Skip to main content

Ang Iskolar (Tomo II - Isyu II)

Page 1

TOMO II. ISYU II. Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Valenzuela City School of Mathematics and Science

Hulyo 2023 – Hunyo 2024

kampusekspress

HUSAY NG VALMASCI

ValMaSci, hinirang na Top 6 at Top 7 sa National Achievement Test 2023

TOP 7

TOP 6

Juliana S. Frias

I

niulat ng Department of Education (DepEd) na nakamit ng Valenzuela City School of Mathematics and Science (ValMaSci) ang ikapitong puwesto sa “Top 10 Performing Schools” sa Grade 10 National Achievement Test (NAT) at ikaanim na puwesto naman sa Grade 12 NAT. Batay sa datos, 76.77% ang nakuhang puntos ng ValMasci sa NAT sa Baitang 10 habang 66.58% naman sa Baitang 12 sa taong panuruan 2022 - 2023. Bilang pagkilala, ginawaran ang ValMaSci ng mga sertipiko ni Department of Education - National Capital Region (DepEd-NCR) Director Jocelyn DR. Andaya sa “Joint Regional Executive and Management Committee Meeting” sa STI College Academic Center sa Las Piñas noong ika-23 ng Pebrero ng kasalukuyang taon. Kabilang sa mga tumanggap nito ang punongguro ng ValMaSci na si G. Jaime S. De Vera Jr., kasama ang ulongguro ng matematika Bb. Irene C. Imperial, at iba pang mga opisyal ng School Division Office of Valenzuela gaya nina Schools Division Superintendent Alejandro G. Ibañez at Chief of Curriculum Implementation Division (CID) Filmore R. Caballero. Ipinangako ng ValMaSci na pananatilihin nila ang pagbibigay ng mataas na kalidad ng pagtuturo para sa ikauunlad ng resulta ng pag-aaral ng mga mag-aaral. “ValMaSci will remain true to its commitment of bringing the best teaching - learning delivery for better learning outcomes,” pahayag ng ValMaSci sa kanilang facebook post.

Ang tagumpay ng mga mag-aaral ay tagumpay ng paaralan at komunidad.

G. Jaime S. De Vera Jr. Punongguro ng ValMaSci Samantala, nanguna sa ranking na ito sa Baitang 10 ang Batangas Province Science High School na may 81.87% at sinundan ng Cavite Science Integrated School, Makati West - Makati Science High School, City of Mandaluyong Science High School, Pasig City Science High School, Tagbilaran City Science High School, ang ValMaSci, Badiang National High School, Mandaue City National High School Mandaue City Science High School Ext., at Hinaplanan National High School. Sa kabilang banda, pinangunahan naman ng Madamba Integrated School ang listahan para sa Baitang 12 na may 68.15%, kasunod ang mga sumusunod na paaralan: Saint Paul American School, Sibugon Integrated School, Albert Einstein School Incorporation, Tarabucan National High School, ang ValMaSci, Mandaue City National High School - Mandaue City Science High School Ext., Dolores National High School, Philippine Science High School, at Don Esteban Nolasco National High School.

sciencekonek

Team AGWE, kampeon sa Xylem Global Student Innovation Challenge 2024 Michael Ervin S. Calumag

M

ula sa mahigit 4,400 na batang innovator sa iba’t ibang sulok ng mundo, nagpamalas ng pambihirang galing ang Team AGWE na mula sa Valenzuela City School of Mathematics and Science (ValMaSci) sa Xylem Global Student Innovation Challenge 2024. Binubuo nina Alexander Matthew Nataño, Julia Hanne Pal, Tristan Jhon Bautista, Mauren Cheyenne Dijamco, at Marcus Joshua Cambi, ang team na ito ay nag-uwi ng pinakamataas na karangalan dahil sa kanilang makabagong solusyon sa lumalalang krisis sa tubig.

MODERNONG SOLUSYON. Nakamit ng Team AGWE na binubuo nina Dijamco (una sa kaliwa), Pal (ikalawa sa kaliwa), Bautista (gitna), Nataño (ikalawa sa kanan), at Cambi (una sa kanan) ang grand prize para sa Xylem Student Innovation Challenge 2024. Kuhang larawan mula kay Gng Tes San Andres Bautista .

PAHINA 2 PAHINA 6

PAHINA 11

Hindi lamang isang ordinaryong solusyon ang kanilang proyekto. Ito ay isang komprehensibong kampanya na naglalayong gawing mas masaya ang pangangalaga sa kapaligiran. Sa pamamagitan ng AGWE Website, kantang ‘Clear Blue Seas,’ kuwentong ‘Hadrien and the Water Guardian,’ larong ‘AGWE – The Chronicles,’ at isang detalyadong modyul, nagawa ng Team AGWE na mapadali ang pag-unawa sa mga isyu ng tubig para sa kabataan.

Basahin pa sa PAHINA 6.

PAHINA 14


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Ang Iskolar (Tomo II - Isyu II) by Ang Iskolar - Issuu