P3
Ang
Salimbayan
Hunyo 2025 TOMO 1 - BILANG 1 Ang Opisyal na Munting Pahayagan ng Bicol Regional Science High School sa Filipino
Editoryal:
Kumpanya sa Kampanya
SULONG SILID
Dance Workshop ‘25 inilunsad sa BRSHS Balita | Kiah Opeña
atagumpay na isinagaM wa ang Dance Theater Workshop 2025 sa Bicol Regional Science High School (BRSHS) bilang bahagi ng pagtutok ng paaralan sa pag-unlad ng sining at talento ng mga mag-aaral.
PAMUNO’T PAGLINGKOD. Taos-pusong ibinahagi ni Sir Rene Preña ang kanyang mensahe sa harap ng mga estudyante sa pormal na pagsisimula ng Brigada Eskwela 2025 noong ika-9 ng Hunyo sa Bicol Regional Science High School. KUHANG LARAWAN NI DAVE PREGONERO
BRSHS sama-samang kumilos sa Brigada Eskwela ‘25 Balita | Nazrene Lleva, Yureina Aurelio
agkaisa ang mga guro at mag-aaral ng Bicol Regional Science High N School (BRSHS) sa kick-off ng Brigada Eskwela 2025 na may temang “Sama-sama para sa bayang bumabasa” noong ika-9 ng Hunyo bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan.
“…hindi lang ngayon maga-start ang Brigada natin, so magkocommense siya monthly. We will do our best to make our surroundings clean.” G. Rene Preña Punongguro
Ayon sa pangalawang pangulo ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Melbeth Ventura, hindi lamang layunin ng Brigada Eskwela ang maglinis ng silid-aralan kundi pati na rin ang gumawa ng ugnayan sa pagitan ng mga mag-aaral lalo na sa mga bago pa lamang sa institusyon. Ibinahagi naman ni punongguro G. Rene Preña na ang Brigada Eskwela ay nararapat maging bahagi ng kultura ng paaralan na isinasagawa buwan-buwan, kalakip ang pagkakaisa sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran. Binigyang halaga din ng kalihim ng SSLG na si Matthew Berdin ang partisipasyon ng bawat student organization ng paaralan bilang mga modelo sa pakikilahok sa aktibidad. 4Ps, BJMP nakiisa sa diwa ng BRSHS Brigada Eskwela Bukod sa mga mag-aaral, nakiisa rin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Brigada Eskwela ng BRSHS upang maghatid ng tulong sa paglilinis ng paaralan. Ayon kay Danica Padagdagan, isa sa mga coordi-
nator ng Brigada Eskwela sa BRSHS, ang hatid nilang suporta ay nagpapakita ng whole-of-community approach sa paghahanda ng institusyon. Ang matagumpay na simula ng Brigada Eskwela sa BRSHS ay patunay ng matatag na ugnayan ng pamayanan para sa ligtas at maayos na balik-eskwela. BRSHS bagong pasilidad tugon sa lumalawak na pangangailangan Opisyal na binuksan ng mga kinatawan ng Bicol Regional Science High School (BRSHS) ang bagong administration building noong ika-10 ng Abril ng kasalukuyang taon.
Isinagawa ang tatlong araw na workshop mula Mayo 30 hanggang Hunyo 1, 2025, na nilahukan ng 20 estudyante mula sa Grade 7 hanggang 12, kabilang na ang ilang incoming Grade 7. Layunin ng programa na higit pang paunlarin ang talento ng mga dance thespians sa iba’t ibang genre gaya ng jazz at contemporary dance. “Layunin talaga ng workshop na ma-enhance ‘yung skills nila sa iba’t ibang dance genres,” saad ni Shirley Christelle Olivera, isa sa mga Dance Masters. Binigyang-gabay ang mga kalahok ng Dance Masters, club adviser, at alumni mentor na si Jay Vladimir Samar sa pamamagitan ng warm-up, drills, at choreography sessions bawat araw. “May mga dance thespians na nagsabi na hindi nila forte ‘yung genre, pero sa huli, nagawa pa rin nila nang maayos at maganda,” dagdag pa ni Olivera. Binigyang-diin din nila na lumakas ang kumpiyansa ng mga kalahok matapos ang workshop. Plano ng grupo na ipagpatuloy ang ganitong pagsasanay tuwing weekend sa darating na pasukan upang lalo pang mahasa ang mga talento ng Dance Theater.
Higit pa sa karagdagang espasyo, layunin ng gusali na maging sentro ng inobasyon at epektibong pamamahala— isang hakbang tungo sa mas organisado at episyenteng serbisyo para sa buong komunidad ng paaralan. Nagbigay daan ang pagbubukas ng bagong administration building sa mas maayos na daloy ng mga opisyal na gawain at pagtugon sa lumalawak na pangangailangan ng BRSHS, katuwang sa patuloy nitong pag-unlad bilang institusyong pang-edukasyon.
BISITAHIN! Opisyal na Facebook page ng Ang Hulmahan