga palad, sa mitsa ng mga kandila, sa pagtatagpo ng mga mata, namumutawi ang nag-aalab na sinag ng pag-asa.
College, ipinaliwanag niyang nakaugat sa matandang paniniwala ang konsepto ng espiritwalidad na nananalaytay sa mga Pilipino at hindi ito binago ng mga dayuhang mananakop, bagkus ito ay kanilang ginamit upang tuluyang hagkan ng ating mga ninuno ang bagong doktrina ng Simbahang Katoliko. Sa puso ng mga tinatawag na ‘deboto,’ bitbit nila ang mga kahilingang sa mga ‘sugo ng Panginoon’ idinudulog. Sa kanilang mga mananampalataya makikita kung paano binubuo ng relihiyon ang kaibuturan ng prinsipyo ng isang tao. Hindi rin makukumpleto ang sulok ng isang tahanang Pilipino kung walang espasyo para sa mga santo na karaniwang inaalagaan at ipinasa-pasa pa, henerasyon sa henerasyon. Para sa ilang mga magulang naman na malapit ang loob sa piling mga santo, pinipili rin nilang ipangalan at mabinyagan ang
Gayunpaman, binigyang-diin ni Alegre, “Mali ang terminong ‘pagsamba’ kasi that to be straight hindi naman talaga natin sinasamba ang mga santo kasi ang sinasamba lang natin ay si Kristo. Ang mga santo ay paalala lamang na tunay na tao sila
— paalala na when you follow Christ, then you could be one. Hindi pagsamba ang ginagawa natin, bagkus ay nagiging modelo lamang sila sa atin.” Taliwas sa nagiging kritisismo sa paniniwalang Katoliko, kailanman ay hindi sa mga santo ang mga papuri at pagpupugay ng mga relihiyoso kundi sa natatanging Poong Maylikha sapagkat ang mga santo ay nagiging sandigan lamang ng mga deboto mula sa kanilang mga sariling pasaning krus. Paalala sila na bilang mga tunay na taong tumalima sa salita ng Diyos, sa Kaniya lamang magmumula


Ang pagiging relihiyoso ng mga Pilipinong Katoliko ay nasasalamin sa iba’t ibang gawaing panrelihiyon tulad ng pagsisimba, pagdiriwang ng kapistahan, prusisyon, at pamamanata sa mga dambana ng Baclaran at Quiapo. Subalit, isang aspeto ng pananampalatayang ito ang hindi lantad sa karamihan—ang pangangalaga at pagmamay-ari ng mga inukit na imahen ng mga banal, na hindi lamang ginagamit sa mga seremonya sa loob ng simbahan, kundi nagsisilbi ring sentro ng debosyon sa mga tahanan.
Ang tradisyong ito ay nag-ugat sa pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas, na nagdala ng mga imahen tulad ng Krus ni Kristo at Santo Niño bilang simbolo ng pagbibinyag sa mga sinaunang Pilipino. Mula noon, naging bahagi na ng kulturang Pilipino ang tradisyong Pagsasanto, na nagbunga ng mga alagad ng sining na tagapag-alaga ng mga banal na imahen, na kilala ngayon bilang mga santero.
Ang Pagsasanto ay isang makapangyarihang pagsasanib ng kultura ng tahanan at pamamanata. Ayon sa National Commission for Culture and the Arts, ito ay nagpapakita ng sining sa anyo ng pagburda, pag-encarna, paggayak ng carroza, at pagbibihis sa mga santo—lahat ay isinagawa na may malalim na debosyon. Ang kanilang dedikasyon ay hindi lamang sining kundi isang anyo ng panata, na nag-uugnay sa tao at Diyos.
Sa bawat haplos sa telang ibabalabal sa isang santo, at sa bawat bulong ng panalangin habang ito’y binibihisan, isang anyo ng pananampalataya ang isinasabuhay.
Ang Mga Vinzonians at ang Gawaing Pagsasanto
Sa bayan ng Vinzons, nananatiling buhay ang tradisyong ito sa pamamagitan ng mga relihiyosong angkan na kilala sa kanilang malalim na debosyon; kabilang dito ang pamilya Ferrer at Villafranca.
Ayon kay Paulo Gabriel Ferrer, 32, nagsimula siyang maging ganap na camarero noong 2010. Minana niya ang gawain mula sa kanyang lola, na dating tagapag-alaga ng
imahen ni St. Thomas o Doubting Thomas. Para kay Paulo, ang kanilang santo ay higit pa sa relihiyosong imahen; ito’y itinuturing na bahagi ng kanilang pamilya. Palagian niyang nililinis ang santo, lalo na tuwing Mahal na Araw o kapag may prusisyon, at bihis-magarbo ito sa mga espesyal na okasyon. Samantala, si Virgie Ilan Villafranca, 77, ay mahigit dalawampung taon nang tagapangalaga ng imahen ni San Bartolome. Aniya, ang presensya ng santo sa kanilang tahanan ay nagdudulot ng proteksyon at kapayapaan. Kilala si San Bartolome tuwing Agosto, kaya’t bukod sa Mahal na Araw, inihahanda rin nila ang santo para sa kanyang kapistahan. “Para baga siyang guardian angel,” ani Virgie, na naniniwalang walang masamang espiritu ang makakapasok sa kanilang tahanan dahil sa gabay ng santo.
PAGPAPANATILI NG PANANAMPALATAYA SA MAKABAGONG PANAHON Ang pagkandili sa mga banal na imahen ay hindi simpleng gawain, kundi isang malalim na simbolo ng pananampalataya at kultura. Sa mga camarero tulad ng mga Ferrer at
Villafranca, ang bawat santo ay hindi lamang kahoy o estatuwa, kundi tagapamagitan sa langit at lupa, gabay sa kanilang buhay, at simbolo ng kanilang panata sa Diyos.







ni GEORGINA BEATRIZ C. VILLANUEVA
Sa simula ng ating pananampalatayang Kristiyano, ang prusisyon tuwing Semana Santa ay isang mahalagang tradisyon na nag-uugnay sa atin sa buhay at pagpapakasakit ni Kristo. Sa pagdiriwang ng mga Mahal na Araw, ang pagtahak sa lansangan kasabay ng karosa ng mga pinagpipitaganang santo ay hindi lamang isang pormal na pagsasagawa ng relihiyosong gawain kundi isang pagbabalik-loob sa mga turo ng simbahan at isang malalim na pagninilay sa sakripisyo ng ating Panginoon.
Sa simula ng ating pananampalatayang
Kristiyano, ang prusisyon tuwing Semana Santa ay isang mahalagang tradisyon na nag-uugnay sa atin sa buhay at pagpapakasakit ni Kristo. Sa pagdiriwang ng mga Mahal na Araw, ang pagtahak sa lansangan kasabay ng karosa ng mga pinagpipitaganang santo ay hindi lamang isang pormal na pagsasagawa ng relihiyosong gawain kundi isang pagbabalik-loob sa mga turo ng simbahan at isang malalim na pagninilay sa sakripisyo ng ating Panginoon.
Tuwing Semana Santa, karaniwan nang marinig ang katagang, “All roads lead to Vinzons.” Bilang isang Pilgrimage Town, ang bayan ng Vinzons ay may natatanging tradisyong tila hindi nawawaglit at patuloy na naipapasa sa bawat henerasyon. Isa na rito ang prusisyon tuwing Miyerkules at Biyernes Santo, na may layuning ipakita sa tao ang kabanalan at kahalagahan ng mga imaheng nagpapahayag ng Ebanghelyo. Bahagi ito ng pagdiriwang ng pagpapakasakit at tagumpay na tinamo ng ating Panginoong Hesukristo sa Krus. Sinasalihan ng humigitkumulang 50 karosa, ito ang pinakamalaki sa buong lalawigan. Sa kasalukuyan, ang
mga prusisyon sa mga bayan at lungsod gaya ng Vinzons ay nagiging hindi lamang isang espiritwal na karanasan kundi isang pampublikong pagpapahayag ng katapatan at debosyon. Para sa mga Pilipino, ang prusisyon ay isang malinaw na halimbawa ng tinatawag na “collective effervescence”— isang estado ng espiritwal na pagkakaisa na nagaganap kapag ang isang komunidad ay nagtitipon para sa isang layuning higit pa sa kanilang indibidwal na sarili. Sa pamamagitan ng samasamang pagsasagawa ng prusisyon, muling binubuhay ng mga Pilipino ang kanilang pananampalataya at pinatatatag ang koneksyon sa Diyos at sa komunidad.
Gayunpaman, para sa ilang millennial, ang pagsali sa mga prusisyon ay nagiging bahagi na lamang ng kanilang buhay-kultura, ngunit hindi na ito nagtataglay ng parehong lalim ng kahulugan na mayroon ang mga nakaraang henerasyon.
Ayon kay Rev. Fr. Augusto Bautista Angeles, Diocesan Episcopal

Vicar for Clergy and Religious, nahaharap ang mga millennial ngayon sa isang kultura ng consumerism at instant gratification na nagiging hadlang sa mga tradisyunal na gawain tulad ng prusisyon. Paliwanag niya, “Ang mga kabataan ngayon ay masyadong nakatuon sa mabilisang kasiyahan mula sa mga teknolohiya, kaya’t ang mga tradisyon na dati ay puno ng espiritwal na kahulugan, ngayon ay nababalot ng superficial na pagpapakita ng pananampalataya.” Bukod dito, ayon sa datos ng Social Weather Station (SWS), lumilitaw na untiunting nawawala ang interes ng mga kabataan sa pagsunod sa mga relihiyosong tradisyon. Sa isang survey noong 2018, tanging 41% lamang ng mga Katolikong kabataan na may edad 18 pataas ang nagsisimba ng lingguhan. Isa itong patunay ng unti-unting paglabo ng pagkakakilanlan ng kabataan sa mga tradisyong Kristiyano. Isa pang isyu ang paggamit ng prusisyon bilang isang “clout-chasing” platform—isang paraan upang makakuha ng
atensyon o ipakita ang pagsunod sa uso. Marami sa mga kabataan ang lumalahok sa prusisyon, hindi dahil sa malalim na espiritwal na layunin, kundi upang makisabay sa takbo ng kanilang digital na mundo. Sa halip na makita bilang isang sakramento ng pananampalataya, nagiging pagkakataon ito para sa social media posting, na naglilihis sa tunay na layunin ng prusisyon. Sa kabila ng mga pagbabagong ito, nananatili pa rin ang mga kabataang Vinzonian na tapat sa kahalagahan ng prusisyon bilang isang espiritwal na tradisyon. Sa kabila ng kanilang pagkaabala sa modernong mundo, marami sa kanila ang nakikita ang prusisyon bilang isang pagkakataon upang magtipon ang pamilya at komunidad. Ang mga kabataang ito ay nagsisilbing paalala na, sa kabila ng pagbabago ng panahon, ang lalim ng debosyon at pananampalataya ay nananatiling buhay at makabuluhan.
Ang prusisyon ay hindi lamang isang ritwal; ito ay isang simbolo ng ating kasaysayan, kultura, at pananampalataya. Bagamat hinahamon ito ng makabagong panahon, ang kakayahan ng prusisyon na magbuklod at magbigay-inspirasyon sa mga tao ay nananatiling matatag. Nasa kamay ng bawat Pilipino, lalo na ng kabataan, ang pagpapanatili sa kabanalan at kahalagahan ng tradisyong ito, hindi lamang para sa kanilang spiritual growth kundi para rin sa pagkakaisa ng kanilang komunidad.

ni JULIUS ENGELBERT F. FUENTES
Mahigit anim na buwan ang sayaw ng palad at pinsel, ngunit panghabambuhay ang naging pagtatagpo ng sining at pananampalataya nang mag-alay ng likhang sining ang isang dakilang pintor para sa dambana ng Dakilang Lumikha.
Taong 1968, sa bayan ng Daet, isinilang ang isang sanggol na nakatakdang magningning sa mundo ng sining. Si Hermes
Alegre, isang bantog na pintor na ginawaran ng maraming parangal dahil sa husay niya sa pagpinta, ay naglaan na ng mahigit kalahati ng kanyang buhay kapiling ang makukulay na pigmento.
Bata pa lamang si Hermes, nahilig na siya sa sining. Kahit saan siya magpunta, mistulang canvas ang kanyang paligid— buhangin, pader ng bahay, o pisara sa paaralan kung saan guro ang kanyang ina. Sa murang edad, nabighani rin siya sa kagandahan ng mga simbahan, na nag-udyok sa kanya upang higit pang mahalin ang sining at pananampalataya.

Pagsapit niya ng 18 taong gulang, nagsimula ang kanyang karera bilang pintor. Masining niyang hinahaplos ng pinsel ang matitingkad na kulay ng bahaghari at pinapayagang magtampisaw ang imahinasyon sa bawat obra. Ngunit ang tagumpay niya ay bunga rin ng sakripisyo—bilang isang selfsupporting student, napagtagumpayan niya ang mga pagsubok hanggang maabot ang rurok ng kanyang karera.
Sa gitna ng kanyang kasikatan, isang trahedya ang gumimbal sa kanyang puso. Nasunog ang St. Peter the Apostle Church ng Vinzons, ang pinakamatandang simbahan sa Hilagang Camarines. Ang simbahan, na minsang naging kanlungan ng kanyang musmos na haraya, ay naglaho sa apoy. Sa panawagan ng curia ng simbahan, malugod na tumulong si Hermes. Ginamit niya ang kanyang talento upang
muling buhayin ang sigla ng simbahan. Sa loob ng anim na buwan, lumikha siya ng 12 obra maestra na nagtatampok ng mahahalagang tagpo sa bibliya, partikular sa buhay ni San Pedro Apostol, ang patron ng parokya. Aniya, ang bawat haplos ng pinsel ay hindi lamang sining kundi panalangin—isang pasasalamat sa Poong Maykapal para sa biyaya ng talento at gabay sa kanyang buhay. Ngayo’y muling nakatayo ang simbahan, pinalilibutan ng pinintahang panalangin ni Hermes Alegre. Ang kanyang mga obra ay hindi lamang alay sa sining kundi instrumento ng pananampalataya—isang patunay na ang sining ay maaaring maging tulay sa pagitan ng tao at Diyos.

