ANG MAHOGANI | TOMO XXX: BLG. 1 | HUNYO 2024 - ENERO 2025
syoner, nito lamang Setyembre 9, 2024. Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatalaga sa mga bagong hirang na komisyoner sa Palasyo ng Malakanyang. Bago ito, nang ika-3 ng parehong buwan ay nanumpaan sa tungkulin si Dr. Agrupis sa Quezon City sa harap ni CHED Chairperson J. Prospero E. De Vera III.
Kasama sa panunumpa sa Malakanyang ay ang ilan din sa mga bagong opisyales ng CHED mula sa sentral at rehiyonal na mga tanggapan, kabilang
Sinabi ni Dr. Agrupis ang kanyang pasasalamat at mithiin bilang komisyoner ng CHED sa kanyang Facebook platform kasunod ng naturang kaganapan.
“Ako ay nasasabik na makipagtulungan sa aking mga kasamahan upang bumuo at magpatupad ng mga patakaran na nagpapahusay sa kalidad ng edukasyon, sumusuporta sa paglago ng institusyon, at bigyang-pansin ang mga umuusbong na pangangailangan ng ating akademikong komunidad.” malugod pa nitong isinaad.
Bilang bagong komisyoner ng CHED ay pangangasiwaan ni Dr. Agrupis ang 22 na State Universities and Colleges (SUCs) sa Northern Luzon, Central at Eastern Visayas, Central at Southern Mindanao, CARAGA, at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Nakatuon ang kanyang pananaw na palakasin ang pamamahala at pagyamanin ang paraan sa pagsusulong ng edukasyon, pananaliksik, at serbisyong publiko sa mga rehiyong ito.
DR. AGRUPIS, CHED KOMISYONER NA!
"Namumulaklak ang Munting Bulak..."
p. 10
- p. 14
"Pagbulalas sa Lagaslas ng Pangarap..." - p. 19
Sinalubong ng Mariano Marcos State University (MMSU) ang ika-47 anibersaryo ng pagka-
syunal na “Diana Around the Town,” na sumisimbolo sa makulay na pagdiriwang ng unibersidad at sinundan ito ng isang misa ng pasasalamat sa Teatro Ilocandia at ang opisyal na pagbubukas ng trade fair at Garden Show sa Innotech Grounds ng MMSU (S&T Park)
Itinatampok ng trade fair at garden show ang makabagong teknolohiyang nalinang ng mga mananaliksik ng MMSU, pati na
rin ang mga produkto mula sa mga pribadong eksibitor mula sa Ilocos Norte at mga karatig na probinsya — kabilang sa mga kategorya ng mga produkto ang mga kasangkapan, handicraft, pagkain, pananim, at makabagong teknolohiya.
Dumalo sa makabuluhang okasyon ang mga opisyal ng MMSU, mga miyembro ng Board of Regents, kabilang na ang dating pangulo ng MMSU at kasalukuyang CHED Commissioner na si Dr. Shirley Agrupis, mga opisyal ng Batac City na pinangungunahan ni Mayor Albert Chua, guro, at mga mag-aaral.
Magpapatuloy ang pagdiriwang sa loob ng isang buwan sa mga aktibidad tulad ng Topnotchers’ Day, cultural presentations, at fellowship night na magbibigay pugay sa tagumpay ng MMSU sa edukasyon, pananaliksik, at serbisyong publiko.
"Nakaw na Kayamanan ng Kaalaman..." - p. 6
"Nasaan ang Solusyon sa Polusyon?..."
Inanunsyo ng Department of Finance sa pamamagitan ng Order No. 074-2024 na ang Lungsod ng Batac ay opisyal na itinaas mula sa pagiging 5th-class city patungong 3rdclass city batay sa pagsusuri ng kita ng lokal na pamahalaan ayon sa mga bagong patakaran ng naturang sangay ng gobyerno.
Ang pagkakaroon ng 3rdclass city status ng Batac ay
Pisang malaking hakbang para sa lungsod, na magbibigay ng mas mataas na antas ng pondo at mga pag-aari na makikinabang ang mga proyekto at serbisyo para sa mga mamamayan sapagkat sa ilalim ng bagong klasipikasyon, inaasahang mas maraming oportunidad para sa kaunlaran at mas madaling pagkolekta ng mga pondo mula sa pambansang gobyerno at iba pang mga ahensya.
Ang tagumpay na ito ay isang malaking patunay ng pagsusumikap at kooperasyon ng mga mamamayan ng Batac at ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Albert D. Chua. Ang kanilang pagtutulungan ay nagbigay-daan upang makamit ang layuning mapataas ang kalidad ng pamumuhay ng mga residente at mapalakas ang lokal na ekonomiya.
RABBIyanihan, isinagawa
inamunuan ng MMSU College of Teacher Education (CTE) ang taunang pagtitipon na ‘RABBIyanihan’ bago magbukas ang akademikong taon sa dalawang kampus ng Mariano Marcos State University Laboratory High School, Laoag at Batac, mula ika-13 hanggang ika-16 ng Agosto, 2024.
Sinasabing nagmula ang RABBIyanihan sa mga salitang “Rabbi” o isang guro, at “Bayanihan” o ang pagdadamayan ng bawat miyembro, kung saan tumutukoy ito sa masikhay at matiyagang paglilinis upang maihanda ang mga silid-aralan, opisina, mga tanggapan, pasilyo, parke, kantina, at mga palikuran para sa paparating na akademikong taon.
Nakipagtulungan ang mga iba't ibang miyembro ng administrasyon, faculty, alumni, retirees, mga mag-aaral, mga nagkusang-loob, gayundin ang mga opisyales ng Barangay 3 Nuestra Señora del Rosario at Barangay 5 San Pedro. Kasama rin ang mga opisyales mula sa Philippine National Police Batac, Coast Guard Ilocos Norte, Bureau of Jail Management and Penology Batac, Department of Public Works and Highways Ilocos Norte 2nd District Engineering Office, Barangays Caunayan and Quilling Sur, Team Batac Riders Association, Inc., Parent-Teacher Association and Alumni Association, at mga miyembro ng Local Government Unit of Batac.
Sa pagbubukas ng programa, nagbigay ang CTE dean na si Dr. Aris Reynold Cajigal ng isang talumpati kung saan nabanggit niya ang mga katagang, “kolektibong dedikasyon sa pagpapahusay ng ating kapaligiran sa pag-aaral.” Binigyang-diin niya dito na ang inisyatibong ito ay sumasalamin sa dedikasyon ng unibersidad sa pagkamit ng makulay at ligtas na kapaligiran para sa populasyon ng CTE.
Macadangdang, itinalaga na bagong pangulo ng SBG
Pormal nang itinalaga bilang bagong pangulo ng Student Body Government para sa akademikong taon 2024-2025 si Milmarie Franj R. Macadangdang, isang magaaral ng 11-STEM, upang magsilbing gaya sa kaniyang mga kapwa mag-aaral at sa buong populasyon ng Mariano Marcos State University Laboratory High School - Batac Campus, Setyembre 2024.
Sa ilalim ng kaniyang naging partido na pinangalanang Marahuyo Partylist, nagkaroon siya ng mga platapormang nanghimok sa madla na siyang resulta ng kaniyang pagkapanalo. Kabilang sa mga naging plataporma nito ay ang pinamagatang Talento ni Stallion, kung saan layunin nitong magbigay ng kapaligirang malaya nang sa gayon ay maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang mga hilig at kakayahan; Lhangen 2: Uniting Batac and Laoag, na nagnanais magpakilala ng pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan sa dalawang kampus ng MMSU, ang Batac at Laoag; gayundin ang plataporma nitong Elekess, kung saan ang inisyatibong ito ay nagsisilbing paraan upang magkaroon ng
oportunidad ang mga magaaral na lumahok at magbigay ng boses sa mga isyung pumapaligid sa MMSU LHS Batac.
Dahil sa mga platapormang inilantag ni Macadangdang, nahikayat ang kaniyang mga kapwa mag-aaral at ngayon, kasalukuyan siyang naninindigan bilang isang pangulo na may layuning magkaroon ng isang organisadong pamamahala sa tulong ng kaniyang mga kasamahan sa Student Body Government.
OrgDay ‘24, ipinagdiwang sa MMSU
Nagdala ng diwa ng kapaskuhan sa Mariano Marcos State University ang mga UN Sustainable Development Goals (SDG) - inspired Christmas Tree at mga parol na binigyang liwanag at ipinakita noong ika-anim ng Disyembre na ginanap sa Ferdinand E. Marcos Park.
Tampok muli ngayong taon ang paggamit ng kawayan bilang pangunahing materyales sa paggawa ng Christmas Tree, na pinalamutian ng mga simbolo ng UN Sustainable Development Goals (SDG) bilang simbolo ng dedikasyon ng unibersidad para sa isang mas maunlad na hinaharap. Pinangunahan ng MMSU
OIC-President na si Prima Fe R. Franco
seremonya ng pag-iilaw.
Ang mga parol na likha ng mga estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo ay sumunod din sa temang ito, kung saan karamihan sa mga materyales ay gawa sa rinesiklo na gamit tulad ng papel, plastik, at takip ng bote.
Binigyang-diin ng MMSU OIC-President ang kasimplehan ng mga dekorasyon na nagpapakita ng tunay na diwa ng kapaskuhan. “Habang binibigyang liwanag natin ang ating Christmas tree, nawa’y magsilbing liwanag din ang mga empleyado at mag-aaral ng MMSU sa kapwa, upang maipakita ang inyong mga mabubuting gawa at luwalhatiin ang Diyos," dagdag pa niya.
Pinarangalan naman ang College of Engineering (COE) at College of Industrial Technology (CIT) bilang nagwagi sa unang pwesto sa kompetisyon ng paggawa ng parol. Nasungkit naman ng College of Teacher Education CTE) at College of Aquatic Sciences and Applied Technology (CASAT) ang ikalawa at ikatlong pwesto.
Pinangunahan ng University Student Council (USC) ang paglunsad ng iba't ibang mga aktibidad sa naganap na Organization Day 3.0, na may temang "Igniting the Stallion Spirit" sa Mariano Marcos State University, ika-3 ng Setyembre 2024.
Dumagundong ang hiyawan ng 4700 na mga bagong estudyante sa pag-arangkada ng Freshie Walk at sa paglilibot sa iba't ibang mga gusali at pasilidad sa nasabing unibersidad, suot ang kanilang mga makukulay at sari-saring uniporme. Sa pormal na pagbubukas ng OrgDay 2024, malugod na sinalubong ng MMSU OIC President Dr. Prima
Nagtapos ang Christmas Tree Lightning Ceremony at Lantern Parade ngayong taon sa pagtatanghal ng Nasudi Chorale, ang award-winning choir group ng Mariano Marcos State University, sa pangunguna ng kanilang conductor na si Mr. Vince Salacup, kung saan inawit nila ang mga nagkakagandahang bersyon ng mga awit-pasko.
Fe R. Franco ang mga bagong estudyante. Buong pusong saad nito, "sa pagsisimula ninyo sa bagong kabanata ng inyong akademikong paglalakbay, hinihikayat ko ang bawat isa sa inyo na aktibong lumahok sa buhay unibersidad, bumuo ng makabuluhang koneksyon, at sulitin ang mga pagkakataon dito sa MMSU.”
Naging tampok sa nasabing pagdiriwang ang iba't ibang mga aktibidad tulad ng food stalls, college booths, at mga tindahang tinawag na "Partuat Dagiti Stallions." Hindi rin nagpatalo angUSC sa kanilang mga pasabog na magsagawa ng Stallion Photo Booth para sa mga bagong estudyanteng magiging kapamilya at tunay na Stallion. Nagbigay din ng buhay ang isinagawang "Battle of the Bands," na siyang naghandog ng aliw sa pagtatapos ng OrgDay 2024.
Sa pangunguna ni USC Executive Chairperson, Student Regent Hon. Aleczandrix Mark Cid, nangako siya na magkakaroon pa ng higit na kapanapanabik at nakakapukaw na mga aktibidad para sa mga bagong estudyante sa susunod pang mga programa sa unibersidad.
ang
- Dianne Claire T. Castro
- Dianne Claire T. Castro
Lokal BALITA 3
Bagong MMSU Gymnatorium, ibinida na sa publiko
Ikinasa ni dating Mariano Marcos State University (MMSU) president, na ngayon ay Commission on Higher Education (CHED) Commissioner na si Dr. Shirley C. Agrupis ang pagbubukas ng ipinapatayong state-of-the-art gymnatorium sa naturang pamantasan kasabay ng kanyang pamamaalam mula sa posisyong pagka-pangulo — ikalawang araw ng Setyembre, 2024.
Hindi pa lubusang naitatayo ang imprastraktura subalit tinitiyak ni President Agrupis na hindi mapupunta sa wala ang proyektong ipinaglalaban na nila mula pa sa taong 2017 na naglalayong pagbutihin ang mga imprastraktura at mga gusaling magiging pagdarausan ng mga pang-sports na aktibidad at mga akademikong programang hindi lang para sa mga mag-aaral kundi pati ang mga empleyado, at mga guro ng naturang unibersidad.
“It is still incomplete, but it has come a long way since we started fighting for it in 2017 as one of our priority infrastructure projects of my administration. This is the biggest and with [a] novel purpose because I wanted to house student activities and other big gatherings in this very special infrastructure. It symbolizes the big dreams that we have for MMSU, dreams that take years to fulfill, but [with] our tenacity we can surely achieve them,” dagdag ni Agrupis.
Binigyang-diin ni Agrupis na ang kanyang huling flag ceremony sa pamantasan ay ibang-iba kumpara sa mga nauna sapagkat ito ay isinagawa sa isa sa mga gusaling pinaka-pinagtuunan ng pansin ng kanyang administrasyon.
Aniya, “We literally spent years and sweat to construct [the gymnatorium].”
Junior Nasudi, wagi sa Empanada Festival Street Pageantry ‘24
Muling napunan ang bitbit na karangalan ng Mariano Marcos State University Laboratory High School Batac Campus nang muling masungkit ng Junior Nasudi Dance Troupe ang pagiging kampeon, bilang ikalawang sunod na panalo sa Empanada Festival Street Pageantry, ika-13 ng Disyembre, 2024.
Nagpakitang gilas ang 13 na paaralan sa kategorya ng sekondarya sa nasabing patimpalak, bilang bahagi
ng paggunita ng city fiesta at 447th Founding Anniversary ng Lungsod ng Batac. Sa dami ng grupong pumukaw ng atensyon at nagpamalas ng kahanga-hangang pagtatanghal, nangibabaw pa rin ang husay ng mga kinatawan mula sa Junior Nasudi Dance Troupe ng MMSU LHS - Batac. Ito ang kasunod na tagumpay ng kanilang impresibong pagpapakita ng talento noong nakaraang taon, 2023, kung saan nagtamo rin sila ng unang karangalan sa parehong kom-
petisyon. Bilang gantimpala sa nakamit na tagumpay, nag-uwi ng 40,000 pesos ang nasabing koponan.
Sa ilalim ng mahusay na patnubay ng kanilang mga tagapagsanay, G. Macquen D. Balucio at G. Jan Patrick Guittap ay hindi nagpatinag ang nasabing koponan laban sa buong paaralan ng Lungsod ng Batac, bagaman nagkaroon lamang sila ng dalawang linggo ng paghahanda.
MMSU, nangungunang State University sa Pilipinas
MCAT ‘25, inanunsyo na!
OBuong karangalang napanatili ng Mariano Marcos State University ang pangunguna nito sa mga State University ng Pilipinas ayon sa IU GreenMetric World University Rankings 2024 na opisyal na inanunsyo nito lamang Biyernes, Disyembre 13, 2024. Samakatwid, nakamit din nito ang #2 na ranggo bilang isang Higher Education Institution (HEI).
Mula sa ika-15 na edisyon ng naturang World University Rankings, kasangkot ang 63 na mga unibersidad sa Pilipinas. Ginawaran din ang
Patuloy na nagpapatibay ng reputasyon nito bilang isa sa mga prestihiyosong unibersidad ng bansa, inilunsad ng Mariano Marcos State University (MMSU) ang tatlong bagong kolehiyo at mga programang naglalayong tugunan ang mga pangangailangan ng rehiyon at ng bansa: ang College of Computing and Information Sciences (CCIS), College of Veterinary Medicine (CVM), at College of Dentistry (COD).
Itinatag ang CCIS sa pamamagitan ng BOR Resolution No. 002, s. 2023, at nagsimula ang operasyon nito sa parehong taon, sa kasalukuyan, mayroon nang 341
MMSU bilang pamantasan nasa unang grago sa Energy and Climate Change at ikalawa sa Education and Research sa buong bansa.
Tumaas naman ng dalawampung pwesto ang Global Ranking ng MMSU mula sa ika-251 sa nakaraang taong ay tumatayo na ito sa bilang ika-231 sa lahat ng 1,477 na institusyon na nakakalat sa 95 iba’t-ibang bansa.
Ikinagagalak naman na binati ni OIC-President Prima Fe R. Franco ang kabuoan ng MMSU — ang mga faculty, mag-aaral ang naka-enroll sa mga programang Computer Science at Information Technology na pinangungunahan ni Dr. Saturnina F. Nisperos bilang OIC-Dean, ang kolehiyo ay naglalayong maging sentro ng kahusayan sa digital transformation at edukasyon sa rehiyon.
Ang CVM, na itinatag noong 2022, ang kauna-unahang kolehiyo sa Ilocos Norte na nag-aalok ng Doctor of Veterinary Medicine (DVM) program na mayroong 75 mag-aaral sa kasalukuyang batch na mayroong layuning tugunan ang kakulangan ng mga beterinaryo sa rehiyon dahil nakatuon ito sa pagsulong ng kalu-
patauhan, mag-aaral, at mga stakeholder. Nagpasalamat rin ito sa kanila sa kanilang pakikiama at kontribusyon sa pagbibigay-daan tungo sa pagiging sustenable ng naturang pamantasan.
sugan ng hayop, kaligtasan ng pagkain, at kalusugan ng publiko.
Sa kasalukuyang taon, naipundar ang COD na nagiisang kolehiyo ng dentistry sa rehiyon na mula sa isang state university na pinamumunuan ni Dr. Blesilda Ku Formantes, isang batikang dentista na sa kabila ng inaugural year nito na mayroong 24 mag-aaral lamang na naka-enroll. Hindi siya nagpatinag dito naniniwala siya sa potensyal nito. Aniya, “we are planting seeds today, with the expextation of a bountiful harvest tomorrow.”
Layunin ng kolehiyo na makakuha ng Certificate of
pisyal nang inanunsyo ng MMSU Office of the University Registrar ang pagbubukas ng aplikasyon para mga naghahangad sumubok sa MMSU College Admission Test (MCAT) 2025, na nagsimula noong nakaraang ika-9 ng Disyembre 2025, at inaasahang magtatapos hanggang ika-15 ng Enero 2025.
Nag-aalok ng napakaraming kurso ang nasabing pamantasan kabilang na rito ang iba’t ibang mga uri ng kursong medikal, inhinyero, business management, at sari-sari pa. Kamakailan lamang ay nagbukas din ang pamantasan ng karagdagang mga kurso, tulad ng Doctor of Veterinary Medicine at Dentistry.
Ayon sa opisyal na anunsyo mula sa registrar sa isang post sa Facebook, ang mga tiyak na petsa para sa mga pagsusulit sa MCAT ay ilalabas sa ibang mga araw. Para sa karagdagang impormasyon ay makikita lamang ito sa opisyal na facebook page ng MMSU Registrar.
Isang seremonya ng pagbubukas sa kapaskuhan at pagsindi ng mga makukulay, maliliwanag, at napakagandang pamaskong pailaw o Christmas lights sa Lungsod ng Batac, ika-8 ng Disyembre, 2024.
Dagsa ang mga bisita matapos pailawan ang mga maningning na dekorasyon, na nagbigay atraksyon sa mga residente, mga karatig-bayan, gayundin ang mga turista. Makikita ang mga sari-saring palamuti sa iba’t ibang mga
Program Compliance (COPC) mula sa CHED at makapagtatag ng matibay na pundasyon para sa dental education sa rehiyon.
Ang mga inisyatibang ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng MMSU na maging isang "premier Philippine university”—sa pamamagitan ng makabagong programa at dedikasyon sa kahusayan, patuloy na nagbibigay ang unibersidad ng dekalidad na edukasyon at mas malawak na oportunidad para sa mga magaaral at komunidad.
dako sa sentro ng naturang bayan, kabilang na rito ang tapat ng Imelda Cultural Center. Naging tampok ang dalawang hilera ng hugis candy cane sa pasukan ng Riverside, isang espasyo na hindi mapigilang magpakuha ng larawan dahil sa nakakasilaw na kariktan nito.
Ang inisyatibong ito ay isa lamang sa maraming programa ng pamahalaan ng Lungsod ng Batac upang magbigay kagalakan sa mga
- Dianne Claire T. Castro
- Dianne Claire T. Castro
- Dianne Claire T. Castro
Presyo ng bilihin at gasolina, nagtaasan
-KatieYsabelleC.Remigio
Bahagyang bumilis ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo, noong Nobyembre 2024, na nasa 2.5 porsyento mula 2.3 porsyento, noong Oktubre.
Sa pagtataya ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang pangkalahatang implasyon noong Nobyembre 2024 ay pangunahing naimpluwensyahan ng mas mabilis na taunang pagtaas sa index ng mga pangunahing pagkain at non-alcoholic na inumin. Nakadagdag din sa implasyon ang transportasyon na may mas mabagal na pagbaba kada taon na may 1.2 porsiyento noong Oktubre 2024 mula sa 2.1 porsyento ng taunang pagbaba sa nakaraang buwan.
Sa kabilang dako, iniulat naman ng mga Petroleum companies ang pagtaas ng gasolina at ang pagbaba ng diesel at kerosene sa ikalawang linggo ng Disyembre.
Ayon sa pahayag ng SHELL PILIPINAS, SEAOIL, CALTEX, PETROGAZZ, JETTI PETROLEUM, at CLEANFUEL, itataas nila ang presyo ng gasolina sa halagang P0.40 kada litro, at ibababa naman sa halagang P0.75 kada litro ang kerosene, habang P0.50 kada litro sa diesel.
Sa ulat ni Director Rodela Romero ng Department of Energy Oil Industry Management Bureau, ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng gasolina, kerosene, at diesel ay hinihimok ng demand. Ani pa ni Romero, ang tensyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah at ang desisyon ng ilang mga bansa na gumagawa ng langis na pahabain ang mga pagbawas ng suplay ay nakaapekto rin sa mga presyo.
Subway ng Pinas, malapit nang bumiyahe
-KatieYsabelleC.Remigio
Patuloy na umaarangkada ang konstruksyon ng kauna-unahang Metro Manila Subway Project (MMSP), isang proyekto na naglalayong bawasan ang matinding trapiko at gawing mas mabilis ang transportasyon sa Metro Manila.
Tatlong taon matapos ang pagsisimula, nasa 16% pa lamang ang pisikal na progreso ng proyekto, na tinaguriang "Project of the Century," na may kabuuang badyet na ₱488.48 bilyon na popondohan ang 33-kilometrong underground railway system na sasaklaw sa walong lungsod sa Metro Manila.
Magkakaroon ito ng 17 istasyon: Valenzuela (kung saan matatagpuan ang depot), Quirino Highway, Tandang Sora, North Avenue, Quezon Avenue, East Avenue, Anonas, Katipunan (Camp Aguinaldo), Ortigas Avenue, Shaw Boulevard, Kalayaan Avenue, Bonifacio Global City, Lawton East, Senate-DepEd, NAIA Terminal 3, FTI, at Bicutan, kaya naman sa oras na matapos, inaasahang babawasan nito ang biyahe mula sa ilang oras hanggang 30 minuto lamang.
Isa sa mga pangunahing layunin ng proyekto ay ang mapabilis ang biyahe mula Quezon City patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City, mula 70 minuto sa kasalukuyan hanggang 35 minuto na lamang. Inaasahang magsisimula ang limitadong operasyon nito sa 2027 at kabuuang serbisyo nito sa 2029.
Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Septiyembre 12, 2024, araw ng Huwebes na ipagpapatuloy niya ang nasimulan ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa pamamahagi ng repormang pang-agraryo para sa mga magsasaka. Dagdag pa ni PBBM na tatapusin niya ito sa taong 2028 sa pagtatapos ng kanyang termino.
“Ang repormang agraryo ay hindi lamang
isang programa o proyekto ng aking administrasyon, kundi “a labor of love” na nagsimula sa aking ama, na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., at dating Agrarian Reform chief Conrado F. Estrella Sr.. Kaya naman po, sa ilalim din ng administrasyon na ito na si Sec. Conrad [Estrella III] ang puno ng DAR, ating sinisikap na makumpleto ang repormang pang-agraryo sa taong 2028 upang mapakinabangan na ng lahat ng mga benepis-
Bulkang Taal, nagbabadya ng panganib
Naganap ang steam-driven o phreatic na pagputok sa Bulkang Taal noong Huwebes, Disyembre 4, alas-5:58 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), lumikha ang bulkan ng 2,800-metrong kulay abo na “plume” na galing sa main crater nito.
“Walang indikasyon na may nakaambang malaking pagsabog, kagaya noong 2020. Ang nangyari noong Martes ay minor Preato
Kadiwa
Magmatic Eruption lamang,” saad ni Rudy Lacson, isang Senior Research Specialist ng PHIVOLCS. “Ang phreatic eruption ay nangyayari kapag ang tubig sa ilalim ng lupa o sa ibabaw ay pinapainit ng magma, lava, mainit na bato, o mga bagong deposito ng bulkan (halimbawa, mga deposito ng tephra at pyroclastic-flow),” paliwanag din ng PHIVOLCS.
Sa pinakahuling bulletin naman nitong Martes ng umaga, naitala ng PHIVOLCS ang pagluwa ng 7,612
yaryo ang lupang sakahan,” Pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa Quezon City.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11953 ni PBBM, o ang New Agrarian Emancipation Act, kinansela ang kabuuang P441.71 milyong utang ng mga ARBs sa Quezon, kabilang na ang mga amortisasyon, interes, at mga surcharge. Tinataya ng Presidential Communications Office, mula Hulyo 2022
hanggang Hulyo 2024 ay may kabuuang 136,116 na titulo na ng lupa ang naipamahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa 138,718 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa buong bansa, na sumasaklaw sa 164,088 ektarya ng lupa.
Samantala, sa ginanap na pamamahagi sa Department of Agrarian Reform (DAR) gymnasium, noong Septiyembre 12, 2024, may kabuuang 1,119 Certificates of Condonation and Release of Mortgage (COCROMs) na ang naipamahagi sa 1,000 agrarian reform beneficiaries sa iba’t ibang lungsod at bayan sa Bulacan.
