Skip to main content

Ang Mabinian Tomo 1 Blg. 1

Page 1

Bilang ng mga mag-aaral ng Dalubhasaang Mabini mula ika-7 hanggang ika-12 na baitang para sa S.Y. 2022-2023

LIGTAS NA EDUKASYON. Aktibong nakikilahok sa klase ang mga estudyante ng Senior High School sa kabila ng banta ng COVID-19, dagdag pa rito mahigpit pa ring ipinatutupad ang pagsunod sa health protocols tulad ng pagsuot ng mask at social distancing. Ika-26 ng Enero, 2023 LARAWAN KUHA NI: John Ivan Daniel L. Pilapil

Mabini Colleges, muling nagdaos ng full face-to-face classes matapos ang dalawang taon Ni: Giane Antonette A. Labarro

Sinimulan nang muli ang f ull face-to-face classes sa pansekundaryang departamento ng Mabini Colleges noong ika-8 ng Agosto, taong 2022 matapos ang dalawang taong pagsasagawa ng online at modular classes dahil sa pandemyang COVID-19. Ayon kay Elmer A. Delos Angeles Jr., punong guro ng MCHS, dumaan ang institusyon sa mahabang proseso bago tuluyang ibinalik ang dating paraan ng pag-aaral kung saan ngayon ay mayroon na lamang 20 hanggang 36 na mag-aaral sa bawat silid. Matapos isagawa ang isang online na sarbey ukol sa full face-to-face na pag-aaral sa Mabini, nakitang lahat ng 20 estudyanteng mula baitang 7 hanggang 12 na sumailalim sa sarbey ay sang-ayon sa ginawang pagbabalik ng

institusyon sa nakagawiang sistema ng edukasyon sa kabila ng pagkakaroon ng pandemya. Isinaad ni Aldwin Jake Caramoan, isang mag-aaral sa ika-10 baitang sa MC, na siya ay pabor sa full face-to-face classes sapagkat mas mabilis nang nauunawaan ang mga aralin at hindi na nakararanas ang mga mag-aaral ng paghihirap pagdating sa paggamit ng internet. Sa kabila ng pagsang-ayon ng mga estudyante, may ilan pa ring mga magulang na nangangamba sa kaligtasan ng kanilang mga anak kontra COVID-19 sa loob ng paaralan. Upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante laban sa pandemya, mahigpit pa ring ipinatutupad ang pagsunod sa health protocols tulad ng pagsuot ng mask at social distancing.

Bilang ng mga mag aaral sa Dalubhasaang Mabini sa bawat strand mula sa Senior High School Department GUHIT NI: Angelica Mae D. Manlangit

IMPOGRAPIKO NI: Reddick McChester S. Contreras

IMPOGRAPIKO NI: Sophia Renaud R. Sacriz

MC, nagkamit ng mga puwesto sa kaunaunahang Perpetualite Student Research Competition Ni: Venice Lynyl M. Abarca

Wagi ang mga piling mag-aaral ng Mabini Colleges High School Department matapos lumahok sa kauna-unahang Perpetualite Student Research Competition na ginanap noong ika-30 ng Marso, taong 2023, sa University of Perpetual Help System DALTA, Las Piñas na may temang, “Transitions: Advancing Research in Academic Discipline.” t Nakuha ng mga estudyanteng sina Emmanuel Sanchez, Nathalie Rafael, Samantha Ricci Rosales, at Roman Joseph Gallardo mula sa ika-12 na baitang, pangkat Dalton sa ilalim ng strand ng STEM ang unang puwesto sa parangal na Best Research Paper at Best Presenter at ikalawang puwesto naman sa Best Abstract sa kanilang research title na, “Superworm (Zophobas morio) Biodegradation Characteristics and Tolerability in Disintegrating Selected Hydrocarbon-based Plastic.” Gamit ang kanilang research title na, “Relationship between Awareness and Implementation of Municipal Ordinance No. 019-2013 (Environmental Code

of Daet, Camarines Norte) in Accordance with R.A. 9003,” inuwi ng mga mag-aaral na sina Rainer Jan Jardin, Laurence Nares, Julianne Emerose Baljon, at Janna Villagracia mula sa ika-12 na baitang, pangkat Rubble sa ilalim ng strand na ABM ang ikalawang puwesto sa Best Research Paper at Best Presenter at unang puwesto sa parangal na Best Abstract. Sila ay lumahok sa kompetisyon kasama ang kanikanilang mga tagapayo na sina Jonathan Delos Santos, Gail Abasolo, at Maria Consuelo Quindara, ilan sa mga guro ng pananaliksik sa institusyon. Kabilang din sa ginanap na paligsahan ang mga kolehiyo mula sa departamento ng College of Business Administration and Accountancy na siyang nag-uwi ng ikalawang puwesto bilang Best Abstract at Best Presenter at ikatlong puwesto sa Best Research Paper at College of Nursing and Midwifery ng Mabini Colleges na nakakuha ng unang puwesto bilang Best Abstract, ikalawang puwesto bilang Best Research Paper, at ikatlong puwesto bilang Best Presenter.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Ang Mabinian Tomo 1 Blg. 1 by Ang Mabinian - Issuu