BALITA
04
Coding scheme Daet, Camarines Norte
ang MABINIAN
ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG DALUBHASAANG MABINI PANSEKUNDARYANG DEPARTAMENTO TOMO 2 BLG 3 NOBYEMBRE 2023 - PEBRERO 2024
PARA PO!
PARA PO!
Ang Mabinian, nasungkit ang unang puwesto sa Liyab X 2023 Ni: Cristine Gaile D. Nano
PARA PO!
editoryal
PARA PO!
05
Hinagap na Alterasyon
13
lathalain Impograpiko ni: Kristina Cassandra T. Gonzaga Impormasyon mula sa: Tricycle Regulatory Unit
Pagsibol sa Tinubuang Bayan Ni: Hope Vhyncent L. Detecio
ag-tek
16
PASADA PARA SA MASA. Todo kayod si Joseph Gomez, 37, sa pagpasada ng kanyang tricycle at pagtawag ng pasahero habang naglilibot sa Kapitan Isko St., Brgy. 7, Daet, Camarines Norte noong ika-22 ng Marso, 2024. Ang mga tricycle driver tulad ni Gomez ay may mahalagang papel sa lipunan at ekonomiya, at ang kanilang pagseserbisyo para sa masa ay lubhang napakahalaga sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan. Larawan kuha ni: John Ivan Daniel L. Pilapil Kapsiyon ni: Sidney Sheldan M. Denum Minanipula ni: Sophia Renaud R. Sacriz
Villeno: Mahirap mamasada dahil sa tricycle coding
Ni: Giane Antonette A. Labarro
Ibinahagi ng ilang tricycle drivers ang kanilang hindi pagsang-ayon sa Municipal Ordinance No. 290-2015 o The Daet Comprehensive Tricycle and Regulatory Code of 2015 sa Daet, Camarines Norte kung saan isa sa limang mga tricycle ang hindi maaaring mamasada bawat araw. Ayon sa isa sa mga tsuper na si Ronnel Villeno, 50, mahirap para sa kanilang mga namamasada ang coding dahil nabawasan sila ng isang araw upang mag hanapbuhay lalo na ngayon na nadagdagan pa ng 300 ang prangkisang iginawad ng Local Government Unit (LGU) sa tulong ng Tricycle Regulatory Unit (TRU) mula sa dating bilang na 2500. Samantala, inihayag naman ni Romeo Orendain Candelaria,
Sulong Lakad Palayo Ni: Gem Hilary P. Pentecostes
isports
19
LOKAL
Sa pamamagitan ng tricycle coding scheme, 500 sa 2500 tricycle na may prangkisa na inuuri base sa numero at kulay ang hindi maaaring lumabas sa kalsada ng isang araw mula Lunes hanggang Biyernes, pagpatak ng ika-6 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi. Gayunpaman, nilinaw ni Candelaria na pinapayagan ang lahat ng tsuper na mamasada tuwing Sabado, Linggo, at sa mga lokal at legal na holiday tulad ng Daet Foundation Day, Pista sa Bayan ng Daet, Semana Santa, Undas, Pasko, at Bagong Taon.
Ni: Cristine Gaile D. Nano
Nagbigay ng hinaing ang ilang estudyante ng Mabini Colleges (MC) sa araw-araw na pakikibaka nila sa malubhang trapiko sa bayan ng Daet, Camarines Norte noong ika-21 ng Marso, 2024.
“Nakapagdudulot ng matinding perwisyo sa mga tao ang trapiko dahil na rin sa mga pasaway na drayber,” saad ni Francine Quintela mula ika-11 baitang.
Ni: Carmela Sienna B. Naval
Transportation Regulatory Officer II, na mahalaga ang sistemang ipinatupad mula 2015 sapagkat malaki ang naitulong nito sa pagluwag ng daloy ng trapiko sa munisipalidad.
Mga komyuter, inireklamo ang sistema ng transportasyon sa Daet
Kabilang ang mga mag-aaral sa mga komyuters na sumasakay sa traysikel patungo sa paaralan na tumatagal nang halos tatlo hanggang 15 minuto kada araw dahil sa mabagal na pag-usad ng mga sasakyan.
