Libreng access sa internet handog
“Equipping our schools with the tools they need, such as reliable internet, open doors for opportunities and innovation.”
Iyan ang naging pahayag ni Mayor
Noel L. Villanueva matapos isulong ng Local Government Unit (LGU) ng Concepcion ang pagpapakabit ng libreng Wi-Fi sa Benigno S. Aquino National High School (BSANHS), Disyembre 2. Ipinagkaloob ng LGU, sa pamumuno ni Villanueva, ang libreng Wi-Fi sa paaralan bilang bahagi umano nang mas malawak na programa na naglalayong palawakin ang paggamit ng teknolohiya sa mga paaralan sa bayan ng Concepcion.
Maaaring ma-access hanggang dalawang oras araw-araw mula blue building hanggang sa mga classroom ng garments at beauty care kung saan umaabot ang koneksyon ng Wi-Fi.
Naka-monitor din ang mga websites na binibisita ng connected devices kaya madali umanong ma-block sa pagaccess ang mga mayroong inappropriate search history at mga nasa prohibited websites. Ayon naman sa network administrator ng paaralan, Dr. Karlo Anunciacion, Dalubguro II, inimplementa sa school quadrangle ang free Wi-Fi kung saan ligtas umano ang router switches dahil secured ang mga classroom at open ang space sa mga nais kumonekta.
Sa ngayon, nasa 60 lang ang devices na maaaring kumonekta sa Wi-Fi bago bumagal ang connection dahil mayroon lamang umanong dalawang access points sa paaralan.
Saad naman ng

punongguro, Dr. Amparo M. Muñoz, plano umano niyang dagdagan pa ang access points ng Wi-Fi sa paaralan.
Pahayag ni Kimberly Hipolito, 10Diamond, bagaman limitado ang kayang matugunan na bilang ng mag-aaral bago bumagal ang koneksyon, kapakipakinabang ang Wi-Fi dahil nakatutulong ito sa kanilang pag-aaral.
“Kapag nasa hall
po kami nagagamit namin kasi hindi po kami laging may load kaya nagagamit po namin ‘yun for school purposes,” dagdag ni Hipolito.
Naniniwala rin ang punongguro na makatutulong ang Wi-Fi sa mga guro at mag-aaral upang ma-practice ang tamang paggamit ng Artificial Intelligence (AI), mabilis na communication, at access sa resources.
“Everyone is one click away from getting information. In just one click of a finger, you have all the world,” saad pa ni Muñoz.
Samantala, para naman sa pangkalahatang plano sa technology sa paaralan, long term vision umano ng punongguro na gawin sanang computer aided ang BSANHS.
ANG PAROLA
Opisyal na Pahayagan ng Benigno S. Aquino National High School Tomo XLIX Blg. 1 | Hulyo 2024 - Enero 2025
BSANHS sunod-sunod na nasungkit ang kampeonato sa 161st Concepcion Foundation Celebration
Muling pinatunayan ng Benigno S. Aquino
National High School (BSANHS) ang galing matapos masungkit ang tatlong kampeonato mula sa iba’t ibang paligsahan sa pagdaraos ng ika-161 taon ng Concepcion Foundation Celebration na ginanap sa Municipal Plazuela, Disyembre 10 hanggang 12.
Binubuo ang tatlong kampeonato ng mga paligsahang: Municipal Quiz Bee, Inter-School Cultural Contemporary Dance Competition, at Mr. High School.
Nasungkit nina Zac Rafael A. Miclat ng 7-STE Del Mundo, Ana Jamilah C. Macaraeg ng 8-STE Aristotle, Micaella Sabelle R. Monloy ng 9-STE Lavoisier, at Rhiann Joseff S. Tulio ng 10-STE Galileo sa Municipal Quiz Bee sa ikaapat na pagkakataon, Disyembre 10.
Ayon kay Tulio, “Winning the Municipal Quiz Bee for the fourth time in a row made me feel multiple emotions all at once. I am happy that we won the competition, relieved that the competition is over and slightly sad because this is my last time participating in the competition.”
Wagi rin ang BSANHS Dance Troupe sa Inter-School Cultural Contemporary Dance Competition matapos kalabanin ang pitong paaralan, Disyembre 11.
Kinoronahan naman bilang kauna-unahang Mr. High School 2024 si Karl Zanjho Bugay, STEM 11-Cassiopeia, Disyembre 12.
Pagbabahagi ni Dr. Amparo Muñoz, punongguro IV, “Hindi ka magiging masaya kung ikaw lang ang magaling. Kailangan magaling ako, magaling ang mga guro, at magaling kayo [Aquinians], kumbaga, you lift one another as you go up, lahat tayo, hindi iisa lang ang aangat, kaya kailangan ng teamwork para mag-shine ang bawat isa.”
Higit sa pitong paaralan ang nagtunggali sa mga naturang paligsahan kabilang na rito ang:
Caluluan National High School, Estrella Aquino National High School, Anastacio G. Yumul High School, Concepcion Holy Cross College, Inc., at Concepcion Catholic School, Inc..
Bagaman hindi sapat ang naging oras para sa paghahanda, nagbunga naman ang kanilang pagsasanay sa tulong ng iba’t ibang kagawaran ng paaralan.




Gantimpalang salapi
Php 100, 000
Kategorya sa pagpipinta at iskultura.
Php 10, 000
Kategorya sa NonRepresentational Painting, Representational Painting, Digital Art, Photography, at Print & Ink.
Obra ng Aquinian kampeon sa
Luzon Art Fair 2024
Ipinamalas ng isang Aquinian ang kanyang talento sa larangan ng sining matapos maitanghal bilang kampeon laban sa daan-daang kalahok sa Luzon Art Fair 2024 na ginanap sa Bulwagang Kanlahi sa Tarlac City noong Oktubre 5-6.
Pinangalanang si Justin Carl Ancheta, mag-aaral sa ika-12 baitang ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) strand ng Benigno S. Aquino National High School (BSANHS) ang nakapag-uwi ng grand prize sa kategoryang sculpture making.
Ayon kay Ancheta, pinamagatan niyang “Progression” ang kanyang obra maestra dahil sa kanyang personal na nararanasan na kung saan sumisimbulo sa kanyang pagusbong bilang isang artist na baguhan pa lamang sa industriya.
Dagdag pa ni Ancheta, ang sariling ama ang kanyang naging inspirasyon sa paggawa ng obra maestra dahil isa rin itong trabahador sa larangan ng paglililok, kaya naman nagkaroon na ito ng ideya sa pagguhit, pagpinta, at paggawa ng iba’t ibang iskultura noong bata pa lamang.
Samantala, pinangunahan ni Melissa Yeung-Yap ang Luzon Art Fair 2024 na dinaluhan ng asawa nitong si Cong. Christian Yap, Gov. Susan Yap, iba pang mga politiko, kapwa artista, at pangkalahatang publiko. Hindi lamang sculpture making


ANAK NG CONCEPCION: Muñoz handang maglingkod sa sa riling
bayan
Mainit
ang naging pagtanggap ng paaralan kay
National
Concepcion, Setyembre 2.
ang naging kategorya ng nasabing kompetisyon, nagkaroon din ng lima pang kategorya tulad ng Non-Representational Painting, Representational Painting, Digital Art, Photography, at Print & Ink.
Tumanggap ng Php. 100,000 na gantimpalang salapi, tropeo, sertipiko ng pagkilala, at tampok sa Katinko Artbox ang mga nagwagi sa mga kategorya ng pagpipinta at iskultura. Php. 10,000 na gantimpalang salapi, sertipiko ng pagkilala, at ang nabanggit na tampok naman ang tinanggap ng mga nanalo sa natitirang mga kategorya.
Kasama sa iba pang mga parangal na nagbigay ng pagkilala sa mga artista ang Governor’s Choice, Vice Governor’s Choice, Jurors’ Choices, at Sponsors’ Picks. PhP50,000 na gantimpalang salapi ang iginawad ng Governor’s Choice, samantalang PhP30,000 bawat isa ang natanggap mula sa iba pang mga parangal.
Bagong mantra ng BSANHS
pinagbuti pa ni Muñoz
Pinagtibay ni Amparo M. Muñoz, Punongguro IV ng Benigno S. Aquino National High School (BSANHS) ang pagbabago ng mantra ng paaralan upang lalong paigtingin ang disiplina ng mga mag-aaral noong Nobyembre 11, Lunes.
Mula sa mga dating mantra na “Aquinian ku, Pagmaragul ku” at “Cabiasnan, Casalesyan, at Casanayan, Tatak ning metung a Aquinian!” na binago sa “Disiplina at Galing ing Armas Ku, Aquinian Ku, Pagmaragul Ku”, nagtatampok ng tunay na diwa ng pagiging isang Aquinian.
Paliwanag ni Muñoz, hinango niya ang bagong mantra sa mga dating mantra na binuo nina Dr. Conrado Domingo Jr., dating Officer-in-Charge (OIC)Office of the Principal - BSANHS Education Supervisor I, Science at Dr. Joel Guileb, Education Program Supervisor - Schools Division Office (SDO) Tarlac Province School Governance and Operations Division (SGOD),
upang mapanatili ang kahulugan nito ngunit madaling matandaan.
“Hindi mawawala ‘yung tatlong C pero gagamit lang ako ng mga words na madaling matandaan. Pero ing kanakung focus is character and excellence na kailangang pagmaragul de ring Aquinians,” pagbabahagi ni Munoz. Hangad ng bagong mantra na maging gabay upang maitaguyod ang disiplina sa loob at labas ng paaralan.
Kasalukuyang ginagamit ang bagong mantra sa pagbubukas ng klase, flag ceremony, files at papeles ng paaralan, stationeries, at mga organisasyon ng paaralan.
Disiplina at Galing ing Armas Ku, Aquinian Ku, Pagmaragul Ku
Matapos ang 16 na taon ng dedikadong serbisyo bilang punongguro sa iba’t ibang bayan, nagbunga ang kaniyang pagkakataong maglingkod sa sariling bayan, ang bayan ng Concepcion.
Si Muñoz ay minsan naging estudyante sa BSANHS. Siya ay nakapagtapos ng High School noong 1992. Pahayag ni Muñoz, siya ay masaya dahil nakabalik na siya sa BSANHS at nagkaroon na ng pagkakataon na paglingkuran ito.
Tinuloy naman niya ang kaniyang kolehiyo sa Tarlac State University bilang General Science Major at nakapagtapos noong 1996.
Si Muñoz ay nagpursigi na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Nasuklian ito nang siya ay makapagtapos ng Doctor of Education noong 2009.
“It’s a big adjustment in terms of school
culture among students and teachers,” pagbabahagi ni Muñoz sa naging reaksyon matapos ang isang linggong paglilingkod sa paaralan. Nahasa ang kaniyang kasanayan sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba’t ibang paaralan kabilang ang Cristo Rey High School na kaniyang pinagserbisyuhan ng tatlong taon at O’Donnell High School ng tatlong taon at pitong buwan bago ito mailuklok sa BSANHS.
“Nakapapagod talaga kasi 6 a.m. magbibiyahe na tapos 45 minutes drive. Hindi pa nagsisimula, pagod na,” saad naman ni Muñoz matapos ang naging karanasan sa pagiging Punongguro sa ibang bayan.
Sa ilang buwan ng pagkaluklok ni Muñoz sa paaralan, napatunayan
niya ang galing ng isang principal sa pamamagitan ng mga nabuong plano para sa mga mag-aaral at guro ng BSANHS.
Nitong Nobyembre 11, pinagtibay ni Muñoz ang pagbabago ng mantra ng BSANHS upang lubos na maipakita ng mga mag-aaral ang disiplina maliban sa pagiging kilala bilang matatalino. Plano rin ni Muñoz na dagdagan pa ang mga free public Wi-Fi na ibinigay ng Concepcion Local Government Unit upang mas lalong lumawak ang sakop ng Wi-Fi at maraming mag-aaral ang makagagamit nito para sa kanilang pag-aaral. Patuloy pa rin ang pagpupursigi ni Muñoz para sa mga iba pang plano sa paaralan.
Free Flu Vaccine ng DOH alok sa bayan ng Concepcion
Inisyal na ipinakilala ang programang “Free Flu Vaccine” ng Department of Health (DOH) sa tulong nina Mayor Noel Villanueva, Councilor Calvin Canlas Sardia, at Kabayan Partylist upang bigyang proteksyon ang mga residente ng Concepcion laban sa kumakalat na flu, lalo na sa panahon ng malamig na klima.
Prayoridad sa pagbabakuna ang mga senior citizens, mga buntis sa ikalawa at ikatlong trimester, at mga indibidwal na may mahinang resistensya dahil sila ang pinakamalaking panganib na dapuan ng komplikasyon mula sa flu. Ayon kay Dr. Gladys Lourdes, Municipal Health Officer ng Concepcion, Tarlac, limitado lamang ang suplay ng bakuna kaya hindi muna mabibigyan ang mga bata.
Isinasagawa ang pagbabakuna sa mga Rural Health Units (RHU) mula Enero 8 hanggang 10. Kabilang dito ang RHU 1 (Birthing Clinic) at RHU 2
(Balutu) nitong Enero 8, RHU 3 (Sta. Cruz), Enero 9, at RHU 4 (Tinang), Enero 10, simula alas-otso ng umaga. Layunin ng programa na mapataas ang immune system ng mga benepisyaryo at maiwasan ang taunang flu outbreak kaya isinama rin sa listahan ng prayoridad ang mga kaguruan, na madalas exposed sa iba’t ibang tao, upang masiguro ang kanilang kaligtasan at kalusugan sa pang-araw-araw na pasukan.
Nitong Enero 8, naganap ang isa sa mga aktibidad ng pagbabakuna sa Multi-purpose Hall ng Benigno S. Aquino
National High School (BSANHS) na tinanggap ng mga guro, staff, at ilang may espesyal na karamdaman bilang bahagi ng proyekto sa 51 na paaralan sa Concepcion. Hinihikayat ang mga kwalipikadong residente na magtungo sa mga itinalagang lugar upang magpabakuna bago maubos ang suplay dahil tinatarget na tapusin ang proyekto sa Enero 10, at maabot ang lahat ng target beneficiaries upang mapalakas ang proteksyon laban sa flu ng mga mamamayan sa Concepcion.

Upang mapalawak ang kamalayan ng mga mag-aaral ng Benigno S. Aquino National High School (BSANHS) hinggil sa pangangalaga ng kultura at pagpapahalaga sa tradisyong Pilipino, isinagawa ang kauna-unahang RAMPilipino sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipino, Agosto 30.
Bahagi ang RAMPilipino sa programa ng Buwan ng Wika na may temang
“Filipino: Wikang Mapagpalaya” at nabuo mula sa konsepto ng pagrampa ng kasuotang Pilipino na naglalayong itampok ang kahalagahan ng wika at kasuotan ng mga Pilipino.
Pagbibigay-diin ni Carlo Gutierrez, tagapagtaguyod ng programa, “Nakasentro siya kung paano nila irarampa ang kasuotang Pilipino na bahagi ng kultura natin, na posible sa
modernong mundo ngayon na sumasabay sa pagbabago sa kasuotan ng mga Pilipino.” Binuo ang patimpalak ng 24 kalahok mula sa ika-9 at ika-10 baitang; 11 lalaki at 13 babae, kung saan nagwagi bilang Lakan at Lakambini sina John Andrew Lacsina, 10-Aquamarine at Linky Gonzales, 9-Dapdap. Dagdag ni Gutierrez, nais na niyang ipagpatuloy ang pagsasagawa ng RAMPilipino sa susunod na mga pagkakataon bilang makabagong bersyon at maimulat ang mga kaisipan ng mga mag-aaral sa kulturang Pilipino. Itinampok din ng Kagawaran ng Filipino ang mga patimpalak gaya ng: Pagbuo ng Poster (ika-7 baitang), Masining na Pagbigkas ng Tula (ika-8 baitang), Madulang Sabayang Pagbigkas (ika-9 baitang), Paggawa ng Dokumentaryo (ika10 baitang), at Tagisan ng Talino (ika-7 hanggang ika-10 baitang).


