editoryal
Nakaw Palihim Ni: Roan Ashaneth A. Barlas
Kinuwestiyon ang tinaguriang “confidential f unds” na hinihingi ng panig ni President Ferdinand Marcos Jr. at Bise Presidente si Sara Duterte. Sa halagang makapagpapabago... ipagpatuloy sa pahina 4
lathalain
Supling ng ilaw sa tahanan Ni: Klara Mae A. Cardinal
Tumatangis at nagpupumilit makuha ang pagkaing inaasam. Ang maaliwalas na anyo ng kaniyang mukha ay winarak ng emosyong namumutawi sa kaniyang damdamin. Ang paligid ay hindi na pinansin dahil...
PAG-AALAB NG PULA. Matagumpay na nasungkit ng High School Department Red Phoenix ang tropeyo at itinanghal na Overall Champion sa naganap na 99th Founding Anniversary and Intramurals 2023 Agro Sports Center, Magallanes Iraya, Daet, Camarines Norte noong ika-30 ng Setyembre, 2023. Ang nasabing departamento ay binubuo ng 2, 579 na miyembro na buong lakas at tapang na nakiisa, lumaban at nagpakita ng buong lakas at suporta sa patimpalak. LARAWAN MULA KAY: John Rodel Badinas CAPTION NI: Sidney Sheldan M. Denum
ipagpatuloy sa pahina 6
Bilang ng Mag-aaral na Nakapasa sa MC STEM at ABM Entrance Exams para sa S.Y. '23-'24
HS Red Phoenix, muling nakuha ang kampeonato sa MC Sportsfest Ni: Giane Antonette A. Labarro
Itinanghal ang High School (HS) Red Phoenix bilang pangkalahatang kampeon sa Mabini Colleges Sportsfest 2023 na ginanap bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-99 na anibersayo ng institusyon noong nakaraang linggo, ika-24 hanggang ika-30 ng Setyembre, 2023. Nakuha ng departamento ang kabuuang 379 na puntos matapos makuha ang unang pwesto sa lahat ng kategorya ng dance sports at vocal competition, table tennis sa kategoryang men singles at doubles, at chess (women). Nakamit din ng HS ang ikalawang pwesto sa women’s volleyball, badminton (men and women singles), 3x3 basketball girls, IMPOGRAPIKO NI: Kristina Cassandra T. Gonzaga Impormasyon mula sa tala ng Mabini Colleges High School Department
chess (men and women), at table tennis (women singles and doubles), ikatlong pwesto sa men’s basketball at badminton (men doubles), at ikaapat na pwesto sa Sepak Takraw, chess (men), dance sports sa kategoryang Latin, at paligsahan ng Cheerdance.
Pumangalawa naman ang Blue Ravens mula sa College of Education (CE) na nakapagtamo ng 354 na puntos na sinundan ng College of Business Administration and Accountancy (CBAA) Yellow Lions na may 264, 252 sa Maroon Knights ng College of Criminal Justice Education (CCJE), 237 sa College of Nursing and Midwifery (CNM) White Tigers, at 112 naman sa College of Liberal Arts, College of Computer Studies, and Technical Education and Training Department (CLA, CCS, TETD) Green Cerberus.
Mga bagong silid sa MC, binendisyunan
Ni: Ken Rein Samuelle I. Factor
Binigyang basbas ang sampung karagdagang silid-aralan at panibagong lounge sa Mabini Colleges (MC) noong ika-4 ng Agosto, taong 2023. Lumahok ang iba’t ibang miyembro mula sa administrasyon ng MC, board of trustees, at pinuno ng mga departamento sa nasabing okasyon. Gagamitin ng mga mag-aaral mula sa Pansekundaryang Departamento (G12-SHS), College of Nursing and Midwifery (CNM), at Graduate School (GS) ang mga bagong silid at lounge mula sa taong panuruan 2023-2024. Isinagawa ang nasabing kaganapan upang maisakatuparan ang tradisyon na pagbasbas sa mga bagong gawang silid at lounge ng paaralan. Matatagpuan ang mga nabanggit na silid at lounge sa may bandang likuran ng kanang bahagi ng gusali ng Main Campus ng institusyon. Isa itong ganap na tagumpay para sa lahat ng kumakatawan sa institusyon at itinuturing na pagpupugay sa patuloy na lumalagong gusali ng MC.
IMPOGRAPIKO NI: Mary Jane T. Fuertez Impormasyon mula sa tala ng Mabini Colleges High School Department