Puntirya naman ni Pangulong Marcos na maipamahagi ang humigit-kumulang na P100,000 na titulo ng lupa bago matapos ang taong 2024.
tonelada ng sulfur dioxide sa pangunahing crater ng Taal, na tumaas ng 600 metro bago lumipad sa timog-kanlurang bahagi ng bulkan.
Imee Marcos ang Kadiwa Market nito lamang Mayo 4, 2024 sa Quezon City. Inaasan ni Senador Marcos ang mas mabungang pagtatanim ng magsasaka para sa pagbabalik ng Kadiwa Market at masisiguro ang mas malawak na pamilihan para sa kanilang ani.
Balak ni Marcos na ipagpatuloy ang ipinamanang legasiya ng kanyang yumaong ama na dating pangulo na si Ferdinand E. Marcos Sr. Tinitiyak nito na babawasan ang gastos sa agrikultura, at hihikayatin ang mga magsasaka sa 50-50 solusyung porsyento, 50 porsyento sa organikong mga produkto at 50 porsyento sa komersyal na pampataba sa lupa. Sa ganon
ay direktang bibilhin ng NFA ang mga ani ng mga magsasaka at ipagbibili ng may diskwento ang mga ito.
Sa pagbabalik muli ng programang ito, makakatulong ito sa pagpapababa ng halaga sa mga produkto at pagkain. Inaasan rin ang pagbasak presyo nga mga karne at prutas sa pagaalis ng mga middleman sa prosesong ito.
Kasalukuyang ikinakasa ang Kadiwa market sa ibatibang parte ng bansa katulad ng Bangui, at San Jose Del Monte na nagtatag ng lokal na pamilihan sa kanilang bayan. Marami namang nagagalak sa pagtatayo ng mga ito sapagkat mas mura, na siyang nagpapalawak sa programang Kadiwa.
“Ang Bulkang Taal ay nananatiling nasa Alert Level 1 o may mababang level unrest.” Saad naman ng state volcanologist. Dahil dito, ipinagbawal ng PHIVOLCS ang pagpasok ng sinuman sa
Bagama’t hindi naman ganon katindi ang epekto ng pagsabog, matindi pa rin ang pangamba ng mga residente sa bayan ng Laurel at Agoncillio.
-SophiaGraceG.Javate
Super Typhoon
Pepito, ginimbal ang Catanduanes at Aurora!
inalanta ng Super Typhoon Pepito ang malaking bahagi ng Catanduanes matapos magbugso ng malalakas na hangin na aabot sa 185 kph, at m ay liksing aabot sa 255 kph, noong Nobyembre 16, 2024, bandang 9:40 pm, Sabado ng gabi.
Naitala naman ang Wpangalawang pagdaong ni Pepito sa Dipaculao, Aurora, dakong 3:20 pm, Linggo ng hapon.
Ayon sa mga residente, sila ay nakaramdam ng matinding takot at lumbay dahil sa kanilang nadatnan
sa lalawigan pagkatapos ng bagyo. Dagdag pa nila, hindi lang ang kanilang mga bahay at establisyimento ang pinadapa ng super typhoon Pepito, kundi pati na rin ang kanilang kabuhayan dahil sa kabi-kabilang pinsalang idinulot nito.
Sa pagtataya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pinakanapuruhan ng bagyo ang mga bayan sa tabi ng dagat, na nakaranas ng wind at rain Signal No. 5 gaya ng Virac, Viga, Bato, Bagamanoc at iba pa na halos lahat ng bahay ay winasak, habang ang mga malalaking establisyimento ay natuklap naman ang mga bubong.
Sa ulat naman ni Gremil Alexis Naz, tagapagsalita ng Office of Civil Defense (OCD)-5, umaabot na sa 262,680 pamilya o 1,058,221 indibiduwal ang naapektuhan ng pananalasa ng super typhoon Pepito sa buong Kabikolan.
Taal Volcano Island (TVI) lalo na sa may main crater, Daang Kastila fissures, at Mt. Tabaro eruption site.
- Dianne Claire T. Castro
- Luc Jaedon P. Mangabat
- Luc Jaedon P. Mangabat
Trade War: Trump Vs. China
Hindi pa gaano katagal mula nang mahalal si Donald Trump bilang bagong pangulo ng United State ng Amerika nitong Disyembre 8, 2024 nung ipanukala niya ang bagong Trade Tariff laban sa produktong galing sa China.
Nangako si Presidented Trump na magpapataw ng 25% tariff sa mga produkto ng Canada and Mexico habang madadagdagan naman ng 10% ang tariff ng mga nanggaling sa China. Mahigitn a kumulang sa $1.2 Trillion buwis an mabubuo sa bagong tariff na ito sa buong apat na taong termino nito. Saad ng mga eksperto, ang bagong patakarang ito ay magreresulta ng napakalaking pinsala sa GDP ng kanilang bansa at higit na
344, 900 ang mawawalan ng trabaho. Ito’y magpapataas ng presyo ng mga produkto na magpapahirap sa ekonomiya ng bansa.
Ang China sa lahat ng posibilidad ay tila ang unang target ni Trump bago ang anumang diskarte para sa pagtaas ng taripa ay inilunsad para sa ibang mga bansa. Ang pangunahing tanong para sa India ay kung ang paninindigan ng taripa ng US sa China ay nagpa pakita ng isang banta o isang pagkakataon para sa India.
Pagkilala:|www.google.com
Makalipas
ang limang taon ng restorasyon at konstruksyon, muling binuksan sa publiko ang Notre-Dame de Paris nitong ikapito ng Disyembre matapos itong tinupok ng isang malawakang sunog noong 2019 na nagdulot ng pagkatupok ng mga bubong at tore ng katedral na halos dumurog sa pundasyon nito.
Sa ilalim ng direktiba ng kanilang pangulo na si Emman-
Nasudi Chorale, nananaig sa mga kompetisyon
Patuloy na nadadagdagan ang baul ng karangalan ng Mariano Marcos State University sa walang katapusang pananaig at pagwawagi ng Nasudi Chorale sa sunod-sunod na mga patimpalak, maging ito man ay panlalawigan at pandaigdigang kompetisyon.
Ang MMSU Nasudi Chorale ay kabilang sa mga performing arts group na nagpapamalas ng mga kahanga-hanga at kagila-gilalas na mga pagpapalabas ng kanta. Isa sa mga nakakabilib at hindi malilimutang tagumpay ng nasabing grupo ay ang pagkamit ng ikaapat na ranggo sa buong Pilipinas at ika-164 sa INTERKULTUR World Rankings, kung saan
ay kabilang sila sa Top 200 choirs sa buong mundo. Bago ang pandaigdigang tagumpay na ito, nagkaroon ng kasaysayan ang Nasudi Chorale dahil sa pagrepresenta ng kanilang katangi-katanging pamantasan kung saan ay kinikilalang kauna-unahang State University mula sa Pilipinas na nanalo ng parangal sa ika-13 na World Choir Games sa Auckland, New Zealand.
Sa ilalim ng ekspertong pamumuno ng choirmaster na si Vince Louisse Salacup, ang Nasudi Chorale ay patuloy na nagkakaroon ng mataas na pamantayan sa choral music, na nagreresulta sa patuloy na tagumpay at pagkilala sa nasabing grupo.
Bilang isang grupong hakot-parangal sa iba’t ibang mga patimpalak dahil sa ipinapamalas na galing at talento, si Dr. Shirley C. Agrupis, ang dating Presidente ng MMSU na ngayo’y isang CHED Commissioner na, ay naghatid ng isang mensaheng lubos na pagmamalaki sa mga gantimpalang natatamo ng nasabing grupo. Aniya nito, “The Nasudi Chorale’s performances brought honor to MMSU and elevated the Philippines in the global choir community. This achievement reflects the high standards of excellence we aim for across our university’s academic and co-curricular programs, including the performing arts.”
Notre-Dame de Paris, muling masisilayan
uel Macron, at pamamahala ni Philippe Jost, 250 na kumpanya ang nagbuhos ng kanilang serbisyo, gayundin ang libo-libo manggagawang nagpamalas ng kanilang kadalubhasaan.
Mabilis na naglunsad ng restorasyon ang gobyerno ng France upang maibalik ang dating kaluwalhatian ng Notre-Dame, dahil dito ang mga pangunahing bahagi ng proyekto ay nakumpleto na, kabilang ang muling pagtatayo ng mga parteng gawa sa kahoy at ang spire ni Viollet-le-Duc, pati na rin ang mga stained glass na bintana na nagbibigay ng kahanga-hangang liwanag sa loob nito.
Ang buong restorasyon ay tinatayang nagkakahalaga ng
higit sa 840 milyong euro na kinabibilangan ng mga pondong natanggap mula sa mga pribadong donasyon galing sa mga kilalang indibidwal at kumpanya.
Ang Notre-Dame de Paris ay isang UNESCO World Heritage Site at isa sa mga pinakakilalang gusali sa buong mundo, hindi lamang dahil sa arkitektura at kasaysayan nito, kundi pati na rin sa malalim na kahulugan nito para sa kultura at identidad ng France.
Batas Militar, idineklara sa South Korea!
Bumuhos ang surpresa sa buong bansa ng South Korea nang ipahayag ng publiko ang pagdedeklara ni Presidente Yoon Suk Yeol, pangulo ng bansang South Korea, ng batas militar noong Disyembre 3, 2024. Nagising ang mga mamamayan sa biglaang emergency news sa gitna ng gabi. Idineklara ni Yoon ang batas militar dahil umanoy pinagbabantaan ang pamahalaan gamit ang “anti-state activities,” at banta ng North Korea.
Agad naman itong tinuligsa ng oposisyon at ng pinuno ng sariling partido ni Presidente Yoon. Ayon kay Yoon, ginawa niya ito upang protektahan ang liberal
na demokrasya ng bansa, ngunit sinalungat naman ito ng anunsyong nagbigay ng konteksto sa namumuong hilera ng badyet sa pagitan ni Yoon at ng oposisyong demokratiko.
Binantayan ng pwersang pangseguridad ang National Assembly upang tangkaing pigilan ang mga mambabatas sa pagpasok ngunit mahigit 190 sa 300 nito ang nakapasok at bumoto ng pasikreto upang tanggihan ang deklarasyon ni Yoon at panawagan na tanggalin ang batas militar. Sa labas ng parlyamento, mahigit na libo-libo ang nag proprotesta, at nagtatawag ng pag-aaresto kay Yoon.
Kalaunan ay hindi tinupad ni Yoon ang batas militar sa ilalim ng kontitusyon ng South Korea. Si Lee Jae-myung, ang kinalaban ni Yoon noong 2022 eleksyon sa pagkapresidente, ay nagsabi na ang anunsyo nito ay ilegal at lumalabag sa konstitusyon ng bansa.
Subalit, binabantayan parin ng bansang Amerika ang South Korea at nagsaad ang demokratikong partido na sila’y magsusulong ng patuloy na pagpapatiwalag kay Presidente Yoon, kung hindi siya bibitiw sa posisyon. Ang ministro ng depensang nagmungkahi ng batas militar ay agarang tinanggal sa posisyon at mga taong sangkot dito.
Nakakagulantang ang mga trahedyang panghimpapawid na sa isang iglap ay kayang magdulot ng malawakang kamatayan at pagkawasak. Mula sa pagbagsak ng Wright Model A noong 1908 hanggang sa Tenerife Disaster noong 1977 na nagresulta sa 583 nasawi, patuloy na hinahamon ang teknolohiya sa pagpapalipad. Ang mga pangyayaring ito ay nagpapaalala kung gaano kabilis magbago ang sitwasyon sa himpapawid at ang patuloy na panganib na kinakaharap ng bawat eroplano sa bawat lipad.
Ang mga kamakailang insidente tulad ng pagbagsak ng Jeju Air Flight 2216 sa South Korea noong 2024 at ang trahedya ng Embraer 190 sa Kazakhstan ay nagbigay-diin sa mga hamon tulad ng bird strikes at posibleng external threats gaya ng missile attacks. Ang mga insidenteng ito ay nakapag-iwan ng maraming buhay na naglaho at mga katanungang kailangang tugunan ng industriya ng pagpapalipad. Higit pa rito, ang 9/11 attack noong 2001 ay patuloy na nananatiling paalala ng pinakamalalang maaaring mangyari kapag ang himpapawid ay naging arena ng terorismo.
Sa kabila ng mga sakuna, ang mga imbestigasyon ay nagbigay-daan sa pag-unlad ng aviation safety at mas mahigpit na regulasyon. Ang pagtatatag ng mga institusyong tulad ng National Aircraft Accident Investigation School ay naglalayong bawasan ang mga aksidente sa hinaharap. Gayunpaman, mahalaga ang tuloy-tuloy na pagsasanay, inobasyon, at mahusay na koordinasyon ng mga piloto at air traffic controllers upang masigurado ang kaligtasan ng bawat lipad, alinsunod sa pag-unlad ng teknolohiya at mas pinahusay na komuni-
- Dianne Claire T. Castro
-AdrienneB.Barroga
-AdrienneB.Barroga -AdrienneB.Barroga
-AdrienneB.Barroga
editoryal
Buhay o Edukasyon?
Paaralan. Siyang nag-
bibigay seguridad at kaalwanan. Para sa mga mag-aaral na nagnanais makamit ang edukasyon para sa kanilang pangarap. Subalit, ang pagsabog ng balitang nagbanta sa buhay ng ilan ang nagtulak sa mga tao na mag-alinlangan.
Kamakailan ay nakatanggap ng isang “maputok” na banta ang Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos. Tunay na nakakabahala bagkus sa tila napakapayapang araw ay biglang sumulpot ang mensaheng nagbigay takot sa mga indibidwal na namamasukan rito.
Sa kalagitnaan ng araw ay nag-umpukan nsa labas ng paaralan ang napakaraming mag-aaral mula sa iba’t-ibang kolehiyo ng pamantasan. Hiling na mabilisang makauwi ng ligtas sa kani-kanilang mga pamilya, palayo sa peligrong itinanim ng walang konsensiyang salarin. Nangingibabaw sa kanilang isipan kung ano ang magiging kapalaran ng kanilang minamahal na paaralan.
Naguguluhan at hindi na maunawaan ang mararamdaman. Bakit sila pa naman? Silang nais lang ng edukasyon?
Hanggang sa naibunyag ang dinadalang rason ng nagbabanta. Dahil lamang sa politikong mayroong koneksyon sa taong nakapangalanan ng pamantasan. Ngunit katanggap-tanggap ba ang aksyong ito sa kabila ng malubhang epekto?
Ang pamantasan ay pagmamay-ari ng pamahalaan, walang sinuman na makapangyarihan ang mayroong kontrol rito. Ito ay nagsisilbi para sa edukasyon ng mga tao at hindi sa isang politiko. Gayunpaman, hindi nararapat na paglaruan ang buhay at edukasyon ng mga magaaral para lamang marinig ng mundo ang ipinagsisigawan. Sa huli, hindi lamang ito isang pagbabanta dahil isinapanganib na nito ang mga mag-aaral, at mahirap na itong ibalik pa. Isang kalapastangan na handang tapakan ang buhay ng iba para lamang iboses ang kapootan sa taong wala naman kinalaman sa kanila.
Tunay, malakas ang bugso ng galit. Samakatwid, madalas ay rason lang din ito ng kawalang-katarungan. Ngunit tama bang iparanas din ito sa mga taong walang-kamalayan?
Unti-unti man ay maaaring maibalik ang katiyakan ng pamantasan bilang ligtas na paaralan. Paigtingin ang pagpapapasok at pagpapalabas ng mga indibidwal sa pamantasan. Gumamit ng mga
Nakaw na Kayamanan ng Kaalaman
Komprehensibo at mabilis. Ito ang makasaysayang halaga ng Artificial Intelligence o mas kilala bilang “AI”. Mula sa simpleng gawain sa bahay hanggang sa edukasyon, ginagamit ang AI upang mapadali ang buhay. Tunay ngang kapaki-pakinabang, ngunit tama ba ang ginagawang pagpapakinabang?
Ang edukasyon ang kayamanan na hindi kailanman mananakaw. Ngunit sa paglaganap ng AI, kalakip ang nakakadismayang paggamit nito lalo na sa larangan ng edukasyon. Taliwas sa tunay
teknolohiyang makakapag-tibay sa pagmamasid ng mga maaaring panganib. Usisain ang mental na kapakanan ng mga magaaral sa pamamagitan ng mga aktibidad na nakakapagpagaan ng kanilang damdamin at nakakapagpatatag ng kanilang tiwala. Bigyan sila ng pagkakataong ipahayag ang kanilang mga ligalig at siguraduhin na bigyang aksyon ito.
Laging tandaan, sa paaralan, dapat din pagtuunan ang seguridad at kaalwanan hindi lamang ang edukasyon. Bagkus sa pamamagitan nito ay matungod nila ang pursigidong pag-aaral.
Sa tingin mo, makakapag-aral ka pa ba ng mabuti kung buhay mo na ipapalamuti?
-RioP.Agudelo
Enero 10, 2025
Minamahal na Patnugot,
nitong layunin, inaabuso ito ng ilang mag-aaral kung saan imbes na sariling pawis ay AI ang tumatapos sa kanilang gawaing pang-akademiko. Kumakalat na rin ang nakakasuklam na pagsasanay sa paggamit nito sa mga pagsusulit. Mga akademikong pagganap na napapalamutian ng AI na ang katangian na nagbibigay pagkakakilanlan sa edukasyon ngayon. Hindi nga mananakaw ang kaalaman, pero wala namang mananakaw kung wala kang natipon na kaalaman.
Nakakapangamba bagkus hindi na kagalingan at dedikasyon ang nasusuri kundi matatas na manipulasyon ng AI. Nakakawala ng tiwala, nakakaalarma sa kinabukasan
ng mga bata. Hindi na nahahasa ang mga mag-aaral, hindi na nila nakakamit ang nakalaang aralin para sa kanila. Hindi na sumasagana ang kaalaman at kahusayan na dapat pinapaunlad ng mga pang-edukasyonal na institusyon. Kung titignan nga, naglalaho na ang pinakadiwa ng edukasyon. Ano na lamang ang magiging bunga kung hindi naman sila humakbang sa tamang tawiran ng edukasyon? Hindi na kayamanang maituturing ang tinataglay nila.
Aminin man o hindi, wala na sa katwiran ang mga mag-aaral sa paggamit ng AI. Ito na ang ginagamit na sandata sa edukasyon imbes na ang utak. Itinuturing na pangangailangan ang AI ng mga mag-aaral, subalit sa totoo ay hindi naman. Hindi ba’t mas kamangha-mangha ang utak ng tao na siya ring lumikha ng AI?
Kung kayamanan nga ang kaalaman, ang mga AI ay maituturing na nakaw na yamanlamang na inaalipusta ng mga walang karapatan. Ngayon, ang mga mag-aaral ang mistulang naaapektuhan. Kung ganito lang naman, nararapat na bumalik tayo sa tradisyunal na paraan ng edukasyon. Ipagbawal na ang paggamit ng mga gadyet o ng anumang kasangkapan na maaaring daluyan ng AI.
Bawasan na ang pagbibigay ng takdang aralin kung saan nagkakaroon ng kalayaang galugarin ang AI. Bigyang-pansin ang harap-harapang pagsusuri sa pang-akademikong kakayahan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan nito, matibay na maihahatid ang kakayahan ng edukasyon at masasaksihan ng personal na kagalingan ng mga mag-aaral. Sa gayon, tunay na mahuhubog ang katalinuhan bilang kayamanan na hindi kailanman mananakaw ng sinuman.
Sa kabila ng napakalaking potensyal na tulong ng AI sa edukasyon gaya ng naidisenyong paraan ng pagaaral para sa isang indibidwal, hindi mapipigilan ang hin di tuwirang paggamit nito. Napakaraming kaalaman ang naibibigay nito ngunit wala naman itong patutunguhan kung hindi naman ito sinisip-sip ng utak ng tao. Binabaluktot lamang ang kakayahang tinataglay ng AI.
Isang mapagpala at kapana-panabik na araw sa inyo! Ako po ay isang magaaral at ako ay lubos na sumusulat upang ipaabot ang aking saloobin hinggil sa kasalukuyang isyung umiiral sa ating komunidad.
Sa nagdaang mga buwan—hindi maikakaila— at napansin ko, at pati na rin ng mga marami ang dumaraming mga mag-aaral mula sa malalayong lugar na nahihirapan sa kanilang kakulangan ng sapat na pasilidad at suporta para sa kanilang pang-araw-araw na pag-commute. Bilang isang mag-aaral na nakararanas din ng ganitong hamon, nais kong
Hinihikayat ko po ang inyong pahayagan na maglathala ng mga sulatin tungkol sa isyung ito upang mas mapukaw ang atensyon ng mga kinauukulan at ng mas malawak na publiko.
Maraming salamat po sa inyong panahon at malasakit. Inaasahan ko ang inyong tugon!
Lubos na gumagalang, Kris
Enero 12, 2025
Minamahal na Kris, Isang maalab na pagbati! Maraming salamat
na pag-commute. Bilang mga mamahayag na naglalayong magbigay ng boses sa ating komunidad, sisikapin naming tugunan ang iyong mungkahi sa pamamagitan ng mga sulating magbibigay-linaw sa kalagayan ng mga mag-aaral na nahihirapan sa kanilang pag-commute. Dahil sa huli, ang aming lamang layunin bilang pahayagan ay maging tinig at dagitab ng munting komunidad sa ating paaralan. Muli, kami ay nagpapasalamat sa inyo! Lubos na gumagalang, Punong Patnugot
Punong Patnugot: John Lynyrd T. Ganitano | Pangalawang Patnugot: Maximus R. de los Reyes | Tagapangasiwang Patnugot: Rio P. Agudelo | Patnugot sa Balita Adrienne B. Barroga
Tagapayo : PROF. MARLENE B. CABAGAN, G. MACQUEN B. BALUCIO, G. MARKEE FERNANDEZ
-RioP.Agudelo
OPINYON
Tanong:
Aming tinanong ang mga saloobin ng mga mag-aaral sa iba't ibang baitang mula sa Mariano Marcos State University Laboratory High Shool - Batac Campus sa kung ano ang reaksiyon nila sa pangingibang bansa ng mga guro sa pilipinas.
"Anong sa palagay mo ang magiging kalagayan ng ating edukasyon kung patuloy ang pag-alis ng mga guro patungo sa ibang bansa at makipagsapalaran sa halip na sila'y nandito sa ating bayan?"
Tug
"Para sa akin, malaki ang posibilidad na bumaba ang kalidad ng edukasyon dito sa Pilipinas dahil nababawasan ang mga magagaling at may karanasan sa pagtuturo. Mas mahihirapan tayo bilang isang bansa sapagkat kung walang mga gurong may higit na kakayahan na magturo ay di na gaanon uunlad ang ating bansa. Sa kadahilanang, naniniwala ako na ang edukasyon ay ang susi sa pagunlad ng ating bansa."
"Kung patuloy na pipiliin ng mga guro na magturo sa ibang bansa sa halip na sa ating bansa, magkakaroon ito ng maluhang epekto sa ating edukasyon. Ang mga bihasang guro na nagpasyang magturo sa labas ng ating bansa, ay dadalhin ang kanilang nasanay na talento, at ano na lamang ang maiiwan dito sa ating bansa? Habang ang mga ibang bansa ay nabebenepisyuhan, tayo naman ay unti-unting bumababa."
"Ang pangingibang-bansa ng mga guro sa Pilipinas ay nagdudulot ng positibo at negatibong reaksyon mula sa mga estudyante. Maraming tao ang sumusuporta sa desisyon ng mga guro na mangibang-bansa dahil nagdadala ito ng mas magandang oportunidad at mas mataas na sahod para sa kanila. Sa kabilang banda, ang pag-alis ng mga guro ay nagdudulot ng kakulangan sa edukasyon sa Pilipinas, na maaaring makaapekto sa kalidad ng pagtuturo at sa kinabukasan ng mga estudyante pero di natin sila masisi na maghangad sila ng higit na magandang buhay, greener pasteur ika nga na nila."
"Para saakin, kung patuloy ang paglipat ng mga guro sa ibang bansa, maaaring magdulot ito ng kakulangan sa mga guro sa ating bansa, kaya't mababawasan ang kalidad ng edukasyon. Magiging mahirap din magtaguyod ng sustainable na sistema ng edukasyon dahil sa kakulangan sa mga bihasang guro. Ang mga paaralan ay magkakaroon ng problema sa paghahanap ng mga kwalipikadong guro, at ang mga mag-aaral ay maaaring maapektuhan sa kanilang pagkatuto."
Kahapon, Ngayon, at Bukas
Uso ngayon, kumukupas, naluluma, at lumulipas.
Ang itinuturing na luma noon, ay siya nang kinahuhumalingan ng kasulukuyang panahon. Ibinibalik ng kasulukuyan ang mga uso at moda ng kahapon. Ang mga “uso” o "fad" ay may natatanging epekto sa ating buhay, higit pa sa pagiging panandalian lamang na kasikatan. Kung titingnan, ang mga ito ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan. Ang muling pagsikat ng mga luma ay nagpapakita kung paanong ang mga alala at karanasan ng nakaraan ay nagiging bahagi pa rin ng ating kultura at araw-araw na buhay. Ang pagbabalik ng mga dating uso ay hindi lamang nakatulong sa pagpapalakas ng koneksyon sa pagitan ng mga henerasyon kundi nagbukas din ng daan para sa mga kabataan na madama ang kasaysayan at kultura ng kanilang mga ninuno.
Bilang tao, likas sa atin ang maghanap ng mga bagay na may mataas na pagpapahalaga, at kadalasang ito ay nagdudulot ng pakiramdam ng kagalakan at pagmamalaki. Ang mga naging uso noon na muling nagsisilabasan ay isang paalala na sa gitna ng modernisasyon at pagbabago, may mga bagay sa nakaraan na hindi kailanman malilimutan. Nakatutulong ito sa atin upang mapagtanto ang tunay na halaga ng simpleng kasiyahan at mga
Naiibang Bakasyong Pandayuhan
Lumaki po ako sa farm, your honor”
Siguradong narinig mo na ang mga salitang ito. Ang imbestigasyon sa pinaghihinalaang espiya na pinadala sa ating bansa. Isang babaeng nagngangalang “Alice Guo”, o ito nga ba ang pangalan niya?
Matagal-tagal na rin nang magsimula ang issue ng Mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo. Ngunit, nito lamang Hunyo 2024 ay mas naging maugong ang kanyang pangalan. Inakusahan ito bilang isang Espiya ng Tsina sa Pilipinas. Kalakip pa nito ay ang imbestigasyon sa ipinagpapalagay na pagkakasangkot nito sa mga iba't ibang klase ng krimen.
