Inaprubahan ng Schools Division Office ng Masbate ang bagong flexi program ng Masbate Sports Academy (MSA) na nagtatakda ng bagong oras ng klase upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa kabila ng mga kakulangan sa kagamitan at guro.
Layunin ng programang ito sa ilalim ng DepEd Order No. 012, s. 2024 na solusyunan ang mga hamon sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga paaralan ng kalayaang ayusin ang oras ng kanilang mga klase.
“Nagpapasalamat kami sa DepEd dahil binigyan nila kami ng kalayaang ayusin ang aming mga oras ng klase base sa pangangailangan ng aming mga estudyante at guro,” ani Rufino Arellano, principal ng MSA.
Ayon kay Arellano, malaking tulong ang mga opsyong ibinigay ng DepEd para mapanatili ang kalidad ng edukasyon sa kabila ng mga limitasyon sa tauhan at pasilidad. Dagdag pa niya, nakakatulong ito sa pagpaplano ng mas epektibong oras ng klase.
Sa ilalim ng bagong patakaran, maaaring pumili ang mga paaralan sa tatlong opsyon sa oras ng klase: Option A, kung saan may 45 minutong oras bawat asignatura; Option B, na nagbibigay ng 50, 55, o 60 minutong allotment para sa mga pangunahing asignatura tulad ng Ingles, Matematika, Agham, at GMRC; at Option C, na nagpapahintulot ng iba pang kombinasyon ng oras basta natutugunan ang minimum na oras bawat linggo.
Ipinaliwanag naman ni Divine Cervantes, Junior High School coordinator ng MSA, na malaki ang naitutulong ng flexible schedule sa kanilang pagtuturo. “Dati, hirap kami sa pagdistribusyon ng oras dahil sa kakulangan ng mga guro, pero sa flexible schedule na ito, mas nakatutok kami sa bawat asignatura,” ani Cervantes.
Ang mga pagbabago sa oras ng klase ay ipatutupad simula sa ikalawang quarter ng school year, at umaasa ang mga guro at estudyante ng MSA na magdudulot ito ng mas epektibong paraan ng pagkatuto.
Isinusulong sa Kongreso ang P1.3 bilyong pondo para sa Masbate Sports Academy (MSA) upang mapondohan ang pagpapatayo ng school building, dormitory, at mga permanenteng pasilidad na kinakailangan para sa mga batang atleta sa probinsya.
Matagal nang nakabinbin ang House Bill 1125, na unang ipinanukala noong 2022, na layuning magtatag ng sports academy sa Dimasalang, Masbate.
Umaasa ang pamunuan ng MSA na maaaprubahan ito ngayong taon upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral.
“Kung maikakasatuparan ito ngayong taon, mababawasan na ang ating problema sa halos ilang taon na paglilikom ng pera upang matustusan ang ating mga pangangailangan.”
Ayon kay Rufino Arellano, principal ng paaralan.
panukala, ang mga mag-aaral ng MSA ay nakikisilong lamang sa Masbate Sports Complex, na ginagamit bilang pansamantalang classroom at dormitoryo.
Ibinahagi ni Vanelyn Alarcon, mag-aaral sa Grade 8, ang kanilang hirap sa kanilang kasalukuyang kalagayan: “Nahihirapan kami tuwing ganitong bagyo at maulan kasi hindi kami masyadong nakakatulog ng maayos dahil pumapasok sa dorm ang tubig mula sa bleachers,” aniya.
patuloy ang pagsulong ng MSA sa kanilang mga programa para sa pag-unlad ng mga magaaral. Isa sa kanilang proyekto ay ang Reading Enhancement for Athletes to Become Champion Holistically (REACH), na layuning palakasin ang kasanayan ng mga estudyante sa pagbabasa at matematika.
Sa isang panayam, inilahad ni Arellano ang kanilang apela sa ginanap na Budget Hearing ng Special Education Fund (SEF) ng probinsya.
“Isa lamang ang hirit ko sa kanila bukod sa pondo ng SEF, ito ay ang matagal na nating hinihintay ang maaprubahan ang panukala at hindi na mahirapan pa ang ating mga mag-aaral at guro,” ani Arellano.
KAKULANGAN SA PASILIDAD NG MSA
Habang hindi pa naisasakatuparan ang
Idinagdag naman ng gurong si Divine Cervantes ang mga hamon sa kasalukuyang classroom setup.
“Masyadong maliit ang mga klasrum, swerte nalang at hindi ganun karami ang mga mag-aaral dito sa MSA, ngunit minsan sa sobrang init ng panahon sa mga bleachers kami nagkaklase, kapag maulan naman nagsisiksikan kami sa klasrum na walang tulo,” paliwanag ni Cervantes.
PATULOY NA PAGPUPURSIGE NG AKADEMYA SA KABILA NG HAMON
Sa kabila ng kakulangan sa mga pasilidad,
Upang mapadali ang pag-unlad ng mga mag-aaral na sumasailalim sa reading intervention program sa Filipino at Ingles, nanawagan ang mga guro ng Masbate Sports Academy (MSA) ng suporta mula sa kanilang mga magulang.