Nabuksan ang pintuan sa paglapat nitong mga tinta sa mga batong sisidlan ng kabanalan. Sa iginawad na kapangyarihan, ang mga katha sa batong
Nabuksan ang pintuan sa paglapat nitong mga tinta sa mga batong sisidlan ng kabanalan. Sa iginawad na kapangyarihan, ang mga katha sa batong ito ang nagbigaybuhay sa pananampalataya ng isang tahimik na bayan. Nakamamanghang isipin ang pinagmulan ng mga bagay-bagay. Katulad ng paglikha ng mga tao mula sa alabok, sa mga tipak ng apog isinilang ang natatanging yamang nagpasimula sa pananalig sa bayan ng Vinzons. Sa kabisera nito, makikita ang yamang kinaiingatan—ang Parroquia de San Pedro Apostol. Sa Hilagang Kamarines, ang makasaysayang simbahan na ito ang nagbukas sa debosyon ng mga mamamayan. Itinayo ng mga paring Pransiskano noong 1611, itinuturing ito bilang pinakamatandang simbahang katoliko sa lalawigan. Saksi ang simbahan kung paano hinulma ng panahon ang bayan na kaniyang kinatitirikan sa daang taong pagtindig nito.
Namasdan ng mga dungawan ng parokya ang pag-angkin ng mga banyaga sa kalayaan ng Inang Bayan. Binuksan din nito ang mga pintuan nang magpalit ng ngalan ang dating bayan ng Indan bilang pagpupugay sa bayani nitong si Wenceslao “Bintao” Q. Vinzons. Narinig ng mga dingding nito ang mga bulong ng pagsamo sa panahon ng mga kalamidad. Datapuwa’t saksi kung ituring sa mga pagsubok ng langit at lupa, mayroong mapait na kabanatang nakaukit sa mga haligi ng parokyang ito. Nagliwanag ang kalangitan noong ika-26 ng Disyembre 2012 nang tupukin ng apoy ang daang taong kasaysayan ng simbahan. Ayon kay Rev. Fr. Francisco Regala Jr., ang kura paroko noon, kasamang nasunog ang ilang dokumento at historical artifacts ng parokya. Naabo man ng pagkakataon, hindi natinag ang pananampalataya ng mga Vinzonian. Mula sa abo, muling umusbong ang buhay at pag-asa. Sinimulan ang pagpapanumbalik ng makasaysayang gusali sa orihinal nitong wangis.
Sa mga panahong ito, ipinakita ng mga deboto ang kapangyarihan ng pananalig at pagkakaisa. Ang mga dungawan ng simbahan ay muling hinulma mula sa mga salaming dinantayan ng modernong sining. Mula sa punong yakal, inukit naman ang mga pinto at upuang nilapatan ng mga dahon ng balete. Ang mga dingding nito ay pinalamutian ng mga obrang sumasalaysay sa buhay ng Panginoong Hesukristo. Pinatunayan ng Simbahan na ang sisidlang binungkos ng biyaya ay mananatili kahit burahin man ang pisikal nitong kaanyuan. Katulad ng pagbabago sa buhay ni San Pedro matapos ang Pagkabuhay na Mag-uli, nabigyan ng pagkakataon ang parokya na muling mabuksan ang ginintuan nitong tarangkahan at maipatuloy ang pagpapalaganap sa mga salita ng Diyos. Minsan mang tinanggihan ng tadhana ang kaligtasan ng simbahan, nanatili pa rin ang katiyakan na hindi magmamaliw ang katatagan ng mga batong pinuspos ng grasya.







ni ARRON R. VILLALUZ
Sa bawat haplos ng mata sa mga obra ni Eufemio Rasco IV, mas kilala bilang “Pato,” tila napapako ang oras. Ang bawat pagtingin ay nagiging isang pagninilay, kung saan ang mga imahe ng kababaihan ay hindi lang simpleng larawan, kundi mga kaluluwa na nag-aanyaya ng malalim na pag-unawa.
Isa na rito ang kanyang tanyag na likha, kung saan ang isang tahimik na piraso ng sining ay nagpapakita ng isang babaeng tila walang galaw, walang bakas ng buhay, ngunit puno ng emosyon at lihim. Sa mga obra ni Pato, hindi lang ang pisikal na anyo ng kababaihan ang itinatampok, kundi ang kahinaan, lakas, at mga limitasyon ng bawat nilalang.
Sa kanyang mga obra ng hubad na kababaihan, ipinapakita ni Pato ang kagandahan at kahinaan ng anatomiya. Ngunit higit pa rito, ang kanyang sining ay nagsisilbing pagsasalarawan ng imperpeksiyon at kahinaan ng bawat nilalang, kabilang na ang kababaihan, na sa kabila ng kanilang pagiging simbolo ng perpeksiyon ay ipinapakita rin ang kanilang kahinaan at kalungkutan. Ang mga kababaihan sa kanyang mga pinta ay parang mga anghel na nawalan ng katawan at espasyo, isang pagsasabuhay ng kanilang mortalidad.
Ang kakaibang estilo ni Pato ay hindi rin mawawala sa mga simbolismong matatagpuan sa kanyang mga obra. Ang mga hayop at ibang nilalang sa paligid ng babae ay nagpapakita ng mga relasyon ng kahinaan at kalakasan, tulad ng paggamit ng shell ng alimango upang ipakita ang kahinaan ng kababaihan, na sa kabila ng kanilang kabuuan, ay may mga bitak na mahirap paghilumin. Ang paggamit ng makulay na mga hues—pula, asul, berde, at itim—ay hindi lamang nagpapayaman sa visual na anyo ng kanyang sining kundi naglalarawan ng mga pagkakaiba at pagkakapareho ng kababaihan at ng kalikasan sa kanilang paligid.
Hindi kataka-taka na ang mga obra ni Pato ay ipinagbibili sa mga kilalang auction houses tulad ng Borobudur, Larasati, at Sotheby’s, dahil sa kanyang natatanging kakayahan na magpinta ng hindi lamang pisikal na anyo kundi pati na rin ang mga dimabilang na kahulugan ng kahinaan, kalungkutan, at kabighanian. Ang mga gawa ni Pato ay nagpapaalala na ang tunay na kagandahan ng kababaihan ay hindi lamang nasa kanilang perpeksiyon, kundi sa kanilang kakayahang magtaglay ng lakas kahit sa kanilang mga kahinaan.
Ang kasaysayan ng isang bayan ay hindi lamang nakasulat sa pahina ng mga aklat o itinagong mga dokumento. Ito rin ay masasalamin sa mga pira-pirasong labi at mga tradisyon kung saan nakayari ang kwento ng nakaraan na patuloy na isinasalaysay ng panahon magpahanggang sa kasalukuyan.
Taong 1982, tila isang kabanata ng nakaraan ang muling umusbong mula sa ilalim ng lupa sa Barangay Aguit-it, bayan ng Vinzons. Sa pamamagitan ng masusing paghuhukay ng Archaeology Division ng National Museum, natagpuan ang isang pre-historic burial site na naglalaman ng buto ng tao, ngipin, mga palayok, glass beads, metal artifacts, at stone tools. Ang mga ito ay tinatayang nabibilang sa Late Metal Age, mula 500 AD hanggang 800 AD, isang panahon bago pa man lumaganap ang sining ng pagsusulat at ang organisadong sibilisasyon sa Pilipinas.
Mga Relikya ng Nakaraan
Natagpuan sa naturang lugar ang mahigit 200 kagamitang yari sa luwad, bakal, at salamin — palayok, beads, at mga kasangkapang metal. Ayon sa mga eksperto, ang mga artifact na ito ay nagpapakita ng payak subalit maunlad na pamumuhay ng mga sinaunang tao sa lugar. Gayunpaman, sa kabila ng kisig ng kasaysayang bitbit nito, hindi pa rin ito nakaligtas sa hagupit ng panahon.
Batay sa isinagawang pagsusuri, ang mga natuklasang relikya ay nagmula sa
HULING BAHAGI NG PANAHON NG METAL
Upang mapanatili ang nakaukit na kwento at kahalagahan ng mga piraso ng kasaysayan, nakipagtulungan ang Municipal Tourism and Heritage Operations sa pangunguna ng LGU Vinzons, at ang Pambansang Museo ng Pilipinas sa paggawa ng mga replika nito. Ang mga replika ay maingat na nakatanghal sa Vinzons Heritage Educational Museum, na matatagpuan sa Old Gabaldon Building ng Mababang Paaralang Panaguyod ng Vinzons. Samantala, ang mga orihinal na artifact ay nananatiling nasa pangangalaga ng National Museum. Sulyap sa Kasaysayan Para sa mga mag-aaral ng kasaysayan, ang natuklasan sa Barangay Aguit-it ay isang yamang pangkasaysayan na nagbibigay-liwanag sa sinaunang sibilisasyon ng Pilipinas. Ayon kay Abel Icatlo, Provincial Museum Archives and Curation Division Head, at isang eksperto sa kasaysayan, ang libingang ito ay nagpapakita ng maunlad na pamayanan na may malinaw na ritwal at tradisyon.
“Ang mga relikya tulad ng palayok, bakal, at glass beads ay hindi lamang gamit sa pang-araw-araw na buhay; sila rin ay simbolo ng antas ng teknolohiya, kalakalan, at paniniwala ng mga sinaunang tao,” ani Icatlo. Dagdag pa niya, ang libingan ay nagpapakita rin ng social stratification kung saan ang kagamitan ng yumao ay sumasalamin sa kanyang katayuan sa lipunan. Sinaunang Pananampalataya at Tradisyon
Para naman kay Dr. Luis Manuel Paita ng Camarines Norte State College Department of Sociology, ang mga artifact na ito ay hindi lamang materyal na labi kundi kwento ng ugnayan at pananampalataya ng sinaunang tao.

Mula sa kanyang mga unang araw bilang debuhista sa The Echo ng Vinzons Pilot High School, nagsimula ang paglalakbay ni Pato bilang isang alagad ng sining, isang pagsasalarawan ng pagiging tapat sa sarili at sa imperpeksiyon ng buhay.



“Ang ritwal ng paglalagay ng kagamitan sa libingan ay nagpapakita ng kanilang konsepto ng transisyon ng kaluluwa at ang halaga ng suporta mula sa kanilang mga mahal sa buhay kahit sa kamatayan: isang tradisyon ng pabaon,” ani Paita. Binigyang diin din niya na ang paggalang at pagbibigay-halaga ng isang pamayanan sa mga relikya ay isang hakbang ng pagbibigay buhay hindi lamang sa mga yumao bagkus maging sa diwa ng pagkakakilanlan ng isang bayan.
Pamanang Nagpapatuloy Ang Vinzons Heritage Educational Museum ay hindi lamang isang repositoryo ng mga replika kundi isang espasyo para sa edukasyon at pagmumulat. Sa bawat piraso ng mga relikya, nakayari ang nagdaang kasaysayan. Paalala ito na ang nakaraan ay hindi kailanman nalilibing bagkus ito ay bahagi ng kasalukuyan at gabay sa hinaharap.




Kapag pinagtagpi-tagpi ang mga piraso ng kasaysayan at kultura, nabubuo ang pagkakakilanlang sagana sa kulay, kahulugan, at kasaysayan. Sa bayang kinamulatan ng isang dakilang bayani, sumisibol ang isang pagdiriwang na higit pa sa selebrasyon, ito ay ang Tacboan Festival ng Vinzons, isang makulay na paglalakbay tungo sa puso ng kanyang kasaysayan at kultura. Sa lilim ng mga luntiang palayan at sa paanan ng mga bundok, nag-aalab ang diwa ng bayan, sumisayaw sa himig ng tambol, at humihinga sa kasaysayang hindi kailanman nalilimutan. Disperas pa lamang, abala na ang bawat Vinzonian, mula sa mga batang umaasang maipapamalas ang talento, hanggang sa mga matatandang patuloy na naglalakbay pabalik sa mga alaala ng nakaraan.
Sa bawat pag-indak at hiyaw sa kabila ng mga makukulay na kasuotan, isang hindi matitinag na ugnayan ang unti-unting nahahabi. Ang Tacboan Festival ay nagiging higit pa sa isang simpleng kaganapan, ito ay isang pagkakataon kung saan ang bawat hakbang, bawat tunog, at bawat ngiti ay nagsisilbing paalala ng isang komunidad na nagkakaisa, nagsasalo ng kasaysayan at mga tradisyon. Isang pagninilay na nagsusulong ng isang di-mabilang na kwento ng bayan at isang hindi nagwawakas na ugnayan sa nakaraan.
Ngunit, habang ang Tacboan Festival ay patuloy na nagpapaalala ng mga nakaraan, hindi rin nakaligtas ang mga pagbabago dulot ng modernismo. Sa mga nakaraang taon, makikita ang pagsasama ng makabagong teknolohiya sa pagpapakita ng sining. Mula sa paggamit ng mga digital na disenyo sa mga floats, live streaming ng mga pangunahing kaganapan, hanggang sa pag-usbong ng mga social media platforms bilang pangunahing kasangkapan sa pagpapalaganap ng kultura ng Vinzons, ang modernismo ay naging


isang makapangyarihang puwersa sa pagpapalawak ng Tacboan Festival.
At sa pagdating ng pinakahihintay na araw, tila muling nabubuhay ang kasaysayan sa bawat indak, hiyaw, at ngiting alay sa madla. Ang mga kasuotan ay tila tala sa madilim na langit, ang mga sayaw ay daloy ng kasaysayang buhay na buhay, at ang mga tambol ay pintig ng pusong Vinzonian - matapang, malikhain, at mapagtagumpay. Higit sa lahat, ang Tacboan Festival ay isang sining ng pagbubuklod, isang tulay na naguugnay sa kahapon, ngayon, at kinabukasan.
Hindi ito basta pista. Ito ay panata. Isang panatang muling itahi ang pagkakakilanlan ng bayan, itanghal ang yaman ng kultura, at itanim sa puso ng kabataan ang pagmamalaki sa pinanggalingan.