Lumala ang kontrobersiya na umiikot nang ito sinuspindi ng Ombudsman sa kanyang katungkulan. Ito ay naisakatuparan sa paratang ng DILG na korupsyon at ang sinasabing koneksyon nito sa POGO o ang Philippine Offshore Gaming Operator. Hindi nagtagal ay nahainan na ito ng arrest order.
Sa gitna ng lahat ng kaganapang ito, nakakabahala na habang namumuhay ng payapa ang mga Pilipino ay sinusubaybayan na pala sila. Pumadyak sila sa ating lupain na tila mga bakasyonista, subalit dala nila ang naiibang plano para sa ating bansa. Maganda nga na nahuli na ang isa sa mga napatunayan sumisira sa ating bansa, ngunit
nagsisilbi rin itong paalala na paigtingin ang kamalayan. Sa ugali ng Pilipino na mapagtanggap, hindi inaasahan na ito pala ang siyang magbabalik sa atin ng kapahamakan. Mabubuksan na kaya ang isipan? Tatalas na kaya ang mga matang nagmamanman?
Ang ating bansa ay “atin” lamang. Bilang mga mamamayan, mayroong tayong pananagutan na pahalagahan ito. May kapangyarihan tayong ipagkait ito sa mga taong sisira sa dito.
Tumingin sa kaliwa at sa kanan, mayroon bang naiiba ang pagkakakilanlan? Mag-ingat ka, kabayan. At baka gawin ka namnag alipin ng mga dayuhang umaaligid sa iyo.
Pag-asa o Pagkawala?
Sa gitna ng lumalalang krisis sa edukasyon, ang mga guro sa Pilipinas ay unti-unti nang nawawala dahil sa mas magandang oportunidad sa ibang bansa. Hindi sa pagpanaw o pagreretiro ang dahilan kundi ang pag-alis para sa mas magandang landas. Isang malungkot na katotohanan na dapat nating harapin: ang mga tagapag-alaga ng kinabukasan ng mga kabataan, ay lumilipad na palayo.
Mababang sahod, kulang na benepisyo at mabigat na pasanin ang tumutulak sa kanilang humanap ng mas masagana at sulit na trabaho abroad. Isang malaking pang-akit ang mataas na kita lalo na sa mga may pamilya at responsibilidad na kailangang buhayin. Ngunit ang pagalis ng mga guro ay hindi lamang isang personal na desisyon; ito ay isang malaking kawalan para sa ating sistema ng edukasyon.
Subalit ang pag-alis ng mga guro ay hindi lamang isang personal na desisyon; ito ay isang malaking kawalan para sa ating sistema ng edukasyon. Kailangan nating tugunan ang mga ugat ng problema. Dapat itaas ang sahod at pagandahin ang mga benepisyo ng mga guro. Mahalaga rin ang
bagay na minsan ay nagkaroon ng katuturan at halaga sa atin.
Habang ang mga uso noon ay nagiging bahagi ng ating nakaraan, nagsisilbi itong paraan upang mapatibay at gawing sagrado ang ating kultura. Ang mga pihit noon na nabuhay muli ay nagiging simbolo ng ating pagbabalik-tanaw sa ating pinagmulan, at isang paraan upang ipagdiwang ang ating pagkakaiba-iba sa kabila ng pagbabago ng
panahon. Ang mga uso na ito ay isang anyo ng paghimok sa isang marangal na ugnayan sa kasaysayan, dahil ito ay patuloy na bumabalik sa ating mga buhay.
Isang kahig, ilang tuka? Isang perya, puno ng dukha.
Ang Senado ng Pilipinas, itinuturing na isa sa mga pinakamataas na sangay ng lehislatibo, ay may responsibilidad na itaguyod ang mga batas na magpapabuti sa buhay ng bawat Pilipino. Ngunit sa kabila ng mala-katedral na espasyong kanilang inuupuan, nananatiling tanong: nagiging aktibo ba sila sa kanilang tungkulin, o nagiging sagabal sa tunay na pag-unlad?
Ang papel ng Senado ay malinaw sa ating Konstitusyon — balangkas ng demokrasya ang kanilang binabantayan. Ang mga senador ang dapat na humubog sa polisiya, tumugon sa panawagan ng masa, at ipaglaban ang karapatan ng mamamayan. Ngunit madalas, nagiging eksena sa mga balita ang mga makukulay na hearing, sumbatan, at kaliwa’t kanang bangayan. Natatabunan tuloy ang mas mahalagang diskusyon ukol sa ekonomiya, edukasyon, kalusugan, at hustisya.
mas maayos na sistema ng suporta at pagsasanay para sa kanila. Ang pagbibigay ng mas maginhawang kondisyon sa pagtatrabaho ay hindi lamang makatutulong upang manatili ang mga guro sa bansa, kundi makakahikayat din ng mga bagong talento sa larangan ng edukasyon.
Ang pag-alis ng mga guro sa bansa ay nagpapakita ng kahinaan ng ating sistema. Ito ay isang panawagan para sa agarang pagbabago at pagpapabuti. Kung hindi natin bibigyang-halaga ang kanilang papel, patuloy tayong mawawalan ng mahahalagang tagapag-ambag sa pag-unlad ng ating bayan. Ang pag-asam ng mas maayos na kinabukasan ay hindi dapat isakripisyo ang presensya ng ating mga guro. Panahon na upang kilalanin at suportahan sila nang nararapat.
" Isang panawagan para sa agarang pagbabagoat pagpapabuti. "
Ang pagbabalik ng mga uso ay isang malalim na paalala na ang ating mga pinagmulan at karanasan ay may kakayahang hubugin ang ating pananaw at pagkakakilanlan sa kasalukuyan. Huwag nating kalimutan na ang mga simpleng bagay ay may dakilang kahulugan, at sa pagtalima sa mga dating uso, tinatanggap natin ang halaga ng ating nakaraan sa ating buhay sa kasalukuyan. Ang mga uso ay bahagi na ng ating—kahapon, ngayon, at bukas!
Senado: Pundasyon ng Pagbabago o Hadlang sa Kaunlaran?
Sa halip na magkaisa tungo sa pagresolba ng mga problemang panlipunan, tila nagiging isang "political circus" ang Senado. May mga tumatakbo sa posisyon na hindi batay sa karanasan o kaalaman, kundi sa kasakiman — isang mapait na katotohanang ang politika ay isang entablado ng mga salat at dukha sa liderato.
Ngunit, hindi lahat ng senador ay nagkukulang sa gampanin. Ang ilan ay nagpapakita ng dedikasyon sa pagsusulong ng reporma, pagsusuri sa mga polisiyang may korapsyon, at pagpapataas ng tiwala ng bayan. Subalit, sapat ba ito para mabalanse ang mga isyung bumabalot sa ating sistemang pulitikal?
Tayo, bilang botante, ang tunay na susi sa pagbabago. Sa halip na magpasilaw sa popularidad ng mga kandidato, dapat nating suriin ang kanilang mga plataporma at kasaysayan sa paglilingkod. Kailangan nating manindigan sa ideyang ang Senado ay para sa bayan — hindi para sa pansariling interes.
Ang Senado ba ay magiging kasangkapan ng progreso, o titigil na lang sa pagiging simbolo ng sistemang sakim? Nasa ating mga boto at pananaw ang sagot.
ANG MAHOGANI
MAKABAYAN. MAKATARUNGAN. SUGO. UNLAD.
TERDEE DE LOS REYES | Ika-10 na baitang
HANNS CALVIN FAILOGA | Ika-7 na baitang
JANELA FEI GANIRON | Ika-11 STEM
ADRIEL BLEZA | Ika-12 ABM
OPINYON
Bise Presidente?
Parang ‘di Residente!
Paano maisusulong ang pag-unlad, kung pati ang simpatya at presensya ng pinuno'y di nailalatad?
Mukhang Nakamaskara
Hayan na naman at parating na. Tuwing tatlong taon ay bumibisita ang panahon ng eleksiyon. Nagsisimula na namang lumitaw ang mga trapal na dinikitan ng mukha ng iba’tibang kandidato. Ngunit sino nga ba sa kanila ang nararapat
Ayon sa hi nagap ng madla, ang taunang State of the Nation Address (SONA) hindi lamang isang ritwal ng demokratikong bansa ngunit isa ring obligasyon ng pinuno na makinig, tumugon, at mag bigay-direksyon sa mga hamon ng sambayanan. Subalit noong Hulyo 22, 2024, ang kawalan ng presensiya ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte ay nagiwan ng matinding dalumat kaysa sa anumang talumpati. Kaya't ang tanong ay lumitaw: "Nasaan ang Namumuno sa panahong ang bayan ay naghahanap ng liderato?"
ANagkalat na ang
maraming mukha.
sisipsip sa pamahalaan patungo
pagkasira. Humahalo sa mga ito matitino, at pinipilit linisi ang sarili upang magtago sa isang maskara. Subalit, hinding-hindi nila matatakpan ang mga kagawiang kasuklam-suklam. Ang presensiya nila ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa umuunlad ang ating bansa.
Taumbayan ang may kapangyarihan sa botohan. Tayo ang may karapatang pumili ng iluloklok at bibigyan responsibilidad na pangalagaan ang ating bansa. Sa atin nagsisimula ang ninanais natin ginhawa. Samakatwid, tayo ang mayroong katungkulang kilatisin ang karapat-dapat sa iba.
Sa pagdating ng Senatorial Elections, marami ang mapagbalat-kayo. Nagiging inosente sa harap ng mga tao, ngunit sana ay maging matalino tayo. Alamin natin ang kasayayang ng kanilang kagawian at tunay na pagtingin sa responsibilidad na nais nilang abutin. Kilalanin natin ang ttunay na pagkatao kung ito nga ba ay nagtatago lamang sa isang maskara.
Sa kamay mo nagsisimula ang kaunlaran. Dapat maging mapanuri kung kaninong pangalan ang nararapat iukit sa papel na iyong mahahahawakan.
Alam mo na ba kung sino ang iyong iboboto? Tunay nga ba o nagtatago lamang sa isang maskara?
Karagatang
Hinirang
Ang kawalan ng Pangalawang Pangulo ay maaaring ipaliwanag sa iba’t ibang paraan. Para sa ilan, ito ay patunay ng pagkaabala sa iba pang mga tungkulin na hindi nakikita ng publiko. Para naman sa iba, ito’y nagpapakita ng kakulangan ng empatiya at koneksyon sa kalagayan ng pangkaraniwang Pilipino. Ang mas masakit na katotohanan: ang kawalan ng presensiya ay maaaring magdulot ng mas malalim na sugat sa kumpiyansa ng mamamayan sa pamumuno ng gobyerno.
" Angkawalanngpresensiyaaymaaaring magdulotngmas malalimnasugatsa kumpiyansangmamamayan sa pamumuno nggobyerno.
Subalit ang mas mahalagang tanong ay hindi lamang tungkol sa mga Pangulo, kundi sa kalagayan ng ating lipunan. Ang kawalang-kasiyahan ng sambayanan ay sintomas ng mas malalalim na sugat sa ating sistemang pampulitika. Ang pananampalataya sa liderato at mga institusyon ay tila nawawala, hindi dahil sa isang SONA na hindi nasaksihan, kundi dahil sa paulit-ulit na pagkabigo ng sistema na tumugon sa pangangailangan ng masa.
Sino ang tunay na nawawala—ang tagapamuno na dapat naririto, o ang pananampalataya nating lahat na ang pamahalaan ay kayang maglingkod nang tapat para sa bayan? Sa huli, ang hamon ng pagpapausbong ng mga adhikaing naglalayong makapagpabuti sa lahat ay hindi lamang para sa Pangulo, kundi para rin sa ating lahat—nararapat na bigyan natin ng aksyon, ang pagpapayabong sa ating nasyon!
tin ang West Philippine Sea!” Iyan ang sigaw ng napakaraming Pilipino sa kasalukuyang sigalot na nangyayari sa kanluraning dagat ng ating bansa laban sa mga Tsino.
Sa taong 2016 pa pormal na kinilala ang West Philippine Sea (WPS) bilang pag-aari ng Pilipinas ayon sa internasyonal na arbitraryong desisyon. Puno ng masaganang likas na yaman ang katubigan kung kaya kabilang ito sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa. Ngunit, ito ngayon ay nasa ilalim ng pagbabanta ng Tsina. Sunod-sunod na mga hukbong pandagat ng Tsina ang siyang naghahari-harian na nagdadala ng panganib sa ating sariling mga barko at lalo na sa mga lokal na mangingisda. Hahayaan na lamang ba natin na tayo ag tinutugis sa sarili nating teritoryo?
Hindi naman bigla na lang lumitaw ang mainit na tensyon sa relasyon ng Pilipinas at Tsina. Gayunpaman, ang harapan ng mga hukbong-dagat sa
Scarborough Shoal noong Abril 2012 bunsod ng ilegal na okupasyon ng Tsina, labag sa batas na pagtatatag ng istruktura, at mga pagsalakay. Dito nagtilamsik ang nagliliyab na lubig na nag bibigti sa dalawang bansa. Bilang bansang mayroong soberanya sa WPS, ating ipinaglaban ang karapatan sa nasasakupan laban sa mga lapastangang inabuso ang ating kabaitan. Naglahag ng kaso ng arbitrasyon ang Pilipinas sa ilalim ng United National Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa legalidad ng mga aksyon ng Tsina.
Sa kasalukuyan, mayroong Bilateral Trade ang dalawang bansa. Ngunit dito na naman umusbong ang isang problemang nagpasiklab ng galit ng mga Pilipino. Ayon sa Tsina, papayagan nila ang mga Pinoy na dumaan sa WPS sa ilang isinasaad na kundisyon. Isang kapahangasan. Pilipino ang nagmamay-ari ngunit Pilipino rin lang ang siyang hihingi ng permiso at dispensa. Ginagawa lamang tayong katawa-tawa.
Ganito ang mga Pilipino. Matapang, matalino, at marangal na ipinaglalaban ang ating karapatan at kalayaan. Ito ang simbolo ng ating kasaysayan na nararapat nating panatilihin sa ating kaluluwa. Mula sa ating mga sinaunang bayani, ating itu-
" Nakakubling kandidato...? "
loy ang sinimulan kalayaan mula sa sinumang nagnanais manupil na dayuhan.
"Sa manlulupig, di ka pasisiil."
"Sa dagat at bundok na simoy." "At sa langit mong bughaw."
Lahat ng ating pagmamay-ari — lupain, karagatan, at lahat ng teritoryong nasasakupan ng ating kadakilaan. Piliing maging pantas, mapangahas, at magiting. Tapat at mahal sa lupang hinirang.
Hindi na bago sa mga Pilipino ang minamaliit at sinisiil. Ngunit sa ating kasaysayan, ating pinatunayan na hindi tayo isang lahi na dapat pinaglalaruan. Ang West Philippine Sea ay atin, at atin lamang. Walang sinumang mapangahas ang makakalagpas sa ating dahas. Ating ipaglaban ang karapatan sa karagatang hinirang.
Ikaw, hahayaan mo bang maulit ang kasaysayan ng inaaliping Pilipinong mamamayan?
Bakla, tomboy, silahis, at iba pang mapanlait na salita na ibinabato sa mga taong naiiba sa marami. Diskriminasyon at panunukso dahil lamang sa pagkakakilanlan ng kanilang kasarian na hindi nabibilang sa tradisyunal na sekswalidad — ang babae at lalaki.
Naging tagapagligtas ang Sexual Orientation or Gender Identity or Expression (SOGIE) Bill lalo na sa mga taong kasali sa komunidad ng LGBT. Isa itong kontra-diskriminasyon na panukalang batas na kinikilala ang bawat karapatan ng isang indibidwal anuman ang kanilang kasarian. Ngunit ang tanong ng karamihan, bakit nga ba hanggang ngayon ay hindi parin ito isang ganap na batas?
Mula sa unang panukala sa taong 2017, dumaan na sa napakaraming paghahain, diskusyon, at protesta ang ng SOGIE Bill. Ito na nga ang opisyal na pinakamatagal na House Bill na nasa ilalim ng interpelasyon ng senado sa kasaysayan ng Pilipinas. Kung ituturing ay napakaganda ang tulong nito sa ating bansa lalo na sa pagtugon sa isyu ng diskriminasyon at pagkakaroon ng eksklusibong pangkat na naaayon sa sekswalidad. Napakalaking saklolo ito sa mga taong binabalewala at tinutukso dahil sa pagpapahayag ng tunay na katauhan. Ipinipilit na idinidikit ang walang katotohanang prehuwisyo. Kinakailangan na inklusibo na paglago ng ating bansa, at sisimulan natin dito.
Pagkakaisa ang siyang bumubuo ng isang bayan. Kalin ga at pagmamahal ang siyang umiiral. Ito ang nais natin sa ating bansa. Ngunit matutupad ba ito kung sa kasarian pa lamang ay napakadami na ang nagtatangis?
Ayon sa World Gender Gap 2024, ika-25 ang Pilipinas sa 146
na bansa bilang na mayroong mataas na pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan. Bilang isang bansang kayang abutin ang ganitong katayuan, bakit hindi natin kayang gawin ito para sa mga kababayan nating LGBTQIA+?
Sa kasalukuyan, patuloy na humaharap sa malubhang diskriminasyon ang LGBT Community. Ang mantsa sa kanilang pagkatao na gawa-gawa din lang mula sa paniniwala ng ibang tao ang siyang patuloy na sumisira sa kanilang kalayaan. Ulat nga ng Psychological Association of the Philippines, ang prehuwisyo sa kanila ay ipinapatunay sa mga walang respeto at karumal-dumal na gawain gaya na lamang ng pambubully, panunukso, at panliligalig. Dagdag pa rito, ang negatibong paglalarawan sa kanila ng media at ang paglatag ng limitadong oportunidad sa trabaho ay patuloy na dumadagan sa kanila.
Ating bigyan ng tulay ng kalayaan ang ating kapwa Pilipinong tinutulak sa madilim
na aparador, napipilitang itago ng makulay nilang puso. Hindi lang natin suportahan, bagkus buong-pusong tanggapin. Sama-sama nating suportahan ang paghahain at pagproproseso ng SOGIE Bill para sa kanila. Palawakin natin ang ating isipan sa modernong pagkakakilanlan ng mga tao at buksan natin ang pagkahabag sa ating mga makukulay na kaibigan.
SOGIE Bill. Kalinga sa ating mga kakaibang kaibigan. Sa gitna ng kanilang pagdurusa sa walang katarungang trato sa kanila, ito ang magsisilbing pahinga at kanlungan nila. Hindi ba’t napakainam kung ang bawat Pilipino ay malayang naipapahayag ang kanilang pagkatao. Walang naghihigpit, nanghuhusga, walang natatakot na ipakita ang tunay na anyo, kulay, at nilalaman ng puso. Ito ang tunay na demokrasya.
Ano
ka
-RioP.Agudelo
-RioP.Agudelo
- Rio P. Agudelo
-KlayreneChelwinF.Capet
OPINYON
Ang bawat isa ay namulat sa hubad na reyalidad na walang perpekto sa mundo. Ang katotohanang ito ay nagiging suliranin ng mga mamamayan sa larangan ng politika, sapagkat may lider nga ngunit wala namang liderato. May mga pangulong pantas ngunit pusong-bato, o may damdamin subalit kulang sa karunungan. Gayunpaman, hindi nangangahulugang dahil walang perpektong lider ay wala nang mabuting pamumuno. Ang maari nating gawin upang mapaunlad ang sistemang pampolitika ay ang masusing pagsiyasat sa mga katangian ng isang tunay na mabuting pinuno.
Sa gitna ng di-tiyak na pagbabago ng panahon, isang bagay ang malinaw: ang pantas na gobernador ng Ilocos Norte ay nagpakilala bilang pinaka-ak-
tibong lider sa buong Rehiyon 1. Tunay na makabuluhan ang mga proyekto ni Gov. Matthew Marcos Manotoc, sapagkat nasaksihan natin kung paano umunlad ang kalupaan ng Ilocos Norte at tumapak sa bagong yugto ng kaunlaran. Ang kanyang mga inisyatiba ay nagdulot ng higit pa sa karaniwang kasaganaan, nagbibigay ng tunay na kalaguan sa lalawigan.
Para sa kaunlaran ng bayan, o bahay-ampunan ng mga buwaya sa lipunan?
Sumisibol at sumusulong, tumatakbo ngunit wala rin namang maitutulong. Sa panahon natin ngayon, maraming mga celebrity at influencers na sumasabak sa halalan, tulad ni Rosmar at Diwata. Kasabay nito, unti-unting lumalantad ang pangungutya sa sistema ng eleksyon — isang rebolusyon na nauuwi sa bangungot ng ating kasaysayan.
Tila nagiging entablado ng kasikatan ang politika. Hindi sapat ang mabigat na responsibilidad ng pamumuno upang maihiwalay ang karanasan sa kasikatan; sa halip, nagiging mala-pelikula ang mundo ng pulitiko. Ang masaklap, nagiging tahimik na tagamasid lamang ang Komisyon sa Halalan (COMELEC), na dapat sana ay maghigpit ng pagsusuri sa
kanilang mga kandidato at hindi lang nagbabatay ng lakas at kakayahan sa taglay nilang kasikatan at popularidad.
Sa implikasyon ng isang ‘dimakatwirang sistemang pulitikal, nabibigyang susi ang mga taong sakim sa poder na maglayag ng kanilang mga layuning pansariling interes. Sinasalamin ng mga pasyang ito ang kawalang-bahala ng sambayanan sa tunay na diwa ng pamamahala. Hindi marapat na tayo’y magparaya. Nasa harap na ng ating mga mata ang kahihinatnan nito: sa bawat boto para sa mga personalidad na salat sa liderato, ang masa ang magdurusa. Hindi kayang matugunan ng kinang ng kasikatan, ang mga isyung panlipunan.
Panahon na upang bigyang-diin ng hindi lamang mga tagabantay, kundi ang buong populasyon ang sagradong pagpili
inilunsad niya ay ang pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng sunod-sunod na bagyo sa Ilocos Norte. Dahil dito, lubhang naapektuhan ang ani ng mga magsasaka. Kinulang sa suplay ng pagkain ang mga mamamayan ng Ilocos Norte, at bumaba rin ang kita nila. Nagdulot ito ng matinding dalamhati sa mga Ilokanong nagtatrabaho sa agrikultura. Nasaksihan ko kung paano nasira ang mga kapatagang tila tahanan na ng mga minamahal nating mga bayani ng bukid. Sa kabutihang palad, naroon si Gov. Manotoc na naglunsad ng agrikultural na rehabilitasyon upang maibalik sa kaunlaran ang mga nawalan. Bagamat sa maikling panahon ay nalugmok ang mga magsasaka, naroon ang gobernador upang maging bituing pag-asa ng bayan—ang ilaw ng Norte. Sa kanyang mga munting hakbang, naging sandigan siya
sa ilaw na dadala saatin patungo sa karangyaan. Hindi sapat ang pagiging bukas-palad, lalo na’t ang sangkatauhang pulitika ay nagiging sakim sa poder at kayamanan. Wag tayong magpalinlang sa pagbabalatkayo ng katunggakan, sapagkat, ito ang unti-unting wawasak sa matibay na pundasyon ng ating demokrasya. Ang pagbabago ay hindi maaaring magmula sa kasikatan ng pangalan, kundi sa lakas at dignidad ng kakayahan at malasakit para sa bayan. Makukuntento ba ang masa sa panlilinlang ng kasikatan, o nanaisin natin na ang sisikat.
Ang pagmamahal sa kanyang pinakapayak na anyo, ay isang pwersang humuhubog sa ating pagkatao. Kadalasan, itinuturing natin itong isang damdaming nauugnay lamang sa romansa, isang sukdulang ligaya o pighati na dulot ng pagkakaugnay ng dalawang puso. Ngunit may isang anyo ng pagmamahal na hindi natin madalas binibigyan ng pansin—ang pagmamahal sa ating sarili. Sa kabila ng mga labis na inaasahan mula sa kapwa, madalas nating kaligtaan na ang tunay na pagmamahal ay nagsisimula sa sarili. Paano nga ba natin matutuklasan ang kahulugan ng pag-ibig, kung tayo mismo ay hindi kayang tanggapin ang ating kabuuan? Sa isang mundong walang kasiguraduhan, ang tunay na halaga ng pagmamahal ay hindi palaging matatagpuan sa bagwis ng romantikong koneksyon, kundi sa kaharian ng sariling pagkilala at pagtanggap.
Ayon sa Department of Education, mayroong 404 na naitalang mga estudyanteng nagpakamatay at mahigit 2, 147 na pinagtangkaang kitilin ang kanilang buhay dahil sa kakulangan ng karampatang atensyon . Bilang tugon, marapat nating itaguyod ang isang komplikado
ngunit makataong panawagan—ang pagbukas ng diwa’t puso para sa pangangalaga ng kaisipan, sapagkat bawat buhay ay sagrado.
Kailangan nating maging responsable sa lahat ng pagkakataon upang matiyak ang ating magandang kinabukasan. Ang malusog na pangangatawan ay makakamit sa pamamagitan ng wastong pagkain at regular na ehersisyo. Dapat nating bigyan ng pansin ang ating pisikal na kalusugan. Ang ating kaisipan ay kailangan ding aapaw sa mga positibong mga ideya upang kahali-halina ang epekto nito sa ating katawan at pag-iisip. Maging masaya; ngumiti at tumawa dahil ito ay nakakapagpabata. At huwag kalimutang manalangin para sa patnubay ng Maykapal.
Tulad ng bulaklak na puting hyacinth na sumisimbolo ng wagas na pag-ibig, ang pagmamahal sa sarili ay pundasyon ng ating kagalingan at ugnayan sa iba. Sa gitna ng tumataas na bilang ng mga kabataang nagdurusa mula sa kawalangpag-asa, ito’y nagiging paalala na ang pagyakap sa ating kaisipan at damdamin ay hindi luho kundi pangangailangan. Sa bawat pagsubok, ang pagtanggap sa sarili ay nagbibigay-daan sa mas maliwanag na kinabukasan at
Isang Pantas
ng mga nawalan ng pag-asa. Siya ang naging sandata upang makamit ang tagumpay ng isang tunay na lider.
Sumibol ang bago at gintong bulaklak sa Ilocos Norte sa ilalim ng isang pinunong bukod-tangi at kahanga-hanga.
