Ang Magsasaka_2024-2025

Page 1


OPINYON LATHALAIN

HINAGPIS NG MAGSASAKA

Mga magsasaka, umaapela para sa makatarungang presyo ng palay

Winona Aguilar, Emmy Jan Sari

TUNGHAYAN...

Mga magsasaka, aminadong lugi sila sa kanilang kabuhayan

Anak ng mga magsasaka, apektado sa pagkalugi

PCIC, namahagi ng indemnity checks sa mga magsasakang taga-Labason

Kailan kaya maririnig ang aming mga ulyaw?

MAGSAKA AY ‘DI BIRO.

Maghapong nakayuko ang isang magsasakang hindi inaalintana ang init ng panahon upang bantayan ang kanyang pananim na palay. Larawang kuha ni Kyan Carlo Basa

tambilang

3,369 registered farmers

Sa kanilang pahayag, mura lamang umano nilang binenta ang mga palay ngunit pagkarating nito sa komersyal pagkatapos gilingin, nagiging mas mahal ito.

Ayon sa ulat ng ilang samahan ng mga magsasaka, ang presyo ng palay sa farmgate ay bumaba na lamang sa halagang ₱13 hanggang ₱15 kada kilo sa ilang lugar, malayo sa ₱20 hanggang ₱25 na itinuturing nilang makatarungan upang masaklaw ang gastos sa produksyon, kabilang ang binhi, abono, pestisidyo, at

bayad sa paggawa.

2,256 registered fisherfolks

Source: Municipal Agricultural Office - Labason

Patuloy na nananawagan ang mga magsasaka sa gobyerno tungkol sa hindi patas na pagpepresyo ng mga palay.

“Naglisud mi uy kay naapektuhan gyud kaayo mi, maglisud mig pakaon sa among pamilya agi sa kamahal sa presyo paghuman ug galing” ani Carlito Laurencio, isang magsasaka mula sa Kipit, Labason, Zamboanga del Norte. Dagdag pa ng mga magsasaka, naaapektuhan sila ng murang imported na bigas, na nagdudulot ng mas mababang presyo sa lokal na palay.

LAMAT NG PAGKALUGI (PAG-AARAL NG MGA BATA)

Kalakip ng kanilang pagkalugi sa pagsasaka, napipinsala rin ang estado ng kani-kanilang mga pamilya, lalo na ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Sa pagtatala ng registrar ng paaralan, mahigit-kumulang 20 estudyante ang natigil sa pag-aaral, at sa pagtunton ng mga guro sa kanila, karamihan sa kanila ay anak ng mga magsasaka.

Ipagpatuloy sa... p.2

magsasaka

Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Kipit Agro Fishery High School REHIYON IX • DIBISYON NG ZAMBOANGA DEL NORTE TOMO XXV BLG. 1 • AGOSTO 2024 - DISYEMBRE 2025

THE LOSS OF MANGINGISDA

Industriyang pangingisda sa bayan ng Labason, napapahamak dulot ng sunod-sunod na pagbagyo

TUNGHAYAN...

MAPAIT NA PINAGKAIT p. 8 ANG NAKAKUBLING ANINO p. 9 > IBAYONG PAG-IINGAT. Sama-sama ang mga mamamayan sa pagbuhat ng bangka bilang paghahanda sa nalalapit na bagyo. Larawang kuha ni Roayda Narie.

ANG BINHI NG KAMALAYAN, ANG BUNGA NG PANININDIGAN

Mga mangingisda sa bayan, naantala ang mangingisda sa pananalasa ng kalamidad

Labi ng isang mangingisda sa Labason, natagpuan sa bayan ng Jose Dalman

matapos ang ilang araw na paghahanap

Patay na alagang isda ng aquaculture specialization, nagsilutangan sa fishpond

A pektado ang mga mangingisda sa Labason sa pagsalanta ng magkasunodsunod na bagyo sa bansa ngayong panahon ng tag-ulan. Simula noong sumalanta ang Bagyong Carina hanggang Bagyong Pepito sa bansa, naantala ang kanilang pangingisda sanhi ng mga naglalakihang alon, at malaki ang naging pinsala nito sa

Sa kakulangan sa supply ng isda at seafoods, mas lalong lumaki ang demand nito na kung saan nagdulot ito ng paglobo ng presyo sa palengke na siya namang inaarayan naman ng mga mamamayan.

“Mas pilion na lang namo mupalit ug processed foods ug karneng manok tungod sa kamahal sa presyo sa isda,” ani Cene Marie Handugan, mamamayan ng Labason. THE LOST MANGINGISDA Bagaman nanalasa ang kabilakabilang bagyo, marami pa ring nagbabasakaling mangingisda ang humamak sa masamang panahon na siyang tumangay sa buhay ni Bonifacio Lagumbay. Natagpuan ang labi ng 58 taong gulang na mangingisda at residente sa Labason, matapos mawala ng ilang araw sa bayan ng Jose Dalman, nitong ikasiyam ng Oktubre.

Ipagpatuloy sa... p.3

NAKAKAPANGAMBANG NUMERO

Bilang ng di-rehistradong botante sa mga mag-aaral ng KAFHS, pumalo sa

Nahaharap sa malaking hamon ang Kipit Agro-Fishery High School (KAFHS) pagdating sa pagpaparehistro ng mga botante sa kanilang mga magaaral na may edad 15 pataas.

BANYAGA AY KINIKILINGAN

KAFHSians , nanlalata sa wikang Filipino, kaiba sa resulta ng Ingles - Programang LETRA

Nanlulumo ang mga guro sa Filipino Department, matapos matuklasang mas angat ang kaalaman ng mga estudyante sa wikang Ingles kesa sa Filipino.

Batay sa obserbasyon, marami pa rin ang mahina pagdating sa asignaturang Filipino. Ngunit kabaliktaran ang resulta sa asignaturang ingles dahil mas marami ang naoobserbahang nakapasa at kakaunti lamang ang hindi. Makikitang sa 1,084 na estudyante, ay 242 lamang ang nakapasa o nasa 22%.

Sinasabing nakaimpluwensiya sa mga bata ang mga dayuhang palabas at hindi na nakapapanood ng Pilipinong palabas. Ayon pa kay Gng. Marrie

Mae Corrie,isang Filipino Reading Coordinator, “mas na expose man sila sa Foreign Language gud sugod atong nauso ang High School Musical ba.” Dagdag pa ng mga ibang guro, mas nakatuon na ang mga bata ngayon sa kanikanilang mga gadgets at hindi na nanonood ng TV o ng balita.

Aning Gng. Narie, “kulang jud sila sa pagiging makabayan. Gi-aydolays nila ang laing lugar. Ga focus sila sa selpon karun than sa TV,dili na

manglantaw ug balita.”

Kaugnay sa pangungulelat ng Pilipinas sa PISA, pinatupad ang programang LETRA o Language Enhancement Through Reading Assessment. Nakatuon na ang atensyon ng bawat estudyante sa kani-kanilang mga gadgets kesa sa TV at manood ng balita ayon pa sa mga guro.

infograpiks

source: Filipino Reading Coordinator

Inilahad ito sa isang kamakailang sarbey na isinagawa ‘Ang Magsasaka’ na nagpapakitang 236 sa 360 (65.56%) mag-aaral mula Grade 10 hanggang 12 ang hindi pa rehistrado bilang mga botante. Ayon sa resulta ng sarbey, 114 sa 117 (97.43%) mag-aaral ng Grade 10 ang hindi pa rehistrado.

Mga magsasaka, umaapela para sa makatarungang presyo ng palay

Winona Aguilar, Emmy Jan Sari

Ayon sa mga guro ng mga nagsitigil na estudyante nang nagsagawa sila ng pamamahay, nahihirapan ang pamilya na matustusan ang kanilang mga pag-aaral, lalo na sa mga bayarin sa paaralan pati na rin ang pabaon.

Dagdag pa nila, kalimitan sa mga estudyanteng ito ay napipilitan na lamang lumuwas sa

karatig-bayan at lalawigan upang makapaghanapbuhay.

KAGINHAWAAN SA WAKAS

Nananawagan sila sa National Food Authority (NFA) na itaas ang presyo at magbigay ng karagdagang suporta tulad ng subsidiya, pautang, at pagbibigay ng mga kagamitan sa pagsasaka. Namahagi rin ang ahensyang Philippine Crop Insurance

Bahagyang mas mababa ang bilang sa Grade 11, kung saan 106 sa 131 (80.92%) mag-aaral ang di-rehistrado.

Samantala, may pinakamataas na porsyento ng rehistrasyon ang Grade 12, na may 96 sa 112 mag-aaral na rehistrado, kung saan 16 sa mga ito (14.29%) ay di-rehistrado.

Kakulangan umano ng kaalaman tungkol sa proseso ng rehistrasyon at ang iskedyul nito ng pangunahing dahilan ng mababang bilang ng rehistradong botante.

Maraming mag-aaral ang hindi alam kung paano at kailan magparehistro, na nagresulta sa mababang bilang ng rehistradong botante.

“Wala man gud mi kabalo nagsugod na diay ang registration ug wa mi kabalo asa magparegister ug unsa ang mga requirements,” pahayag ni Jamielle Kate Basa, isa sa mga hindi rehistradong botante sa Grade 10.

9 sa 10 mag-aaral ng KAFHS, hindi kabisado ang mga titik ng pambansang awit

Siyamnapung bahagdan ang napagalaman na hindi proficient sa pagsulat ng tamang titik ng pambansang awit sa Pilipinas, “Lupang Hinirang”.

Ito ay batay sa lumabas na resulta ng isinagawang unannounced assessment ni G. Joey P. Sienes, coordinator ng MAPEH department noong Disyembre 9.

Lumabas na sa napiling 107 estudyante ng paaralan, 92 pa sa kanila ang hindi pa makasulat sa tamang lyrics ng Pambansang Awit nang tama at maayos.

Ayon kay G. Sienes madalas nagkakamali ang mga bata sa mga pangatnig na “ng” at “nang”. Itinuturing nilang dahilan ay kawalan ng mga bata sa pagpapahalagang tradisyon. Aniya pa “Dahil na rin sa malawakang paggamit ng teknolohiya kaya hindi nila ito napagtuunan ng pansin”.

Corporation (PCIC) ng mga indemnity checks sa mahigitkumulang 360 magsasakang taga-Labason, sa tulong ng koordinasyon ni Alkalde Jed Quimbo at ng Municipal Agricultural Office (MAO). Samantala, ayon sa Department of Agriculture (DA), gumagawa na rin sila ng hakbang para tulungan ang

Napuno ng tanong at pagdududa ang mga reading coordinators sa naging reading performance ng ilang SHS students na nahihirapan pa rin magbasa.

Sa programang LETRA, namataan na may isang estudyante sa G11 at isa sa G12 na hanggang word level lamang ang naikompleto. Habang lima naman sa G11 at dalawa sa G12 ang nakakompleto ng hanggang sentence level lamang, sa Kabila ng kaliwa’t kanan na reading interventions at programs na isinasakatuparan sa paaralan.

Isa si Novah Jane Avenido sa mga estudyanteng

hanggang word level lamang ang naipasa. Ipinagtaka ng maraming reading coordinators ang pagkakapasa ni Avenido sa SHS gayong nahihirapan pa rin siya sa pagbabasa.

Isang tanong kung bakit sila nakausad sa SHS nang hindi marunong magbasa.

- Dr. Arnold Dinglasa

Ayon kay Gng. Marie Mae Corie, isang reading coordinator sa asignaturang Filipino, “di lang ako ang accountable sa situation, but also the subject teachers or advisers for letting them promote to next year level with their underwhelming reading performance.”

Itinuturong dahilan ang nakulangan sa early literacy programs sa elementarya o ang pagkakaroon ng making populasyon sa isang klase kung kaya hindi

nabibigyang atensyon sila. Hindi natutukan ng mas maayos at mas maaga ang bawat performance ng mga estudyante sa pagbabasa. Kasalukuyang nag-iisip ng interventions ang mga reading coordinators. Kinonsider nila ang regular diagnostic assessment sa mga mambabasang ito. Inaasahang mag-iimprove ang reading performance ng bawat estudyante ng SHS na hanggang ngayon ay hirap pa rin sa pagbabasa.

mga magsasaka, kabilang ang pagpapabuti ng post-harvest facilities upang maiwasan ang pagkalugi.

Reading Coordinators, kinwestyon sa pagkakapasa ng

Shen Mae Gamutin
Emmy Jan Sari
Analiza Osman
Mula sa... p.1
Emmy Jan Sari
TARA BASA. Seryosong nagbabasa ang mamahayag na si Emmy Jan Sari bilang pagsasanay sa nararating na assessment Larawang kuha ni Roayda Narie.
BAWAT BATA BUMABASA. Taimtim na nagsasagot ang isang grade 7 student sa mga tanong matapos basahin ang inilaan ng reading coordinator. Larawang kuha ni Roayda Narie.

AGREE SA AGRI-FISHERY AGREE SA

Pagpapayaman ng Agri-Fishery Arts, Tech-Voc Education, pagtutuunang-pansin ng bagong administrasyon - Orog

Alinsunod sa pagsisimula ng bagong administrasyon ng Kipit Agro-Fishery High School (KAFHS), isusulong din ang pagpapabuti ng Agri-Fishery arts at Technical Vocational education sa bisyon na maging sentro ng Agri-Fishery excellence ang paaralan.

Sa isang one-on-one interview ng bagong luklok na school principal na si Dr. Urlando Orog, nagpahayag siya na simula noong naupo siya sa pwesto, napansin niya na tila napabayaan ang Tech-Voc sa nakaraang mga administrasyon.

Aniya, “Not blaming the past administrations, pero sa pagsugod nako diri last 6 months, akong nabantayan nga wala kaayo napagtuunang pansin ang atong Tech-Vocs.”

“Ang mga fishpond sa aquaculture kay wala kaayo’y isda, ang atong nursery para sa animal production kay dili na kaayo adequate para sa pagbuhi’g hayop ug daghan pa,” dagdag pa niya.

Idiniin niya rin na bagaman mahalaga na pagtuunang pansin ang academics ng mga

mag-aaral, marapat din daw na balanse ang pokus sa pagitan ng academics at non-academics.

“Walang mali kung mayroon kang pagpokusan na field, but for me, everything should be balanced,” saad ng principal.

Nagagalak din siyang ibahagi ng impormasyon na may nagdonate ng mga fingerlings sa paaralan at kasalukuyang binabago ang nursery ng animal production.

Ibinunyag din niya na nagsanibpwersa sila ni Asst. Principal Avelino Handuman upang untiunting pagbutihin pa ang lagay ng Agri-Fishery arts at Tech-Voc education sa paaralan.

Nilalayon ni Dr. Orog na mahubog nang husto ang kakayahang pangbokasyonal ng mga KAFHSians upang makapaghulma ng graduates na agad handa sa trabaho.

balitang kinipil

Dressmaking, Beauty Care specialization, pinagsama bilang tugon sa kakulangan ng estudyante

James Lloyd Pacatang

Bilang solusyon upang mapanatili ang mataas na bilang ng mga estudyante sa majors na Dressmaking at Beauty Care sa Kipit Agro Fishery High School, ang mga guro ay naisipang pag-isahin ang mga majors na ito.

Sa datos mula sa dressmaking advisers ng paaralan, kakaunti lamang ang nagpapakita ng interes sa beauty care. Kasalukuyan, tatlong estudyante mula sa ika-walong baitang lamang ang naitala na pumili ng major na ito. Kumpara sa dressmaking na may 13 sa grade 8, 13 sa grade 9, at 12 sa grade 10. Gayunpaman, nabanggit ng mga guro na bumababa rin ang interes sa beauty care majors sa grade 11.

Itinuturo nilang dahilan ang mataas na gastusin sa mga materyales at kagamitan. Sa kabila ng problemang ito, matiyaga ang mga guro sa pagsasagawa ng hakbang upang mabawasan ang pasanin ng mga estudyante, habang hindi bumababa ang kalidad ng edukasyon. Ang inisiyatibang ito ay patunay ng dedikasyon ng Kipit Agro Fishery High School sa pagbibigay ng mas makabuluhan at abot kayang edukasyon sa mga kabataan, hindi lang maipataas rin ang bilang ng mga estudyante sa majors na ito. infograpiks

Pagkuha ng NCII sa EIM majors, mabibinbin dahil sa kakulangan ng salapi

Ang mga pangarap ng mga

EIM majors, hindi dapat maantala dahil lang sa kakulangan ng pera.

Pahayag ng kapamilya, pumalaot ito noong ikatlo ng Oktubre kahit masama ang panahon at hindi pa nakakauwi matapos ng ilang araw.

Unang namataan ang bangkang ginamit sa baybayin ng dagat, gayunpaman hindi pa rin nakikita ang biktima kaya agad humingi sila ng tulong sa mga awtoridad.

KALIGTASAN ANG UNAHIN

Matapos ang insidente, mas pinaigting ng ibang mangingisda ang ibayong pag-iingat sa paglalaot.

Nahaharap sa hamong pinansyal ang mga Electrical Installation and Maintenance (EIM) majors ng Kipit AgroFishery High School, dahilan upang hindi nila makuha ang kanilang National Certification II (NCII) ngayong taon. Ayon sa ulat, umaabot sa PhP5000 ang kabuuang gastos sa pagkuha ng NCII. Hindi pa kasama rito ang mga karagdagang gastusin tulad ng pagkain, pamasahe, at pansamantalang matutuluyan, na siyang nagpapahirap sa mga magaaral na magpatuloy.

“Maraming EIM majors ngayon ang hindi makakuha ng kanilang NCII sapagkat kapos sila sa salapi. Ang iba naman ay walang motibasyong kumilos dahil wala itong kapalit na

grado, at ang ilan ay iniinda ang mahal ng gastos,” ayon kay G. Jose Bahian Jr., isang tagapayo ng EIM majors. Upang tugunan ang suliraning ito, iminungkahi ng dating punong-guro, G. Rezve M. Sael, ang pagtatayo ng assessment center sa loob ng paaralan. “Dapat maghanap ng solusyon tulad ng pagtatayo ng assessment center sa Kipit AgroFishery High School upang hindi na mahirapan ang mga bata at

mabawasan ang kanilang gastusin,” ani G. Sael.

Ang kakulangan sa pondo at pasilidad ay nagiging hadlang sa layunin ng paaralan na maging sentro ng agri-fishery excellence sa rehiyon. Sa kabila nito, kasalukuyang gumagawa ng hakbang ang administrasyon upang masolusyunan ang suliranin at matulungan ang mga EIM majors na makamit ang kanilang mga mithiin.

“Kailangan jud nako mag-ampo ug mag-amping pirme inig magpalawod para dili mahitabo sa akoa ang nahitabo kay Bonifacio,” ani ng isang mangingisda.

Naghatid naman ng paalala ang Municipal Disaster Risk Reduction Management and Council (MDRRMC) sa lahat ng mangingisda na iwasang lumusong at lumayag sa dagat sa tuwing may nanalasang bagyo.

PATI AQUACULTURE AY APEKTADO

Sa sunod-sunod na pagbagyo, nawalan rin ng buhay ang mga alagang isda sa fishpond ng aquaculture. Matatandaan na namahagi ang PICC ng tinatayang 2,000 fingerlings sa paaralan.

Sa kabila ng mga pagsisikap ng paaralan na alagaang maigi ang palaisdaan sa paaralan, sa tulong ng mga naunang donasyon ng fingerlings, hindi pa rin nakaligtas ang mga alagang isda sa hagupit ng sunod-sunod na bagyo.

Hindi lamang ito isang malaking dagok sa kabuhayan ng aquaculture kundi isang paalala na patuloy na hinahamon ng kalikasan ang ating kakayahan at kahandaan. Ngayon, higit kailanman, mahalagang pagtuunan ng pansin ang mas matibay na solusyon para sa ganitong uri ng sakuna.

James Lloyd Pacatang
Shen Mae Gamutin, Emmy Jan Sari
Mula sa... p.1
Laarne Salarda
KALIDAD ANG PRAYORIDAD. Maiging sinasagot ng Punong Guro Dr. Urlando S. Orog ang mga sagot na binabato sa kanya noong nakapanayam siya ng patnugutan Larawang kuha ni Mary Heart Dela Pena.
PAGHAHABI ANG HOBBY. Masayang itinatahi ni Sahara Laydan ang kanyang produkto Larawang kuha ni Gino Andrie Handugan
HANDA SA HANAPBUHAY. Masigasig na inaayos ng
mga EIM Majors ang junction box upang magkaroon ng sapat na daloy ng kuryente Larawang kuha ni Kyan Carlo Basa

Sa unang taon ng MATATAG kurikulum

Mga guro ng KAFHS, nahihirapan sa pagkalap ng learning materials; mas pabor sa dating kurikulum

Emmy Jan Sari

Ukol sa kamakailang Facebook rant

Mga estudyante, umaaray sa mga bayarin sa paaralan

Naghihinayang ang mga estudyante sa mga bayaring pampaaralan tulad ng lingguhang ambagan para sa class funds, activity fees, at marami pang iba.

Sa unang taon ng MATATAG Kurikulum, tila isang bagong kabanata ng kalbaryo ang binuksan—isang daang mabato, puno ng balakid at tanong, kung saan ang mga guro ay naglalakbay nang may kaba, dala ang kakarampot na gabay at materyales sa kanilang panibagong misyon.

Ayon sa kanila, inaasahan nilang mababawasan ang problemang ito ngunit sa halip ng mabawasan ay mas lalo pa umanong nadadagdagan.

KALBARYO SA PAGTUTURO

Maraming mga guro ang nagrereklamo sa gagawing pag-aadjust sa bagong kurikulum. Ang ilan pa sa kanila ay may mga reklamo ukol sa

materyales sa pagtuturo sa kadahilanang pahirapan ang paghahanap nito sa pamilihan sa kanikanilang lugar.

Ayon pa kay Gng. Roayda Narie, isang guro sa Kipit Agro-Fishery High School (KAFHS), “lisod jud sya pangitaon labi na bag-o pa ni gilaunch nga kurikulum. So, ang mga learning materials para ani kay wa pa jud napagawas sa public market. Kinahanglan jud i-search ug pangitaon online.”

infograpiks

Aniya, pahirapan umano ang paghahanap ng mga materyales para sa nasabing kurikulum at kinakailangan pang hanapin online.

PULSO NG MGA GURO

Kaugnay sa pag-usbong ng mga problemang ito, napagpasyahan ng patnugutan ng KAFHS na hingin ang pulso ng mga guro sa pamamagitan ng isang sarbey. Sa sarbey na isinagawa, lumalabas

KAFHS OUT,

na mas maraming mga guro ang hindi pabor sa bagong kurikulum na ito.