SEA-SID.
Sinisiguro ng mga miyembro ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang kondisyon ng mga bahura, korales at mga isda ay protektado mula sa mga mandaragit sa ilalim ng dagat sa Quinamanukan Marine Reserve and Fish Sanctuary na matatagpuan sa isla ng Quinamanukan sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte. Mula sa LGU VINZONS
QMRFS sa Bayan ng Vinzons, Pasado sa Biophysical Monitoring Underwater Assessment ng BFAR Region V
ni ERIKA FIONA R. MENESES
Ang Quinamanukan Marine Reserve and Fish Sanctuary (QMRFS) na matatagpuan sa isla ng Quinamanukan sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte ay matagumpay na nakapasa sa taunang Biophysical Monitoring Underwater Assessment na isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region V noong Agosto 26–28, 2024.
Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng BFAR Region V Diving Team, katuwang ang mga kinatawan mula sa Pamahalaang Lokal ng Vinzons at Pamahalaang Panlalawigan.
Layunin ng naturang pagtatasa na alamin ang pisikal na kalagayan ng mga bahura at korales na nagsisilbing kanlungan, pangitlugan, at proteksyon ng mga isda laban sa mga mandaragit (predators) sa ilalim ng dagat.
Bukod dito, mahalaga ang pagkalap ng datos upang makabuo ng mga siyentipikong batayan sa pagdisenyo ng mga estratehiya para sa mas epektibong pangangalaga, pagpapaunlad, at proteksyon ng likas na yamang tubig ng lalawigan.
Matapos ang tatlong araw ng pagsusuri sa mga coral reef sa isla ng Quinamanukan, natuklasang ang lugar ay patuloy na nagiging tahanan ng makukulay at malulusog na korales, halamang-dagat, at iba’t ibang uri ng isda.
Bunsod dito, kinikilala pa rin ang lugar bilang isang potensyal na eco-tourism destination sa Camarines Norte dahil sa likas nitong ganda at kasaganahan sa biodiversity.
Ayon kay Mayor Eleanor F. Segundo ng Vinzons, “Ang tagumpay ng QMRFS sa assessment na ito ay patunay ng ating sama-samang dedikasyon na pangalagaan ang ating karagatan. Patuloy nating susuportahan ang mga hakbang para sa konserbasyon ng ating yamang-dagat, hindi lamang para sa kalikasan kundi para sa kinabukasan ng ating mga mamamayan.”
Sa kasalukuyan, mahigpit itong binabantayan ng mga Deputy Fish Wardens o Bantay Sanktwaryo upang maprotektahan laban sa mga ilegal na aktibidad sa pangingisda.
Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng buwanang clean-up drive ng Local Government Unit ng Vinzons.
Ang QMRFS ay naitatag sa bisa ng Municipal Ordinance No. 01-2001, na kilala rin bilang An Ordinance for the Establishment of the Vinzons Fish Sanctuary and Marine Reserve (FSMR). Layunin ng ordinansang ito na tiyakin ang proteksyon, konserbasyon, at wastong pamamahala ng mga yamang-dagat at pangisdaan sa bayan ng Vinzons.
Ayon kay Dr. Nilo P. Garcera, pinuno ng BFAR Region V Monitoring Team, “Ang QMRFS ay isang magandang halimbawa ng matagumpay na marine sanctuary management. Nakita namin ang malusog na reef ecosystem na dapat lamang pangalagaan at pagyamanin pa. Ang ganitong mga lugar ay mahalaga sa sustenableng pangingisda at konserbasyon ng biodiversity.”

Uri ng Coral Reefs

pananaliksik balita

SIGLATRA: Tinig sa likod ng mga senyas
ni ERIKA FIONA R. MENESES

MarineSpecies. 75 200 TO 300
Para kay Christian, isang 10-taong gulang na magaaral na ipinanganak na may congenital deafness, ang karaniwang araw sa silid-aralan ay tahimik, hindi dahil sa kakulangan sa sigla, kundi dahil sa kawalan ng tunog. Ngunit isang araw, nabasag ang katahimikan. Dumating ang grupo ng mga senior high school students mula sa Vinzons Pilot High School upang subukan ang kanilang imbensyon; isang teknolohiyang kayang isalin ang sign language sa teksto at boses. Ang pangalan nito: SIGLATRA.

Ang isinagawang Biophysical Monitoring Underwater Assessment ay bahagi ng implementasyon ng Expanded National Integrated Protected Areas System (ENIPAS), alinsunod sa Republic Act No. 11038 o ENIPAS Act of 2018. Ang batas na ito ay nagbibigay ng mas malawak at mas pinatibay na proteksyon sa lahat ng mga protected areas sa bansa, kabilang na ang mga marine habitats. Itinataguyod nito ang malawakang partisipasyon ng mga lokal na komunidad at stakeholders sa pamamahala at konserbasyon ng kalikasan.



Ang SIGLATRA ay isang inobasyong nilikha ng mga mag-aaral sa ilalim ng STEM strand bilang bahagi ng kanilang Capstone Project. Ito ay isang realtime sign language translator gamit ang camera at advanced algorithm upang mas mapadali at mapahusay ang komunikasyon ng mga taong may kapansanan sa pandinig. Sa kanilang pilot testing sa Vinzons Pilot Elementary School, isang Special Needs Education (SNED) Facility ng DepEd Region V, ito ay agad na nakaantig sa puso ng mga guro, magulang, at higit sa lahat, ng mga batang tulad ni Christian. Sa kasalukuyan, mayroong 35 na mag-aaral ang paaralan, 18 sa kanila ay may problema sa pandinig. Ayon sa kanilang punong-guro na si Mrs. Esperanza Badong, “Ang SIGLATRA ay isang napakahalagang inobasyon para sa aming mga mag-aaral. Sa unang pagkakataon, nakita naming may teknolohiyang kayang magsalin ng kanilang kilos sa mga salitang nababasa at naririnig. Isang malaking hakbang ito sa pagbuwag ng hadlang sa komunikasyon.”
Ang pagdami ng mga indibidwal na may kapansanan sa pandinig ay isang realidad na hindi dapat ipagwalang-bahala. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang may 1.78 milyon na Pilipino ang may kahirapan sa pandinig. Sa tala ng DepEd’s Learner Information System para sa taong panuruan 2022-2023, mayroong 11,058 na mag-aaral na may hearing impairment sa buong bansa. Bagama’t may mga teknolohiyang gaya ng hearing aid, cochlear implants, at video relay services, nananatiling hamon ang real-time sign language translation—lalo’t may kani-kaniyang bersyon ang bawat bansa ng sign language, gaya ng pagkakaiba ng Filipino Sign Language (FSL) sa American Sign Language (ASL). Isa rin sa komplikasyon ay ang katotohanang hindi lamang kamay ang gamit sa pagsenyas kundi buong katawan, kabilang na ang ekspresyon sa mukha. Ito ang hamong tinugunan ng SIGLATRA. Gamit ang camera, advanced computer vision, at machine learning, nababasa ng device ang galaw at ekspresyon ng signers upang maisalin sa tekstong mababasa at tinig na maririnig. Ito ay isang hakbang patungo sa inclusivity at accessibility para sa deaf community.



FERMEN-TECH-SYON: Barikolkol na may Modern Twist
Mag-aaral ng STEM Strand sa Camarines Norte, lumilikha ng pag-asa para sa tradisyunal na
TAMANG TIMPLA Matagumpay na nilikha ang makabagongpinangalanangteknolohiyang LAMIX na nakakatulong sa mga manggagawa ng ‘Barikolkol’, ang tradisyonal na paggawa ng alak mula sa Nipa. Ito inimbento ang ng mga mananaliksik ng Vinzons Pilot High School na sina James Gabriel Regondola, Frances Therese Rito, at Jomar Abante Kuha ni CHERISH DEANNE V. LAGUADOR
Mula sa mga hamon ng kahirapan at kakulangan sa teknolohiya, sumibol ang LAMIX, isang low-cost, solar-powered fermentation, distillation, at filtration system para sa paggawa ng Barikolkol, ang tradisyunal na alak mula sa Nipa. Likha ito nina James Gabriel Regondola, Frances Therese Rito, at Jomar Abante ng Vinzons Pilot High School–STEM. Gamit ang Arduino-based microcontrollers, napapatakbo ng LAMIX ang buong proseso ng paggawa ng alak, habang ang isang mobile app ay sumusubaybay sa kalidad ng produkto. Solar-powered ito kaya’t swak sa mga lugar
na walang kuryente, at gumagamit ng food-grade materials bilang alternatibo sa kawayan sa pagkolekta ng dagta ng nipa. Ang Barikolkol ay mahalagang kabuhayan sa Vinzons, ngunit nahuhuli sa produksyon at kalidad kung ikukumpara sa lambanog ng Quezon. Dahil dito, ang LAMIX ay nagbibigay ng pag-asa sa mga gumagawa ng alak sa bayan, lalo na sa mga kulang sa puhunan, kagamitan, at suporta.
Sa tulong ng LGU-Vinzons, isinusulong ang pagpapakilala ng teknolohiya sa mga lokal na wine makers. At ngayong 2025, ipagmamapuri ito sa Gawad AgLiTekno: Youth Science Innovation Expo. Ang LAMIX ay patunay na kayang pagsamahin ang tradisyon at agham upang bumuo ng mas matamis na kinabukasan para sa bayan.
Dahil sa teknolohiyang ito, nakamit ng mga magaaral ang Titanium Award at Grand Award sa Innovation Category ng katatapos na International Creativity and Innovation Awards (ICIA 2024) sa King University, Bangkok, Thailand. Ito ay isang patunay ng husay ng kabataang Pilipino sa larangan ng agham at makabagong teknolohiya. Tunay ngang ang SIGLATRA ay hindi lamang imbensyon; ito ay tulay. Tulay patungo sa pag-unawa. Tulay mula sa katahimikan tungo sa makabuluhang ugnayan. At sa likod ng proyektong ito, naroon ang hangarin na ang bawat batang tulad ni Christian ay marinig sa paraang naiintindihan ng mundo.
KALASAG SA PANGANIB. Gamit ang makabagong teknolohiya, nagagawa ng SIGLATRA na isalin ang Wikang Pasenyas o Sign Language bilang mga boses upang maging matatas ang kanilang pakikipagtalastasan sa ating pamayanan nang lahat ay nauunawaan. Mula sa Team SIGLATRA


Always First! Always Ready! Always There!
Katatagan ng Vinzonians sa kalamidad mas paiigtingin pa ng Project AGAP ng VPHS-RCY
ni ALYSSA BHEL B. MALLARI
Dala ang layuning paunlarin ang kaalamang pangkaligtasan sa panahon ng sunog at lindol, isa sa mga nagwaging grantee ng BIDANG
PROYEKTO: A Project Proposal Making Contest ang Project AGAP: Community Adaptation of Early Warning Device (E.W.D.) for Earthquake and Fire Disasters for Local Residents of Vinzons ng mga mag-aaral na kasapi ng Vinzons Pilot High School - Red Cross Youth Council (VPHSRCYC).

SA PANGANIB.
Mga kasapi ng Red Cross Youth Council ng Vinzons Pilot High School na sina Angel Guma, Joshua Pedir, Sandi Bernas, at Rian Gomez habang naglalahad ng impormasyon ukol sa kanilang AGAP device sa Bulwagan ng Munisipyo ng Daet, Camarines Norte, nitong ika-27 ng Setyembre, 2024. Ang device na ito ay nagbibigay ng alerto sa sakuna tulad ng lindol at sunog. Mula sa Provincial Youth Development Office - Camarines Norte
Saklaw ng kanilang proyekto ang paglikha ng AGAP Device na may Earthquake Sensor gamit ang MPU6050 Accelerometer at Fire Detection sa pamamagitan naman ng Smoke Sensor na nagbibigay alarma bilang babala sa mga gumagamit nito kapag may natukoy na aktibidad sa alinman sa dalawang sakuna.
Paliwanag naman ni Rian Gomez, isa sa mga proponent ng proyekto, “Mayroong dalawang phases ang Project AGAP, una ay ang Adaptation to the Community kung saan nais naming ipabatid sa mga mamamamayan kung paano gumagana ang aming device in the technical aspects.”
Misyon ng grupo ng mga mag-aaral na ipalaganap sa mga paaralang pang sekundarya kabilang na ang VPHS at sa lahat ng barangay ng Vinzons ang kanilang Arduino-based E.W.D. at personal

na bisitahin ang mga pasilidad na paglalagyan nito upang mas masuri pa ang mga kailangang paunlarin sa kanilang proyekto.
Magkakaroon din ng apat na seminars sa ilalim ng Information Campaign – ang ikalawang bahagi ng kanilang proyekto, kung saan tatalakayin ang mga usapin sa Fire Prevention, Earthquake Preparedness, Introduction to Arduino, at Arduino as an Early Warning System.
Bukas ang VPHS-RCYC na palawakin ang kanilang proyekto, hindi lamang sa bayan ng Vinzons, sapagkat marami ang patuloy na naapektuhan ng mga sakuna at layunin ng mga mag-aaral na maging inklusibo sa paraan ng kanilang implementasyon upang mabawasan ang pinsalang dulot ng sunog at lindol.
scientia vinces
ni KYLA B. BACERDO
Sa isang bansang malimit na hinahagupit ng mga kalamidad, ang pagiging handa ay napakahalaga. Kaya naman tuwing tayo ay binabayo ng pwersa ng kalikasan, hindi ko maiwasang magtanong: handa nga ba tayo sa banta ng sakuna?
Kamakailan lang, naramdaman natin ang hagupit ng bagyong Kristine. Sa loob ng mahigit 24 oras, walang tigil ang pag-ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Camarines Norte. Hindi nakaligtas ang aming komunidad, at maraming buhay at ari-arian ang napinsala dahil sa kakulangan sa kahandaan. Nakalulungkot isipin na kung nakalikas sana sila nang mas maaga, maaaring naisalba pa ang kanilang mga buhay.
Base sa tala ng World Risk Index, kulelat sa disaster preparedness rating ang Pilipinas. Tayo ang may pinakamataas na risk score — ibig sabihin, mataas ang posibilidad ng pinsala mula sa kalamidad, pagkalantad sa panganib, at kahinaan sa pagbangon. Naitala naman ang iskor na 58.07 para sa kakulangan sa coping capabilities habang 56.10 naman para sa kakulangan sa adaptive capabilities ngayong taon.
Dagdag pa rito, ayon sa
National Disaster Risk Reduction and Management Council, 51% lamang ng mga pamilyang Pilipino ang may mataas na disaster preparedness index (DPI), 34% ang may katamtamang DPI, at 15% ang may mababang DPI. Ang mga numerong ito ay nagpapakita ng pangangailangang paigtingin ang kahandaan ng bawat isa laban sa sakuna.
Kinakailangan na nating baguhin ang pagtingin sa disaster management—mula sa pagiging reaktibo patungo sa isang proaktibong sistema, na nakatuon sa kahandaan at mitigasyon. Oras na upang mas pag-ibayuhin ang edukasyon at kaalaman ng bawat isa pagdating sa tamang paghahanda. Ang kahandaan ang susi upang maging ligtas sa bawat delubyong hatid ng kalikasan— sapagkat sa huli, totoo pa rin ang kasabihang, “Sa taong handa, sakuna ay walang panama.”