"Kapag ang mga tao ay bumoto nang walang tamang impormasyon, nagiging mahina ang pundasyon ng ating lipunan at nagdudulot ito ng masamang epekto sa ating kinabukasan. Ang pagkakaroon ng edukasyon at kamalayan sa mga isyu ng bayan ay susi upang makagawa ng matalinong desisyon sa pagboto. "
- Aienn
Isang lider na inuuna ang kabutihang panlahat at inilalantad ang liwanag ng probinsya. Ang mga proyektong isinagawa ni Matthew Marcos Manotoc ngayong taon ay nagdulot ng malaking tagumpay sa bayan. Kaya’t tayo, bilang mga mamamayan ng Ilocos Norte—bilang mga Ilokano—ay magkaisa sa ilalim ng dangal na hawak ng ating pinuno. Sapagkat ang pag-unlad ng kanyang pangalan ay pag-unlad ng ating probinsya. Ang tagumpay ng pantas na Matthew Marcos Manotoc ay tagumpay nating mga Ilokano.
-HannahLuzcilleV.Pagdilao
"Nakakalungkot isipin na ang politika sa Pilipinas ay tila nagiging kompetisyon ng kasikatan kaysa kakayahan. Dapat mas higpitan ang mga pamantayan sa pagtakbo upang masigurong kwalipikado at may integridad ang mga kandidato. Nakikita ko na ito na naman ay isang mabigat na problema na dapat isaalang-alang Ng Saligang Batas Ng Pilipinas."
- John
ngayon dahil sa pagkakaiba ng mga henerasyon. Maraming batang Gen Z ang hindi na pamilyar sa mga awiting sumikat noong nakaraan. Para sa kanila, ang mga ito ay tila misteryo, isang bahagi ng kasaysayan na unti-unti nang nawawala sa alaala.
at 90 ay puno ng emosyon, kuwento, at makahulugang liriko. Ngunit sa pagdating ng digital na panahon, ang mga batang Gen Z ay nagkaroon ng ibang paraan ng pakikinig ng musika. Spotify, YouTube,
Himig ng Nakaraan, Tinig na Walang Hanggan
Musika, isang malakas na pwersa na nag-uugnay sa mga henerasyon. Ito ay may kakayahang maghatid ng emosyon, magdala ng alaala, at magbigay-buhay sa mga kwento ng nakaraan. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang mga uso ay patuloy na nagbabago, at ang mga kanta na minsang nagbigay saya, inspirasyon, at aliw sa ating mga puso ay tila unti-unting nawawala sa alaala.
Eraserheads, APO Hiking Society, at Parokya ni Edgar ang ilan sa mga bandang naghatid ng mga mensahe ng pag-ibig, pag-asa, at paghihimagsik. Ang mga ito ay nagsisilbing soundtrack ng ating kabataan, nagpapaalala sa atin ng mga alaala at damdamin na nagmarka sa ating mga buhay. Mga awiting popular noong dekada 80
at TikTok ay nagingpangunahing pinagkukunan ng kanilang mga paboritong kanta. Ang mga awiting popular ngayon ay madalas na mabilis, may malakas na beat, at naglalaman ng mga lyrics na nakatuon sa kasalukuyang mga uso.
Sa kasalukuyang henerasyon ng Gen Z, ang mga awitin ng nakaraan ay tila isang misteryo—isang bahagi ng kasaysayan na hindi na nila nararamdaman o nauunawaan. Ang ganitong agwat sa musika ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagsisikap na mapanatili ang koneksyon sa pagitan ng lumang at bagong henerasyon sa pamamagitan ng pagbabahagi at pagpapakilala ng mga yaman ng musika ng nakaraan. Nagkakaroon ng puwang sa pagitan ng mga kanta noon at
Kaya't sa tuwing maririnig ninyo ang mga kanta mula sa nakaraan, huwag lang basta pakinggan kundi ipamahagi rin ang kahalagahan ng mga ito sa mga kabataang Gen Z. Ipaliwanag ang mga kwento, emosyon, at kulturang nakapaloob sa bawat himig at liriko. Ang musika ay higit pa sa simpleng libangan; ito ay isang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan at identidad. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga awitin mula sa nakaraan, nagiging posible ang pagbuo ng isang tulay na mag-uugnay sa mga henerasyon, nagpapatunay sa walang hanggang bisa ng musika bilang isang pwersa ng pagkakaisa at pag-unawa.
" Walang hanggangbisa ngmusikabilang isangpwersang pagkakaisaat pag-unawa.
mas malalim na koneksyon sa iyong sarili.
MAKABAYAN. MAKATARUNGAN. SUGO. UNLAD.
-HannahLuzcilleV.Pagdilao
-NinyaTherese D.Gonzlaes
-NinyaTherese D.Gonzlaes
Sa lupain kung saan sumisikat ang araw, natanaw ang anino ng munting bata. Palarong may hawak na isang kahoy na hinulmang silindro na sa bawat hampas nito’y pagpapamalas ng pananabik sa isang gantimpala. Isang batang Iloko ang kuripaspas na tumakbo na nag-uwi ng tagumpay sa bayan nitong dala-dala. Maliit man sa sukat, siyang nagpatunay na lahat ng pangarap ay sa sigasig matatamasa.
Lupang Tinubuan. Tila mala-bulaklak na sumibol ang ingay ng kanyang pangalan: Gerick Jhon Flores. Siya ay isang 11-anyos na Grade 6 student mula sa Maglaoi Elementary School sa Currimao, Ilocos Norte. Kinatawan niya ang Pilipinas sa isang international baseball competition sa Matsuyama, Japan noong Nobyembre 23 hanggang 30, 2024.
Munting Kasaysayan. Sa 270 na mga atleta mula hilaga’t timog ng bansa na sumubok sa kanilang kahusayan sa nasabing laro, nakuha ni Flores ang puwesto bilang isa sa 17 na manlalaro na napili para sa Under-12 Philippine Baseball Team. Ayon kay Flores, ikinagagalak niyang dalhin ang kanyang bayan sa pandaigdigang puri. Dito niya ipinamalas na hindi lamang ang kanyang pansariling husay ang nais niyang ibahagi, gayundin ang kakayahan ng mga kapwa niya Ilokano.
Galing ni Bulilit. Ang lubos na pagmamahal ni Flores sa larong baseball ay nakaugat sa kanyang paglalaro sa mga bukirin sa murang edad noong siya ay nasa unang baitang. Pagka-
tuntong niya sa ikaapat na baitang, kasali na siya sa Currimao baseball team at dalawang beses nang nakipagpaligsahan sa Palarong Pambansa. Ang kasigasigan ni Flores naman at buong pusong sinuportahan ng kanyang mga magulang. Paglipas ng mga taon ng kanyang masinsinang pagsasanay, naabot niya ang kanyang inaasam-asam na magdala ng karangalan sa kanyang bansa. Nasungkit niya ang kumikinang na parangal—ang Mythical Award—para sa pagkamit ng Most Stolen Bases sa 11th BFA U12 Asian Baseball Championship sa Matsuyama, Japan. Ang isang stolen base ay kadalasang nangyayari kapag ang isang base runner ay sumulong sa susunod na base habang ang pitcher ay nagpi-pitch ng bola sa home plate. Ang mga matagumpay na base steaaler ay dapat na mabilis at may magandang timing. Samakatwid, ito ay isang katibayan na wala sa liit o laki at pagkabata o tanda ang makakatukoy sa hangganan ng pangarap at hangarin ng isang tao.
Kinabukasang
Sumisilip. Sa munting anino ng batang ito nakakubli ang maliwanag na kinabukasan. Isang hinaharap na patuloy na sisinag at unti-unting sisikat sa tulong ng pundasyon na matatag at makasaysayan. Balang araw, mabibigyang tuon din ang iba pang mga batang Iloko na kukuripaspas na tatakbo, matulin na lalangoy, o iba pang paraan upang makasungkit ng parangal sa bayan nitong binubuhat. Dito maisasakatuparan na tunay ngang walang sukatan ang tagumpay na sa kasaysayan ay nais na mailapat.
Namumulaklak ang Munting Bulak
Kamay na kulubot ang siyang naghabi sa telang ‘di magusot-gusot. Mula sa lupain ng mga “Hinirang,” isinilang ang dalagang hindi kukupas na kultura’y kanyang ibubunsod. Naglaon ay yumabong at lumago nang sinubok ng panahon. Mala-gagamba, siyang lumikha ng katangi-tanging pagkakakilanlan na sa bawat sinulid ay naging sapot na kanyang itinugon.
Tagaktak at palaktak, siyang unti-unting naulinigan sa hilagang lupain ng mga “Hinirang”—ang Pinili, Ilocos Norte. Sa pagiging sagana nito ng kasaysayan at tradisyon ay maihahalintulad sa dulo ng isang bahaghari. Isa sa mga yaman nito’y inilatag sa bawat telang nabuo ng siyamnapu’t anim na taong gulang na kamay ni Magdalena Gamayo—isang manghahabi nang mahigit walumpung taon.
Isinilang noong 1924, siya ay isang manlilikha ng “inabel”—isang makasaysayang tela ng bulak na may katumbas ng isang ginto noong panahon ng kalakalang galyon. Ang kanyang kadalubhasaan sa nasabing larangan ang siyang nagtulak sa kanya na maging isa sa mga labing-anim sa kasaysayan na makatanggap ng gantimpalang Gawad sa Manlilikha ng Bayan (GAMABA). Ang lahat ng mga palamuting ito ng tagumpay ay nakaugat noong kanyang natutunan ang paggawa ng inabel sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bawat kamay niya’y nahubog sa munting pag-uusisa lamang sa kanyang mga tiyahing naghahanapbuhay. Samakatwid, natuto siya nang walang tiyak na batayan at naglikha ng mga patterns gaya ng sinan-sabong (bulaklak), inuritan (geometric patterns), at kusikos (spiral forms), binakol (alimpuyo, ang kanyang specialty).
Sinan-sabong (bulaklak) na sumibol sa sining ng inabel— sinikot ang lahat ng dako’t kultura’y sa sinulid nito’y nakalimbag.
Ito ay isang sining na komplikado’t oras ay inilalaan na sa kamay ng matanda’y hindi na estranghero. Sa kabila ng mga matang halos isang daang taong gulang, hindi magiging hadlang ito sa pagtiyak ng tamang bilang ng mga tamang kulay na mga sinulid na may maayos at pantay-pantay ang pagitan. Sa munting sabay ng kumpas ng kanyang mga kamay at paa gumagana nang maayos ang kahoy na habihan— sa kahoy na ito namumunga ang isang telang ilalaan sa lipunan.
Inuritan (hugis)… hinuhugis ang lipunan—telang abel na gamit ay walang hanggan. Ang katumpakan, katatagan, at sigasig ng likhang abel ang siyang nagdurugtong sa mga mamamayan ng Pinili. Kasabay ng paghabi’y ang pagtahi rin ng pagkakaiba na sa lipunan nati’y nanatili. Katatagan nito’y pinapatibay ang kahalagahan nito sa iba’t ibang larangan—hindi lamang isang kasuotan, kundi maaari ding maging palamuti, sagisag, at tanda ng kasaysayan sa magkakaibang mga larangan. Ito ang ang nagpaangat sa likhang abel na maging isang pambansang buhay na yaman.
Kusikos (paikot)… ang patuloy na hangarin na sa kabila ng dagsa ng pagbabago’y ang tradisyon ay patuloy na umikot. Sa kabila ng pagiging matunog ng inabel, hindi maikakaila ang kakulangan nito sa suportang pinansyal maging ang pagtangkilik ng mismong karamihan sa mga Ilokano. Subalit, isa lamang ang hangarin ni Nana Magdalena—na maipamana’t hindi bitawan ng kanyang mga kakilala’t angkan ang tradisyong ito na nilalampasan ang bawat hangganan sa ating lipunan.
Binakol (alimpuoy)… na pinagdalubhasaan niyang likha! Sa kabila
Francis Joseph "Chiz"
Guevara
Escudero
“Ang boses ng Masa, Isang Daan para sa Pag-asa” kapangyarihan.
Si Francis Joseph “Chiz” Guevara Escudero ay isa sa mga may tanyag na personalidad sa larangan ng politika sa Pilipinas. Siya ay ipinanganak noong Oktubre 10, 1969. Siya ay kilala hindi lamang bilang isang abogado at mambabatas, kundi isang lider na may malasakit sa kaniyang mga kababayan. Kilala siya sa kaniyang
Sa bawat hakbang na ginagawa niya, ipinapakita niya sa mga mamamayang Pilipino na ang politika ay hindi kailangang maging komplikado. Sa halip, ito ay dapat na maging malinaw, makatao at makabuluhan. Sa madaling salita, si Chiz Escudero ay hindi lamang isang lider, siya ay isang inspirasyon para sa lahat. Isa siyang patunay na sa panahon ng pagbabago, may mga katulad parin niya na hindi makakalimot kung para kanino ang tunay na paglilingkod.
Mula pa noong maging gobernadorang Sorsogon hanggang maging senador, dala-dala niya ang kanyang adbokasiya para sa edukasyon, kalikasan at patas na opurtunidad para sa lahat. Sa bawat debate, hindi siya ang tipong magpapaligoy-ligoy kundi simple, direkta at puno ng sustansya ang kanyang mga salita.
talino, tapang at malasakit. Mula sa kanyang murang edad, nasilayan ng marami ang kaniyang potensyal sa pagiging lider. Siya ay anak ng dating Kalihim ng Agrikultura na si Salvador Escudero III. Nagtapos siya ng kursong Abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas at kumuha ng karagdagang aral sa Georgetown University sa Amerika na lalong nangtulong sakaniya na magkaroon ng mas maraming kaalaman at kakayahan sa pamamahala.
Naging kasapi siya sa Senado noong taong 2007 at muling pinatunayan ang kaniyang dedikasyon sa bayan. Sa likod ng kanyang madalas na seryosong imahe, malinaw na ang kanyang puso ay para sa bayan at hindi lang para sa pangalan o
nito’y sumasalamin sa masalimuot at mala-alimpuoy niyang nakaraan. Kagalingan ay nakaugat sa pagmama hal ng ninuno’t maging ang madilim niyang karanasan. Higit na nakatulong ang inabel sa kanyang pagtahak sa kasagsagan ng digmaan at kamatayan ng kanyang nag-iisang supling. Isang malalim na pagkakasalikop ng kanyang buhay sa inabel na umaalingawngaw sa kanyang mga likha na hinabi nang may tapat na layunin—walang pagmama dali’t walang pag-aalala.
LAT
Sa kasalukuyan, nananatiling aktibo ni Chiz Escudero sa politika at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa nakakarami. Ang kaniyang dedikasyon sa pagsisilbi sa gobyerno ay patunay na sa kabila ng mga hamon, ang tunay na lider ay nananatiling matatag at may malasakit sa bayan. Siya ay kilala rin bilang isang simpleng tao na mahilig sa musika at may pagkahilig sa pamilya. Ito rin ang paalala sa mga kabataan na ang edukasyon, kasipagan, at malasakit ay mga sandatang magdadala sa atin sa tagumpay, hindi lamang para sa sarili kundi para sa kapakanan ng lahat.
Hindi rin siya nakaligtas sa mga kontrobersya tulad ng mga ibang lider. Si Chiz Escudero ay hindi lamang isang pulitiko ngunit isa rin siyang simbolo ng modernong lider na handang makinig, maglingkod, at maging tinig ng bawat Pilipinong naghahangad ng pagbabago.
HA
Sabong…Inuritan…Kusikos…at
Binakol…Iba’t ibang disenyo’y iisa ang layunin at oras ay higit na ginugugol. Sa pagyabong ng inabel ang siyang unti-unting paglagas ng oras ni Nana Magdalena. Hangarin niya’y ilang taon pang pamumuhay—hindi maubusan ng sinulid at maputol ang kulturang patuloy na naglalakbay. Patunay na ang munting bulak, sa tamang kamay ay mamumulaklak. “Ti rugi ti pinagubon iti maysa a sabong, maipatawid dagiti intedna a pakasaritaan ken tulong!”
LAIN
para makamit ang korona. Sa patimpalak, umaapaw na kumpiyansa at lumalagablab na determinasyon ang makikita sa bawat dalaga. Ngunit, sa huli, tanging isa lamang ang magwawagi, ang tatanghaling inspirasyon ng nakararami.
Isang gabi ng kahanga-hangang kagandahan at hindi matatawarang talino ang nasaksihan ng mga mamamayan sa taunang Miss Batac Pageant 2024, na ginanap noong ika-11 ng Disyembre sa makasaysayang Imelda Cultural Center. Sa gabing iyon, nagningning ang 39 kandidata mula sa iba’t ibang barangay, dala ang kanilang talino, talento, at paninindigan upang maipakita ang tunay na diwa ng pagiging modernong Pilipina. Sa unang bahagi ng kompetisyon ay nagpakitang gilas ang mga binibini sa kanilang intermission at introduction.Bawat kandidata ay nagpakita ng kakaibang karisma at kumpiyansa, na lalong nagbigay-kulay sa gabi ng pageant. Kasunod nito ay ang swimsuit competition, kung saan ipinakita ng mga kandidata ang kanilang pisikal na kagandahan at alindog. Sa kabila ng simpleng kasuotan, ang bawat kalahok ay nagdala ng kakaibang aura, na nagpakita ng kanilang lakas at kumpiyansa sa sarili. Matapos ang swimsuit competition, mas lalong umangat ang kompetisyon sa pamamagitan ng evening gown segment, kung saan ipinamalas ng mga kandidata ang kanilang elegance at pagiging sophisticated. Ang bawat gown ay maingat na dinisenyo upang i-highlight ang natural na kagandahan ng mga kalahok. Ito ay hindi lamang tungkol sa kagandahan ng kasuotan, kundi sa kakayahan ng bawat kandidata na dalhin ang sarili nang may kumpiyansa at dignidad. Ang bawat kilos at galaw ay sumasalamin sa kanilang karakter, na nagbibigay ng mensahe na ang tunay na kagandahan ay nagmumula sa loob.
Habang maganda ang mga swimsuit at evening gowns, ang pinakamainit na bahagi ng gabi ay ang Q&A segment, na nagbigay-diin sa talino at pananaw ng mga kandidata. Ang bawat tanong ay naglalayong sukatin ang kanilang kakayahang magisip nang mabilis at magbigay ng makabuluhang sagot sa mga katanungan. Isa sa mga tanong na tumatak sa gabing iyon ay: “You’re
-JohnLynyrd T.Ganitano
-JohnLynyrd T.Ganitano
- Joanna Marie T. Batistiana
La Paz: Mga Buhanging
Buhay
Kasangga ng ilog na patuloy ang pag-agos, ang rumaragasang ihip ng hangin, at karagatang hindi matanaw ang hangganan—nabuo ang La Paz Sand Dunes sa siyudad ng Laoag na hindi lamang isang pambihirang tanawin kundi isa ring mahalagang likas na yaman para sa mga karatig-barangay nito. Sinong mag-aakala na mayroong mala-disyertong kalupaan dito sa hilaga ng bansa. Mga lumang arkitektura, nakakatakam na pagkain, at mga museo ang kadalasang dinaragsa dito sa Ilocos subalit sa paglipas ng panahon, ang kakaibang anyo at kahalagahan ng lugar na ito ay nagbukas ng maraming pintuan ng oportunidad, tulad ng turismo, agham, kultura, at kabuhayan.
Ang naturang sand dunes ay kilala rin bilang Bantay Bimmaboy, na isang malawak na coastal desert na sumasaklaw ng humigit-kumulang 85 kilometrong kuwadrado. Ang naiibang porma
ng mga buhangin, na tila baboy kung titingnan mula sa malayo, ang nagbigay sa lugar ng lokal nitong pangalan. Bahagi rin ito ng mas malaking Ilocos Norte Sand Dunes (INSD) na umaabot mula sa Currimao hanggang Pasuquin.
Ang taas ng mga buhangin
dito ay nagkakaiba-iba, mula 10 hanggang 30 metro, habang ang mas protektadong bahagi ay umaabot pa sa taas na 90 metro. Bukod sa mala-disyertong tanawin, masisilayan rin mula rito ang kahanga-hangang karagatan ng West Philipppine Sea, na lalong nagbibigay ng nai-ibang karanasan para sa mga bisita lalo na kapag nagku-krus ng landas ang ginintuang araw at asul na katubigan
LAIN
ng nasabing karagatan. Ang natatanging kalikasan ng lugar ay likha ng tuluy-tuloy na interaksyon ng hangin, dagat, at ilog, na humuhubog sa anyo nito sa paglipas ng panahon.
Noong 1993, opisyal na kinilala ng National Committee on Geological Sciences (NCGS) ang INSD bilang isang National Geological Monument, bilang pagkilala sa natatanging geolohikal na yaman at pang-edukasyong kahalagahan nito.
Sa nakalipas na mga dekada, naging pangunahing destinasyon ang La Paz para sa mga lokal at dayuhang turista. Sikat ito sa mga adrenaline-pumping na aktibidad tulad ng 4x4 rides at sandboarding, kung saan ang matarik na dalisdis ng buhangin ay nagiging entablado ng mga kapana-panabik na karanasan. Ang mga aktibidad
Perlas ng Turismo ng Norte
STalino, ng Bawat Puso
generation is usually compared with your predecessors in many aspects, if there is one negative impression about your generation that you want to be proven wrong, what is it?
Ang sagot ni Miss Nalupta na pumukaw at bumihag sa mga madla at hurado ay: “If there’s one thing that I would describe our generation it would be very opinionated. Although our generation is misconstrued as very ardent I think that ardency has a purpose–we have a voice and that is what the past generations do not see. We can use this voice to influence, to empower, to give positive change and to make our community grow. With this voice we are not only making noise, however, we are making a change. Thank you.”
Sa huli, nabihag ni Franchesca Irish Cabansag ng Barangay Nalupta ang mga hurado at ang mga tao sa kanyang kagandahan talino na nagkamit ng hinahangad na titulo ng Miss Batac 2024. Bukod sa titulo, nakuha rin niya ang Best in Swimsuit, Best in Poise, Most Charming, Most Articulate at iba pang mga corporate at minor awards.Ngunit higit pa sa mga gantimpalang materyal, ang kanyang tagumpay ay naging simbolo ng inspirasyon para sa lahat ng kababaihan ng Batac.
Ang kanyang mga runner-up ay hindi rin nagpahuli sa pagpapakita ng kanilang kakayahan.Si Marienne Fahmetha Tajon ng Barangay Naguirangan ang tinanghal na 1st runner up, habang si Faith Heather B. Fonseca ng Barangay Bil-loca ang nagtamo ng 2nd runner, si Jmie Rian Maria V. Clemente ng Barangay Camandingan ang 3rd runner up, at panghuli si Roxanne Angel A. Flojo ng Barangay Payao na tinanghal na 4th runner up. Ang Miss Batac ay higit pa sa isang kompetisyon– ito ay isang plataporma na nagpapakita sa kahalagahan ng mga kababaihan bilang tagapagtaguyod ng pagbabago at inspirasyon.Ang bawat hakbang sa entablado, bawat sagot sa mikropono, at bawat ngiti ng mga kandidata ay nagdala ng mensahe ng pag-asa, pagkakaisa, at pagmamalaki sa kanilang pagkatao.Sa inspirasyong hatid ng Miss Batac, tiyak na magpapatuloy ang laban para sa mas inklusibo at progresibong lipunan.
-KryslinC.Bonilla
na ito ay hindi lamang nagbibigay ng kasiyahan sa mga turista, kundi nagbibigay rin ng pangkabuhayan sa mga residente ng Barangay La Paz at mga karatig-barangay.
Ang mga lokal na mamamayan ay nagtatrabaho bilang mga jeepney drivers, sandboarding instructors, at tour guides, habang ang iba ay nagtayo ng maliliit na negosyo sa paligid tulad ng mga tindahan ng pagkain at souvenir shops. Sa ganitong paraan, direktang nararamdaman ng komunidad ang benepisyo ng turismo, na nagbibigay-daan upang mas mapaunlad pa ang kanilang mga kabuhayan.
Ang dinarayong lugar ay higit pa sa isang tanawin ng kalikasan; ito ay isang buhay na yaman na nagbibigay-buhay sa mga karatig na komunidad. Sa pamamagitan ng turismo, nakapaglilingkod ito bilang isang tulay na nag-uugnay sa tao at kalikasan.
ANG MAHOGANI
a puso ng lumalagong turismo ng Norte, isang hotel ang nagiging tanyag dahil sa kagandahan nito sa labas at loob. Ang Plaza Del Norte Hotel and Convention Center, na matatagpuan sa Paoay Road, Brgy. 41 Balacad, Siyudad ng Laoag, Ilocos Norte, ay tunay na isang destinasyon na hindi mo dapat palampasin.
Mula sa labas, ang hotel ay tila isang mansyon na bumabalot sa gabi dahil sa nakakabighaning ilaw na nagbibigay buhay dito. Ang swimming pool, na may malinaw na tubig na halos sinlilinaw ng salamin, ay nag-aanyaya sa bawat bisita na magtampisaw at magpahinga. Ang mga berde at luntiang halaman na nakapaligid ay nagbibigay balanse ng kalikasan at makabagong disenyo.
Sa pagpasok sa loob, tila papasok ka sa isang paraisong dinisenyo para sa kasalan, kaarawan, at iba pang espesyal na selebrasyon. Bukod sa magagarang disenyo, ang buong lugar ay may mabilis na Wi-Fi kaya’t mananatiling konektado ang mga bisita sa kanilang mga mahal sa buhay, kahit nasa malayo. Ang bawat silid ay may air-conditioning, maginhawang upuan, at modernong disenyo upang tiyakin ang kumpletong kaginhawaan ng bawat nananatili.
Habang tumutuloy dito, maaari mong bisitahin ang ilang tanyag na atraksiyon sa Ilocos Norte tulad ng Paoay Sand Dunes, Malacañang of the North, Paoay Church, at iba pa. Ang Laoag International Airport ay ilang minuto lamang ang
Pagkatapos ng mahabang araw ng paggalugad, magpahinga at kumain sa kanilang restaurant na nag-aalok ng masasarap na pagkain na lokal tulad ng Arroz Caldo, Beef Salpicao, at Batac longganisa. Bukod pa rito, mayroon ring mga putaheng internasyonal, tulad ng Full English Breakfast, Kansas-style chicken, Korean barbeque at Monggolian Buffet.
Kung naghahanap ka ng isang lugar na magbibigay ng kumportableng pananatili, kamangha-manghang tanawin, at malapit lamang sa mga pangunahing atraksyon, huwag nang magdalawang-isip pa, ang Plaza Del Norte Hotel and Convention Center ang perpektong destinasyon para sa iyong bakasyon sa Ilocos Norte.