Bunsod ito ng pagtaas ng bilang ng ‘frustration readers’ sa MSA, o yung mga mag-aaral na bagsak ang marka sa Philippine Informal Reading Inventory (Phil-IRI) assessment na isinagawa ng Filipino at English Department kasabay ng pagbubukas ng taong panuruan. Batay sa tala, sumampa sa 12 ang bilang ng frustration readers sa Filipino mula sa 7 ng nakaraang taon, habang 15 naman sa Ingles mula sa 8. Sa magkahiwalay na panayam, inihayag nina Archinne Rupa at Maryclaire Arellano, mga koordineytor ng Project Basa-Atleta para sa Filipino at Project REACH sa Ingles, ang kanilang panawagan na ‘gampanan’ ng mga magulang ang kanilang responsibilidad na gabayan ang kanilang mga anak sa pagbasa. Ayon kay Rupa, mahirap tutukan ang lahat ng mga mag-aaral dahil anim na seksyon ang hawak ng bawat guro, kasama na ang mga estudyanteng sumasailalim sa reading intervention program na kanilang pinaglalaanan din ng oras. “Talagang kailangan ay mayroong suporta ng mga magulang pagdating sa tahanan na akayin at turuan din ‘yung kanilang mga anak na bumasa kasi hindi namin kaya na kami lang,” giit niya.
Idinagdag pa niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng mga magulang sa kanilang mga anak ng babasahing teksto o libro sa tahanan. “Minsan kasi, tinatanong din namin ang mga bata kung may babasahin ba sila sa bahay,” salaysay ni Rupa. “Dahil nga wala raw silang mababasa sa bahay, ang ginagawa na lang nila ay maglibang sa phone.” BAWASAN ANG RESPONSIBILIDAD Hiling naman ni Arellano na huwag tambakan ng mga magulang ng mga gawaing pambahay ang kanilang mga anak
Samantala, kinilala naman ang MSA bilang “Most Performing Sports Academy in the Philippines” ng Philippine Athletics Club. Nakamit din ng MSA ang dalawang gintong medalya sa 13th ASEAN Games, ang natatanging ginto ng Pilipinas sa naturang kompetisyon, na isang malaking tagumpay para sa bansa.
PANAWAGAN PARA SA
KOMPREHENSIBONG SUPORTA
Sa kabila ng kanilang mga tagumpay, nananatiling hamon ang kakulangan sa sapat na pasilidad. Umaasa ang pamunuan ng MSA na mabibigyang-pansin ng Kongreso ang kanilang matagal nang panawagan para sa pondo, na malaking tulong upang mapabuti ang kalagayan ng mga batang atleta sa Masbate.
at Pinakamatandang
Bakawan
Bicol Bakawan ng ngBicol
Sa puso ng Bongsanglay Natural Park sa Batuan, Masbate, isang kahanga-hangang tanawin ang nagaantay sa mga mangingisda at mga mahilig sa kalikasan. Dito matatagpuan ang Miyapi (Avicennia officinalis), ang pinakamalaki at pinakamatandang puno ng mangrove sa Bicol, na umaabot sa taas na 7 metro at may lapad na 1.35 metro. Sa kanyang 143 taong pag-iral, siya’y tila isang bantay na saksi sa mga kwentong yumayakap sa kanyang mga sanga.
Ang Bongsanglay Natural Park, na umaabot sa 244 ektarya, ay natatanging protektadong lugar, naglalaman ng natitirang pangunahing mangrove forest sa Bicol. Ang mga puno ng Rhizophora at Avicennia ay nangingibabaw sa masaganang kapaligiran ng bakawan, isang ecosystem na puno ng buhay. Ang mga bakawan, kilala sa tawag na “bakawan,” ay mga punong nagiging tahanan ng iba’t ibang uri ng isda, ibon, at iba pang mga hayop. Ang Miyapi ay isang medium hanggang malaking puno na may liko-likong katawan at makinang na madidilim na berdeng dahon. Ang mga dahon nito ay may hugis na oblong at ang prutas ay puso ang anyo, dilaw-berdeng kulay, simbolo ng kayamanan ng kalikasan. Ngunit sa kabila ng kanyang kagandahan, ang mga mangrove ay nahaharap sa banta ng pagkasira. Ang mga forest cover ay unti-unting nababawasan dulot ng mga proyektong pangkaunlaran, fishponds, at reclamation. Ayon sa FAO, nasa 15.2 milyon na ektarya na lamang ang natitirang mga mangrove sa buong mundo. Dahil dito, nakikiisa ang National Museum Bicol sa pandaigdigang pagdiriwang ng International Day for the Conservation of the Mangrove Ecosystem. Layunin nito ang palakasin ang kamalayan ng publiko sa mahalagang papel ng mga mangrove sa kalikasan at biodiversity, at hikayatin ang tamang pangangasiwa at konserbasyon ng mga ito sa bansa. Sa ating mga kamay nakasalalay ang kinabukasan ng mga puno ng Miyapi, at ang kabuhayan ng ating mga susunod na henerasyon.
taas-presyo, dito sa Divisoria, abot-kamay ang dagat at abotkaya ang mga
Seafood Tiangge; Mura, Presko, tatak Masbateno!
PARIS FERGIE SALDIVAR
Sa barangay na tila dinilig ng biyaya ng dagat, isang kakaibang tiangge ang naging takbuhan ng mga ordinaryong Pilipino na nais maka-survive sa hamon ng araw-araw na gastusin. Ang Barangay Divisoria sa Cawayan, Masbate ay hindi lang simpleng lugar para sa bentahan ng isda at iba pang yamang-dagat—ito ang naging sagot ng maraming pamilya upang magpatuloy sa kabila ng tumataas na presyo ng bilihin. Araw-araw, sariwang huli mula sa dagat ang inihahatid ng mga mangingisda diretso sa seafood tiangge. Dito, hindi lang bulsa ang gumagaan—pati ang mga hapag-kainan ay nagiging mas masagana. Ayon kay Barangay Captain Richard “Ricky” Manatad, nagsimula ang tiangge nang hikayatin nila ang mga lokal na mangingisda na magbenta ng kanilang huli sa kanilang baybaying dagat. Ang resulta? Isang komunidad na binibigkis ng abot-kayang pagkain at sama-samang pagtutulungan.