BUKID-BUDDY. Ang MAITREX, binuo ng mga mag-aaral ng Vinzons Pilot High School, na naglalayong tulungan ang mga magsasaka ng mais sa bansa gamit ang makabagong teknolohiya at Artificial Intelligence.
Kuha ni FRANCIA T. SALES


pananaliksik balita
Sa Project THRIVE dala ay makabagong solusyon


Sa gitna ng hamon ng climate change at madalas na pagbaha sa baybaying barangay, isinilang ang Project THRIVE—isang makabagong inisyatiba ng Team Aspire mula sa Vinzons Pilot High School. Layunin nitong palakasin ang kahandaan ng komunidad laban sa kalamidad sa pamamagitan ng agham at likas-kayang solusyon. ni
Isang malaking hamon sa kaligtasan ang kakulangan

Layon ng inobasyong MASID na maghatid ng maagang abiso at babala early warning mechanism ukol sa panganib na dulot ng posibleng pananalasa ng kalamidad at pagbaha.
Sarah Kimberly Cacho James Bryan Romana Ryann Jeush Elep Neo Rillo Eldrich Lopez Angela De Chavez Isaiah Jimenez
Tumutok ang proyekto sa Barangay Sabang, isang coastal area na laging binabaha. Isa sa mga pangunahing hakbang nito ay ang pagtatanim ng mangroves, na nagsisilbing natural barrier laban sa storm surge at coastal flooding, bukod sa pagiging tahanan ng yamang-dagat at tagasalo ng carbon emissions.
Ayon kay Barangay Captain Jeffrey Segundo, matagal nang hinahangad ng kanilang barangay ang ganitong uri ng solusyon— isang proyekto na hindi lamang nakatuon sa proteksyon kundi sa edukasyon ng mamamayan ukol sa kalikasan.
Bukod dito, binuo ng Team Aspire ang MASID (Monitoring and Alert System for Imminent Disasters), isang automated early warning device na sumusukat sa antas ng tubig at lagay ng panahon gamit ang sensors. Ang data ay ipinapadala sa central
dashboard na madaling ma-access ng barangay para sa maagap na aksyon.
Ayon kay Tony Espanya, PDRRMO ng Camarines Norte, ang proyekto ay magandang halimbawa ng integrasyon ng hydrometeorological sensing at nature-based adaptation. Aniya, “Ito ay isang multi-disciplinary na solusyon na may direktang epekto sa risk reduction, environmental rehabilitation, at community resilience.”
Noong Agosto, hinirang ang Project THRIVE bilang First Runner-Up sa Ideas Positive Run 11 sa Boracay Newcoast Convention Center, patunay sa husay ng mga kabataang innovator. Sa tulong ng LGU Vinzons, Barangay Sabang, at mga katuwang na organisasyon, pinatunayan ng Team Aspire na ang pagkakaisa, agham, at malasakit ang susi sa mas ligtas na kinabukasan.
Ang automated device na tinawag na MASID na binuo ng
ASPIRE ng Vinzons Pilot High School, ay matagumpay na nakamit ang Unang pwesto sa Ideas Positive Run 11 sa Boracay Newcoast Convention Center. Nilalayon nitong paintingin ang disaster preparedness sa komunidad. Mula sa Team Aspire



Saharap ng matinding panganib na dulot ng aflatoxin sa kalusugan ng tao at hayop, pati na rin sa kabuhayan ng mga magsasaka, nagpakita ng maka-agham na solusyon ang mga mag-aaral ng Vinzons Pilot High School (VPHS) sa pamamagitan ng pagbuo ng isang teknolohiyang maaaring makatulong upang maiwasan ang kontaminasyong ito sa mga pananim na mais.
Ang aflatoxin ay isang mapaminsalang lason na gawa ng amag na tumutubo sa mais, isang pangunahing pananim sa Pilipinas. Ang pagkakalantad ng lasong ito ay maaaring magdulot ng matinding pinsala sa atay at humantong sa kanser, samantalang ang mga hayop na kumakain ng kontaminadong mais ay nababawasan ang produksiyon ng itlog at immune system. Sa pagsisikap na matulungan ang mga magsasaka at maiwasan ang kontaminasyon remotena robot na kayang matukoy

makabagong teknolohiya tulad ng deep learning at artificial intelligence (AI). Gamit ang RGB at multispectral cameras, kayang makilala ng MAITREX ang mga maliliit na pagbabago sa kulay at texture ng mais na senyales ng posibleng kontaminasyon. Sinusuri ng MAITREX ang mga larawan ng mais para malaman kung ito ay ligtas o kontaminado. Kapag nasuri nito na may kontaminasyon ng aflatoxin, awtomatikong magbubukas ang sprinkle system upang diligin ang mga pananim na mais ng hydrogen peroxide bilang isang oxidizing agent laban sa mga fungi na nagdudulot ng aflatoxin, kaya’t mas mababa ang panganib ng
pamamagitan ng MAITREX, layunin ng mga mag-aaral na magbigay ng mabilis, abot-kaya, at epektibong solusyon upang mabawasan ang kontaminasyon ng aflatoxin sa mais para mapanatili ang kalidad ng ani at protektahan ang kalusugan ng mga konsyumer at hayop. Sa MAITREX, ipinakita ng mga mag-aaral ng VPHS ang kakayahang makalikha ng mga solusyong maaaring magdala ng pagbabago sa komunidad at industriya ng agrikultura. Sa patuloy na pag-unlad ng MAITREX, mas marami pang magsasaka ang makikinabang at mas mapapalakas ang seguridad sa pagkain.

Inihayag ni Department of Science and Technology Secretary Renato Solidum na hindi na mapapasinungalingan ang mga ebidensya ng pagbabago sa klima. Sa kaniyang talumpati sa pagbubukas ng 2024 Regional Science, Technology, and Innovation Week, binigyang diin niya ang malagim na katotohanan sa likod ng pinsalang dulot ni Kristine.
Tama si Secretary Solidum. Ang trahedya ng bagyong Kristine, na nagdulot ng napakalaking pinsala sa Luzon at kumitil ng 145 na buhay, ay muling nagpapaalala sa atin na ang pagbabago ng klima ay hindi kathang-isip. Ang matinding ulan at hangin na tumama sa Albay, Camarines Sur, at Camarines Norte, ay nagpakita ng tunay na anyo ng krisis na dala ng climate change—isang krisis na hindi na dapat pinagtatalunan bagkus ito ay pinaghahandaan at binibigyan ng lunas.
Bagama’t mataas ang kamalayan ng mga Pilipino sa climate change, nananatili ang kakulangan sa konkretong aksyon para tugunan ang krisis. Sa kabila ng 97.6% na nagsasabing seryoso ang banta nito, nangunguna pa rin ang Pilipinas sa World Risk Index noong 2022 bilang bansang may pinakamataas na panganib sa sakuna. Pinapalala pa ito ng patuloy na deforestation, polusyon sa plastik, at labis na paggamit ng fossil fuels, kung saan nawawala ang 47,000 ektarya ng kagubatan kada taon, nagtatapon tayo ng 2.7 milyong
balita




toneladang plastik, at nag-aambag ng 152.6 milyong toneladang CO2 emissions sa global index. Ang epekto ng mga gawaing ito ay direktang nararamdaman sa anyo ng matinding kalamidad, polusyon, at pagkawala ng buhay. Tinatayang 20% ng plastik na basura ng bansa ang napupunta sa karagatan, habang ang polusyon mula sa fossil fuels ay nagdudulot ng 27,000 na maagang pagkamatay kada taon at pagkalugi sa ekonomiya na umaabot sa 1.9% ng GDP. Kung hindi magbabago, patuloy na haharap ang Pilipinas sa mas mabibigat na suliranin sa klima at kalikasan.
Tayo, bilang isang bansa, ay nakatayo sa isang mapanganib na sangandaan.
Kung hindi tayo kikilos ngayon, ang bawat sunod na henerasyon ay higit na mahiwhirapang labanan ang lalong tumatapang na bangis ng kalikasan. May mga batas na naitatag upang tugunan ang mga isyung pangkalikasan, tulad ng Climate Change Act of 2009, na nagtatag ng Climate Change Commission upang pamahalaan ang mga programa laban sa pagbabago ng klima. Gayunpaman, kinakailangan ang mas aktibong pakikilahok ng iba pang ahensya ng pamahalaan upang maging epektibo ang mga ito.
Ang mga batas tulad ng Clean Air Act of 1999, Clean Water Act of 2004, at Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay mahalaga sa paglaban sa polusyon at tamang pamamahala ng basura, lalo na sa plastik. Dagdag pa rito, Environmental Awareness and Education Act of 2008 ay dapat palakasin upang mapalalim ang kamalayan ng kabataan sa pangangalaga sa kalikasan. Ang pagpapatupad ng mga batas na ito ay susi upang tunay na malutas ang mga hamon sa klima at kapaligiran. Sa huli, tayo ay nasa isang kritikal na yugto. Panahon na para palakasin ang implementasyon ng mga batas na ito at gawing mas malawakan ang mga programa laban sa climate change. Kung hindi tayo kikilos ngayon, walang magtatanggol sa atin sa mga banta ng pagbabago sa klima. Ngayon, higit kailanman, kailangan natin magtanim ng mabubuting binhi—sapagkat kung ano ang ating itinanim ngayon ay siya nating aanihin sa hinaharap.

Vinzons LGU ikinatuwa ang maagap na aksyon ng DA Region V laban sa bird flu
Ikinagalak ng pamahalaang bayan ng Vinzons, Camarines Norte, ang mabilis na aksyon ng Department of Agriculture Region V (DA-5) upang tugunan ang kumpirmadong kaso ng Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) H5N2 sa kanilang lugar.
Ayon kay Vinzons Mayor Hon. Eleanor Segundo, ang maagap na tugon ng DA-5 ay malaking tulong sa mga poultry farmer sa bayan. Sa datos ng lokal na pamahalaan, mayroong 24 rehistradong poultry farms sa Vinzons na labis na naapektuhan ng “virus scare” sa lalawigan. Sinabi ni DA-5 Regional Executive Director Rodel Tornilla na agarang isinagawa ang culling o pagpatay sa mga apektadong bibe sa mga bayan ng Vinzons at Talisay upang mapigilan ang pagkalat ng virus. Kasabay nito, nagsasagawa rin ng surveillance at monitoring sa loob ng isang kilometro mula sa apektadong lugar at mahigpit na ipinatutupad
ang movement restrictions sa quarantine zone
“Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng pagtugon ng aming Regional Quick Response Team for Animal Disease and Emergencies (RQRT-ADE).
Sinisiguro rin namin na mabibigyan ng indemnification o bayad-pinsala ang mga apektadong magsasaka,” ani Tornilla.
Dagdag pa niya, ito ang unang naitalang kaso ng bird flu sa rehiyon, na natuklasan sa regular na surveillance ng DA Bicol Regulatory Division. Patuloy rin ang koordinasyon ng DA-5 sa provincial government ng Camarines Norte, Bureau
of Animal Industry (BAI), Department of Health (DOH), at mga municipal agriculture office upang masiguro ang organisadong tugon sa insidente. Samantala, tiniyak ng DA na ligtas ang pagkain ng manok at itlog basta’t ito’y nalutong mabuti.
Nilinaw rin ng ahensya na walang pagtaas sa presyo ng manok at itlog ngayong holiday season sa kabila ng kaso ng bird flu
Ang Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) ay isang virus na nagdudulot ng mataas na mortality rate sa mga apektadong manok, ngunit ang mga bibe ay maaaring magdala nito nang hindi nagpapakita ng anumang sintomas.
ANO-ANO ANG MGA PALATANDAAN NG SAKIT NA AI?






Pananamlay at kawalan ng gana sa pagkain
Biglang pagbaba ng produksyon ng itlog
Pamamaga at pagkulay asul ng palong, paligid ng mata at lambi
Sipon at halak
Pagtatae
Biglaang pagkamatay
*Ang mga palatandaan at sintomas ay maaring mag-iba. May mga pagkakataon na maaing hindi magpakita ng sintomas ang mga alagang ibon kaya’t minumungkahi na ipa-test ang mga alaga lalo na kung mayroong outbreak sa lugar.
Kung hindi tayo kikilos ngayon, walang magtatanggol sa atin sa mga banta ng pagbabago sa klima.


ANONG GINAGAWA NG DA-BAI UPANG MAKONTRL ANG AI?
Ang DA-BAI ay nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan sa mga SA - Regional Field Office (DA-RFO) at Lokal na Pamahalaan ng mga apektadong syudad at munisipyo. Nagsasagawa ng depopulation, quarantine, surveillance at animal movement control sa mga lugar na nagpositibo sa AI Virus.
Inobasyong pangkaligtasan
Isinulat ang isang bagong kabanata ng tagumpay ng kabataang Pilipino matapos magwagi ng Silver Medal Award for Commercial Potential Vinzons Pilot High School sa Search for SEAMEO Young Scientists (SSYS) 2024 na ginanap sa Penang, Malaysia.
Tampok sa kanilang pananaliksik ang proyektong “ALIGUE: Effect of Dried Red Algae Seaweeds (Kappaphycus alvarezii) Mixed with Fish Meal on the Growth and Survival Rates and Biochemical Composition of Mud Crab (Scylla serrata),” na layuning gamitin ang red seaweed bilang alternatibong sangkap sa pagpapakain ng alimango. Ang mud crab farming ay isa sa mga pangunahing kabuhayan ng maraming magsasakang Pilipino sa mga baybaying dagat, partikular sa Southern Luzon, Bicol, at Visayas. Sa Bicol Region, lalo na sa Camarines Norte, na kinikilala bilang isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng wild crablets sa bansa, kadalasang ginagamit ng mga magsasaka ang pelleted feeds sa pagpapalaki ng iba’t ibang sukat ng alimango. Ayon sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), may mga lugar pa rin na gumagamit ng low-value fish bilang feed, na nagiging sanhi ng paglala ng kondisyon ng tubig at pagkasira ng pond bottom. Bagaman praktikal ito sa simula, nagdudulot ito ng polusyon sa kapaligiran ng palaisdaan. Bilang alternatibo, ang pelleted feeds ay nagsilbing sagot sa lumiliit na suplay ng trash fish, mais, tahong, at suso. Subalit tumaas na rin ang presyo ng mga ito bunga ng kakulangan at hindi na maaasahang supply sa ilang mga lugar. Bukod pa rito, ang climate change, hindi wastong paghahanda ng palaisdaan, at pagbabago-bago ng water parameters ay patuloy na nagpapahirap sa mga magsasaka, at nagpapataas ng stress level sa mga alimango.
“Ang proyektong ito ay isang malinaw na halimbawa ng communitybased innovation. Hindi lamang ito tumutugon sa isyu ng sustainability sa aquaculture, kundi binibigyanghalaga rin nito ang paggamit ng locally available, low-cost resources. Kapag ganito ang direksyon ng pananaliksik ng kabataan, tiyak na may hinaharap ang ating mga lokal na industriya.
Sa gitna ng mga suliraning ito, dumating ang pag-aaral ng mga estudyante ng Vinzons Pilot High School na ginamitan ng pinatuyong red
seaweed bilang feed enhancer. Ayon sa kanilang eksperimento, taglay ng seaweed ang essential amino acids (arginine, histidine, leucine, lysine), bitamina (D at E), at mineral (phosphorus, magnesium, potassium) na mahalaga sa growth at survival ng alimango.
Mula sa resulta ng kanilang pananaliksik, bumaba ng higit sa kalahati ang gastos sa feeds, habang napabuti ang laki, kalusugan, at survival rate ng mga alimango. Nagbigay ito ng bagong pag-asa sa mga mud crab farmers ng Camarines Norte at iba pang baybaying komunidad.
Ayon sa panayam kay Prof. Ma. Kathrina M. Pobre ng Biology Department ng Camarines Norte State College, “Ang proyektong ito ay isang malinaw na halimbawa ng community-based innovation. Hindi lamang ito tumutugon sa isyu ng sustainability sa aquaculture, kundi binibigyang-halaga rin nito ang paggamit ng locally available, low-cost resources. Kapag ganito ang direksyon ng pananaliksik ng kabataan, tiyak na may hinaharap ang ating mga lokal na industriya.”
Ipinakita ng mga mag-aaral ng Vinzons Pilot High School na sa tulong ng makabagong pananaliksik at lokal na kaalaman, maaaring iangat