Paghakbang sa Marmol
-HannahLuzcilleV.Pagdilao
Mga naglalakasang tinig at musika ang gumising sa isang ligaw na prinsesang gusot-gusot ang kasuotan. Kaniyang minabuti ang pagkuskos sa kaniyang mga mata upang luminaw ang kaniyang perspektibo sa mala-higanteng gusali sa kaniyang harapan. Mahigit-kumulang labing-isang palapag ang taas ng estrelyang ito. Tila ang nagniningningang mga dekorasyon ay salamin ng itim na kalangitan. “Pamulinawen Hotel” – ang tanyag nitong ngalan. Napapalibutan ito ng iba’t-ibang tao mula sa iba’t-ibang sulok ng daigdig. Ang patsada nito ay nag-intriga sa prinsesang lubhang namamangha dahil sa taglay nitong kinang. Ngunit hanggang saan ba ang aabutin ng rikit nito? Abot ba ng marangya nitong dilag ang kaniyang kaibuturan?
Ang bawat hakbang ng prinsesa ay nagdala ng bagong yugto sa sementadong pig-ik tungo sa ginto’t pilak na pintuan ng edipisyo. Ang pagsibol ng mga pambihira at katangi-tanging mga bulaklak ang naging ugat sa pagkamarahuyo ng mga may pusong bato. Ang pulso ng bawat indibidwal ay tila bumilis dahil sa pagkabighani sa makabagong mukha ng Pamulinawen. Kasabay nito ang pag-usbong ng ningas at banaag sa kalawakan, na tila mga bulalakaw sa gabing puno ng pag-aanlinlangan at pagnanasa.
Isang nostalhik na paisahe ang nasaksihan ng mata. “Naganap na ba ito dati?” tanong ng prinsesa sa kaniyang sarili habang palapit nang palapit ito sa pilak nitong busol. Tik-tok-tik-tok-tik-tok. Tila bumagal ang takbo ng panahon ng maramdaman ng kaniyang palad ang malamig na busol. At sa kaniyang pagtulak, bumungad sa kaniyang asul na mata ang luningning ng bestibulong kung saan kaniyang pinagmasdan ang mga silyang gawa sa kahoy, ang mga puting kurbang disenyo sa kisame, at mga amarilyong ilaw na nagbibigay liwanag sa ilaya ng gusali. Ang mga ngiti at kislap sa mata ng mga mamamayang hawak-hawak ang kanilang mga iwi habang sila’y patungo sa kanilang sari-sariling mga silid.
At sa kaniyang paghakbang sa marmol na baldosa, at ang pagbitaw sa pilak na busol, ang labing-isang palapag nito ay tila naabot na ang mga tala. Mas mataas
pa kaysa sa Tore ng Babel; lubhang mas nakakasilaw kaysa sa Sirius. Tila ang bagong diwa ang siyang nagpasibol ng luntiang mga damo at lilang mga bulaklak. Unti-unti, ang mga kapwa niya prinsesa at prinsipe ay umapak din sa baldosa ng Pamulinawen Hotel, at ang tanyag nitong ngalan ay naging bantayog ng isang ganap na Polaris - ang tala ng Norte.
|
- Joanna Marie T. Batistiana
- Atoze A. Alonzo
Alam mo ba? Si mama? Buhay ko’y kanyang ipinagkaloob… Aking ina? Paglilimi niya’y kanyang itinutok…Si inay? Mga braso’t kamay niya’y aking naging haligi…Oo, si inang—kung saan ako ay may utang na aking susuklian at isang ganti’y ibibigay ng walang pag-aalinlangan. Handog na Buhay. Sa loob ng munting silid naulinigan si ‘Kulit’—isang bubot na sisiray sa tulong ng maalagang mga kamay. Ang munting mga daliri nito’y ang siyang humaplos sa tiyan na siyam na buwang dumanas ng pasakit, bilang kapalit ay buhay na siyang maihahandog. Ito ang tiniis ng isang magulang—isang inang kikiyad-kiyad sa paglakad sa laki ng dala-dala sa kanyang harapan. Kirot dito; Pulikat doon; ‘Di nagsawang tahakin ang mga ito ng isang ina. Sa munting pag-upo at pagtulog na lamang ay salusalo niya ang kanyang anak upang ito’y ‘di masaktan. Sa mundo, si ‘Kulit’ ay isinilang na ang inaasahang kapalit ay ginhawa’t pagmamahalan. Sa paglalakbay na ito’y kanyang makakasama ang inang hindi nagkubli’t natakot sa posibilidad na ang unang iyak ni ‘Kulit’ ay kapalit ang kanyang huling hininga. Limi ng Kamay. Nang sumapit ang itinakdang oras, ang palahaw ng paslit sa masikip na silid ay naulinigan. Mahigit isang oras na sigaw at iri ang siyang paghihirap na pinasan ng isang magulang. Kasabay ng paglabas ng paslit, ang unang iyak nito ang una niyang nasilayan. Ang inang mamasa-masa ang mga mata’y hinag-
"Para
Ang Bayani ni ‘Kulit’
kan ang sanggol at yakap niya’y buong suyong inilaan, Hindi dito nagtapos ang tiyaga at hirap ng isang ina, sapagkat simula pa lamang ito. Nang lumaon, ang pag-ibig mula sa kanyang mga mata’y nagbakas ng pangangalumata ng ina sa walang tigil na pag-aalaga. At, sa bawat limi ng kanyang mga kamay naibigay lahat ng pangangailangan ng bata. Ilaw na Gabay. Sa paglaki ni ‘Kulit’, ang ina ang kanyang naging munting haligi. Pagtuntong niya sa paaralan, sa palda ng kanyang ina siya’y kumapit. Lubos na takot na maiwanan sa loob ng eskwela. Subalit, ang salita ng ina ang nagpagaan sa kanyang loob at pag-aalala. Nang matuto ang musmos na gamitin ang biyayang sumayaw at kumanta, hindi nag-alinlangan ang ina na ipagmalaki siya at kanyang ibinida sa tuwa. Sa kabila ng mapanghusgang salita mula sa lipunan, ang nanay ang nagsilbing takbuhan niya’t kasangga. Parehong ‘di nagpatinag upang ang inaasam-asam na kinabukasan ay matama sa. Sa mata ni Inay, si ‘Kulit’ ay isang bulaklak na patuloy yumayabong sa tulong ng kanyang ilaw na dala-dala—at isang biyayang dakila na ipinagkaloob ng Poong Lumikha. Bayani ka, Inay! Ang bayani ni ‘Kulit’— ang bayani ko. Walang pag-aalinlangan kong ibibigay ang pagmamahal at respeto na narara pat para sa iyo. Ang mga aral at asal na iyong ipinamulat at itinuro sa akin ay hindi kailanman maglalaho. Paghihirap mo’y aking susuklian ng kabutihan. Maalwang pamumuhay ay hindi na malabong iyong makamit at matikman. Para sa iyo, ang maging “ako” ay sapat at walang katu lad. Isang kang dakila, mama—ikaw ay biyaya’t ako ang pinakamapalad.
sa Nanay"
Para sa mga nanay na tahol ng tahol sa umaga
Dinaig pa ang alarm-clock at manok sa ingay
Para sa mga nanay na parating nag-uutos
Kapag nakikitang walang ginagawa ang anak
Para sa mga nanay na puno ng pag-aalala
Di natutulog kahit alas-dose ng umaga, naghihintay
Para sa mga nanay na tudo suportado
Dinaig pa mga cheer-dancers sa hiyaw kahit solo
Para sa mga nanay na puno ng sakripisyo
Kahit walang matira, basta makita kang masaya
Para sa mga nanay na kahit walang maibigay
Gagawin ang lahat upang kanyang maipagkaloob
Para sa mga nanay sa buong pusong nagmamahal
Para sa mga nanay na di nauubos ng pasensiya
Para sa mga nanay na parating nasa aming tabi
Mahal na mahal naming mga nanay, isang maligayang pagbati
-JohnLynyrd T.Ganitano
"Yakap Mo, Kanlungan ko
Ina, ika’y tunay na dakila
Pag-ibig mo’y sadyang walang makakapantay
Sa iyong bisig, mga problema’y nawawala
Sa bawat hakbang ikaw ang gumagabay
Sa iyong mga mata, pagmamahal ang laging nakikita
Ang kanlungan ko, saanman ako magpunta
Mga sakripisyo mong hindi lingid sa aking kaalaman
Sa pagdating ng panahon ay akin ring masusuklian
Sa bawat ngiti mo, mundo ko’y nagiging magaan
Pagmamahal mo’y higit pa sa isang yaman Ina, ikaw ang aking kanlungan
Sa’yong mga kamay, ako’y laging may kalakasan
Gulugod ng Isa,
Gulugod ng Lahat
Kapuna-puna bilang gulugod ng ekonomiya, sumiklab sa matirik na nayon ng mga sakahan ang kahali-halinang dulot ng agrikultura na tila ba isang patag ng sikap at sigasig, ito’y naging isang tahasan na sandalan para sa karamihan, yaman na dumadapo sa kanilang mga palad dulot ng kayumangging lupain. Milyo-milyong pamilyang Pilipino ang lumalaban at nagsasakripisyo para sa kapakapan ng karamihan. Laganap na ang kahusayan ng iba’t ibang mga magsasaka na nagpapasiklab sa diwa ng agrikultura sa ating bansa. Ngunit sa ilang dekadang lumipas, hindi lamang ang tirik ng araw ang kanilang kalaban kundi pati na rin ang problema sa ating lipunan, lalo na’t hindi lumalayo sa tatlong daang piso lamang ang kanilang naibubulsa sa maghapong kanilang pakikipagsapalaran sa malawak na sakahang kanilang tinitirahan.
Hindi malayong lingid sa kaalaman ng sangkatauhan na ang sektor ng agrikultura ay isa sa mga may dala-dalang mabigat na pasanin sa kanilang likuran. Sa paghahabi ng kasaysayan ng Pilipinas, ang agrikultura ay palaging maituturing salamin ng ating kultura at kabuhayan. Mula pa noon hanggang sa kasalukuyan, ang agrikultura ay naglarawan ng kayamanan at pag-unlad ng ating
ANG MAHOGANI
MAKABAYAN. MAKATARUNGAN. SUGO. UNLAD.
Perpektong timpla ngPahinga
bansa. Minamaliit man ang sektor na ito sa ating lipunan, mayroon naman itong naibubuga at napapatunayan – patuloy na umuunlad at nagbibigay-kulay sa buhay ng bawat mamamayan kahit pa man ang kapalit nito’y pagka-itim ng balat ng mga magsasaka.
Mula sa mga luntiang palay sa bukirin hanggang sa mainit na kanin na nakaratay hapag kainan — ito’y isang instansiya na pagpapa-alala kung saan hanggan ang lawak ng espektro ng agrikultura. Sa katunayan, bumulalas ang dala nitong kahalagahan sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay. Sa ating bansa, ang sektor na ito ang naghahatid ng pagkain at sustento sa ating mamamayan. Hindi rin maikakaila na dito nagmumula ang malaking bahagdan na hanap-buhay ng ilang mga mamamayan na nasa laylayan ng lipunan.
Ika nga nila, ang kayumangging balat ay sumasagisag sa sakripisyo’t paghihirap ng isang tao – ito ay sumisimbolo sa kulay ng mga Pilipino. Mula sa payapang bukangliwayway hanggang sa pagsapit ng dapithapon, oras, tiyaga, at sikap ang itinataya ng bawat magsasaka. Sa pag-alpas ng bente kwatrong oras sa isang araw, hindi malayong sandamakmak ang mga pangyayari sa buhay ng isang magsasaka – malungkot man ito o
masaya. Gayunpaman, sila ay patuloy pa ring nakikipaglaban sa kanilang gyera sa sakahan. Sa bawat pawis na nakaukit sa kanila, nahuhulma ang kahali-halinang mga produkto na nakapagbibigay ng kailanma’y laging wagi sa paglilinang ng mga sustansiya para sa ating katawan.
Tunay ngang maraming naibibigay ang sektor ng agrikultura sa ating lipunan, ngunit marami rin bang naibibigay na benepisyo na nararapat nilang matamasa? Sa katunayan, sa pakikipagsapalaran ng bawat magsasaka sa kanilang trabahong nakagisnan, hindi na bago ang pagkahapo nila dulot ng mabigat na pasaning dinadala sa kanilang likuran. Hindi nasusuklian ang matinding pagod na kanilang nararamdaman dahil sa mababang presyo ng kanilang mga ani na simbolo ng kanilang mga sakripisyo. Ngunit sa kabila ng lahat ng mga ito, hindi kailanman sumagi sa kanilang isipan na itigil ang kanilang ginagawa kahit pa man sumibol ang malamlam nilang kapalaran.
Napapalibutan na ang ating mundo ng matinding pagbabago. Kaya naman, iba’t ibang mga bagay ang umiral dahil sa pangyayaring ito. Ang mga makabangong teknolohiya ay tila sumilay upang mas mapadali ang gawain ng mga tao at mabawasan
Malamig na panahon….Amoy ng kape…Maaliwalas na kapaligiran….Tila isang mahika na dulot ay ginhawa. Sa bawat tasa, nagbibigay ng iba’t ibang klaseng saya. Sa bawat kapehan na pinupuntahan, may mga panibagong karanasan, may mga kaibigang muling nagkita-kita, at may mga relasyong nagsisimula. Bakit nga ba maraming nahuhumaling sa kape? Ang kape ay parang kaibigan na laging nandiyan. Sa umaga, ito ang gumigising sa atin, nagsisilbing lakas sa maghapon at unang hakbang sa masiglang araw. Amoy palang ay nakakahumaling na, may kakayahang magbigay ng eherhiya sa natutulog na diwa.Sa bawat lagok, tila isang kaibigan na yumayakap at nagsasabing “Kaya mo pa!” Higit pa sa isang inumin– ito’y ugat ng koneksyon. Sa mga kapehan, makakakita ka ng iba’t ibang klase tao. May isang taong nagmumuni at nagbabasa ng libro, mga magkakaibigang nagbabalik tanaw sa nakaraan, o di kaya’y dalawang taong nagkakamabutihan. Sa bawat tasa ng kape, may nabubuong koneksyon at relasyon.
Katulad ng paglubog ng araw sa dagat, ang kapehan ay nagbibigay rin ng ginhawa. Sa mabilis na takbo ng buhay, ang isang tasang kape ay nagsisilbing pahinga. Sa mga kapehan na may cozy ambience, parang bumabagal ang oras.Lugar ito nag koneksyon– nagbubukas ng ating mga puso at isipan. Espasyo ito upang tumigil, mag-isip, magmuni-muni, magkipagkwentuhan, at mag
kahit paapano ang hirap na kaninang nararanasan. Ang tradisyunal na pagtatanim ng iba’t ibang pananim katulad ng mga mais at palay ay napalitan ng modernong pamamaraan na kung saan ay ginagamitan na ito ng mga makabagong makinarya. Tunay ngang nakakapagdulot ito ng mas magaan na trabaho sa mga magsasaka, ngunit hindi naman lahat ay may kakayahang bumili ng mga ganito o kaya naman ay hindi naman nakakatanggap ng mga ibinibigay ng pamahalaan, partikular sa mga taong nasa rural na lugar. Patuloy pa ring naghihirap ang mga magsasakang nasa laylayan ng lipunan, hanggang ngayo’y hindi pa rin tumataas ang mga presyo ng kanilang mga produkto. Oo, masisilayan nga natin na sa pagkakataong matutuunan ng pansin ang pakay teknolohiya sa sektor na ito, marahil ay makakapagbigay-daan ito sa mga magsasaka na mapabuti ang kanilang pamamahala sa lupain, pagtatanim, at pangangalaga sa mga tanim. Isa itong kasangkapan na maaaring gamitin upang mapabilis ang proseso ng produksyon, mula sa paghahanda ng lupa hanggang sa pag-ani. Sakripisyo ng isa ay para sa kapakanan ng lahat. Ngunit ang kapakanan ng lahat ay hindi kayang matugunan ng sakripisyo ng isa. Kasabay ng pagragasa ng mga hamon at suliranin
plano sa buhay.Minsan, ang simpleng sandali ng pag-upo at pagkakaroon ng isang tasa ng kape ay nagiging sandali ng kaligayahan at kagalakan. Iba’t ibang epekto ang dulot nito sa bawat isa–lakas, gabay, pahinga, suporta. Ang pagpili ng kape ay isang personal na desisyon na tumutugma sa mood o pagkatao—malakas na espresso para sa laging on-the-go, malumanay na cappuccino para sa gustong magmuni-muni, o matamis na caramel latte para sa mahilig sa saya at tawa. Anuman ang iyong pilihin, parang kaibigan na alam ang tamang timpla ng kwento at samahan na kailangan. Isang karanasan na higit pa sa iniinom. Para sa mga nag-iisa, ang kape ay nagbibigay ng kalayaan.Para sa mga kaibigan, ang kape ay isang paalala ng mga oras na sila’y kasama.Para sa mga nagkakamabutihan, ang kape ang nagsisilbing simula ng koneksyon at samahan. Kahit na ang bawat kapehan ay puno ng mga tao, naroon ang pakiramdam na may isang tahimik na ligaya. Sa bawat daloy ng kape, may mga kwento ng pagmumuni-muni, ng tawa, at ng mga aral na natutunan.
Minsan, ang simpleng tasa ng kape ay nagsisilbing simbolo ng pag-asa.Iba’t ibang tao, iba’t ibang personalidad, iba’t ibang kwento, ngunit pare-pareho ang layunin: ang magpahinga.Sa bawat kapehan, may isang kwento, isang samahan, at isang kaibigan na laging nandiyan. Kape, sa kanyang pinakapayak na anyo, ay hindi lang nagiging inumin—ito ay isang paalala na sa kabila ng mabilis na pagtakbo ng mundo, may mga sandaling pwede kang magpahinga at mag-isip.Bilang bahagi ng ating pang araw-araw na buhay, nagsisilbi itong perpektong timpla sa gitna ng walang katapusang problema. Kaya tara na, punta tayo sa kapehan, kumuha ng isang tasa ng kape, magkwentuhan, at gawing espesyal ang bawat sandali—dahil sa bawat tasa, may kwento at may kaibigang kasangga.
na ito, hindi lamang ang kapakanan ng mga magsasaka ang pinagtutuanan pansin, bagkus sakop na rin dito ang katayuan ng isang lipunan na kinabibilangan ng pinagtagpi-tagping mga mamamayan. Kaya naman, sa paglipas ng bawat panahon ay umiral ang iba’t ibang programa ng pamahalaan upang bigyang-halaga ang mga iniaalay na pagod ng mga magsasaka para sa ating ekonomiya.
Nakatulong ang modernisasyon sa ilan, ngunit nananatiling naaapakan ang mga nasa laylayan ng lipunan na hanggang ngayon tila ba’y hindi makagulapay na lupapay pa rin ang kanilang kalagayan. Marahil nga ay itinuturing na ang mga magsasaka ay kasangga ng bawat mamamayan, ngunit nagiging kasangga rin ba ng mga magsasaka ang mga mamamayan? Nagsisilbi silang gulugod ng ating lipunan, kaya naman nararapat ring maging gulugod nila ang ating lipunan sa kanilang pamumuhay.
Hello, Love, Again tinangkilik ng masa; tinaguriang Highest Grossing Filipino Film
-AngelicaJewelE.Targa
“Let’s make that future happen”
Pelikulang Hello, Love, Again na pinangungunahan nina
“Hilaga’t Banyaga”
“*Curk* Mabuhay and welcome to Philippine Airlines, the heart of the filipino, we care about your safety, please stall your baggage in the overhead bins or under the seats in front of you *curk*"
Ito ang mga salitang narinig ko habang ako, ang aking pamilya, at bawat pilipino sa paglipad ay naghahanda na tumulak sa itaas ng mga ulap hanggang sa lupain kung saan ang maple syrup ang pambansang pagkain at ang mataas na hanay ng bundok ay nangingibabaw sa malalagong kapatagan nito; Maligayang pagdating sa Canada!
Matatagpuan sa itaas
Kathryn Bernardo at Alden Richards record-breaking box-office movie of all time.
Ang pelikula ay nakalikom ng 85 million sa unang araw ng pagpapalabas nito sa mga sinehan sa buong bansa.Bukod sa pagkakaroon ng highest opening gross sa unang araw, naitala rin nito ang pinakamaraming nagbukas na sinehan na umabot ng 656 local cinemas sa bansa.
na bahagi ng North America at sa itaas ng Estados Unidos, ang Canada ay ang pinakamalaking bansa sa kontinente ng N.A., katulad ng Estados Unidos, ang Canada ay isang bansang nagsasalita ng ingles at isa sa mga tinaguriang “first world countries” sa mundo. Matatagpuan malapit sa arctic circle at napapalibutan
Sa unang araw ng Disyembre, naitala na umabot na ng mahigit 1.4 billion pesos ang kabuuang kita ng pelikula. Nalampasan nito ang highest grossing Philippine film na Rewind nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na kumita ng 924 million pesos worldwide.
Tila hindi maitatanggi na inabangan ng mga fans ang pagbabalik tambalan nina Joy at Ethan matapos ang kanilang phenomenal box office hit noong 2019 na “Hello, Love,Goodbye” . Mula sa Hong Kong, ang pag iibigan nina Joy at Ethan ay magpapatuloy, kasabay ng kanilang pangarap sa Canada. Sa pelikulang ito naipakita ang buhay ng mga OFW at ang kanilang mga sakripisyo para sa kanilang pangarap at pamilya.
Sa Direksyon ni Cathy Garcia-Sampana, ang “Hello, Love, Again” ay patuloy paring namamayagpag sa mahigit 700 cinemas worldwide.
Kapag binanggit ang Asya, ang pinakatanyag ay ang mga bansan Tsina, Japan, India at South Korea. Kilala ang Tsina dahil sa Great Wall of China; Japan sa kanilang masasarap na pagkain; Taj Mahal sa India; saka ang South Korea para sa kanilang mga palabas o tinatawag na "K-drama". Dahil dito, hindi na nabibigyang pansin ang atraksyon sa iba pang bansa, tulad na lamang ang Timog-Silangan ng bahagi nito Kung saan ay hindi lamang duyan ng iba't ibang kultura kundi puno rin ng mga kapan sin-pansing pook na hindi lamang sumaasalamin sa mga natatanging paniniwala at pamumuhay, kundi rin balanse g kariktan ng gawa ng kamay ng tao at gawa ng kataka-takang kalikasan.
- Golden Bridge (Cầu Vàng), (Vietnam)
Isa sa mga pinakahilgang bansa sa Timog-Silangan Asya ay ang
ng parehong karagatang Atlantiko at Pasipiko, ang bansa ay may likas na kagandahang heograpiya.
Dumating kami sa Vancouver, isang lungsod sa isa sa mga probinsya ng Canada, na may malutong na pagtanggap ng malamig na hanging hilagang Amerika na dumadaloy sa aming mga mukha. Nanatili kami sa bahay ng aming tiyuhin sa Surrey, isa pang lungsod sa parehong probinsiya ng Vancouver, para sa tagal ng aming pananatili. Sa unang linggo ng aming mga pakikipagsapalaran sa Canada, nag-cable lifting kami kung saan kami ay nasuspinde ng 450 talampakan sa himpapawid habang tumatalon mula sa isang bundok patungo sa isa pa.
Sa aming ikalawang linggo ng pananatili, nagpunta kami sa sariwang blueberry farm ng Vancouver kung saan kami pumitas ng mga berry hanggang dapit-hapon. Namili kami ng napakaraming berry na kailangan naming ipamigay sa aming mga puting kapitbahay. Ang huling kalahati ng aming ikalawang linggo ay hindi kasing-kaganapan ng unang dalawang linggo, ngunit kapansin-pansin ito habang naglilibot kami sa aming lugar at sa mga komunidad na nakapaligid dito.
Ang highlight ng aming tatlong linggong bakasyon ay nahayag nang
makasakay kami sa isang superferry na naglalayag patungong Victoria, ang kabisera ng lalawigan kung saan matatagpuan ang Vancouver at Surrey. Nagpi-piknik kami sa paligid ng mga malalagong parke nito, isang paglilibot sa isang lumang minahan na naging isang higanteng ecopark na sumasaklaw sa malaking bahagi ng Victoria, at sa wakas ay nag-e-enjoy kami sa mga nakamamanghang amusement park na nagpawi sa aming mga espiritu dahil sa patuloy na pagsigaw.
Dahil malapit nang matapos ang tatlong linggong bakasyon, nagpasya ang mga puting kapitbahay namin na magsagawa ng farewell party para sa amin na may temang pilipino kultura at lutuing. Sa mga huling araw namin sa Surrey, naglibot kami sa mga parke ng mga pine tree, nanood ng mga pelikula sa isang western cinema, at nakipagkita sa mga kamag-anak na nakakalat sa paligid ng Surrey. Umuwi kami sa Pilipinas pagkatapos ng tatlong linggo ng culture shocks at mga bagong karanasan na nagpalawak ng aming mga pananaw sa kanlurang mundo. Kahit na ang aking pagkapanganay ay wala sa lupa ng Canada, ang aking tatlong linggong bakasyon ay nagpatunay ng aking pagmamahal sa kadakilaan ng Canada.
Timog-Silangang Asya:
L A T H A L A I N
Hiyas na Walang Katumbas
Vietnam. Kilala it bilang ang "Lupa Ng Ascending Dragon" at bantog rin dahil sa kanilang agrikultura at pagkain. Isa sa mga tanyag na lugar ay ang Cầu Vàng, mas kilala bilang Golden Bridge na matatagpuan sa Bà Nà Hills. Pinaparangya nito ang isang tulay na hinahawakan Ng kamay na tila'y ari ng isang diys dahil sa kalaki Ng istraktura. Kung ayaw mong maglakad hanggang sa kabilang dulo, huwag mag-alala, mayroon cable car na kumukonekta sa dalawang dulo Ng tulay na nagbigay parin ng mamangha-mnghang pananaw sa pook.
- Plain of Jars, Laos
Sa kanluran ng Vietnam ay matatagpan ang bansang Laos, isa sa mga bansang Hindi masyadong binibigyang-pansin ngunit marami handog na nakaka-akit na dako, tulay na lamang Ng Plain of Jars sa Xiang Di. Bagamat hindi ito katulad Ng ibang lugar kung saan malalaki at magagarbo ang mga imprastraktura, ipinapakita nit ng kagandahan ng kaantayan sa isang lunan. Makikita rito ang mga banga na gawa mula sa mga bato na sumasaklaw sa isang patag. Hanggang ngayon, wala paring nakaka-alam Kung bakit linikha angmga ito.
1990. Ang isang buwan na sahod ng isang kawani ng gobyerno noon ay Php 3, 540.00. ‘Di lingid sa lahat na ang halagang ito ay marami pang kaltas at ang inuuwi ng kawaning ito ay kakarampot na halaga lamang. Isang masaklap na katotohanan na hindi kailanman nagiging sapat ang napakasalat na kita o sahod ng isang manggagawang Pilipino.
