Skip to main content

Ang Paham Tomo XI, Blg. 01

Page 1

paham ang

LIPUNAN

Papel ng Katotohanan. Tinta ng Katapatan.

TOMO XI | BLG. 01 Agosto 2023 - Hunyo 2024 Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LAS PIÑAS Dibisyon ng Las Piñas, NCR

Banta sa kabuhayan dulot ng Manila Bay Reclamation pinangangambahan ng mga mananahong ng Bernabe JAMES CAPONPON, JEROME CAPONPON, AT LEORISSE STO. TOMAS

Ang dagat ay para sa isda, hindi para sa mga building.”

PAARALAN ‘Libreng Wi-Fi’ sa LPSci, tulay sa pagpapaigting ng digitalization ABBY SOLSONA AT TRISHA JERAFUSCO

G

inhawa kung ituring ng mga mag-aaral at guro ang pagkakaloob ng H Philippines Control Station Incorporation (HPCS Inc.) ng 26 na Wireless Local Area Network Device (WLAN) sa Las Piñas City National Science High School nitong buwan.

Ito ang bwelta ni Aling Nene (tumangging magpakilala), isang mananahong sa Bernabe Market Las Piñas, kasunod ng naiulat na pagpapatuloy sa reklamasyon ng Manila Bay nitong Marso.

Kaugnay ito ng pagbibigay ng go signal ni Philippine Reclamation Authority Assistant General Manager for Reclamation and Regulation Joseph Literal sa 90-hectare reclamation project sa Bacoor, Cavite at 30-hectare naman na reklamasyon sa Philippine Fisheries Development Authority sa Navotas. Bagamat mariing

“Huwag nang magtambak kasi kawawa naman ang mga mangingisda at residente,” giit ni Aling Nene. PAGKITIL SA KABUHAYAN Ayon kay Aling Nene, ngayon pa lamang ay dama na nila ang epekto ng pagtatambak ng lupa sa kahabaan ng Manila Bay. Kabilang dito ang pagtumal ng ani ng tahong, pagtaas ng presyo ng benta, at pag-atras ng ilang mga mananahong sa Bernabe. “Magugutom ang mga mananahong, mawawala na ang kabuhayan,” ani Aling Nene. Lubhang naharangan umano kasi ng naturang reclamation project ang agos mula sa mga katubigan ng Malabon at Navotas na dating

ng Las Piñas - Pulanglupa Uno (TUMALAS) Vice President Danilo Perez. Sinegundahan naman ito ng mga mananahong na itinuturo itong dahilan sa bahagyang pagsadsad sa bilang ng mga tindero ng tahong. “Tumumal lang ang bagsak ng suplay ng tahong, kaya may mga nawalan ng interes na magtinda,” hayag pa ni Aling Nene. AKSYON NG SAMAHAN Langgam kung maihambing ni TUMALAS VP Perez ang kanilang samahan kumpara sa mga pribadong institusyon na aniya’y dragon. Makailang beses na umanong nagtangka ang TUMALAS - Pulanglupa Uno na ipatigil ang isinasagawang reclamation project. Gayunpaman, paulit-ulit lamang din umano na

Matapos ang ilang taong paghihintay, magkakaroon na ng libreng internet access ang mga Lapisyano sa pamamagitan ng kolaborasyon ng Barangay Talon Dos na pinamumunuan ni Punong Brgy. Arnold “Jojo” Reyes at ng HPCS Inc. Layon nitong maisulong ang mas mataas na kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng teknolohiya ng DepEd Computerization Program Packages na ipinagkaloob nila sa paaralan. “Nakakatuwa, kasi I know na [usually] most students [ay] humihingi pa ng extra allowance just for data. So, kung sa bahay man hindi sila makagagawa, at least dito sa school, ‘pag may time sila, pwede sila gumawa,” pagmamalaki ni Yanni Trinidad, mag-aaral mula sa ika-11 baitang. Para naman sa mga kaguruan, oportunidad anila ang inisyatibong ito upang maging mas interaktibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral, kasabay ng pag-usbong ng mga makabagong “learning modalities.” “Ngayon, pwede na kaming magpapanood [diretso] sa YouTube or ‘yung mga educational websites na mas maa-appreciate at mas mareretain ngayon sa memory ng bata, kasi more on visual na sila eh,” saad ni Gng. Mary Grace Uminga, guro sa ICT ng paaralan. Mahigit 903 estudyante at 71 guro ang makikinabang sa Wi-Fi installation na ito, na siyang magsisilbing tulong sa pagpapaigting ng Online Resource Integrated Learning System, alinsunod sa DepEd Digital Education 2028 National Program.

napapako ang pangako sa kanilang ayuda at pakikiisa.

kinokondena ng mga mananahong at mangingisda ang naturang proyekto dahil sa masasamang dulot nito, hindi umano nila ito mapigilan dahil “gobyerno na ang kanilang kalaban.” Hindi rin umano nakatanggap ng kahit anong anyo ng tulong ang mga apektadong residente at maglalako mula sa gobyerno sa kabila ng matagal na nilang dinadaing na epekto nito sa kanilang kabuhayan at kalikasan.