agham-matematika

Pagpaparami ng Oyster Mushroom,
ating alamin!
Ang oyster mushroom (Pleurotus spp.) ay kilala bilang isa sa mga masustansyang uri ng kabute na maaaring paramihin gamit ang agricultural wastes. Gamit ang mga materyales na itinuturing na mga basurang agrikultural bilang substrate, madaling mapalago ang kabuteng ito na mayaman sa sustansya. Taglay nito ang mahahalagang bitamina tulad ng thiamine (B1) at riboflavin (B2), gayundin ang mga amino acid na lysine at leucine na mahalaga sa balanseng nutrisyon ngunit madalas kulang sa karaniwang pagkaing butil. Bukod dito, naglalaman din ang oyster mushroom ng calcium, phosphorus, at iron, kasama ang mga antioxidant na makatutulong sa pagpapaunlad ng kalusugan. Halina at sama-sama nating alamin ang ang simpleng teknolohiya ng pagtatanim nito.
Sa layuning mapalakas ang kahandaan ng bansa sa harap ng mga kalamidad, inilunsad ng mga mag-aaral mula sa Vinzons Pilot High School ang Project REACH o (A-star) Algorithm for Geolocation and Climate Adaptive Disaster Response.
Sa isang bansang madalas salantahin ng bagyo, lindol, at iba pang kalamidad, kinikilala ng mga kabataan ang pangangailangang magkaroon ng mas episyente at modernong sistema sa pagtugon sa sakuna. Layunin ng proyekto ang makabuo ng teknolohiyang kayang tugunan ang mga pangunahing suliranin kakulangan sa evacuation siksikan sa evacuation centers, at kawalan ng real-time monitoring system. Isa sa mga pangunahing tampok ng Project REACH ay ang paggamit ng A* Pathfinding Algorithm na pinahusay pa ng Haversine Formula. Sa pamamagitan nito, natutukoy ng system ang pinakamabilis at pinakaligtas na ruta patungo sa mga evacuation center habang iniiwasan ang mga high-risk zones tulad ng mga lugar na binabaha o

“Napakahalaga ng mabilis at maayos na evacuation lalo na sa gitna ng sakuna. Sa tulong ng Artificial Intelligence (AI) at matematika, nais naming makabuo ng sistemang makatutulong sa mga mamamayan,” pahayag ni John Jaymark Daza, isa sa mga student-developers. Bahagi rin ng Project REACH ang integration ng machine learning. Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito, ang sistema ay nakapagsasagawa ng real-time analysis batay sa kondisyon ng kalsada, sitwasyon ng panahon, at lokasyon ng mga evacuees. Ang Emergency Request Geolocation feature nito ay awtomatikong nag-uugnay ng mga emergency call sa pinakamalapit na rescue unit o medical facility.
Bukod dito, may kakayahan ang system na gamitin ang predictive analytics upang tukuyin ang mga posibleng panganib at agarang makapagbigay ng babala at aksyon. Ang Real-Time Information Updates naman ay nagsisiguro ng mabilis na komunikasyon sa pagitan ng mga evacuee at response teams.
Ayon kay Assistant Professor Edgar Bryan B. Nicart, consultant ng grupo at guro sa College of Computing and

isa sa mga haligi ng
Information Sciences ng Camarines Norte State College (CNSC), ang proyekto ay nagpapakita kung paano maaaring gamitin ng kabataan ang teknolohiya hindi lamang bilang kasangkapan sa inobasyon, kun’di bilang konkretong tugon sa mga tunay na hamon ng lipunan. Ipinunto rin niyang ang pagsasanib ng AI, geolocation, at climate data ay isang halimbawa ng progresibong pag-iisip na dapat suportahan ng pamahalaan at mga institusyong pangedukasyon.
Ayon sa mga mag-aaral, ang kanilang proyekto ay isang halimbawa ng pagsasanib ng agham, teknolohiya, at matematika upang makapagbigay ng solusyon sa mga suliraning panlipunan. Ang user-friendly interface ng Project REACH ay ginawa rin upang mas madaling magamit ng mga mamamayan at awtoridad sa panahon ng kalamidad.
Itinuturing ang proyektong ito bilang isang patunay ng kahusayan ng kabataang Pilipino sa larangan ng makabagong agham at teknolohiya. Sa panahon ng pagbabago ng klima at lumalalang epekto ng mga kalamidad, ang mga inobasyon gaya ng Project REACH ay nagsisilbing liwanag para sa mas ligtas na kinabukasan ng bansa.


Isang makabagong inobasyon mula sa mag-aaral ng Vinzons Pilot High School (VPHS) ang tampok sa ginanap na Regional Invention Contest and Exhibits (RICE) 2025, isang prestihiyosong paligsahan na isinagawa Department of Science and Technology - Technology Application and Promotion Institute (DOST-TAPI) upang kilalanin ang galing at kontribusyon ng mga Pilipinong imbentor sa kaunlaran ng bansa. isang makabago, epektibo, at abot-kayang sistema ng pagsasala ng tubig na tumutugon sa matagal nang suliranin ng kakulangan sa malinis at ligtas na inuming tubig sa mga komunidad, lalo na sa mga liblib
Matagal nang industriya ang pagpapalahi ng alimango sa Pilipinas.
Ang Scylla serrata, Scylla tranquebarica, at Scylla olivacea ang karaniwang mga species ng alimango na matatagpuan sa bansa. Sa mga ito, ang S. serrata ang higit na pinipili ng mga nag-aalaga ng alimango para sa kanilang mga palaisdaan. Noong 2022 at 2023, tinatayang umabot sa 13,720 tonelada na nagkakahalaga ng US$77,025,000 at 14,437 tonelada na nagkakahalaga ng US$86,511,000 ang kabuuang produksyon ng alimango mula sa aquaculture industry sa bansa.

Sa kabila ng mahigit 70% ng mundo ay binubuo ng katubigan, nananatiling hamon pa rin ang kakulangan sa ligtas na tubig-inumin sa maraming bahagi ng Pilipinas. Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), halos kalahati ng populasyon ng bansa ay wala pa ring sapat access sa malinis na tubig. Sa ganitong konteksto isinilang ang HYPUREX.
Gamit ang advanced filtration system na binubuo ng EP filter, ceramic filter, activated carbon filter, sinisigurado ng HYPUREX ang pagbawas ng latak, dumi, at mabahong amoy sa
tubig. Higit pa rito, may real-time water monitoring system ang proyekto na awtomatikong sumusukat ng kalidad ng tubig at nagbibigay ng agarang feedback gamit ang isang IoT-based mobile application. Sa bawat patak ng tubig mula sa HYPUREX, napapangalagaan ang kalusugan at katiyakan ng mga gumagamit.
Isa sa mga evaluator ng proyekto, si Ryan J. Ramores, Technical Head ng Prime Water Dagotdotan Filtration Facility sa Camarines Norte, ay nagpahayag ng paghanga sa galing at potensyal ng HYPUREX. Ayon sa kanya, napapanahon at makabuluhan ang ganitong uri ng teknolohiya, lalo na’t nagmumula ito sa mga kabataang may malasakit sa kapaligiran at kalusugan ng komunidad. Aniya, “Ang proyekto ay may malinaw na layunin, mahusay ang teknikal na pagkakabuo, at may potensyal na mailapat sa mga rural na lugar na walang maayos na access sa ligtas na inuming tubig.”

Binigyang-diin pa ni Ramores ang kahalagahan ng partisipasyon ng kabataan sa paglikha ng mga solusyong may pangmatagalang epekto. “Ang mga ganitong inobasyon ay patunay na hindi
hadlang ang edad sa pagbibigay ng konkretong kontribusyon sa lipunan. Kung bibigyan ng sapat na suporta, ang mga ideyang tulad ng HYPUREX ay maaaring isabuhay at magamit ng maraming Pilipino,” dagdag pa niya. Ayon sa mga tagapagtaguyod ng proyekto, hindi lamang ito imbensyon kundi simbolo ng pagasa at pagbabago—isang patunay ng kakayahan ng kabataang Pilipino na makapag-ambag sa pagbabago ng lipunan sa tulong ng Agham at Teknolohiya. Sa pagsali ng VPHS sa RICE 2025, muling pinatunayan ng mga mag-aaral na ang inobasyon ay hindi lamang para sa kinabukasan, kundi para rin sa kasalukuyang nangangailangan. Ang HYPUREX ay patunay na ang simpleng ideya, kung ginamitan ng tamang kaalaman at malasakit, ay maaaring maging susi sa mas ligtas, mas malusog, at mas maunlad na pamumuhay.
Sa barangay Santo Domingo, sa bayan ng Vinzons, kilala si Elma P. Juego hindi lamang sa kanyang masiglang personalidad kundi pati na rin sa mga masasarap na lutong ulam sa kanyang munting karinderiya. Isang masipag at mapagmahal na ina, siya ay tinuturing na modelo ng kanyang komunidad. Subalit sa likod ng kanyang ngiti, may itinatagong sakit si Nanay Elma—ang nephrolithiasis, o mas kilala sa tawag na kidney stone.
mga kristal na bahagi ng ihi ng tao sa kanilang urinary tract. Bagama’t karaniwang naglalaman ang ihi ng mga kemikal na pumipigil sa pagbuo ng mga kristal, hindi ito epektibo para sa lahat. Kung ang mga kristal ay mananatiling maliit, madali silang makakalabas sa katawan. Ngunit kung sila ay
Sa kabila ng mga hamon sa pinansyal na aspeto ng mga clinical interventions para sa kidney stones, ang posibleng solusyon mula sa nipa palm fruit endosperm ay nagbibigay ng pag-asa na hindi lamang para sa kanilang kalusugan kundi para rin sa kanilang kabuhayan.
magiging malaki, maaari itong makasagabal sa daloy ng ihi at magdulot ng matinding sakit. Bilang bahagi ng kanilang asignatura Senior High School, isang grupo ng mga kabataang mananaliksik mula sa Vinzons Pilot High School ang nagbahagi ng kanilang pag-aaral ukol sa kakayahan ng katas mula sa nipa fruit endosperm na labanan ang nephrolithiasis
Kanilang natuklasan na ang nasabing katas ay mayaman sa iba’t ibang bioactive compounds tulad ng flavonoids, phenolic acids, at tannins. Ang mga ito ay kilala sa kanilang antioxidant properties na nakakatulong sa pagbawas ng oxidative stress, isang salik sa pagbuo ng kidney stones. Dagdag pa rito, ang mga compounds na nabanggit ay may kakayahang pigilan ang crystallization ng calcium oxalate, isa sa mga pinakakaraniwang uri ng kidney stones. Sa ganitong paraan, naiiwasan ang pagbuo ng mga kristal na nagiging
sanhi ng bato sa kidney Bagaman ang kanilang pag-aaral ay nasa in vitro stage pa lamang, ang mga mananaliksik ay nangakong patuloy na magsasagawa ng mga karagdagang klinikal na pagsusuri upang lubos na maunawaan ang bisa at potensyal na aplikasyon ng nipa palm fruit endosperm extract na pigilan ang panganib na hatid ng kidney stones. Para kay Nanay Elma at sa iba pang 2.8 milyong Pilipinong pinapahirapan ng kanilang karamdaman, ang natuklasang ito ng mga kabataang mananaliksik ay isang positibong balita. Sa kabila ng mga hamon sa pinansyal na aspeto ng mga clinical interventions para sa kidney stones, ang posibleng solusyon na ito ay nagbibigay ng pag-asa hindi lamang para sa kanilang kalusugan kundi para rin sa kanilang kabuhayan.






Ang impresibong fight record ng isang kickboxer, Ryan Espino na nakamit ang mga medalya sa kanyang karera.