Mula sa rumaragasang rodeo hanggang sa dalampasigan ng Masbate, nakakubli ang mga kuwentong tiyak na aantig, magpapatawa, at magpapamangha sa iyo! Ihanda ang sarili sa isang makulay na biyahe tungo sa Rodeo Capital of Southeast Asia! Tara na; MASBATEr DITO!
halos imposibleng matagpuan sa pamilihang bayan. Hindi lamang ang mga residente ng Divisoria ang nakikinabang. Ang tiangge ay dinarayo rin ng mga kalapitbarangay at maging mga turista. Para kay Aling Mercy, na bumabiyahe pa mula sa kabilang barangay, ang tiangge ay isang biyaya. “Sa halagang P200, may ulam na kami ng pamilya ko ng ilang araw. Hindi na kailangang magtipid sa pagkain,” ani Aling Mercy na may ngiti sa labi habang hawak ang supot ng sariwang isda. Bukod sa murang bilihin, ang tiangge ay nagiging simbolo rin ng pagtutulungan sa Barangay Divisoria. Ang mga mangingisda, mga namimili, at ang lokal na pamahalaan ay nagkakaisa upang tiyakin na ang biyaya ng dagat ay maramdaman ng lahat. Ang bawat transaksyon ay hindi lang pagbili, kundi isang paraan ng pagpapatibay ng ugnayan sa komunidad. “Ang dagat ay nagbibigay, ngunit ang tunay na yaman ay nasa mga taong nagbabahagi,” ani Kapitan Ricky.
ani Kapitan Ricky. “Ang bawat pisong matitipid ay malaking
Sa tiangge, maaaring makabili ng isang kilo ng scallops binga o bailer shells ay nagkakahalaga ng P120 kada kilo.
Habang patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ang tiangge sa Barangay Divisoria ay nagsisilbing paalala na may mga paraan upang labanan ang hirap at kumapit sa pag-asa. Sa murang halaga ng scallops, binga, at sikad-sikad, hindi lamang ang tiyan ang napupuno—pati ang puso ay napapalakas. Sa Barangay Divisoria, tunay na nasa dagat ang biyaya, at abot-kaya ito para sa lahat.
Sayaw ng Puso
Ang Pagbabalik ng Lapay Bantigue:
Si Felisa Aparejado Tupas, isang anak ng Masbate, ang nagbigay anyo at buhay sa Lapay Bantigue sa pamamagitan ng pagsasayaw ng mga kilos ng lapay. Ang sayaw na dati’y ginagawa ng mga kababaihan habang naghihintay sa pagbabalik ng kanilang mga asawa mula sa pangingisda ay naging bahagi ng kanilang pangaraw-araw na buhay. Ang impromptu na sayaw, na una’y isang pagsasaya at pagpapakawala ng kaba, ay naging permanenteng bahagi ng lokal na aliwan. “Dito sa Bantigue, ang Lapay Bantigue ay hindi lang sayaw, ito’y isang tradisyon na naipapasa mula pa sa aming mga ninuno,” ani Mang Lino Dumas, isang mangingisda mula sa Bantigue. “Sa bawat galaw, ramdam namin ang koneksyon sa dagat at sa mga kwento ng aming mga lolo’t lola. Ito ang aming paraan ng pagsalubong sa umaga at pagbabalik ng aming mga mahal sa buhay.” Ang sayaw na may likas na kilos ng katawan—mga liko ng likod na halos sumayad sa sahig at ang pag-alon ng mga braso—ay sumasalamin sa galaw ng dagat at ang lipad ng mga ibong lapay. Naging mas tanyag pa ang sayaw nang madiskubre ito ng Pambansang Alagad ng Sining na si Ramon Obusan, na nagdagdag ng musika at mga bagong hakbang. Sa kanyang pag-aaruga, ang Lapay Bantigue ay umangat mula sa isang simpleng sayaw ng mga mangingisda patungo sa isang sayaw na kinikilala at ipinagdiriwang sa buong bansa.
Subalit, sa halos tatlong taon ng paghinto ng mga pagdiriwang dahil sa pandemya, tila
Sa bawat tibok ng puso ng tao, kasabay nito ang hindi inaasahang oras ng kamatayan. Sinasabi ng marami na habang nabubuhay, kailangan nating ipamuhay ang bawat araw na puno ng saya at kahulugan. Ngunit, sa isang sulok ng Palanas, Masbate, natagpuan ni Lolo Sayling, isang 92-anyos na tagapanday, ang ibang paraan upang bigyang-kahulugan ang nalalabing oras ng kanyang buhay – ang pagbuo ng kabaong para sa kanyang sarili.
“Pag dumating ang araw na ‘yun, gusto ko tahimik lang at masaya ang lahat. Masaya ako dahil alam kong hindi ko sila magiging pabigat.”
Hina ng Bakuna Eskwela: Dapat Bang Mangamba ang mga Magulang at Mag-Aaral?
Bagama’t inilunsad ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) ang “Bakuna Eskwela” upang protektahan ang mga kabataan laban sa tigdas, tetano, diphtheria, at cervical cancer, nananatiling mababa ang turnout ng mga nagpabakuna. Mahalagang maunawaan ang ugat ng problema upang tugunan ang pangamba ng mga magulang at estudyante hinggil sa kaligtasan ng mga bakuna.
EDITORYAL
Pagtutok ng DICT sa AIGenerated Fake News:
Habang papalapit ang Eleksyon 2025, inihayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pakikipag-ugnayan nito sa mga social media platform upang masugpo ang pagkalat ng maling impormasyon na nilikha gamit ang artificial intelligence (AI). Bagamat maganda ang hangaring ito, nananatili ang agam-agam kung sapat ba ang ginagawang aksyon ng ahensya para protektahan ang publiko mula sa ganitong banta.