Sa 51 teaching staffs sa KAFHS, 38 ang mas ninanais ang dating kurikulum, na tinatayang 80% ng kabuuang bilang.

Ilan sa mga pahayag ng mga guro, “mas nice jud tong sa una nga kurikulum kay daghan mga teacher na nasanay ato nga way”, “maglisod na pud ming mga teachers, as well as mga students ug adjust ani nga kurikulum ba.”

Anila, hindi lamang mga guro kundi pati na rin mga estudyante ng eskwelahan ang mahihirapan sa pagaadjust sa naturang kurikulum.

JRMSU IN?

Pagbubukas ng mungkahing JRMSU campus sa KAFHS, sumambulat ng usap-usapang posibleng dissolution

Kalakip sa pagkakaroon ng extension campus ng Jose Rizal Memorial State University (JRMSU) sa Labason, nagbabadyang nahaharap sa dissolution ang Kipit Agro-Fishery High School (KAFHS).

Matatandaang simula pa noong taong 2019, nagpahayag na ng interes ang mga mamamayan na magkaroon ng JRMSU campus sa Labason, subalit nauudlot ito sa hindi malaman-lamang dahilan.

Makaraang taon, sa pagpupulong ng

administrasyon, isiniwalat na posible na raw ang pagsasakatuparan ng mungkahing kolehiyo sa bayan ng Labason, sa tulong ni 3rd District Congressman Adrian Amatong at kanila ring ibinunyag na interesado silang itayo ito sa KAFHS sa kadahilanang malawak ang espasyo nito.

Mula rito, nangangamba ang ilang guro sa posibilidad na kahihinatnan kung pagiisahin ang KAFHS at ng mungkahing JRMSU campus.

“Nababahala ako na kapag magkakaroon na ng extension

campus ang JRMSU dito sa KAFHS ay magkakaroon na rin ng entrance exams dito, at maaaring maging pahirap ito sa mga mamamayan na naghahanap ng libreng edukasyon, lalo na sa mga taga-New Salvacion at Gutalac,” ani ni Gng. Maricel Tomocon.

Sa ngayon, wala pang pahayag si Cong. Amatong ukol sa isyung ito. Kamakailan lamang, inapubrahan na ang pagpapatayo nito sa third reading ng kongreso, sa bisa ng House Bill No. 11247.

Bagong canteen ng KAFHS, binuksan; reaksyon ng mga estudyante, nahahati

Emmy Jan Sari

Ito ay banta sa ating pagkakilanlan.

Sa naging paglunsad ng bagong kurikulum, kasabay rin ang pag-usbong ng iba’t ibang reklamo, di lamang mula sa mga guro kundi pati na rin mula mga estudyante. Ngunit anila, tuloy pa rin ang pag-aaral at mag-aadjust na lamang sila para sundin ang kurikulum. balitang lathalain MAG-CANTEEN

- Shen Mae Gamutin, Punong Patnugot

Dulot nito, nagsilantaran ang iba’t ibang komento at reklamo mula sa mga mag-aaral na nahihirapang tumugon sa mga nasabing bayarin.

Idinaan ng ilang estudyante na tila hindi maibahagi ng harap-harapan ang saloobin sa mga guro ang pagrereklamo sa pamamagitan ng pagpo-post sa social media.

Ayon sa post ng isang estudyante mula sa Kipit Agro-Fishery High School (KAFHS) nitong ika-(petsa) ng (buwan) para sa kanilang punongguro sa Facebook, humihiling ito ng solusyon sa kadahilanang mahal umano ang mga bayarin.

“Mahal na kaayo ang mga bayrunon. Ikaw pud Principal, tabang pud ug huna-huna,” aniya sa Facebook.

Nagpatuloy pa ito sa pagbibigay ng ilang komento tungo sa kanilang punongguro at mga guro.

“Mr. Principal ug teachers, wala moy pulos! Huna-hunaa sab nga pobre kaayo mi,” dagdag nito.

Subalit, sa kabila ng mabisyong pahayag nito sa kanila, naiintindihan ng mga guro ang naging reaksyon nito.

“Stressed ra siguro ang bata maong nakaingon siyag ingon ato, pero dili sakto nga magpost diretso sa Facebook,” tugon ni Bb. Aivonne Hope Balais, ang Guidance Councilor ng KAFHS.

Maputik na daan, perwisyo sa mga KAFHSians; admin, nag-alok ng solusyon

Naghain ng solusyon ang tagapamahala ng KAFHS, patungkol sa maputik na daan ng naturang eskwelahan sa tuwing ito ay inuulan. Ito ay matapos magreklamo ang mga estudyante pati na rin ang mga guro dahil sa madulas at maputik na daan.

Sa kasalukuyan ay madalas inuulan ang eskwelahan kaya naman madalas maputik ang daanan nito na hindi naman ikinasiya ng mga mag-aaral at guro.

Sinasabing nag-alok ang pamahalaan ng makeshift road bilang solusyon sa problemang ito. At bilang tugon na rin sa panawagan ng eskwelahan na magkaroon ng mas maayos na daan.

Ayon pa sa kanila, “we already offered them a makeshift road para dili na mahugaw ang mga students as well as mga teachers when they go to their respective areas.” Aning isang staff ng pamahalaan.

Ngayon ay di parin nakukumpirma kung aprobado ba ang alok na ito ngunit isa lang ang sigaw ng mga estudyante at guro.

“Mayntag mabuhatan nanig maayu nga dalan uyy, sigi nalang tag kahugaw ani nya delikado pa jud ug maslide,” saad ni Keziah Tolentino.

Bisitahin ang FACEBOOK PAGE

Alinsunod sa paglulunsad ng Kipit Agro-Fishery High School (KAFHS) ng bagong canteen noong ika-8 ng Oktubre, mga estudyanteng malalayo ang mga silid, may mga reklamo ukol dito.

Ikinasiya ng maraming tindera at estudyante ang ginawang paglulunsad na ito, maliban sa mga estudyante na malayo ang silid-aralan mula rito.

Kinakailangan pa umano nilang maglakad ng ilang metro sa ilalim ng nanlilisik na tirik ng araw o di kaya’y sa isang napakamaputik na daraanan, pagkatapos ulanin ang eskwelahan bago pa makarating sa canteen. Pagkatapos, kinakailangan pa nilang maglakad muli upang makabalik sa kani-kanilang mga silid.

Maraming estudyante ang nagrereklamo sa pang-araw-araw na mala-kalbaryong gawaing ito.

Ayon sa isang estudyante mula sa STEM strand, “It’s not giving! 15 minutes ra ang recess, unya kinahanglan pa nato mupadulong sa canteen tapos mubalik na pud,” ani Tabamo.

Maraming estudyante rin ang hindi kinakaya ang init ng panahon at mabilis na napapagod, na nagreresulta sa pananatili na lamang sa loob ng kanilang mga silid. Bilang tugon, sa halip na pananghalian, ang iba’y kinakain na lamang ang kalahati ng kanilang mga baon upang maibsan ang gutom. Sa kabilang banda, ikinasiya

naman ng mga estudyante ang pagsasagawang ito sapagkat mas lumawak ang kanilang canteen. “Mas nindot ni uy, kay dili na kaayo ta magduot ug mamalit ta kay mas dako ug space,” komento ng isang estudyante mula sa junior high. Marami ring mga tindera ang nabigyan ng oportunidad para makapagbenta rito at hindi maitago ang sayang naidudulot nito. Isinagawa ang paglulunsad na ito para bigyang espasyo ang dating napakasikip na canteen at bigyang lugar ang iba pang mga tinderang

magbenta sa loob ng eskwelahan.

Winona Aguilar
Emmy Jan Sari
Emmy Jan Sari
nais
PURSIGIDONG GURO. Isang guro na nagtatawag ng estudyante upang lumahok sa klase
Larawang kuha ni Zhean Gerald Alzaga

Pagsugpo sa Silakbo ng BOBOtante

Magpahanggang ngayon, patuloy na napagsasamantalahan ng mga politiko ang utak ng mga botante, lalong lalo na ang mga botanteng mabilis malinlang, sa pamamagitan ng mga political propagandas tulad ng credit grabbing at historical revisionism. Dahil dito, sumibol, humayo at dumarami ang mga taong tinatawag nating “Bobotante”. Kung kaya naman, mahalaga ang papel nating mamamahayag sa pagsugpo nito sa pamamagitan ng paghatid ng impormasyong makatotohanan.

Kung babalikan natin ang mga nangyari sa nakaraang halalan, kung saan ang mga tao ay nagpadadala sa mga political propagandas. Katulad ng talamak na credit grabbing na naganap sa nakaraang eleksyon.

Kung saan ang ibang politiko ay inaangkin ang mga proyekto, batas, inisiyatiba na hindi sila ang gumawa o nagmungkahi para makuha ang boto ng masa. Gayundin sa malawakang historical revisionism na ginawa ng ibang politiko na sinasabing hindi totoo ang pagnanakaw na ginawa ng diktaduryang Marcos noon na pinaniwalaan

tambilang

68,618,667

botante sa Pilipinas (2024) mula sa Philippine News Agency

utak sa tinta

din naman ng iilan. Talagang nakakapanlulumo na makita na naman ang pagkabulag ng mga tao rito.

Gamitin natin ang nakaraan bilang instrumento sa pakikipaglaban sa mga political propagandas ngayon sa kasalukuyan. Ating labanan ang paglaganap fake news sa pamamagitan ng pag-fact check at simpleng pag-click upang i-report ang mga nagpapakalat ng mga propagandas. Hikayatin nating magbasa at makinig ang mga taumbayan sa mga mapagkakatiwalaang balita, hindi sa unreliable sources, upang

maging mulat tayo sa mga totoong nangyayari.

Kung sa hinaharap ay malagay man tayo sa panganib sa pamamahayag natin, hindi tayo magsisi sa paglaban sa talamak na political propagandas at pagtigil sa silakbo ng bobotante. Mananatili tayong mga mamamahayag ng pahayagang ‘Ang Magsasaka’ na “binhi ng kamalayan” at “bunga ng panindigan”.

2,298,930

botante sa Rehiyon 9 (2022) mula sa Commision of Elections

Bagong PILIpinas

Sa tuwing sasapit ang eleksyon sa ating bansa, madalas tayong maghalal ng mga lider na kalaunan ay pagsisisihan natin, at sa huli, tayo rin ang nagdurusa sa mga negatibong epekto ng ating pagboto. Ngayong papalapit na halalan dito sa bansa, panahon na upang simulan ang pagbabago sa matalinong pagboto.

Lantad na lantad ang mga masalimuot na kahihinatnan ng ating maling desisyon sa pagboto. Makikita natin ito sa sistema ng ating hukuman na pumapabor sa mga mayayaman, nalulugmok na sistema

ng ating edukasyon, disaster management na laging huli sa aksyon, ekonomiyang hindi ramdam ng masa, at pamahalaang nangingibabaw ang katiwalian. Nakalulungkot isipin na ang kanilang mga pangakong tila kaytamis ay nauuwi lamang sa kapaitan ng pagkabigo kapag sila ay nasa pwesto na. Maaaring nating isisi ito sa maling pamumuno, ngunit kung lubos nating iisipin, tayo rin mismo ang nagluklok nila sa kanilang pwesto dahil sa kawalan nating mga botante ng sapat na pagsusuri. Subalit, ang pagkakamaling ito ay

hindi nangangahulugang kailangan natin itong ulitin. Huwag nating hayaan na magkamali muli. Ang kinabukasan natin ay nakasalalay sa bawat balota. Sa pagkakataong ito, maging mapanuri tayo sa pagboto. Pumili tayo ng lider na makatao, marunong makinig, may integridad, transparency, at accountability, at walang bahid ng korapsyon o kadudadudang reputasyon. Huwag tayong magpabulag muli at palampasin na makaupo muli sa puwesto sa pamamagitan ng simpleng pagbudots sa patalastas, sa walang pakundanang

pluma at papel

Manalo’t Matalo, Dyorno Ako

Analiza Osman

Isa ang pamahayagan ng Kipit Agro Fishery High School, “Ang Magsasaka” na may mga sinasanay na mga batang dyorno sa iba’t ibang kategorya. Ngunit hindi talaga maiiwasang may mga kabataan na nawawalan na ng ganang magsulat dulot ng pagkawalan ng lakas ng loob upang sumabak ulit dahil sa takot na baka matalo ulit.

Kakarampot na lamang sa mga estudyante ngayon ang aktibo sa pahayang pang-kampus. Matatandaang minsan nang naging cover news ang kakulangan ng batang dyorno sa pahayagang ito. Umabot na lamang sa 12 ang natitirang bilang ng mga estudyante na aktibo sa pahayagang pangkampus.

Nakakabahalang isipin na baka sa pagdating ng panahon ay wala ng kabataang dyorno ang magpapatuloy sa pagsulat.

Hindi lamang basta paligsahan ang pahayagang pangkampus, para itong

credit grabbing ng mga di-umano’y nagawa nila, o sa mga gahamang may nakabinbing kaso. Sa huli, ang Bagong Pilipinas na ating inaasam ay hindi maibibigay sa atin ng sinuman. Tayo mismo ang gagawa nito. Bawat isa sa atin ay may kapangyarihang bumoto at kaya nitong baguhin ang takbo ng ating kinabukasan. Kaya ngayong paparating na halalan, umpisahan natin ang inaasam nating pagbabago sa mapanuring pagboto, sapagkat ang tunay na Bagong Pilipinas ay sa atin magsisimula.

isang pangako na kahit manalo man o matalo sa kategoryang sinalihan ay patuloy pa rin tayo sa paglaban. Isang parangal sa atin ang manalo sa kategoryang ating sinalihan, ngunit ang pagkatalo ay hindi katapusan ng ating istorya. Huwag tayong mawalan ng pag-asa at lakas ng loob. Mayroon talagang pagkakataon na hindi pabor sa atin ang mga pangyayari. May mga pagkakataong tayo ay manalo, mayroon ding pagkakataong tayo ay talo. Pero hindi ito rason para tayo ay sumuko. Para sa mga kabataang dyornong tulad ko, huwag tayong mawalan ng pag-asa kung sakaling tayo ay natalo sa mga kategoryang sinalihan natin. Hindi man natin nakamit ang pagkapanalong gusto nating sungkitin, mayroon pa namang ibang pagkakataon upang makamit ito. Tiwala lang, ating tandaan na manalo’t, matalo, tayo ay dyorno.

ang magsasaka

PATNUGUTAN

Punong Patnugot

SHANE MAE P. GAMUTIN

Kapatnugot

ANALIZA OSMAN

Balita

EMMY JAN C. SARI

LAARNE SALARDA

EUNICE AIKA ABUCAYON

MARY HEART DELA PEÑA

WINONA JHO AGUILAR

Editoryal at Kolum

SHANE MAE P. GAMUTIN

ANALIZA OSMAN

MARY HEART DELA PEÑA

Lathalain

SAHARA LAYDAN

RODELYN ERNANE

Agham at Teknolohiya

KEZIAH FAITH TOLENTINO

EMMY JAN C. SARI

Isports APPLE MAE C. LAURENCIO

ALSID EDIM

KRISTLYN JOY FAJARDO

Kontributor

GINO ANDRIE R. HANDUGAN

HEPZHIBAH YVONNE L. TABAMO

KYAN CARLO M. BASA

Debuhista JOREZEL DAGOOC

Litratista KYAN CARLO M. BASA

Sarbeyador

EMMY JAN C. SARI

Tagapag-anyo

EMMY JAN C. SARI

APPLE MAE C. LAURENCIO

Tagapayo ROAYDA K. NARIE

ALMERA CARIDO

Kasangguni

REINA RAE GARCIA

Punongguro

URLANDO B. OROG

Jorezel Dagooc

liham para sa patnugot

Mahal kong Patnugot,

Parati kong nakikita ang mga estudyanteng umaakyat sa bakod ng paaralan para magcutting classes. Nabalitaan kong sila mismo ang sumisira sa bakod sa pinakadulo ng paaralan. Nais ko itong mabigyang pansin para maitigil na ang pag cutting classes at pagsira ng bakod ng paaralan

Lubos na umaasa

Jaida B. Ismail

Minamahal naming kapwa mag-aaral, Huwag kayong mag-alaala, sapagkat hinahanapan na naming ng solusyon ang problemang ito. Pinapaigting namin ang batas na naghihigpit sa mga bata na magcutting classes at pagsira ng bakod sa paaralan.

Nagpapasalamat, Ang Magsasaka

para sa ating lahat

Hindi Kami Robot

May mga oras na puno ng saya, tawa, at sigla, ngunit may mga araw din na bigla na lang nawawalan ng gana. Kung minsan, ang simpleng stress ay nauuwi sa mas malalim na problema: burnout. Hindi ito karaniwang pagod lamang—ito’y mas matindi at mas malalim. Ang burnout ay may mga sintomas tulad ng hirap sa pagtulog, pagiging iritable, pagkawala ng interes sa dating hilig, at pakiramdam na pasan ang mundo. Sa kasalukuyan, marami ang nakararanas nito, lalo na ang mga estudyante. Patong-patong na gawain, pagpupuyat para sa takdang-aralin, at walang katapusang pagsusulit—hay, tunay na buhayestudyante. Katulad mo, ramdam ko rin ang pagod. Sino ba naman ang hindi mapapagod sa ganitong sistema?

“Pwede bang times-up muna, Ma’am at Sir?” Hindi naman sa pagiging reklamador, pero sana naman ay makita na estudyante kami, hindi teknolohiya. Oo, responsibilidad naming matuto, pero hindi ito nangangahulugang dapat kaming magmukhang multo dahil sa puyat at stress. Ngunit hindi lamang mga estudyante ang dapat mag-adjust. Mahalagang maunawaan ng mga guro, magulang, at ng buong sistema ng edukasyon na ang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa dami ng nakakamit na achievements sa maikling panahon. Ang pagiging produktibo ay hindi laging nangangahulugan ng pagiging abala. Minsan, ang mas makataong approach—tulad ng pagbibigay ng mas mahabang deadlines, pag-a-adjust ng workload, at pagtuturo ng self-care—ay mas epektibo at mas kapakipakinabang. Sa ganitong paraan, hindi lamang tayo nagkakaroon ng mas maraming oras upang matuto, kundi nabibigyan din ng pagkakataon ang bawat isa na maging mas malusog, sa pisikal man o sa mental. Gayunpaman, bilang mga estudyante, mahalaga rin ang tamang pag-manage ng oras at pagiging positibo. Iwasan ang procrastination at bigyan ng oras ang sarili upang magpahinga. Sa pamamagitan ng balanse at tamang diskarte, maiiwasan ang paglala ng burnout. Tandaan, hindi masama ang magpahinga—ito’y karapatan ng bawat isa.

DRESS

CODe-suspende!

Mary Heart Dela Pena

Ipinalabas na ang pinakabagong Civil Service Commission Memorandum Circular (MC) No. 16,s. 2024 na nagtatakda ng Revised Dress code of Government Officials and Employees tuwing unang lunes ng buwan isinusuot ang ASEANinspired attire at sa pangalawa at pangatlong lunes ng buwan ay Filipiniana-inspired attire. Nakakasagabal lamang ang pagsusuot nito lalong lalo na kapag sila ay gumagawa na ng trabaho.

Layong ipinapakita at ipinapabalik ng memorandum ang kultura ng bansa, ngunit ito ay hindi madali sapagkat ito abala lamang sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno. Kaya’t hinimok ng isang grupo ng mga guro sa pampublikong paaralan ang Civil Service Commission (CSC) na suspindihin ang pagpapatupad ng dress code.

Itinampok ng TDC ang ”natatanging” kondisyon sa pagtatrabaho sa mga pampublikong paaralan, kabilang ang masikip na silid-aralan, kakulangan ng tamang bentilasyon at ang mga pisikal na pangangailangan na kasama ng pagtuturo.

Sa isang liham para kay CSC chairperson Marilyn Barua-Yap, sinabi ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na ang pagbibihis ay maaring hindi komportable para sa mga manggagawa ng estado, kabilang ang mga guro. Para sa karamihan, hindi kaaya-aya ang pagsuot ng attire, sapagkat nakasanayan na nilang suotin ang pampublikong uniporme na nagrerepresenta sa kung anong trabaho ang meron sila.

”Habang kinikilala namin ang layunin na isulong ang pagkakakilanlan ng kultura at propesyonalismo, iginiit namin na ang partikular na mandatong ito ay nagdudulot ng mga hamon, lalo na para sa mga guro sa pampublikong paaralan,” sabi ni TDC national chairperson Benjo Basas. ”Ang mga guro ay hindi nakatigil. Karamihan sa atin ay patuloy na lumilipat mula sa isang silid-aralan patungo sa isa pa. Hindi tulad ng maraming mga tauhan ng opisina na gumaganap ng kanilang mga gawain sa mga opisinang nakaair condition, ang mga guro ay nagtitiis ng init, lalo na sa mga pinakamainit na buwan,” dagdag ni Basas.

Sa totoo lamang, napaka-inconvenient ng panukalang ito sa ating government

Pulso ng Project OSUL

Kristlyn Joy Fajardo

Ang pagsusuot ng uniporme ay may malaking ambag sa pagkakaisa at pagkakapantay-pantay sa loob ng paaralan. Isa din itong paraan upang madaling makilala at matukoy ang estudyante sa isang paaralan. Ngunit, paano kung iisang itsura lang ng uniporme ang suot ng mga estudyante?

Dagdag pasanin na naman ito sa mga guro, at iba pang mga gov’t employees.

Sa DepEd Order Nos. 45,s. 2008, and 65,s. 2010, kung saan idineklara na ang pagsusuot ng school uniform ay hindi na rekomendado sa mga pampublikong paaralan, dahil dito iminungkahi ng Schools Division of Zamboanga Del Norte ang Project OSUL ( One School Uniform Per Learner ) kung saan ang mga mag-aaral na nag-aaral sa pampublikong paaralan mula elementarya hanggang secondarya sa Zamboanga Del Norte ay magsusuot ng iisang itsura ng uniporme. Ito ay isinagawa upang isulong ang pagkakaisa at pagkakapantay-pantay ng mga estudyante. Isa din sa kadahilanan ay upang mas makatipid ang mga magulang dahil hindi na kailangang palitan ang kanilang uniporme pagdating ng high school kung kasya pa ito at hindi pa sira.

Boses ng KAFHSians

employees, lalo na sa ating mga guro. Hindi lang dahil hindi sila komportableng suutin ito dahil sa init ng panahon, kundi mahal din ito kung bibilhin.