BSANHS inangkin ang ikaapat na kampeonato sa Concepcion Municipal Quiz Bee
Nasungkit ng Benigno S. Aquino National High School (BSANHS) ang titulong kampeon sa ikaapat na pagkakataon sa ginanap na Municipal Quiz Bee 2024 Competition sa pagdiriwang ng 161st Founding
Nagwagi sina Zac Rafael A. Miclat, 7-STE Del Mundo; Ana Jamilah C. Macaraeg, 8-STE Aristotle; Micaella Sabelle R. Monloy, 9-STE Lavoisier; at Rhiann Joseff S. Tulio, 10-STE Galileo sa nasabing kompetisyon.
Pahayag ni Monloy, “Sobrang naginhawaan po ako, and at the same time, I felt a huge sense of pride dahil
napanatili po namin ang titulo, our fourth championship streak.”
Samantala, nagbigay daan ang mga tagapagsanay na sina Christine Jane T. Pineda, English; Anna Rose L. Quizon, Mathematics; Michael C. Reyes, Science; Rommel O. Castro, Current Events; at Danica P. Cudal, General Information, bagay ang preparasyon at sapat na oras upang mapagtagumpayan ang kompetisyon bagaman nasakripisyo ng mga kalahok sa kanilang pag-aaral, maging ang oras namin sa pagtuturo. “Nakamit po namin ang titulo sa pamamagitan ng pagsisikap at pagtitiyaga which is driven by our desire na makuha po ulit ‘yung champion title.” dagdag ni
Monloy.
Ginanap ang kompetisyon sa Plazuela Concepcion, Tarlac.
Programang
Upang matutok ang atensyon ng mga magaaral sa mga mabubuting gawa at maiwasan ang pagkakaroon ng bisyo, isinusulong ng Central Office ng Department of Education (DepEd) ang paglulunsad ng Barkada Kontra Bisyo (BKB) sa paaralang Benigno S. Aquino National High School (BSANHS) na nagsimula noong Setyembre 29.
hakbang upang matulungan ang mga estudyante na makaiwas sa bisyo at magtuon ng pansin sa mga programang makikinabang sila. “Sa ngayon, hindi pa natin masasabing epektibo ang organisasyong ito dahil bago lang siya, pero nakikita ko ang mga improvements,” dagdag ni Canlas.

Taon-taon iginagawad ang Municipal Quiz Bee bilang aktibidad para sa anibersaryo ng Concepcion, Tarlac, na may layuning magbigay inspirasyon sa mga magaaral at mahubog ang kaisipan.

Operasyon ng ‘Newest Building’ sinimulan na
Kasabay ng pagbubukas ng klase, pormal nang sinimulan ang operasyon ng bagong gusali na may apat na palapag at 20 silid-aralan matapos gibain ang pinaka unang gusali sa paaralang Benigno S. Aquino High School (BSANHS), Hulyo 29.
Layunin ng bagong gusali o kalimitang tinatawag na “Newest Building” na mapababa ang bilang ng mga magaaral mula 60 mag-aaral bawat pangkat hanggang 40 mag-aaral batay na rin sa minimum standard na klase na gusto ng DepEd sa tulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Sa kasalukuyan, ginagamit ng 38 pangkat at mga guro sa ika-10 baitang ang nasabing gusali.
Pagbibigay diin ni Amado T. Alimurong, Ulongguro VI Kagawaran ng Agham, tagapangulo ng ika-10 baitang at naatasang mamahala sa naturang gusali, nagbibigay daan ang bagong gusali upang matugunan ang lumalaking bilang ng mga mag-aaral.
“Target talagang masolusyonan ang kakulangan ng classrooms dahil na rin sa paglaki ng enrollment population,” pagbabahagi ni Alimurong.
Saad naman ni G. Carlo Gutierez, Guro I sa Filipino, “Bukod sa nakatiles, mas maayos na ceiling fan, at air-ventilation, napakalaking tulong ng bagong building kasi mas naging komportable kami sa pagtuturo ng mga aralin.”
Sa kabilang banda, pinapangalagaan ng mga staff, club organizations, guro at mga mag-aaral ang gusali.
BSANHS ESM teachers kumasa sa Khan Academy nationwide examination
Nakiisa ang Benigno S. Aquino National High School (BSANHS) sa nationwide Programme for International Student Assessment (PISA) practice test examination ng mga guro sa asignaturang English, Science, at Mathematics bilang bahagi ng kanilang pagsasanay alinsunod sa Department of Education (DepEd) Memorandum No. 002, s. 2025, noong Enero 7, Martes.
Batay sa memorandum, sumailalim ang mga guro sa pagsusulit upang mapabuti ang kanilang kakayahan sa pagtuturo at mapalakas ang mga learning sessions para sa mga Junior High School na naglalayong mapataas ang akademikong pagganap ng bawat mag-aaral.
Pagbabahagi ni Anna Rose Quizon, Guro II sa Sipnayan at isa sa mga examinee, bagaman nakaranas ng problema sa servers, binuo ang pagsusulit ng mga aralin sa ika-7
hanggang ika-10 baitang. Ginanap ang naturang pagsusuri sa online servers mula ala-una hanggang alas-dos ng hapon sa tulong ng partnership sa pagitan ng DepEd at Khan Academy.
“Possible na maging successful ‘yun, lalo na kung iko-coach talaga nila ang mga mag-eexam,” dagdag ni Quizon. Binubuo ang mga examinees ng 57 guro mula sa iba’t ibang kagawaran: anim mula sa Kagawaran ng Agham,
23 mula sa Kagawaran ng Ingles, at 28 mula sa Kagawaran ng Sipnayan. Sa kasalukuyan, inaasahan pa rin ang resulta ng pagsusulit mula sa Division Office ng Tarlac Province upang piliin ang nangungunang 15 mga guro sa bawat naturang asignatura upang italaga ang mga ito bilang tagapagsanay sa dibisyon para sa mga sesyon ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Pangunahing layunin ng BKB ang mapabuti ang mga magaaral at ilayo sila sa bisyo tulad ng paggamit ng vape at ilegal na droga.
“Gumawa kami ng ganitong organisasyon upang matutok ang atensyon nila sa iba’t ibang mga programa kaysa magbisyo sila,” saad ni Arlyn P. Canlas, Guro III, itinalagang adviser ng BKB. Ayon kay Canlas, isa siya sa mga naatasang mamahala sa mga proyekto tulad ng clean-up drives at drug symposiums na ipinapatupad, at iniimbita ang Philippine National Police (PNP) na tumulong sa mga seminar. Pahayag pa ni Canlas, kasama
Sambit na niya, ang pangangasiwa ng paaralan, mga stakeholder at iba pang mga school organizations sa komunidad ang mga kasama ng paaralan sa pagtataguyod sa programa upang maging matagumpay ito at ang suporta ng publiko ang hinihingi ng BKB upang magkaroon ng magandang kinabukasan para sa mga mag-aaral. Dagdag pa ni Canlas, nakikitang epektibo na ang mga worksyap na ipinapatupad kahit na hindi pa gaanong katagal simula noong patakbuhin ito at ang abalang iskedyul ng mga student-officer ang suliranin na kanilang hinaharap kaya kailangan nilang ipaalala ang mga responsibilidad ng mga mag-aaral bilang mga officers. Sa kabilang banda, ang pagpapatuloy ng programa sa mga susunod na taon ay inaasahang makakamtan ng organisasyon sa pamamagitan ng mga symposiums, ayon sa datos na ibinigay ni Canlas.


Diwa ng pasko ipinadama sa gift giving project ng SSLG
Upang
maipadama ang diwa ng pasko sa mga mag-aaral na nangangailangan ng suporta, nagdaos ang Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Officers ng kaunaunahang gift giving program “Helping Hand, Touching Heart,” sa Gymnasium ng Benigno S. Aquino National High School (BSANHS), Disyembre 17.
Isinulong ang programa alinsunod sa layunin ng DepEd; MakaDiyos, Makatao, Makakalikasan, at Makabansa, upang magbahagi ng munting donasyon at suporta sa mga magaaral na may kakulangan sa mga gamit para sa pag-aaral.
Ayon kay Roxy V. Robinson, SSLG President, 6% sa 8,941 magaaral ng BSANHS ang kapos sa mga pangunahing pangangailangan sa paaralan.
Umabot sa 80 mag-aaral ang nabigyan ng mga regalo mula sa donasyon.
Nakolekta ang mga mag-aaral na nabigyan ng mga regalo sa pamamagitan ng tulong ni Rose Ann H. Pili, SSLG Adviser, kasama ang mga SSLG Officers at iba pang mga guro ng iba’t ibang grade levels.
Pahayag ni Ian Jasper T. David, 7-Primrose, masaya siya at nagpapasalamat na isa siya sa mga nakatanggap ng regalo na ipinamahagi ng mga SSLG officers.
“Christmas is about giving gifts and helping each other, so the inspiration behind this event is to spread kindness, especially to
those people who really need it,” pagbabahagi ng Desiree Ann De Leon, SSLG Vice President. Nagmula naman ang mga donasyon sa 285 mag-aaral; 50 mag-aaral mula sa Grade 7, 14 mag-aaral mula sa Grade 8, 10 mag-aaral mula sa Grade 9, 15 mag-aaral mula sa Grade 10, isang mag-aaral mula sa Grade 11, 195 mag-aaral mula sa Grade 10, at iba pang mga School Club Officers. Kabilang sa mga donasyong natanggap ang mga school supplies, mga lumang laruan, mga gamit na damit, mga delata, at iba pang pagkain.
Saad ni Rose Ann H. Pili, SSLG Adviser, “Ang goal naming ay mas marami pang makuhang donations next year para mas maraming mga learners ang matulungan sa pamamagitan ng maliit na regalo .” Nagbigay tulong din ang Samahan ng Bagong SibolFilipino Club, AP Club, ESP Club, MAPEH Club, at Red Cross Youth Club upang maisakatuparan ang programa at madagdagan ang mga donasyon.
OPINYON Edukasyon sa Maling Panahon
Sa panahon ng kalamidad, ang mga mag-aaral ay nahaharap hindi lamang sa pisikal na panganib kundi pati na rin sa matitinding emosyonal na hamon. Upang masiguro ang pagpapatuloy ng kanilang pagkatuto kapag nakansela ang klase dulot ng kalamidad, pinagtibay ng OASOPS No. 2023077 ang DepEd Order No. 037, s. 2022, na nagbibigay-pahintulot sa paggamit ng Self-Learning Modules (SLM) bilang bahagi ng Alternative Delivery Mode (ADM). Bagamat mabuti ang layunin nitong hindi mapag-iwanan sa edukasyon, hindi ba’t mas nararapat na unahin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat isa sa gitna ng trahedya?
PAMATNUGUTAN
Sam

Jianne
Sa gitna ng sakuna, hindi dapat magdagdag ng pasanin ang mga aktibidad sa paaralan kundi magbigay ng pagkakataon na ituon ang atensyon sa kaligtasan at kaginhawaan. Isang tagpong nagpapakita nito ang nangyari noong kasagsagan ng Bagyong Enteng noong Setyembre 2024, na nagdulot ng malawakang pinsala. Maraming mag-
aaral ang nawalan ng tahanan, lalo na ang mga nakatira sa bukirin na umaasa sa pagsasaka para sa kanilang kabuhayan. Ayon kay Lorenzo Alvina, OIC Regional Technical Director for Research and Regulations at Disaster Risk Reduction Focal Person ng Department of Agriculture-Bicol, umabot sa P350 milyong piso ang halaga ng napinsalang pananim at iba pang produktong agrikultural sa Kabikolan, bahagi ng Luzon, matapos ang pananalasa ng bagyo. Sa ganitong sitwasyon, ang kawalan ng pangunahing pangangailangan ay nagiging hadlang sa kakayahan ng mga mag-aaral na magpatuloy sa kanilang mga gawaing pangakademiko. Bagamat mahalaga ang edukasyon, higit na kailangang unahin ang suporta na angkop sa kanilang kalagayan.
Dagdag pa, maraming mag-aaral ang nagmumula sa pamilyang hirap sa buhay at nahihirapang tugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan lalo na sa mga pampublikong paaralan tulad ng
Benigno S. Aquino National High School (BSANHS). Sa panahon ng kawalan ng kuryente, maayos na tirahan, at iba pang pangunahing bagay, nagiging halos imposible ang pagsagot sa mga modyul. Bagaman itinuturing na isang maunlad na bayan ang Concepcion, hindi maikakailang may mga residente pa rin ang hindi naaabot ng mga benepisyo ng makabagong teknolohiya. Sa hindi inaasahang pagkakansela ng klase, nawawalan ng pagkakataon ang mga guro na makapaghanda ng mga naimprentang modyul na ipapamahagi sa mga mag-aaral. Bagamat may opsyon tulad ng pagbibigay ng soft copy ng mga modyul, malaking hamon ito para sa mga mag-aaral na walang sapat na kagamitan gaya ng gadgets o koneksyon sa internet. Ang kawalan ng koneksyon ay nagdudulot ng pagkaantala sa kanilang mga gawaing pang-akademiko. Bukod dito, ang mataas na gastos sa internet ay nagiging karagdagang pasanin para sa mga pamilyang hirap sa buhay. Sa halip na maging solusyon, ang sistemang ito ay nagiging hadlang sa access ng mga magaaral sa edukasyon, lalo pang
Kavin
Nena
nagpapalawak sa agwat ng oportunidad sa pagitan ng mga nakararanas ng kaginhawahan at ng mga higit na nangangailangan. Bukod dito, ang hindi angkop na kapaligiran para sa pag-aaral ay isang malaking hamon. Sa gitna ng ingay, kakulangan ng espasyo, at patuloy na istres, nawawala ang konsentrasyon na kinakailangan upang maunawaan ang mga aralin. Sa panayam na isinagawa sa mga magaaral ng BSANHS, karamihan sa kanila ay ibinahaging kailangang sagutan ang kanilang modyul sa ilalim ng liwanag ng kandila dahil sa kawalan ng kuryente. Sa ganitong sitwasyon, imposibleng matugunan ang layunin ng kalidad na edukasyon. Hindi rin maikakaila na ang pagbibigay ng modyul sa panahon ng sakuna ay nagdadala ng hindi kinakailangang presyur. Sa takot na bumaba ang mga marka, napipilitan ang karamihan sa mga mag-aaral na
sagutan ang mga gawain kahit nasa gitna ng kawalang-katiyakan. Bukod sa emosyonal na bigat, ito rin ay umaagaw ng oras at lakas na dapat nakatuon sa pagbangon mula sa sakuna. Ang ganitong kalagayan ay hindi lamang nagdudulot ng istres kundi nagpapababa rin ng kalidad ng edukasyon, dahil napipilitang tapusin ng mga mag-aaral ang mga gawain nang walang malalim na pag-unawa. Sa kabuuan, ang pagbibigay ng prayoridad sa kaligtasan ng mga mag-aaral ay hindi nangangahulugang pagtalikod sa edukasyon, kundi pagpapakita ng malasakit at pag-unawa sa kanilang tunay na pangangailangan. Ang edukasyon ay pundasyon ng kaunlaran, ngunit magiging
mas makabuluhan ito kung isasagawa sa tamang panahon at kalagayan. Sa halip na pilitin ang pagsagot ng mga modyul, dapat ituon ang pansin sa pagbibigay ng suporta—emosyonal, pisikal, at praktikal—upang maibsan ang bigat ng sakuna. Sa ganitong paraan, tunay na makapagtataguyod tayo ng isang inklusibo at epektibong sistema ng edukasyon na angkop sa bawat mag-aaral.


