Skip to main content

Ang Aghamanon Tomo XX, Bilang 1

Page 1

ang

Aghamanon

Opisyal na pahayagan ng Rizal National Science High School Dibisyon ng Rizal, Region IV-A CALABARZON Tomo XX, Bilang 1 Oktubre 2024 - Enero 2025

Panulat ang mabisang sandata.

OPINYON

LATHALAIN

AGTEK

ISPORTS

Dibuho ni

EMMANCELAJES

HERBERTPAN

BANGTRAPIk-O

ANNVARIAS

Pagkahuli sa klase, isinisisi sa palpak na Pantok road repair sched

N

ananawagan ngayon ang ilang Riscian commuters na isaayos ang scheduling ng construction sa Manila East Road sa Brgy. Pantok, Binangonan, Rizal kung saan nakakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko ang karamihan sa mga estudyante, sanhi ng pagka-late ng karamihan. Ayon sa inilunsad na sarbey ng Ang Aghamanon, 72% ng mga mag-aaral ang aminadong nakararanas sila ng mabigat na daloy ng trapiko kung saan higit kalahati sa mga ito ang nagsasabing kinakailangan ng maayos na scheduling ng pagsasagawa ng construction upang maiwasan ang pagbagal ng mga sasakyan sa naturang daan. “Nararapat lamang na ang road constructions ay isagawa tuwing bakasyon

kung saan walang pasok ang karamihan ng mga paaralan, upang hindi ito masyadong makaabala,” mungkahi ng isang mag-aaral. Matatandaang sinimulang kumpunihin ang gilid na bahagi ng kalsada na naging dahilan ng pagsikip ng nag-iisang daanan ng mga sasakyan na sumabay pa sa kasagsagan ng rush hour na lalong nagpalala ng bigat ng daloy trapiko. Kaugnay rito, itinuturing ang Pantok o Manila East road bilang pangunahing lansangan sa kahabaan ng Binangonan highway na dinadaanan ng mga iskolar na komyuter mula sa mga bayan ng Angono, Taytay, at Cainta— ang pinanggalingan ng higit kalahati ng mga RiScians. Dahil dito, nanindigan ang mga student commuters na mahalagang magpatupad ng

maayos na pagpaplano sa magiging time frame ng repair nang hindi ito sumabay sa panahon kung saan pangkaraniwang napupuno ang mga lansangan ng mga sasakyan gayundin upang mas mapabilis ang pagsasagawa nito. “Sana’y mas mapabilis ang paggawa ng mga kalsada upang hindi na ito makadagdag pa sa trapiko… Marami na ring sasakyan ang dumadaan sa Pantok kung kaya nadadagdagan na din ang trapiko,” saad pa ng isa. Sa kabilang banda, kasalukuyang nagpapatuloy ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa naturang lansangan kung kaya’t pinapayuhan ang lahat na magsagawa ng mga kinakailangang aksyon upang maiwasan ang mga negatibong dulot ng trapiko partikular na ang pagkahuli sa pagpasok sa paaralan.

MARIELLEGALLEGO

DepEd: SHS subjects babawasan; Work immersion tututukan

I

tinakda ng Department of Education (DepEd) na bawasan ang core subjects ng Senior High School (SHS) sa lima hanggang anim mula sa kasalukuyang 15 core subjects upang tutukan ang work immersion o onthe-job training, para umano maging mas “employable” ang mga ito sa hinaharap. Sa nagdaang 2024 Regional Conference on Educational Planning in Asia-Pacific, ipinahayag ni DepEd Secretary Sonny Angara na prayoridad ng kagawaran na repasuhin ang kurikulum ng SHS, matapos ang implementasyon ng bagong K-10 curriculum. “If we reduce the subjects of our SHS curriculum…senior high school graduates will become more employable even if they lack work experience,” ani Angara sa kanyang talumpati. Dagdag niya, matagal na ring iginigiit ng mga eksperto mula sa ibang bansa na masyadong mabigat ang basic education curriculum sa Pilipinas. “The meeting, which included consultants from the Asian Development Bank (ADB), aimed to provide recommendations on the

new structure of the SHS curriculum as well as on the content of English, Science, and Math standards and curriculum guides,” ani DepEd. Sa tulong ng Asian Development Bank (ADB), pinaplano ng kagawaran na simulan ang implementasyon ng kurikulum sa taong pampanuruan 2025 - 2026. Kaugnay nito, sinang-ayunan ng ilang mga mag-aaral mula sa Grade 12 ang pagbabago ng kurikulum sa kadahilanang ‘mas nakakadagdag lang sa stress’ ng estudyante ang pagkakaroon ng maraming asignatura. “80 hours yung work immersion namin tapos may research pa, so mas makakatulong talaga if less yung subjects and mas makakapag-enjoy pa kayo d’on [work immersion],” sambit ni Keane Aaron Balbuena, Grade 12 na mag-aaral ng Rizal National Science High School. Una nang tinanggal ng DepEd ang Mother Tongue at ‘humanities’ mula Kinder hanggang Grade 10 upang mas bigyang-diin ang iba’t ibang foundational skills ng kabataan gaya na lamang ng literacy, numeracy, at socio-emotional skills.

MATATAG, Isinulong na sa Rizal S

inimulan na ang implementasyon ng MATATAG Curriculum sa Rizal National Science High School (RNSHS) ngayong taong panuruan, kasabay ng paghahandang isinasagawa ng mga guro at mag-aaral upang makasabay sa pagbabagong dulot nito. Ibinahagi ni Gng. Ira Bendaña, guro sa ikapitong baitang ng RNSHS, ang kasalukuyang estado ng mga mag-aaral at guro pagkatapos itong maimplementa sa kanilang paaralan habang ipinapakita ang magandang dulot nito sa sistema ngayong taon. “Kung ikukumpara ang MATATAG sa K-12, tinatayang 90% ng mga mag-aaral ang mas mabilis na natututo dahil sa mas pinasimpleng paraan ng pagtuturo,” ani Ira Bendaña sa isang panayam kasama ang pahayagan. Sa kabilang banda, inilahad niya ring nangangailangang mag-aral muli ng mga kaguruan sapagkat may iba pa ring paksa sa K-12 na hindi nawala. “Siguro for a change kasi yung K-12… nakita nila na hindi rin nagkaroon ng improvement, parang naging stagnant din, kaya siguro nakaisip sila na palitan yung K-12 Curriculum,” dagdag niya. Isinaad naman ni Dr. Lyndel David, punong-guro ng RNSHS, na nagkaroon ng 5-day training nitong Hulyo ang mga kaguruan bilang paghahanda bago ipatupad ang nasabing kurikulum. “Syempre hindi naman tumitigil ang mga edukador na matatas sa atin— sa DepEd—na gumawa at mag-aral ng isang pinakamagandang pamamaraan kung saan ang layunin ay maibigay ang dekalidad na edukasyon sa mga magaaral,” pagtatapos niya.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Ang Aghamanon Tomo XX, Bilang 1 by Ang Aghamanon - Issuu