Kapit Hiningang Pagpapakawala
LOKAL
Ayon naman kay Chris Mark Payla, magulo ang sitwasyon ng trapik dahil bukod sa maraming harang, marami rin sa traffic lights sa Daet ang sira kaya’t hindi alam kung alin ang susundin. Kaugnay nito, ibinahagi rin ni Rhedz Andrei Rosales na depende sa oras ang pagdagsa ng
mga sasakyan sa Daet kung saan madalas maranasan ang trapik tuwing oras ng pagpasok at pag-uwi o hindi naman kaya ay “rush hour.” “Pumapasok ako halos 10 minuto na lamang bago magsimula ang klase dahil matindi ang trapik sa daan papunta sa aking paaralan dahil sa dami ng mga mag-aaral na pumapasok at sa kipot ng daraanan,” dagdag pa ni Rosales. Matatandaang matagal nang inaksyunan ng Local Government Unit (LGU) Daet ang kalagayan ng trapiko sa pamamagitan ng pagpapatupad ng tricycle coding sa ilalim ng Tricycle Regulatory Board (TRB) kung saan nilimitahan sa 2000 ang mga namamasadang traysikel bawat araw. Sa kabila nito, mas tumindi ang pagkabahala ng mga pasaherong nakikipagsapalaran sa pagsakay sa mga pampublikong transportasyon tulad ng traysikel na nananatiling lugmok sa mabigat na daloy ng trapiko. pampaaralan
Mag-aaral sa MC, binatikos ang daloy ng trapiko Ni: Althea Denise R. Delos Reyes Samu’t saring reklamo ang natanggap mula sa isang estudyante ng Mabini Colleges (MC) sa isinagawang panayam tungkol sa mga problemang pantrapiko na danas na danas sa bayan ng Daet, Camarines Norte noong ika-22 ng Marso, 2024.
Ayon sa kaniya, nagiging dahilan ng trapiko ang mga pribadong sasakyan na nakaparada sa tabing kalsada at binigyang-diin niya na kadalasang hindi nasusunod ang patakarang ‘slow moving vehicle must keep right’, lalo na sa highway.
Inihayag ni alyas ‘Terrence’, 16, isang estudyante sa MC na nasa baitang 11, ang napakaraming reklamo sa nararanasang matinding daloy ng trapiko sa Daet bilang non-commuter na gumagamit ng pribadong sasakyan sa pagpasok.
Inaasam niya na magkaroon sana ng motorlane sa highway at provincial road upang nakabuklod sa isang daanan ang mga four-wheel vehicles at idinagdag niya rin na nagdudulot ng trapiko sa lansangan ang mga traysikel na dumadaan mismo sa gitnang kalsada dahil ito ay nakakapagpabagal sa kotse.
Mayroong sariling sasakyan sina Terrence upang mas mapabilis ang kanilang pagpasok sa eskwelahan ngunit apektado pa rin sila ng napakabagal na daloy ng trapiko sa sentro ng Daet.
Samantala, nagbigay ng payo si Terrence upang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin sa mga dapat gawin o sa mga paraan na makatutulong upang mapagaan ang daloy nito.
“Actually, lagi kaming nakararanas ng matinding daloy ng trapiko lalo na tuwing uuwi ako galing school. Naiintindihan naman namin na bunsod ito ng maraming sasakyan ngunit hindi lang ito ang nakikita naming ugat ng pagkakaroon ng heavy traffic,” saad ni Terrence.
Naniniwala siya na hindi maiiwasan ang pagdami ng mga sasakyan sa kalsada kaya kailangan itong bigyan ng aksyon para masolusyunan ang perwisyong dala-dala nito sa bawat indibidwal sa munisipalidad.
PULSONG MABINIAN Iginawad ng Local Government Unit (LGU) ng Daet, Camarines Norte ang 300 bagong prangkisa sa mga tricycle drivers sa tulong ng Tricycle Regulatory Unit (TRU). Mula sa dating bilang ng mga pampublikong tricyle na 2500, ito’y magiging 2800 na. Bagama’t ito’y makakatulong sa mga nais ding mag hanapbuhay at mamasada, maaari itong dumagdag sa kasulukuyang suliranin sa daloy ng trapiko. Ikaw, kapwa Mabinian? Sangayon ka ba sa pamamaraan ng pamahalaan?
23.1% 76.9% ng 130 mag-aaral at guro ng Mabini Colleges - High School Department
ang hindi sang-ayon
ang sang-ayon
Impograpiko ni: Kristina Cassandra T. Gonzaga
Guhit ni: Angela Mae A. Badinas