DIKDIK SENTIDO
TEARmino: Wasakin Pansariling Hangarin
Nakakukunot-noong isipin na sa halip na higit na pagtuonan ng pansin ang pagsasala sa mga karapat-dapat na iluklok na lingkod-bayan, pagpapalawig pa ng termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) ang ginawang prayoridad sa paglabas ng Senate Bill No. 2816. Magdudulot lamang ito ng mas mabigat na pasanin sa bawat mamamayang Pilipino lalo’t kung walang katiyakan na ang mapupusuang mamumuno ay may kakayahan sa pagtupad ng kaniyang sinumpaang tungkulin. Ayon kay Sen. Imee Marcos,”With the longer fixed term, the barangay officials and members of the SK will deepen their understanding of both national and local issues, as well as implement their own medium-and long-term initiative at the barangay level.” Kung tutuusin, mabuti ang hangarin ng pagsusulong nito ngunit hindi naaayon sa lagay ng ating bansa na nakasentro sa kabikabilang pamumulitika’t

korapsyon. Sa halip na makatulong, mas mabibigyan lamang ng mahabang pagkakataon ang mga iilang namumuno na makagawa ng anomalya. Katunayan, ika-115 mula sa 180 na bansa ang Pilipinas sa 2023 Corruption Perception Index. Kaugnay nito, ang pinagpiyestahang hindi maipaliwanag na isyu patungkol sa confidential funds at pagsampa ng kasong Anti-Graft and Corrupt Practices sa Office of the Ombudsman sa isang kapitan ng barangay noong Agosto 8, 2023. At nito lang 2024 ay kinasuhan din ang dalawang barangay chairman dahil sa pagpasok at paglalaro sa isang casino sa Parañaque City. Tunay ngang
Isa itong patunay na manganganib lamang ang mamamayan kung ang mga opisyal nito’y tanging hangad lamang ay pansariling interes at hindi ang kapakanan ng nasasakupan.
TUWIRANG TINDIG

Paghuhukay sa Hustong Asal
Sa kabi-kabilang kaso ng kawalan ng disiplina na kinasasangkutan ng mga magaaral, unti-unti nang lumalabo ang tiyansang maging pag-asa ng bayan ang kabataan. Kahit pilit na binubusog ang kaisipan, kumakalam pa rin ang moralidad ng bawat mag-aaral.
Isang tinik na sa mga paaralan ngayon ang kakulangan ng mga magaaral sa pagkakaroon ng mabuting pag-uugali. Kadalasan, sanhi ito ng kinalakihan ng isang bata, impluwensiya ng iba, o maaaring dahil sa kakulangan ng kaalaman tungkol dito. Kung susumahin, maraming asignatura ang napag-aaralan pero isa lamang ang nakalaan para sa etika. Bagaman may integrasyon ng pagtuturo nito sa ibang asignatura, wala pa rin itong epekto sa mga indibidwal na marupok ang pundasyon sa pagiging makatao. Aanhin ang advanced na kaalaman kung nawawala naman ang pleasing personality. Sa nagdaang taon, ang kawalan ng respeto o paggalang ang isa sa mga imoralidad na dapat maituwid. Sa halip na batiin ang guro kasabay ng magalang bow, minsa’y pagbangga o pag-iwas pa ang nagiging pagsalubong ng mag-aaral. Kung makasasanayan, magiging normal na lamang at mauuwi sa pagiging intensyonal ang pagsasagawa nito na taliwas sa wastong kaasalan. Dagdag pa, matindi ang pangangailangan sa pagtuturo ng pakikipagkapwa-tao. Dahil sa kakulangan ng malasakit at pagpapahalaga sa kapuwa, nauuwi sa bullying, diskriminasyon, at iba pang katulad nito na maaaring maiwasan kung marunong makisalamuha ang bawat isa. Sadyang may mga problemang naidadaan sa mabuting usapan subalit mayroon ding maitatama lamang sa mahigpit na pagpapatupad ng mga alintunnin at pagpataw ng angkop na kaparusahan. Kasabay ng mabilis na takbo ng panahon, ang malaking pagbabago sa kaasalan ng isang mag-aaral—sa tahanan, sa paaralan, sa komunidad, sa salitaan, sa sarili. Nagkakaroon ng magkakaibang paniniwala dulot ng impluwensiya na dala ng kaniyang kapaligiran. Malinaw na halimbawa
Kung magkagayon man, ang mas mahabang termino’y nangangahulugan lamang ng mas matagal na paghihirap ng sambayanang Pilipino at patuloy na mapapako ang mga ipinangako ng iilang politiko.
Himayin pa natin, ang pagbibigay-daan sa pareparehong mukha sa mas matagal na panahon ay magpapalala lamang sa Polytical Dynasties. Kabi-kabilang iniendorso ang mga kamag-anak na susunod na iluluklok at lumilitaw na ginagawa lamang itong isang ganap na family business at sirkus ng pansariling hangarin.
Sa kabilang banda, walang dapat ipag-alala ang isang tapat na lingkod-bayan sapagkat maaari naman itong mahalal sa parehong posisyon sa loob ng tatlong termino.
Gayundin, kung mas bihira ang halalan, maipagkakait sa mga botante ang karapatang maitama ang maling desisyon sa huling halalan at maipuwesto ang may tunay na kakayahang mamuno. Lumulutang din ang sakit ng lipunan na habang tumatagal ang termino ng isang politiko’y nanawalan ito ng sigla sa pagtatrabaho. Sa halip na ang inaatupag ay agarang pagkilos, tila ba’y nagiging kampante sila dahil alam nilang matagal pa bago sila muling haharap sa halalan, na nag-iiwan ng mga nakatiwangwang na proyekto, kalsada, at establisyimento. Panahon na upang pagpirapirasuhin ang mahabang terminong magpapasakit lamang sa mga Pilipino. Simulan sa pagbabalangkas ng kuwalipikasyong naaayon sa posisyong hahawakan. Maaaring ang tatlong taon ay maikli, subalit ito’y nagbibigay ng mas malayang pagkakataon sa pagsusulong sa pagpapalit ng liderato kung kinakailangan. Ang mahabang pamumuno’t termino ay hindi laging gumagarantiya ng maayos, malinis, at tapat na pamamahala, sapagkat masasabi ko na ang tunay na sagot sa problema ay hindi ang haba ng panunungkulan, magserbisyo ng may kalidad at

ang pagmumura na kung ituring ng iba sa ngayo’y isang ekspresyon o pagpapabatid lamang ng damdamin. Gayunman, marapat na tandaang kinapapalooban pa rin ito ng mga masasakit na salitang posibleng makasakit ng loob ng mga taong iba ang pananaw hinggil sa paggamit nito. Sakit na rin sa mga magaaral ngayon ang limitadong pagpapakumbaba. Talamak na ang pagiging war freak kahit pa sa mga paaralan, kung saan nakalilimutan ang pagpipigil ng poot sa kapwa. Mas pinaiiral ang bugso ng damdamin kaysa pag-unawa sa mga ‘di pagkakaintindihan. Walang mali sa paglalahad ng nararamdaman ngunit mahalaga pa ring matutunan ng isang kabataan na magdahan-dahan sa talas ng dila at mag-ingat sa ikikilos. Sa panahon kasi ngayon, maraming musmos na nag-aakalang alam na nila ang lahat.
Dagdag pa rito, nakababagabag na rin ngayon ang pagdami ng bilang ng mga nawawalang gamit o ariarian. Maging sa mga eskwelahan, halos araw-araw may mababalitaang nawawalan ng pera, gadget, at iba pang importanteng kagamitan. Posible namang dahil ito sa kakulangan ng mga mag-aaral sa pag-iingat ng kanilang pag-aari, subalit maraming pagkakataon na dala na ito ng kalikutan ng kamay ng iilang mag-aaral. Sa kabilang banda, tunay na sa tahanan pa lang dapat hinuhubog na ang kagandahang-asal. Gayunman, sa halip na maging paksang pagtatalunan, alamin at suriin ang gampanin ng bawat isa tungo sa holistikong pag-unlad ng mga bata.
Samakatuwid, harapin ang katotohanang sa murang edad pa lamang ay kailangan nang bigyang diin ang paglalaan ng mga asignaturang magpapatibay ng pundasyon ng isang mag-aaral sa wastong kilos at pag-uugali. Upang maging epektibo, marapat na magkaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan ang guro sa pagtuturo nito at isa pa’y dapat magsilbing ehemplo ang mga magulang sa kanilang mga anak. Dahil sa totoong buhay, hindi lamang ang katalinuhan ang pamantayan, kundi maging ang taglay na moral ng isang mamamayan.


MASA
KKK: Kilos Kontra Karahasan
Taon-taong baluktot na gawain ang lumalaganap sa saanmang lupalop ng bansa— nakababahalang kilos ng madla, mga mapangahas na tingin, pang-aabuso, panghahalay, at paulit-ulit na paglabag sa karapatang pantao. Sa mga ganitong pagkakataon, apektado ang pisikal at mental na aspeto— diskriminasyon sa kasarian, paninirang puri, at iba pa. Dito pumapasok ang tunay na halaga ng Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law) o Republic Act 11313 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte—isang batas na naglalayong protektahan ang mga tao, partikular na ang mga kababaihan at LGBTQ+ community, mula sa anumang uri ng pambabastos sa mga pampubliko o pribadong lugar. Sa pamamagitan ng batas na ito, hindi lamang pisikal na kaligtasan ang tinitiyak, kundi pati na rin ang isang aspeto na madalas nalilimutan—ang kalusugan ng isipan. Samakatuwid, natututukan at napangangalagaan ang mental na kalusugan na nagiging sanhi ng takot at pag-aalala sa bawat kilos at salita. Ayon kay Army Veteran Cherie Parker, isang program specialist ng VA’s Assault and Harassment Prevention Office, maraming biktima ng harassment ang nakararanas ng anxiety, depression, at kawalan ng kumpiyansa sa sarili. Ibig sabihin nito, ang bawat seksuwal na pang-aabuso ay may malubhang impluwensya sa buong pagkatao. Kapag paulit-ulit itong nararanasan ng biktima, manghihina ang pangangatawan at pag-

DIRETSAHAN
Maging Buo Bago Mamuno!
Malaking sampal na sa atin na ang seryosong pagpili ng mga karapat-dapat na lider ay nagiging isang laro ng popularidad at palakasan ng karisma na pinapalakas ng pagkilala sa pangalan kaysa sa mga kwalipikasyon. Magiging tapat ako sa nararanasan ngayon: ang trend ng mga celebrity politician ay isang malaking biro sa ating demokratikong proseso, isang malinaw na senyales ng desperasyon sa mga botante, at isang paratang sa ating mababaw na kultura ng politika. Ngayon, ating pagnilayan ang katotohanan na
kung sino pa ang dapat nagsisilbi ay siya pang may kapal ng mukhang pagsilbihan.
Sa nagdaang taon, kabi-kabilang isyu ang nararanasan ng mga magaaral sa iba’t ibang paaralan. Ang mga kandidato ay nanliligaw sa mga estudyante gamit ang mga mabulaklak na salita at idealistikong plataporma. Ayon sa sarbey, maraming estudyante
iisip sa paglipas ng panahon. Sa ilalim din ng batas na ito ay walang nararapat tuksuhin, kutyain, at pagsalitaan ng labag sa karapatang pantao na base lamang sa kaniyang kasarian. Walang nararapat husgahan base lamang sa panlabas na katauhan. Kung kaya’t magsisilbi itong tanggulan ng mga walang boses at natatakot magsalita sa harap ng hukuman. Ang Bawal Bastos Law ay naglalayong mabawasan ang mga kaso ng paninira, pangungutya, at paggawa ng imoralidad laban sa kapwa. Ang bawat mahuhuli sa aktong nilalabag ang batas na ito ay pagmumultahin base sa bigat ng kasalanang ginawa: ₱1,000 at community service sa unang paglabag, ₱3,000 at 6-10 araw na pagkakulong sa ikalawa, at ₱10,000 at 11-30 araw naman sa ikatlo. Walang dahilan upang ang mga ito’y ipagsawalang bahala sapagkat ang bawat babala at paalala na ito ang magsusulong sa ating karapatang pantao. Tunay ngang ang Safe Spaces Act ay isang makabuluhang hakbang upang tiyakin ang seguridad ng bawat isa. Ngunit ang batas ay hindi magiging ganap na epektibo kung walang aktibong suporta mula sa bawat isa. Bilang mga mamamayan, responsibilidad nating maging mas sensitibo sa ating mga kilos at salita. Ibig sabihin, ang pagbabago ay nagsisimula sa ating mga sarili. Disiplina ang sandata, upang ang karahasan ay mapuksa. Ang bibig ay itikom, kung walang kabuluhan ang sasabihin. Pigilan ang kamay, kung gagamitin lang sa panghahalay. Maging isang mabuting mamamayan, para sa lipunang mas makatao’t makatarungan na puno ng kalayaan at kapanatagan.
ng kamera ay sapat na upang tugunan ang mga malalalim na problema ng kahirapan, kalusugan, at pambansang seguridad. At tatanungin natin kung bakit tayo ay nakapako sa siklong ito ng mediocrity.
ang nagsabi na may matagal nang nagsisilbi sa paaralan at kapwa estudyante ngunit pagkatapos mahalal ay may mga pagkakataon na hindi dumadalo sa mga gawain o aktibidad sapagkat mas pinipili at inuuna ang akademikong layunin kaysa sa pamumuno. Ang akademiks ay isa sa mga pangunahing prayoridad na dapat tugunan ng bawat mag-aaral. Subalit kung ang isang estudyante ay humabol sa student council at tapat sa kaniyang tungkulin bilang isang lider, tama ba na ipagsawalang bahala na lamang ang posisyong piniling gampanan at piliin ang akademikong pag-unlad kaysa sa pamumuno? Walang mali sa pagsisipag na pumasok sa klase at mag-aral nang mabuti. Gayumpaman, kung tapat ka sa pinili mong posisyon at gampanin ay marapat lamang na panindigan mo ang iyong desisyon at manatiling nakatatak sa iyong puso ang panumuno, pagsisilbi, at paglilingkod sa paaralan at kapwa mag-aaral.
Sa kabilang banda, ang ganitong mga isyu ay hindi lamang sa mga maliliit na organisasyon ng mga mag-aaral; nangyayari rin ito sa mga mas malaking mga personalidad sa nasyonal at internasyonal na politika. Batay sa pananaliksik ni Runn (2023), 50 porsyento hanggang 70 porsyento ng mga lider ay bigong gampanan ang kanilang mga tungkulin sa loob ng kanilang unang 18 buwan sa kanilang mga bagong posisyon. Taon-taon, ang mga Pilipino ay bumoboto para sa mga pamilyar na mukha, parang ang kakayahang pasayahin sila sa harap
Oras na para gumising! Ang tunay na isyu rito ay hindi lang ang mga estudyanteng lider na gusto ng kasikatan o celebrity na sumasakop sa politika. Ang tunay na problema ay tayo—ang mga botante. Tayo ang may kasalanan kung bakit nagiging isang paligsahan sa pagalingan sa tugmaan ng salita, tono ng pagsasalita, o karisma ang mga kandidato sa eleksyon, kung saan inuuna ang karisma at kasikatan kaysa sa substansya. Madaling sisihin ang mga kandidato, ngunit ang mga botante ang nagpapahintulot na mangyari ito. Marami sa atin ang sobrang sawa na sa bulok na sistema—pinaghaharian ng mga dinastiya at mga korap na politiko—kaya’t kumakapit tayo sa mga pamilyar na mukha na nakikita natin sa TV o sa loob ng paaralan. Isang nauunawaan na reaksyon sa isang sirang sistema, ngunit isa rin itong tamad na reaksyon. Panahon na para itigil ang pagtingin sa mga eleksyon bilang isang palabas ng talento. Ang bansa natin ay humaharap sa malubhang hamon— kahirapan, hindi pagkakapantaypantay, pagkasira ng kalikasan, at tensiyon sa paniniwala’t rehiyon. Hindi ito mga problemang masosolusyunan ng karisma at kasikatan. Kailangan natin ng mga lider na higit pa sa mga sikat na mukha. Kailangan natin ng mga indibidwal na may malinaw na pananaw para sa bansa, may kakayahang gawing realidad ang pananaw, at may pag-unawa sa mga komplikasyon ng pamamahala. Nawa’y sa susunod na halalan, tayo’y maging mulat at ihalal ang karapat-dapat.