Sa Pilipinas, ang inaasahang haba ng buhay ng mga kalalakihan ay umaabot ng 66 na taon, at 72 taon naman para sa mga kababaihan. Ngunit si Lolo Sayling ay tila nilampasan na ang nakatakdang average na ito, isang pribilehiyong kanyang tinatanaw ng may pasasalamat. Sa kanyang edad, nakamit na niya ang ilang dekada ng karanasan sa pag-ukit ng kahoy, at sa likod ng kanyang mga kamay na punong-puno ng peklat at kalyo ay nakatago ang mga kwento ng sakripisyo, pagtitiis, at pagmamahal.
“Ayaw kong maging pabigat”
“Mahaba na rin ang itinagal ko dito,” ani Lolo Sayling, habang masuyong hinahaplos ang kahoy na mahogany, na siya mismo ang nagtanim noong kanyang kabataan. “Mahirap mabuhay at mahirap din mamatay, kaya kung mamatay man ako, ayaw ko maging pabigat sa pamilya.” Ang kanyang tono ay puno ng pagninilay, ngunit ang kanyang ngiti ay nagbibigay ng init na bumabalot sa kanyang bawat salita.
Sa isang panayam kay Aling Fely, isang matagal nang kaibigan ni Lolo Sayling, nabanggit niya kung gaano kagiliw si Lolo sa pagaayos ng kabaong. “Siya ang tipo ng tao na laging nag-iisip ng para sa iba. Sabi niya sa akin noon, gusto niyang mawala nang walang gulo, kaya kahit kabaong, siya na ang nag-gawa para sa sarili niya,” kwento ni Aling Fely. “Napaka-selfless ni Lolo. Hanggang sa huling hantungan, iniisip pa rin niya ang pamilya niya.”
ISANG PAMANANG MAKABULUHAN Bilang simbolo ng kanyang pagmamahal, ipinakita ni Lolo Sayling sa kanyang mga apo ang halaga ng pag-iimbak ng alaala. “Nais ko
lang maging simple. Kung aalis man ako sa mundo, gusto ko lang na magpaalam ng may ngiti at katahimikan,” ani niya. Ang kabaong na kanyang ginawa ay may kasamang ukit ng pangalan ng kanyang mga anak at apo—isang paraan upang ipabatid na sa kanyang pagpanaw, sila ang kanyang magiging lakas at gabay.
“Si Lolo Sayling ang nag-iwan sa amin ng napakalalim na aral tungkol sa buhay,” wika ni Mang Nestor, isa sa mga kababata ni Lolo. “Hindi tungkol sa kung anong materyal na bagay ang maiiwan mo, kundi kung paano mo itinuro sa iba ang halaga ng pagiging handa at ng pagmamahal.”
PAGGUNITA SA ISANG BUHAY NA PINUNO NG
PAGMAMAHAL
Sa isang panahon kung saan mabilis ang lahat at walang katiyakan ang kinabukasan, nananatiling halimbawa si Lolo Sayling ng isang taong pinili ang pagpaplano ng kanyang sariling pagtatapos. Ang kanyang kuwento ay isang paalala sa mga Pilipino na hindi lamang ang huling hantungan ang dapat paghandaan, kundi ang mga alaalang maiiwan sa mga mahal sa buhay. “Pag dumating ang araw na ‘yun, gusto ko tahimik lang at masaya ang lahat. Masaya ako dahil alam kong hindi ko sila magiging pabigat,” ani Lolo Sayling, habang humahalakhak na parang wala nang bukas.
Si Lolo Sayling ay hindi lamang isang tagagawa ng kabaong; siya ay isang tagapag-ukit ng ala-ala, isang simbolo ng katatagan, at isang tunay na Pilipinong nagbibigay ng walang katumbas na pagmamahal.
Batay sa datos, target ng programa na bakunahan ang 3.8 milyong mag-aaral sa Grades 1 at 7 para sa MR at Td vaccines, gayundin ang halos 1 milyong babaeng Grade 4 students para sa HPV vaccine. Ngunit sa kabila ng 853 milyong pisong pondo, nananatili ang mababang turnout, na maaaring dulot ng kakulangan sa impormasyon o maling paniniwala tungkol sa mga bakuna. Ang mababang turnout ay nakakabahala lalo na’t mula Enero hanggang Setyembre 2024, may naitalang 3,356 kaso ng tigdas at rubella, 215 kaso ng diphtheria, at 81 kaso ng neonatal tetanus, kung saan marami ang nauwi sa kamatayan. Ayon sa DOH, ang mga sakit na ito ay maiiwasan sana kung ang tamang pagbabakuna ay naisagawa. Dagdag pa rito, libu-libong kababaihan ang nagkakaroon ng cervical cancer taun-taon, na maiiwasan rin sa tulong ng HPV vaccine. Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, ang pagbabakuna ay mahalaga hindi lamang sa kalusugan kundi pati na rin sa edukasyon ng mga kabataan. Pinatunayan din ni Education Secretary Sonny Angara ang kahalagahan ng programa upang matiyak ang positibong karanasan sa pag-aaral na hindi naabala ng mga problemang pangkalusugan. Gayunpaman, tila kulang ang kampanya sa pagbibigay linaw at tiwala sa publiko upang magpaturok ang mga mag-aaral.