Idagdag pa rito ang nagtataasang halaga ng mga bilihing bigas, asukal, tinapay at mga pagkain. Kalunus-lunos na manggagawa na mistulang basahan at pulubi sapagkat isang dakot lang ng kita ay wala pang matinong pagkain sa hapag nilang kainan! Nakapanlulumong tanawin na ang isang manggagawa’y isang pulubi
at isang hampaslupa sa sariling bayan na kanyang pinagsisilbihan!
Gayunpaman, maraming arkeologo na nagsasabing nagsilibi ang mga banga bilang libingan ng mga ninuno ng Laos. Dahil dito, binigyan ng misteryong ito nlng kakaibang pananabik at kurysidad para sa mga pupuntang bisita upang tignan ang nasabing bahagi ng Laos.
- Floating Market, Thailand
Sa kabilang dako, ang Thailand ay hindi lamang umaagos karami Ng marilag na ngiti Ng mga lookal kundi rin umaaagos ang tubig sa tanyag na mga Floating Market sa Bangkok. Dito, ang mga nagtitinda ay sumasakay sa mga maliliit na bangka upang magbenta ng kanilang mga prdukto. Bilang bisita, maaro ring sumakay bangka at galugarin ang iba't ibang produkto ng mga Thai. Hindi ka lamang mrakamdam natatanging karanasan, kundi rin sinusuportahan at tinatangkilik mo ang iba't ibang produkto Ng mga mamamayan, tulad ng sariwang gulay, prutas, at subenir para sa iyong mga mahal sa buhay.
- Malacca, Malaysia
Kung naghahanap ka ng isang siyudad na puno ng mga matitingkad na arkitektura, at masasarap na pagkain, huwag kang magpaligy-ligoy pa, lakbayin na siyudad ng Malacca, Malaysia. Maraming banoog na lugar ang maaaring puntahan, tulad na lamang ng Malacca River, na kung saan ay nagkaroon ng mahalagang papel sa kalakalan ng mga lokal noon. Ipinapamalas rin ng siyudad ang natatangi nitong kultura at paniniwala sa iba't ibang sagradong lugar, tulad na lamang ng Malacca Straits Mosque, St. Paul's Hill & Church (Bukit St. Paul) at Cheng Hoon Teng Temple.
- Cloud Forest, Singapore
Kilala ang Singapore sa pagsulong nila sa iba't iba't teknolohiya at imprastraktura. Bagamat may modernong gu-
sali ay hindi ibig sabihin na wala Ka nang makakakita ng berdeng kapaligiran. Isang halimbawa ay ang Cloud Forest. Ipinagmamalaki ng greenhouse na ito ang conservatory ang mga spiraling walkway at ang pinakamataas na panloob na taaon sa mundo, na umaagos mula sa mahigit 35 metro sa itaas. Sumasaklaw sa dalawang ektarya ng lupa, nililikha ng istraktura ng greenhouse na ito ang malamig at basa-basa na kapaligiran na kinakailangan para sa paglaki ng mga kahali-halinang halaman.
Sa kabuuan, ang Timog-Silangang Asya ay isang rehiyon na puno ng mga natatanging tanawin at kultura na madalas na hindi nabibigyan ng sapat na atensyon. Mula sa mga likha ng kalikasan hanggang sa mga arkitekturang sumasalamin sa kasaysayan at mga paniniwala ng bawat bansa, ang bawat destinasyon dito ay nag-aalok ng kakaibang karanasan na puno ng misteryo, kasaysayan, at ganda. Minsan, masyadong nakatuon ang mga tao sa mga kilalang pook sa ibang bahagi ng Asya, ngunit ang Timog-Silangang Asya ay may mga di-mabilang na atraksyon na naghihintay lamang na madiskubre. Ang mga lugar tulad ng Cầu Vàng sa Vietnam, Plain of Jars sa Laos, at Floating Market sa Thailand ay ilan lamang sa mga pook na nagpapakita ng yaman at kasaysayan ng rehiyong ito, kaya't nararapat lamang na ito ay ipagmalaki at bisitahin.
Paanong matatamo ng isang kawani ang respeto at dangal mula sa taong-bayan kung siya’y isang namamalimos at pasan-pasan niya ang napakabigat na krus? Kailanman ay hindi magiging marangal ang taong ito na nagbubuwis ng libu-libong salapi sa gobyerno at ang pamahalaang ito’y walang katarungang nagwawaldas sa pera ng taong-bayan! Sila ang mga manggagawa na ang puhunan nila’y pawis at pagod. Inuubos nila at itinitigis ang buhay nilang iwi sa pagbubuhat ng kwus at ang kanilang koronang tinik!
Umulan ma’t bumagyo Tatayo tayo
‘Di magigiba ng kahit na ano Iyan ang Pilipino
May hihila man pababa sayo Kaibigan o estranghero Hindi magpapaapekto Iyan ang Pilipino
"Iyan ang Pilipino"
Batuhin man ng bato O ng mga Problemang sakit sa ulo
‘Di yan susuko Iyan ang Pilipino Bagyo, tao, suliranin man o ano Malalagpasan niya iyan ng buo Ganyang katatag ang lahing ito Iyan ang Pilipino
- Luis Gabriel M. Tolentino
- Luis Gabriel M. Tolentino
Minsa’y Luntian, Ngayo’y Kayumangging Naghihirap
Sa unti-unting pag haplos ng mga butil ng nakaraan, minsan na rin mababanaag sa landas ang dati’y marahuyong hulma ng kapaligiran. Sa banayad na paandar ng hinaharap, tinangay ang alaala ang ating kaalaman. Ngunit, sa pag-alpas ng katulinan ng panahon, tila isang kayumangging dahon na nalanta ang mistulang naging kahihitnan ng dati’y kahali-halina’t luntiang hulma ng mundong umiinog sa sansinukob. Nagbunton ang hangarin ng mga nilalang at isinalansan sa kapaligiran ang tagpo ng ating pangangailangan. Kaya’t sa kabila ng pagpupunyagi ng sangkatauhan na abutin ang mga mataimtim na hangarin sa kapaligiran, nananatili pa rin ang isang hamon na hindi natin masasabi na agad natin malulutas—ang pagbabago sa klima o ang ‘climate change’.
Kapuna-puna bilang isang masalimuot na pandaigdigang suliranin sa mundo, nangangahulugan ang climate change bilang ang pangmatagalang pagbabago sa klima, temperatura at ng panahon sa planeta. Sa isang pag-aaral ng mga dalubhasang sina Rebecca Lindsey at Luann Dahlman mula sa kanilang pananaliksik tungkol sa ‘Climate Change: Global Temperature’, ang temperatura ng mundo ay umangat ng 0.11° Fahrenheit o 0.06° Celsiu kada dekada mula noong isang libo walong daan at limampu na taon, o mga 2° F sa kabuuan. SInabi umano dito na ang bilis ng pag-init mula noong taon ng isang libo siyam na raan at walumpu't dalawa ay tumaas sa higit tatlong beses na mas mabilis na 0.36° F o 0.20° C kada dekada.
Kung hindi man natin namamalayan, ang mga glaciers sa mga kabundukan ay banayad na natutunaw na sa buong mundo dahil sa pagtaas ng temperatura, at ang takip ng nieve o ang tinaguriang ‘snow cover’ ay bumababa na sa Hilagang Hemisperyo. Dagdag pa dito, isang halimbawa ang yelo sa bansang Greenland, na naglalaman ng mga
walong porsyento ng freshwater ng mundo, ay natutunaw sa isang mabilis na pagtaas. Kung kaya’t ang kabuuang antas ng karagatang pandaigdig ay tumataas.
Sa pagsusuri ng himagsik ng Agham, isinasaalang-alang ng kamalayan ng tao ang dalawang mapangahas na sanhi ng tuluyang pagbabago sa klima—ang mga ‘natural’ at ang ‘anthropogenic’ na mga pwersa. Tulad ng mga kaugalian sa kalikasan, ang tinatawag na klima ng planeta ay nababago sa bisa ng mga likas na pangyayari tulad ng mga pagsabog ng bulkan, paglaganap ng mga kalamidad, paghahalaw sa kalagayan ng gubat, at ang mga pagbabago sa enerhiya mula sa araw. Gayunpaman, hindi ito rason upang isipin pa ang mas mabigat at matimbang na ginampanan na papel ng tao sa pagkalat ng suliraning ito.
Sa kabilang dako, sa isang lathala ng U.S. Environmental Protection Agency, halos siyamnapu’t limang porsyento ang ang mga aktibidad ng tao ang naging pangunahing dahilan ng pagbabago sa klima. Sa pagtatanim ng masasamang halaman, pag-abuso sa mga likas na yaman, pagtanggi sa epektibo at malinis na enerhiya, at ang patuloy na pagpapalabas ng greenhouse gases, tayo ay nagiging dahilan sa pagsiklab ng suliranin na ito. Ito ay isang nakapanglulumong paalala sa atin ng ating kakayahang magdulot ng pinsala sa ating sariling tahanan, at ng panganib na hinaharap ng susunod na henerasyon kung hindi natin ito agad na aaksyunan
Tayong mga nilalang na bahagi ng mundong ito, ay bahagi rin ng mga masalimuot na epekto ng siyang tinaguriang pagbabago ng klima. Marahil ‘di namamalayan, ngunit parte tayo ng pagbabago’t pagkahupa sa marubdob na landasin. Sa susing anggulo ng ating pangkalusugan, maaring maapektuhan nito ang hulma ng ating kalusugan.
BAHAGHARI
Narating mo na ba ang dulo bahaghari? Iniisip ng karamihan na ang bahaghari ay hugis arko, ngunit sa katunayan, ito ay isang buong bilog. Bahaghari, makulay na nagniningning sa kalangitan, at umaakit sa mata ng karamihan. Ito ay bunga ng repraksyon ng liwanag ng araw sa mga patak ng ulan. Ang kabuuang hugis na bilog ay nakikita lamang mula sa mataas na lugar at sa espesyal na mga kondisyon.
Jaedon P. Mangabat -
ALITAPTAP
Alitaptap, kilala rin sa tawag na “fireflies” ay karaniwang nakikita sa gabi na naglalabas ng liwanag gamit ang isang espesyal na organo sa kanilang tiyan. Sa katangiang ito, ang oksihina ay hinahalo sa luciferin sa pamamagitan ng isang kemikal na reaksyong tinatawag na “bioluminescence.” Ginagamit nila ang liwanag na kanilang nalikha para sa pakikipag komunikasyon at pang-aakit ng kapareha. Dagdag pa rito, ang liwanag ay walang init, kaya tinatawag itong malamig na ilaw.
Natatanong mo ba kung bakit sa tuwing palapit nang palapit na ang pasko, ay palamig din nang palamig ang ihip ng hangin? Ano ba itong nadarama oh shucks ito ba’y “Amihan” na~. Amihan, isang malamig at matuyo na hangin na nagmumula sa hilagang silangan sa mga bansang
TUTUBI
Tutubi, isang uri ng kulisap na lumilipad sa kapaligiran, sila ay karaniwang matatagpuan sa hardin, ilog o lawa. Inaakala ng karamihan na ang mga tutubi ay walang pakinabang dahil sa sila ay lumilipad lamang, ngunit alam mo ba na sila ay may mahalagang papel sa mga halaman? Tama, ang kanilang pagdapo sa mga halaman ay nakakatulong sa polinisasyon. At ang kanilang pagkain ng insekto, tulad ng mga lamok at langaw ay may malaking epekto sa pagbabalanse ng masaganang kalikasan.
Sa isang lathala ng Department of Health, maaring ang mga tao’y makaranas ng mga malubhang sakit kagaya ng Dengue, Leptospirosis, Cholera, Tigdas, at maging iba pa, buhat ng pagbabago ng klima. Sa karagdagan, magiging malabo para sa tao ang paglanghap sariwang hangin. Ang buhay sa lupa ay magwawakas, na tila ba’y maglalaho sa landas ng kawalan. Kung kaya’t ano pa ang madadatnan ng hinaharap?
Kaya bilang mga tao—mga nilalanag na bahagi ng mundo—marahil mayroon tayong masisismulan upang baguhin muli ang landasin ng mundo. Maarin natin itong simulan ito sa mga munting hakbang. Maaring maabot ito sa paglimita sa paggamit ng fossil fuels, na siyang pangunahing sanhi ng climate change. Maari nating ilapat ang saysay ng Teknolohiya sa ating makabagong panahon. Isa na marahil dito ana mga pinagmumulan ng nababagong enerhiya o renewable resources—na saganang magagamit sa ating paligid, na ibinibigay ng araw, hangin, tubig, dumi, at init mula sa planetang Earth—na pinupunan ng kalikasan at naglalabas ng kaunti o walang mga greenhouse gas.
Sa marahan at di-mapapansin na paglipas ng mga sandali, marahil ay naiwawaksi na sa alaala ng karamihan ang kahulugan ng dating marangyang anyo ng kapaligiran. Marami ang mga pinagmulan nito, at higit pang marami ang mga epekto nito, na hindi lamang sa kapaligiran kundi pati na rin sa mga taong naninirahan sa mundong ito. Kaya naman, nakasalalay sa atin ngayon ang kapalaran ng ating mundo. Hindi lang ito laban sa kalikasan, kundi laban din sa ating sarili. Kailangan nating magkaisa at kumilos ngayon upang pigilan ang mas lumalang pinsala at ang mas malalang epekto ng climate change sa hinaharap. Lahat tayo ay may bahagi at pananagutan sa pag-alaga at proteksyon sa ating kalikasan.
Nasaan ang Solusyon sa Polusyon?
Sa minsan nating pagbagtas sa una’y luntian at maningning na kariktan ng kapaligiran, hindi naging isang malabong kapagdaka ang banayad at unti unting paghupa ng mundo. Bunga ng pag-alpas ng panahon na inululan ng katulinan ng oras, marahan ng nababalot ang siyang itinuturing na kapaligiran sa kahindik-hindik at mailap na hamog ng ‘polusyon’. Nababalot na ang kalangitan sa maitim na usok, nagpapalit anyo na ang dati’y asul at dalisay na tubig, at natatabunan na ng limpak limpak na basura ang sulok ng mga daan—hanggang saan ba ba ang aabutin upang madalumat ang pasanin at pinsala ng polusyon sa mundo, kung saan bingit ng mga paa’y tumatayo sa naturang lupa?
‘Polusyon’ kung siyang sabihin ng ilan—isang paksa na minsa’y hindi lingid na tumakbo sa isip ng isang nilalang na naninirahan sa mundong batid ang kahali-halinang kapaligiran. Sa gitna ng mga sandaling pinangarap ng isa’y mapreserba ang dati’y ganda ng luntiang kapaligiran, hindi nagpatinag gayon ang pagsilay ng kasaklap-saklap na hinain ng mga mismong taong mga ito upang maging dahilan ng unti unting pagmimistulang kulimlim na diwa’t kahihinatnan ng kapaligiran.
Mula sa bansa, ang pagkamalalim ng suliranin sa polusyon ng hangin, basura, at tubig ay isa nang pangunahing pagsubok sa ating kalikasan habang patuloy tayong nahuhumaling at nahuhubog ng mabilis na pag-unlad, industrialisasyon, at urbanisasyon. Tila ang hangin, na minsan ay humahagod ng sariwang simoy, ngayo'y bumabalot ng lungap ng kapalaluan. Mga anyong tubig na dating pinagmumulan ng kaginhawaan at ganda, ngayo'y nagiging larawan na ng kapabayaan at pagkukulang sa pagtatapon ng basura. Mga kahali-halinang ganda ng mga pasayalan, ngayo'y lumalaban sa pait at hapdi ng polusyon ng napakaraming mga basura.
Una, sa susing anggulo ng polusyon sa hangin, ayon sa World Health Organization, ang kalidad ng hangin sa Pilipinas ay itinuturing na may katamtamang panganib. Dadag pa rito, ayon sa ulat ng Greenpeace Southeast Asia noong dalawang libo dalawampu’t na taon, ang polusyon sa hangin mula sa mga fossil fuels—lalo na ang uling, langis, at gas—ay nagdudulot ng humigit-kumulang na maagang pagkamatay ng dalawampu't pitong libong tao kada taon sa Pilipinas, at nagreresulta sa mga pagkalugi sa ekonomiya na katumbas ng 1.9% ng GDP taun-taon. Mga sanhi nito’y ang mga emisyon mula sa sasakyan, pabrika, at iba pang mapanlinlang na gawain ng tao. Kabilang din dito ang usok mula sa mga sasakyan at industriya, kasama na rin ang pagsunog ng basura, na nagpapalala sa kalidad ng hangin. Gayundin ang deforestation at paggamit ng fossil fuels na nagdudulot din ng pagtaas ng polusyon sa hangin.
Pangalawa, ang polusyon sa tubig. Isang halimbawa nito’y, noong nakaraang taon, idineklara ng gobyerno na ang Ilog Pasig na parte ng bansa, ang pinakamahalagang sistema ng ilog sa Metro Manila, ay biyologicong patay na dahil sa mabilis na industrialisasyon at urbanisasyon sa lugar. Inilarawan ng DENR ang Ilog Pasig bilang Klase C, na pangunahing para sa pangingisda, libangan, at suplay para sa mga
proseso ng pagmamanupaktura. Bukod dito, isang kamakail ang pag-aaral ang nagmungkahi na higit sa isang libong mga ilog ang nag-aambag ng 80% ng global na plastik na nagmumula sa mga ilog patungo sa karagatan. Mga sanhi nito’y ang pagtatapon ng basura tulad ng plastik, kemikal, at iba pang hindi nabubulok na mga materyales sa mga ilog, lawa, at karagatan. Gayundin ang mga industriya, pabrika, at mga pasilidad ng waste management na naglalabas ng polusyon na nakakalason sa mga anyong tubig.
Pangatlo, ang polusyon sa lupa. Ang pamamahala ng ‘solid waste management’ ay nananatiling malaking hamon sa Pilipinas lalo na sa mga urbanisadong lugar tulad ng Metro Manila. Nitong mga nakaraang taon, sinabing angng pamamahala ng solid waste ay nananatiling malaking Ayon sa ulat ng UNEP noong dalawang libo labing pito taon, ang kabuuang taunang generasyon ng Municipal Solid Waste (MSW) sa Pilipinas ay 14.66 milyong tonelada, na ginagawang itong ika-apat na pinakamalaking nagdududlot ng solid waste sa mga bansa-kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Mga sanhi nito’y kasama ang hindi wastong pagtatapon ng basura at industriyal na polusyon mula sa mga pabrika at pasilidad ng paggawa tugo sa iba’t ibang lugar sa kapaligiran.
Gayunpaman, isang kahali-halinang tunguhin ang ilapat ang saysay ng mga taong dalubhasa sa Agham at Teknolohiya. Maaring nawa’y gamitin ang mga iba’t ibang pananaliksik o ang mga ‘science researches; buhat ng Agham, maging ang mga makabagong materyales na buhat ng Teknolohiya upang magamit na solusyon sa pag implementa sa naturang hangad na pagsalumat sa suliraning polusyon. Maaring gamitin ang mga resulta ng mga pananaliksik at pagsasaliksik sa larangan ng Agham upang bumuo ng mga solusyon at estratehiya sa implementasyon ng mga hakbang laban sa polusyon.
Sa kabuuan, sa landasin ng ating bansang Pilipinas sa hangganan, nakikita natin ang unang mga simula ng buhay sa mundo na puno ng luntian at liwanag sa paligid. Subalit, sa paglipas ng mga sandali't araw, ang kagandahan ng kalikasan ay unti-unting nahahaluan ng usok ng pag-aalab ng pag-unlad at industriyalisasyon. Ngunit sa pamamagitan ng pagtatambal ng kaalaman sa Agham at Teknolohiya, maaari nating maisakatuparan ang hangaring mapanatili ang kalikasan at kalusugan ng ating kapaligiran.
IAG-TEK
sang nakagugulanta’t lulan ng sakit ang tila ba’y nagkakarandapa at mistulang sumisigid sa karimlan ng malamlam na sulok. Isang kahindik-hindi pagbulalas ng ‘di inaasahang panganib, kung ituring—hindi lubos malaman-laman ng dunong kung saan, kailan, at papaano sisigid sa kaibuturan ng tao, at hindi madalumat ng mga dalubhasa kung saan nagmula’t nahango. Ito ang naghihikahos na sakuna at kalagayan ng mga mamamayan sa timog-kanlurang bahagi ng bansang Democratic Republic of the Congo (DRC), kung saan ibinabalangkas ang misteryosong sakit na itinalaga bilang “Disease X”.
Ikinandili ng ibinungang taon ng nakaraan, nasaksihan ng daigdig ang tila ba’y masidhing pagkakalumo ng sangkatauhan sa mga nakasisindak na anino ng sakit, tulad ng nagdaang pandemya—ang Coronavirus Disease (COVID-19). Marahil inaakala ng karamihan na
MAKABAYAN. MAKATARUNGAN. SUGO. UNLAD.
Isang Misteryoso
sa daan patungong liwayway ng kaligtasan, tayo’y tulayan nang nakausad na direksyon ng taghilan. Datapwa’t hindi humupa’t huminto ang lahat, sapagkat isang bago’t hindi pa ganap na nasisisyat na uri sakit ang muling sumiko sa landasin ng tao.
Isang salangsang na bumigla’t nagningas sa daigdig, isang misteryosong salot na nagpamana ng isang matinding bakas ng kamatayan. Magpahanggang ngayo’y hindi madalumat ng talukap ng mata at nang karunungang nakakubli sa ngalan ng mga dalubhasa. Ika-29 ng Nobyembre, tai 2024 nang pormal na iniulat ng Ministry of Public Health of the Democratic Republic of the Congo patungo sa
World Health Organization (WHO) ang isang hamak na babala hinggil sa pagdagsa ng limpak-limpak na numero ukol sa bilang ng kamatayan. Mula ika-24 ng Oktubre hanggang ika-5 ng Disyembre, taon ng 2024, naiulat ang karimarimarim na 406 kaso ng naturang sakit. Mula sa naitalang bilang ng kaso, 31 ang nagresulta sa masalimuot na palad kamatayan—na mula rito’y taglay ang 7.6% fatality rate.
Sa lathala ng World Health Organization (WHO) naitala ang mga kaso mula sa siyam sa tatlumpung lugar pangkalusugan sa Panzi Health Zone. Karamihan ng mga kasong
‘Di Pangkaraniwan, Lulan ng Benepisyong Mayaman
Tila ba’y hindi man lang nililimi’t sinisiyasat ng nakararami, hindi lubos lantaran sa mata ng iba, nililibak at dinadaanan lamang sa laylayan ng mga lupain. Hindi man lang madalumat ang halinang dala, bagkus luntian at kayumangging kulay, maging ang samyo nito ang siyang ang iginagagad sa pagkaripas ng pansin. Datapwa’t sa kabila ng panlabas nitong anyo, sumisilay ang pundasyon, benepisyo, at sustansya nitong dala-dala. Ito’y ang mga halamang kung ituring ay ‘di naman pangkaraniwan, ngunit puno ng yaman—ito’y ang mga sinasabing mga ‘Exotic Plants’. Ibinabalangkas ang mga ‘Exotic Plants’ bilang ang mga halamang hindi pangkaraniwang matatagpuan sa mga likas na mga uri ng taniman. Kadalasang may kakaibang lasa, samyo, o katangian na hindi pamilyar sa ibang lokal na lugar. Dagdag pa
rito, ang mga ito ay may mataas na halaga sa mga lokal na mamamayan at may espesyal na gamit sa kanilang mga lutuin at medisina.
Una, ang ‘rabong’ o labong (Bambusa vulgaris). Kilala ito bilang ang usbong sa mga kailaliman ng mga kawayan. Ngunit, mayroon lamang mga uri ng kawayan, na maaring pagkunan nito—ang Bambusa vulgaris at Phyllostachys edulis. Upang ito’y makain ng mga tao, ito’y mabusising tinatanggalan ng balat bago lutuin, sapagkat ang panlabas na bahagi nito ay may matigas at makapal na tekstura na mahirap nguyain. Dito na nailalahad na ang hilaw na labong ay naglalaman ng cyanogenic glycosides, isang natural na lason. Gayunpaman, ang lason na ito’y nararapat na sirain sa pamamagitan ng masusing pagluluto.
Sa kabilang dako, hindi naman maikakaila na ang mga ito’y napaka-nutritibo at naglalaman ng maraming fiber, copper, at mga bitamina B6 at E, na napaka benepisyo sa kalusugan ng tao. Isa sa mga pinakatampok na uri ng luto nito ay ang ginataang labong. Ito ay isang tradisyonal na pagkaing Pilipino na gumagamit ng mga sariwa o pinakuluang labong bilang pangunahing putahe. Pangalawa, ang ‘alukon’ o himbabao (Broussonetia luzonica), na isang ligaw na punong kahoy na tumutubo at matatagpuan sa mga ilang bahagi ng bansa. Sa Catalogue of Indigenous Food Plants in Ilocos Norte (2018) na inilathala ng Mariano Marcos State University, ang ito ay isang ligaw na halamang pagkain na tumutubo sa mga burol at mabababang lugar sa halos lahat ng bayan ng Ilocos Norte. Ngunit isa na ito sa mga kinagisnan at isang
Husay ng Makina, Biyaya sa Lupa
Na tila isang maigting at namumukod tanging sektor ng isang bansa, kinikilala ang agrikultura bilang ang siyang gulugod ng ekonomiya. Kung saan makikita ang nayon ng mga marahuyong luntian at kayumangging sakahan, naroon sumisigid ang nagmistulang patag ng sikap at sigasig ng agrikultura. Mula sa mga masaganang ani ng mga pananim, mga hayop, mga pangisdaan, hanggang sa mga paggugubat para sa mga produktong pagkain—mataimtim na iginagapang ng agrikultura sa landas, ang naturang pundasyon ng pamumuhay ng tao, maging ang pag-andar lipunan. Kung kaya’t sa pagtangay ng panahon bunga ng katulinan ng oras, isa na marahil sa mga pinagtutuunan pansin ng karamihan dito ang kapakanan ng mga taong nasa likod nito—ang mga magsasaka—at ang mubusisi’t mabilis na takbo ng produksyon sa sektor na ito.
Mula pa man noong kalagitnaan ng ikalabing pito at huling bahagi ng labing siyam na siglo sa mundo, ang walang uliran na pagtaas sa produksyon ng agrikultura sa mundo’y iniugnay sa mga makabagong materyales na pang-agrikultura na imbento ng mga dalubhasa sa susing anggulo ng teknolohiya at agham. Hindi na malabong ‘di lingid sa kaalaman ng karamihan na sa gitna ng marahan na pag-unlad ng agham at teknolohiya, ay unti-unti na rin natin hindi maitatatwa ang banayad na pagbabago at pagsusulong sa pagpa-paigting sa sektor ng agrikultura.