Kaugnay sa Project OLSU, kinuha namin ang pulso ng mga KAFHSians halaw sa 250 mag-aaral, kung sang-ayon ba sila o hindi sa proyektong ito? Sang-ayon Hindi Sang-ayon 21.2% 78.8%

Sa pagpapatupad ng dress code, marami ang hindi isanaalang-alang na kondisyon ng mga government employees. Mahirap ang trabaho ng nasa gobyerno lalong lalo sa mga guro sa pampublikong paaralan. Maaring ang memorandum na naipatupad ay nakadepende sa gaano ka hirap ang trabaho. Isipin ang sitwasyon ng karamihan sapagkat magkakaiba ang pinagdadaanan ng mga empleyado sa gobyerno.

Ayon sa iilang mga magulang, maganda naman daw ang bagong uniporme dahil malaking tipid ito sa kanila dahil magagamit pa ang mga uniporme kung ang kanilang mga anak ay mag-aaral na sa high school, dahil magagamit pa nito ang kanilang pinaglumaang uniporme. Pero mas maganda parin daw kung iba-iba ang uniporme ng estudyante. Dagdag pa dito, mas maganda daw kung iba ang uniporme ng bawat paaralan dahil mas madali na matukoy kung saang paaralan nag-aaral ang isang bata. Kung ang bawat paaralan ay may iba’t ibang suot na uniporme madaling makikila kung saang paaralan nag-aaral ang isang bata. Mas magiging ligtas din ang mga mag-aaral sa loob ng paaralan dahil madaling matutukoy ng paaralan kung may mga tagalabas na nakapasok sa paaralan. Sa kabila nito, maganda din ang bagong proyekto na ito dahil ito ay nagsusulong ng pagkakaisa ng mga paaralan at kabataan sa iba’t ibang lugar sa Zamboanga del Norte. Sa pamamagitan din dito napaparamdam at naipapakita sa mga kabataan ang pagkakapantay ng bawat isa. Hindi din nila kailangang ikumpara ang kanilang uniporme sa iba. Napoprotektahan din ang mga kabataan mula sa mga ibang mag-aaral na nang-aapi sa kanila sa kadahilanang naiiba at hindi gaanong maganda ang unipormeng suot nila. Mayroon mang mga positibo at negatibong dulot ito, ang mas mahalaga ay napoprotektahan at napaparamdam sa mga kabataan ang pagkakaisa at napapabilang sila at hindi naiiba. Magtulungan tayong isulong ang ligtas na kapaligiran para sa ating mga batang mag-aaral.

ni Sahara Laydan

para sa ating mga academic achiever

Bida ang Bida-Bida

Maayos ba ang performance mo sa paaralan o sa trabaho? Baka naman Ikaw ay “pabida, sipsip, papansin o di kaya’y nagmamagaling.” Ganyan na ganyan ang pag-iisip ng ibang tao. Kung sino pa ang nagsisipag na maabot lang ang pangarap ay siya pang dahan-dahang hinihila pababa. Hindi dapat husgahan ang isang tao dahil lang sa pagiging pursigido nito. Ito ang mali sa mga Pilipino, galit sa matatalino, maabilidad, magaling at marurunong. Hindi na bago ito sa ating mga kaklase o co-workers. Sabi nga ni Confucius, isang Chinese Philosopher, “Don’t do unto others what you don’t want others to do unto you”. Palaging naririnig ang kasabihang ito, ngunit hindi parin tinatanim sa isipan. Sa bawat galaw at magandang nagawa ay may masaang opinyon talaga ang iba sa buhay ng isang tao. Magpabida naman kayo, hindi ang maghusga sa kapwa. Bilang mag-aaral ay naranasan ko na rin ang masabihan ng bida-bida. Tuwing may proyektong pinapagawa ang aming guro ay talagang binibigayan ko ito ng ‘efforts’ upang maayos at pulido ang pagkakagawa ko. Tuwing nagsusulat naman ako kahit malayo pa ang deadline ay sinasabihan na naman ng pabida. Nakakapagtaka talaga ang pag-uugali nang tao. Imbis na pagbutihan mo pa, ay nawawala nalang ang kumpyansa mo sa sarili dahil sa mga masamang salita ng kanilang binibitawan. Kapag tumutulong sa guro, pabida. Palaging malaki ang iskor sa mga quizzes at palaging nagtataas ng kamay, nagmamagaling. Nakikipag-usap sa titser, papansin. Nakakadismaya ang ganitong pag-uugali. Walang mali ang mga gawaing ito. Tungkulin nating lahat ang ayusin ang ating trabaho o di kaya’y galingan sa klase, sapagkat wala namang masama ang gawaing ito bagkus nakakatulong pa ito para maabot ang ating pangarap. Iba ang bida-bida sa taong nagsusumikap. Insulto man ang pagsabihan ka ng masasama, normal lang ang magpabida kung wala ka namang natatapakang ibang tao. Hindi mo kailangang magadjust, wala kang kailangang baguhin sa sarili mo. Ipakita kung sino ang totoong ikaw, sapagkat mabuti naman ang iyong intensyon. Hangad mo lang naman ay makatulong sa iba at sa iyong sarili. Imbes na may hindi magandang komento tayo sa buhay ng iba, mas mabuting gawin natin silang insperasyon para magsikap. Magpabida ka, dahil ikaw ang bida sa kwento ng iyong buhay.

integrasyon

talas ng isipan

Lamat ng Tagumpay

Ernane

Hindi makakaila na sa bawat pagtatapos ng klase maraming mga kabataan ang nakakakuha ng academic awards- mga kabataang sinasabing magagaling pagdating sa akademiko. Gayunpaman, sa likod ng bawat tagumpay pagdating sa larangan ng akademiko, kulelat ang ating bansa sa resulta ng Program for International Student Assessment (PISA) kung saan isa ang ating bansa sa may pinakamababang antas ng pagkatuto.

Iniisip ng karamihan na bakit kulelat ang Pilipinas sa resulta ng PISA kung sa bawat pagtatapos maraming mga kabataan ang nakakakuha ng mga akademikong parangal. Lingid sa kanilang kaalaman ang malaking pinagkaiba ng learning assessment sa loob ng paaralan kumpara sa international large-scale assessments. Sa kasalukuyang grading system ng DepEd, nakabatay ang mga karangalan na matatanggap ng mga kabataan sa kanilang general weighted average (GWA). Ang mga estudyanteng nagkaroon ng kabuuang grado ng 90 to 94 ay awtomatikong “with honors.” Samantalang ang may gradong 95 to 97, “with high honor” at kapag nakakuha ng gradong 98 to 100, “with highest honor.” Malaki ang pinagkaiba nito sa international large-scale assessments. Kaya hindi natin pwedeng ikumpara ang resulta ng classroom performances ng mga kabataan sa international large-scale assessments. Ang mababang antas ng mga kabataan sa pagkatuto ang naging pinakabagong hamon na kinakaharap ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Matapos ang pinakabagong PISA assessments kung saan sa nasabing assessment, mayroon lamang iskor na 355 sa matematika, 347 sa pagbabasa at 373 sa agham ang Pilipinas. Kasalukuyang nasa mababang pwesto ang Pilipinas kung saan sa 81 na bansang lumahok nasa ika-77 na pwesto ang Pilipinas. Kung saan ito ang nag-udyok sa mga dalubhasa na pag-aralan kung ano ang dahilan ng pangyayaring ito. Isa sa kanilang mga nakitang kadahilanan ay ang maramihang competencies na tinuturo sa mga bata. “ There’s so many competencies we have to teach. We cannot stick to this competency for a long time because there’s a time

tambilang

7 sa 10 mag-aaral ng KAFHS ang nakatatanggap ng academic excellence awards

Ngunit ba’t kulelat tayo sa PISA? Hindi ba epektibo ang kurikulum?

budget. It’s budgeted for one to two meetings, and there are several topics.” ani ni Teacher Clarita Sebuala sa isang interview. “Ang mga tinuturo sa mga bata on the average is 300 competencies, pero there are only 200 school days. Ibig sabihin isang competency per day, at subra subra pa. Para sa mga bata, mahirap ‘yon dahil i-aabsorb niya into process. “ Ani Sen. Sherwin Gatchalian. Ayon pa sa kanya, isa sa mga repormang ginagawa ng DepEd ngayon ay ang ayusin pa ‘yong curriculum natin para mas maganda ‘yong pagtuturo sa bata at ‘yong bata mas maganda ang kaniyang pag-aaral. “ On going concern ‘to, ibig sabihin ang pag-implement natin ng mga reporma . I-tetest ‘yong reporma at i-aassist kung effective ‘yong reporma. Total meron tayong National Achievement Test every year, kung itong mga reporma na ito ay effective makikita natin tataas ‘yong reporma kung ‘yong National Achievement Test natin sa Grade 6 to Grade 10 umaakyat.” Dagdag pa niya. Sa likod ng mababang rangko ng Pilipinas sa PISA, masasabing kaya pang tumaas ang Pilipinas sa susunod na assessment kung tayong lahat ay magtutulungan upang ito ay makamit. Malaki ang papel na dapat gampanan ng gobyerno upang tumaas ang Pilipinas sa PISA. Isa sa mga dapat aksyunan ng pamahalaan ay ang kurikulum ng bansa. Halina’t tayoy kumilos at magtulungan. Hindi lang dapat ang mga nakakataas ang dapat na kumilos kundi pati na rin tayong mga mamamayan. Wala namang imposible kung tayong lahat ay magtutulungan upang makamit ang tagumpay na ito. Sa ating pagkakaisa at pagtutulungan, makakamit natin ang ating inaasam na tagumpay.

314,380,000

kabuuang bilang ng gumagamit ng AI sa buong daigdig

Ano ang iyong opinyon sa pag-integrate ng AI sa edukasyon?

Ibahagi ang iyong pananaw sa FB page ng ‘Ang Magsasaka’.

AI-dukasyon

Emmy Jan Sari

KOMENTO NG KAFHSIANS

Ukol sa usap-usapang dissolution ng KAFHS sa pagbubukas ng JRMSU ext.

Nakababahala ang usap-usapang ito. Bagaman maraming maibibigay na oportunidad ang pagbubukas ng extension rito. Masasawalang bahala ang pagpapatunog sa pangalan ng paaralan. Mahalagang isaalang-alang ang kasalukuyang kalagayan ng paaralan at bigyan pansin ang posibleng epekto nito sa mga estudyante at guro.

Nurhana Kilong, Grade 7

Ukol sa maputik na daan sa paaralan

Sa panahon ngayon na parating nararanasan ang ulan o kaya’y bagyo, hindi maiiwasan ang pagtagal ng putik sa lahat na daanan. Pagkadulas, pagkatumba ng motor, o pagkaputik ng sapatos ang ilan sa mga suliranin na kinakaharap ng mga estudyante pati narin ng mga guro. Nararapat na aksyon ng paaralan ang problemang ito.

Nadine Maravillas, Grade 12

Ukol sa reading performance ng mga estudyante

Nakapanlulumo na balisa pa rin sa pagbabasa ang ilang mga mag-aaral at nakapagdududa lalo na’t may mga word level at sentence level readers sa senior high. Maging strikto sana tayo sa reading assessment.

James Loyd Pacatang, Grade 9

Sa panahon ngayon, hindi na maikakaila ang malaking papel na ginagampanan ng artificial intelligence o Al sa ating lipunan. Mula sa mga simpleng aplikasyon sa ating mga cellphone, hanggang sa mga komplikadong sistema sa industriya, negosyo, at siyensiya, ang Al ay naging bahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay. Iniisip ng karamihan na ito ay isang masamang inobasyon na siyang magdudulot ng maraming hindi kaaya-ayang resulta sa pag-unlad ng bawat isa, ngunit kung tingnan natin ito sa positibong paraan, marami rin itong mga magagandang nadudulot sa ating lipunan. Sa isang survey na isinagawa ng patnugutan, lumabas na ang karamihan sa mga mag-aaral ay umaasa na sa Al para sa kanilang mga gawain at proyekto. Halimbawa, ang mga mag-aaral ay gumagamit ng mga online translator para sa kanilang mga asignaturang nasa ibang wika, on ing mga online summarizer para sa kanilang mga pagbabasa. Ang ilan naman ay gumagamit ng mga chatbot o virtual assistant para sa kanilang mga tanong o konsultasyon.

Ang mga guro naman ay may iba’t ibang pananaw tungkol sa paggamit ng Al. Ayon kay Gng. Gecela TamayoBayot, ang head teacher ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand ng KAFHS, ang Al ay isang makabagong teknolohiya na dapat

samantalahin ng mga mag-aaral upang mapalawak ang kanilang kaalaman at mapadali ang kanilang pag-aaral. Ngunit ayon naman kay G. Amell Andalop, isang guro sa English, ang Al ay nagiging dahilan ng pagbaba ng kalidad ng edukasyon at pagkawala ng orihinalidad at kritikal na pagiisip ng mga mag-aaral.

Ang DepEd ay ay dapat dapat magkaroon magkaroon ng isang malinaw at makabuluhang polisiya tungkol sa paggamit ng Al sa edukasyon. sapat na bawalan o limitahan lamang ang paggamit nito, dahil hindi naman ito mawawala o mababago pa. Sa halip, dapat itong i-ugnay o ikabit sa kurikulum, upang matuto ang mga mag-aaral kung paano ito gamitin nang wasto, ano ang mga

kalamangan at kahinaan nito, at ano ang mga etikal na isyu na kaakibat nito. Sa pamamagitan nito, hindi lamang natin mapapahusay ang kakayahan ng ating mga mag-aaral sa teknolohiya, kundi mapapalakas din natin ang pagpapahalaga sa edukasyon bilang isang proseso ng pagkatuto at pag-unlad, hindi lamang bilang isang produkto ng Al. Iniisip ng karamihan na nakasasama

Ukol sa zero-funds ng PHILHEALTH

Manggagawa ang kawawa. Sa posibilidad na pagtaas ng monthly premium payments, hindi maiikaila na kasuklam-suklam ito sa mga working class na araw-araw na kumakayod sa pang-araw-araw nilang pamumuhay.

Aivonne Hope Balais, Guidance Counsellor

Ukol sa insidenteng pagkuryente ng mga scouts sa Zamboanga City

Nakakabigla ang balita sa pagkamatay ng 3 scouts dahil sa pagkakuryente sa Zamboanga City. Walang maayos at ligtas na lugar ang naging dahilan para mapunta sa kapahamakan ang mga bata. Dapat isaalang-alang ng mga namumuno sa scouting ang kaligtasan ng bawat batang sumasali rito. Managot ang dapat managot.

Yvonne Tabamo, Eagle Scout

Ukol sa pagdami ng early marriages sa komunidad

Bagaman isa sa katuruan ng Islam ay ang pagpahihintulot ng pag-asawa ng maaga, upang maiwasan ang anumang malalaswang gawain. Bata pa sila, hindi pa sila handa at walang kakayahang pinansyal upang buhayin ang sariling pamilyang napiling buuin. Roayda Kiya Narie, Filipino SPA

Atin ang WPS

Ang West Philippine Sea (WPS) ay mayaman sa iba’t ibang likas na yaman, kagaya ng isda, coral reefs, langis at mineral resources. Hindi lang yan, ang WPS ay mahalaga din sa seguridad ng ating bansa. Ito ay nagsisilbing ruta ng kalakalan at lugar para sa pagtatanggol ng bansa. Isang malaking biyaya ang ating dagat, kaya naman hindi mawawala ang inggit ng mga karatig-bansa na ngayo’y pinag-ugatan ng gulo. Pag-angkin ng China sa West Philippine Sea ang siyang naging suliranin hindi lang sa mga senado pati narin sa mga mangingisdang Pilipino.

Pinangungunahan kamakailan lang ng China ang naging alitan sa teritoryo sa West Philippine Sea na naging banta sa mga Pilipino nung naval standoff sa Scarborough Shoal noong Abril 2012 at pinalala ng mga isyu ng iligal na pananakop ng China. Labag sa batas ng mga Pilipino ang pagtatayo ng mga imprastraktura, at mga insidente ng pang-haharass sa sariling teritoryo. Pangkabuhayan ng mga Pinoy ay apektado, sapagkat hinaharangan ng mga malalaking barko ng China ang mga bankang pandagat at may naganap pa kamakailan lang na pagbangga ng barko sa maliit na bankang pangisdaan ng Pilipino. Karapatan sa sariling karagatan ang sigaw ng mga mangingisda ngayon. Karagatan ang nagbibigay hanap-buhay sa iilang mga Pilipino, pero ngayon, tila inalisan sila ng karapatan sa dagat at maghanap-buhay.

Ang unang insidente ay ang mga agresibong maniobra ng China Coast Guard Vessel (CCGV-3104) laban sa BRP Cape Engaño na bumangga sa starboard beam ng Philippine Coast Guard (PCG) at lumikha ng butas sa deck na humigit-kumulang limang pulgada ang lapad. Ang ikalawang insidente ay kinasangkutan ng BRP Bagacay at CCGV 21551 – dalawang beses na binangga ng PCG vessel sa magkabilang port at starboard side na humantong sa maliit na pinsala sa istruktura. Isa sa pinakabayolenteng ginawa ng China sa Pilipinas ay ang pagbangga sa bangka ng Pilipinas at pagputol ng hinlalaki ng isa sa ating mga sundalo, hindi pa sila na kuntento at kinaladkad pa ang bangka at pinagbubutas ng mga China Coast Guard.

Ayon sa AO No. 29 s. 2012, ang “West Philippine Sea” tumutukoy sa mga pandagat na lugar sa kanlurang bahagi ng kapuluan ng Pilipinas kabilang na ang dagat sa Luzon, sa loob at katabi ng Kalayaan Island Group (KIG) at Bajo de Masinloc.

“Ang West Philippine Sea ay hindi kathang-isip natin lamang. Ito ay atin. At ito ay mananatiling atin hangga’t nag-aalab ang diwa ng ating minamahal na bansang Pilipinas,” pahayag ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ginawang SONA 2024.

Simula’t sapol atin na ang West Philippine Sea. Ipaglaban ang ating teritoryo, ngunit hindi dapat natin gamitin ang karahasan sa pakikipaglaban. Dinggin ang hinaing ng bawat isa, lalong lalo na ang mga mangingisda na lubusang

punto ng editor

MAPAIT NA

tambilang ₱47.00

Lubos na nakakalungkot ang kasalukuyang sitwasyon ng agrikultura sa bansa ngayon, lalong lalo na sa mga magsasaka na ito ang kinukuhanan at inaasahan nila bilang pambuhay sa kanilang mga pamilya.

Sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin at hindi patas na pagpepresyo sa mga palay, lubos na apektado dito ang mga pilipinong magsasaka.

Hindi lingid sa ating kaalaman ang hirap ng trabaho ng isang magsasaka. Arawaraw nagbibilad sa araw upang magtanim at araw-araw na pagbalik sa taniman upang tingnan kung may mga piste upang puksain ito. Iniinda ang matirik na sikat ng araw upang may maani at makakain ang pamilya.

Nakapanlulumo na malaman mula sa isang ulat na ang presyo ng palay sa farmgate ay bumaba na lamang sa 13-15 kada kilo, malayo sa 20-25 na itinuturing nilang makatarungan upang masaklaw ang gastos sa produksiyon. Naging dahilan ito ng pagkalugi ng ating mga magsasaka. Ang mahal ng presyo ng mga abono, insecticide at iba pang mga ginagamit sa pagsasaka ngunit mura lamang nila nabebenta ang kanilang palay, ngunit pagkatapos gilingin nagiging mahal ito. Mas doble pa ang presyo nito sa nakuhang benta sa palay ng mga

magsasaka.

Paano makakaahon ang ating mga magsasaka kung magpapatuloy ang ganitong hindi patas na pagpepresyo? Malaki ang paghihirap ng ating nga magsasaka upang makabenta lamang sila, umaasa na kapag nakabenta ay may mapapakain sila sa kanilang pamilya at may perang magagamit upang makapagtanim ulit. Ngunit ang perang kanilang makukuha sa kanilang benta ay kulang pa para sa pang-araw-araw na gastusin.

Dagdag pa dito, dahil sa pangyayaring ito maraming mga kabataan ang nagsipagtigil na sa pag-aaral. Ayon sa registrar ng paaralan, mahigit-kumulang 20 ang mga estudyanteng natigil sa pagaaral. Karamihan sa mga ito ay anak ng mga magsasaka, na napilitang tumigil upang makatulong sa pamilya dahil hindi umano sapat ang kanilang pera sa pangaraw-araw nila na gastusin lalo na kung mag-aaral pa sila dahil dadagdag pa sa gastos nila pang-araw-araw ang pambaon nila sa paaralan at mga pambayad sa

Usbong, Labason

mga proyekto.

Kung magpapatuloy ito, ano na ang mangyayari sa ating mga pilipinong magsasaka? Paano na ang kinabukasan ng mga kabataan? Nakakalungkot isipin na may mga batang matitigil sa pag-aaral upang magtulungan lang ang pamilya. Mga batang sinantabi ang pangarap upang magtulungan ang mga magulang. Dapat na ang pangyayaring ito ay masulusyonan na ng gobyerno at ahensya ng pamahalaan dahil hindi lamang mga magsasaka ang nahihirapan. Nahahadlangan din nito ang kinabukasan ng mga kabataan. Kung magpapatuloy ang pagtutulungan ng gobyerno at mga ahensya ng pamahalaan, hindi magtatagal ay muling makakaahon ang ating mga magsasakang pilipino at wala ng mga kabataang kailangang i-sakripisyo ang kanilang pag-aaral. Masisiguro natin ang maayos na buhay ng mga magsasaka pati narin ng mga kabataan.

Kilala ang munisipalidad ng Labason sa pagiging sagana nito sa isda. Hindi makakaila na ang mga nakakain nating isda ay presko, “fresh from the sea” ika nga nila. Sa kabila ng pagiging hitik sa mga huling isda, Labason ang walang factory o pagawaan ng sardinas, tila ba na walang planong gamitin ang strength na ito para payabungin ang ating ekonomiya. Marapat na patayuan ng factory ng sardinas ang ating lungsod.