DIRETSAHAN

KaTONGUEngahan
Mistulang katatawanan ang pagtigil sa pagtuturo ng ‘mother tongue’ mula kinder hanggang ikatlong baitang matapos “mag-lapse into law” ang Republic Act 12027, o pagpapatigil sa paggamit ng mother tongue bilang ‘medium’ sa pagtuturo sa kindergarten hanggang ikatlong baitang. Hindi maikakaila na sa ilalim ng Enhanced Basic Education Act of 2023, ang mother tongue ang magiging paraan ng pagtuturo mula kindergarten hanggang ikatlong baitang para mapabuti ang kanilang pang-unawa at literacy. Kung titingnan, kapos ang ating bansa sa pang-unawa sa pagbasa o “reading comprehension” kaya tiyak na makabubuti mga kabataan ng bayan na matutuhan nila ang

mother tounge bilang paunang wika. Ayon kay Pat V. Villafuerte,
ang kultura ay pamana ng nakaraan, regalo ng kasalukuyan, at buhay ng kinabukasan.
Pagbabago sa kultura ay hindi dapat isinasabahala ngayon. Marapat lamang na panatilihin natin ang ating wikang

Huwad na Karangalan
Paghubog ng kaalaman at kakayahan ang pangunahing layunin ng edukasyon na kung makamit ay mapatutunayan sa pamamagitan ng obhetibong pagtatasa. Gayunman, naisasakripisyo ang pagiging makatotohanan ng kalalabasan nito kung sasailalim sa transmutasyon ang mga makukuhang grado.
Kamakailan lang, naging usapusapan ang pagdami ng bilang ng mga mag-aaral na nakapapasok sa mga may karangalan. Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang pagtatanggal ng mga Top 10 list sa mga paaralan na siyang naglilimita sa mga estudyanteng magkakaroon ng akademikong karangalan. Maliban dito, isa pa sa mas kilalang dahilan ngayon ang transmuted grades na higit na nakapagpapataas ng markang nakakamit ng mag-aaral. Sa usaping ito, samu’t saring reaksiyon ang nagsiliparan habang para sa akin, ito’y isang bulok na sistemang nakakahiya sa masa. Mababang pamantayan sa mga paaralan na siya ring nagiging hadlang sa mga mag-aaral upang lalo pang magsumikap at matuto ang pangunahing kakulangan ng patakarang ito na nasasaksihan
ng mga guro ng Benigno S. Aquino National High School (BSANHS). Sa kabila ng mabilis na paglobo ng bilang ng mga nakatatanggap ng akademikong karangalan bunga ng umiiral na grading system, nananatili pa ring isa sa mga pinakamababang ranggo ang Pilipinas sa Program for International Student Assessment (PISA) results noong 2022. Bagaman layunin ng pagbibigay ng mga marka na mataya ang pagganap ng isang mag-aaral, marami sa Aquinians na pasok sa listahan ang nagpapatunay na ang resultang nakamit ay higit pa sa kanilang inaasahan. Sa halip na matuwa, mauuwi pa ito sa pagdududa sa sariling kakayahan.
Datapuwa’t ang pagpasa at pagdami ng bilang ng mga mag-aaral na napaparangalan ay nagpapahiwatig ng pagiging epektibo ng pagtuturo’t pagkatuto, marapat pa ring tiyaking ang mga salik na nagdulot nito ay may taglay na kawastuhan at kredibilidad. Sa mapait na katotohanang hatid na ganitong sistema, mag-aaral pa rin ang napag-iiwanan—na sa transmutation, marupok ang pundasyon. Edukasyon nawa ang patuloy na magsilbing tulay sa pagsulong ng mga kabataan, walang maiiwang kaalaman at ganap na malinang ang buong kakayahan.
LIHAM SA PATNUGOT
Mahal na Punong Patnugot, Isang taos-pusong pagpupugay sa iyo at sa buong pamunuan ng Ang Parola! Sa ilalim ng iyong mahusay na pamumuno, “Ang Parola” ay higit pa sa isang pahayagan ito’y naging tagapaghatid ng katotohanan, tagapagbigay-inspirasyon, at tagapagtanggol ng tinig ng bawat Aquinian.
Lubos na humahanga, Rhian Jade L. Castro
kinagisnan nang sa gayon ay hindi mamatay ang pamanang wika at maipasa pa ito sa susunod na henerasyon. Sa gitna ng pag-usbong ng teknolohiya na kung saan ang mga kabataan ay nagdedepende na rito, wikang Ingles ang nananalaytay sa mundo ng social media. Kaya subukan nating isipin, paano maipapasa ang pamanang wika kung ititigil ang pagpapalaganap nito? Gayumpaman, nakasaad sa RA 12027 na ang midyum ng pagtuturo ay ibabalik sa Filipino at Ingles sapagkat nagagamit naman ang mother tounge sa kanilang mga tahanan. Subalit, malaking parte pa rin ang kinagisnang wika ng estudyante sa pagsulong ng batas. Kung titingnan, talamak sa karamihan na ang midyum ng pagtuturo ay mahalaga upang mas maunawaan nang mabuti ang mga aralin lalo pa’t bata ang pokus nito. Ayon nga kay Tania Michaela Malaya, isang Kapampangan at kasalukuyang nasa ikaunang baitang, mas matututo siya kung kapampangan din ang paraan ng pagtuturo sa kaniya dahilan upang magawa niya ang aralin na mag-isa at hindi na humingi pa ng tulong kay Mr. Google. Kaya naman, kung mother tounge ang kinalakihan ng bata ay malaking tulong ito sa kaniya para gawing kalamangan sa pagkatuto at mapabilis ang pag-unawa.
KaTOUNGEngahang maituturing kung ito ay isusulong lalo pa’t nasa mababang ranggo ang Pilipinas sa reading and literacy noong nakaraang PISA results. Masasabi na wika ang kayamanan ng ating bansa. Maraming estudyante’t guro ang mawawalan ng pag-asang matuto at magturo sa madaling paraan. Libo-libong mga Pilipino ang pilit na pumapatay sa kayamanang ito, ni hindi ko inaasahan na pati ang batas ay magiging kabilang sa mga mamamatay— hindi tao pero kultura na magiging pamana sa susunod na henerasyon.
Oras na para buksan ang bibig at isigaw ang nararapat upang ang lahat ay makaangat! Pagkakapantay-pantay ng mabilisang pagkatuto, pagtuturo ng nakabatay sa pinag-aralan, at kultura na buhay ng kinabukasan ang hangad ng lahat. Itigil na ang nakatatawang katangahan at magpokus sa layuning mabigyan ng katarungan ang mother may malaking ambag sa sanlibutan.



Pamumuhunan sa Maagang Pagkatuto
Malaking hakbang tungo sa paghupa ng mga panganib sa kalusugan at edukasyon ang pagtataguyod ng mga programang nakatuon sa maagang pag-unlad ng isang bata. Sa paglalaan ng 104 milyong piso mula sa 2025 National Budget, masisimulan na ang pag-angat sa istandard ng Early Childhood Care and Development sa bansa. Dagdag pa, mahalaga ang pagtataguyod ng nasabing programa dahil ayon sa pananaliksik, ang pisikal at pag-unlad ng isip ng isang bata ay kritikal bago ito umabot sa limang taong gulang. Kaya, nararapat na habang maaga pa matiyak na matutukoy ng mga napapanahong interbensyon kung ang bata ay sapat o kulang sa nutrisyon bago tumuntong sa nabanggit na edad. Kaugnay nito, karamihan sa mga Day Care Centers sa Bayan ng Concepcion ang naghahanda ng pagkain para sa sa mga batang mag-aaral. Bagaman nasimulan na ang ganitong feeding programs, may iilang barangay pa rin ang walang sapat na badyet upang maisagawa at maipagpatuloy ito. Isa pa sa isinasaalang-alang ang uri ng pagkain na ihahapag sapagkat dapat tiyak na naaayon sa sustansiyang higit na kinakailangan ng mga bata. Kaagapay ng pamahalaan sa pagsusulong nito ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na mabibigyan ng

Disiplinang Wala sa Katuwiran
Hindi dahas ang pupuna sa maling nagawa, madalas ito pa ang ugat ng paglaban at pagrerebelde ng isang kabataan kung saan ang tinutukoy na pagdidisiplina ng iilang magulang ay nabibigyan ng maling interpretasyon na humahantong sa paglagpas sa limitasyon ng karapatang pantao. Ang senaryong ito’y umalingawngaw sa Korte Suprema (SC) dahilan upang muling bigyang diin ang Seksyon 3(b) at 10(a) ng Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na nagproprotekta sa mga kabataan na nagbabalak sa anumang uri ng diskriminasyon at pang-aabuso na maituturing ngang isang malaking hakbang sa pagsusulong ng hustisya tungo sa payapa at disiplinadong bansa. Sa ilalim ng nabanggit na batas, binabalaan ng SC ang bawat magulang na sinomang lalagpas sa limitasyon ng pagmumura’t pisikal na pananakit sa kanyang anak dulot ng maliit na bagay ay makukulong at magbabayad ng danyos mula sa kasalanang ginawa. Isang nakalulungkot subalit nakapag-iinit
ng ulo’t dugo ang pangyayaring bungad ng isang amang hindi pinangalanan ng Korte Suprema (SC) nito lang ika-9 ng Enero matapos disiplinahin sa maling pamamaraan ang kanyang 12 taong gulang na anak na babae na tinawag sa AAA sa pamamagitan ng pagpalo gamit ang isang kahoy na may nakatabinging pako dahil lamang sa hindi kinain ang tanghalian nito, kasabay pa nito ang pagsipa gamit ang paa ng buong lakas, pagsabunot, at paghampas sa ulo, na kung tutuusin ay maituturing pagmamaltratong tiyak na hindi makatarungan. Dahil dito, inaprubahan ng SC, na ipinahayag at isinulat ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez, ang pagkakasala ng isang ama (na ang pangalan ay hindi ipinahayag sa desisyon) para sa pangaabuso sa bata at ang sentensiya ng pagkakakulong na ipinatupad ng parehong korte at ng Court of Appeals (CA). Hindi ko mawari kung paano ito naatim ng isang magulang na saktan ang sariling anak lalo pa’t ito’y isang babae. Subalit ang napatunayang nagkasala’y nararapat managot sa batas. Walang duda na ang
PHP 80 milyon para sa scholarships ng Child Development Workers (CDW). Malaking kapakinabangan ito sa propesyonal na pag-unlad ng CDWs na nakapagtapos ng hayskul o mas mababa pa. Sa pamamagitan nito, masisigurong angkop ang kanilang kaalaman at kasanayan sa larangang ito.
Sa kabilang banda, ang natitirang PHP 24 milyon ay nakalaan sa pagsusulong ng bagong childcare centers sa mga napiling barangay. Malaking tulong ito upang mapataas pa ang bilang ng mga batang makatatanggap ng ganitong pribilehiyo. Mabubuksan din nito ang kamalayan ng mga magulang hinggil sa kahalagahan ng ECCD at magkaroon ng kabalikat sa pagpapalaki ng kanilang anak habang nasa unang taon ng pag-aaral. Magbubukas din ito ng oportunidad sa mga naghahanap ng trabaho at nais magturo sapagkat isa sa mga kwalipikadong magturo ay ang mga nakapagtapos ng Senior High School (SHS) at nakapasa sa assessment para sa CDWs.
Sa bawat taong tutungtungin ng isang mag-aaral sa kaniyang pag-aaral, napakahalaga na kanilang matatanggap ang buong suporta ng pamahalaan, ng magulang, ng guro, at ng komunidad upang makalikha ng isang Pilipinong handang harapin ang mundo ng trabaho at kayang makipagsabayan sa pamantayan ng ibang lahi.
ganitong pagmamaltrato ay hindi nararapat kunsintihin at paburan sa kadahilanang nilalabag nito ang karapatang pantao ng isang batang nais lang din ng maayos na pamumuhay.
Ang pagsusulong ng ganitong proteksyon sa mga kabataang Pilipino ay pagtutuwid sa maling nagawa ng ibang tao
Hindi palaging matutumbasan ng kapatawaran ang idinulot na perwisyo’t kapighatian. Madalas na ang mga salitang hindi sinadya, at nadala ng bugso ng damdamin, ay hindi sapat upang malunasan ang problemang ginawa.
Sa senaryo sa pagitan ng magulang ay nararapat nagkakaunawaan at isinusulong ang pagmamahalan hindi sa bayolenteng pamamaraan. Hindi nararapat idinadaan sa init ng ulo ang pagkakamaling nagawa ng iba o maging sa dahas na maaari namang pag-usapan. Ang bawat magulang ay may karapatang disiplinahin ang kani-kanilang anak subalit sa maayos at taos-pusong pagmamalasakit.
Sa huli, kung nanaisin ay madaling takbuhan ang kasalanang ginawa, subalit mahirap takasan ang konsensya. Oo, marahil makatatakas ka, ngunit hindi sa mahabang panahon. Sa mata ng batas ay walang espasyo ang mga taong abusado’t mapagmaltrato. Sa batas na ito, hiyaw ng masa ang papanigan at hustisya para sa kabataan ang kakampihan.
Mahal na Rhian Jade,
Lubos akong nagpapasalamat sa iyong mainit na pagbati. Ang iyong mga papuri ay parang simoy ng hangin na nagbibigay-buhay sa aming pagsisikap. Ang bawat papuring ibinibigay ay isang patunay na ang aming mga adhikain ay hindi nasasayang. Patuloy naming sisikapin na maging isang tanglaw ng katotohanan at kaalaman para sa ating paaralan. Mabuhay ang mga Aquinian!
Lubos na nagpapasalamat, Punong Patnugot
Kung humarap ka nang matapang bilang kandidato, haharap ka rin nang may ‘di malilimutang paninindigan at integridad pag naluklok na sa pwesto. Ang pamumuno na may buong puso, lakas ng loob, at matapat na prinsipyo ay kailangan para harapin ang mga pagsubok at magbigay solusyon sa mga problema ng komunidad sa paaralan. Bilang lider, nararapat lamang na ikaw ay maging daan ng pagbabago at pag-unlad, at hindi kailangang kapkapin sa mga hamon ng panahon.
- Brave
Hindi naman kailangan ng perpektong pamumuno ng mga lider sa paaralan, dahil ang pagkakamali ay bahagi ng pagkatuto at pagunlad. Nararapat lamang na bigyang pagkakataon na sumubok ang sinumang mag-aaral na nagnanais magsilbi, upang mapagtanto nila mismo ang kanilang kakayahan. Naniniwala ako na there is always room for improvement, at ang mahalaga ay ang pagkakaroon ng kakayahang makinig, matuto at maglingkod sa kabila ng mga sariling kakulangan.
- Shawn
U-Bash:
Dedma sa Kritika, Pananalig ang Nanguna’t Namunga!
Ano kaya itong gimik na sa bagong taon ay bida, magmumukbang ng ubas na dose-dosenang piraso sa mesa?
Bago ‘yan ngayon sa Pilipinas. Sa gitna ng selebrasyon ng bagong taon, kung saan ang bawat tahanan ay puno ng putukan, ingay, at saya, may isang prutas na dati’y nananahimik na ngayo’y pumapasok sa eksena, ang ubas. Mula sa pagiging simpleng dekorasyon lang sa hapag, ngayon ay itinuturing itong simbolo ng masaganang bukas,