Ang mababang turnout ng “Bakuna Eskwela” ay naglalantad ng mga hamon sa pagtugon sa maling impormasyon at pangamba ng publiko tungkol sa bakuna. Mahalagang palakasin ang kampanya sa pamamagitan ng malawakang edukasyon at pagsasagawa ng community forums upang sagutin ang mga tanong ng mga magulang at estudyante. Bukod dito, dapat makipagtulungan ang DepEd at DOH sa local government units upang maghatid ng mas malawak na access at mas personal na ugnayan sa mga komunidad.
Sa huli, ang tagumpay ng Bakuna Eskwela ay nakasalalay sa tiwala at suporta ng bawat Pilipino.
Nagsagawa ang Masbate Sports Academy ng kanilang kauna-unahang science fair, kung saan naranasan ng mga mag-aaral ang aktwal na laboratory scenario dahil sa dumating na mga kagamitan mula sa Department of Education (DepEd) na sakto sa takdang oras. Ang science fair ay naging matagumpay sa tulong ng Learning and Teaching EquipmentScience and Mathematics Equipment (LTESME) program ng DepEd, na naglalayong magbigay ng kinakailangang kagamitan para sa pagtuturo ng agham at matematika sa mga pampublikong paaralan alinsunod sa K to 12 Curriculum.
estudyante,” pahayag ni Rochelle Ayque, ang science coordinator ng Masbate Sports Academy. Ayon kay Ayque, ang mga kagamitan ay magbibigay-daan para sa mas mahusay na karanasan ng mga mag-aaral sa larangan ng agham, lalo na’t
“Malaki ang pasasalamat namin sa DepEd sa mga kagamitang ipinagkaloob. Tiyak na mas magiging makabuluhan at kapana-panabik ang pag-aaral ng agham para sa aming mga
teorya. Isa sa mga mag-aaral, si Kent James Andrade, ay nagsabing, “Napakasaya ng experience namin sa science fair. Excited kaming matuto pa gamit ang mga bagong kagamitan.” Sinang-ayunan ito ni Vanelyn Alarcon, isa pang magaaral, na nagsabing ang hands-on experiments ay nagpalawak ng kanilang kaalaman sa agham.
Ang Matamis na Kabuhayan at Pamana ng Pamilya
PARIS FERGIE SALDIVAR
Sa isla ng Masbate, kung saan ang mga malalawak na rantso ay punong-puno ng baka at kalabaw, matatagpuan ang isang simpleng matamis na kayang magbigay ngiti sa sino mang makatikim. Ang Carmelado – puti, matamis, at creamy – ay isa sa mga kilalang delicacy ng lalawigan na talaga namang kinagigiliwan ng bawat bibisita. Sa halagang sampung piso kada sampung piraso, bawat balot ng Carmelado ay nagdadala ng kwento ng pamilya, dedikasyon, at tradisyon.
PINAGMULAN NG CARMELADO
Ang Carmelado ay nagsimula noong dekada ’50 sa isang maliit na baryo sa Milagros, Masbate. Sa baryong Bacolod, halos bawat pamilya ay gumagawa ng matamis na ito para sa kanilang kabuhayan. Sa bawat kanto at bawat tahanan, makikita ang karatulang “Carmelado Sold Here” na parang nagsasabi ng kanilang pagmamalaki sa produktong ito. Ang Carmelado ay unang pinasimulan ni Consuelo “Aling Choleng” Medina, isang 67-anyos na residente na kinikilala sa baryo bilang pinagmulan ng tamis at kasikatan ng produktong ito.
ANG PROSESO NG PAGLULUTO
Simple man sa paningin ang Carmelado, pero ang proseso nito ay sadyang metikuloso at nangangailangan ng tiyaga. Para kay Aling Choleng, ang tamang timpla ay 15 bote ng purong gatas ng kalabaw at isang kilong puting asukal. Ang gatas at asukal ay hinahalo ng 30 minuto hanggang sa tuluyang matunaw ang asukal bago ito ilagay sa kawa at simulan ang pagluluto.
Kagaya ng ibang tradisyonal na lutuing Filipino, ang Carmelado ay niluluto gamit ang kahoy na panggatong. Mahalaga ang patuloy na paghalo habang ito’y niluluto, lalo na kapag nagsisimula nang kumulo ang timpla. Ayon kay Aling Choleng, “Dapat mahaba ang hawakan ng sandok
at lasa.
MULA TIMPLA HANGGANG BALOT
Kapag handa na ang Carmelado at hindi na dumidikit sa kawa, ito ay ibinubuhos sa patag na ibabaw, pinapantay gamit ang rolling pin, at hinihiwa sa manipis na mga parihabang piraso. Ito’y binabalutan ng puting Japanese
pinagkukunan ng kabuhayan ng pamilya ni Aling Choleng ang paggawa ng Carmelado. Kasama ang kanyang asawa at siyam na anak, nagtutulungan silang magbalot at maglako ng kanilang produkto mula madaling araw hanggang umaga sa pantalan ng Masbate. Ito ay isang nakakapagod ngunit mahalagang gawain na nagtataguyod sa kanilang pamilya.
Sa paglipas ng panahon, ang kaalaman sa paggawa ng Carmelado ay naipasa na ni Aling Choleng sa kanyang mga anak, lalo na sa kanyang panganay na anak na si Susan na ngayon ang nagpapatakbo ng negosyo. Para kay Aling Choleng, ang paggawa ng Carmelado ay hindi lamang isang kabuhayan kundi isang pamana. “Maganda naman yung natuto sila para may kabuhayan kaming lahat,” ani niya.
PAMANA NG MATAMIS NA ALAALA Ang Carmelado ng Masbate ay hindi lamang isang simpleng matamis na pagkain; ito ay nagtataglay ng kwento ng bawat pamilyang gumagawa nito. Ang bawat kagat ay puno ng pagsusumikap, pag-ibig, at alaala ng mga henerasyong nagpakahirap upang panatilihing buhay ang tradisyong ito. Ngayon, sa bawat balot ng Carmelado, kasama ang matamis na lasa ang alaala at pagmamalaki ng bawat Masbatenyo na lumaki sa kabuhayan at kulturang dala nito.