Bilang isang mag-aaral sa Kipit Agro-Fishery High School ay masasalamin ko ang maunlad na kinabuksan ng mga mangingisda kong ang kanilang huli ay madaling maibenta sa mga factory at gawing sardinas na swak sa budget ng nakararami. Ang region 9 ay tinaguriang ‘Sardines Capital of the Philippines’. Hitik sa yaman ang ating lugar ngunit ang biyaya ng dagat ay nararapat na pahalagahan. May mabuting maidudulot ang paggawaan ng sardinas pero pag ito’y napa-sobra baka maging salot ito sa kalikasan. Isa na rito ang overfishing na isa sa mga dahilan kung bakit nauubos ang mga isda sa dagat. May tugon na rito ang Pangulong Marcos, ayon sa kanya ipatutupad Ang fishing ban upang mapanatili ang kaayusan sa ating karagatan at maiwasan ang masamang hakbang gaya ng overfishing at pagtatapon ng dinamita sa karagatan.

Samantala ang paggawaan ng sardinas ay may potensyal na mapa-unlad ang ating ekonomiya sa pamamagitan ng paglalaan ng abot-kayang presyo ng pagkain, presko at malusog sa katawan at nagbibigay pa ng trabaho sa mga residente. Isa

ang munisipalidad ng Labason sa nagbibigay ng maraming produksyon ng isda sa ating rehiyon. Ayon sa National Sardines Management Plan (NSMP), 46% na nakokolektang isda nanggaling sa Region 9. Natuklasan ang pahilaga at patimog na direksyon ng larba ng sardinas sa Zamboanga Peninsula. Ang mga sardinas sa nasabing lugar ay patuloy na umuusbong sa kabuuan ng taon at ang kanilang itlog ay sukdulan sa pagdami. Lamang na lamang ang ating Lugar kumpara sa iba pagdating sa paramihan ng isda, ngunit mas nauna pang makapagtayo ng produksyon ng sardinas ang may maliit na porsyento ng isda sa kanilang karagatan. Panahon na para paunlarin din ang ating Lugar sapagkat “advantage” ito para sa atin. May maihahain na ang bawat pamilya sa kanilang hapag kainan na presko at abot-kayang presyo ng pagkain. Kasalukuyang pinapaunlad ang munisipalidad ng Labason, ngunit hindi lang dapat nakatuon sa pagpapaganda ng lugar kundi pati narin ang pagpapa-usbong ng ekonomiya nito. Lambo pa, Labason!

Ang saganang yaman ng dagat ng Labason ang ating pinakamalaking puhunan.

tungo sa kaunlaran
Eunice Aika Abocayon
Ang pinakamurang presyo ng isang kilo ng bigas sa bayan ng Labason ay
Jorezel Dagooc

‘Maraming sabaw pa rin ang noodles’

>

Ang pagkalugmok ng isang pamilya sa implasyon

Apple Mae Laurencio

Dati-rati, kilala sa bayan ang kasaganaan ng bunga ng mangga sa sakahan ng isang 47 taong gulang na magsasaka na itatago natin sa pangalang Vicente. Naitaguyod niya nang maayos ang kanyang pamumuhay kasama ang kanyang pamilya at nakakaya pa nilang kumain nang iba’t ibang produkto na nagagawa nila sa kanilang sobrang ani, ngunit sa kasamaang palad, biglang nagiba ang ihip ng hangin at bumaliktad ang kanilang kapalaran.

trabahador na lamang.

Ang minsang sagana’t masiglang pamumuhay na kanilang tinatamasa ay tila naging ala-ala na lamang na nalipasan ng panahon, sa kadahilanang kinakailangan nilang ibenta ang kanilang sakahan dulot sa hindi inaasahang pangyayari. Ngayon, umaasa nalang ang kaniyang pamilya sa kinikita niya sa kanilang gilingan ng palay at paminsang-minsang pagsama sa pagkukuha ng mga bungang mangga sa sakahan niya dati tuwing sasapit ang panahon ng anihan. Ang dating may-ari ng sakahang umaangkat ng mangga sa iba’t ibang panig ng mundo ay naging isang hamak na

Dumagdag sa kanilang perwisyo ang nagmamahal na presyo ng mga bilihin at bayarin sa kuryente’t tubig. Malinaw pa nilang naaalala noon na busog na busog sila parati sa masasarap na putahe na niluluto ng kanyang asawa tuwing hapunan, kung saan kumurot sa kaniyang puso ngayong pinag-aagawan ng kanyang mga anak ang apat na piraso ng sardinas sa loob ng de lata. Nalalapit na ang pasko at nakagawian na nilang maghanda ng malaking piging at salu-salo, sapagkat nasasabay ang kaarawan ng kaniyang anak na kambal sa kapanganakan ng batang Hesus. Hinahanap-hanap palagi ng kanyang anak na kambal ang ‘mango graham’ na inihahain sa hapag sa tuwing dadatal ang mahalagang araw na ito. Subalit, waring nabagsakan ng mapait na katotohanan at gumuho ang mundo ng padre de pamilya nang masilayan ang tumataginting na presyo ng mangga sa palengke. Hindi kakasya sa kanyang naipong kakarampot na badyet kung isisingit pa itong malamig na panghimagas. Nasaan na kaya ang ating mga mangga?

Tila isang tanong at pagdududa ang pagmamahal ng mangga, kahit kilala naman

ang ating bansa sa mga nangungunang producer ng prutas na ito sa global industry. Ito ay dahil sa katotohanang mas pinipili ng karamihan na i-export o i-luwas ang kanilang naaani sa ibang bansa, dahilan upang mas humigpit at manalat ang supply nito sa mismong bansa natin. Gayundin ang sitwasyon ng ating lokal na prutas tulad ng saging at pinya na nagmamahal rin ang halaga sa nakasanayan. Kung gaano katamis ang natatamasa ng mga banyaga ang ating ani, ay gaano rin kapait ang ating kinasasapitan sa presyo ng mga bilihin. Ang suliraning ito ay hindi lamang kinahaharap ni Vicente, kundi naiipit rin ang karamihan sa sitwasyong ito na nalalagay sa laylayan at karalitaan. Hindi lamang ito simpleng kwento ng mala-gulong na estado ng bawat Pinoy, kundi pananawagan sa mga nakaluklok sa pwesto na pagtuunan rin ng pansin ang regulasyon ng mga presyo ng ating mga bilihin. Ito rin ay taimtim na panalangin ng masa na nawa’y wala ni kahit sinong tao ang matutulog na kumakalam ang kanilang sikmura at mapagkaitan ng karapatan na makalasap ng masasarap na pagkain.

“May sabaw pa rin ang kanilang noodles— taliwas sa sinasabi ng trending ngayon.

Ang

NAKAKUBLING ANINO

mula sa Aba ng Anihan

Masidhing Nakatikom

Ang mapait na kapalaran ng mga magsasaka sa liblib na bukirin >

Samu’t saring kwento ng mga magsasaka na may tema ng oppression, pagkalugmok, at tagumpay.

Matapos ang ulan may bahaghari

Ang kwento sa likod ng pag-ani ng tagumpay ng pamilya Laurencio > Sahara Laydan

Sa isang iglap lamang, ang kailangan lang ay ilang putok ng baril at dahas upang patahimikin ang mga taong bumuboses at umaatungal laban sa mga gahaman.

Tatlong dekadang nagsasaka sina Mila at Asyong sa bukiring bahagi ng bayan. Kayod-kalabaw at hindi nila inaalintana ang tirik ng araw sapagkat ito lang ang kanilang ikinabubuhay. Bata pa lamang ay asarol at karit ang kanilang bitbit at akay-akay, hindi papel at lapis. Hindi katulad ng ibang mga bata, napagkaitan sila ng karapatan na makapagaral.

Maaga silang namulat at naging biktima ng mapait na realidad sa kanilang karalitaan. Hindi na sariwa sa kanila ang samut-saring suliranin dahil sa kanilang sitwasyon. Tila naging sandatang bakal na pinanday at hinango sa apoy sa pagkaramirami ng mga pagsubok sa buhay na kanilang nakaharap at nalampasan at hindi na sila matitinag sa kahit anumang unos na darating sa hinaharap. Pinagtibay man sila ng panahon, subalit wala pa rin silang binatbat sa pagsalanta ng isang problema na mas nagpa-ipit sa kanila. Walang habas na inagaw ng mga mapanlamang ang kanilang sinasakahang lupain. Sa kasamaang palad, wala silang laban sapagkat

sakim, nanindigan sila at umalsa. Hindi nila ihihintulot na tuluyang matapakan ang kanilang pagkatao.

wala silang titulo nito, at kahit ano mang gawin nila ay wala pa rin itong saysay lalo na’t makapangyarihan rin ang mga taong umangkin. Hinuthutan nila ng pangarap ang dalawang magsasaka, hinamak ang kanilang karapatan, iniwan silang hubad, at walang lupaing tatawaging sa kanila.

Likas na palaban sina Mang Asyong at Aling Mila, kung kaya hindi sila papayag na yuyuko agad at tatanggapin ang pangaalipusta. Kasama ang ilan pang mga magsasaka na naging biktima ng pang-aagaw ng mga

Nagtangka silang magprotesta at magrally upang ipahayag ang kanilang hinaing at ipagtanggol ang kanilang karapatan. Naghanap rin sila ng abogado at upang mabayaran ito, pinag-iipon nilang mga magsasaka ang kanilang mga ani dahil ito lang ang kanilang kaya. Sa bawat pagtakbo ng oras, ang mga magsasaka ay nagpalipas ng gutom, tulog, at uhaw sa pag-asang maibalik ang kanilang lupang sakahan, ngunit hindi sapat ang kanilang lakas upang magapi ang mga makapangyarihang mang-aapi. Tila hindi pabor sa kanila ang kapalaran at nagawa pang maibaliktad ang kwento. Pinaratangan silang mga miyembro ng armadong grupo at nired-tag bilang terorista.

Sa halip na kahabagan sila ng taong bayan, kinasusuklaman na ang mga magsasaka. Walang awang linusob ang kanilang bukirin at pinagpapatay sila ng mga hukbo nang walang pakundangan sa kanilang buhay. Dumanak ang kanilang dugo sa lupa at ang kanilang mga sigaw ay umalingawngaw na lang sa hangin.

Sa kabila ng mapangahas na pangyayari, isang himala na nakaligtas si Aling Mila mula sa mga kamay ng hukbo. Lubha mang nadurog ang kanyang puso sa kinasasapitan ng kanyang mga kasama, ginamit niya ito bilang lakas upang ipinagpatuloy niya ang laban. Lumaban

siya ng patas sa hukuman at sa wakas, nakuha na rin ang inaasam na hustisya. Naibalik sa kaniya ang lupain sa tulong ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na layuning bigyang katarungan ang mga magsasakang katulad niya. Hindi pa rito nagtatapos ang laban sa pagkamit ng hustisya ng mga magsasakang tinatapaktapakan ang karapatan. Marami pang kwento sa mga walang pakundangan pagpatay sa mga magsasaka, tulad na lamang sa hindi makakalimutang Hacienda Luisita Massacre noong Nobyembre 17, 2004, kung saan pitong (7) ang nasawi at daandaan ang nasaktan at inaresto. Saka, ang kamakailan lamang at sunod-sunod na pagkitil sa buhay ng ilang mga manggagawangbukid sa Negros Occidental at Masbate, kung saan pinaratangan ng mga sundalo na di umano’y rebelde para lamang mabigyang-katwiran ang pagpatay nila. Magpapatuloy ang paghahangad ng katarungan, kahit putok ng baril ay hindi na makatatanggal sa boses ng pagtindig, hanggang mayroon pa ring mga magsasakang nilalapastangan at nababalot ng takot.

tambilang

Ang kabuuang bilang ng mga documented killings ng mga magsasaka simula noong 2016.

ayon sa IBON foundation

“Magtanim ay ‘di biro, maghapong nakayuko. ‘Di man lang makaupo, ‘Di man lang makatayo” Sa gitna ng nagbabagang araw, may namumuong butil ng pawis, ang pagpatak nito ay tila ba ginto na nagiging sanhi sa patuloy na pag-usad ng buhay sa kalagitnaan ng kahirapan.

Hindi magara kung pakinggan, mahirap na trabaho kung iisipin ngunit katumbas nito ay ang pagkakaroon ng masaganang buhay. Sa paaralan ng Kipit Agro Fishery High School, nagkaroon ng panayam ang “Ang Magsasaka” kung saan aming nakilala si Apple Mae Laurencio, isang estudyante na walang pagdadalawang kubling ibinahagi ang kwento ng kaniyang pamilya; kung saan sila nagsimula at paanong ang butil ng pawis, ang malagkitang putik, at ang kulay dilaw na binhi ay siyang naging malaking ambag sa kanilang pamumuhay.

“Tiktilaok...tiktilaok,” bago pa man tumilaok ang kanilang mga alagang manok, makikitang nasa sakahan na ang ama at ina ni Apple. Tanim doon, tanim dito— tumatagaktak na ang butil ng pawis sa noo ngunit kailan ma’y hindi nagreklamo basta’t may maihandang pagkain lang sa lamesa. Ito ang naging ikot at takbo ng pamilya Laurencio, “Simpleng buhay ngunit masaya “. Subalit sinong mag-aakalang may darating pa palang dilemang hahamunin ang tibay ng pamilyang mayroon sila. Tambak-tambak na bayaran sa paaralan, isama pa ang boarding house na buwan-buwan inuupahan. Iyan ay kabilang lamang sa problemang sumubok sa pamilya Laurencio dahil sa pagtapak sa kolehiyo ng dalawang nakatatandang kapatid na babae ni Apple, sunod-sunod ang hirap na sumalubong. Ang isa’y tinahak ang kursong education habang ang isa naman ay BSEE o Bachelor in Science in Electrical Engineering sa paaralan ng Western Mindanao State University na matatagpuan sa Zamboanga city. Tila ba ginapang ng ama at ina ni Apple ang sakahan, Kahit matirik na araw ay matatagpuang kumakayod ang magasawa kasama ang dalawang lalaking anak na naiwan upang may maipadala sa dalawang anak na nag-aaral ng kolehiyo. Kahit na sumasakit na ang likod, baywang, at braso, patuloy pa rin sila sa pagkayod.

At hindi mawawala ang peste sa sakahan gayon narin sa pamilyang Laurencio. Nagkaroon ng diabetes ang ama ni Apple, kasabay nito ang paglala ng sakit sa mata kung saan tinawag na glaucoma. Habang nag-aabono ng palay, siya ring pagdating ng balitang tila ba humiwa sa puso ng mag-asawa, ang anak nilang nag-aaral sa kursong BSEE ay nabalitang nagdadalang tao. Kung noong una’y pawis lang ang pumapatak dahil sa nagbabagang araw, biglang sinabayan ng luhang galing sa sitwasong hindi mawari kung papaano malalagpasan. Sa huli, hindi naging hadlang ang pagkakaroon ng anak sa sinapupunan upang huminto ng pag-aaral, hindi pinahinto ng ina ang anak dahil kung iisipin ay isang taon nalang at makukuha na ang diplomang matagal ng inaasamasam. Kaya’t kahit namimintig man ang binti, hindi huminto ang taniman.

Ano mang bigat ng problema ito’y ating malalagpasan, kawangis ng makulimlim at mabibigat na ulan sa kalangitan, may kaakit-akit na bahaghari sa dulo ng ulan. Hindi naglaon ay nakapagtapos ang anak, pagkalipas naman ng isang taon ay pumasa sa board exam at kasalukuyan ng nagtatrabaho sa DPWH. Ang init ng araw na dumadampi sa balat ay siya ring init ng pusong yumakap sa ina’t ama ni Apple nang makapagtapos sa pag-aaral ang anak at malagpasan ang problemang dumagsa.

Nawa’y magsilbing paalala sa atin na kahit hindi man edukado pakinggan ang trabaho, ‘di sing laki ng barkong titanic, at sing liit lang ng bangka sa karagatan, kung ito ay marangal, dugo’t pawis ang puhunan, hindi imposibleng maiahon ang pamilya sa kahirapan. Kung dati rati’y mabigat ang pawis na pinanggalingan, ngayon ay may gaan sa pakiramdam dahil may anak ng umaagapay sa pamilya. Kasalukuyang pinapaaral ngayon si Apple ng kanyang magulang at may mga oras rin na nagpapadala upang ay maipangbiling pagkain. Ang pagsasaka ay hindi marangyang pakinggan sa iba, ngunit mayaman sa pamilya Laurencio dahil rito’y naiahon ang buhay ng pamilya.

Shen Mae Gamutin

LAWAAN SA LABASON

Balat Ng Kahirapan

Ang lahat ng gusto mong malaman tungkol sa mga Lawaan

Ang nag-aapoy na sinag ng araw ay sumisilip sa bawat sulok ng walang katapusang daan. Isang lawaan, galing sa tribo ng mga badjao, naglalakad ng hindi alam ang patutunguhan. Tumataas ang bilang ng kanilang lahi hindi dahil sa kagustuhan, kundi dahil sa kawalan ng kaalaman. Ang family planning ay isang luho na nindi nila kayang abutin.

Saan ka man tumingin, makikita mo ang mga kapatid ng lawaan. Mga batang palaboy-laboy sa lansangan, mga batang ina na pasan-pasan ang kanilang mga anak, mga pamilya na gutom na natutulog sa gilid ng daan. Walang sapat na edukasyon, kaya’t patuloy na lumilipat-lipat ng lugar. Dipolog, Sindangan, Labason, at sa kung saan man dalhin ng mga paa. Patuloy na hinahanap ang susi sa kahirapang nakakandado sa kanilang pagkatao.

Ang mga tao sa labas, nakikita ang mga lawaan bilang mga pulubi, mga taong walang silbi. Isang kahig, isang tuka ang kanilang tingin sa mga ito. Nakasanayan na ng mga lawaan na isang kain lang sa isang araw. Kung sa ordinaryong tao, basura lang ang mga tira-tira, sa mga lawaan, ito’y kayamanan, pagkain para sa kanilang mga nagugutom na sikmura. Nakakasakit sa puso na makita ang katotohanan, mga batang walang kamuwang-muwang na naghahanap ng pagkain sa basurahan.

Bihira lang ang mga taong tumatanggap sa mga lawaan, sapagkat ang kanilang pagkatao ay hindi umaayon sa kanilang pamantayan. Walang sapat na edukasyon, walang pera, at walang maayos na trabaho.

Panlilimos ang naging sandata upang mabuhay. Iniaabot ang mga kamay, umaasang may magbibigay.

“ Palimos. palimos po”. Te/Ya, hatag bi”, mga pahayag na siyang naging bukambibig. Mga pahayag na nakakairita, nakakarindi, at nakakasakit sa kanilang dignidad. Mga pahayag na sumisimbolo sa kanilang katayuan sa lipunan. Kahit ganito ang tingin nila sa mga lawaan, patuloy pa rin ang mga ito sa paghahanap ng paraan upang mabuhay. May mga lawaan na nakahanap ng marangal na trabaho, mas marangal kaysa sa panlilimos. May mga nagtitinda ng sapatos, nagbebenta ng kundi, may nagtatakip ng mga tagpi-tagping karton sa mga nakaparadang sasakyan, at mayroon ding mga lawaan na inampon at binigyan ng pagkakataong makapag-aral.

Sa gitna ng balat ng kahirapan, may pag-asa pa ring sisikat. Sa makulimlim na kalangitan, may liwanag na masisilayan. May mga nagsisilbing lamparang gagabay sa kanilang madilim na daanan. Hindi pa nga huli ang lahat. May pagkakataon pa para maibangon ang kanilang dignidad. Siguro, sa isang araw, makikita sila hindi bilang mga pulubi, kundi bilang mga tao na may dangal at respeto katulad mo.

What they need is not it’s empathy.

WALANG KATULAD

Ang pagsisid ng mga Sama-Bajau sa kailaliman ng buhay

Sa kalagitnaan ng karagatan palaging nasisiyahan, pagpalutang-lutang pusoy gumagaan. Kahit anong lalim, kahit pa makulimlim sila ay patuloy parin. Parang kaibigan na ang karagatan at naging pangalawang tirahan na rin. Para silang mga sirena’t sireno kung iisipin, iyan ang mga Lawaan sa amin.

Kung langoyan lang ang pag-uusapan, hindi rin patatalo ang mga Lawaan sa Lungsod ng Labason lalong-lalo na ang mga naninirahan malapit sa pantalan. Ang kanilang talentong kinagisnan ay hindi basta-basta, sapagkat ito ay nakakamangha. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit napakagaling nila? Sila ay tinaguriang mga ‘sea nomads’ kilala sila na naninirahan sa gilid ng dagat. Mula pagkabata ay tinuturuan na sila ng mga mas nakakatanda kung paano lumangoy o kung paano mamuhay sa tabing dagat. Sa bawat pagdilat ng kanilang mga mata asul na tubig ang nakikita kaya sanay na sila sa pamumuhay na ganito.

Kaya nilang tumagal ng 10 minuto sa ilalim ng dagat sa lalim na 200 feet. Kilala din sila sa pagiging magaling manghuli ng isda, isa ito sa pinagkukunan nila ng pangkain at pangkabuhayan. Dahil dito mas naging sanay at mas nahasa pa ang kanilang natatanging abilidad ukol sa pangingisda. Isa rin sila sa

to the rescue sa mga kababayan na nangangailangan lalong-lalo na kapag may nakikita silang nalulunod na kababayan dahil sa kagalingan nila sa pagsisid. Ang mga Lawaan ng Labason ay hindi lamang mga eksperto sa paglangoy at pagsisid, kundi simbolo rin ng tibay, kasanayan, at malasakit sa kapwa. Ang kanilang buhay na nakatali sa karagatan ay patunay ng hindi matatawarang kaugnayan ng tao sa kalikasan. Sila ang nagpapaalala sa atin na ang talento at dedikasyon ay maaaring maging tulay upang mapanatili ang ating kultura at makatulong sa ating komunidad. Tunay ngang walang katulad ang mga Lawaan—hindi lang sa dagat, kundi pati na rin sa puso ng kanilang mga kababayan.

not pity, Makikita sila sa baybayin at kalsada, may tsinelas man o wala. Sa kabila ng kanilang sitwasyon, sila’y may angking kahusayan sa musika at kultura. Ang pahinang ito ay hitik sa mga istorya kaugnay sa Lawaan.

Malayo sa bituka

TUNOG NG KULTURA

Ang pagbalewala ng mga Lawaan sa suliranin sa buhay > Ang hugot sa bawat pagtugtog ng mga Lawaan >

Rodelyn Ernane

“Hep! ... hep! ... hep!... sino ka? Anong ginagawa mo dito?”... “Hindi mo ba ako nakikilala? Siyempre hindi mo ako makikilala kasi alien ako. Wala ako sa papel mo kasi hindi ako nakarehistro.”