Isa na marahil sa mga malaking pagbabagong ito’y ang paggamit ng mga napapanahong materyales tulad ng mga makabagong makinarya ng mga kompanya sa pagsasaka kumpara sa tradisyonal na paggamit ng lakas-paggawa ng mga magsasaka sa sektor ng agrikultura. Tunay
binubuo ng 95.8%, binalangkas na nagmumula sa mga lugar pangkalusugan ng Tsakala Panzi, Makitapanzi, at Kanzangi, mga pook na tila naging tahimik na saksi sa matinding pagdapo ng salot.
Dagdag pa rito, mula sa mga biktimang ipinakanlong sa datos na sa pagsisiyat natuklasang karamiha’y mga kabataang ‘di pa umaabot sa limang taong gulang. Ngunit sa mas mabusising datos na pinagtutuunan ng pansin ng mga dalubhasa, ang klinikal na kalagayan ng mga mamamayan na nagtamo umano ng naturang sakit, ito’y lan tad sa sintomas tulad ng lagnat na mayroong 96.5%, ubo na mayroong 87.9%, pagkapagod na mayroong 60.9%, at sipon na mayroong 57.8%.
Batay sa kasalukuyang kalagayan ng umano’y apektadong sakop ng lugar, kinakailangan isaulo mula rito ang masusing pagsusuri at laboratoryo upang matukoy ang mga posibleng pinag ugatan ng sakit. Sa mga nabanggit na lugar, kung saan sumilay kakarampot ng hiblang pag-asang mistulang nakapulupot sa kibuturan ng diwa ng mga mamamayan sa Democratic Republic of the Congo (DRC), ang sakit na nagkakandarapa sa kalaliman ng hungkag ng kawanlan. Gayunpaman, isang mabusising pagtalima ng ‘di kukupas na layunin ang siyang tinatahak ng mga dalubhasa, maging sa suing anggulo ng medikal at Agham.
-JasmineM.Daduyo
-JasmineM.Daduyo
paboritong katutubong gulay ng mamamayan sa may hilaga ng bansa, lalawigan Ilocos, Cagayan, at Apayao.
Sapagkat totoo na mayroong itong kakaibang anyo kumpara sa mga ibang normal na gulay, ngnuit taglay nito ang benipisyong makatutulong sa pananatiling ng kalusugan ng mga tao tulad ng, carbohydrates, proteins, fibers, at calcium. Mayroon din itong mga phytochemical constituents, tulad ng Flavonoid, Phenol, Steroid, Terpenoid, Saponin, Tannin, Cardiac glycoside, at Coumarin nakapagbigay ng kabuuang hulma sa panatilihing malusog ang ating katawan.
Panghuli, ang ‘aba' o ang tangkay ng gabi (Colocasia esculenta). Ito ay bahagi na ng halamang gabi, isang uri ng Araceae na kilala sa mga tropikal at subtropikal na rehiyon sa buong
mundo. Sa Pilipinas, ang gabi ay isang makabuluhang pananim, partikular sa mga rehiyon na may matataas na antas ng ulan at mainit na klima. Ito ay mayaman sa dietary fiber, bitamina tulad ng bitamina A at C, at minerals tulad ng calcium at potassium na nagpapalakas sa immune system, nagpapabuti ng kalusugan ng balat, at tumutulong sa maayos na panunaw.
Hindi malabong ‘di lingid sa kaalaman ng sandamakmak na Pilipino na maituturing ang ating bansa, ang Pilipinas, bilang sagana sa mga uri ng halamang ito. Banaag ang lahat ng mga Pilipino sa katuturang ito, sapagkat saksi sila sa kung papaano naliklikha ang isang kahali-halinang putahe ng mga iba’t ibang mga pagkain. Naiiba man ang panlabas nitong mga anyo, ngunit sa kailaliman nito’y sumisigid and sustansiya at benepisyong dala.
nga, na sa pamamagitan ng mga makabagong kagamitang pang-agrikultura na siyang tulad ng mga traktor, harvesters, cultivator, loaders, plough, irrigation equipments, at mga automated na sistema ng panggatong, napapadali at napapabilis ang proseso ng pagtatanim, pag-aalaga, at pagaani ng mga taniman. Binibigyan ng mga kagamitang ito ang mga magsasaka ng kakayahan na paramihin ang ani sa mas mabilis na paraan at mas mataas na kalidad.
Bunga nito, hindi na marahil maikakaila ng karamihan sa mga magsasaka ang kalamangan at benepisyo na natatamo nila buhat ng mga makabagong makinarya gawa ng teknolohiya para sa sektor ng agrikultura. Ilan sa mga pakinabang nito’y ang pinapalakas nito ang produktibidad ng sakahan para sa komersyalisasyon, ang pinaglalaho nito ang mga epekto ng kakulangan sa lakas-paggawa, ang pinapataas nito ang kita sa sakahan at maging iba pa. Bagaman nagdudulot ito ng maraming benepisyo, kabilang ang mas mataas na kahusayan at pagpapabuti sa pagsasaka, may mga kasamang balakid at negatibong rin ito, tulad ng mataas na mga pangunahing gastos, epekto sa kapaligiran, pagbaba ng kalusugan ng lupa, at iba pa.
Ngunit ang mataas na gastos sa pagsisimula nito ay maaaring magdulot ng mga hamon sa pampinansiyal, lalo na para sa mga maliit na magsasaka. Bukod dito, ang paggamit ng mga makinarya ay maaaring magdulot ng pagkadama ng lupa, na nagiging sanhi ng pagsasara ng mga espasyo ng lupa at pagbaba ng kalidad ng lupa. Isa rin umano rito ang polusyon sa kapaligiran mula sa mga makinarya at ang pagbabago sa kalidad ng lupa na maaaring magdulot ng pagkasira sa kapaligiran. Gayundin ang maaring pampalit ng mga manggagawa ng lupa na maaaring
magresulta sa pagkawala ng trabaho ng mga magsasaka. Ngunit higit sa lahat, may mga kahinatnan din ang paglaganap ng teknolohiya at pagbabago sa lakas-pagawa sa agrikultura. Kaya naman, sa kabila ng pagragasa ng teknolohiya sa agrikultura, ang kontribusyon ng mga manggagawang bukid ay nananatili pa rin na mahalaga sa produksyon ng pagkain at pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa sa maraming paraan. Dahil katulad ng mga magsasaka sa nayon ng mga sakahan, ang kanilang ikas-paggawa ang pinagmumulan ng kanilang natatanging kaalaman at kasanayan sa pagtatanim, pagsasaka, at pangangalaga sa lupa na kanilang pamana mula sa kanilang mga ninuno. Tila ang kanilang karanasan at kaalaman sa tradisyunal na pamamaraan ng pagsasaka ay nagbibigay sa kanila ng kakayahan na pamunuaan ang kalidad ng mga sakahain at sa kalaunan ang kabuuang takbo ng agrikultura.
Sa kabuuan, tunay ngang unti-unti na nating hinahangad ang mga pagbabagong dulot agham at teknolohiya sa marahang paglaganap ng mga naturang kagamitan sa sektor ng agrikultura. Hindi nawa’y maikakaila ang pagbul;alas ng lulan ng benepisyo’t kalamangan na natatamo ng mga ilang mga magsasaka sa tuluyang pagtataguyod ng kanilang mga sakahan, masaganang ani at takbo ng kanilang prduksiyon, bunga ng makabagong makinarya na nakikid dito. Kasabay nito, hindi rin nakalabas sa landasin nito ang mga ilang komplikasyon na sumisigid sa kabuktutan ng paggamit ng mga ito. Gayunpaman, ang pagkakabalanse sa pagitan ng modernisasyon sa teknolohiya at tradisyon na likas-paggawa ay tiyak namagdudulot ng mas mapagkalingang sektor ng agrikultura na nagtataguyod ng pangmatagalang kaunlaran para sa lahat.
MAKABAYAN. MAKATARUNGAN. SUGO. UNLAD.
Mga KabataanAgham ay Kaagapay
Isang kahali-halinang katuparan ng mga kabataang mag-aaral dala ang inisyatibang ipalaganap ang katuturan ng talaghay, ang siyang mataimtim na iginapang ng isang kapisanan. Buhat ang kanilang pinagtagpi-tagping sikap at sangmithi, nahulma ang isang bungang programang hatid ang paglalapat ng karunungan sa mga kapwa kabataan. Ginanap noong ika-4 ng Agosto taong 2024, isang maringal na pagpapakahulugan ang binigyang-buhay ng mga kabataang mag-aaral na tudla ang isip, nagmula sa Mariano Marcos State University Laboratory High School, bahagi ng kapisanang nakakubli sa tahasang pagmamahal sa asignaturang Agham—ang Young Explorers’ Club.
Sa ningas ng layunin ng kapisanan, sinikap ng mga opisyales nitong buoin ang isang programang nakapag dulot ng kolektibong karunungan. Pinangalanan bilang ang “Project Talaghay’, sentro ng programang ito ang pag-anyaya sa mga kabataang nakatira sa Barangay 26 East Capacuan at Barangay 27 West Naguirangan, lungsod ng Batac, Ilocos Norte. Sa tulong at patnubay mga lokal na awtoridad at
mga guro ng nasabing lugar, sama-samang nagtipon ang lahat nga mga kabataan sa Naguirangan-Capacuan Elementary School.
Hango sa salitang talaghay, na sa masusing pagdalumat ay sumasagisag sa katatagan, at sa ilalim ng makabuluhang tema na ikunubli sa nasabing programa— Kabanatan ng Kabataan— nag-ugat mula sa kailaliman ng mithiin at layunin ng kapisanan ang hangaring ipakanlong sa kabataan ang aral ng halinang liwayway— isang tanglaw na nagpalalim ng kanilang kamalayan sa harap ng masalimuot na hamon ng mga di-maiiwasang natural kalamidad at mga paksubok ng kalikasang dumarating sa mundo.
Kasabay ng layunin ng programang ito ay ang bungkalin at ihanay ang pagsusulong ng Sustainable Development Goals (SDGs). Dito natakid ang ilan tulad nga SDG 3 para sa kalusugan, SDG 4 para sa de-kalidad na edukasyon, SDG 9 para sa inobasyon, SDG 11 para sa mga berdeng komunidad, SDG 13 para sa pagkilos sa pagbabago ng klima, at SDG 15 para sa pangangalaga ng buhay sa lupa.
Nagsimula ang programa sa pangu-
nguna ng mga opisyales ng kapisanan, kasabay ng pag-anyaya sa mga kabataan sa isang aktibidad na nagpapaigting ng sigla—ang ‘Hataw.’ Sumunod dito ang isang makabuluhang talakayan tungkol sa Disaster Risk Management, na pinangunahan ng isang eksperto o di kaya’y dalubhasa mula sa Mariano Marcos State University Meteorology Department.Matapos ang masinsinang pagbabahagi ng kaalaman sa mga kabataan, kanilang masayang sinalubong naman ang interaktibong pagkatuto sa ilalim ng asignaturang Agham. Hango mula sa apat na sangay nito—Pisika, Kimika, Agham ng Daigdig, at Biyolohiya—ang mga opisyal ng Young Explorers Club ay masusing naghanda ng mga makabuluhan at mapanghamong aktibidad. Ito’y ang ang Interactive Workshop. Sa pagkakataong ito, nasubok ang talas ng kaisipan at kahusayan ng kabataan, habang sila’y napamahal na sa karunungan at pagkagiliw sa Agham.
Malugod namang isinagawa ang panghuling aktibidad sa pamamagitan ng pinakamahalagang layunin ng kapisanan— ang Tree Planting. Sa inisyatibang ito, ang mga kabataan, mula sa kanilang murang edad ay natututo, na ang kolektibong pagsisikap at dedikasyong iginugol nila sa pagtatanim mga munting buto’y isang bunga ng ‘di maitatawang kontribusyon sa
mundong kinagisnan. Ang aktibidad na ito ay nagsilbing sentro ng kanilang adbokasiyan bilang mga ‘Young Explorers,’ na may layuning pangalagaan at bigyang halaga ang kalikasan para sa mas maliwanag na kinabukasan.
Sa pagtatapos ng programa, ang kapisanan ay nag-uumapaw ang kasiyahan habang nasaksihan ang mga ngiting naglalarawan ng kaligayahan sa mga labi ng mga kabataan. Tungo sa labing-isang mag-aaral at sa pangunguna ng pangulong si John Lynyrd L. Ganitano na bumubuo sa kapisanan Young Explorers Club, kasama ang pangangalaga ng kanilang mga tagapagpayo na sina Propesor Mignon Ceilia S. Diego at Propesor Rhea M. Cabrera, nabuo ang inisyatiba nilang ito. Iniwan nila ang munting komunidad ng Naguirangan-Capacuan Elementary School na may pusong puno ng galak, naniniwala na ang kanilang ginawa ay higit pa sa isang tungkulin. Sa taunang mga programa ng Young Explorers Club, ito ay nagiging patunay ng tagumpay na likha ng tunay na pagnanais, pagsusumikap, at pag-ibig sa larangan ng agham na maaring igapos at ipagmalaki sa bantayog ng kanilang mga gantimpala.
Nagmula sa susing anggulo ng medikal, tila limpak-limpak na nagkakandarapang bingit ng buhay ang kumakawala bawat pagkaripas ng munting tikatik ng oras, bunsod ng kakulangan at kakapusan ng tanging nagbibigay hulma sa buhay ng isang tao— ang mga laman loob ng katawan. Waring niluluray ng nagbabadyang kamatayan ang bawat hibla ng kanilang pag-asang mayroon pang magbibigay. Bunga nito, naging isang mabusising pagtalima sa mga ilang dalubhasa ang inisyatibang puksain ang mabigat na pagkahapo na ito sa karamihan. Ito’y naging daan upang maabot ngayon ang Xenotransplantation, isang proseso ng paglipat ng laman loob ng magkaibang nilalang katulad ng mga baboy sa tao. Bagama’t naging sentro’t pakay nito ang layuning pamalit bilang alternatibo, panustos sa lupaypay na kondisyon, at pamuksa sa suliranin ng pangmedikal, sumibol ang pagragasa ng kahindik-hindik na mga komplikasyon.
Kilala bilang isang heterologous transplant, ang Xenotransplantation ay ang pamamaraan ng paglipat sa isang tao na tatanggap ng alinman sa selula, tisyu, o laman loob na nagmula sa isang hayop. Ngunit dahil sa minsa’y hindi angkop na pagtugma ng mga salik sa pagitan ng katangian ng tao at ng hayop, hindi maikakaila ang malabong pag-abot sa pagsasakatuparan ng pamamaraan na ito. Ito’y naging matagumpay lamang sa pangunguna ni Keith Reemtsma, na unang gumamit ng atay Chimpanzee noong labing siyam animnapu't apat na taon. Magpahanggang sa ngayon naging isang mausisang pagtalima ang paggamit nito dahilan nang lumalagong listahan ng mga taong nangangailangan ng mga laman loob, kagaya ng organo na puso.
Bunsod ng panahon ngayon, mas hamak na kinikilala ang Xenotransplantation sa paggamit ng puso ng baboy bilang alternatibo sa mga sakit sa puso ng tao, dahilan ng kakulangan ng donasyon ng puso na mismong nanggaling sa kaparehong tao. Higit na pinagtutuunan pansin ang paggamit nito dahil noon pa man, sapagkat kinikilala na ang baboy sa paggamit ng mga balbula ng puso, insulin, at hormone nito sa mga proseso ng pang medikal. Maliban dito, ang puso ng baboy ay angkop din ang laki sa karaniwang puso ng tao, kaya ito’y malawakang isina-saalang sa larangan ng Xenotransplantation.
Ngunit isang pangunahing hamon nito ang proseso ng ‘rejection’ ng katawan, kung saan itinataboy ng ‘immune system’ ng tao ang inilipat na laman loob mula sa baboy. Isa pang malaking hamon ay ang banta ng pagkalat ng zoonotic diseases, o mga sakit na mula sa hayop patungo sa tao. Ang mga baboy, bilang mga taga pagbuhat ng ilang sakit, ay maaaring maging pinagmulan ng bagong uri ng epidemya o pandemya kapag ito'y nailipat sa tao. Ito'y nagbubukas ng panganib na mas mapahamak pa, kaysa sa pagiging solusyon sa mga sakit.
Ito ang kinakaharap ngayon ng Xenotransplantation, na tila hindi pa napapatunayan ang kakayahan nito na tatangnan ang buhay na nakapulupot sa hibla ng malalang sakit sanhi ng kakulangan sa donayon ng mga laman loob ng tao — marahil kaya naman nito, ngunit hindi pangmatagalan at mabisa. Malapit man ang pag-aakala ng tao na kayang sugpuin at malunasan ng Xenotransplantation ang suliraning kinakaharap ng karamihan ngayon, hindi maikakaila ang panganib na nakaikid dito.
at Kabatiran
Gunita ng Nakaraan: Kabalikat sa Kinabukasan
Hindi lubos sapantaha na ang likha ng tao ang marahan at banayad na yumuyurak sa dati’y kariktan at halina ng mundo tinatapakan. Ito’y aninaw na nadadampuhan ng isip, dahilan ng mga ilang salik na makikita sa ating paligid. Mula sa mga suliranin na sumasagi sa sa panlipunang pananagutan, pang-ekonomiyang pag-unlad, at pangkapaligirang pamproprotrekta, hindi maikakaila ang pangangailan sa isang hakbang na inaasahang magtataguyod sa atin tungo sa pagsugpo. Ito’y ang daan upang maabot ngayon ang konsepto sa layuning mapanatili kasalukuyang henerasyon nang hindi nakaapekto sa kakayahan ng mga susunod na henerasyon na tugunan ang kanilang mga sariling pangangailangan—ang ‘Sustainable Development’
Unang umalpas sa landas ang ideya at pamamaraan na ito sa mataimtim na batayan ng United Nations Conference on Environment and Development na ginanap sa Rio de Janeiro noong isang libo siyam na raan at walumpu't dalawang taon. Ito ang unang internasyonal na pagtatangka upang bumuo ng mga plano at estratehiya para sa pagtungo sa mas mapanatiling modelo ng pag-unlad sa mundong ating kinaroroonan.
Unang napagtanto ng tao sa mundo ang pangangailangan ng sustainable development sa nagdaang mga taon ng 1980s dahil sa lumalagong mga suliraning panlipunan, pang ekonomiya at pangkapaligiran na bunga ng globalisasyon na tumatakbo sa landas. Sa pamamaraan ng pag implementa at pagpapasapantaha ng sustainable development, nahahati ang konsepto nito sa tatlong paksa.
Una ang konsepto ng ‘Environmental Protection’ o ang pagprotekta sa kapaligiran. Hindi malabong ‘di lingid sa kaalaman ng sandamakmak na madla ang mga pangunahing suliranin o mga pasanin na nagbubunsod sa pagkasira at paghupa ng ating kapaligiran. Mula sa mga limpak-limpak na
basura sa kapaligiran na buhat ng polusyon, sa mga napuputol na mga puno sa mga kagubatan na buhat ng deforestation, sa mga malamlam na kulay ng tubig buhat ng hazardous chemicals, patungo sa patuloy na agbabago ng klima na buhat ng climate change—unti unti nating nasasaksihan kung papaano gumuguho ang pundasyon at diwa ng itinuturing natin na kapaligiran. Kung kaya’t hangad natin ang ngayon maprserba ito para ito’y muling masumpungan ng mga inosenteng mata ng mga susunod na henerasyon.
Isa pang paglalapat dito ang pagpapaigting sa Waste Management na dala ng mga pananaliksik sa Agham na tumtukoy sa wastong pamamahala sa basura at ang pagtatapon sa wasto ng mga materyales namahalaga upang mabawasan ang polusyon sa kalikasan at mapanatili ang kalidad ng hangin, lupa, at tubig. Sa pamamagitan din ng 3Rs o reduce, reuse and recycle, naitatatag ang isang lipunang may maayos na siklo o aloy na ng mga basura sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng mga mapagkukunan at materyales.
Pangalawa, ang ‘Economic Goals’ o ang layuning pang-ekonomiya, na isa pang layunin ng sustainable development. Dito, angmga layuning pang-ekonomiya ay nakatuon sa pagpapabuti ng ekonomiya ngunit hindi sa kapantay na hindi nagdudulot ng pinsala sa kalikasan at hinaharap ng lipunan. Ito ang nagtataguyod ng mga hakbang na nagpapabuti sa kabuhayan at kaunlaran ng tao ngunit kasabay nito ay iniingatan ang kalikasan at pinapanatili ang pagiging ‘sustainable’ sa paggamit ng mga likas na yaman at iba pang mga ekonomikong gawain.
Halimbawa ng mga layuning pang-ekonomiya sa konteksto ng sustainable development ay maaaring ang paglikha ng trabaho at kabuhayan na hindi nakakasira sa kalikasan tulad ng pagpapalakas ng Green Jobs, pagpapabuti ng
imprastruktura na eco-friendly, at pagsusulong ng mga industriya na may kaugnayan sa renewable energy at recycling.
Panghuli, ang ‘Social Responsibility’ o ang panlipunang pananagutan. Ito’y naglalarawan sa tungkulin ng mga indibidwal sa lipunan, mga samahan, o mga korporasyon na magtakda ng mga iba’t ibang hakbang na nagpapalakas sa lipunan at nagtataguyod ng pangmatagalang kaunlaran na may paggalang sa mga pangangailangan ng kasalukuyan at hinaharap na henerasyon. Ito ay bahagi ng pangkalahatang adhikain ng isang tao sa kanyang sarili na mapanatili ang balanse sa pagitan ng ekonomiya, sosyal, at pangkapaligiran na aspeto ng pag-unlad.
Isang halimbawa nito ang ay ang pagpapalakas ng mga programa at proyekto na naglalayong magbigay ng mga pangangailangan ng mga tao sa edukasyon, kalusugan, at trabaho sa mga komunidad na nangangailangan. Ito ay hindi lamang naglalayong maglaan ng tulong sa ngayon kundi naglalayong magturo ng kasanayan at pagkakataon para sa sariling pag-unlad ng mga taong ito.
Sa kabuaan, sa pagtutuon natin ng pansin sa purong konsepto ng sustainable development, masidhi nating napagtanto ang kahalagahan ng pagkakaroon ng balanseng pag-unlad na hindi lamang tumutugon sa mga pangangailangan ng kasalukuyan natin na panahon kundi pati na rin sa pangangalaga sa hinaharap ng mga susunod na henerasyon. Hindi lingid sa atin na sa bawat paghak bang ng ating mga paa tungo sa hinaharap, isinasalamin natin ang kabuuang halaga ng pangangala ga sa kalikasan, ang pagpapahala ga sa bawat indibidwal at komu nidad, at ang pag-unlad na may paggalang sa pangangailangan ng susunod na henerasyon.
-JasmineM.Daduyo
AG-TEK
Lirip ng Nilalang sa Malamlam na Santinakpan
Sa landas ng madilat na sansinukob, lumulutang ang mistulang karimlan na tila ba’y bumabalot sa hinagap ng tao. Umalpas na ang mga gunita ng mga nagdaang siglo, dekada, at taon, subalit nananatiling palaisipan sa sangkatauhan ang katotohanang bunsod ng malawak na kalawakan. Ngayon, hindi malayong sa likod ng mga tala at astronomikal na datos, kumikislap ang ningas ng kaalaman, nag-aanyaya sa atin na buksan ang pintuan ng lihim ng sansinukob.
Malalaki ang mga mata, kahindikhindik ang balat, at nakakasuklam ang hawig—iyan ang mga ordinaryong pagpapakahulugan sa itsura ng isang kakaibang anyo ng buhay lagpas sa ating planeta—ang mga extraterrestrial beings o mas kilala bilang mga alien. Ito’y binigyan pagpapakahulugan ng mga dalubhasa bilang mga nilalang o organismo na nagmula sa ibang planeta, dimensyon, o santinakpan.
Hindi na ngayon isang pagbabahala sa karamihan ang umuusbong na pag-aaral ng na isinasagawa mga ilang dalubhasa sa pagtuklas ng posibleng buhay sa mga kalapit na planeta sa sansinukob o ang exoplanet. Marahil isa itong paraan upang madatnan ang pagnanasang mapunan pa ang isip ng ilan sa kaalaman tungkol sa mga elemento ng labas ng ating planeta. Maging isinasakatuparan dito ang landas ng katanungang nakakubli sa pag-aakalang mayroon pang ibang naiibang nilalang ang siyang naninirahan sa labas, at upang alamin ang posibleng kahahatnan ng buhay sa sakaling posible ito.
Sa katunayan, maraming mga agam-agam ang lumutang sa landas pagkatapos makatagpo ng mga hindi inaasahang bagay sa ating mga planeta. Isa na umano dito ang tinaguriang ‘flying saucers’—mas hamak na kilala bilang mga Unidentified Flying Object (UFO) at sasakyan ng mga alien—na natagpuan sa kalangitan ng bansang United States sa taon ng 1940’s hanggang sa 1950’s. Dahilan ng pangyayaring ito, mas pinal-
akas nito ang ningas ng pagnanasa ng mga taong masakihan ang hangganan at ng kakayahan ng mga nilalang ito.
Simula noong tumalab ang isyu tungkol sa pagpapakita ng mga di ordinaryong bagay sa kalangitan o ang UFO, mas lalong naging mabusisi ang pag-aaral, pagsusuri, at pagsulong sa larangan ng agham at teknolohiya. Naging isang pagtalima sa mga dalubhasa ang pagkuwestiyon sa dala at karga na kakayahan ng mga nilalang na ito. Sila’y nagpapahayag ng iba't ibang antas ng sigasig para sa posibilidad ng kahali-halina at matalas buhay sa labas ng siyang sariling planeta.
Naging paksa ang paggamit ng mga iba’t ibang teknolohiya sa pagtuklas sa posibilidad ng kanilang pag-iral. Kagaya ng konsepto ng lumilipad na sasakyan, hinagad ng mga dalubhasa ang pagsilay sa nakatago at nakakubling kakayahan ng mga nasabing nilalang sa susing aggulo ng teknolohiya. Sa ngayon, maraming teorya ang umuusbong hinggil sa kung paano nakakamit ng mga ito ang kanilang kahusayan sa teknolohiya. May mga nagsasabing sila ay mas mataas ang antas ng kaalaman at ng intelehensiya kaysa sa tao, at sa kanilang pag-unlad, nagtagumpay sila sa pagsasagawa ng sasakyang pangkalawakan na nagdadala sa kanila sa iba't ibang sulok ng sansinukob.