MABAGSIK NA DETERMINASYON.
RYAN “The Blitz” Espino, mag-aaral ng Vinzons Pilot High School sa Straw Weight kickboxing match ng War Fighting Championship sa Jose Pangabiban, Camarines Norte, ikatlo ng Oktubre, taong 2024. Mula sa WARRIORS MMA ACADEMY


Pinakamahuhusay na Siklista, Nagpakitang-Gilas sa “Hataw Bintao 2024” sa Vinzons
ni EPHRAIM PAUL A. MIRASOL
Nagpakita ng galing at tapang ang mga pinakamahuhusay na siklista mula sa iba’t ibang rehiyon sa bayan ng Vinzons sa pagdaraos ng “Hataw Bintao 2024,” isang cycling race na pinangunahan ni Vinzons Municipal Mayor, Dr. Norry FerrerSegundo, bilang bahagi ng pagpapasimula ng Tacboan Festival noong ika-22 ng Setyembre.
Sa isang matinding 80-kilometrong karera, tumutok ang 45 kalahok na siklista sa tatlong kategorya: Road Bike Category Mountain Bike Category, at Motor Bike Category. Mula sa Bagong Silang Rotonda hanggang sa finish line sa tapat ng Vinzons Municipal Town Hall, nagtagisan ng stamina, endurance, road awareness, at maneuvering skills ang mga kalahok, kabilang na ang mga mag-aaral ng Vinzons Pilot High School.
Sa Road Bike Category para sa Age 35 and above, nagwagi si Kurt Heraldo, na ipinamalas ang kanyang
Bike Category para sa Age 35 and above, si Robert Contrares ang nakasungkit ng tropeyo matapos walisin ang kanyang mga katunggali.
Hindi rin nagpahuli si Mark Niel Baynosa na nagwagi sa Motor Bike Category para sa Age 35 Below at nanguna sa mas mabilis na pace patungo sa finish line Sina Johndale Joshua Rile at Eduardo Azure naman ay nagtamo ng tagumpay sa Executive Category para sa Age 30-45 at 46 Above, na nagpapakita ng kanilang malupit na sprint technique sa kabila ng kanilang edad. Pinarangalan ang mga nagwagi sa “Hataw Bintao 2024” sa isang awarding ceremony sa Vinzons Municipal Town Hall, kung saan sila ay ginawaran ng tropeyo at cash prize


ni ARRON R. VILLALUZ
a isang malayong pulo sa silangan, rumaragasa sa larangan ng suntok minamarka ang kanyang tinaguriang pangalang
Opensa. Depensa. Atake. Pahinga. Ito ang hinulmang buhay ni Ryan Christian J. Espino, isang 17 taong gulang na MMA Fighter mula sa Barangay Gahonon, sa bayan ng Daet, Camarines Norte. At sa kabila ng murang edad, ilang beses nang nag-uwi ng medalya para sa kanyang bayan si Espino. Ilan lang naman sa nasungkit na panalo nito ay ang ginto sa Strawweight Kickboxing Competition, ang Medalist ng National Kickboxing Championship at iba pang laban na nakasabit na sa mga letra ng pangalan ng batang henyo. Subalit sa kabila ng kaliwa’t kanang parangal ay ang aninong bumabalot sa itinayong kampeonato ni Espino. Noong dumating ang pandemyang Covid-19 taong 2020, naging tampulan ng tukso si Espino nang lumobo ang kanyang katawan buhat ng kawalan ng aktibong paggalaw nang minsan siyang mababad sa kain, tulog, at online games. Ang mga pangungutya mula sa kanyang mga kakilala ang sumiil sa kanyang tiwala at kumpyansa sa sarili kaya’t naging animo’y selda ang bawat kuwadro ng kanilang tahanan. Nakagapos sa mga sabi-sabi at pinapakain na lamang ng sarili niyang bisyo. Nang mapuno si Espino sa mga tukso, natutunan niya ang kumawala sa sarili niyang kulungan. Nagsimula siya na mag-ehersisyo at kontrolin ang kinokonsumo nitong pagkain. Nagsumikap si Espino na lisanin ang nakasanayan at unti-unti, nakamit niya ang inaasam na katawan. Mula sa pagbubuhat hanggang makilala niya ang mundo ng Mixed Martial Arts Dito nagsimula ang legasiya ni Espino sa naturang larangan ng labanan. Pumasok siya Warriors MMA Academy, isang fighting club sa Camarines Norte na humahasa ng mga interesado sa larangan ng Mixed Martial Arts. Sa pinagsamang dedikasyon, napatunayan niya






Ang sunod-sunod na kontrobersiya sa Paris Olympic Games, kabilang ang kakulangan sa suporta at mga isyung administratibo, ay muling nagbuklod sa mga panawagan para sa pagtatatag ng isang Kagawaran ng Palakasan or Department of Sports sa Pilipinas. Sa kabila ng mga nakaraang pagsisikap, tulad ng mga panukalang batas na inihain ni dating Senador Antonio Trillanes IV noong 2012 at 2016, ang isyung ito ay nananatiling hindi natutugunan.
Panahon na upang bigyang-pansin ng pamahalaan ang palakasan sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang nakatutok na ahensiya—ang Department of Sports—na magpapabuti sa suporta at pamamahala ng ating mga atleta.
Ang umiiral na tunggalian sa pagitan ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) ay nagdudulot ng kawalang-katiyakan sa ating mga atleta. Ang kalituhan sa polisiya at labanan sa pamumuno ay nagiging balakid sa kanilang pagsasanay at kompetisyon. Sinabi ni Sen. Chiz Escudero na ang mga atletang Pilipino ay tila “nasa limbo” sa gitna ng kaguluhan. Ang isang sentralisado at malinaw na pamahalaan sa palakasan, tulad ng iminungkahi ni Trillanes, ay magbibigay ng solusyon dito. Tulad ng binigyang-diin ni Trillanes, ang kakulangan sa komprehensibong
programa, makabagong kagamitan, at makabagong pagsasanay ang pangunahing dahilan ng mababang performance ng Pilipinas sa pandaigdigang kompetisyon. Ang Department of Sports ay magsisilbing iisang katawan na magdidisenyo ng pambansang programa mula grassroots development hanggang sa internasyonal na kumpetisyon. Ayon kay Trillanes, ang Pilipinas ang isa sa may pinakamababang porsyento ng badyet para sa palakasan sa buong Southeast Asia Hindi ito tugma sa potensyal ng mga Pilipino. Ang Department of Sports ay maaaring magsulong ng mas mataas na badyet para sa recruitment, pagsasanay, at kompetisyon. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng mga specialized agencies, tulad ng Amateur Sports Development Bureau, ay makatutulong sa epektibong implementasyon ng mga programa.
Hinihikayat natin ang kasalukuyang
mga mambabatas na suportahan ang mga panukalang batas tulad ng Senate Bill No 451. Ang pamahalaan ay dapat kumilos upang maitatag ang Department of Sports, na siyang magiging susi sa mas matibay na pundasyon ng palakasan sa bansa, Masakit isipin na kadalasan, ang sports ay nagiging prayoridad lamang kapag may natamong gintong medalya ang bansa, tulad ng tagumpay ni Carlos Yulo sa Olympics Gayunpaman, ang pangmatagalang tagumpay sa palakasan ay nangangailangan ng tuloy-tuloy na suporta at atensyon mula sa pamahalaan. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng Department of Sports, hindi lamang natin bibigyan ng sapat na suporta ang ating mga atleta kundi itataas din natin ang antas ng palakasan bilang pangunahing bahagi ng ating pambansang pagkakakilanlan.

vires unitate
ni EUGENE KYLE B. ECO
Sa paglipas ng mga taon, ang Pilipinas ay naging kilalang pangalan sa larangan ng esports sa buong mundo lalong lalo na sa Southeast Asia (SEA). Mula sa simpleng libangan, ang esports ay naging prestihiyosong propesyon at mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino.
Dahil sa mabilis na pag-usbong ng internet, abot-kayang mobile devices at pagkabagot dulot ng pandemya, umusbong ang mga larong tulad ng Mobile Legends: Bang Bang (MLBB), Dota 2, at Valorant Sa pamamagitan ng suporta mula sa grassroots tournaments at corporate sponsors nabigyang daan ang mga nangangarap na maging pro player na mahubog pa ang kanilang angking galing na nais nilang ipamalas sa buong daigdig. Dagdag pa rito nagsimula na rin ang iba’t ibang unibersidad sa bansa na magkaroon ng esports programs para sa mga estudyanteng nais gawing propesyon ang paglalaro.
Isa sa mga patunay ng pag-angat ng Pilipinas sa esports ay ang pagsemento ng Falcons AP Bren nang kanilang pangalan bilang kauna-unahang koponan na two time world champion matapos nilang masungkit ang M5 World Championship trophy ng Mobile Legends noong 2023. Gayundin, ang mga team tulad ng TNC Predator sa Dota 2 at mga Pilipinong top players sa Valorant ay nagpakita ng dedikasyon at tagumpay sa SEA circuit. Masasalamin sa mga karangalang ito ang talino sa paglalaro at higit sa lahat ang kanilang di matibag na teamwork.
Bukod pa rito, ang esports ay nagbibigay ng kabuhayan hindi lamang sa pro players kundi pati na rin sa shoutcasters, streamers, at coaches. Sa tulong ng esports nababawasan ang mga taong walang trabaho lalong lalo na sa mga taong nasa technology industry at communication industry
Sa kabilang banda, masasabi nating hindi lamang mga mabuti ang epekto ng pagusbong ng esports. Marami rin itong hindi mabuting epekto tulad na lang pagka-adik ng mga kabataan sa online games. Isa pang masamang epekto nito ay ang pagpasok ng mga online games sa betting sites.
Habang patuloy ang paglago ng industriya, mahalaga ang suporta ng pamahalaan at pribadong sektor upang mas lalo pang maabot ng mga Pinoy gamers ang kanilang full potential. Ang esports ngayon ay higit pa sa laro, ito ang bagong bayanihan ng makabagong henerasyon.

ng galing at husay



Inspirasyong hatid ng isang mahusay na Spiker
Volleyball ang itinuturing na paboritong sports ng mga mag-aaral ng Vinzons Pilot High School (VPHS). Hindi na nakapagtataka na ang paaralang ito ang tagapagdala ng karangalan ng Team Camarines Norte sa Palarong Bicol. Sa ilalim ng mahusay na paggabay nina Coach Pearly Labrador at Tournament Manager Rhande Ted, patuloy na nangingibabaw ang galing ng mga atletang Vinzonian sa volleyball, hindi lamang sa rehiyonal na antas kundi pati na rin sa pambansang tagisan.
Isa sa pinakamagandang halimbawa ng tagumpay na nagmula sa VPHS ay si Jovy Prado, isang propesyonal na manlalaro ng volleyball na kasalukuyang naglalaro bilang Outside Hitter para sa PLDT High Speed Hitters sa Premier Volleyball League (PVL).
ANG SIMULA NG TAGUMPAY
Ipinanganak noong Hulyo 30, 1996, si Jovy Prado ay unang nakilala bilang bahagi ng Arellano Lady Chiefs sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).
Dito, agad siyang naging tanyag bilang isang mahusay na Outside Hitter. Sa Season 92 ng NCAA noong 2017, pinarangalan siya bilang “2nd Best Outside Spiker” at Finals’ Most Valuable Player,” habang tinulungan ang Arellano Lady Chiefs na makuha ang kampeonato. Hindi nagtagal, lumipat siya sa Professional Volleyball League (PVL), kung saan nagsimula ang kanyang propesyonal na karera. Sa parehong taon, naging bahagi siya ng United Volleyball Club sa Philippine Superliga at naging kapitan ng Power Smashers sa PVL.
PAG-USBONG NG PANGARAP
Habang patuloy na sumasabak sa iba’t ibang torneo, lalo pang nahasa ang dedikasyon at husay ni Prado.
Sinong mag-aakala na ang isang ‘very demure’ at ‘very mindful’ na dating magaaral ng Vinzons Pilot High School na si Annie Lou Parungao ay maguuwi ng gintong medal para sa bansa sa larangan ng Mixed Martial Arts (MMA).
Minsan, ang mga simpleng desisyon sa buhay ang nagiging simula ng mga di-inaasahang tagumpay. Para kay Annie, nagsimula ang lahat nang mag-enroll siya sa isang Brazilian Jiu-Jitsu (BJJ) self-defense class Sa simula, ang layunin lamang niya ay manatiling aktibo at matutong ipagtanggol ang sarili, ngunit hindi nagtagal ay nahulog ang kanyang loob sa isport. Ilang buwan matapos magsimula ng pagsasanay, sumabak siya sa unang kompetisyon niya sa BJJ. Dito niya natuklasan na kaya niyang makipagsabayan at magtagumpay basta’t magpupursige siya. “Doon ko naisip na hindi lang ito simpleng libangan. May potensyal ako,” aniya.
ANG BUHAY NG ISANG MANDIRIGMA
Mula noon, naging bahagi na ng araw-araw na buhay niya ang pag-eensayo. Isinabay niya ang matinding training sa kanyang trabaho, at regular siyang lumalahok sa mga kumpetisyon. Masuwerte siya na naging bahagi ng Deftac Marikina, ang pinakamahusay na chapter ng Deftac sa loob ng limang taon. Malaki ang naging papel ni Coach Lester sa paghubog ng kanyang kakayahan, hindi lang sa grappling kundi pati na rin sa striking. Dahil dito, isinama niya sa kanyang regimen ang Boxing at Muay Thai.
Hindi nagtagal, sinubukan niyang sumabak sa isang amateur MMA event na inorganisa ng kanilang grupo. “Gusto ko lang subukan, para sa experience,” saad ni Annie. Ngunit higit pa sa inaasahan, nakuha niya ang gintong medalya matapos ang dalawang mahigpit na laban. Ang tagumpay na iyon ang lalo pang nagpaalab sa kanyang pagmamahal sa mixed martial arts.
PANDAIGDIGANG ENTABLADO
Matapos ang pandemya, nakatanggap siya ng imbitasyon na sumali sa Philippine Grappling National Team, kung saan nagkaroon siya ng pagkakataon na iangat ang pangalan ng bansa sa mga internasyonal na kompetisyon. Hindi nagtagal, naging bahagi rin siya ng Philippine MMA Team. Isa sa mga pinakatampok na yugto ng kanyang karera ang pagsabak sa Phnom Penh, Cambodia, para sa 2nd Asian Mixed Martial Arts Championship Tampok sa naturang paligsahan ang 233 atleta mula sa 18 bansa kabilang na ang Cambodia, Philipines, Singapore, China, Hong Kong, Chinese Taipei, Macau, Bahrain, at Saudi Arabia. Pinaluhod ni Annie Lou ang Korean na si Bo Mi Lee sa Women’s 54-kilogram ng modern MMA sa loob lang ng mahigit isang minuto ng unang round upang masungkit ang gintong medalya.
“Nakaka-overwhelm yung experience ko kasi first time ko ding lumaban ng MMA international Yung nalalaruan ko grappling puro submission wala namang suntok suntok, sobrang big adjustment tapos lang din,” kwento ni Parungao.
PASASALAMAT AT INSPIRASYON Sa bawat tagumpay, hindi nalilimutan ni Annie ang mga taong nasa likod ng kanyang pag-angat.
“Hindi ko mararating ito kung wala ang tiwala at suporta nila - si Coach Lester, ang Deftac Marikina, ang aking pamilya, at lahat ng naniwala sa akin,” aniya.
Ang kanyang kwento ay isang patunay na sa sipag at tiyaga, walang imposible. Para kay Annie, sa simula, simpleng pangarap lang ang maging mas malakas at handa. Ngayon, isa na siyang atleta na may dalang pangalan ng bansa.
Noong 2018, pinangunahan niya ang Tacloban Fighting Warays bilang kapitan sa PVL Reinforced at Open Conference. Sa mga sumunod na taon, naging bahagi siya ng Petro Gazz Angels, kung saan tinulungan niyang manalo ang koponan sa PVL Reinforced Conference noong 2019. Sa parehong taon, nakuha rin nila ang pilak na medalya sa PVL Open Conference.
Pagdating ng 2021, sumali si Prado sa Sta. Lucia Lady Realtors bago siya tuluyang lumipat sa PLDT High Speed Hitters noong 2022. Sa bawat laban, ipinamalas niya ang kanyang kahusayan, dala-dala ang karangalan ng kanyang bayan at paaralan.
INSPIRASYON NG KABATAAN
Sa kabila ng mga tagumpay sa propesyonal na mundo, nananatiling nakatapak sa lupa si Prado. Hindi niya nalimutan ang kanyang pinagmulan at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga kabataang Vinzonian na nangangarap makapasok sa propesyonal na liga.
“Disiplina, tiyaga, at determinasyon ang susi para marating ang iyong mga pangarap,” aniya. Para kay Prado, ang bawat spike at wallop ay hindi lamang laro kundi simbolo ng pagsusumikap at pagmamahal sa isport.