Nang lumabas sa sinapupunan, hindi pa sigurado kung ano kanilang ang magiging kalagayan. Ang natitiyak lamang ng isang sanggol na Lawaan ay ang pagdama sa haplos ni ina sa malambot at malusog na katawan. Subalit tila nakalimutang bigyan ng pangalan dahil parang siya ay nakaligtaan. Hindi man lang pinalista ni ina sa papel na nagpapatunay na isa rin siya sa kilalang tao na nabuhay dito sa mundo. Sapagkat kahirapan ang laging nakabuntot at ang perang kailangan ay mahirap mapulot.

Lumipas ang araw, lumaki siya na hindi pa rin alam ang pagkakakilanlan. Isa pa rin siyang lawaan na hindi alam ang pangalan at kapanganakan. Paano na kaya siya makakahanap ng marangal na trabaho kung wala siyang maipapakita na rehistro ng kanyang pagkatao? Paano na kaya ang kanyang kabuhayan kung maaapektuhan ito sa hindi pag-alam sa pagkakakilanlan?

Isang lawaan ang nadatnan sa gilid ng daan, hindi alam ang pangalan lalo na ang araw kung kailan siya isinilang. Nahuli siya ng isang mama na hinahalungkat ang basurahan. Mapapansin mo sa kanyang katayuan kung ano ang pakay niya kung bakit siya lumalapit sa trash can.

May kabilugan nga talaga ang mundo. Sa hindi inaasahan siya pala ang taong ito. Ang lupit nga mg tadhana. Ang dating malambot na kamay ay napalitan ng magaspang. Ang dating katawan na pinapaliguan ng pulbo, nadungisan na at napuno ng alikabok. Ang dating malusog na pangagatawan ay nagiging kabaligtaran na ngayon. Kung itutumbas sa iyong katawan, ang laki natin ay dodoble pa sa kanilang kaanyuan. Karamihan sa mga lawaan, pagkain ang naging kakulangan. Kulang sa nutrisyon na makakapag-boost sa kanilang immune system. Wala man lang makakapagturo kung ano ang dapat gawin sapagkat wala silang sapat na kaalaman kung paano alagaan ang kalusugan.

Mas mahalaga sa kanila na mabuhay kaysa sa pangalan. Wala silang choice kundi tanggapin ang katotohanang ito. Mas pipiliin pang hanapin ng isang hamak na lawaan ang pagkain na makakapuno sa kanyang nagugutom na sikmura sa halip na pagkakakilanlan ang aatupagin.

Kahit tira-tirang pagkain na itinapon sa Daan, sa basurahan, hahalungkatin at kukunin para lang may makain. Wala na silang pakialam kung madumi ba o hindi. Ipapahid lang sa damit o kaya hihipan ng hangin para matanggal ang dumi at saka isusubo na sa bibig. Kung ano ang sa tingin na makakain, kukunin at kakainin.

Pagkakakilanlan, kagutuman, kalusugan. Ito ang naging kalaban ng mga kapatid nating Lawaan. Ngunit mas pipiliin nilang ipagwalang bahala ito, dahil nga naman malayo lang ito sa bituka.

“Toots- Toots- To-” Minsan mo na bang narinig ang kakaibang tunog na iyan sa lugar kung saan makikita ang mga lawaan o ‘di kaya’y sa eskinita? Sa bawat hampas sa tambol na kanilang dala-dala, sa bawat daplis ng kanilang labi sa tansong nakasabit --kakaibang musika ang siyang nagwawagi.

Ang musika ng mga lawaan ay naging inspirasyon ng budots kung saan ginagamitan ng mga instrumento, kagaya na lamang ng tambol, tanso, pito, hi-hat at iba pa. Gayunpaman, malaki ang naging ehemplo nito pagdating sa musika, dahil sa budots nabuo ang sikat na kantang

tulad ng “Emergency paging Dr. Beat,” kung saan ginamit ng mga tao ang pagtambol, tanso at hi-hat ng mga Lawaan bilang halimbawa upang mabuo ito. Masasabi natin ang musika ng mga lawaan ay may malaking bahagi sa mga sikat na budots ngayon sa kasalukuyan. Ang pagtambol ng mga lawaan sa gilid ng kalsada, ay hindi lamang simpleng musika dahil kalakip rin ito ng kanilang kultura. Bawat tunog na kanilang

binubuo ay konektado kung saan sila nagmula. Ipinapakita nito na kanilang ipinagmamalaki ang tribong mayroon sila. Kaya’t kung marinig mo man ito sa daan, nawa ay huwag mo itong pagtawanan dahil ang paghampas ng kanilang palad, ang mga daliring tila ba pugita na naglalaro sa tansong kanilang hawak-hawak ay nagpapahiwatig kung saan nagmula ang mga lawaan.

Kyan Basa

ABILIDAD SA DISABILIDAD

HININGA NG PAG-ASA

Ang pakikipagsapalaran ni Jandelboy sa pag-aaral >

Kapag itinataas ang kanang kamay, maraming mata ang nakabantay. Napapalibutan ng mga titig sa paligid na puno ng kuryosidad at pagtataka. Kung bakit ang isang hamak na batang estudyante, sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan, siya ay naiiba.

Tatlong daan animnapu’t limang araw… labindalawang buwan… tumatakbo ang oras, dalawampu’t apat, animnapung minuto at animnapung segundo. Araw-araw, nagaganap ang ritwal. Ang pagtaas ng kamay, pagtawag ng guro, pag-angat mula sa upuan, paglalakad tungo sa harapan, pagbubukas ng bibig para sumagot sa mga katanungan. Subalit bawat salitang kumawala sa bibig ay nagiging sanhi ng pag-igting. Parang may hangin na umuugong sa paligid na nagdudulot ng kakaibang panginginig. Hindi alam kung bakit, ngunit tila’y sumisira sa katahimikan ng silid. Sa tuwing lumalabas ang tinig, nababaling ang kanilang atensyon, nauudlot ang konsentrasyon dahil para silang nakarinig ng himig. Kahit takpan ang tainga, maririnig pa rin ang bulong. Mapapansin ang sulyap at mga ngiting nagiging panunuya. Sa tuwing nagsasalita, katumbas ang pananaw na may deperensya. Parang maliit na kutsilyo na untiunting tumusok sa mahinang puso. Nag-iwan ng marka sa mata ng mga tao ang buong pagkatao. Ang pagiging naiiba ang naging sanhi sa kanyang pag-iisa. Unang tungtong dito sa paaralan, walang naging kaibigan. Pagbabasa ng libro ang naging kahantungan. Sa loob ng mga pahina, nakahanap ng kapayapaan. Mga matang naliligaw sa larawan, puso at isipan ang nadagdagan ng karunungan.

Si Jandelboy Ernane, mag-aaral sa ikapitong baitang, isang lalaki na ang mga salitang binibigkas ay parang mga bula lamang. Na kahit anong pilit na isigaw, ang mensaheng lumalabas sa bibig ay

IKAMAY

hindi malinaw. Tila’y pinaparusahan subalit wala namang nagawang kasalanan. Mula pagsilang hanggang paglaki, dala-dala niya na ang kalagayang hindi mo mararanasan. Pinanganak siyang hindi buo ang kanyang cleft palate. Kaya’t ang mga tunog na lumalabas sa ilong, sa dila’y napipilipit. Dumating ang pagkakataon, tumunog ang kampana. Alassiyete y medya ng umaga, pumasok na ang guro sa unang asignatura. Nagkakagulo na ang mga estudyante. Binigyan sila ng limang minuto upang mag-aral at maghanda sapagkat may oral recitation sila mamaya. Pero paano kaya ang isang kaklase nila? Ayos lang ba siya? Tiyak na siya ay mapupuno ng husga. Naubos na ang limang minuto at payapa na ang umaga. Nagsimula na ang katanungan naghihintay sa kanilang mga kasagutan. May limang minutong nakalaan upang balangkasin ang mga kasagutan. Handa na ba ang lahat?... Nangangamba na ang mga estudyante na parang nagpapaunahan ng kaba sa dibdib. “Lima, apat, tatlo, dalawa, isa. Sinong may sagot, taas ang kamay?” Nag-aalinlangan ang lahat maliban sa isa sa kanila. Bagaman namuo sa kanyang isipan ang maaaring maging reaksyon ng mga kaklase kung sasagot siya, hindi

Rodelyn Ernane

siya nagpapadala bagkus ay itinaas niya ang kanyang kamay. Lahat ng mata ay nakatitig sa kanya maging ang kanyang katabi. Nagtataka, nangangamba, nalulungkot, ngunit natatawa. Husga ng isa, husga ng iba. Pero binalewala ito ni Jandelboy. Hindi hadlang para sa kanya ang pananaw ng mga tao. May kulang man o wala, lahat gagawin niya para sa kanyang pag-aaral. Ani niya, “ako ang may hawak sa aking pagkatao, kaya wala akong pakialam kung ano ang pananaw sa akin ng mundo. Labas sila kung ano ang mangyayari sa akin. Ang alam ko lang, kailangan kong gawin ang lahat ng aking makakaya, dahil ako lang ang makakagawa sa pinakamabuting bersyon ng aking sarili. Kapansanan lang ito at mahalaga ang pangarap ko. Kung hindi man kaya ng aking boses na magpahayag ng aking saloobin, sasabayan ko ng gawa para mas maintindihan ang nais kong sabihin.” Mula ngayon, palagi ng nakikiisa si Jandelboy sa kanyang klase. Mga aktibidad tulad ng oral recitation, hindi nagpapahuli. May deperensya man ang kanyang

Kyan Basa

pagsasalita pero may ibang paraan siya para makiisa sa kapwa. Ang pagsisikap at determinasyon niya ang nagtulak para gumawa ng tama. Nawa’y maging inspirasyon ng lahat ang kwento ni Jandelboy. Hindi nagpapatinag sa kabila ng pagkakaroon ng kapansanan. Hindi naging hadlang ang kanyang kalagayan. Ikaw, kaya mo kayang

ANG TAGUMPAY

Ang hugot sa mabatong buhay ni Nurfa >

“Hindi magawa ng paa, kamay ang gagawa. May kulang man o wala, gagapangin kita.”

Matinik man ang daan, aking itatakbo ang pangarap na aking nais makamtan. Sa pagsapit ng umaga.. pangarap ang sigaw ng bawat isa. Gaano nga ba kahalaga ang mga paa? Kung ako’y iyong tatanungin, ang tanging masasagot ko lamang ay napakahalaga nito dahil ginagampanan nito ang yapak tungo sa pangarap at hinaharap. Ngunit paano kung hindi kaya ng yapak, handa ka bang gumapang tungo sa pangarap?

Sumpa nga ba o sadyang nakatadhana na… Hindi mawari kung ano ang nagawang kasalanan upang magkulang ang parte ng kaniyang katawan. Si Nurfa L. Muso, mag-aaral ng Kipit Agro Fishery High School (KAFHS). Isang anak na busog sa pangarap subalit gutom sa yapak tungo sa hinaharap. Tuwing alas singko ng umaga, bumabangon na si Nurfa sa kaniyang higaan upang maghanda. Sa tulong ng kaniyang ama, siya ay pinapasan at tulak-tulak ang upoang de-gulong ng sa gayon ay makarating sa iskwela. Unang araw pa lamang sa mundo, pinagkaitan ng makatayo Pinanganak na may kapansanan si Nurfa na ngayon ay na sa labing apat na taong gulang, . ang tangis ng batang walang dalawang paa ang siyang nanaig sa bawat sulok ng kuwarto. “Bakit sila may paa, ako wala?” , munting tinig galing sa batang walang kakayahang tumayo. Limang taong gulang pa lamang siya ng mamulat sa katutuhanang kay saklap pakinggan. Minsan

narin sumagi sa kaniyang isipan kung ano nga ba ang pakiramdam na kayang suportahan ang sarili at hindi na kailangan pang bigkasin ang salitang ama at ina? Sa kabila ng kapansanan at katanungan kailan ma’y hindi nahanapan ng kasagutan, hindi nagtanim ng sama ng loob si Nurfa bagkos malaki ang kaniyang pasasalamat dahil kaniyang nasilayan ang mundo, nasaksihan ang sinag ng araw na siyang tumatama sa balat nito…ang maliliit nitong mga daliri ay nakapatong sa bintana, nakadungaw, habang nakaupo sa silya at ang atensyon ay nakakulong sa mga batang naglalaro sa kalsada. Siya’y hindi nagpatinag, maging ang awang itinatapon sakaniya ng iba. “ Yayakapin kita dahil ikaw ay parte ng aking pagkatao, ikaw ang magtutulak saakin upang bumangon at di’ maiwan sa kahapon” Ginawang inspirasyon ni Nurfa ang kaniyang kapansanan upang maabot ang bukas. Nagsimula siyang pumasok sa paaralan nang sa anim na taong gulang pa lamang. Kahit ayaw ng ina sa kadahilanang ayaw makitang nahihirapan ang anak, ikinumbinse parin ni Nurfa ang ina na siya ay paaralin dahil siya ay may pangarap at kalian man ang kaniyang kakulangan ng paa’y hindi magiging isa sa mga batong humahadlang sakaniya na ipatuloy ang paggapang. Wala mang kakayahang tumayo, kayang tiisin ang hirap upang makamit ang pangarap. Nito lamang taon, kaniyang natapos ang elementarya

at kasalukuyang na sa ikapitong baitan ng sekondarya.

Sa ganitong sitwasyon, hinamak ni Nurfa ang kaniyang kakayahan sa kabila ng kapansanan. Ikaw, kaya mo bang gawin ang ginawa ni Nurfa? Na sa kabila ng kaniyang kapansanan, nanaig parin ang kagustuhan na pumasok sa paaralan upang maging kasing sinag ng araw ang kaniyang buhay. Nawa ay magbigay leksyon satin ang kwento ng buhay ni Nurfa. Ang problemang kinakaharap ngayon ay dadalhin ka sa bukas na may sinag at magsisilbing gabay tungo sa tagumpay. Matuto tayong yakapin kung ano ang ibinigay saatin,

Sahara Laydan

Maykapal. Ang hamon ay kalakip ng daan tungo sa pangarap at kahit ano mang hirap ang dala nito, kung tayo ay may panalangin at pursigedo ito ay ating malalagpasan. Kung hindi kaya ng yapak, ika’y gumapang

tambilang

Kyan Basa

SAFitek IS COMING TO TOWN

Ilang STEM 12 students, nakikiisa sa paglunsad ng coco dehusker ng JRMSU-TC sa Labason

Shane Mae Gamutin

Pinag-uusapan ng taumbayan ang isinagawang paglunsad ng SAFitek

Coco Dehusker sa Barangay Kipit, Labason, na dinaluhan ng mahigitkumulang labinlimang mag-aaral ng STEM 12 sa paaralan.

Bago pa man ilunsad ang coconut dehusker na SAFitek, o ‘Serviceable, Affordable, and Faster’ Ilustrados Technology, tanyag na ang likhang inobasyon na ito mula sa Tampilisan Campus ng Jose Rizal Memorial State University (JRMSU) na may kayang magbunot ng mahigit 530 niyog kada oras, at minsan nang nanalo bilang Outstanding Utility Model (Unlad Award) sa Regional Invention Contest and Exhibit (RICE) ng DOST.

Binuo ang makinaryang ito sa kamay nina Jeward M. Dagodog, Jerald G. Misperos, at Karlfred Junnee A. Doydora, at sa gabay ni Yhebron J. Lagud na naging research panelist at consultant na rin noon sa paaralan.

Kung kaya naman, nakisali ang mga henyong STEM 12 sa paaralan sa isinagawang paglunsad upang magkaroon sila ng ideya sa gagawin nilang pananaliksik na makabuluhan at makakatulong din sa karamihan.

Linalayon ng makinarya na maibsan ang peligro ng mga magbubunot ng niyog at madagdagan ang oras ng mga magbubunot na makapagsapalaran sa ibang income-generating jobs.

Malaki ang potensyal nitong lumago sa market sapagkat ang Pilipinas ay pangalawa sa pinakamalaking producer ng niyog sa mundo at may mahigit-kumulang 10,000 coconut farmers sa bansa.

“Dako jud ug tabang ning SAFitek sa amoa kung makapalit mi ani. Kailangan namo ni sa amoang farm,” ani ng isang magsasaka sa Kipit.

Sa panahon ngayon kung saan ay halos lahat ay umaasa sa teknolohiya na nagbibigay ng mas mabilis at efficient na trabaho, hindi nagpapahuli ang mga inobasyon ng JRMSU-TC tulad nitong SAFitek sa pagbibigay ng kaginhawaan sa lahat.

NOM NOM, SORGHUM!

> Sorghum, inaasinta ni G. Handuman bilang alternatibong food source

Kamakailan lang, pinag-uusapan ang ginawang pag-asinta ni G. Avelino Handuman na gawing alternative food source para sa mga isda ang halamang SORGHUM

Puno umano ito ng protina na pangunahing nutrisyong naibibigay at kailangan ng mga isda. Sinasabing hindi lamang ito maaaring gawing pagkain ng mga isda, maging ang tangkay at mga dahon nito ay maaari ring mga pagkain ng iba lang hayop. Inihahalo din umano ito sa mga feeds ng mga manok at maging ng mga baboy.

Sa isang panayam pinatunayan ito ni G. Handuman, assistant principal ng KAFHS sa pahayag na, “it’s leaves can also be a food for other animals like mga baka, kanding and many more. If you already saw the feeds of some farm animals like chickens and mga baboy, makita pud ninyo nga naay pula didto na gisagol ang those are sorghum.”

Ayon pa sa kanya, marami pang mga nutrisyon ang makuha dito. Hindi man raw ito gaano ka popular dito sa ating lugar, marami naman daw nito sa ibang lugar tulad na lamang ng Cotabato, Bukidnon, at iba pa.

Sa pagpapatuloy ng panayam kanya ring isinaad na, “this plant is not very popularized dinhi sa atoa but it is in other places. Daghan jud ni sya ug nutrients, it can even be eaten by humans. Wala lang ta naanad, good thing the Secretary of Agriculture and Chairman sa Mindanao Development Authority nga si Sir Manny Piñol has discovered this plant and popularized it in some places in the Philippines.” Aning G. Handuman.

MASALIMUOT NA PROSESO

Maraming proseso ang kanyang ginagawa upang ito ay maging ganap na pagkain ng mga isda. “What I do is drying it using hangin, kay mag mold mana siya ug dili madry. So ginabulad nako sa

NUTRITIONAL FACTS

72 gramong CARBOHYDRATES

11 gramong PROTINA

ROBOOTICS

MAKABAGONG PAGSASAKA

Tower Garden, solusyon sa nagbabadyang epekto ng La Niña

Shane Mae Gamutin

Sa gitna ng pananalasa ng La Niña, umusbong ang isang paraan sa pagsasaka na maiibsan ang mga epekto nito.

bleachers and then after how many days is ginacollect nako from the stems and then stored.” Pagpapahayag niya.

Hindi man raw ito gaano ka popular ay sinubukan nya itong itanim at ngayon ay nahanapan niya ito ng halaga at nagagamit sa bagay na mahalaga.

“Huwag tayong matakot sumubok” ani pa niya. ‘Dahil minsan ay nahahanap ang tagumpay sa hindi inaasahang bagay.’

PAANO ITO NAKAKAIN?

Ayon sa healthline.com, maraming paraan upang makain ito. Bukod sa pagiging masustansya, ito ay madali ring ihanda at kayang makipagsabayan sa kanin at quinoa. Maaari mo itong lutuin katulad ng regular na kanin, at siguradong magugustuhan mo ang kakaibang texture at lasa nito.

Bukod dito, ang giniling na sorghum ay maaaring gamitin bilang harina. Dahil sa neutral nitong lasa at mapusyaw na kulay nito, madali itong ihalo sa kahit anong recipe.

Kung mahilig ka naman sa meryenda, maaari mong gawing popcorn ang sorghum. Ang flaked sorghum naman ay masarap bilang cereal o bilang sangkap sa mga baked goods tulad ng granola bars at cookies.

Hindi rin pahuhuli ang sorghum syrup. Madalas itong ginagamit bilang natural na pampatamis o alternatibo sa molasses sa mga processed food. Isa itong masustansyang pagpipilian para sa mga naghahanap ng mas natural na pampalasa.

Kung kaya naman hinihikayat ni G. Avelino Handuman ang karamihan na subukan ang sorghum. Bukod sa masarap at masustansya, ito ay maghahatid sayo sa mas malusog na pamumuhay.

3 gramong FATS

>

Mungkahing research projects na may kinalaman sa computer programming, robotics, ibinibida ng STEM 12

Keziah Faith Tolentino

a modernong panahon, ang teknolohiya ay patuloy na nagbabago at nagiging bahagi na ng ating pang-arawaraw na buhay. Isa sa larangan ng imbensyon ng teknolohiya ay ang robotika, kung saan malaki ang potensyal na magdulot ng pagbabago sa iba’t ibang sektor. Dahil dito, naisip ng mga mananaliksik ng STEM 12 ng paaralang Kipit Agro Fishery High School (KAFHS), na gamitin ang teknolohiyang robotika upang bigyang alternatibong solusyon ang iilang suliraning hinaraharap ng paaralan.

Napansin ni Mariane Nadine Maravillas, isang mananaliksik ng STEM 12, na nagkakaroon mga kamalian sa tuwing sinusuri ng mga guro ang pagdalo ng mga estudyante sa silid-aralan. Dahil dito, naisip nila na gumawa ng kamera na magmomonitora ng pagdalo ng mga mag-aaral sa kanilang

pananaliksik, ang kanilang pananaliksik ay pinamagatang “Effectiveness of camera attendance monitoring system with SMS (CAMSS) on student presence among Grade 11 students”. Sa paaralan, ang mga guro ay maaaring gumamit ng kamera na ito upang masubaybayan ang pagdalo ng mga estudyante sa loob ng silid-aralan. Sa kabilang banda, isa mga grupo ng

mga mananaliksik na pinagtutuunan ng pansin ang kalusugan. Dito, ikinabahala ni Dame Josh Salarda isa din sa mga lider ng pananaliksik ng STEM 12, na bihira na lamang na umiinom ng tubig ang mag-aaral. Kaya’t lumikha sila ng relo upang suriin ang hydration sa katawan, ito’y pinamagatang “Hydration Watch Enhancing Health and Wellness

Bago pa man ang lahat, ang La Niña ay isang natural na phenomenon kung saan sobrang lumalamig ang tubig sa Karagatang Pasipiko. Dahil dito, nagdudulot ito ng mas maraming ulan, mas malalakas na bagyo, at mas malamig na klima, lalo na sa Pilipinas. Nagbubugso ang La Niña sa bansa simula pa noong Nobyembre 2024, at inaasahang magpapatuloy hanggang Marso 2025. Dahil dito, inihain ng Department of Science and Technology (DOST) ang ‘Tower Gardening’ bilang isa sa mga smartagri solutions kontra sa mga banta nito. Ang makabago at praktikal na paraan ng pagtatanim na ito ay binuo sa Central Luzon State University, sa pangunguna ni Dr. Marvin Cinense. Paliwanag ni Dr. Marvin Cinense, gumagamit ito ng mga patayong 1.5-metrong PVC pipe na may 48 butas para sa mga tanim, at pinupunan ng cocopeat ang mga tubo upang mapanatili ang moisture ng mga halaman. Mayroon ding solar-powered pump ang sistemang para sa regular na patubig na paulit-ulit na ginagamit upang hindi makapag-aksaya ng maraming tubig. Dahil dito, posible ang pagtatanim kahit saan na hindi maaalintana ang kalidad ng lupa o topograpiya. Nakakatipid ng espasyo ang patayong disenyo nito at ayon sa kanilang pagsusuri, higit pa sa doble ang ani nito kumpara sa nakasanayang pagtatanim sa hardin. Maaari rin itong itayo sa loob ng bahay, kaya nababawasan ang epekto ng La Niña tulad ng malalakas na ulan at pagbaha.

