ANG
Kabisera Sentro ng Katotohanan
Opisyal na Pahayagan ng Misamis Occidental National High School TOMO VII BLG.I - HUNYO-NOBYEMBRE - Rehiyon X - Dibisyon ng Oroquieta City
P8 Agham
Likas ng mga Pilipino ang pangingisda, kaya naman naging bahagi na ng ating buhay ang pagkain ng mga seafoods. Bukod sa pagiging masarap at sagana sa lasa, taglay din ng mga pagkaing-dagat ang iba’t ibang sustansiyang kinakailangan ng ating katawan.........
BAGONG
INDEKS P4 OPINYON
PATAKARAN
PINAGKAIT NA SUPORTA P10 LATHALAIN
LASAP SARAP P20 ISPORTS
PAMBIHIRA KARIVERA!
Benepisyong HPS para sa extracurricular, binawi ng DepEd, ‘more academically sound approach,’ isusulong
Ni: Danilyn Serana
Sa Division memorandum No. 2903, s2025, binawi ng Department of Education (DepEd) Oroquieta ang pagbibigay ng Highest Possible Score (HPS) sa mga mag-aaral na sasali sa extracurricular activities upang masiguro na hindi napababayaan ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral. Nakasaad sa nasabing memorandum na kukuha pa rin ang mga bata ng alternatibong summative at performance tasks na may patas na puntos imbes na pagkalooban ng diretsahang HPS sa kanilang missed activities. “In lieu of the earlier provision suggesting the automatic awarding of the highest possible score obtained in the class for all summative test and performance task administered during the contest period, a more academically sound and policy-alligned approach shall be observed,” ani DepEd. Dahil dito, nagbigay ng opinyon ang mga mag-aaral at itinuturing ang bagong sistema bilang “challenge” sakanila. “Makaingon gyud ko nga challenge gyud sya sa amoa nga mga moapil ug extracurricular kay we need to balance both academics and kung unsa amoang apilan
which is okay raman sab it is for our own good man sab pero lagi dili gyud malikayan nga mastress, time management nalang gyud ang best option,” wika ni Hannah Edioma, batang mamamahayag. Dagdag pa rito, kahit na umano nasa pagsasanay ang mga magaaral, mayroon pa rin silang natututunan at malalaman na ang mga leksyon.
“Nakasabot raman mi nganong gi-change siya kay para pod naa mi ma-learn bisan ug naa mi sa training dayun dili mi ma behind sa klase, naa gihapon mi take aways,” saad ni John Steven Earl Cajes, batang atleta.
Kaugnay pa rito, marami na ang hindi ipinagpatuloy ang extracurricular matapos ilabas ang naturang memo dahil mas priyoridad nila ang pag-aaral. “Daghan ang mangundang kay mas priority nila ang school and like mas prefer nga mosulod sa klase bitaw dayun naa manggud poy ubannga dili sila ganahan matunga ilang time kay ma out of focus maong kailangan gyud nila i-sacrifice ang isa,” sambit ni Joshua Lafable, researcher Sa kabilang dako, nanawagan naman ang mga mag-aaral na magkaroon pa sana ng konsiderasyon at maintindihan ang sitwasyon ng bawat mag-aaral lalo na sa panahon ng deadlines o pasahan ng gawain.
‘Teachers, accountable to students suicide attemps’ - Guidance Counselor Dibuho ni Zhyantrell Fegi Ni: Danilyn Serana
Isinaad ni Clint Hatague, Guidance Counselor ng Misamis Occidental Science Technology High School (MOSTHS) na may pananagutan ang mga guro sa mga suicide attempts ng mga mag-aaral lalo na’t isyu ngayon ang iilang estudyante na kinitil ang buhay matapos makakuha ng maliit na marka o grado. Sa pahayag ni Hatague, ang mga guro ang ikalawang magulang ng mga mag-aaral kung kaya’t may obligasyon silang gabayan ang mga ito at lapitan kung may napapansing kakaiba sa kanilang ikinikilos. “Teachers are accountable when we are talking about students thinking of suicide attempts especially your question is all about
having a failing grade so teachers should communicate to their students,” saad niya. Dagdag pa ni Hatague, kinakailangan magkaisa ang lahat sa pangangalaga ng mental health dahil ito’y mahalaga rin katulad ng pisikal na kalusugan. “We should work as one when it comes to mental health, we should
always be there to be a support system,” paalala niya. Sa kasalukuyan, sinisimulan na ang mga programang pang interbasyon sa mental na kalusugan sa iilang bahagi ng siyudad ng Oroquieta.
I-SCAN ANG QR CODE NA ITO
Drainage System sa MONHS, sumasailalim sa renobasyon Ni: Danilyn Serana
Patuloy pa ring inaayos ang drainage system ng Misamis Occidental National High School matapos umani ng mga reklamo ukol sa pag-apaw ng tubig, basura at masangsang na amoy nitong mga nakaraang taon. r Ayon kay Clemente Enguito, isang empleyado, malaki umano ang binago sa drainage system upang masolusyonan ang mga nasabing hinaing. “Dako gyud ug kabag-ohan kay para dili na magbaha, makuha na ang mga basura dayun wala napoy mabaohan kay lisod nagyud kaayo
ug magpadayon pa ang ingon ani,” wika ni Enguito. Bukod pa rito, ang proyekto ay aktibong sinusubaybayan ng mga enhinyero lalo na ang konektadong lagusan nito na nasa plaza ng Oroquieta. “Ang kaning drainage diri gikan sa skwelahan connected ni siya
padulong sa plaza dayun sa gikan sa paggama hantod sa kung mag testing naa gyuy engineer,” sambit ni Enguito. Sa ngayon, hindi pa tiyak kung kailan matatapos ang pagsasaayos ng sistema sa drainage ngunit umaasa ang karamihan na ito’y magiging epektibo.
upang magpatuloy sa opisyal na facebook page/account ng Ang Kabisera. Saksihan ang iba’tibang mga tampok na istorya at mga kwentong kapupulutan ng aral sa loob ng pahayagan at paaralan