Unang Science Fair ng MSA, Pinahusay ng LTE-SME Package
Nagsagawa ang Masbate Sports Academy ng kanilang kauna-unahang science fair, kung saan naranasan ng mga mag-aaral ang aktwal na laboratory scenario dahil sa dumating na mga kagamitan mula sa Department of Education (DepEd) na sakto sa takdang oras.
Ang science fair ay naging matagumpay sa tulong ng Learning and Teaching EquipmentScience and Mathematics Equipment (LTE-SME) program ng DepEd, na naglalayong magbigay ng kinakailangang kagamitan para sa pagtuturo ng agham at matematika sa mga pampublikong paaralan alinsunod sa K to 12 Curriculum. “Malaki ang pasasalamat namin sa DepEd sa mga kagamitang ipinagkaloob. Tiyak na mas magiging makabuluhan at kapana-panabik ang pag-aaral ng agham para sa aming mga estudyante,” pahayag ni Rochelle Ayque, ang science coordinator ng Masbate Sports Academy. Ayon kay Ayque, ang mga kagamitan ay magbibigay-daan para sa mas mahusay na karanasan ng mga mag-aaral sa larangan ng agham, lalo na’t ang hands-on learning ay mahalaga sa pag-unawa ng mga konsepto at teorya. Isa sa mga mag-aaral, si Kent James Andrade, ay nagsabing, “Napakasaya ng experience namin sa science fair. Excited kaming matuto pa gamit ang mga bagong kagamitan.” Sinang-ayunan ito ni Vanelyn Alarcon, isa pang mag-aaral, na nagsabing ang hands-on experiments ay nagpalawak ng kanilang kaalaman sa agham. Ang LTE-SME program ng DepEd ay nagbibigay ng science at mathematics equipment packages sa mga pampublikong paaralan at learning centers. Ilan sa mga proyekto nito ay ang pamamahagi ng 2,882 science at mathematics equipment packages sa 584 junior high schools para sa grades 7 hanggang 10 at iba pang kagamitan sa 686 pampublikong paaralan.
Teknolohiya Para sa Ligtas na Pagsagip sa Panahon ng Kalamidad
Ayon kay Alexandra Abella, managing director ng Metro Asia Marketing and Build Corp., ang foldable boat ay mas magaan, madaling dalhin, at mayroong external engine. “Ang kasalukuyang ginagamit na rubber boats ng karamihan sa mga LGU ay madaling mabutas lalo na sa baha, na nagiging sagabal sa operasyon ng pagsagip,” paliwanag niya. Ang bangkang ito ay naisasagawa on-site at mabilis na naihahatid ang mga nangangailangan mula sa delikadong lugar patungo sa ligtas na zone, gaya ng nagawa sa mga binabahang lugar sa Caloocan City. Samantala, ang weather-proof drone naman ay nilagyan ng kakayahang maghatid ng real-time na video at larawan upang masuri ang kalagayan sa disaster areas. Bukod dito, maaari itong magdala ng mga item hanggang 5 kilo, gaya ng tubig, flotation devices, at life vests, na napakalaking tulong sa operasyon. Ayon kay Denver Robles ng Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Office, ang drone ay nagbibigay ng mas mabilis na tugon sa mga biktima ng kalamidad. Higit sa 20 lungsod at bayan sa bansa ang gumagamit
Masbate, WHO Mpox Diagnostic Program
ng edukasyon sa bansa.
REYNALDO DESTURA
Nagsagawa ng isang mahahalagang preparatory meeting ang Digital Democracy team ng LGU-Masbate City noong Setyembre 2024, kung saan nagtulong-tulong ang mga tauhan mula sa CPDO, City Assessor’s Office, BPLO, CEEMO, at City Information Office sa pangunguna ni Hon. Ruby “Bing” Sanchez Morano. Ang pagpupulong na ito ay bahagi ng paghahanda para sa Digital Democracy Awards 2024, na sinusuportahan
gamit ang Information Communication Technology (ICT). Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, pinapalakas ng LGU-Masbate City ang kanilang kapasidad na makipag-ugnayan sa kanilang mga
hakbang patungo
sa mas participatory na pamahalaan. Sa tulong ng teknolohiya, nagiging mas accessible ang ating mga serbisyo at mas nagiging aktibo ang ating mga mamamayan sa mga proseso ng gobyerno.” Ang hakbang na ito ay hindi lamang nagpapakita ng dedikasyon ng Masbate City sa makabagong pamamahala, kundi pati na rin sa pagkilala sa halaga ng pakikilahok ng mga mamamayan. Sa pagasam na makamit ang Digital Democracy Awards, umaasa ang LGU na maging inspirasyon ang kanilang modelo sa ibang bayan at lungsod sa bansa.
Pamahalaang Lungsod ng Masbate ay mag-i-install ng mga traffic lights sa mga pangunahing lokasyon sa lungsod upang mapabuti ang daloy ng trapiko at kaligtasan ng publiko.