na Pampaaralan at Pampamayanang Pahayagan
Mambas
ni ATHAN ZYKRX E. TEVES
Sumandig sa kanilang asintadong three-pointers ang Pink Mambas Hoopsters upang selyuhan ang kampeonato ng Basketball Boys Bracket B Tournament kaugnay ng isinagawang Intramurals Meet ng Vinzons Pilot High School, 47 – 34.
Bigo ang Orange Orcas
Dribblers na patahimikin ang shooters ng Mambas sa kabuuan ng laban sa Vinzons Town Kiosk noong ika-22 ng Nobyembre, dahilan upang tuluyang isuko ang gintong medalya.
Bumida ang three-point specialist ng Hoopster na si Adrian David na kumayod ng kabuuang 17 puntos mula sa mainit na 7/10 shooting kasama ang tatlong crucial na assists sa fourth quarter.
“Gustong gusto ko lang talaga maglaro” ani ni Adrian Cajan David ng Pink Mambas
matapos tuluyang gapiin ang dribblers
Ginulat ng maagang
8 – 0 run ng Mambas ang Orcas sa pasimula ng laro na pinangunahan ni David matapos ipuslit ang kanyang uncontested lay-up at dalawang kalkuladong attempts sa rainbow territory
Pilit namang tinibag ng power center ng Orcas na si Jazmier Delos Santos ang interior defense ng Mambas matapos pwersadong isalaksak sa ring ang isang undegoal stub at makasungkit ng foul, dahilan upang matapyas ang kalamangan ng Orcas, 18 – 9.
Isang pamatay-sunog na three-point shot ang pinakawalan ng Mambas
matapos ilatag ng dribblers ang 6 – 0 blitz sa 2:15 mark ng second quarter Mahigpit na depensa ng Orcas ang bumulaga sa pasimula ng third quarter na bahagyang nagpa tahimik sa outside shooting ng Hoopsters Mapait na 0/7 field-goal shooting ang nagpahina sa atake ng Mambas ngunit bumigay din ang Orcas sa dulong bahagi ng third quarter dahil sa foul trouble, 37 – 28.
Back-to-back lay-up mula sa pulidong fastbreak plays ang agad na ibinida ng dribblers sa final period upang ibaba ang kalamangan ng Hoopsters sa lima, 37 – 32. Agad namang binura ng Mambas ang momentum ng Orcas matapos matagumpay na puntiryahin ni David ang isang pivotal assist sa fastbreak at libreng maibuslo ni Lester Tanierla ang lay-up, 39 – 32. Bigo ang Orcas na muling ibaba ang kalamangan matapos itarak ni David ang kanyang huling three-point shot sa kabuuan ng laro at tuluyang pangunahan ang Mambas na makamit ang kampeonato at gintong medalya, 47 – 34.


TUSONG HARI. Prince Gerome Bolanos ng VPHS Grade 12 Mambas sa unti-unti niyang pagsagawa ng kaniyang mga plinano para sa kampeonato ng chess sa intramurals, ika-22 ng Nobyembre, taong 2024. Kuha ni REYNIER ANTHONY C. FRANCIA
Pink Mambas Woodpusher naghari sa Chess Board
ni REECE LEANDER A. MALABAG
Mabagsik na dinomina ng Grade 12 Pink Mambas na
si Prince Gerome Bolanos ang Vinzons Pilot High School Intramurals Boys Chess Championship Match matapos ibandera ang 5-0 sweep kontra sa ibang grade levels noong ika-22 ng Nobyembre, 2024.
Isang flawless na 5-0 sweep ang matagumpay na ibinandera ni Bolanos sa kabuuan ng tournament upang angkinin ang titulo.
Sa final match, ginamit ni Bolanos ang isang matikas na fork tactic upang tuluyang pabagsakin ang depensa ni Ibasco, na nagbigay sa kanya ng tiyak na kampeonato.
“Sinubukan ko pong gamitin ang Queen’s Gambit, pero hindi ko inaasahan ang sagot niya na Albin-Counter Gambit at King’s Indian Defense kaya napunta kami sa endgame,” ani ni Bolanos, na naghayag ng paggalang sa kakayahan ng kalaban sa kabila ng kanyang tagumpay.
Ang laro ay nagsimula sa Queen’s Gambit opening ni Bolanos, na sinagot ng Albin Counter-Gambit ni Ibasco, isang agresibong taktika na nagresulta sa maagang tensyon sa gitna ng board
Sa midgame, pinalakas ni Bolanos ang kanyang posisyon nang maagaw niya ang knight ni Ibasco, na nagdulot ng pagkasira sa depensa ng kalaban.
Bagama’t nagkaroon ng momentum si Ibasco sa pamamagitan ng isang matalinong rook to C3 move, na nagdulot ng check at napilitang umatras si Bolanos sa A1, hindi ito nagpatinag sa Grade 12 player
Bumida si Bolanos ng isang critical positional move nang ipwesto niya ang kanyang rook sa B6 sa ika-21 move, na nagbigay sa kanya ng dominant attacking position na tuluyang nagpabagsak sa estratehiya ng kalaban. Ang laban ay natapos nang gamitin ni Bolanos ang isang decisive fork tactic, dahilang upang epektibong maparalisa ang rook at queen ni Ibasco. Taglay ang momentum, sinelyuhan ni Bolanos ang laro gamit ang isang maingat na checkmate sequence












Malabag 2 4 1 1 3 5 2 4 3

Espino Earl Baccay

Yellow Tigers inangkin ang Dance Floor; Kampeon sa
ni REECE LEANDER A. MALABAG
Muling pinatunayan ng Grade 9 Yellow Tigers ang kanilang lakas sa larangan ng dancesport ang makapigil-hiningang pagtatanghal nina Ian Gabriel Guinto at Samantha Venisse Ruales sa Latin Dance Category ng Vinzons Pilot High School Intramurals noong ika-23 ng Nobyembre, 2024..
Ang Guinto-Ruales power duo ay nagningning sa dance floor, at sa bawat footwork at figure, pinakita nila ang malinis na synchronization at teknikal na pagganap na umakit sa mga hurado at manonood. Nagpasiklab agad ang tandem sa kanilang pambungad na sayaw, ang Samba, kung saan ipinamalas nila ang malalambot at kontroladong whisk na sinamahan ng mabilisang botafogos” upang makuha ang unang impresyon ng mga hurado.
Sa Cha-Cha-Cha, hindi rin nagpahuli ang Guinto-Ruales duo Ang kanilang swabeng spot turns na sinamahan ng mga new yorker ang nagbigay ng modernong flair sa kanilang routine, dahilan upang manatili silang front-runner sa kompetisyon.
Ang Rumba, tinaguriang sayaw ng pag-ibig, ay naging pagkakataon ng duo upang ipamalas ang kanilang husay sa cuban motion at emosyonal na interpretasyon. Ang bawat underarm turn at spiral ay puno ng damdamin, na lalo pang nagpaangat sa kanilang performance
Sa kanilang final dance, ang Jive, pinainit nang duo ang dance floor gamit ang makabago ngunit teknikal na chicken walks at kick-ball change na puno ng enerhiya. Ang kanilang syncopated rhythm ay nagbigay ng upbeat na pagtatapos sa kanilang routine Hindi rin nagpahuli si Guinto at Ruales sa kanilang Derby Round, kung saan muling pinatunayan
ng Yellow Tigers na sila ang nangunguna sa Latin category dahilan upang tuluyang maselyuhan ang gintong medalya.
Samantala, bagamat hindi nasungkit ang unang pwesto, nag-uwi pa rin ng bronze medal ang teammates nina Guinto at Ruales, na sina Drin Daniel Castillo at Glyanne Magaña, sa Standard Dance Category. Ipinakita nila ang kanilang kahusayan sa waltz at tango, ngunit kinapos sa quickstep upang isuko ang gintong medalya.


NIÑO DE TIRADOR. Dexter Convencido ng VPHS Grade 8 Dragons, nagpapakitang gilas sa mga asintadong tirada sa larong bilyar para sa intramurals, ika-22 ng Nobyembre, taong 2024. Kuha ni MARK DANIEL P. AREVALO

Red Dragons Shotmaker inungusan ang Blue Eagles Cueist, bumida sa Intramurals Men’s 9-Ball Billiard Tournament
ni MARC LAWRENCE E. SUSANO

Sumargo ng tagumpay ang Red Dragon rising star na si Dexter “The Pocket Sniper” Convencido laban sa Blue Eagle Cuist na si Jarence “The Cue Master” Bayani matapos asintahin ang gintong medalya sa kanilang best of 9 Championship
Match kaugnay ng VPHS Intramurals 2024.
Bumira ng impresibong back-to-back na perfect racks ang Pocket Sniper na si Convencido upang selyuhan ang tagumpay at tuluyang ipuslit ang tiket papunta sa District Meet Kalkuladong placing at swabeng long shots ang ipinamalas ng bagitong si Convencido. Pinakita niya ang kanyang husay nang magtala ng dalawang sunod na perpektong run, kabilang na ang 5-0 ball run sa unang rack, na nagsilbing panimula ng kanyang dominasyon.

“Sulit po ang pag-ensayo ko tuwing gabi, masayang masaya po ako na naiuwi ko ang gintong medalya. Higit na maghahanda po ako sa susunod ko na laban sa district meet,” saad ng na si Convencido. Agad na ipinamalas ni Convencido ang kanyang pocketing skill sa unang rack pa lamang clean run finish matapos magmintis si 4-ball, 1-0. Nagawaing itabla ni Bayani ang laban matapos sungkitin ang ikalawang rack bunsod ng tatlong foul shot calls kontra kay Convencido, 1-1. Taglay ang momentum, inangkin ni Bayani ang third
at fourth rack matapos magpakitang-gilas bilang isang Lag Specialist. Ginamit niya ang kanyang solidong break shot upang maipasok ang 9-ball sa third rack habang isang impresibong 6 to 9 ball combination ang kanyang inasinta sa fourth rack Hindi nagpatinag si Convencido at ipinakita ang kanyang shotmaking prowess sa ikalima at ika-anim na racks. Nagtala siya ng dalawang perfect runs, pinasok ang lag balls na 6, 4, at 5, at naitabla ang laban sa 3-3. Pagdating sa seventh rack, nagkaroon ng missed opportunity si Convencido sa kanyang break shot, na agad na sinamantala ni Bayani, na nagtala ng perfect run, upang makuha ang 4-3 lead
Isang mintis sa 5-ball patungo sa corner pocket ang sumira sa diskarte ni Bayani upang itakas ang gintong medalya at nagbigay daan kay Convencido na itabla ang laro, 4 – 4. Sa huling rack, nagpakawala ng isang malakas na break shot si Convencido ngunit walang bola na pumasok. Bagamat hindi nakapagtala ng paborableng break, nagpakita naman ng long shot accuracy, kiss combination at lakas ng kanyang mental game ang Grade 8 shotmaker upang mapasakamay ang huling run-out, 5 – 4.
HAGUPIT NG MITHIING UMAALAB.
Reece Leander Malabag, ikalabindalawang
baitang na mag-aaral
ng Vinzons Pilot High School sa isang kickboxing match ng War Fighting Championship sa Jose Panganiban, Camarines Norte, ikatlo ng Oktubre, taong 2024. Mula sa WARRIORS MMA ACADEMY



ni JUAREN V. ODI
Mabagsik na dinomina ng Vinzons Pilot High School student na si Reece Malabag si Reynier Berjuega upang hablutin ang Flyweight Kickboxing Championship Belt sa War Fighting Championship 5 na ginanap sa Jose Panganiban Sports Complex noong ika-3 ng Oktubre, 2024.
Pinadama ni Malabag ang sakit ng pagkatalo kay Berjuega via unanimous decision, gamit ang mabangis na suntok at asintadong sipa. Ipinamalas ni Malabag ang kanyang tactical skills pamamagitan ng counterattacks sa agresibong estilo ni Berjuega, na nagbigay daan para makuha ang panalo sa championship bout
“Matinding pagsasanay po ang pinagdaanan ko bago ko makamtan ito. Nakinig po ako sa lahat ng payo ni coach William, malaking tulong po ito sa aking tagumpay,” pahayag ni Malabag pagkatapos ng matinding labanan.
Pagsimla ng unang round, mainit na binati ni Berjuega si Malabag ng solidong spinning backfist punch matapos mag-touch gloves, na agad sinuklian ng solidong roundhouse, straight, uppercut combination ni Malabag.
Sa huling bahagi ng unang round, sinabayan ni Malabag ng
Umangkla sa angking bilis, lakas, tatag at liksi ang mga atleta ng Grade 11 Orcas upang maghari sa Athletic events taunang VPHS Intramurals ni JOHN
Matagumpay na naibulsa ng ng Orange Orcas ang kampeonato matapos na tuldukan ang paghahari ng Grade 10 Blue Eagles sa running, jumps at throwing events Humakot ng kabuuang 15 medalya ang Orange Orcas kabilang na ang limang ginto, limang pilak, at limang tanso, mula sa 100dash, 200-meter dash, 400-meter dash, run, 1500-meter run, shot-put, long jump discus throw.
“Ang gintong medalya na aking naiuwi sa larangan ng long jump ay hindi lamang para sa aking sarili, masaya ako dahil isa ako sa nag bigay ng gintong medalya sa Grade 11 Orange Orcas pahayag ni Adrian Morada matapos ang tatlong
kargadong head kick si Berjuega, na nagresulta sa isang standing 8-count para kay Reynier.
Matapos nito, pinahirapan ni Malabag si Berjuega gamit ang mapaminsalang leg kick na nagdulot ng pagkahulog ni Berjuega sa octagon sa huling bahagi ng 2nd round
Nagpatuloy ang pagdomina ni Malabag sa 2nd round, kung saan ipinasok ni Malabag ang isang feint roundhouse, na sinundan ng spinning heel kick sa ulo na muling nagbigay kay Berjuega ng standing 8-count matapos ang isang maanghang na leg kick ni Malabag.
Pagsapit ng 3rd round
ipinamalas ni Malabag ang kanyang mahusay na footwork at pinili nang mag-play safe matapos makalamang sa unang dalawang round
Hindi na nakabawi pa si Berjuega, at sa huli, tuluyan nang napasakamay ni Malabag ang Flyweight Kickboxing Championship Belt via unanimous decision
“Matinding pagsasanay po ang pinagdaanan ko bago ko makamit ito.
Nakinig po ako sa lahat ng payo ng aming kru/coach William, malaking tulong po ito sa aking pagkapanalo.
Reece Leander Malabag, 18, Kickboxer

