opinyon
3 6 Catch Up Fri-YEY
CCNHS-Main, Nakatanggap ng mga Laptop at Robotics Kit mula sa Alkalde ng Lungsod p2
isports
lathalain
Araw ng Biyernes
p11
City High Smashers, pinatumba ang PRISAA
2-0
Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Cauayan City National High School-Main Tomo 15 Isyu 1 | 2023-2024
SAGAP KAALAMAN. Mga mag-aaral mula sa Special Program in Journalism nakibahagi sa programang Catch-Up Friday sa Cauayan City National High School.
Ayon sa ulat ng EDCOM II (2023), ang mga Pilot Schools ay nagkukulang sa mga aklat-aralin at nakasalalay sa mga lesson exemplar at activity sheets.
AP English EPP/TLE EsP Filipino Math Music & Arts PE & Health Science
7 8 9 10
Walang Aklat-Aralin May Aklat-Aralin
Catch-up Fridays, pormal ng sinimulan ng CCNHS NI Micah Ella Pilar Pormal ng sinimulan ng Cauayan City National High School ang unang araw ng “Catch-up Fridays” alinsunod sa DepEd MEMORANDUM No. 001, s. 2024 sa pamamagitan ng Drop Everything and Read (DEAR) Day, Enero 12, 2024.
Lahat ng pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya ay magpapatupad ng DEAR Day na magbibigay sa mga mag-aaral ng pagkakataong basahin ang kanilang gustong basahin na libro. Layunin ng programang ito na mahasa ang mga mag-aaral
sa pagbabasa at pag unawa sa binabasa. Ayon sa DepEd ang lahat ng Biyernes sa taong panuruang ito ay nakatuon sa aktibidad na kaugnay ng Catch-up Fridays sa lahat ng pampublikong paaralan ng elementarya at secondarya sa
Pilipinas. Alinsunod ang programang ito sa pagpapatupad ng National Reading Program bilang bahagi ng National Learning Recovery Program (NLRP).
Tamang Paraan ng Pagsisipilyo, Tampok sa Dental Health Month 2024 NI Maria Hazel Albano
Nakibahagi ang mga mag-aaral sa Cauayan City National High School-Main (CCNHS) sa National Dental Health Month 2024 kung saan sabay-sabay silang nag-sipilyo nitong Pebrero 16. Tinatayang nasa 500 na mga estudyante sa ikapitong baitang ang nakilahok sa naturang programa ng paaralan kaugnay sa selebrasyon na may temang
NGITING MALINIS. Mag-aaral ng Cauayan City National High SchoolMain sinuportahan ang programang National Dental Health Month 2024
“Celebrating Decades of Healthy Smiles”. Batay sa Presidential Proclamation No. 559 s. 2004, nakatakda ang buwan ng Pebrero sa pagdiriwang ng National Dental Health Month para mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga estudyante pagdating dito. Sa pagsusuri ng National Monitoring and Epidemiological Dental Survey (NMEDS) noong 2021, nasa 92.4% sa mga Pilipino sa bansa ay may tooth decay at 78% naman ang may gum diseases kung kaya’t napatupad ang nasabing programa. Upang mabawasan ang bilang ng mga mag-aaral na nagkakaroon ng oral diseases, nakiisa ang mga magaaral mula CCNHS-Main sa programang Dental Health Month Celebration sa pamamagitan ng pagsisipilyo nang sabay-sabay ng mga mag-aaral. Nagbigay payo rin ang mga guro na ugaliing mag sipilyo tatlong beses sa isang araw, uminom ng sapat na tubig, kumain ng masusustansyang pagkain, at iwasan ang matatamis na pagkain at inumin. Base naman sa school health personnel ng CCNHSMain na si Maria Visitacion Menor Askalani, malaking tulong ito dahil 70 sa 100 na mag-aaral ay kulang sa kaalaman sa tamang oral hygiene at dagdag nito ay walang sapat na pera ang iba dito upang makabili ng toothbrush at toothpaste. Inaasahang maisasagawa ito ng mga estudyante hindi lamang sa paaralan kundi pati sa kanilang tahanan at magbigay kaalaman din sa iba pa para pangalagaan ang kanilang kalusugan.
ANGKING TALENTO. Piling mag-aaral mula sa Special Program in Arts nagpakita ng kanikanilang talenton sa National Arts Month Celebration sa CCNHS-Main.
Husay, talento, pinatunayan ng CCNHS sa National Arts Month Celebration NI Micah Ella Pilar
Pinatunayan ang husay at talento ng mga piling mag-aaral ng Cauayan City National High School-Main sa pagdiriwang ng National Arts Month Celebration na may temang Ani ng Sining kanina, Pebrero 28, 2024. Nasaksihan dito ang husay sa pag-indak at pag-awit ng mga magaaral mula sa kurikulum ng Special Program in the Arts. Ikinatuwa naman ng pangkalahatang Direktor ng programa na si G.Herzon Cabanayan ang mga talentong
kaniyang nasaksihan sa mga magaaral sa naturang programa. “Habang pinapanood ang cultural show, binibigyang daan nito ang mga mag-aaral na ihayag ang kanilang damdamin at talento. Bilang viewers o manonood ay masaya kaming pinanonood ang aming mga estudyante at mag-aaral,” saad nito. Tampok sa naturang programa ang SPA Dance, Theater, Theater Bahaghari, Salip, Rondalla, Media Arts Output, Media Arts Short Film, Visual Arts, Binoyugan, Vocal Music, Hip-hop, at Curtain Call.