Ayon sa ulat mula sa International Union for Conservation of Nature (IUCN), halos kalahati ng lahat ng tropikal na uri ng korales ay nanganganib ng pagkalipol, bunsod ng tumataas na temperatura ng karagatan at iba pang mga stressor sa kapaligiran. Ang Papel ng Masbate sa Pagprotekta sa Karagatan Ang mga coral reef sa Masbate, na matatagpuan sa kahabaan ng Visayan Sea, ay nagbibigay ng tirahan sa libolibong uri ng isda at iba pang yamang-dagat. Bukod dito, malaking bahagi ng kabuhayan ng mga Masbatenyo ang nakasalalay
MASBATE SPORTS ACADEMY kinilala ng DepEd Region V
Pinarangalan ang Masbate Sports Academy (MSA) ng Plaque of Recognition mula sa Department of Education (DepEd) Region V dahil sa kanilang natatanging pagganap sa 2024 Palarong Pambansa. Ang pagkilalang ito ay bunga ng dedikasyon, kasipagan, at kahusayan ng mga atleta, coach, at tagapangasiwa ng paaralan.
Ang MSA ay nakapag-uwi ng dalawang Ipinahayag din ng Regional Director pag-abot ng kanilang mga pangarap sa
Polusyon at Agricultural Runoff
Ang
Mga Sakit ng Korales
Ang mga karamdaman sa korales, na dulot ng polusyon at pag-init ng tubig, ay nagpapabilis ng pagkamatay
Tagumpay sa Gitna ng Alitan
Ang tagumpay ni Carlos Yulo bilang double gold medalist sa Paris Olympics ay dapat sana’y maging pagkakataon ng masiglang pagdiriwang para sa sambayanang Pilipino. Bilang pangalawang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa Olympics, ang kanyang tagumpay ay dapat magbigayinspirasyon at pagmamalaki sa mga Pilipino sa buong mundo. Gayunpaman, ang kagalakang ito ay nababalutan ng isang napaka-public na alitan sa kanyang pamilya, na umagaw ng atensyon ng media mula sa kanyang makasaysayang mga tagumpay.
Ang hidwaan ay nakatuon sa relasyon ni Yulo sa kanyang ina, si Angelica Poquiz-Yulo, na sinisilip dahil sa kanyang pamamahala sa pera ng anak at ang kanyang hindi pagsang-ayon sa girlfriend nito. Ang kanyang mga pahayag sa radyo at sa social media ay nagdulot ng mga tawag para sa media na magpigil at ibalik ang atensyon sa mga athletic accomplishments ni Yulo. Sa kabila ng mga negatibong balita, patuloy na tumataas ang katanyagan ni Yulo. Siya ay makakatanggap ng malaking bonus mula sa gobyerno at iba pang mga corporate sponsorship.
Ngunit nakakabahala na ang isang mahalagang sandali sa kasaysayan ng palakasan ng Pilipinas ay nalulumbayan ng mga personal na hidwaan. Ang mga isyu ng pamilya Yulo ay hindi lamang nagdudulot ng distraksyon kundi nagiging dahilan din upang muling pag-usapan ang mga hamon na kinakaharap ng mga Pilipinong atleta, lalo na ang kakulangan ng suporta mula sa estado. Ayon kay Propesor Danilo Arao, dapat nating ituon ang atensyon sa tagumpay ni Yulo at sa mga problemang dapat harapin ng mga atleta sa bansa, hindi sa mga personal na alitan.
Hamon sa Coral Reef
Masbate
KARANGALAN SA PALAKASAN, HINDI KARAHASAN
Hindi kailanman magiging tagumpay ang karahasan
ISP MONSTER THROW
Espenilla ginto sa ASEAN Javelin, Nagtala ng Bagong Personal, ASEAN Record sa Vietnam
BALITANG KINIPIL
Branzuela, ginto sa U18 Discuss throw
Binulsa ni Prince Charlse Brazuela ang gintong medalya sa U18 Discuss Throw sa ICTSI Philippine Athletics Championship na ginanap sa Philsports oval,Pasig city, Mayo 10.
Muling pinatunayan ni Branzuela ang kanyang kahusayan sa larangan ng Throw. Matapos na bumato ng kanyang bagong personal best na 39.89 metro upang makuha ang gintong medalya sa kategoryang U18 Discuss Throw.
Sa bawat pag-ikot at paghagis ng discuss tila ipinakita ni Branzuela ang kanyang pangarap na maging parte ng ating pambasang koponan sa athletics.
Ang kanyang tagumpay ay hindi lamang isang marka ng kanyang dedikasyon at pagsusumikap kundi pati narin ang kanyang pag-angat sa pambasang antas ng Discuss Throwing.
Long distance Rapsing, pinakain ng alikabok ang mga katunggali sa 1500m run
Namayagpag si Clyde Dexter Rapsing matapos niyang dominahin ang 800m U18 Category sa 2024 Masbate Athletics Festival na iginanap sa Masbate Sports Academy noong ika-21 ng Hulyo 2024.
Sa kanyang nakakamanghang takbo, nagawa ni Rapsing na maabot ang finish line sa oras na 1.24.67 na hindi lamang
selyuhan ni Rapsing ang pagkapanalo
“Ang aking tagumpay ay nagbigay diin sa kasipagan at pagsasanay na pinagdaraanan ko,” ani Rapsing. Samantala, nagtagumpay
sa kanyang tanso na medalya.
Sa kanyang ikalawang pagtira, binitawan ng 16-anyos na thrower ang isang 52.07 metrong “monster” throw na hindi lang tumalo sa kanyang personal record kundi bumasag rin ng ASEAN Rekord sa larong Javelin sa kanyang edad. Ang malakas na tirang ito ang pinakamalaki sa ASEAN sa kategorya niya sa nakalipas na dalawang taon at naglagay kay Espenilla sa No. 1 sa all-time list ng javelin throw sa edad niya.
Hindi nakapagtakang natulala ang mga katunggali niya habang umuusad ang kompetisyon.
“Ako ay umaasa at nagtiwala na makakamit ko ito,” ani Espenilla. “Bagamat umaasa akong mas mahaba pa ang tira, masaya na ako sa 52.07 metro dahil ito ang nagbigay sa akin ng gintong medalya. Patuloy akong magsasanay upang maabot ang 60 metro.”