Hindi ko na Kailangang Humingi ng Extra Baon para sa Project
“Ma, may babayaran kaming project, kulang ang baon kong 50 para dito…”
Hinuhukay ang hukay sa bawat pagsisinungaling. Hirap isipin, no? Isang hukay na unti-unting lumalalim at lumalawak na maaaring maging libingan ng ating integridad. Si Ana, isang dalagitang uhaw sa pagtanggap, ay nagsimulang maghabi ng isang kasinungalingan na inakalang makatutulong sa sariling kapakanan. Ngunit sa likod ng magandang disenyo nito, ay isang madilim na lihim na untiunting lumalason sa kanyang kaluluwa. Ang bawat piso na hinihingi niya ay katumbas ng patak ng dugo, pawis, at luha ng kanyang mga magulang. Isang patak na unti-unting pumupuno sa isang baso ng
isama pa ang pagibig na wagas. Agawpansin ito ngayon hindi lang dahil sa bilog nitong anyo o sa tamis na lasang hahanap-hanapin mo, kundi dahil sa kalakip nitong pangako. Aking ipinakikilala, “12 Grapes, 12 Fates, for New Year.”
“LOL! Pauso na naman kayo. Anong gagawin sa 12 grapes na ‘yan e ‘di naman totoo?”
Kasabay ng matamis na katas ng ubas, may ipinagsisigawang pait naman ang mga kritiko na napakalakas. Samu’t saring reaksyon at paniniwala, ano kaya ang nanaig sa kanila?
Alexandra Lorraine
pagsisisi. Ang kanyang pagnanais na maging katanggap-tanggap sa paningin ng kanyang mga kaibigan ay nagtulak sa kanya upang magtago sa likod ng isang maskara ng kasinungalingan. Sa bawat pagsisinungaling, lalo siyang lumalayo sa kanyang mga magulang. Ang tiwala na dati’y matibay ay unti-unting naglalaho, napalitan ng mga duda at hinala. Ang kanilang tahanan, dating isang kanlungan ng pagmamahal at pagkakaisa, ay nagiging isang lugar ng tensyon at pag-aalinlangan. “Tara, Jollibee tayo!” paanyanya ng kaibigan ko. Sinilip ko ang aking pitaka, barya ang nagpakita. Na imbes na pamasahe ko ay ikakain ko. Walang mali sa pagkain, pero mali ang uutang para memapost sa Instagram o Facebook. Umutang ako sa aking kaibigain. Hinihiling na sana muli akong pagbigyan. Babayaran na lang ito sa makalawa, sasabihin kay ina’y “Ma, may babayaran kaming project, kulang ang baon kong 50 para dito…”
Nang mahuli siya ng kanyang
Pineda, isang estudyante mula sa Benigno S. Aquino National High School (BSANHS) ang kumasa’t namamag-asa. “High grades and jowa cutie,” pang-aasam niya. Akalain mo ‘yon, nakaabot na sa Benigno ang tradisyong pinauso!
Time check, 11:59 p.m.
Susuot sa ilalim ng lamesa, maghihintay sa pagpatak ng alas dose y medya.
12:00 a.m.
Labindalawang ubas, labindalawang hiling ang katumbas, para sa labindalawang buwang papatawan ng lunas. Ang bawat kagat
ina, ang mundo ni Ana ay gumuho. Ang kanyang mga mata ay nagsalubong sa mga mata ng konsensya at sa sandaling iyon, nakita niya ang sakit at pagkabigo na dulot ng kanyang mga kasinungalingan. Naunawaan niya na ang pagsisinungaling ay hindi lamang isang pagkakamali, ito ay isang pagtataksil sa tiwala ng mga taong mahal niya. Mula sa karanasang iyon, nagsimula ang kanyang pagbabago. Sinimulan niyang aminin ang kanyang mga pagkakamali sa kanyang mga kaibigan at pamilya. Hindi madali, ngunit alam niya na ito ang tamang bagay na dapat gawin. Nagsimula rin siyang magtrabaho upang kumita ng kanyang sariling pera. Nagtinda siya ng mga kakanin sa paaralan, nag-alaga ng mga bata sa kapitbahay, at gumawa ng iba pang maliliit na trabaho.
Sa bawat piso na kanyang kinikita, nadarama niya ang kasiyahan ng pagiging independiyente.
Natutunan niya na ang tunay na kayamanan ay hindi matatagpuan sa mga materyal na bagay, kundi sa kasiyahan
ay isang hakbang patungo sa inaasam na pagangat. Ang tradisyong ito, bagama’t banyaga at binabatikos ng madla, ay mabilis na niyakap ng mga Pilipino dahil sa positibong mensaheng dala-dala: umasa’t manalig, dahil walang mawawala kung ito’y tinangkilik. Tunay ngang mas nananaig ang paniniwala’t pag-asa kaysa sa mga kritika ng masa. Dedma sa bashers! Ang mahalaga, sa bawat swerte na sinusubukang
ng isang pusong malinis at isang konsensyang walang batik. Pinapaalala sa ating lahat na ang pagiging tapat ay ang pundasyon ng isang masayang buhay. Ang pagsisinungaling ay maaaring magbigay ng pansamantalang kasiyahan, ngunit sa huli, ito ay magdudulot lamang ng sakit at pagsisisi. Ang pagpili ng tamang landas ay maaaring maging mahirap, ngunit ito ang magdadala sa atin sa isang mas mapayapang kinabukasan.
Ang hukay ng kasinungalingan ay maaaring malalim, ngunit ang pag-ahon dito ay posible. Sa pamamagitan ng pagsisikap at determinasyon, maaari nating iwanan ang nakaraan at magsimula ng isang bagong buhay na puno ng katotohanan at integridad. Tandaan, ang pinakamagandang pamana na maaari nating ibigay sa ating sarili at sa iba ay ang ating katapatan. Ngayon, tumatayo na sa sariling paa, mananatiling tapat kahit sino at saan man ako itapat dahil tulad ng nauusong hindi na marami ang sabaw ng noodles, hindi ko na kailangan pang magsinungaling na dagdagan ang baon ko sa aking mama dahil kaya ko na.

mahila ay sinasabayan ng gawa’t pagtityaga. Sa bawat butil na nginunguya, naglalabasan ang katas ng pag-asa. Sa bawat tamis nito, kalakip ay ang kaginhawaang pangako. At sa bawat buto na iniluluwa, nakapagtatanim ng bagong simula. Inumpisahan nang punlain, kailangan na lang pagbutihin at palaguin.
CollaboCreative:AkingTAHANan
“Ayoko nang pumara kahit saan man mapunta. Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama~” Beep! Pinaradahan ako ng dyip. Napilitan akong sumakay. Saan kaya ako dadalhin ng aking paglalakbay?
Para sa isang taong tinatago ang sarili sa mundo, minsan, nais ko ring mahanap at makita ako ng ibang tao. Ang gulo ‘no?
Para sa akin kasi, ang pakikihalubilo sa tao ay parang pakikipagsabunutan sa kalbo; walang makapitan, hindi mo magawa-gawa. Sa bahay, wala akong kapatid. Ang aking mga magulang nama’y abala sa bukid. Ako, laging nasa gilid, nakakulong sa aking silid. Dahil dito, natuto kong mahalin ang pagiging mag-isa… hanggang sa… nakilala ko sila.
Beep! Pinaradahan ako ng dyip. Naalala ko pa, simbagal ng pagong ang aking paglalakad nang may tumawag sa’kin. “Anak, halika nga,” paanyaya ng aking guro. Kinabahan ako. “Isasali kita sa Collaborative Desktop Publishing ‘no?” Hindi ako makasagot. Collaborative?
Ibig sabihin ba nito may makakasama ako? Nakatatakot. Sa pagkatao ko’y may pangambang bumalot.
Napilitan akong sumakay. Oo na lang, nakahihiyang tumanggi. Kilala ko ang aking guro, si G. Carlo. Mabait at alam kong naniniwala sa akin kaya ayaw ko siyang biguin. Bigla, kasama ko na sila, ang Collab Team. Nakaiilang. Nakabibingi ang katahimikan sa aming pagitan. Ni hindi ko na maramdaman ang init ng mga pagkaing nakahain. Naisip ko… “Isa na ba ito sa mga bagay na pagsisisihan kong pasukin?”
“Ayoko nang pumara kahit saan man mapunta. Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama~” Oo, tama. Pagsisisihan ko. Pagsisisihan ko kung hindi “opo” ang isinagot ko sa aking guro. ‘Di ba’y wala kaming imikan? Bigla, napagagalitan na kami dahil sa kadaldalan at halakhakan. Hindi lang ‘yon! Kung dati’y nanlalamig na ang mga pagkain sa mesa, ngayo’y wala nang natitira. Sam, Jan Jerald, Jelai, Nikki, Hercie, at Katherine—sino kaya ang
pinakamatakaw sa’min? Basta hindi ako ‘yon ah! Makita ko lang kasi sila, busog na ako kuntento na ako.
Kinukumpleto ng bawat isa ang aming pagsasama, kaya nama’y wala ka nang hahanapin pa. Kapag kami’y pinagisa, ang lahat ng pait ay napapalitan ng ‘cloud 9 feeling’ na para bang hindi na nakararamdam ng hinanakit. Kaya naman, masasabi ko na sintamis ng ube cake pinakaunang pagkaing aming pinagsaluhan ang aming pagsasama’t pagkakaibigan na kung saan nahuhuli ng kamera ang kwento sa ngiti naming magkakaibigan.
“Say cheese!” Mawawala ba naman ang ‘groufie’ o ‘selfie?’ Pero isa akong tao na takot humarap sa kamera. Pakiramdam ko’y sa mata ng iba may panghuhusga akong nakikita. Nakapagtataka nga, e. Kapag kukuhanan na ako ni Sam Lacsina, walang halong takot at pangamba, bagkus, napakalaki pa ng ‘smile’ ko sa harap ng kamera. Ngayon, alam ko na ang dahilan. Sa tuwing kukuhanan ako ng litrato, lumalabas ang natural na ngiti ko, dahil sa aking harapan, maliban sa kamerang pangkuha ng larawan ay ang Collab Team na aking nasisilayan. Sa kanila’y komportable na ako. Mahika ba ito? O sa wakas, nahanap ko na sila… nakita na nila ako Tunay ngang kahit gaano mo pa itago ang iyong sarili, may instrumentong darating upang ilabas ka sa pagkakubli. May naging daan upang matagpuan ko ang aking tahanan, na kapag may luhang rumaragasa sa aking mukha, sasabihin nilang “Tahan na.” Sir Carlo, pumarada upang isakay ako, kasama ang mga taong ngayo’y matatawag kong pamilya ko. Sila rin ay may mapaglarong imahinasyon, kaya kapag kami’y pinag-isa, nakagagawa ng sariling mundong swak sa aming pagsasama. Kaya saan man magpunta, kung sila ang kasama, ayoko nang pumara.
TELLeserye:Haplos sa Likod
Buhay sa Kulay, Pag-asa ng Poracay
Pagbabagong adhikaing matamasa ay nasa sulok lamang ng daigdig. Ang katanunga’y namuong sirang plaka sa balintataw, paulit-ulit, umabot sa puntong hindi mawari kung masasagot ba sa tamang sandali.
Kulay.
Buhay.
Kulay… at Buhay?
Mga salitang nabatid, mga katagang nagkaroon ng isang suntok sa aking kamalayan. Isang imahe, isang maliwanag at makulay na tanglaw ang napagmasdan, magsisilbing isang tulay sa malinaw na kinabukasan. Makulay… Kinabukasan…
Nobyembre, 2024, nagkaroon ng pagligsahan ang bawat paaralan na tinatawag na “Gulayan sa Paaralan” o farm to table competition. Isang ordinaryong araw lang kung iisiping madaanan ang mga pananim at mga fruit-bearing plants na nasa gitna ng BSANHS. Ngunit para sa mga mag-aaral, mga magulang, mga guro, mga bisita at sa Ulongguro VI
ng Technical Vocational Education (TVE) na si Ma’am Cristina C. Toelntino, makatutulong ang makukulay na payong gaya ng sa Poracay sa madilim na pinagdaraanan at makulimlim na buhay ng isang estudyante.
Sino nga ba ang mag-aakala na sa isang ordinaryong paaralan ay matatagpuan ang isang makulay na paraiso? Sa Benigno S. Aquino
National High School, ang isang simpleng proyekto ay nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng mga estudyante’t guro. Nagsimula ang lahat sa isang ideya: ang pagpaganda ng gulayan ng paaralan. Sa halip na magtanim lamang ng mga gulay, napagpasyahan ng mga guro at mag-aaral na magdagdag ng kulay na magbibigay buhay sa lugar. At ito ang naging simula ng isang magandang proyekto na nagbigay inspirasyon at pag-asa sa marami. Ipinagkalat ang mga makukulay

na payong sa buong gulayan, na para bang mga bulaklak ngunit hindi nalalanta. Ang mga kulay ay nagsilbing buhay sa mata, nagdadala ng kagalakan sa bawat taong dumadaan. Mula sa maliwanag na dilaw na nagpapaalala sa sikat ng araw, hanggang sa maamong berde na nagbibigay ng pakiramdam ng kapayapaan, bawat kulay ay may sariling kwento na handang ibunyag. Ang gulayan, na dati’y isang simpleng espasyo, ay naging isang buhay na obra maestra. Sariling Poracay Ang paggamit ng mga makukulay na payong ay hindi lamang nagpaganda ng tanawin, ngunit nilikha rin nito ang ilusyon ng isang tropikal na paraiso. Ang bawat payong ay nagbibigay ng lilim at kulay sa isang paraiso ng BSANHS. Ayon nga sa panayam mula kay Rhian Jade L. Castro, isang Aquinian, nakatutulong ang mga makukulay na payong dahil sa dami ng kaniyang dala-dalang pag-aalala,
responsibilidad, at pasan-pasan na problema ay napapawi ito tuwing daraanan niya ang sariling Poracay ng paaralan pauwi.
Espasyong Panlahat
Ang proyekto ay nagbigay inspirasyon sa mga estudyante na maging mas malikhain at mas mapagimbento. Marami sa kanila ang nagaalok ng kanilang sariling mga ideya upang mapabuti pa ang gulayan. May mga nagmungkahi ng pagtatayo ng isang maliit na greenhouse, ng pagaayos ng mga recycled na materyales upang maging mga palamuti, at ng paglikha ng isang compost pit. Ngunit isa ang napili Poracay na natatangi. Legasiyang Tatatak
Ang “Gulayan sa Paaralan” ay hindi lamang isang proyekto, ito ay isang pamana na maibibigay sa susunod na henerasyon. Ito ay isang patunay na
kahit ang pinakamaliit na hakbang ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago. Go sa paraisong napili, tatatak sa mga namamayani!
Sa bawat kulay ng payong, sa bawat punla na tumutubo, at sa bawat ngiti ng isang estudyante, makikita ang isang malinaw na mensahe: Ang pag-asa ay maaaring tumubo kahit saan, kahit sa pinaka-imposible na mga lugar. Ang gulayan ng BSANHS ay hindi lamang isang hardin, ito ay isang simbolo ng pagbabago, isang patunay na ang mga simpleng bagay ay maaaring magdulot ng malaking epekto gaya ng itinuturing na namin ngayong Paraiso na kinukulayan at binubuhayan ang buhay ng bawat tao Poracay ng mga Aquino.
TELLeserye:Haplos ng Kwento
ng Litrato
Higit pa sa Pera
ang aral ng Disiplina

