Skip to main content

ANG LUNTIAN | TOMO III | BILANG I | AGOSTO - MARSO 2024

Page 1

B

ALITA

Talon Dos Campus, Nagwagi sa 7th DSPC

TOMO III BLG.1

A

G-TEK

QR code: Hatid ang kapakanan ng kabataan

L

ATHALAIN Ingatan ang Puso

OPINYON ISPORTS Tulong o Trabaho nga ba ?

Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Talon Dos Campus , Sangay ng Las Piñas City

Atletang mag-aaral kaya pa ba?

AGOSTO - MARSO 2024

ANG

LUNTIAN

BALITANG KINIPIL 236k Trees Isinigawa sa Talon Dos Campus Sa pagsapit ng kapaskuhan, ang mga guro at mag-aaral ng Las Piñas City National Senior High School- Talon Dos Campus ay nakiisa sa pagbigay suporta sa proyekto ng DepEd na pagtatanim ng 236,000 na mga puno, regalong handog para sa kabataan.

LINGKOD NG BAYAN, BANTAY NG KATOTOHANAN.

Ang proyektong ito ay isinagawa at naganap noong ika-6 ng Disyembre 2023 sa pangunguna ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) at Rover Scouts sa LPCNSHS- Talon Dos Campus. Ang mga guro at mag-aaral ng TDC ay nagtulungan upang magkaroon ng mga punla na maidadala sa paaralan. Ang proyekto ng DepEd na ito ay naglalayon na maging daan upang mapangalagaan ang kalikasan para sa kinabukasan at sa susunod na henerasyon ng mga kabataan.

Talonians, wagi sa UP PolSci Contests Nag-uwi ng mga medalya ang mga mag-aaral na kalahok ng Las Pinas City National Senior High School -Talon Dos Campus matapos manalo sa ginanap na University of the Philippines Political Science 2023 Balangay “Kabataan Maki-Alam” na ginanap sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman nitong ika-25 ng Nobyembre 2023.

SUPERTITSER 2023. Nakilahok ang Principal ng Talon Dos-Campus na si Sir Dave Renath Baguio sa mga larong inihanda ng mga estudyante nitong ika-29 ng Setyembre, 2023. Kuha ni Keeno De Castro

Ang Luntian

angluntianpublication@gmail.com

Pagpapatayo ng Canteen sa Talon Dos Campus

Talon Dos Campus, Ipinagdiwang ang World Teachers’ Day 2023 Cassie Nirel CUELLO

BALITA

N

Sa kasalukuyan, ang canteen ay sa isang silid at nagreresulta sa siksikan ng mga mag-aaral tuwing lunch at recess. Kaya naman napagdesisyonan ng eskwelahan na gumawa ng mas malawak na canteen upang mabigyan ng mas maluwag na pagpipilian ang mga estudyante upang hindi magkumpulan sa isang lugar. Makatutulong ito sa pagdami ng estudyante sa Talon Dos Campus dahil sa muling pagsimula ng pagbukas ng early registration para sa pagpasok sa LPCNSHS-TDC ng mga bagong estudyante sa taong 2024-2025.

KALIHIM

I

dinaos ng Las Pinas City National Senior High School - Talon Dos Campus ang World Teachers’ Day 2023 na may temang, “Teachers as superheroes, unmasking the power of education”, na pinangunahan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) at mga club organizations ng paaralan. Nagsimula ang selebrasyon ng World Teachers’ Day sa Talon Dos Campus sa pamamagitan ng mga club booths na inihanda ng bawat club organizations, mula 8 ng umaga hanggang 12 ng tanghali. Kanya-kanyang mga palaro at aktibidad ang isinagawa ng bawat booths kung saan nakilahok ang mga mag-aaral at mga guro. Kabilang na rito ang Photo booth ng SSLG, Karaoke booth ng ICT & Robotics Club,

Pap D’ Balloon ng BSP club, Balloon Hunt ng Math and Science Club, Tell a secret, Read a secret ng Peer Club, Mathketball ng Sports Club, Mail and Freedom Wall ng The Leap at Ang Luntian, at ang Minute to Win it, Memory Capsule, Freedom Wall ng BERT Club, at Spin the Teacher ng Sinagtala Club. Sa hapon naman, nagkaroon ng isang programa upang higit pang mabigyang halaga ang paggunita ng World Teachers’ Day sa Talon Dos Campus. Isa sa mga nakapaloob sa programang ito ay ang pagkilala sa mga mag-aaral na lumahok at nanalo sa SuperTitser 2023 Slogan Making, Poster Making, at Student Teacher Impersonation. Hindi naman nagpahuli ang mga magaaral sa pagpapakita ng kanilang talento sa pag-awit at pagsayaw. Pinangunahan ng Sinagtala Chorale and Dance Troupe

ITALA MO Kurso na kukunin ng mga Baitang 12 ng LPCNSHS -TDC sa Kolehiyo LEGEND ENGINEERING MEDICAL ICT

KANTINA SA TDC: Natapos na ang ipinapatayong Canteen sa Las Piñas City National Senior High School Talon Dos-Campus. Kuha ni John Fernando Rocha

Kahanga-hanga ang determinasyong pinakita ng mga mag aaral ng LPCNSHS-Talon Dos Campus. Sila ay bukod-tanging pinagmamalaki ng paaralan sapagkat pinakita nila ang kanilang angking galing at kahusayan sa larangan na ito.

SUPERTITSER 2023

Jewel MARTINEZ atapos na ang pagbuo ng canteen noong unang linggo ng Marso 2024 sa Las Piñas City National Senior High School - Talon Dos Campus (LPCNSHS-TDC). Nagsimula ang pagbuo ng canteen noong pagtatapos ng Disyembre ng 2023.

Nasungkit ni Adrian Gabriel R. Azucena (12- Fairness) ang Ikalawang Gantimpala sa Argumentative Essay habang ang grupo naman nila Shaquel C. Agumbay (12- Diplomacy), Cassie Nirel Cuello (12- Diplomacy), at Rhaizza C. Legaspi (12- Diplomacy) ay nakuha ang Ikatlong Gantimpala sa Political Research Proposal and Defense. Pagbati rin sa mga mag-aaral na kalahok na ginawa ang kanilang makakaya para sa kompetisyon.

HINDI SIGURADO

Likha ni: Cassie Nirel CUELLO at Shaquel C. AGUMBAY

ang mga itinanghal na intermission numbers para sa nasabing programa. Kabilang dito ang mga bandang “Banda rito” at “Banda roon”, pati na rin ang Sinagtala Dance Troupe. Sa pagtatapos ng programa, inalayan ng isang documentary video ang mga guro na inihanda ng SSLG at ng mga magaaral sa Talon Dos Campus. Binigyan din ng mga parangal at sertipiko ang mga guro bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at patuloy na pagsisikap: Ang selebrasyon ng World Teachers’ Day ay isang mahalagang okasyon upang bigyang pasasalamat at pagpapahalaga ang ating mga gurong patuloy na humuhubog sa kinabukasan ng mga magaaral. Sa paggunita nito, nakikilala ang kanilang kontribusyon sa edukasyon at ang kanilang papel sa buhay ng bawat mag-aaral.

Datos mula sa: LPCNSHSTalon Dos Campus Work Immersion Commitee


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
ANG LUNTIAN | TOMO III | BILANG I | AGOSTO - MARSO 2024 by ANG LUNTIAN PUBLICATION - Issuu