N A M A L NILA n o y n i p o
n i a l a h t la
ag-tek
isports
n a g n a r a p ka
balita
ang
024 2 3 2 0 2 n a nuru a P g n o a T l Schoo h g i H g n a r ng Pa n a l a r a a p m ang Pa g a y a h a P a Opisyal n
Batch 2023-2024, nagsipagtapos Pagbati sa mga nagsipagtapos na mga mag-aaral sa Senior High School (SHS) ng Parang High School (PHS)! Nagtipon ang mga mag-aaral sa Baitang 12, mga guro at kawani ng paaralan at mga magulang at iba pang miyembro ng komunidad upang ipagdiwang ang seremonya ng pagtatapos para sa taong panuruan
2023-2024 sa gym ng PHS. Dumalo sa okasyon ang punong lungsod ng Marikina, Marcelino R. Teodoro, mga konsehal ng Ikalawang Distrito, punong barangay ng Parang, Tatang Zulueta, at mga kagawad gayon din ang dating kongresista, Romero Federico S. Quimbo. Si G. Galcoso C. Alburo na
siyang kumatawan sa Dibisyon ng Marikina ang kasama ng punongguro, Gng. Jeanette J. Coroza ang tumanggap at kumilala sa mga mag-aaral na tinawag at umakyat ng entablado. Ang mga mag-aaral sa Baitang 12 ay natapos ang mga strand tulad ng Science, Technology, Engineering and Mathematics
(STEM), Accounting and Business Management (ABM), Technical Vocational Livelihood (TVL) track na Food and Beverage Services (FBS), Electronic Products Assembly and Services (EPAS) at Shielded Metal Arc Welding (SMAW). Nauna nang isagawa ang pagkilala sa mga nagtamo ng karangalan noong Mayo 29.