Katuparan ng Pangarap, tunay ang yaman sa hinaharap.
Sa isang liblib na sulok ng kawalan, lumutang ang sining sa mala-museong paaralan. Tambal sa kilometrong lakad mula sa maaliwas na tarangkahan, masisilayan, kongkretong ubod ng kagandahan.
Sa unang tingin, isa lamang
itong imahe ng isang tanyag na obra. Subalit ito rin ay isang dambana ng mga naratibong kwentong ipamamana. Ang pagsibol ng kongkretong ‘Bench’ na mahiwaga, sa planong itawag na Benigno S. Aquino National High School MAPEH Park makikita. Lihim mula sa magulong sanlibutan, dito’y nakaukit ang mga memorya’t
alaalang kay sarap balikbalikan kung paanong ang bawat lamesa’t upuan ay mabusising naging saksi sa sikhay, pananagumpay, mga patang kalamnan, kaluluwang hapo sa daigdig na pasan-pasan, at estudyanteng pilit sa buhay ay lumalaban. Dinudumog. Nilulukob. At lalong Pinagkakaguluhan. Hindi dahil
“Disiplina at Galing ang Armas Ku. Aquinian Ku, Pagmaragul Ku!” Hindi lang ito isang mantra ng Benigno S. Aquino National High School; ito ang puso ng aming pagaaral. At sa aking puso, ito ang nagudyok sa akin sa araw na iyon, isang araw na naging isang maliwanag na bumbilya ng pag-asa ang aking buhay. Mainit ang sikat ng araw noong hapong iyon habang naglalakad ako patungo sa silid-kainan para sa recess. Isang karaniwang araw lamang sana ito, ngunit nahagip ng aking mga mata ang limang libong piso sa sahig kaya’t ito’y aking pinulot. Ngayon lamang ako nakapulot ng ganito kalaking halaga. Kinabahan ako. Kaya’t sinabihan ko ang aking mga kaklase. Ngunit ang kanilang mga mungkahi ay mga ahas na bumubulong ng tukso sa aking tainga ay halos makaakit sa akin. “Itago na lang natin,” bulong ng isa. “Para sa atin na ‘to,” dagdag ng isa pa. Tama nga naman, sa hirap ng buhay, bakit ko pa kailangang ibalik ang perang ito? Ngunit kahit na ang tukso na itago ito ay halos manalo, ang tinig ng aking konsensya, ang tinig ng aking pagiging Aquinian, ay mas malakas, maging disiplinado sa lahat ng pagkakataon. Walang pag-aalinlangan, nilapitan ko ang aming guro. Ang gaan ng aking pakiramdam nang maibalik ko ang pera ay hindi maipaliwanag. Ang paggawa ng tama, natanto ko na ito ay isang gantimpala sa sarili. Isang
sa dalampasigan na tanawin, sa halip sa malamig na hawi’t indak ng hangin, sayaw ng mga tirik na punong titingalain, at sadyang isang bagay na nakasentro sa isang lugar kung saan masaya, matiwasay, malumanay, taimtim na isinasagawa ang maliligaya at mahahalagang bagay, ang matiyagang pagrepaso ng takdang aralin, haklahakang bumabalot sa paligid, tawanan, sigawan, kantahan, lahat ng ‘di matutumbasang kwentuhan, mga pag-ibig na rito’y nabuo, nakikilang sintang totoo, at sama-samang pagkain ng lugaw, siomai, turon, at tusoktusok na ‘pag kinain bibig ay bumubulusok. Isipan ay naliwanagan kung bakit ang simpleng dalawang magkabilang upuan at parihabang lamesa na ‘di katangkaran ay pinalilibutan ng iba’t ibang baitang ng mga mag-aaral na sa sining na ito’y iniuukit ang sariling legasiya, sayang ipininta ang pangalan, at presensiya ng sakripisyong inilaan, na sa susunod na pagusbong ng bagong henerasyon ng paaralan ay uukit din ng kanilang bagong istorya’t kasaysayan. Magbalik-tanaw sa tunay na pintor ng nakamamanghang estruktura. Mula sa tinig ni Dr. Romeo Basa, MAPEH Ulongguro lll, mula sa BSANHS,” There was a time na nakasilong kami sa ilalim ng puno’t nakita namin ang samu’t saring sirang upuan at mga bato, at napansin namin na during breaktime of the
gantimpala na mas matamis kaysa sa anumang materyal na bagay. Kaya naman nang maibalik ko na, hindi na ito malaking bagay sa’kin, dapat lamang na ang kabutihan ay aking tinataglay.
Lumipas ang ilang araw, isang sorpresa ang naghihintay sa akin. Nakita ko ang pangalan ko sa aming school page sa ilalim ng “Shine a Light on Truth: Modern Day Heroes”. Hindi ko inaasahan ito. Ngunit higit pa sa parangal, ang tunay na gantimpala. Akin ding napagtanto na hindi ko kailangan magkaroon ng kakaibang kapangyarihan para maging isang bayani na may puso ng kabutihan.
At ang gantimpala na hindi ko inaasahan? Hindi pilak o ginto, kundi ang mga ngiting puno ng pagmamalaki mula sa aking mga magulang at guro. Ang aking kabutihan ay nagsilbing kayamanan ng aking pagiging Aquinian. Iyon ang nagpatunay na ang pagiging isang Aquinian, ang pagsunod sa ating mantra, ay hindi lamang isang parangal, kundi isang gantimpala sa sarili.
Isang patunay na ang paggawa ng kabutihan ay may kaginhawaan. Ako nga pala si Max Anthon Panlilio, isang Grade 8 na mag-aaral. Ang aking kuwento ay isang simpleng parangal ng pagiging Aquinian isang maliit na liwanag na nagpapatunay na ang disiplina at galing, ang pagiging matapat, ay ang aking pinakamalakas na armas.
students ay walang maupuan ang mga bata. So nag-suggest ako kay Sir De Pano ng project sa pagpapagawa ng upuan dahil may nakita na akong model somewhere in Bataan dahil bukod sa maganda ay mura at matibay na. And I think it’s very beneficial lalo ngayon dahil nagagamit ito ng lahat guro o mag-aaral.” Inilapat mula sa imahinasyong kaniyang pangarap, magkaroon ng komportableng lugar palipasan sa hinaharap. Departamento’y nagkaisa sa paglikom ng pondong para sa masa. T-shirt Fund raising mula sa Intramurals ang ginamit sa matagumpay na proyektong iginuhit niya. Buhat sa pusong mapagmalasakit, proyekto ngayo’y nagagamit. Lumipas man ang panahon, gayong lumisan ang minsa’y batang nag-iwan din nang hindi malilimutang imahinasyon, at sumibol man maging ang bagong henerasyon. Mananatiling metikulosong nakapinta sa sining na parihabang upua’t lamesa ang mga malalim na kuwento, memorya, at baul ng alaala. Ito’y isang tahimik na larawan na magsasalita sa mga mata at puso ng mga tao. Ang bawat detalyeng nakaukit na dito ang magsisilbing bakas ng sinimulang arkitektura, mga pangarap na natupad, halakhakang minsang bumalo’t tumambad, at mga kasiyahang inilaan sa yamang ‘sining’ na nagbibigay buhay sa mga puwang at dingding na ngayo’y matatawag ng mala-museong paaralang nakahuhumaling.
10 LATHALAIN
Bugtong. Bugtong. Ang bisig ay tila mga bakal, Hindi malalampasan ang kaniyang pag-angal.
Gwardya.
Bilang isang mag-aaral, naranasan mo na bang makulong sa mga bisig niya? Gaya ng nabanggit, ito’y isang bakal, partikular ang tarangkahan o ‘gate.’ Ito ‘yung nagpupumilit ka nang kumalas, pero hindi ka pinapayagang lumabas. Napaka-istrikto talaga na para bang siya ang may-ari ng eskwela. O… inaako na talaga niya? Samahan ako’t kilalanin, ang sikat at pinagmamalaking Ronald ‘Kuya Bong’ Reyes ng Benigno S. Aquino National High School (BSANHS). Aktibo. Bilang isang Aquinian, halos hindi na mawala sa paningin ko si Kuya Bong. Paano ba nama’y kaliwa’t kanan ang tungkulin niya’t sa kabila ng lahat, wala siyang napababayaan. Gwardya, pero maaasahan din sa oras ng disgrasya? Tama, dahil isa ring Rescue Volunteer sa Concepcion si Kuya Bong! Myembro siya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council. Hindi lang ‘yon! Pagdating sa pagbibigay ng paunang lunas, tinitingala rin siya ng mga Red Cross Youth tulad ko. Kaya sa bawat aksidente, sa loob o maging sa labas ng paaralan, siya’y tunay na maaasahan. Isa siyang magandang ehemplo lalo na sa mga kabataan. Aktibo? AktiBONG pakikibahagi! Epektibo. Magugulat ka ba kung may bigla na lang yumakap sa’yo? Si
Kuya Bong kasi at ang asawa niya’y oo. Ngunit ang gulat, unti-unting napalitan ng ginhawa’t karangalan. “Okay na po ako,” pagbabalita ng dati’y naaksidente sa tapat ng RCS sa Concepcion. Sa loob naman ng BSANHS Clinic, sa tulong din ni Kuya Bong, nakauuwi ang mga bata nang mas mabuti na ang pakiramdam. Kung ang seguridad naman ang paguusapan, wala tayong problema riyan! Si Kuya Bong, kasama ang kapwa niya gwardya, ay mahigpit na nagbabantay, nagmamasid, at talaga namang walang kinikilingan. Kapag siya ang iyong kaharap, dapat kompleto ka na. Dahil kung hindi, iisa-isahin kung saan ka nagkulang. I.D. lace na tinakpan ng bag dahil wala ang mismong I.D.? Relatable pero ‘di makalalampas kay Kuya Bong ‘yan! Kung titignan ang paghingi nito sa mas malalim na dahilan, ito’y upang matiyak ang identidad ng mga estudyante at maiwasang makapasok ang mga outsiders. Dahil sa mahigpit na pagsusuri sa bawat estudyante, nakakamit ang kapayapaan sa loob ng paaralan. Tinitiyak ding sa tamang oras palalabasin ang mga mag-aaral, upang maiwasan ang disgrasya lalo na sa oras ng klase. Epektibo? EpektiBONG pamamahala!
Positibo. Pasasalamat, repleksyon ng maayos na pamamalakad. “Kapag tumulong ka, ‘wag kang mag-isip ng kapalit. ‘Yung thank you, higit pa sa
Masigasig na araw, kalakip ng maaliwalas na panahon, simpatya ng pagasa ng aking bagong umaga. Sa mga pasilyong sinisikatan ng haring araw, tingkad ng mga naglalakihang gusaling matatanaw, at mga taong ngiti’t gilas ang baong nag-uumapaw. Nasilayan ko ang pagsisimulang pagtitipon ng mga guro sa iisang quadrangle na tila’y espesyal, hindi ko mawari kung ano ang itinatangi, na para bang ang bawat isa’y may pinag-isang hangarin, pinagbuklod na mithiin, at pinagsamang layunin.
Nilalakbay ko ang kahabaan
ng paaralan na siyang aking pinaglilingkuran upang masayang pagmasdan ang planong aking naisakatuparan, ang magandang adhikaing sa Benigno S. Aquino
National High School (BSANHS) ay aking kamtin bago ako lumisan sa inyong mga piling, departamentong nagkakaisa hindi pag-iisa at ang ninanais noon na gawing matibay ang samahan ng Junior High School (JHS) at Senior High School (SHS) Department ay gawing mistulang kambal sa higpit ng pagsasama.
Patuloy akong nagmamartsa sa paglalakad na wari’y isang
sundalong nag-iikot sa buong kampo. “Magandang buhay po, mabuting tao, Principal Ampy!” Bumati sa’kin ang magkasamang mag-aaral na mula sa ikasampu at ikalabindalawang baitang na masayang nagtutulungan sa bitbit na upuan.
“Good morning po, ma’am Ampy,” pagbati ng mga STEM na guro mula sa SHS na nagaayos ng programa, subalit ang ikinagulat ko’y pati na rin ang JHS mula sa departamentong Agham ay katulong nila. Sa tabi, nagbubuhat ang mga guro sa departamentong Sining at Pampalakasan ng mga gagamiting kagamitan, upuan, lamesa, mikropono, at iba pa. Ang mga guro sa departamentong Filipino ng
JHS at SHS naman ay abala sa paggawa ng script na gagamitin para rito. Natusok ang puso ko na para bang may kirot nang hindi maipaliwanag na ligaya, binalot nang hindi matatawarang saya, na kapag ako’y lumisan na ay masasabi kong naisakatuparan ko na.
sinusweldo ko rito. ‘Yun lang, napakasarap,” pagbabahagi ni Kuya Bong. Sa sampung taon niyang serbisyo sa Benigno, ang salitang ‘yon ang pinanghahawakan niya. Napakasarap sa pakiramdam at hindi matatawaran ng kahit na anong halaga ng pera. Sa bawat ‘Salamat po, Kuya’ na kaniyang natatanggap, sa kabila man ng kahit anong pagod o paghihirap, muling nagiging buo ang kaniyang rason kung bakit siya narito, hindi lang para sa sweldo, kundi para sa taos-puso niyang serbisyo. Positibo? PositiBONG puna’t reaksyon!
“Ano ba ‘yan, ang istrikto akala mo naman siya ang may-ari ng paaralan.” Ngayon alam ko na, iiral pa rin talaga ang pagiging ama. “Kapag narito ako, inaako kong pag-aari ko ang eskwela.”
Ang rason sa likod nito? May tatlong anak si Kuya Bong, ang dalawa’y tapos nang tumuntong sa BSANHS. Kung paano niya higpitan ang mga ito, gano’n din sa mga estudyante. Bakit? Dahil tinuturing niyang anak ang mga magaaral na nasa ikalawang tahanan na nila. Sino bang
magulang ang gugustuhing may mangyaring masama sa bata, ‘di ba? Lahat ng paghihigpit at pagbabawal, ay tulong na sa mga magulang ng bawat magaaral. Ang pagiging istrikto ay para din sa lahat ng kinabibilangan ng Benigno. Sulit ang binabayad sa kaniya ng gobyerno, tinutumbasan kasi ng malinis at tapat na serbisyo!
Tunay ngang BONGga si Kuya Bong! Istrikto man kung kilalanin, pero makatao naman ang lahat ng hangarin. Hindi man siya ang nasa loob ng silid-aralan, ang presensya naman niya’y tunay na pinahahalagahan. Hindi maipagkakaila na siya’y naging parte sa pagiging responsable ng mga estudyante. Para makapagbigay ng suporta’t gabay, hindi mo kailangang maging bayani, kahit sa simpleng gawain lang, basta taos-puso, nag-iiwan ng marka. Matapos marinig ang tugon ng kilalang gwardya na talaga namang may matunog na pangalan, hindi ko maiwasang ipagmalaki ang aming mantra: “Disiplina at galing ing armas ku, Aquinian ku, pagmaragul ku!”