Habang patuloy na lumalawak ang mga urban areas at nagiging mas madalas ang matitinding panahon tulad ng malalakas na ulan at pagbaha dulot ng pagbabago ng klima, nagiging mahalaga ang mga inobasyon tulad ng tower garden. Ang proyektong ito ay nagpapakita ng potensyal ng teknolohiya sa pagsasaka upang masuportahan ang mga komunidad, lalo na sa mga hamong dulot ng masamang panahon, at makapagbigay ng solusyon para sa seguridad sa pagkain sa mga lungsod.

through Real-Time Monitoring and Personalized Water Intake Alerts”. Ang relong ito ay maaaring isuot ng mga indibidwal upang masubaybayan ang antas ng tubig sa kanilang katawan. Sa pamamagitan ng mga sensor at software, ang relo ay maaaring magbigay ng alerto sa mga gumagamit kung kailangan nilang uminom ng tubig upang mapanatili ang kanilang hydration. Ang mga proyektong ito ay nagpapakita ng malinaw na aplikasyon ng robotika sa ating pangaraw-araw na buhay. Ang mga teknolohiyang ito ay hindi lamang nagpapabuti ng karanasan sa pag-aaral at kalusugan, kundi nagbibigay din ng masusing pagsubaybay at personalisadong serbisyo. Sa hinaharap, inaasahan nating mas marami pang mga inobasyon sa larangan ng robotika na magdudulot ng positibong pagbabago sa iba’t ibang aspeto ng ating buhay.

Emmy Jan Sari
Larawang mula sa Canva.com
Larawang mula sa CLSU
Larawang mula kay Gecela Tamayo

editoryal

AGHAM PARA SA LAHAT

Katulad ng Ingles at matematika, mahalaga rin ang agham sa buhay ng tao. Lubos na napakahalaga ang pag-aaral ng agham dahil ito ay itinuturing na isa sa mga susi sa pag-unlad ng bansa.

Mahalaga na ang isang tao ay magkaroon ng kaalaman sa agham. Kung ating palalawigin ang ating kaalaman sa agham, mas maiintindihan natin ang takbo ng mundo.

Kailangan din na ang mga tagapagimbento ay dapat na mag-imbento ng mga inobasyon para sa kabutihang panlahat, hindi para sa mga mayayaman lang.

Agham para sa lahat, ito ay isang paalala na ito ay dapat ibahagi sa lahat dahil ito ay maglilingkod sa lipunan.

Tayong mga kabataan, lalong-lalo na ang mga iskolar ng bayan ay dapat na magbalik ng serbisyo

tambilang

sa ating komunidad at pamayanan. Hindi naman natin kailangang maging dalubhasa dito upang tayo ay makatulong, simpleng bagay tulad ng pagsusuri ay malaking bagay na upang mapalago ang ating kaalaman at makatulong sa ating komunidad. Kailangan lang nating maintindihan ang mga konsepto nito upang ito ay magamit natin ng wasto.

Upang ito ay ating makamit, kailangan muna nating itaguyod ang isang makabayan at konkretong science education sa bansa at ating unti-unting payabungin ang agham sa Pilipinas.

189 scientists

sa isang milyong Pilipino

mula sa University of the Philippines data

55460 iskolars

ng bayan

mula sa Department of Science and Technology

KAFHS’ OWN CAPSTONE!

AEGIS COIL NG STEM 12

Masikot na proseso ng alternatibong panangga sa lamok

Kilala ang Pilipinas bilang isang bansang may tropikong klima, kungsaan ito ay nakakaranas ng matinding panahon ng tag-ulan na nagsisimula sa buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre. Dahil dito, hindi maiiwasan ang pagdami ng mga lamok, at kasabay nito ang pagtaas ng kaso ng dengue.

Ang pagdami ng populasyon ng lamok ay humahantong sa pagtaas ng kaso ng dengue, isang suliran na nakababahala hindi lamang sa dito sa Pilipinas, kundi pati na rin sa mga karatig na bansa dito sa loob ng timog-silangang asya. Ayon sa World Health Organization (WHO), noong nakaraang taon, mayroong 239,614 na naiulat na kaso ng dengue, na nagresulta sa 1,169 na pagkamatay, na nagpapakita ng kabigatan ng sitwasyon. Kilala ang mga lamok bilang tagapagdala ng nakakamatay na sakit, ito ay ang dengue. Nagdudulot ito ng pinsala sa mga daluyan ng dugo ng tao, at humahantong sa Dengue Hemorrhagic Fever, na nagdudulot ng kahirapan sa paghinga, mga pasa, at pagdurugo mula sa ilong, gilagid, o sa mga balat, ayon kay Harrison Wein Ph.D, 2010. Dahil sa takot, nilalabanan ng maraming tao ang dengue. Gaya na lamang ng paggamit ng lotion o losyon panglaban sa lamok,

MAGING ISANG ISKO!

insecticide, repellents, kulambo, at iba pang gamit na panglaban nito.

nito dahil sa pinansyal.

Dahil sa isyung ito, isa

pinangungunahan ni Noel-j D. Pulido ng STEM-12, ay gumawa ng solusyon sa problemang ito. Ang mga lamok ay isa sa mga pinakapinag-aralang insekto sa buong mundo, kung kaya’t pinag-aralan ng mabuti ng mga mananaliksik ang mga paraan upang wakasan ang suliraning hinaharap. Napagpasyahan ng mga mananaliksik na bumuo ng isang mosquito coil, na ang mga sangkap sa paggawa ay may natural repellent na madaling mahanap at sagana sa paligid.

Kaya naman, nagpasya silang gamitin ang citronella oil na matatagpuan sa tanglad (Cymbopogon Citratus). Ang tanglad, ay isang karaniwang damo na matatagpuan sa mga tropikal na bansa, lalo na sa timog-silangang asya. Dahil ang lemongrass essential oil ay naglalaman ng citronella na may kaakit-akit na bango sa mga insekto tulad ng carbon dioxide at lactic acid. Pinangalanan ng mga mananaliksik ang naimbentong mosquito coil, bilang “Aegis Coil”, dahil mula ito sa sawdust o serin, potato starch, at ang lemongrass essential oil o mula sa tanglad, at pati na rin ang uling para sa pagsunog, at tubig upang mabuo ang mga sangkap. Layunin ng mga mananaliksik, na ang mosquito coil na kanilang ginawa ay epektibo laban sa mga sakit, tulad ng Malaria, Dengue at Zika virus.

Pagkatapos ng produksyon ay nagsagawa ng sarbey ang mga mananaliksik kung saan sinubok nila ang produkto at ang pagiging epektibo nito sa mga mamamayan ng Labason, Zamboanga del Norte,

infograpiks

Alamin kung paano maging iskolar ng bayan, iskolar para sa bayan

partikular sa limang barangay ng Kipit, Osukan, Antonino, Imelda, at La Union. Kasama sa mga limitasyon ng pagsasagawa ng pag-aaral, ang limitadong paggawa ng Aegis Coil. Sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito, nalaman ng mga mananaliksik na ang Aegis Coil ay isang alternatibo at murang solusyon para sa dengue. Sa madaling salita, ang pananaliksik nila ay isang paraan na matulungan ang maraming tao na labanan ang dengue. Ang Aegis coil ay isang malaking kaalaman na madaling gawin at mura para sa mamamayan. Binanggit pa ng mga mananaliksik na ang kaalamang ito ay maaari ding gamitin ng mga negosyante na nagnanais na gumawa ng mosquito coil. Hindi makakaila na isang biyaya mula sa maykapal ang ulan. Pero dahil sa matinding pag-ulan, dumarami ang populasyon ng mga lamok. Ibig sabihin, tumataas din ang kaso ng dengue. Hindi naman masama ang kanilang pagdami, sa halip sila nga ay parte ng ating ecosystem, at sila rin ang pagkain ng i-ilang mga hayop gaya na lamang ng palaka. Ang masama lang dito, ay ang pagdadala nila ng sakit na dengue, na naging sanhi ng pagkamatay ng maraming tao. Ang Aegis coil, bilang isang produkto ng pananaliksik, ay isang paraan upang sugpuin ang pagdami ng lamok. Hindi man agad na mawala ang mga lamok, ngunit unti-unti nitong binabawasan ang kanilang pagdami. Dahil isa lang ang layunin ng pananaliksik na ito, ang pagkaroon ng mas maunlad, at malusog na pamayanan.

Alam mo ba na simula noong K-12 kurikulum, ang mga naging punong patnugot ng pahayagan ay naging DOST-SEI iskolars?

Jose Rada, Jr. BS EE - WMSU

Gino Handugan BS ChE - MSU-MCSE

Daud Hussin BS CE - WMSU

Ang DOST scholarship ay isa sa mga pinakapinapangarap na scholarship grant sa bansa. Ito ay nagbibigay ng libreng edukasyon, buwanang stipend, allowance sa libro at uniporme, at insurance sa mga mag-aaral na nagnanais na magtapos ng mga kursong nauukol sa agham at teknolohiya. Ang DOST iskolarship ay hindi lamang isang tulong pinansyal, kundi isang pagkakataon na makapag-ambag sa kaunlaran ng bansa sa pamamagitan ng siyensya at inobasyon.

Ngunit, paano nga ba maging isang DOST iskolar? Ano ang mga kailangan at dapat gawin para makapasa sa scholarship exam? Tandaan ang salitang ISKO. Ang ISKO ay tumutukoy sa:

I-check ang mga kwalipikasyon at requirements. Ang DOST scholarship program ay bukas para sa mga Pilipinong may edad na 18-25 taon, hindi pa nakatanggap ng anumang scholarship grant, may general weighted average (GWA) na hindi bababa sa 80%, mag-eenroll o mag-eenroll sa anumang priority course na itinakda ng DOST, at handang maatasan sa anumang bahagi ng Pilipinas. Kung kwalipikado, ang susunod na hakbang ay ang paghanda ng mga dokumento tulad ng accomplished application form, birth certificate, Form 138 o report card, atdalawang 1x1 ID picture. Ang application form ay maaaring i-download sa website ng DOST o kunin sa pinakamalapit na DOST regional o provincial office.

Sumulat ng application form. Ang ikalawang hakbang sa pag-apply sa DOST scholarship ay ang pagsulat ng application form. May dalawang paraan ito: manual at

online. Sa manual, kailangan mong kumuha ng form sa pinakamalapit na DOST office o designated schools. Sa online, mag-register ka sa website ng DOST at sundin lahat ng mga instruksyon. Siguraduhing tama at kumpleto ang lahat ng impormasyon na ilalagay mo sa form, at huwag kalimutang lagdaan ito at ipa-pirma sa iyong magulang o tagapag-alaga. llakip din ang mga kinakailangang dokumento na nabanggit sa unang hakbang.

Kumuha ng qualifying exam. Ang ikatlong hakbang sa pag-apply sa DOST scholarship ay ang pagkuha ng qualifying exam, isang written test na susukat sa iyong kakayahan sa science, mathematics, english, logical reasoning, at mechanical-technical. May dalawang bahagi ang exam: ang Part I na tatlong oras at may 200 items, at ang Part II na dalawang oras at may 100 items. Kailangan mong magdala ng test permit, dalawang black ballpen, isang calculator, at isang valid ID. Sa pagkuha ng exam, maging maingat at mabilis sa pagsagot, unawain ang bawat tanong, at piliin ang pinakatamang sagot. Huwag magpahula o magpatalo sa oras at magtiwala sa iyong

sarili at kaalaman.

Obserbahan ang mga announcement at resulta. Ang ikaapat at huling hakbang sa pag-apply sa DOST scholarship ay ang pag-abang sa mga announcement at resulta. Ang mga resulta ay ina-announce sa website ng DOST at sa mga pahayagan. Kung nakapasa ka sa exam, makakatanggap ka ng Notice of Award sa iyong registered email address na iyong isinumite. Kailangan mong i-confirm ang iyong pagtanggap sa scholarship sa loob ng 15 araw mula sa pagtanggap ng notice. Kung hindi ka nakapasa, huwag mawalan ng pag-asa. Maaari ka pa ring mag-apply sa ibang scholarship programs para sa mga oportunidad ng edukasyon. Ang mahalaga ay huwag kang tumigil pag-aaral at pagpupursigi sa iyong mga pangarap. Ang salitang ISKO ay isang madaling hakbang para maging DOST scholar. Kung ikaw ay isang mahirap ngunit karapat-dapat na mag-aaral na nais mag-aral ng agham at teknolohiya, huwag kang mag-atubili na subukan ang ISKO at maging isang DOST scholar. Ito ay isang pagkakataon na hindi mo dapat palampasin.

Fishery Highschool
Jorezel Dagooc
Keziah Faith Tolentino
Analiza Osman

HITIK SA INOBASYON

Fish Polvoron, ito ang bago

Tikman ang sekreto ng hindi pangkaraniwang paghango ng isang ordinaryong panghimagas

Matamis, masarap, at kadalasang kinakain ng lahat, ito ang polvoron. Isang pagkaing Pilipino, na isang panghimagas. Isang matamis na polvoron lang ang ating alam, ngunit paano kung may isang fish polvoron, o di kaya’y may meat polvoron, kakain ka ba? o di kaya’y titikman mo ba?

Sa panahon ngayon, kung saan ang mga bagong imbensyon ay parte na ng ating buhay ngayon, mga bagong ideya ang umuusbong na nagbibigay ng maraming kaalaman. Hindi lamang para sa mga negosyante, kundi para rin sa mga mamamayan na humahanap ng bagong trabaho upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa buhay. Ang layunin ng mga bagong inobasyon, ay upang matuklasan ang mga bagay na akala nati’y walang silbi, ngunit may pakinabang pala. Isa na rito ang Fish Polvoron bilang bagong produktong nakitaan ng mga aquaculture students ng potensyal.

Ang Polvoron o pulboron ay isang Filipino-style shortbread na gawa sa toasted flour, powdered milk, asukal, at butter o mantikilya. Ibig sabihin, ang polboron ay isang matamis na pagkain, at dahil shortbread ito, ito ay mura para sa mga nga kabataan. Bilang bagong imbensyon, ginawan ito ng bagong resipe ni Dra. Laurentina Calmorin. Dinagdagan niya ng offal o tirang buto ng bangus, ang pagkaing polboron. Si Dra. Calmorin ay isang mananaliksik at propesor mula sa Northern Iloilo Polytechnic State College (NISPC) sa Estancia, Iloilo, sentral ng Pilipinas. Dinagdagan niya ng higit na halaga ang polboron sa pamamagitan ng pagpapayaman nito ng calcium at protina. Si Dra. Calmorin, ay nagsagawa ng pag-aaral gamit ang mga buto ng bangus, bilang karagdagang sangkap sa paggawa ng polboron. Ayon kay Dr. Calmorin, nagsimula ang ideya bilang isang sangay ng kanilang 50 kg sa isang linggong quota ng bangus na ipinapadala sa Maynila.

Ginawa ni Dra. Calmorin ang bagong resipe na gamitin ang buto bilang isang sangkap sa polboron sa pamamagitan ng paggiling nito hanggang sa mapulbos. Tatlong uri ng polvoron ang ginawa ng pag-aaral. Ang pagkakaiba nito ay ang ratio ng bone meal powder sa mapowdered milk. Sa pagsusuri ng Northern Iloilo Polytechnic State College (NISPC), iniulat ni Dra. Calmorin na karamihan ng mga panelist na nagsuri, ay katanggap-tanggap ang produkto sa tuntunin ng amoy, kulay, lasa, at tekstura at sinabi na “gusto nila ang pulboron.” Ang makabagong pag-aaral na ito ay nanalo ng pangalawa sa premyo ng Aquatic Technology Enterprise Award na itinataguyod ng Philippine Council on Aquatic and Marine Research and Development (PCAMRD). Nakatanggap si Dra. Calmorin ng plaque at cash award na may halagang ₱30,000. Nagpahayag siya na mula noon ang Milkfish Bone Polvoron (MBP) ay naging mabenta at kumikita, sa mga bayan kung saan sagana ang bangus na

kayang tanggapin ang MBP bilang kabuhayan at madagdagan ang kita ng mga taong nakatira dito. Bukod pa rito, sinabi ni Dra. Calmorin na hindi lang ang buto ng bangus ang maaaring isangkap sa polboron, kundi maaari ring gamitin ang iba pang uri ng fishbones, tulad ng tuna. Hindi lang ito ang nag-iisang produkto na ginawa ni Dra. Calmorin, gumawa rin siya ng milkfish bone soup, bonemeal baby food, sardines spread, at mga de-latang seaweeds (Gracilaria). Bilang isang tech-voc focused highschool ang paaralan ng Kipit Agro Fishery Highschool (KAFHS), isa itong ideya upang magkaroon ng bagong pagkakitaan ang paaralan. Lalong-lalo na sa Aquaculture major, ito ay isang bagong kaalaman para sa kanila na matutunan ang bagong imbensyon. Isa din itong malaking daan upang matulungan ang ating kapwa mangingisda, kung saan matutulungan silang itangkilik ang kanilang nahuling isda. Bagaman hindi madali ang proseso nito, ngunit isa din itong alternatibong puhunan ng hanapbuhay.

Kung kaya naman sa kasalukuyan, hinahango at ginagawa ito ng mga bread and pastries, food processing students, katuwang ang aquaculture students, upang magkaroon rin sila ng kaalaman kung paano magamit ang mga buto-buto ng isda. Mahirap man itong gawin kung isipin, pero kung tutuusin, ito ay isang pagkakataon na gumawa ng isang bagong produkto. Isang bago, at di pamilyar

Una sa Labason

MSU-Naawan, DOST , nagsasagawa ng pananaliksik sa sea cucumber species sa isla ng Bayangan, Labason

Pinangunahan ng Mindanao State University - Naawan (MSU-Naawan), katuwang ang Department of Science and Technology (DOST), ang isang masusing pag-aaral sa saganang populasyon ng dagat-pipino (Actinopyga echinites) sa baybayin ng Bayangan, Labason, Zamboanga del Norte noong Oktubre 7-8, 2024.

Pinasinayaan ang proyekto sa isang seremonya na dinaluhan ni Hon. Jelster Ed T. Quimbo, na kinatawan ni Atty. Stephanie Castillo, ang Municipal Administrator, kasama sina MA Patrick Jayson D. Jabay at Fishery Tech Neil Francis M. Wenceslao. Kasama sa proyekto ang pagsasanay para sa mga lokal na mangingisda at mga opisyal sa tamang paraan ng pagkuha ng tissue samples mula sa dagat-pipino. Layunin ng pagsasanay na palalimin ang kaalaman ng mga mangingisda sa mga tamang teknik ng koleksyon ng genetic samples, na magagamit sa pagpapalawak ng kaalaman at pamamahala sa yamang-dagat ng rehiyon.

Ang proyekto ay naglalayon ng mas epektibong pangangalaga at pamamahala sa mga yamang dagat ng rehiyon, habang pinapalakas ang kapasidad ng lokal na komunidad sa pagaalaga sa kanilang mga likas na yaman. Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, inaasahang magkakaroon ng positibong epekto sa kabuhayan ng mga mangingisda at sa pangangalaga ng dagat-pipino sa kanilang lugar.

CH3COOH SHOCKS! NIPA-KURAT!

Katas ng Nipa, mainam na alternatibo sa paggawa ng suka

Nakakikilig ang asim at natural mula sa likha ng kalikasan— ito ang suka. Isang sawsawan na hindi mawawala sa hapag-kainan pati na sa handaan. Kalimitang gawa sa niyog at tubo, ngunit paano kung mula ito sa katas ng nipa?

Ang suka ay isa sa ating mga culinary treasures kung ituring. Mula sa adobo hanggang sawsawan, ito ay naging isang mahalagang bahagi na ng ating kultura at kasaysayan. Ang suka ay nabubuo sa pamamagitan ng masalimuot na proseso ng fermentation o pagbuburo

Ngunit nakaisip ang mga henyo ng STEM

NIPAkurat na suka gawa sa katas ng nipa. Ito ay hindi na bago sa ibang lugar, ngunit kung sa tutuusin, wala pang nakakaisip bayan ng Labason. Nais nila itong maging kompetensya ng Sukang ‘Pinakurat’ na

commercially distributed sa bayan ng Labason. Ang proseso nito ay nagsisimula sa pag-ipon ng katas nito na mayaman sa natural sugars na kung saan ay mainam para isailalim sa fermentation sa tulong ng yeast (pampaalsa) o good bacteria. Simple man ito sa iyong paningin ngunit susubukin nito ang pasensya ninyo sa tagal ng panahon na marapat itong iimbak. Napakahalaga ang oras sa paggawa nito, dapat swak at saktong matured na ang bunga nito, hindi kulang, hindi labis. Ayon sa mga pahayag ng mga gumagawa ng suka mula sa nipa, nagtatagal ng lima hanggang siyam na buwan bago ito maging handa para kunin ang katas mula sa tangkay ng bunga. Kung angkop ang katas, iniimbak ito sa malinis na banga sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo. Ang paggawa ng suka mula sa katas ng nipa ay ang naisipan ng ilang henyo ng STEM 12 upang maging paksa sa pananaliksik. Ang hindi nagamit na bunga ng nipa ay maaaring gawing nata de coco o, maging ang katas nito ay maaari ring gawing alcohol. Walang masasayang sa bunga ng nipa.

infograpiks

Binibigyang diin ng gawaing ito ay Sustainable Development Goals No.14 (Life Below Water)

LESStics, PLUSthings

Pag-recycle sa single-used plastic products , tugon sa hamon ng lumulobong plastic waste

Lumitaw bilang isang mabigat na suliraning pangkapaligiran ang plastic waste dahil sa likas nitong katangiang hindi nabubulok. Sa patuloy na pagdami ng populasyon, ang dami ng mga basurang plastic ay lumulobo rin lalo na’t ang Pilipinas ay pumapangatlo sa may pinakamalaking kontribusyon sa plastic pollution, ayon sa Duke Nicolas Institute (2022). Bilang tugon sa krisis na ito, ang pag-recycle ang isa sa mga naiisip na dahilan ng mga napiling mag-aaral ng paaralan upang mabawasan ang akumulasyon ng mga basurang plastik. Sa proposal ng mga participating students mula baitang 11 sa STEMazing competition ng paaralan, iminungkahi nila ito bilang paraan, hindi lamang para mabawasan ang dami ng plastic waste, kundi para mapagkikitaan rin ng mga tao. Ayon sa kanila, naging inspirasyon nila ang inisyatiba ng isang start-up company na Lesstics na may tunguhing makalikha ng roofing tiles gamit ang tone-toneladang single-used plastic (SUP) wastes.