Magpahanggang ngayon nanatiling palaisipan ang misteryosong bumabalot sa sansinukob. Bagama’t marami ang ebidensya at pagsusuring isinagawa, hindi pa rin tahasan ang konklusyon na ang mga nilalang na ito o ang mga alien ay totoong umiral. Gayunpaman, sa kabila nito hindi maikakaila ang pagragasa ng imahinasyon, pag-aakala, at pagdalumat ng tao sa pagsisiwalat ng landas ng mga tinatahak na salagimsim ng nasabing nilalang at ang mga epektong maidudulot nito sa atin bilang tao na naninirahan sa sariling marahuyong planeta.
Munting Ningning sa Karimlan ng Sansinukob
Payapa’t maningning na banaag ang siyang iniluluhad ng makislap nitong aninag—nagmula’t naghahari sa rurok at kataas-taasan ng kalangitan. Marahang nag-aalay ng silahis sa karimlan ng gabi, unti-unting sumisilay upang gapiin ang malamlam na pagdapo ng takip-silim. Naghalo’t nabuo mula sa inilulan na halina’t naglalagablab na liwanag, mistulang marilag na obra’y namumukod tanging nagmumuni sa susing taas ng payapang gabi. Pagdama ng mata’y sa paningin munti, datapwat isang yamang ‘di matitinag kung matalima ng sansinukob na napakalaki.
Mistulang iginagagad ang tingin sa itaas, gayunpama’y nasaksihan ang ningning ng bilog at marilag na buwan—ang satelayt na pumapailanlang sa kalangitan, umiinog sa mundong sinusuong ang agos ng oras. Ito’y may edad na 4.527 bilyon taon, umiikot sa orbit nito nang 27 na araw at may 1.622 m/s² na grabidad. Mula sa pagsikat nito, ang mga bagay sa lupa’y tila nililimusan ng sinag ng mala pilak na kulay, kumikinang na parang mga hiyas na tinatanglawan ng kanyang makapangyarihang sinag.
Nagbabago-bago, nag-iiba, at papalit-palit ang siyang anyo. Puno, kalahati, munting porsyento, minsa'y kakaunti—ito’y ang kanyang mga ipinapamahaging walong yugto. Minsa’y man nag-aalimpuyo bunga ng agos ng oras, subalit halina naman nito’y kailanma’y ‘di natitinag at naglalaho. Sa kaibuturan ng kanyang katuturan, nahahati ang silahis na tangan-tangan, nagmumula sa maingat na pag-usad ng bawat yugtong may kamalayan; ito’y tumatapos sa siklo ng kalendaryong umiikot nang walang humpay.
Nag-aanino. New Moon o Bagong Buwan—binabalangkas na lubos na ‘di nakikita sa marahang pagbuka ng talukap ng mga mata, sapagkat silahis nito’y nakatuon sa sinag ng araw. Mukha nito sa gabi ay sa mundo’y nakaharap, ngunit alingawngaw ng liwanag, sa araw lamang sumasagap. Kasabay ng pagsikat at paglubog ng araw, ang buwan ay naroroon, tila isang aninong payapa’t banal. Bagamat ang ningning nito’y pawang nakatalikod, sa tanghaling tapat, ito’y lihim na nananahimik at nakayukod.
Namukadkad. Waxing Crescent o Gasuklay na Buwan—tila isang bulaklak na marahang nagbubukas - diwa’t anyo. Nangyayari ito kapag ang iluminadong bahagi ng buwan ay halos nakatalikod sa daigdig, kaya't isang munting piraso lamang ang nasusulyapan mula sa kalangitan na naanigan ng mata. Banayad na lumolobo sa laki ang bahaging ito araw-araw habang ang pag-inog ng nito’y unti-unting inilalapit ang liwanag nito sa ating paningin.
Nahati. First Quarter o Unang Kapat na Buwan—nakalipas na sa isangkapat ng kanyang buwanang paglalak-
bay, at sa kalangitan, mapagmamasdan ang kalahating bahagi ng kanyang namumukod tanging kinang. Lumilitaw ito sa kalangitan, hatingabi at unti-unting lumulubog sa dapithapon ng gabi, kumikislap at naglalatag ng hating ganda sa mga mata ng mga tumitingala.
Nag-usbong. Waxing Gibbous o Papalaking Buwan—nagbunga na sa hugis na halos bilog, subalit taglay ang kaunting puwang pa sa pagitan ng buong kalat na liwanag. Nagmumukha itong mas maliwanag at mas buong anyo kaysa sa mga nakaraang yugto, at makikita sa kalangitan ng mas mataas na posisyon. Tila nilulunok ng kadiliman ang natirang kaluhaan, sapagkat nabuo’t natakpan na ang malamlam na bbahagi nito.
Nabalot. Full Moon o Napunong Buwan—ito na ang pinakamalapit na sandali na nakikita ang kabuuang liwanag na ibinubunga’t inihahatid ng araw. Siya’y nasa tugatog na ng kaniyang marangyang kasikatan, pinagninilayan ang liwanag na nagmumula sa araw, at binabaha ang mundo ng mapayapa at malamlam na kinang na nagnining sa madilim na gabi.
Naghupa. Waning Gibbous o Pagliit ng Buwan—sa muling pagsisimula ng buwan ng kanyang paglalakbay pabalik sa ikinandiling kanlungan ng araw, ang kabaligtarang bahagi niya’y ngayo’y sumasalamin sa kanyang taglay na liwanag. Ang nagliliwanag na bahagi’y tila unti-unting kinakain ng kadiliman, subalit ito’y pandarayuhan lamang ng kanyang hugis sa ating paningin, dala ng kanyang tahimik ngunit walang humpay na pag-inog sa sansinukob.
Natapos. Last Quarter o Huling Kwarter ng Buwan—mistulang kalahati ng buwan ang nililiwanagan kung tatanawin mula sa daigdig, subalit sa likas na katotohanan, kalahati lamang ng kanyang tinatanglaw na mukha ang nasisilayan—isang bahagi ng kabuuan, isang ikaapat ng kanyang buong anyo. Marahang pumapailanlang mula sa bisig ng dilim pagsapit ng hatinggabi at unti-unting humuhupa sa kanlungan ng liwanag ng tanghali.
Nagbalik. Waning Crescent o Nagbabalik na Buwan—malapit na ang buwan sa pagbalik sa puntong kanyang unang tinahak na landas, kung saan ang kanyang maningning na bahagi ay tiyak na haharap sa araw, at ang tanging makikita natin mula sa ating pananaw ay isang payak na kurba, isang manipis na guhit na nagsisilbing anino ng kanyang kabuuan.
Kumurba, nahati, uminog, at nakumpleto. Datapwa’t tila ba’y rikit at halina nito’y sumisigid sa lihim ng sansinukob. Naghatid silay mula sa karimlan ng kawalan,—munting buwan, o iyong pinunan ang dilim ng gilid at sulok ng daigdig. Dala ang iyong pag-inog, nailumpungan ang mga mata ng gandang kailanma’y ‘di maitatwa.
-JasmineM.Daduyo
ANG MAHOGANI
Inter-Hi '24, Kumalampag na!
Sumiklab ang husay at tapang ng mga atletang kabataan sa Lungsod ng Batac sa pormal na pagbukas sa taunang Inter-High School Sports Competition na linahukan ng mga magaaral na mula sa labing-apat na paaralan, noong ika- 20 ng Nobyembre, 2024.
Ang makulay na parada ang naging tampok ng seremonya, na sinundan ng pagbubukas na mensahe mula kay Vice Mayor Atty. Windell Chua.
“Palaging maging mapagpakumbaba sa pagkatalo at maging kahanga-hanga sa pagkamit ng tagumpay. Sa katunayan, ang masigasig na pakikilahok ay talagang nagpapakita na ang isports ay isang mabisang layunin sa pag-unlad ng isang tao” ani ni Vice Mayor Windell Chua sa kanyang talumpati.
Nagbigay rin ng mensahe ang Schools Division Superintendent, na si Mr. Anselmo Aludino. “Dapat niyong bigyang-halaga ang iyong kalusugan para sa layunin ng pagsali sa iba't ibang aktibidad sa pisikal na edukasyon. Hindi lamang para sa mga ehersisyo para sa fitness, hindi lamang para sa isports ng iba't ibang indibidwal kundi pati na rin sa mga sayaw,” aniya.
Ang programa ay mas lalong nagningining sa pagtatanghal ng Cheerdance Competition na naglalabanan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan.
Sa pagtatapos ng pambukas na programa, kanilang binigyang gantimpala ang mga nanalo sa Cheerdance Competition. At pormal nang nagsimula ang paglalaban laban ng mga atleta sa iba’t ibang larangan ng isports.
Luntian at Ginintuang Paglupig
Yumanig ang dagundong ng madla sigaw ang nakabibinging hiyawan nang sumambulat ang makapigil-hiningang sandaling pag-apak nina
Dayne Seandrake Sapaden at Aienn
Robej Reopta ng Mariano Marcos State University (MMSU) Stallions sa makintab na entablado ng Imelda Cultural Center dala ang makalaglag-pangang karisma noong ika-16 ng Disyembre. sa natapos na Mr. & Ms. Inter-High School 2024.
Eksplosibong humambalos ang animo’y nagsimula sa simpleng paglalakad na ngayo’y naging umaarangkadang karera sa pagtitipon ng labindalawang paaralan ng Lungsod ng Batac. Nakipagsagupaan sa pagrampa’t nakipagtagisan ng talino ang dalawang kalahok na sa bawat pintig ng kanilang
puso sa bawat hakbang na kanilang tinahak ay nag-iwan ng ‘di pangkaraniwang tatak mula sa paaralang kanilang pinanggalingan – ito’y tunay na Tatak Stallion!
Dala ang dugong luntia’t ginintuang puso, napagtagumpayang depensahan ni Sapaden ang prestihiyosong titulo bilang Mr. Inter-High, ikatlong sunod-sunod na korona ng MMSU. Sa pagpapamalas naman ng angking husay at ganda, hinirang si Reopta bilang Ms. Inter-High 4th Runner-Up.
Bitbit ang korona at sash na sumasagisag sa kaniyang muling pananaig, tinanong si Sapaden tungkol sa aniyang pagtatanggol sa titulo. "Ang titulong Mr. Interhigh ay tunay ngang nagbukas ng maraming pintuan para
Isang Dekadang Dominasyon
sa akin. Hindi ito naging madali—ang presyon, ang aking pagdududa sa aking sarili, at pangkalahatang kaba ay tila pilit akong hinihila pabalik sa silid na matagal ko nang isinara’t kinalimutan. Ngunit, dahil sa sandamakmak na suporta na aking natanggap, tumayo ako nang matatag at nanatiling positibo. Dahil dito, ako ay nagtagumpay. Mula noon, ako na ang naging pinakamatatag na nilalang na aking nakilala" aniya.
“Hindi mo matatamo ang tagumpay nang hindi dumadanas ng mga unos na nag-iwan ng tatak sa iyong puso’t isipan” dagdag pa niya para sa taong nagnanais sumubok ngunit nag-aatubili’t natatakot magtulok.
Hindi naging alintana ang paglapat ng malamig na hangin sa liyab ng muling pagkakamit ng isang prestihiyosong parangal. “Home of the Champions.” Sigawa’t hiyawan ng College of Engineering matapos muling masungkit ang tropeo sa ginanap na University Games 2024 (UNIGAMES 2024) sa Mariano Marcos State University.
Isang dekadang trono ang naigawad sa COE matapos ang mabangis nilang pakikibakbakan laban sa siyam pang mga kolehiyong kalahok.
Sa loob ng isang linggo, Nobyembre 18 hanggang Nobyembre 22, ipinamalas ng COE ang kanilang husay at galing, humugot ng lakas mula sa determinasyong maghari muli sa larangan ng palakasan at kultura.
Mula sa tally ng kabuoang iskor, iginuhit ng COE ang 51.69% na puntos para mapasakamay ang unang puwesto sa naturang patimpalak. Sumunod naman ang College of Teacher Education (CTE) sa kanilang kabuoang puntos na 48.28%. Malaking impluwensiya ang pagkapanalo nila sa “Cultural Games” kung saan nagtamo sila ng 89 na puntos.
Samantala, mula naman sa talaan ng iskor sa mga naturang “Sport Events,” namayagpag ang College of Industrial Technology (CIT) sa kanilang 373 na puntos. Ito rin ang naging daan upang makamtan nila ang ikatlong pwesto sa tally ng kabuoang iskor sa puntos na 40.53%.
Gayunpaman, hindi nagpatinag ang COE dahil mula sa tally ng mga puntos, palaging nasa pangalawa ang mga ito. Isa na rito ang isang puntos na lamang na agwat ng CIT mula sa COE sa lahat ng ‘Sport Events,’ kung saan nakamtan ng COE ang 372 puntos, samantalang 373 naman para sa CIT.
Ito ang nagbigay daan upang makuha ng COE ang tropeo sa seremonya ng paggawad ng parangal noong Nobyembre 22, 2024 na ginanap sa MMSU, Oval. Ilang taon din ang lumipas bago mapasakamay ng COE ang makasaysayang tagumpay na ito. Ikasampung yugto ng wagas, isang dekadang walang kupas.
- Dianne Claire T. Castro
ISPORTS
Editoryal
Pag-igpaw sa Kalawakan
Pilipinas, iigpaw at mangingibabaw sa larangan ng pole vault. Iyan ang pangarap ng Pole Vault World No. 3 at Olympian na EJ Obiena.
Kinulang sa suporta at atensiyon — ganyan kung ituturing ang trato ng pamahalaan sa ating mga atleta. Kahit na gaano man kanais na mamayagpag ang mga Pilipino sa mga internasyonal na kompetisyon kung ganito naman ang natatanggap nila, makakapagsanay nga ba sila ng lubos?
Nito nga lang ikalawang kalahati ng taong 2024 ay inilunsad na ang pagtakbo ng “Six Meter Initiative” ni Obiena. Umarangkada itong tumapak sa Marcos Stadium ng Ilocos Norte, Nobyembre 22 upang pormal na buksan ang bagong pole vault facility. Ipinagkaloob nito ang
mga kagamitan sa pole vault gaya na lamang ng mga pole vault standards, landing foams, at iba pa.
Tunay ngang nakakagalak na sa labis na pagmamahal ng isang atleta ay hindi lamang talento at galing ang iaalay nito kundi pati suporta sa mga susunod na henerasyon na mga atleta. Hindi nagbulag-bulagan at umakto para sa bayan.
Simula pa nga lang ngunit nasimulan na. At ang mga pasilidad na ito ang siyang magpapakawala sa talento at dedikasyon ng mga Pilipino sa pole vault. Isang napakalaking tikin na bubuhatin ang mga Pilipino sa pag-igpaw sa kalawakan ng pole vault.
Pilipinas, handa na bang lumukso at taluntunin ang yapak ng nag-iisang EJ Obiena?
Bagwis ng Pinoy
Makalipas ang 12 taon, ngayon lang magkakaroon ang Pilipinas ng pinakamaraming kinatawan sa Paralympics 2024 na gaganapin mula Agosto 28 hanggang Septyembre 8 sa Paris. Anim na Filipino na para-atleta ang magpapakita ng kanilang pambihirang galing at tapang sa apat na palakasan.
Kabilang sa mga atleta ay si Ernie Gawilan, isang kilalang para-swimmer na may talaan na ng mga internasyonal na tagumpay. Ito ang naging daan upang maging pambato siyang muli sa Paralympics sa pangatlong pagkakataon.
Kasama niya si Angel Mae Otom, isang rising star sa parehong
disiplina, na naghahanda para sa kanyang Paralympic debut sa Paris sa edad na 20.
Sa athletics category, buong pagmamalaki naman na nirepresenta nina Jerrold Mangliwan, isang wheelchair racer, at Cendy Asusano, isang javelin thrower ang Pilipinas.
Kasama rin sa koponan sina Allain Keanu Ganapin sa taekwondo at Agustina Bantiloc sa archery.
Bagama’t sa pagtatapos ng kompetisyon ay wala silang naiuwing medalya, karapat-dapat pa rin na gawaran sila ng pagkilala. Dahil dito, kinilala ng pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. ang kanilang hindi matatawarang dedikasyon sa kabila ng kanilang mga kapansanan.
Dumausdos ang dagitab ng mga Stallions sa presensya ni Leon Enzo sa dalisay na tubig na siyang nag-ukit sa kaniyang prestihiyosong tagumpay na may oras na 38.92, sa nakaraang City of Batac Inter-School Sports Festival Swimming Men’s Freestyle noong ika-11 ng Oktubre 2024.
Sa unang paglusong ng mga manlalaro sa tubig, ang pagkatahimik ng mga manonood ay ang pagkakalma rin ng kanilang mga puso. Sa pagsisimula ng kanilang laban, sumilay ang kanilang determinasyon at pagtitiyaga upang masungkit ang inaasam nilang medalya, na
ang pakikipagtagisan sa ibabaw ng tubig.
Ang pagkahulma ng diwa ng kanilang sari-sariling paaralan ang nagtulak sa kanila upang hindi bumitaw na sa bawat paghampas ng kanilang bisig ay naging isang hakbang patungo sa pagkamit ng isang karangalan.
Kasabay ng paghiyaw ng mga tao ang pag-init ng tubig na kanilang linalanguyan. Bumubulusok ang bagsik ni Farinas nang kaniyang pinakawalan ang malapating na bilis sa paglangoy at agaran niyang nahigitan ang
Habang patuloy na bumubuntot ang mga katunggali ni Farinas sa kaniyang likuran, ipinamalas niya ang lakas at liksi ng kaniyang mga kamay at paa na sumabay sa agos at lagaslas ng tubig, tinapos niya ang kanilang laban sa oras na 38.92.
Ang walang humpay na pagsisikap at ‘di matitinag na determinasyon ang siyang nagdala sa kaniyang pagkasikwat sa ginintuang medalya na hindi lamang kuminang sa kaniyang leeg kundi pumailanlang sa buong lungsod ng Batac.
Bakbakan sa UAAP Season 87, Tatampok na!
Ang ika-87 na season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ay nagsimula sa isang walang kapantay na pagpapakita ng ibang klaseng pagtatanghal, habang ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) ay naghatid ng maaaring pinakamagarbong seremonya ng pagbubukas sa makulay na kasaysayan ng liga. Ang sold-out na SMART Araneta Coliseum ay naging isang masiglang sentro ng kasiyahan at pagdiriwang noong ika-7 ng Setyembre 2024.
Ang tampok na bahagi ng seremonya ay ang nakamamanghang pagtatanghal ng
makasaysayan na OPM band na Eraserheads. Muling nagtipon para sa pamamahala ng kanilang alma mater, ang set ng banda ay isang angkop na pagpupugay sa tema ng season: ‘Stronger, Better, Together’.
Ang pagdiriwang ay nagpatuloy sa isang tradisyonal na Oath of Sportsmanship na pinangunahan ng UAAP Season 86 Athlete of the Year at UP swimmer na si Quendy Fernandez, para muling ipagtibay ang pangako ng liga na maging patas ang laro at pagkakaibigan. Naghatid din ang UP ng isang kamangha-manghang drone show na nagbigay-liwanag sa
lugar, na sinamahan ng isang nakakaantig na produksyon mula sa UP Symphony Orchestra at Kontra Gapi, ang etnikong musika at sayaw na grupo ng UP College of Arts and Letters.
Sa pagtatapos ng isang hindi matitinag sa alaalang seremonya ng pagbubukas, isang bagay ang malinaw, ang UAAP Season 87 ay nagsimula nang napakaganda, nangangako ng isang selebrasyon na puno ng hindi malilimutang mga sandali at mabagsik na kumpetisyon.
- Dianne Claire T. Castro
-RioP.Agudelo
-JervelKeithG.Labayan
- Adriel Bleza
"Pagbangon mula sa alon."
Junior Nasudi,
'Di Nagpahuli
Galimgim na palakpakan at ‘di magkamayaw na sigawa’t hiyawan ng daan-daang manonood ang nagpainit sa prestihiyosong entablado ng Imelda Cultural Center sa kakatiklop lamang na Inter-High School Cheerdance Competition noong ika-20 ng Nobyembre.
Sandamakmak na luha’t pawis ang itinigis ng dalawampung mananayaw ng MMSU Junior Nasudi Dance Troupe upang makapag-ukit ng pangalan sa kasaysayan sa kanilang pagtamo ng kauna-unahang podium finish na naturang kompetisyon.
Sa isang panayam kay Ginoong Macquen Balucio, coach ng MMSU, ibinahagi niya ang kanilang mga pagsubok na kanilang kinaharap. "Sa totoo lang, napakaraming pagsubok ang aming nalagpasan, partikular na
sa iskedyul ng pagsasanay at ang pagdalo ng mga miyembro dahil sa nagdaang mga bagyo," aniya.
Sa saliw ng musika ng dekada 80, naisalba ng Junior Nasudi Dance Troupe ang ilang kamalian sa krusyal na sandali sa pamamagitan ng makapigil-hiningang stunts, tampok ang pamatay na pyramid, at makalaglag-pangang tosses na nagbigay sa kanila ng distansiya sa mga katunggali.
Naging impresibo ang pagsunggab ng kanilang ruta na naging sapat upang pataubin ang mga walong magigiting na paaralan mula sa Lungsod ng Batac.
Ayon pa kay G. Balucio, “Hindi ko naiwasang isipin na dahil sa mga nakita kong pagkakamali nila, baka ikatlo
Ginintuang Pagbuhat
o ikaapat na pwesto lamang ang am ing makukuha. Ngunit no’ng natawag na ang MMSU na 1st Place, nagba lik-tanaw lahat ng aming sakripisyo at paghihirap upang makarating sa puntong ito.”
Bukod pa rito, idinagdag niya ang labis na kasiyahan at karangalan na tumayo sa podium matapos ang mga taon ng paghihintay.
Hindi naging alintana ang matinding pagkahapo sa pag-indak ng sikap, sipag, at tiyaga na siyang nagparatsada ng ‘di mababayarang karangalang naigawad hindi lamang sa kanila, kundi pati rin sa kanilang paaralang minamahal—isang maka saysayang paglitaw ng tagumpay ng kanilang makulay na konseptong dekada otsenta “NASUDIscotimes”.
-JervelKeithG.Labayan
Sa bawat pag-angat ng bakal, nag-iwan siya ng makabuluhang marka—hindi lamang sa plataporma ng weightlifting, kundi sa puso ng mga tao. Si Hidilyn Francisco Diaz-Naranjo ay naging sagisag ng ‘di matatawarang lakas ng loob at determinasyon, isang tatak ng pagka-Pilipino.
Sa likod ng bawat tagumpay na kaniyang natatamasa, pawis, dugo, at luha ng isang atletang tumindig laban sa bigat ng hamon ang makikita. Sa bawat hawak niya sa barbell, sumisilay ang bandila ng sambayanang Pilipino kung kaya’t hindi lang mga medalya ang kaniyang naiuuwi, kundi ang pagkilala ng mundo sa kakayahan ng isang Pilipina.
Ang tagumpay niya sa 2020 Summer Olympics ay hindi lamang simpleng ginto—ito ay isang gintong sumisimbolo sa dekada ng sakripisyo at determinasyon. Siya ang kauna-unahang Pilipinong nagwagi ng makasaysayang gintong medalya sa Olympics.
Sa kaniyang mga bagong tala ng Olympic records, ipinakita ni Diaz-Naranjo na walang bigat na hindi kayang buhatin ng isang pusong may paninindigan. Siya ay nagmarka hindi lamang sa kasaysayan ng weightlifting, kundi sa kasaysayan ng lahing Pilipino.
Hindi lamang siya isang atleta, kundi isang huwarang nagpaalala na ang bawat bigat sa buhay ay kayang gawing hakbang patungo sa tagumpay.
Alimbukay ng
Tagumpay
umaripas sa himpapawid ang ICA Doves nang natudla ng MMSU Stallions ang kahali-halinang panalo, 2-0 sa naganap na Men’s Volleyball Inter-High School Sports Tournament noong ika-23 ng Nobyembre 2024.
Hampas na Naglilok ng Kasaysayan
Sa bawat hampas ng bola, umaalingawngaw ang kwento ng isang pangarap na binuo mula sa pawis at sakripisyo. Si Alyssa Caymo Valdez, ang tinaguriang mukha ng Philippine volleyball, ay hindi lamang tagapagdala ng panalo kundi isang sisidlan ng tapang at tatag sa bawat hampas ng pagkakataon.
Tinahak ni Alyssa ang landas na puno ng balakid ngunit ginawang tulay ang bawat hamon upang marating ang rurok ng inaasam niyang tagumpay. Hindi lang tagisan ng lakas ang kaniyang ipinapakita sa laro, kundi ang sining ng pusong handang magbuwis ng pawis, hirap, at pagod sa loob at labas ng court.
Siya’y patuloy na nagdadala ng inspirasyon saan man siya maglaro. Sa kaniyang mga kamay, nasisilayan ang liwanag sa isang malamlam na pangarap, na sa kabila ng bagsak at bigat ng mundo, may pag-angat at tagumpay na naghihintay.
Pagaspas ng Liksing Wagas
Ang bilis ng hangin ay tila hindi sapat upang higitan ang pusong handang magsakripisyo. Tanyag sa puso’t isipan ng bawat Pilipino, Lydia de Vega, ang babaeng tila sinadyang ipinanganak upang itatak ang pangalan ng Pilipinas sa mapa ng pandaigdigang atletismo.
Si Lydia, na tinaguriang “Asia’s Sprint Queen,” ay nagdala ng karangalan na hindi kailanman mabubura ng panahon. Sa kaniyang bawat pagtakbo, naririnig ang dagundong ng pusong nagliliyab. Siya’y parang kasingbilis ng kidlat na hindi
Humugot ang MMSU sa kanilang siklab ng paninindigan na sa pagsisimula pa lamang ng laro ay yumanig agad ang mundo ng ICA sa pagsasanib-pwersa ng kabilang koponan upang ilayo ang kanilang kalamangan at tuluyan na nga silang hindi nakagalaw, natapos ang unang set sa iskor na 25-20, pabor sa mga Stallions.
Nag-alab ang taktikang nakalingid sa mga Doves ngunit bigo nilang puksain ang bangis ng depensa’t opensang ipinalasap ng Stallions na siyang nagudyok sa kanila na hindi na makagalaw sa kanilang mga pwesto, tinapos nila ang ikalawang set na amay 6-2 run, 2517 ang iskor.
Matinding salpukan ang pumaimbulag sa larong ito. Pilit mang humarurot sa ere ang mga Doves, hindi na nagpaawat ang mga Stallions at ginawang animo’y basang-sisiw ang kanilang kalaban.
“Hindi naging madali ang aming mga pinagdaan upang makamit ang kauna-unahang panalo namin para sa torneong ito. Kahit pa man dalawa sa aming mga kasama ay hindi naririto dahil sa sinalihan nilang kompetisyon, panalo ay aming nakamtan dahil kami ay nagtulungan.” salaysay ni Jeremy Sagun, atleta mula sa MMSU.