Tumungtong ako sa entablado’t sila’y pinagmasdan, na ang aking mga mata’y hindi na maalis sa kinaroroonan, higit pa sa tanawing aking nakita sa pagpasok sa paaralan ang bungad ng bawat estudyante, guro sa magkabilang antas ng mga departamento ang nagtutulungan. “Ganito ang pangarap ko sa paaralang Aquino,” ang dating agawan ng proyekto at pagyayabangan ay nawala na. Gayundin, ngayon, ang bawat isa ay nakatuon sa iisang layunin: ang paghubog sa mga estudyante upang maging pinakamahusay na bersyon ng kanilang sarili, iuukit sa kaugalian ang mantrang “Disiplina at Galing Ing Armas Ku, Aquinian Ku Pagmaragul Ku.” Sama-samang iniaangat, iwinawagayway, inirerepresenta nang buong puso’t isip ang eskwelahan sa bawat patimpalak, kompetisyon, at entablado. Ako’y nagsalita sa harapan ng kinatatayuan ko, “Salamat sa inyong lahat, ang walang kapantay na kooperasyon at pagkakaisa ang dahilan kung bakit umuunlad ang ating paaralan, nawa’y inyong ipagpatuloy sapagkat ang mithiin ko’y tunay na malaki nga,” Naghihiyawan ang mga tao na sa pakiramdam ko’y matagumpay na, ito ang isang larawan ng perpektong vision ko, isang paaralang puno ng inspirasyon, malasakit, at pagkakaisa. Sa kalagitnaan ng pulong tila’y may kakaiba, ang liwanag ng araw ay mas nagliwanag pa, sambitla ng labi ay parang paulitulit na, parehong tono, pantig at letrang ibinubuka, ang mukha ng mga estudyante’t guro’y wari’y nawawala na, animo’y isang eskenang perpekto ngunit hindi totoo. Mabilis na nagbago ang quadrangle ng paaralan at binalot ng katamahikan, ang entabladong kinatatayuan ay naging isang lamesa na lamang, lahat ay naglaho’t bumalik sa realidad. Iminulat ang aking pagod na mga mata, iniikot ang dalawang ito sa loob ng opisina, nakita ko ang pangalan ko na nakasulat sa tabi ng mesa, Dr. Amparo M. Muñoz, Principal lV ng BSANHS, gayundin ang mga papel, dokumento, at mga planong isinulat ko, isang panaginip lang pala ang lahat. Ang mga guro at mag-aaral na nakita’y pawang ilusyon lang, at ang mga pangyayari’y sa panaginip ko lamang. Sa halip na panghinaan ng loob, isang matamis na ngiti ang sumilay sa aking labi. Hindi iyon isang panaginip lang, kundi isang hinaharap na aking isasaalang-alang. Dedikasyon na lalong pinaalab ng imahinasyon ay magbubunga ng AMPYnapangrap na pagbabagong aking sisimulan ngayon. Kinuha ang talim ng



Makabagong Feed Innovation ng Grade 12 BSANHS: Bunga ng Interdisciplinary
ng mga mag-aaral ng Grade 12 sa Benigno S. Aquino National High School (BSANHS) ay nagpakitang-gilas sa kanilang makabagong proyekto na tumutok sa paggawa ng sustainable feed. Ang proyektong ito, na bahagi ng kanilang Interdisciplinary Research Series noong 2024, ay naglalayong magbigay ng solusyon sa luwmalalang problema sa mataas na presyo ng commercial feeds habang tumutulong din sa kapaligiran. Ang pananaliksik ay nakatuon sa pagbuo ng alternatibong feed gamit ang mga locally sourced at eco-friendly na materyales. Ginamit ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman mula sa iba’t ibang larangan tulad ng agham, agham
Ayon kay Sir John Patrick D. Seranno, isa sa mga guro ng STEM strand, “Ang proyekto ay hindi lamang naglalayong magbigay ng solusyon sa sektor ng agrikultura kundi upang hikayatin ang mga mag-aaral na mag-isip nang malikhain at
Gamit ang interdisciplinary na diskarte, isinama ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman sa Agham at Nutrisyon, sinuri ang nutritional value ng mga alternatibong materyales tulad ng damo, prutas, at organikong basura mula sa mga palengke, Teknolohiya, gumamit ng teknolohiyang kagamitang tulad ng dehydrator at shredder upang gawing angkop ang mga materyales bilang feed. Tiningnan ang cost-effectiveness ng kanilang produkto kumpara sa mga commercial feed.
Ang proyekto ay umani ng papuri mula sa mga guro, magulang, at lokal na magsasaka. Ipinakita nito na sa tulong ng interdisciplinary na pananaliksik, ang mga mag-aaral ay maaaring maging bahagi ng solusyon sa mga isyung kinakaharap ng agrikultura at kalikasan.
Ang tagumpay ng feed innovation na ito ay nagbibigay-inspirasyon sa iba pang mag-aaral na magpatuloy sa paggawa ng mga makabuluhang proyekto na may tunay na epekto sa lipunan

Ang Interdisciplinary Research Series 2024 ng BSANHS ay isang patunay na ang pagsasama-sama ng agham, teknolohiya, at malikhaing pag-iisip ay maaaring magbunga ng solusyon sa mga kontemporaryong suliranin. Ang proyekto ng Grade 12 ay hindi lamang nagbigay ng abot-kayang feed kundi nagbigay din ng pag-asa para sa mas produktibo at sustainable na kinabukasan. Makabago, makakalikasan, at makatao—ang feed innovation ng BSANHS ay tunay na halimbawa ng agham para sa tao.


Kalikasan at Kabataan: SSLG, Nanguna sa Malinis na Kinabukasan!
Malinis, Mahusay, at Masipag! Ang Supreme Secondary Learners Government (SSLG) Coordinating Council ng Benigno S. Aquino National High School ay muling nagpakita ng malasakit sa kalikasan sa pamamagitan ng matagumpay na Clean-Up Drive na ginanap kamakailan. Sa ilalim ng temang “Kalinisang Paaralan, Kalikasan, at Kinabukasan”, layunin ng programa na magbigay-inspirasyon sa kabataan na maging aktibong tagapagtaguyod ng kalinisan at pangangalaga sa kapaligiran.
Pinangunahan ng SSLG officers ang aktibidad kung saan lumahok ang mga estudyante, guro, at iba pang kawani ng paaralan. Kasama sa mga gawain ang pagwawalis, pagtatanim ng halaman, at tamang segregasyon ng basura. Bukod dito, itinuro rin ang kahalagahan ng “reduce, reuse, recycle” upang mabawasan ang basura sa paaralan.
Ayon Kay Roxy V. Robinson SSLG President, “Ang aming Clean-Up Drive ay hindi lamang para sa kalinisan ng paaralan, kundi para maipakita na kaya ng kabataan na manguna sa responsableng pagkilos para sa kalikasan.” Bukod sa paglilinis, nagkaroon din ng maikling seminar tungkol sa environmental
awareness na inihatid ng mga guro sa Science Department. Tinalakay dito ang epekto ng polusyon at climate change, gayundin ang mga hakbang na maaaring gawin upang maprotektahan ang kalikasan.
Sa pagtatapos ng programa, isang simbolikong tree-planting activity ang isinagawa bilang tanda ng pangakong ipagpapatuloy ang adbokasiya sa pangangalaga ng kapaligiran.
Ang ganitong uri ng inisyatibo ay nagpapakita ng diwa ng bayanihan at malasakit sa kalikasan, isang mahalagang aspeto na kailangang pagtuunan ng pansin ng bawat isa. Sa patuloy na suporta ng mga mag-aaral, guro, at pamunuan ng paaralan, ang Benigno S. Aquino National High School
MaBOTENG
ay nananatiling modelo ng isang paaralang nangunguna hindi lamang sa akademya kundi pati na rin sa pagkalinga sa ating Inang Kalikasan.
“Sa bawat malinis na hakbang, kasama ang pag-asang magkaroon ng mas malinis at luntiang kinabukasan.”



SIKHAY Inobasyon sa Digital na Pagsusulit
Sapatuloy na pagsulong ng teknolohiya, maraming aspekto ng edukasyon ang nagkakaroon ng makabago at mas episyenteng paraan ng pagpapadala ng kaalaman at pagsusuri ng kakayahan ng mga mag-aaral. Isa na rito ang EvalBee, isang digital na plataporma na ginagamit ngayon ng ilang guro upang magsagawa ng pagsusulit.

Mabilis na proseso ng pagsusuri ang EvalBee ay nagbibigay ng agarang resulta, na nagiging malaking tulong sa mga guro na may maraming klase o estudyante. Sa halip na gumugol ng mahabang oras sa manu-manong pag-check, isang click lamang ay maaari nang makita ang kalalabasan ng pagsusulit.
Mas ligtas na imbakan ng datos ang mga sagot at resulta ng pagsusulit ay awtomatikong naiimbak sa cloud, kaya’t hindi na kailangang mag-alala ang mga guro sa pagkawala ng mga papel o sagot.
Sa patuloy na hamon ng modernong panahon, kung saan ang plastik na basura ay isa sa mga pangunahing suliranin ng ating kalikasan, ang Benigno S. Aquino National High School (BSANHS) ay nanguna sa isang malikhaing solusyon. Sa pamamagitan ng kanilang proyektong ginawang basurahan ang mga plastik na bote, ipinamalas nila ang dedikasyon sa pangangalaga ng kalikasan at pagtuturo ng responsibilidad sa mga mag-aaral.
Mula Plastik na Basura Tungo sa Kapaki-pakinabang na Basurahan, Sa simpleng ngunit makabuluhang proyekto, ang mga plastik na bote na karaniwang itinatapon ay binigyan ng bagong layunin. Sa tulong ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani ng paaralan, ang mga bote ay nilinis, pinatibay, at ginawang materyales para sa paggawa ng mga basurahan. Ang resulta ay mga basurahang makulay, matibay, at eco-friendly na inilagay sa iba’t ibang bahagi ng paaralan.
Ang proyekto ay naglalayong bawasan ang dami ng plastik na basura sa kapaligiran na nagiging sanhi ng pagbaha. Palaganapin ang tamang segregasyon ng basura sa paaralan upang mapakinabangan pa ang maaring mapakinabangan at maging tulong sa kalikasan, at higit sa lahat magbigay-inspirasyon para sa malikhaing pagtugon sa mga isyung pangkapaligiran


Ang mga basurahang gawa sa plastik na bote ay nagdala ng maraming benepisyo sa paaralan at kalikasan. Una, nakatulong ito upang mabawasan ang polusyon sa plastik. Ikalawa, naging mas maayos ang pangangalaga sa kalinisan ng paaralan dahil sa mas maraming basurahang magagamit. At higit sa lahat, nagbigay ito ng inspirasyon sa mga mag-aaral na maging bahagi ng solusyon sa Ayon kay Dr.Ampy punong-guro ng BSAHNS, “Ang proyektong ito ay hindi lamang tungkol sa pagbawas ng basura kundi sa paghubog ng responsableng kabataan na may malasakit sa kalikasan.”
Ang tagumpay ng proyekto ay resulta ng sama-samang pagsisikap ng komunidad ng paaralan. Mula sa pagkolekta ng mga bote hanggang sa paggawa ng mga basurahan, ang lahat ay naging bahagi ng proseso. Ang bawat mag-aaral ay nagbigay ng oras at lakas, na nagpatibay sa diwa ng bayanihan at malasakit sa kapaligiran.
Ang proyektong ito ay patunay na sa malikhaing pag-iisip at samasamang pagkilos, maaaring gawing oportunidad ang isang suliranin. Sa bawat plastik na bote na ginawang basurahan, hatid nito ang mensahe na ang ating kalikasan ay kayamanan na dapat pangalagaan. Sa BSHANS, ang plastik na
Sa kabila ng mga benepisyong hatid nito, hindi maikakaila na may mga limitasyon rin ang paggamit ng ganitong sistema tulad ng limitasyon sa uri ng pagsusulit. Bagama’t kapakipakinabang ang EvalBee para sa mga multiple-choice at iba pang structured na tanong, hindi ito ganap na angkop para sa mga mas malalimang pagsusuri tulad ng performance tasks o mga proyekto na nangangailangan ng mas masusing pagsusuri.
Marahil hindi perpekto ang EvalBee, hindi maitatanggi ang mga benepisyong hatid nito sa modernong sistema ng edukasyon. Ang mabilis na pagbibigay ng feedback, episyenteng pangangasiwa ng datos, at kaginhawaan sa proseso ng pagsusulit ay malaking tulong para sa mga guro at mag-aaral. Gayunpaman, mahalagang bigyang pansin ang mga limitasyong nabanggit upang masigurong ang ganitong teknolohiya ay magiging mas inklusibo at epektibo para sa lahat.
Ang EvalBee ay patunay na ang teknolohiya ay may malaking potensyal sa pagpapabuti ng edukasyon. Sa tamang paggamit at pagsasaalangalang ng mga hamon, ito ay maaaring maging daan tungo sa mas progresibong sistema ng pagkatuto sa hinaharap.
12 AGTEK
AI at ChatGPT: Katuwang
ng Mga Aquinian sa Makabagong Pag-aaral
Sa mabilis na pag-usad ng teknolohiya, ang artificial intelligence (AI) ay nagiging mahalagang bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay. Isa sa mga pinakakilalang halimbawa nito ay ang ChatGPT, isang makabagong tool na kayang magbigay ng impormasyon, sagot sa tanong, at maging suporta sa mga mag-aaral. Sa Benigno S. Aquino National High School (BSANHS), ang paggamit ng AI tulad ng ChatGPT ay isang hakbang patungo sa mas epektibo at modernong sistema ng pagkatuto para sa mga Aquinian.
Ang ChatGPT ay naging tulay para sa mas mabilis na pag-access sa impormasyon. Sa pamamagitan nito, maaaring sagutin ang mga tanong ng mga mag-aaral tungkol sa agham, matematika, panitikan, at iba pang asignatura sa mas madaling paraan. Isa rin itong mabisang kasangkapan para sa mga guro, dahil naibabahagi nila ang mga makabagong kaalaman at ideya na nagpapalawak sa kaisipan ng kanilang mga mag-aaral.
Bagamat maraming benepisyo ang paggamit ng AI, may kaakibat din itong mga hamon. Ang sobrang pagdepende sa teknolohiya ay maaaring humadlang sa kakayahan ng mga mag-aaral na mag-isip nang malikhain at kritikal. Kaya’t mahalaga ang wastong paggabay mula sa mga guro at magulang upang masigurong nagagamit
ang AI nang tama at epektibo. Ang paggamit ng AI tulad ng ChatGPT ay patunay ng pangako ng BSANHS na ihanda ang mga Aquinian para sa mas makabago at kompetitibong mundo. Sa pamamagitan ng teknolohiya, mas nagiging malawak ang kanilang kaalaman at mas handa silang harapin ang mga hamon ng hinaharap.
Ang ChatGPT at iba pang teknolohiya ng AI ay hindi lamang simpleng kasangkapan kundi katuwang ng bawat Aquinian sa kanilang paglalakbay sa mundo ng edukasyon. Sa tamang paggamit nito, maaaring magtaglay ang mga mag-aaral ng sapat na kaalaman at kakayahan na magdadala sa kanila tungo sa tagumpay.Ang teknolohiya ay hindi lamang kasangkapan, kundi isang pinto patungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

BAGSIK
Ang pananaliksik!ng
Aryl Villapana
Ang mundo ng agham ay isang hindi natatapos na pakikipagsapalaran para sa kaalaman. Sa Benigno S. Aquino National High School (BSANHS), ang pananaliksik ay hindi lamang isang asignatura, kundi isang pundasyon sa paghubog ng mga mag-aaral na handang humarap sa mga hamon ng makabagong panahon.
Ang pananaliksik ay mahalagang bahagi ng edukasyon dahil tinutulungan nito ang mga mag-aaral na maging kritikal sa pagiisip, mas maalam sa mga datos, at mas bukas sa makabagong kaalaman. Sa BSANHS, itinatampok ang pagsasanay sa pananaliksik bilang paraan upang mahubog ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri at paglutas ng mga problema. Sa pamamagitan ng pananaliksik, nagkakaroon sila ng pagkakataong magambag ng bagong kaalaman sa komunidad. Sa proseso ng pananaliksik ito ay detalyado at maayos na isinasagawa. Mula sa pagpili ng paksa, pagsusuri ng mga kaugnay na literatura, hanggang sa pagbuo ng kongklusyon, ang bawat hakbang ay ginagabayan ng mga guro upang masiguro ang kalidad ng pag-aaral. Ilan sa mga natatanging
proyekto ng pananaliksik sa BSANHS ay nakatuon sa agham at teknolohiya, pati na rin sa kapaligiran EcoFriendly Bricks mula sa Basura Isang makabagong proyekto na gumagamit ng plastic waste upang makagawa ng matitibay na bricks. Layunin nitong mabawasan ang basura sa komunidad habang nagbibigay ng alternatibong materyales sa konstruksyon Bagamat hindi madali ang paggawa ng pananaliksik, nagiging matagumpay ang mga mag-aaral ng BSANHS dahil sa suporta ng mga guro, magulang, at komunidad. Ang pakikilahok sa mga kompetisyon at seminar ay nagiging daan din upang mapalawak ang kanilang kaalaman at mapataas ang kalidad ng kanilang gawa. Ayon kay Sir Eldrin L. Patio guro sa Pananaliksik, ‘My objective for my Research Subject is to help my students to be competitive globally
like in terms of Robotics and Intelligent Machines, in terms of mathematical incomputational science,in terms of life science and physical science, so with this kind of innovation or projects, science and investigatory projects they will be involved meaningfully in the society ,because they have something to give to the world or to this society, so I want them to become innovative and globally competitive, because they will have to do something, that will contribute to the society or the community “
Sa BSANHS ay patunay na ang edukasyon ay hindi lamang tungkol sa pagkatuto ng mga teorya, kundi pati na rin sa aktwal na aplikasyon ng kaalaman upang matugunan ang mga isyu sa lipunan. Ang ganitong uri ng pag-aaral ay nagbubukas ng pinto para sa mga mag-aaral na maging makabago at responsable sa kanilang mga desisyon. Sa tulong ng pananaliksik, ang hinaharap ay nagiging mas maliwanag hindi lamang para sa BSANHS, kundi para rin sa buong komunidad.