“Kailangan tayong maging malikhain sa pagbuo ng mga kagamitan gamit ang SUPs upang mabigyang buhay ang mga tambak-tambak na basurang plastic sa paaralan,” ani Harvy Peace Suminggit.

Bagaman hindi na bago ang konsepto ng pagrecycle, ayon sa kanila, napapanahon pa rin ito dahil hinding-hindi nauubos ang plastic waste.

Binibigyang diin ng pangkat ang pagsulong sa Sustainable Development Goals (SDG) bilang 12, na “Ensure sustainable consumption and production,” sa kadahilanang hindi lamang sa paaralan talamak ang mga plastik, kundi ang buong mundo.

YAMANG DAGAT SA ATING PALAD Itinatala ng mga eksperto ang tamang bilang ng mga dagat-pipino na isa sa mga biyaya ng kalikasang ating tinatamasa. Larawang mula LGU Labason.
Kyan Basa
Keziah Faith Tolentino
Keziah Faith Tolentino
Keziah Faith Tolentino
Analiza Osman

MALING PANG-UNAWA PANGANIB NG

>

Ang katotohanan sa likod ng nauusong POP PSYCHOLOGY

Sa panahon ngayon, mabilis kumalat ang impormasyon at uso ang iba’t ibang konsepto na tila nagbibigay ng madaling solusyon sa mga problema. Isa sa mga nauusong ito ay ang “pop psychology”, isang pinasimpleng bersyon ng sikolohiya na makikita sa mga self-help books, social media, at viral trends. Bagama’t mukhang kapaki-pakinabang ito, mahalagang tandaan na ang pop psychology ay hindi kapareho ng tunay na sikolohiya.

Ang pop psychology ay tumutukoy sa mga ideyang sikolohikal na ginawang mas simple para madaling maintindihan ng publiko. Halimbawa nito ang mga tips na tulad ng “paano maging confident” o “paano baguhin ang mindset para magtagumpay.” Ngunit, kadalasan, kulang ito sa basehang siyentipiko. Ang mga sikat na konsepto tulad ng “toxic positivity,” “law of attraction,” at “growth mindset” ay maaaring mukhang tama, pero hindi palaging naaayon sa tunay na agham ng sikolohiya.

May mga panganib din ang pop psychology. Dahil sa sobrang pagpapasimple, nagiging sanhi ito ng maling paggamit ng mga psychological terms. Halimbawa, hindi lahat ng malungkot ay depressed; ang depression

Ahas sa paaralan, huwag pangambahan

ay seryosong kondisyon na kailangang suriin ng eksperto. Ang mood swings ay hindi agad nangangahulugan ng bipolar disorder, at ang pagiging maayos o organisado ay hindi palaging obsessive-compulsive disorder (OCD). Ang maling pag-label sa mga ito ay maaaring magdulot ng kalituhan at maling pagunawa, lalo na sa mga tunay na nangangailangan ng tulong sa kalusugan ng isip.

Sa Pilipinas, may malaking kakulangan sa mga psychologist, isa para sa bawat 100,000 Pilipino ayon sa RenewHealth. Dahil dito, mahalagang makuha ang tamang impormasyon mula sa eksperto. Ang tunay na sikolohiya ay nakabatay sa siyensiya at mas detalyado ang paliwanag nito tungkol sa ugali at emosyon ng tao.

Bagama’t maaaring makapagbigay ng inspirasyon ang pop psychology, dapat tandaan na hindi ito palaging tama o sapat. Mahalagang kumonsulta sa mga mapagkakatiwalaang source tulad ng lisensyadong psychologist o siyentipikong pagaaral. Huwag ding matakot humingi ng propesyonal na tulong kung kinakailangan.

Sa huli, ang pop psychology ay maaaring magbigay ng panimulang ideya, pero ang tunay na sikolohiya ang nagbibigay ng mas malalim na pag-unawa sa kalusugan ng isip. Ang kombinasyon ng tamang impormasyon at gabay mula sa eksperto ang makakatulong upang mapabuti ang ating pang-araw-araw na buhay.

Sa sunod-sunod na pagkakataon, may mga insidenteng may namataang ahas sa paaralan. Halos lahat ay wala masyadong kamuwang-muwang tungkol sa hayop na ito, maaaring maturing itong banta para sa kanila. Ngunit, hindi dapat umabot sa ganitong sitwasyon.

Sa panahon ngayon ay tunay nga namang nagsisikalat na ang mga ahas

Emmy Jan Sari

may lunas pa?

Sa katunayan, nang ipinasuri ang mga namataang ahas sa mga eksperto mula Philippine Snakes FB community, ang mga ahas na ito ay mga rat snakes na isang uri ng non-venomous snakes o mga ahas na walang lason o mga dinakamamatay na mga ahas. Hindi dapat kabahan dahil ang bawat kagat nito ay magdudulot lamang ng sugat at madali lang itong malulunasan. Ibinilin rin ng mga eksperto na huwag itong patayin dahil binabalanse nito ang ecosystem, at kumakain lang ito ng mga daga at iba pang peste sa damuhan Gayunpaman, kinakailangan pa rin nating mag-ingat at wag masyadong pakampante dahil hindi lahat ng ahas ay non-venomous, may mga ahas din na napakadelikado. Malaking kaluwagan sa loob ang katotohanang ang mga ahas na nakaka engkwentro ng mga bata at guro sa KAFHS ay di-nakakamatay at walang lason. Mag-ingat.

Pag-AI-linlang

Sa gitna ng patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, hindi na bago sa bawat estudyante ang usapin tungkol sa mga Artificial Intelligence (AI). Kaakibat ng tumataas nitong popularidad, ay ang kontrobersiyang nakapalibot patungkol sa mga AI detector na naglalayong kumilatis ng mga akda upang malaman kung ito ba’y AI generated o hindi. Subalit, patungkol sa isyung ito, tumataas ang pagkabahala ng maraming manunulat. Gaano nga ba ito ka tumpak upang gawing basehan sa pagiging tunay ng isang artikulo o akda? Ang resulta ba nito ay siyang magtatakda ng pagiging mabisa ng isang manunulat?

Sa umuusbong na popularidad ng AI, naging talamak ang paggamit ng karamihan dito at maalaki ang naitutulong nito sa bawat taong gumagamit nito. Bukod sa mabilisang paggawa ng mga takdang-aralin, talagang malawak ang sakop nito. Kaya nitong mag generate ng mga larawan, magresolba ng mga problemang mathematical at gumawa ng artikulo sa isang pindot lamang. Dahil sa pagiging popular nito, nagiging maingat na rin ang mga guro sa bawat takdang-araling ipinapasa ng mga mag-aaral. Mayroon na ring gumagamit ng mga AI detector upang makilatis ang mga takdang-araling ipinapasa ng mga estudyante. Dahil dito, apektado rin ng umuunlad na teknolohiya ang reputasyon ng maraming mga batang dyorno.

Naging mainit na usapin ang mga AI detector na ito para sa mga batang manunulat, sapagkat karamihan sa mga akda na orihinal nilang isinulat ay natatagpuang AI generated. Subalit ano nga ba ang basehan ng AI detector na ito upang kilalaning AI generated ang isang artikulo? Sang-ayon kay Petar Marinkovic ng SurferSEO; ”AI detectors don’t understand language as well as humans do. They only rely on historical data from their training sets to make predictions as confident as possible.” Ibig sabihin ang mga AI detector ay idinisenyo base lamang sa mga datos, statistikong surbey at karaniwang kaalaman. Sinusuri nila ang mga panipat sa wika, istruktura nga mga pangungusap, pagpili ng salita, at maging ang tono upang matukoy ang mga likas tipikal na nilalamang binuo ng isang AI. Ngunit kailangan nating mapagtanto na hindi malawak ang pag-uunawa ng AI detector sa wika kung kaya ay maraming mga akda ang natatagpuang AI generated. Lalo na kapag ito ay sulat nga mga manunulat na marunong maglaro ng mga lengguwahe. Maraming mga manunulat ang bihasa sa paggamit ng idyomatikong ekspresyon at mga malalalim na salita. Lahat ng ito ay pasok sa kriterya ng AI detector upang masabing ang isang akda ay AI generated. Sa madaling sabi, ang mga AI detector ay hindi maaring gawing batayan sa paghatol kung ang isang artikulo o akda ay orihinal na sulat o AI generated. Bagaman mahalaga ang kalidad ng isang akda, mahalaga ring mapahalagahan natin ang mga manunulat na totoong mayroong pagkahumaling sa pagsusulat. Kailangan man nating masigurado ang pagiging orihinal ng isang akda, kailangan din nating maunawaan na mahalaga rin ang reputasyon ng bawat manunulat. Marahil ang AI detector ay isa sa mga medyum na makakatulong upang matukoy ang pagiging orihinal ng isang akda, subalit sa ng journalismo ay kailangan nating maging makatwiran. Hindi natin pwedeng iasa sa isang sistema na idinisenyong mayroong limitasyon sa pagkikilatis ng akda ang reputasyon ng

Maliit na banta, huwag ismolin

Sa bawat pagsalubong ng araw at gabi , matatanaw natin sa ating kalangitan ang mga munting ibong nagliliparan. Sa pagsapit ng kahapunan, dumadagsa mga maliliit na ibon sa mga wirings ng Labason Public Market kung saan ay tinatawag nating “migratory birds”. At ito’y nag-uunahan sa alambreng kanilang naging tahanan. Ngunit sa pagbugso ng hanging amihan, maari itong magdulot ng kapahamakan.

Sa pag-ihip ng hanging amihan, makikita ang mga ibong maliliit “lawin-lawin,” nagsidagsa at nagliliparan. Sumasama sa hangin, nagtitipon sa mga kable ng kuryente. Bagamat magaan at maganda silang tanawin, hindi natin nararamdaman ang mga panganib na dulot nila. Ang mga ibong ito ay may dalang kaligayahan sa mata, ngunit sa ilalim ng kanilang masilayan ay may banta na hindi natin agad napapansin, ang banta sa ating kalusugan at kaligtasan Hindi ba’t nakakabahala na sa kanilang paglipad, ang mga dumi nila ay nakakabit sa mga linya ng kuryente? Habang ang mga dumi ay natutuyo, nagiging daan ito ng mga mikrobyo, fungi, at bakterya na nagsisilbing panganib sa atin. Ayon sa mga eksperto, ang mga dumi ng ibon ay maaaring

magdala ng mga sakit tulad ng histoplasmosis at cryptococcosis, mga sakit na umaatake sa ating mga baga, nagiging sanhi ng matinding ubo at hirap sa paghinga. Ang mga sakit na ito ay naroroon sa ating paligid, at tayo, na hindi nakikilala ang banta, ay patuloy na nalalantad dito. Ang mga ibong “lawin-lawin,” na bahagi na ng ating buhay, ay hindi lamang tanawin na nagbibigay kulay sa ating bayan. Sila rin ay nagiging banta sa mga kalsadang puno ng establisimyento, mga tindahan at merkado, kung saan ang bawat isa sa atin ay nagsisilbing nag-aalaga sa kanilang mga kalakal at buhay. Ang mga dumi nila ay bumabalot sa ating paligid, pumapasok sa ating mga katawan habang tayo ay abala sa mga gawain natin sa buhay. Ang mga ibon, kahit maliit, ay may malaking epekto sa ating komunidad. Kaya’t tayo, bilang mga tagapangalaga ng ating bayan, ay may responsibilidad na mag-ingat at magtulungan.

VS.
Keziah Faith Tolentino
Josierey Auditor
Kyan Basa

Kakulangan sa hangin, malalaking kalaban, tinuturong dahilan sa pagkabokya ng KAFHS Lady Kickers sa ZNAA ’24 — Jamandron Sisters sports analysis

Sa kabila ng pamamayagpag ng KAFHS Lady Kickers sa Cluster Meet, kinulang pa rin ang kanilang paghahanda sa pagbabalik nila sa Provincial Meet ngayong taon.

Ani Michelle Jamandron, “Ginawa namin ang aming makakaya kaso malaki lang talaga ang aming mga katunggali, kung ikumpara samin na maliliit.”

“Bukod diyan, hindi pa namin nakukuha ang tamang timpla sa training para mas lumakas ang aming cardiorespiratory endurance, kakapusin talaga kami ng hangin sa tuwing makakalaban namin ang powerhouse na Liloy at Manukan,” saad ni Irish Jamandron.

Nagpahayag din si Irish Jamandron na nais nilang makatunggali ang mga powerhouse teams sa isang friendly game upang malaman nila kung ano ang kanilang weaknesses at strengths.

Dahil dito, mas naging madalas ang trainings ng team upang mas mahasa ang kanilang endurance.

FOLLOWING THE STEPS

MAGKAPATID PATID NG

Pagsunod ni Irish Jamandron sa yapak ni Michelle

Ang lamparang naging ilaw tungo sa panalo, ngayo’y ipapasa ang sinag sa panibagong manlalaro. Pagiging alas sa koponan, dumadaloy sa lahi ng pamilya.

Naimpluwensyahan sa paglalaro dahil sa kanyang kapatid na si Michelle Jamandron ang team captian ng KAFHS futsal team, nagliyab ang apoy sa puso ni Irish Jamandron. Ipinakilala sa kanya ang ligaya na mababatid sa paglalaro at kumatawan ng isang paaralan, pagpapakita ng bagsik at angking lakas sa pagsipa tungo sa panalo. Dala ang mga kaalaman mula sa kapatid, nagsikap si Irish upang makamit niya ang kanyang inaasam na pagkilala. Na hindi lang dahil sa kanyang kapatid siya’y mapapansin, gumawa siya ng sariling kasaysayan.

Nagsimula ang lahat taong 2023, isang estudyante mula sa baitang 9 ay sumalang sa try-outs ng futsal team. Sa lahat ng kanditatong atleta, siya ay namayagpag. Kitang-kita ang kanyang angking galing sa pagdala nga bola. Namangha si coach Charls Dielon Canda ng KAFHS futsal team at kinuha si Irish bilang manlalaro. Sa unang provinvial meet ni Irish, ay batid niya na kulang pa ang insayo na kanyang ginawa. Mahina pa ang sipa and depensa, napagtanto niya na dapat siyang magsikap at maging determinado.

Isa sa pundasyon sa paglalaro ni Irish ng futsal ay walang iba kundi ang idolo niyang kapatid. Dahil sa kanyang kapatid, nakilala niya ang mundo ng futsal, kung saan naramdaman niya na merong mas malaking indibidwal na nakatago sa kanyang sarili. Ang pagsunod sa yapak nga kanyang kapatid ay isa sa magandang desisyon na kanyang nagawa, hindi lang siya nakilala sa laro kundi siya mismo nakilala niya ang kanyang sarili. Hindi lang kagalingan sa laro ang mamamana ni Irish sa kanyang kapatid, pati nadin ang titulong team captain ng KAFHS futsal team.

Ngayon si Irish ay nasa baitang 10, mga dalawang taon pa siya upang bumawi ang magsanay.

Palaging sinasabi ng kanyang kapatid na hindi dapat maging kampante, dapat paghihirapan ang isanc panalo.

FIRST STEPS

Nagsimula sa dilim ang isang munting ilaw na naging lampara tungo sa panalong ninanais, sa mga pagsubok na dumating sipa niya’y nanaig. Isang kuwento ng pagsisikap at determinasyon, ilalahad.

Taong 2022, nang nagsimula ang futsal team ng kipit agro-fishery high school sa pamamahala ng dating coach nito na si Ginoong Arnold Arnas. Sa loob ng 16 na mga atleta na sumalang sa try-outs, 14 lamang ang nakapasok, may isang estudyante mula sa ikasampung baitang ang nagning-ning. Si Michelle Jamandron ang pangalan, panalo ang inaasam. Nainganyo sa mga video sa internet nagsimula ang interest ni michelle sa larangan ng futsal, mula sa panonood ng mga sipa, hanggang siya na mismong sumisipa. Dito nagsimula ang apoy sa puso ni michelle na ginamit niya sa bawat laro na dumanting. Ang unang taon nila ng kanyang team ay labis silang pinahirapan, napagtantuhan nila na kulang ang kanilang pagsisikap. Ipinabatid sa kanila ang bagsik ng Manukan futsal team sa provincial meet 2022, at iniwanan ni sila ng puntos na 1-21. Dahil sa labis na pagkadismaya nila sa resulta ay ginamit ni Michelle ito upang pagbutihin ang kanilang laro.

Bagong taon, bagong coach, lumipat ng eskwelahan si Coach Arnold Arnas. At sinalo ni Ginoong Charls Dielon Canda ang pamamahala sa KAFHS futsal team taong 2023. Sa tulong ng higpit na pagsasanay ni coach Canda, ang buong koponan ay nag-improve. Dala ang pagsisikap, si Michelle ang hinirang team captain simula sa taon na iyon, dahil sa pagiging alas nito sa kanilang koponan. Huling taon na ni Michelle sa high school, dahil siya ay magkokolehiyo ngayong taon. Labis ang kaniyang kagalakan at panghihiniyang na nararamdaman. Kagalakan dahil alam niyang malakas ang kanilang koponan, at panghihinayang dahil lilisan na siya kasama ang ibang niyang kakampi na nasa baitang labing dalawa.

Noong provincial meet 2024 ay ipinakita ni michelle ang bunga ng kaniyang determinasyon, sa muling pagkikita nila sa Manukan Futsal Team ay napantayan nila ito. Naging higpit ang laban, ngunit sila ay natalo, peru nagbigay sila ng isang makabuluhang laro.

Sa kabila nga lahat, masasabi ni Miichelle na nasiyahan siya sa kaniyang paglalakbay sa larangan ng futsal. Kinuha siya bilang varsity sa paaralan ng JRMSU- Tampilisan Campus, nakita ni Ginoong Gee Xyrus Pamunag, coach ng futsal team ng nasabing paaralan, nakita nito ang potensyal ni michelle. Hindi lang coach ang nakakita sa galing niya, maraming siyang tagahangang sumusuporta. Ang istorya ng pagtahak sa tunguhin ni Michelle ay isang testamento na gamit ang pagsisikap at determinasyon, makakamit mo ang panalo na iyong inaasam.

Pagtahak ni Michelle Jamandron sa Larong Futsal
Shen Mae Gamutin
Harvy Peace Suminggit
Harvy Peace Suminggit

KAFHS Lady Sprinters, nag-uwi ng pilak, tanso Alsid Edim

Muling nagpamalas ng mala-tigreng bilis sa ikatlong pagkakataon ang KAFHS Lady Sprinters upang makauwi ng pilak at tansong medalya sa paaralan sa naganap na track events ng kakatapos na Cluster-5 Meet ngayong taon na ginanap sa Jose Memorial State University Campus, Tampilisan, Zamboanga Del Norte.

Isinilad ng 15-anyos na si Stephany Bucalod ang kanyang ikalawang pilak na medalya sa kanyang ikalawang pagkakataon ng Cluster-5 Meet.

Tumakbo si Bucalod sa women’s 200m dash sa tinatayang 27 segundo, kasabay ng pagsisimula ng karera ay saktong-sakto sa tiyempo na magpabida ang atleta upang manguna sa pabilisan ng pagtakbo.

Subalit sa hindi inaasahan, biglaang humabol ang katunggali na nagliliyab na sa bilis dahilan upang masingitan nito ang mala-tigreng bilis ni Bucalod sa finish line sa pagkamit ng gintong medalya at pumangalawa lamang ang Lady Sprinter ng KAFHS.

Kasama nito ang baguhang mananakbo na si Ivy Flores isang estudyante ng ikawalong baitang. Mainit na sinimulan ng Lady Sprinter ang karera at nagpamalas bilis sa pagtakbo sa 1500m at nasungkit lamang ang ikalimang puwesto, sa ikalawang pagtakbo ni Flores sa 3000m ay nasungkit niya ang tansong medalya hindi na masama para sa isang baguhan.

Kasabay nito, magkasamang sinungkit ng dalawang Lady Sprinter ng KAFHS na sina Bucalod at Flores ang gintong medalya ng District Meet nito lamang taon.

Tumakbo si Stephany Bucalod ng 800m at napasakamay ang gintong medalya, habang si Ivy Flores tumakbo ng 3000m at inangkin din ang gintong

26.8 SEGUNDO. Ito ang tinagal ni Stephany sa kanyang 200m dash. Larawang kuha ni Kyan Carlo Basa.

Tagumpay sa Huling Sandali

Ganadong nagsimula ang unang quarter nang kaagad na nagpakitang gilas si Ramram Ornado gamit ang kanyang mga liksi’t diskarte kaya hawak ng Bulls ang kalamangan sa iskor na 16 - 8. Unti-unting nasusungkit ng Marians ang tila timpla ng laro sa pangunguna ng Point Guard na si Ryan James Cadaveda dahil humabol ito ng 7 points at sinamahan pa ng 5 rebounds, natapos ang ikalawang quarter sa pagkatabla, 25 - 25. Hindi nagpakampante ang koponan at kaagad na nagparamdam si Norben Atong nang humataw ng solidong 8 puntos sa unang limang minuto ng ikatlong quarter upang mabawi ng Bulls ang kalamangan sa iskor na 37 - 29.