Green Stallion paddler nagningning sa Mens Table Tennis Final Selection ni JHAZ ELLA REI D. BOMBASE
Mapait na tinuldukan ng Grade 7 Green Stallion paddler na si Jose Antonio Garcia ang maigting na pag-asa ni Donald Jay Gibaga matapos sikwatin ang huling pwesto sa Lineup ng Men’s Table Tennis Team na sasabak sa District Meet ngayong taon.
na si Art Dyllan Cuarez

Matagumpay na naiuwi sa bisa ng
ng labing-limang (15) , hindi nagpahuli ang dalawa (2) medalya ng


Mambas Spikers tinibag ang Orange Orcas Netters, kampeon muli sa Men’s Volleyball

cross-court hits na kontra sa depensa ng upang hablutin ang kampeonato at Volleyball , 25-19, 25-

ang pinangunahan ni Sanites back row ang tumapos , 25 – 19. Nagpatuloy ang lakas Pink Mambas second set, 25 momentum mula sa unang dalawang set nagpatuloy na namayagpag third frame sa pangunguna ni Malig-on na nagpakawala ng apat na sunod-sunod na down-theupang iposte ang 7-4
Nagsumite ng crucial unforced errors ang Pink , kaya’t nakadikit sa laban, 11-11 at tuluyang painitin ang kanilang opensa at magtagumpay sa set,
Nagpakitang gilas si Garcia matapos ibandera ang 21-11, 21-15 na pananalasa sa huling laro ng Selection Round noong ika-22 ng Nobyembre sa VPHS Covered Court
Asintadong forehand drives ang naging puhunan ng bagitong paddler upang iparada ang mainit na 6 – 0 finishing salvo na kanyang tinapos sa bisa ng isang swabeng smash
Pinilay ng 12 crosscourt winners ni Garcia ang depensa ni Gibaga, walo dito ay naitala sa unang set
“Akala ko ay matatalo ako sa selection match Malakas kasi pumalo si Gibaga at kargado rin ang kanyang serve”, ito ang pahayag ni Garcia matapos ang laro.
Agad na ginulat ng kargadong backhand serves ni Garcia ang malamyang depensa ni Gibaga sa unang frame dahilan upang maagang ipuslit ang 5 – 0 opening strike
Bumawi si Gibaga matapos humataw ng tatlong forehand loops na nakasungkit ng tatlo ring magkakasunod na sablay ni Garcia sa kanyang drop-shot
attempts, 10-5. Hindi nagpatinag si Garcia at pilit na sinabayan ang malalakas na palo ni Gibaga at tuluyang angkinin ang unang set 21 – 11. Pinuntirya ni Gibaga ang backhand side ni Garcia ng kanyang mga solid na drives habang kalkuladong counter loops naman ang sagot ni Garcia na nagresulta sa dikit na laban sa pasimula ng second set, 8 – 8. Ginapang ni Garcia na muling angkinin ang momentum gamit ang kanyang maanghang na counter attacks subalit hindi nagpatinag si Gibaga na pilit kumawala matapos kumayod ng tatlong asintadong forehand smash, 12 – 10. Hinablot ni Garcia ang momentum kay Gibaga sa bisa ng back-to-back na drop shots na sinundan ng tatlong crosscourt winners upang iposte ang 15-15 deadlock Taglay ang init ng momentum, tuluyan nang sinelyuhan ni Garcia ang panalo habang bigo si Gibaga na rumesbak at humirit ng isa pang offensive run at paabutin ang laro sa deciding set
Orcas Shuttler nangibabaw, kampeonato naibulsa
ni KEN XAVIER JIMENEZ
Asintadong power hits at kalkuladong drop shots ang naging sandigan ni Justin Kim Alviar ng Orange Orcas kontra sa nagpupumilit na si Rheynver Millar ng Blue Eagles upang angkinin ang gintong medalya sa Men’s Badminton Singles Championship match noong nakaraang Intramurals Meet, 21 – 12, 21 – 15.
sa kaniyang matataas na talon upang makakuha ng puntos sa larong volleyball para sa intramurals, ika-23 ng Nobyembre, taong 2024. Kuha ni BRYAN MERICO M. RIVERA tumibag sa plano ng ipuslit ang isang come from behind win at palawigin ang sagupaan sa deciding set.
“As the defending champions, mataas ang expectations saamin. And luckily di naman namin sila nabigo.” saad ni Malig-on matapos nilang masungkit ang panalo sa dalawang oras nilang sagupaan.
Tatlong aces at dalawang malupit na cross-court hits ang ibinungad ng Orcas, dahilan upang makamit nila ang 5-9 na kalamangan sa unang bahagi ng laban. Naitabla ng Mambas ang laban sa pamamagitan ng kanilang matibay na depensa at mabilis na quick attacks, 10-10. Isang mainit na 6 – 0 run
Sa deciding set parehong agresibo ang simula ng dalawang koponan, na nagresulta sa walong lead changes. Gayunpaman, nangibabaw ang Mambas sa unang bahagi ng ikatlong set matapos magpakawala ng kargadong serve at humahaginitna crosscourt hits, para sa 12-8 na kalamangan. Nagsumikap ang Orcas sa huling bahagi ng deciding set kung saan nagpakawala si Asotea ng tatlong quick attacks, ngunit nabigo pa rin dahil sa dalawang service errors, na sinundan pa ng isang pamatay-sunog na na off-speed hit ni Sanites, na tuluyang nagparalisa sa opensiba ng Orcas, 25 – 22.
Matagumpay na napigilan ni Alviar ang 4 – 0 surge ni Millar gamit ang kanyang matutulis na cross court whips upang tuluyang selyuhan ang second set at iuwi ang tiket sa Palarong Pandistrito.
Bigo si Millar na makuha ang bentahe sa final stretch ng second set matapos itarak ni Alviar ang back-to-back winners na pinuntirya ang nangangapang backhand side defense nito.
“Naka-focus lang po talaga ako sa laro, pinag-iisipan ang mga sunod na tira, at hindi nagpapakampante sa lamang ko sa kalaban,” sambit ni Alviar matapos tanghaling kampeon.
Matapos makarekober sa maagang 5 – 0 na bentahe ni Millar, mabangis na sinikwat ni Alviar ang momentum upang ibandera ang 9 – 3 rampage Tuluyang pinilay ng solidong atake ni Alviar ang depensa ni Milar at tuluyang mapalawak ang kalamangan, 16 - 9.
Dalawang magkasunod na service errors mula kay Millar ang tumapos sa unang set 21-12. Taglay ang momentum mula sa mainit na opensa sa unang set, agad kumamada ang racket specialist ng Orange Orcas ng isang 4 – 0 run Matapos mabigo si Alviar na tapusin ang 21-shot rally sa, tila nag-iba ang kumpyansa ni Millar at sinabayan ang humahaginit na palo ni Alviar dahilang upang madiskarel ang balak ni Alviar na tapusin ng maaga ang laro. Mula sa 11 – 15 na kalamangan, nagawang itabla sa 15 – 15 ni Millar ang laro matapos gulatin si Alviar ng tatlong magkakasunod na down-the-line hits. Isang sablay na drop shot mula kay Millar ang naging mitsa ng muling pag-init ng opensa ni Alviar, dahilan upang tuluyang maitakas ang kampeonato.

VPHS Intramurals 2024, Pumalo sa Lakas ng Laro ng Lahi at Yell Competition
ni JOSELLE FRANCEZCA B. GATAN
Sa pangunguna ng VPHS Sporting Club at MAPEH Department, matagumpay na hinataw ang laro ng lahi at yell competition sa masiglang pagsimula ng pagbubukas ng taunang Intramurals sa Vinzons Pilot High School
Nagpamalas ang mga guro sa iba’t ibang baitang ng kanilang kakayahang makilahok sa tradisyunal na laro at puno ng kasiyahan sa isa sa tampok na bahagi ng pagbubukas ng intramurals, Laro ng Lahi tulad ng kadang-kadang at sack race Kasabay naman nito ang pag-alingawngaw ng masiklabong pasabog sa Yell Competition simula ika-pito hanggang ika-12 na baitang kung saan ang bawat isa ay bumida ng kanilang pinaghandaang yell na puno ng enerhiya upang iposte ang
tindig ng kanilang koponan. Puno ng sigla at kasiyahan ang bawat hiyaw sa Laro ng Lahi at Yell Competition at siyang nagsimula sa mainit na kerara ng medalya tungong kampeonato at nakatulong rin upang maging mas makulay at masaya ang taunang intramurals
Sa pagtatanghal ng dalawang masiglang aktibidad na ito sa pagbubukas ng VPHS Intramurals 2024, nagmarka ito ng isang masigla at matagumpay na pagbati sa tatlong araw na puno ng isports at kasiyahan.
Masiglang nagpasiklab ang mga manlalaro sa ikapito hanggang ika-12 na baitang sa iba’t ibang larong pampalakasan upang mauwi nag kampeonato at selyuhan ang tiket sa Palarong Pandistrito sa ginanap na taunang VPHS Intramurals noong ika-21 hanggang ika-23 ng Nobyembre, 2024 sa Vinzons Pilot High School.
Matapos magtala ng 12 gintong medalya nanguna ang Grade 7 Green Stallions matapos tanghaling kampeon sa Bracket A samantalang imukit naman ng 19 gintong medalya ang Grade 11 Orange Orcas upang magdomina sa Bracket B at kinoronahan bilang kampeon sa loob ng tatlong araw ng tagisan ng lakas, liksi at galing.
Ginulantang ng Green Stallions ang Bracket A nang hindi nagpatinag at hindi naging hadlang ang edad nang humakot ng 12 na ginto, pitong (7) pilak, at limang (5) tanso upang hablutin ang kampeonato kontra sa Tigers
Karamihan ng medalya ng Stallions ay nagmula sa sports events Lawn Tennis, Table Tennis, Billiards, Badminton, Arnis at Futsal saan sila ay tinaghal na kampeon.
Samantala, dumagungdong naman ang Grade 11 Orange Orcas sa Bracket B matapos ibulsa ang pinakamaraming medalya sa intramurals na may kabuuang 45, mula sa Athletics, Futsal, Basketball, Badminton, at parehong korona ng Mr. and Ms. Intramurals tanghaling kampeon.
Dinismaya ng Green Stallions
Opisyal na Pampaaralan at Pampamayanang
Pahayagan ng Mataas na Paaralang Panaguyod ng Vinzons Sangay ng Camarines Norte | Rehiyon V - Bicol | Tomo 02 - Isyu 01. | Hulyo 2024 - Abril 2025
Orange Orcas
Booters diniskaril ang Pink Mambas
Strikers, kampeon sa Intramurals
Men’s Football Tournament
ni MARC LAWRENCE SUSANO




sunod na panalo sa Bracket A umarangkada ang Orange Orcas sa talaan mula sa ikalawang pwestong pagtatapos noong nakaraang

PALONG-PALONG PANALO. Pumapalo
MAPEH Department, G. Ferdinand B. Lamadrid, ang mga nagkamit ng ginto at mga napiling atleta ng kanya-kanyang tagapagsanay sa iba’t ibang sports events na hindi lalagpas 17 taong gulang maliban mass demonstration, yell at Mr. and Ms. ang kakatawan sa Vinzons Pilot High School sa darating na Palarong
Hindi masukat ang aking galak at saya dahil sa pagiging kampeon ng Grade 11 Orange Orcas at nagpapasalamat ako sa mga players, coaches, at teachers ng grade 11 dahil nagkaisa ang lahat simula sa pagpapaplano hanggang sa aktuwal na paligsahan sa 3 araw na Intramurals, sa huli, tunay na susi sa lahat ng tagumpay ang pagkakaisa at pagtutulungan ng isang grupo,” sambit ng Year Level Chairman ng Orange Orcas, Juden Tributo matapos ang tatlong araw na paligsahan.
SIPA NG KAPALARAN. Raul Zenarosa ng Grade 11 Orcas sa kaniyang mabalasik na sipa sa Championship ng football sa Vinzons Pilot High School Intramurals, ika-22 ng Nobyembre, taong 2024 Kuha ni JOSSAINE ELISHA G. GASIS

second-quarter play ng Striker Duo ng Orcas na sina Roger Necesario at Raul Zenarosa na siyang labis na nagpahirap sa depensa ng Strikers
Pinangunahan ito ng Palarong Bicol Veteran na si Roger Necesario matapos bumira ng dalawang magkasunod na goals, kaakibat ang team captain na si Raul Zenarosa na siya namang nagtala ng opening goal kasama ang dalawang assists “Masayang masaya po ako dahil naiapasok ko yung mga tira ko kanina, nakatulong din po yung experience ko last year sa Palarong Bicol, dahil po dito makakapasok ulit ako sa District Meet, saad ng Palarong Bicol Veteran na si Roger Necesario. Agresibo ang naging simula ng laban, ngunit isang maagang red card ang naibigay sa star midfielder ng Orcas na si Rey Vincent Poquinto matapos ang isang hindi maingat na tackle Dahil sa red card, naging kalmado ang laro

Pagpasok ng second half, sinimulan ng Orcas ang kanilang pag-arangkada, limang minuto matapos ang halftime, isang dumagundong ang goal ni Zenarosa ang gumulat sa Strikers mula sa isang malinis na passing play Dala ang momentum patuloy na namapaygapag ang Orcas hanggang sa paganahin ni Zenarosa ang kanilang striker na si Necesario gamit ang isang tactical through pass upang palawigin ang kanilang kalamangan sa dalawang goals, 2-0. Habang papalapit ang pagtatapos ng laban, hindi pa rin bumitaw ang Orcas, isang malupit na outside-the-box goal mula kay Necesario ang tuluyang nagtulak sa depensa ng Pink Mambas sa kanilang limitasyon, itinatak ang final score, 3-0.
“Hanga ako sa ipinakitang talento ng mga nagtry-out ngayong taon. Nakita ko ang kanilang improvement at disiplina, lalo na sa critical na bahagi ng laro,” ani Coach Reynaldo Fontanilla. Dagdag pa niya, ang laban na ito ay sumasalamin sa dedikasyon ng buong team, na nag-ensayo nang husto para sa Intramurals