ALAB NG ALAALA Pulang Bahid sa Laso na Dilaw

nagdadala ng mga semilya sa mga tahong.

“[Kung minsan], sa gabi naman sila nagooperate upang hindi makita [at walang makapigil sa kanila],” dagdag pa ni Aling Nene. ipagpatuloy sa pahina 2

Dagan ng huwad na kalupaan

108

30-50

Likha ni Denise De Vera

“Wala nang kapit ngayon ang mga tahong. Kung dati tila kamias ito na namumutiktik, ngayon ay wala na… walang kapit,” daing ni Tulungan ng mga Mangingisda

BANTAY NUMERO mangingisda ang maapektuhan

10 “ 15 20

TAMPOK SA ANG PAHAM

“Pumunta ang mga samahan ng mangingisda ng Las Piñas, Cavite sa DENR at ahensya sa Quezon City. Doon kami nagwelga. Tapos kunwari pinatitigil pero wala ring nangyari,” paglalahad ni Perez.

GALON NG TAHONG ang naani ng mga mananahong bawat araw mula sa dating 200 galon bago ang reklamasyon sa Manila Bay noong 2020

Sa gitna ng patuloy na operasyon ng reklamasyon sa Manila Bay, matinding pag-aray ang umaalingawngaw sa bawat bira ng mga mangingisda at mananahong sa Bernabe, Pulang Lupa Uno sa lungsod ng Las Piñas. Kahit na matatandaang sinuspinde ng kasalukuyang administrasyon ang mga operasyong pagtatambak ng lupa sa nasabing look, ramdam pa rin ng mga Las Piñero ang nakasusuklam na epekto nito sa kanilang kabuhayan. Saan na lang sila pupulutin kung ang tahanang itinuturing nila ay siyang lugar kung saan maghihikapos din sila dulot ng dagan ng huwad na kalupaan? Basahin ang buong ulat ukol sa hamong kinakaharap ngayon ng mga taga-Bernabe gayundin ang kanilang panawagan.

opinyon | 6

PAARALAN School calendar mas pinaaga ng DepEd

LATHALAIN

Dagdag suporta sa mag-aaral, guro hirit ng SHS Coordinator

INOBASYONG MAPAMINSALA

“Since sa gitna siya ng school year ginawa, hindi kami ganoon ka-prepared for the gradual shift,” giit ng guro.

Pekeng Impormasyon mula sa Makabagong Inobasyon

AGHAM

PAKPAK NG PAG-ASA

Lapiscian figure skater, humakot ng medalya sa Skates Bangkok 2023

ISPORTS

Sana marinig ‘yung feedback ng students; ano pa yung kailangan nila for a smoother implementation ng gradual calendar shift.”

Ito ang mungkahi ni Las Piñas City National Science High School Senior High School Coordinator Marjorie A. Nariz sa isang panayam nitong Martes, kasunod ng pagkasa ng Department of Education sa “dahan-dahang” pagbalik sa lumang academic calendar bilang tugon sa init na nararanasan ng mga estudyante. Bagama’t sang-ayon sa naturang mosyon, humirit ang guro na pagtuunan din ng pansin ang pangangailangan ng mga guro para sa mas maayos na implementasyon ng “biglaang” pagpapaikli sa kasalukuyang taong panuruan.

YSABELLA CAMUS

Ipinunto rin ni Nariz na dapat matugunan ang dati pang mga suliranin sa klasrum tulad ng kakulangan sa probisyon ng mga learning materials upang mas masiguro ang dekalidad na edukasyon kasabay ng pagbabagong ito. “Mas maganda lang kung mai-provide pa rin ‘yung ibang materials na kailangan ng mga estudyante at mga dati pa nating hinihingi. Kasi sa pagsunod, ‘di naman mahirap ‘yun. Ang

kailangan lang is yung iba pa nating needs, maaddress din,” ani Nariz. Gayunpaman, tiniyak pa rin ng tagapag-ugnay na sisiguraduhin nilang maituturo ang lahat ng mahahalagang bahagi ng mga aralin, sa kabila ng pagbabagong ito. “Isa sa mga kailangan kong gawin is I need to speed up (lectures) and focus sa mas importanteng matutunan ng mga students para makasabay sa schedule ng adjustment. Siguro macocompensate lang yung time pero we will make sure na all competencies will be covered pa rin,” saad ni Nariz.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Ang Paham Tomo XI, Blg. 01 by Ang Paham - Issuu