Sa pagsapit ang huling quarter, lumayag kaagad ang higanteng center ng Marians na si Ethaniel Georpe sa unang limang minuto nang bumwelta ito ng sunod-sunod na perimeter shot at inside shot na nagpahirap sa katunggaling Bulls na makapalag at tuluyang makalapit sa iskor na 46 - 44. Nagpatuloy ang palitan ng magkatunggaling koponan, hanggang sa mapakawalan at maipasok ang Counted Foul lay-up ni Ryan James Cadaveda at mag tie ang iskor sa 52-52 sa nahuhuling sampung segundo inakala ng lahat na ang tagumpay ay nasa kamay na ng Marians, subalit hindi naipasok ni Cadaveda ang isang free throw shot kaya tie iskor ang laro sa 52 - 52 sa mga nahuhuling segundo.

Kasabay ng pagkakamaling ito, hawak ng Bulls ang bola at nang biglang hindi namalayan ng Marians na animo kidlat na nakawala ang nagliliyab na si Ramram Ornado at naihirit pa ang agaw-eksenang contested lay-up bago pa man tumunog ang Buzzer na siyang nagpawagi sa hindi mapigilang Bulls laban sa Marians. Isinara ng KAFHS Bulls ang dikitang laban na may 2 puntos na kalamangan kontra sa SMCL Marians, 54 - 52.

editoryal

Mitsa ng Pagkukulang

Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging malikhain at talentado sa kahit anong larangan. Ito ang naging daan kung bakit maraming mga Pilipino ang nanalo sa iba’t ibang larangan sa Olympics. Patunay dito ang pagkapanalo nina Carlos Yulo sa artistic gymnastics at Hidilyn Diaz sa weightlifting. Ngunit, hindi talaga maiiwasang may pagkakataon na tila maputulan ka ng pagkakataong maipakita ang iyong galing dulot ng kakulangan sa dekalibreng pasilidad, katulad ng nangyari sa makaraang Palarong Pambansa 2024.

Sa pag-host ng sports events, mahalaga talaga ang maayos na pasilidad para sa maayos na daloy ng paligsahan. Sa kakulangan ng preparasyon para sa kahit anong sports events, lalo na sa pasilidad, nasasayang nito ang paghihirap ng mga atleta, sumisiklab din ang mga kontrobersiya, at minsan nagiging dahilan para maudlot ang mga kaganapan. Kagaya ng nangyari sa isinagawang ika-64 edisyon ng Palarong Pambansa na ginanap sa Cebu, kinulang umano ng 1.5 meter sa 400 meter na international standard ng World Athletics ang newly-refurbished track oval. Dahil dito, tinuring ang pasilidad na sub-standard, kaya’t ang mga nabaling records sa mga events ay mapupunta sa wala.

“The good news is the 110-meter hurdles that was set a few days ago is honored because this is part of the straight line including all the records of the 100 meters. Unfortunately, those beyond 200 meters and further will not be part of the Palaro records,” ani ng Cebu City Sports Commission chairman John Pages. Dagdag pa dito, “We can recognize any records on all submitted times in the track events as we have substandard track that is less than the 400m,” paliwanag ng Palarong Pambansa Athletics Technical Director Jeannette Obiena. Nakapanlulumong isipin na ang mga paghihirap at

SAGANA ANG MEDALYA

Labason team nagdomina sa swimming

paghahanda na ginawa ng ibang manlalaro ay tila nawalan ng saysay dahil sa mga pangyayari. Ang pagiging sub-standard ng oval ang nagkait sa mga atleta ng oportunidad na baliin ang national records. Kung napigilan at hindi nangyari ang ganitong pangyayari marami sana tayong mga manlalaro o atleta na nabigyan ng pagkakataong baliin ang national record. Bago sana kunin ng mga lungsod o probinsya ang hosting rights ng isang event, marapat ay maging handa muna sila.

Alam naman natin na ang mga pagkukulang sa bawat sports event ay hindi maiiwasan. Hindi lang naman ngayong edisyon ng Palarong Pambansa na may pumutok na kontrobersiya.

Pero dapat sa pagtanggap nila ng hosting rights sa ganitong mga palaro, kailangang i-assess ang mga posibleng panganib at mga hadlang, upang kung ang mga ito ay mangyayari, madali nalang itong masolusyonan.

Sa ganitong mga sitwasyon ay dapat na magmulat sa mga host o punong-abalang lugar, pagdating sa paghahanda, upang mapigilan ang ganitong mga sitwasyon na mangyari ulit. Para sa mga estudyanteng nakipaglaban doon, hindi man natin nabali ang records, marami pa naman tayong mga pagkakataon para gawin ito. Tiwala lang sa panginoon at sa sarili, magkakaroon din ng pagkakataon na mangyayari ito.

Gaya ng inaasahan, naghari ang Labason Swimming Team sa pagtatapos ng Cluster 5 Meet noong ika-26 ng Nobyembre para sa back to back champion sa Rizal Memorial Sports Complex pool sa Znac, Tampilisan.

Sa pangunguna ni Mohammad

Abdul Rahman Kudiyangal ng

Kipit Agro Fishery High School na nagkamit ng kanyang pinakaunang

Most Valuable Player award, nakopo ng Labason Men’s Swimming team ang kanilang ikalawang sunod na kampeonato matapos maghakot ng kabuuang 10 gold medals at siyam na silver medals.

Sumisid si Kudiyangal ng tatlong gold medals (100 meter breaststroke, 200 meter breaststroke at 4/50 meter freestyle relay) at silver (400 meter freestyle) upang

tanghaling MVP. Kasabay nito si Dense Almario, dahil nagpataw ito ng dalawang gold medals (100 meter breaststroke at 200 meter breaststroke).

Sumegunda sa kanila ang Tampilisan Swimming team na may 10 bronze medals, at pumangatlo naman ang Gutalac Swimming team.

Sa women’s division, nakalikom naman ang lady swimmers ng Labason Swimming team ng anim na gold medals at limang silver medals para makamit ang kampeonato. Nagreyna ang lady swimmers

Powerpuff Gois, tinambakan ang Arcane Sentinels

sa may pinakamaraming medalya nang manguna ang rookie na si Frezyl Mae Romero, nagbitbit ito ng dalawang gintong medalya (100 meter freestyle at 200 meter freestyle) upang maselyuhan ang kampeonato.

Sumatutal, humagip ang mga Labason swimmers ng pinakamaraming medalya sa buong Cluster 5 at nagawang maungusan ang dating katabla nilang Tampilisan Swimming team sa makaraang cluster meet.

“Sumisid kami hindi lang para sa medalya, kundi para sa karangalan ng Labason.

Hinubog ng Grade-12 Powerpuff Gois ang Grade-11 Arcanes Sentinels sa iskor na 4-2 sa Mobile Legends Bang Bang Tournament noong ikawalo ng Nobyembre 2024, ginanap ang laban sa Computer Laboratory ng Kipit Agro-Fishery High School (KAFHS). Kasabay nito ang pagdiriwang ng 32nd Founding Anniversary ng nabanggit na Mataas na Paaralan. Kaagad na nangibabaw ang Powerpuff Gois sa unang round sa pamamagitan ng kanilang malalakas na team fight at ambush, na naging sanhi ng pag-abot ng kill tally sa 11-3 sa loob ng limang minuto ng laro. Sa ika-14 na minuto, matagumpay na nawasak ng Powerpuff Gois ang lahat ng Midlane Turret ng Arcanes, hindi na nag-aksaya ng oras ang grupo at kaagad nilang pinatumba ang base, na naging sanhi ng kanilang tagumpay sa unang laro. Sa pagdating ng ikalawang round, sumubok ang Arcanes na makahabol sa Powerpuff Gois

Apple Mae Laurencio
VICTORY. Magiting na dinepensahan ng Powerpuff Gois ang kanilang titulo sa KAFHS MLBB Tournament Larawang kuha ni Zhean Gerald Alzaga
Alsid Edim

BAGONG GEM SA GYMNASTICS

Dyamante ng KAFHS kwalipikado, Provincial Meet

Alsid Edim

angibabaw si Marylord Diamante ng Kipit Agro-Fishery High School (KAFHS), matapos makamit ang gintong medalya sa women’s rhythmic gymnastics individual floor finals sa Cluster 5 Meet, Lunes, Nobyembre 25, 2024 sa Znac, Tampilisan.

higit pang bihasa sa kanya. Dumaig pa rin ang kanyang hangarin na makatungtong sa Palarong Probinsya.

Sa huling minutong natira, ibinuwis na ng babaeng himnastiko ang lahat ng kanyang makakaya mula sa paggamit ng special moves na Leaps at Jumps Series, nagbigay pahiwatig ito na lulubusin niya ang walang sawang suporta at tiwala na inihandog sa kanya ng kanyang Coach na si Gng. Arcel

Sa bandang huli, nanaig parin ang kahusayan at kumpyansa sa sarili na ipinamalas ng atleta na si Marylord Diamante na nagpatunay, ang kagalingan

QUICK FIGHT

Bajan ng KAFHS, nilupig ang BNHS

at karunungan ay wala sa edad upang makamit ang hangarin at tagumpay dahilan na maangkin ang gintong medalya sa Cluster 5 Meet.

Kamakailan lamang naging matunog ang pangalan ni Marylord Diamante matapos nitong magreyna sa naganap na District Meet ngayong taon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon ni Diamante na magbigay karangalan sa Munisipyo ng Labason at higit na sa paaralan ng Kipit Agro-Fishery High School (KAFHS) bilang Grade-7 Student na makalusot sa Palarong Probinsya.

indi man lang napawisan ang isang White Belter sa larangan ng taekwando ng KAFHS (Kipit Agro- Fishery High School) na si Bajan Sansaluna laban sa Balas National High School sa ginawang sparring noong Nobyembre 25, 2024 na ginanap sa Tampilisan Z.N.

Sinimulan ni Bajan ang laban sa mga simpleng pagsipa at pag-iwas sa mga banat ng katunggali.

Sa kalagitnaan ng away nagpalabas na ng sundod-sunod na body kick si Sansaluna subalit pa simple namang bumabawi ng sipa ang kalaban at nagtuloy-tuloy na nga ang kanilang

Sa nalalapit na pagtatapos ng

labanan, ipinamalas na ni Bajan ang tinatagong Turning hook kick at sinundan pa ito ng front kick na hindi maiwas-iwasan ng kanyang kalaban. Tuluyan na ngang tinapos ni Bajan ag labanan sa loob ng tatlong minuto lamang . Dahil sa mga ipinamalas na katapangan at galing ng atleta ,sa huli siya ang hinirang na wagi at napili upang ipanlaban para sa Provincial

BAJAN SIKAD NG PALABAN. Pinakawalan ni Bajan Sansaluna ang kanyang malakas na sipa laban sa BNHS na naging daan sa kanyang pagkapanalo. Larawang kuha ni Kyan Carlo Basa.

Bitong, pinayuko ang kalaban via KO.

Meet sa tulong ni G. Mark Anthony Carido isang guro ng KAFHS. “Nagpapasalamat siya sa mga effort ng guro sa pag-ensayo sa kanya” saad ng atleta. Ang naturang laro ay friendly fight lamang sapagkat walang ibang paaralan ang may entry na atleta sa larangan ng taekwando at tanging BNHS lamang.

Nakopo ni Cristian Bitong ng Kipit Agro-Fishery High School (KAFHS) ang Cluster 5 Meet junior division championship matapos pabagsakin sa first round gamit ang straight double hook at uppercut ang katunggali na mula sa Tampilisan National High School (TNHS) noong ika-26 ng Nobyembre sa Molos, Tampilisan. Nagwagi ang 15-anyos na boksingero laban sa TNHS sa pamamagitan ng technical knockout win sa unang round.

Maagang nagpakita ng bagsik ang dalawang boksingero sa pagsisimula ng unang round, matapos magpakawala ng ilang malalakas na suntok, subalit biglang tumama ang napakasolidong double straight jab ni Betong sa boksingero ng TNHS. Nang makita ni Betong na nahihilo na ang katunggaling boksingero, hindi niya tinigilan ang pagpapakawala ng mga suntok. Solidong straight double hook at brutal na uppercut ang binitawan ni Betong upang kahindik-hindik na mapadapa ang katunggali nito. Dahil dito, pumagitna ang referee, at nagdesisyon na itigil na

ngunit tila nahirapan sila sa pagbasag ng kaaway, subalit nanaig sila sa pagpabagsak ng tatlong midlane turret matapos ang ika-13 minuto. Hindi na nila sinayang ang pagkakataon at agad nilang sinalakay ang base ng kaaway na nagresulta sa kanilang tagumpay sa ikalawang laro.

Sa ikatlong round, nanalo muli ang Powerpuff Gois laban sa Arcanes Sentinels, at mabilis namang nakabawi sa ikaapat na round sa pamamagitan ng kanilang gank. Dahil sa mahusay

na laro ng Powerpuff Gois, nakamit nilang makuha ang ”Victory” sa ikalimang round. Sa ikaanim at panghuling round, nakapagpakita ang Powerpuff Gois ng matinding team fight na nagdulot ng hirap sa pagdepensa ng Arcanes, sa nalalapit na ika-34 minuto, patuloy pa rin ang Arcanes sa pagprotekta sa kanilang base, subalit sa tindi ng kanilang kalaban, nabigo sila sa pangangalaga sa kanilang base turret, dahilan upang maghari ang Powerpuff Gois at ideklara Kampeon ng Mlbb Tournament.

ang laban sa nalalabing 1:21 mark sa unang round. Matapos ang panalong ito, nanatiling undefeated si Betong matapos pumalo sa 3-0, na may isang knockout ang kanyang record.

Nagsilbing magandang aral sa 15-anyos na si Cristian Betong sa larangan ng boksing ang naging laban niya sa kampeonato ng

Samantalang nakuha naman ni Mariane Nadine Maravillas ang titulong MVP na may 5-0-15 KDA (KillDeath-Assist). ”Sa totoo lang, hindi ko naisip na ako ang magiging MVP sa huli naming laban, pero para sa akin, ang parangal na ito ay hindi lamang para sa akin kundi para rin sa lahat ng aking mga kasama,” ayon kay Nadine

patama sa mga magulang

ni Apple Mae Laurencio

Kontrobersiya, anong epekto sa mga atleta?

Cluster-5 Meet, resulta ito ng pagsisikap at tiyaga sa ensayo.

pinaghahandaan ni Bitong ang kanyang laban. kuha ni Kyan Carlo

Sa rurok ng makasaysayang kampanya ni Carlos Yulo sa 2024 Summer Olympics na nagbigay sa kanya ng dalawang gintong medalya, umusbong ang kontrobersya ukol sa kanyang hidwaan sa kanyang ina na si Angelica Poquiz Yulo, na nagdulot ng maraming talakayan at isyu. Ang mga isyu, tulad ng kalagayan ng ina at anak, ay maaaring magkaroon ng epekto sa mga atleta, at ito rin ay magiging isang distraksyon para sa mga kalahok. At sa kaukulan ni Caloy, mabuti na lang at hindi siya nagpaapekto dito. Una sa lahat, ang mga kontrobersiya ay maaring maging mga sagabal, na nagpapahirap sa mga atleta na magtuon ng pansin sa kanilang isport. Maaari itong magresulta sa pagbagsak ng pagganap, dahil ang kanilang kaisipang enerhiya ay nahahati sa kanilang isport at sa alingawngaw. Sa ilang pagkakataon, ang mga atleta ay maaaring makaranas ng mas matinding presyon upang magtagumpay at labanan ang mga negatibong opinyon. Ikalawa, ang karanasan ng isang atleta ay madalas na puno ng mga pagsubok, presyon, at mga inaasahan na maaaring makasira sa kanilang mental, emosyonal, at pisikal na kalusugan. Isang matibay na sistema ng suporta ang kinakailangan upang matulungan ang mga atleta na mahusay na harapin ang mga pagsubok na ito. Isa na rito ay tulong mula sa mga pamilya, na karaniwang nag-aalok ng batayan ng walang kondisyong pagmamahal at pagtanggap na mahalaga para sa pag-unawa sa sarili at tiwala ng isang atleta. At kapag natuklasan nilang tinutulungan sila ng mga kapamilya, kahit anong antas ng pagganap ay maaaring makabawas sa kanilang presyon ng pagganap. Sa kabila nito, maswerte si Caloy isang matibay na atleta na kahit gaano kalaki o kung gaano kaalat ang kontrobersya, hindi niya hinayaan na maging rason na magpatalo sa kanya. Bilang isang atleta, hinahangaan ko ang kanyang tapang sa pagharap at pag-iwas sa epekto ng kontrobersya sa pagitan niya at ng kanyang ina. Samakatuwid, maituturing nating hindi simple ang pagsugpo sa isang kontrobersya lalo na kung ikaw ay may likas na pagkataong

tambilang Kabuuang medal tally ng KAFHS sa Cluster Meet ‘24-25

Alsid Edim
Kristlyn Joy Fajardo

FOOT THE THIRD TIME

KAFHS Lady Kickers, tagumpay na nadipensahan ang kanilang titulo sa ikatlong pagkakataon

Kristlyn Joy Fajardo

Patid ng Magkapatid... p.17

Walang mintis na ikinamada ng Lady Kickers ng Kipit Agro-Fishery High School (KAFHS) ang kanilang mababangis na pagsipa upang masangga ang kanilang titulo sa ginanap na Cluster Meet sa Tampilisan, Zamboanga Del Norte noong Nobyembre 25-29 2024.

Sa simula pa lamang, sinulit ng kickers ang oras nang nagpakawala si Irish Jamandron ng isang goal sa tulong na assist galing sa kanyang kapatid na si Michelle Jamandron.

Hindi naman nagpahuli si Baroy ng Tampilisan nang mahuli na niya ang timpla ng laro at maipasok ang sureball goal at matabla ang puntos, 1-1. Nagpakawala naman ng lumiliyab na sipa si Michelle na sumakto sa goal.

Sa huli, inakala ng KAFHS Lady Kickers na mapapasakamay na nila ang laro ngunit agad namang nagkamali si Magarao at nagtamo ito ng own goal error dahilan upang magtabla muli ang iskor, 2-2.

Sa ikalawang game, agad namang umabante sa pagdepensa ang defender na sina Magarao at Campilan upang pigilang maka puntos ang katunggali. Subalit, naisahan pa rin sila ni Amantillo ng makalusot ang bola sa kamay ng mga defender.

Agad namang nagsipag si Irish

upang opensahan ang kabilang koponan. Uminit naman ang paa ni Michelle ng malakabayong pagsipa sa first half ng laro, dahilan upang supalpalin sila ng first goal. Sa kabilang dako, hindi naman mapigilan ng Tampilisan ang KAFHS at tuluyan na silang nahirapan at matagilid.

Sa second half, umusok na ang angking galing ni Irish at walang hirap na nagpa-ulan ng tatlong sunod-sunod na goal na kumandado sa kanilang panalo. Natuldukan ang laro at nangibabaw ang KAFHS Lady Kickers, sa bisa na 5-1. Laking pasasalamat ni sir Charles Canda (coach at trainer) sa pagkapanalo ng koponan. Aniya pa, “Wala jud mi nag expect nga mo daog ato Kay kusog sab among kontra pero naa Ra japon Koy salig sa akong players” saad niya. “Fighting spirit Ra Ang among panlaban ato” dagdag niya.

Aabante na sila sa ZNAA 2024 sa ikatlong pagkakataon.

Ipagpatuloy ang ating dominasyon.

- Irish Jamandron

ISPORTS

Bisitahin ang FACEBOOK PAGE

Tagumpay sa Huling Sandali KAFHS Bulls, sinuwag ang titulo laban SMCL Marians sa basketball championship game

Sa kamay ni Ramram

ang

SA UNANG PAGKAKATAON

Kafhs Lady Smashers, pinaluhod ang Tampilisan Women’s Volleyball team, Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Kipit Agro Fishery High School REHIYON IX • DIBISYON NG ZAMBOANGA DEL NORTE TOMO XXV BLG. 1 • AGOSTO 2024 - DISYEMBRE 2025

ng Inter-High School Labason Multi-Purpose Cooperative Basketball Tournament matapos nitong pumukol ng isang Big Buzzer Winner Shot lay-up sa nahuhuling segundo, laban sa SMCL Marians sa iskor na 54 - 52, Oktubre 27 2024, Imelda Covered Court, Brgy. Imelda, Labason.

Walang kahirap-hirap na namituin ang KAFHS Lady Smashers ng Labason matapos durugin ang Tampilisan Women’s Volleyball team, 25-11, 25-16, 25-18 sa pangkampeonatong laro ng Volleyball kaugnay sa ginagawang Cluster 5 Meet na ginanap sa New Dapitan, Tapilisan nitong ika-27 ng Nobyembre.

Unang set pa lang ay umarangkada na ang Lady Smashers. Nagpakalat ng maraming error ang Tampilisan Women’s Volleyball Team, na sinamantala ng Lady Smashers kasabay ng kanilang solid na teamwork, 25-11.

Sa ikalawang set ay kaagad na nagpakitang bagsik si Raiza Pangilayan ng Lady Smashers, matapos nitong magpakawala ng mga solidong spikes at nagawang tapusin ng maaga ang set, 25-16.

Matapos tambakan sa naunang dalawang set, sinubukang bumawi ng Tampilisan Women’s Volleyball team ng ilang puntos sa pagsisimula ng ikatlong set.

Subalit mabilis na nakabawi ang Lady Smashers, dahilan sa pagkakaroon ng magandang koneksiyon ng bawat manlalaro, upang tuluyan ng matuldukan ang laban, 25-18. Bagamat naging malakas ang opensa ng Tampilisan Women’s Volleyball team ay hindi parin ito sapat upang buwagin ang depensa ng Lady Smashers at tuluyang isuko ang kampanya. Malaki ang naging parte ng pagkakaintindihan at pagtutulungan ng Kafhs Lady Smashers sa kanilang laban kontra Tampilisan Women’s Volleyball team kaya walang hirap na naselyuhan ang kampeonato.

Alsid Edim
PAK LAGAPAK. Pinatikim ni Raiza Pangilayan ng mala-bulalakaw na ispayk na siyang nagpanalo sa Lady Smashers Larawang kuha ni Kyan Carlo Basa
KAFHS vs. TNHS
MALAKABAYONG PAGSIPA. Pinakawalan ni Irish Jamandron ang kanyang naglalagablab na sipa. Larawang kuha ni Kyan Carlo Basa
DSPC 2024 PINAKAMAHUSAY NA SPORTS PAGE SA DIBISYON NG ZANORTE
Ipagpatuloy sa... p.18
NAGLALAGABLAB NA
LAY-UP. Mainit ang naging laban ng KAFHS at ng SMCL. Larawan kuha ni Zhean Gerald Alzaga.
Alsid Edim
Ornado, matagumpay na naiuwi ng Kafhs Bulls
kampeonato

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.