Sa tagumpay na ito, nakuha ni Espenilla ang ikalawang gintong medalya ng kanyang paaralan sa ASEAN School Games, pati na rin ang ikalawang medalya sa larangan ng athletics. Ayon sa kanya, hindi siya nagulat sa kanyang naging performance sa Vietnam.
“Matagal kong pinaghandaan ito at pangarap ko ito mula pa noong nakita kong manalo si Keshorn Walcott ng ginto noong 2012,” aniya. “Mula noon, ipinangako kong gagawin ko ang lahat upang makakuha ng medalya sa ASEAN.” Mula sa isang simpleng pamilya sa Masbate at bunsong anak sa walong magkakapatid, unang sumikat si Espenilla sa track bilang isang sprinter. Ngunit iminungkahi ng kanyang ama na gamitin ang kanyang malakas na braso para sa mas makapangyarihang larangan, kaya’t itinuro siya patungo sa Masbate Sports Academy kung saan natuklasan ang kanyang pambihirang
Sa pamamagitan ng makasaysayang pagtalon ng distansya, tinalo ni Courtney Jewel M. Trangia ng Masbate Sports Academy ang iba pang kalahok sa Women’s Discus Throw (U18) sa Batang Pinoy 2024. Sa score na 38.30 metro, sinira niya ang dating meet record sa kompetisyong ginanap sa Batang Pinoy field noong alas6:30 ng umaga.
Humakot ng mga gintong medalya ang pambansang koponan ng Pilipinas sa katatapos na 2024 Indonesia U18 Athletics Open na ginanap sa Yogyakarta, Indonesia, kung saan itinanghal sila bilang overall champion ng kompetisyon. Isa sa mga tampok na tagumpay ay ang pagkapanalo nina Ana Bhianca Espenilla at Courtney Jewel Trangia, parehong produkto ng Masbate Sports Academy (MSA), na nag-uwi ng ginto sa kanikanilang larangan: si Espenilla sa javelin throw at si Trangia sa discus throw.
Bukod sa kanila, nagningning rin ang iba pang mga miyembro ng pambansang koponan, kabilang si Jericho Cadag na nagtamo ng tatlong gintong medalya sa men’s 1,500 meters run, 2,000 meters steeplechase, at 5,000 meters, kung saan nagtala siya ng personal best na 16:3.42. Hindi rin nagpahuli si Lorraine Vitalia, na nagbulsa ng tatlong ginto sa girls’ 800 meters, 400 meters hurdles, at 400 meters flat event na may oras na 57.31 seconds. Sa boys’ 400 meters run naman, nagningning si John Clinton Bitong sa oras na 48.51 seconds, habang nakamit
ni Pi Sing Long ang ikalawang puwesto sa parehong event sa kanyang personal best na 49.36 seconds. Ang Pilipinas ay nagwagi ng kabuuang siyam na gintong medalya, isang pilak, at isang tanso, na nagbigay-daan upang masungkit ang korona bilang overall champion. Lubos namang ipinagmamalaki ng Philippine Sports Commission ang husay ng mga atletang Pilipino na muling nagtaas ng bandera ng bansa sa isang internasyonal na kompetisyon.
Ramirez Sumundo ng Ginto makaraan ang dalawang taong pagkabigo sa 110m hurdles
Sa pamamagitan ng mabilis na 15.24 segundo, pinangunahan ni Alexander A. Ramirez ng Masbate Sports Academy ang U16 Boys 110m hurdles sa Batang Pinoy 2024. Tinalo niya si Patrick Ivan B. Gubatan ng Calamba City (15.54 segundo) at si Adrian Paul N. Ynion ng Davao del Norte (15.73 segundo) sa karerang ginanap sa Puerto Princesa, Palawan nitong Linggo.
Naging dikit ang laban sa unang bahagi ng kompetisyon, ngunit pinatunayan ni Ramirez ang kanyang husay sa huling bahagi ng karera. Sa tamang pacing at malinis na pagtalon sa mga hurdles, hindi siya napigil at tuluyang nanguna sa huling stretch ng race. Matapos ang dalawang taon ng pagsubok, naabot niya ang gintong medalya na kanyang inaasam-asam. Ang huling bahagi ng laban ang nagbigay ng tagumpay kay Ramirez. Sa huling tatlong hurdles, nagawa niyang magpakita ng bilis at precision, bagay na naging susi upang makuha ang gintong medalya.
“Hindi naging madali ang dalawang taon ng pagkatalo, pero alam kong kailangan ko lang magpatuloy. Ang inspirasyon ko ay si John Cabang Tolentino, ang aking idol, na nagpakita kung ano ang kayang abutin sa larangan ng athletics.” Ani Ramirez.
“Si Alex ay nagpakita ng pambihirang dedikasyon. Ang kanyang determinasyon at disiplina sa pag-eensayo ang nagdala sa kanya sa tagumpay na ito. Isa siyang huwarang atleta.” Ayon sa kanyang coach na si John Rey Mendoza. Nagtala si Ramirez ng 15.24 segundo, mas mabilis ng 0.30 segundo kaysa kay Gubatan at 0.49 segundo kaysa
kay Ynion. Pinuri rin ang pagganap ng kanyang mga nakatunggali, lalo na si Gubatan na nagawang manatiling malapit sa unahan hanggang sa huling bahagi ng laban. Hindi naging madali ang paglalakbay ni Ramirez sa tagumpay. Sa nakaraang dalawang taon ng Batang Pinoy, hindi niya nakuha ang inaasam na medalya, ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa. Sa tulong ng kanyang