Sa mabilis na pag-inog ng makabagong mundo, nagiging mas mahalaga ang kamalayan ukol sa mental na kalusugan. Sa Benigno S. Aquino National High School (BSANHS), kinikilala ang depresyon bilang isang seryosong isyung dapat tugunan. Sa pamamagitan ng makabago at natatanging mga programa, nagsusumikap ang BSANHS na maging isang kanlungan ng suporta at pag-unawa para sa mga mag-aaral na nakararanas ng ganitong hamon. “Depresyon ay isang uri ng mental na karamdaman na nagdudulot ng matinding kalungkutan, kawalan ng interes o gana sa mga bagay na dati’y nagbibigay kasiyahan, at kawalan ng pag-asa. Madalas itong sinasabayan ng pisikal na sintomas tulad ng pagkapagod, pagbabago sa gana sa pagkain, hirap sa pagtulog, at kawalan ng konsentrasyon. Ito ay higit pa sa pangkaraniwang kalungkutan; ang depresyon ay maaaring makaapekto sa pang-araw-araw na gawain, relasyon, at kalidad ng buhay ng isang tao”. -World Health Organization (WHO) Upang maitaguyod ang kamalayan at mabigyang suporta ang mga magaaral, naglunsad ang BSANHS ng iba’t ibang programa na nakatuon sa mental na kalusugan. Mental Health Awareness Week Isang linggong programa na naglalaman ng mga seminar, workshop, at interactive activities upang itaas ang kamalayan sa depresyon at iba pang isyu sa mental na kalusugan. Tampok dito ang mga eksperto na nagbibigay ng payo at kaalaman. Art Therapy Sessions Ang sining ay ginagawang instrumento upang maipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang damdamin. Sa pamamagitan ng pagpipinta, pagguhit, at iba pang malikhaing gawain,
nagkakaroon sila ng pagkakataon na mailabas ang kanilang emosyon sa positibong paraan. Ang mga programang inilunsad ng BSANHS ay nagdulot ng positibong pagbabago sa kapaligiran ng paaralan. Mas nagiging bukas ang mga magaaral sa pag-uusap tungkol sa kanilang nararamdaman, at bumaba ang insidente ng bullying na may kaugnayan sa mental na kalusugan. Bukod dito, nadagdagan ang tiwala ng mga magaaral sa kanilang mga guro at guidance counselor bilang mga katuwang sa kanilang laban.
Ayon kay Ma’am Maria Teresa Dela Cruz, Guidance Coordinator ng BSANHS “Counseling lang talaga yung term natin para matulungan mga may depression dito sa school. Kapag lumala na yung kaso or pagka-depress ng tao, need na ng psychiatrist or therapy.”

Ang pagsulong ng kamalayan ukol sa depresyon ay hindi lamang responsibilidad ng iilang sektor, kundi ng buong komunidad.

Sa pamamagitan ng mga inisyatibo ng BSANHS, nagiging mas maliwanag ang mensahe na ang mental na kalusugan ay mahalaga at dapat bigyang pansin. Ang paaralang ito ay nagsisilbing inspirasyon na sa samasamang pagkilos, maaaring mapawi ang dilim ng depresyon at maitaguyod ang ningning ng pag-asa para sa mga mag-aaral. Laban

Takbuhan ni Jhan, Malaki ang Pintuan
Sa likod ng bawat tagumpay ng isang atleta ay isang kuwento ng pagsusumikap, pananampalataya, dedikasyon, at pangarap. Ganito ang makulay na kwento ni Jhan Gabriel S. Roque, 13 taong gulang na atleta mula sa Grade 7-Poinsettia. Sa kabila ng mga hamon, patuloy siyang nagpapamalas ng galing, tapang, at determinasyon sa larangan ng isports.
“Hindi po talaga ako ang nakadiskubre ng pagiging atleta ko. Nakakita lang po sila ng potensyal sa akin,” ani Jhan Gabriel nang tanungin kung paano nagsimula ang kanyang paglalakbay bilang atleta. Sa murang edad, natuklasan sa Sto. Cristo Elementary School ang kanyang likas na kakayahan. Noong Grade 6, nagsimula siyang sumabak sa mga kumpetisyon, partikular sa Athletics o Track and Field. Ang simpleng simula na ito ay nagbukas ng pinto sa mas malalaking laban. Ang unang malaking tagumpay ni Jhan Gabriel ay sa Palarong Pambansa na ginanap sa Puerto Princesa, Palawan noong Nobyembre 20-29, 2024. Sa kategoryang hurdles at jumps, nag-uwi siya ng silver medal – isang napakalaking
medalya, ang kanyang husay at tiyaga ay nagniningning sa bawat laban.
“Ang inspirasyon ko po ay ang pamilya ko at si God. Kung wala sila, wala rin akong mararating,” buong pusong ibinahagi ni Jhan Gabriel. Para sa kanya, ang suporta ng kanyang pamilya ang nagsisilbing pundasyon ng kanyang lakas, at ang kanyang pananampalataya sa Diyos ang nagbibigay ng gabay sa bawat hakbang. Ang mga ito ang nagiging ilaw niya sa landas ng tagumpay. Hindi biro ang pagiging isang atleta. Sa kabila ng kanyang pagiging abala sa paaralan, naglaan si Jhan Gabriel ng oras upang masigurong handa siya para sa laban. Sa tatlong araw na conditioning workouts at masinsinang training, tiniyak niyang nasa kondisyon ang kanyang

kaalaman ni Jhan Gabriel ang mga taong nagtatangkang magpababa ng kanyang kumpiyansa. “Meron po, pero hindi ko sila pinapasok sa isipan ko dahil nakaka-distract lang po sila,” matapang niyang sagot. Ang kanyang positibong pananaw ay nagbigay sa kanya ng lakas upang magpatuloy at magpokus sa kanyang mga layunin. Ngayong 2025, muli niyang haharapin ang entablado ng Batang Pinoy. Mas determinado siyang magbigay ng pinakamainam na performance sa bawat laban. “Syempre po masaya at thank you kay God. Kung wala po siya, wala din po ako sa Batang Pinoy,” ani Jhan Gabriel. Ang kanyang dedikasyon ay patunay na handa siyang pagtagumpayan ang anumang hamon na darating. Ang kwento ni Jhan Gabriel Roque ay sumasalamin sa tunay na kahulugan ng pagiging isang atleta. Hindi lamang ito tungkol sa medalya o tropeo, kundi sa paghubog ng disiplina, tapang, at pananampalataya. Sa bawat hakbang sa track at bawat talon sa hurdles, ipinapakita niya ang diwa ng
tagumpay – na hindi nasusukat sa kung ilang beses kang nanalo, kundi sa kung gaano ka kadeterminadong bumangon at magtagumpay. Ang kaniyang pangarap ay nagsisilbing gabay at motibasyon niya tungo sa magandang kinabukasan.
EDITORYAL
Sa Pwersa ng Masa, Wagi ang Atleta
Hindi na lihim na tinaguriang Basketball-Crazy Nation ang bansang Pilipinas dahil sa lakas ng suportang natatanggap nito. Sa bawat hiyaw ng mga tao rito’y siya namang kasalungat ng iilang hindi pinapansing laro, mga inalikabok na upuan sa mga lugar na pinagdadausan, at yamot na palakpakan ng iilang tagasuporta. Lumilitaw na ang insidenteng ito’y n agiwan ng isa malaking katanungan: Sino nga ba talaga ang dahilan kung bakit hindi tinatangkilik ang isang isports? Ang sagot ay walang kasiguraduhan, subalit isa ang malinaw—malaki ang gampanin ng tao upang tangkilikin ito.
Iminulat tayo sa isang katotohanan na sa ating bansa ay mas pinipilit nating maging kumportable kaysa dumiskubre—sa mga hindi kilalang laro tulad ng gymnastics, weightlifting, table tennis, football, chess, swimming, at marami pang iba. Itinutuon lamang natin ang pansin sa mga isports na alam ng karamihan tulad ng volleyball, boxing, badminton, at basketball dahil ito ang kapaligiran na ating kinalakihan. Sa bawat pagkakataong isinasantabi natin ang isang laro dahil “hindi ito sikat” o “hindi ito uso,” ipinagkakait natin ang pagkakataong maunawaan ang ganda nito.
Kadalasan, isinisisi pa natin sa isang isports na ito’y mahirap kuno, kumplikado, at hindi sapat na promotion para rito. Ngunit ano pang silbi ng teknolohiya na mayroon tayo? Hindi nga ba na sa daming paraang upang ma-access at maaaring makuhang impormasyon sa internet upang mapag-aralan ang isang laro ay wala na tayong dahilan upang maging ignorante? Madalas, nagkukulong lang tayo sa isang kwarto at wala man lang pisikal na ehersisyo.
Ang mundo ng Isports ay hindi lamang binuo para sa mga atletang nagnanais makatungtong sa entablo: ito rin ay para sa ating lahat. Ang simpleng paghiyaw, panonood sa kung paano ito nilalaro, at paglaanan ng kaunting oras ito ay isang malaking hakbang na sa pagbibigay suporta rito. Sapagkat paano mabibigyang-buhay ang isang isports kung hindi tayo maglalakas loob na saliksikin ang malalim na diwa nito at sumubok ng bago
Ang interes ay hindi palaging nakikita lamang ng mata at nililikhang imahe ng utak, pati na rin ang mismong paglalaro rito, ang pagsuporta sa pamamagitan ng pagpalakpak, pagbabahagi sa iba ng napanood, at pagbibigay ng oras upang malaman ito ay isang interes na higit pa sa naiisip lamang ng utak o nahagip lamang kaunti ng mata. Hindi lamang mismong isports ang nararapat mag-adjust upang maging kaaya-aya at kaaliw-aliw ito. Ang tao bilang tagasuporta ay kailangan maging bukas at malawak ang isipan, maging mapanuri, at haplusin ng kuryosidad—sapagkat sa pwersa ng masa, wagi ang atleta.

Umarangkada ang mga atleta ng Benigno S. Aquino National High School (BSANHS) sa larangan ng paglangoy matapos maging kwalipikado sa CLRAA 2025 ng maiuwi ang gintong medalya sa Swimming Provincial Meet 2024, sa Tarlac Recreational Park San Jose, Tarlac, nakaraang Disyembre 17.
Hindi pangkaraniwang galing ang ipinamalas ni Xavier Yael V. Guevarra matapos masungkit ang tatlong gintong medalya sa kategoryang butterfly stroke, breast stroke at swimming relay, hindi ito nagpasindak ng muling angkinin ikalawang karangalan sa 100 meter freestyle at sa 50 meter freestyle, kakaibang talento ang ipinamalas ni Xavier ng ipakita niya ang kanyang malakasang butterfly at breast stroke na nagpaiuwi sa kanya ng pagkapanalo.
“Masaya na muling makatutungtong ng CLRAA at meron rin mga bagay na naging problema, base sa naging experience ko naging problema ang oras, at ang memorable na moment para sakin ay yung pag training at pag tutulungan namin sa araw araw kasama ang team,” Pahayag ni Guevarra.
Hindi rin nagpahuli si Erwin Kyle M. Aquino ng magpalabas rin ng tatlong ginto sa 200 meters backstroke,200 meters freestyle at 400 meters freestyle relay, dedikado rin nitong nasungkit ang ikalawa at ikatlong karangalan sa 50 meters backstroke at 200 meters freestyle, ipinamalas ni Kyle ang kanyang galing matapos nitong pinasulyap ang talento sa backstroke at freestyle relay na naging paraang upang maihayag bilang
kampeon sa labanan.
“Napunta lang ako sa swimming dahil isanali lang ako ng kasama ko si Xavier and nagustohan ko ang swimming kaya pinagsikapan kona na mag Clraa at ngayon ay naipanalo ko na, ” saad ni Aquino.
Sa kabilang banda, magiging representasyon rin si Ashley Mangulabnan sa CLRAA 2025 matapos nitong matamasa ang gintong parangal sa Welter Weight Category 6 Taekwondo Provincial Meet, sa Tarlac National High School.
Nagpalabas ng malakasang side at in- out kick na nagpadurog sa APSTAP, hinigpitan ni Mangulabnan ang depensa nito na dahilan upang hindi makabawi ang kalaban na naging dahilan ng pagkapanalo nito.
“May friend kasi ako sa volleyball at usapan namin na magsama kami sa CLRAA, kaya naging inspiration ko din manalo, naging goal ko din manalo para makasama sya, ” pahayagan ni Mangulabnan.
Inaasahan na muling makikipagbakbakan ang mga atleta ng BSANHS sa nalalapit na Central Luzon Regional Athletic Association 2025 sa lalawigan ng Tarlac.
Sa bawat paaralan, laging may mga estudyanteng nagtataglay ng pambihirang galing sa isports. Sila ang mga nagbibigay-buhay sa bawat laro, nagpapamalas ng kahanga-hangang kakayahan sa basketball, volleyball, track and field, at taekwondo, badminton, at iba pang isports. Subalit, marami sa kanila ang pinipiling huwag ipagpatuloy ang kanilang talento sa kadahilanang natatakot silang makaapekto ito sa kanilang pag-aaral.
Ang pangunahing alalahanin ng mga estudyanteng ito ay ang posibilidad na maapektuhan ang kanilang akademikong performance. Sa kasalukuyang sistema ng edukasyon, mataas ang inaasahan mula sa mga mag-aaral na magtagumpay sa kanilang mga klase. Para sa iba, ang oras na ginugugol sa pagsasanay at kompetisyon ay tingin nilang nakababawas sa oras para sa pag-aaral, paggawa ng takdang-aralin, at paghahanda para sa mga pagsusulit. Ang takot na mababa ang grado o mabigo sa klase ay madalas na nagiging dahilan upang piliin nilang umiwas sa isports.
Bukod dito, may umiiral na pananaw na ang pagiging atleta ay nagiging sanhi ng pagpapabaya sa akademya. Bagaman hindi ito palaging totoo, ang ganitong pananaw ay nagiging hadlang para sa ilang estudyante. Ang ilang magulang at guro ay nag-aalala na ang pagiging bahagi

LANTARAN

Potensyal na Patago
ng isang koponan ay magdudulot ng distraksyon, kaya’t mas binibigyang-diin ang akademikong tagumpay kaysa sa tagumpay sa larangan ng isports. Gayunpaman, hindi natin dapat kalimutan na ang isports ay hindi lamang pisikal na aktibidad. Malaki ang naitutulong nito sa paghubog ng disiplina, pagkakaroon ng teamwork, at tibay ng loob – mga katangiang mahalaga hindi lamang sa paaralan kundi sa pamumuhay ng isang atleta. Bukod dito, may mga pagkakataon ding nagbibigay ng scholarship ang mga unibersidad para sa mahuhusay na atleta, na nagiging tulay upang maabot nila ang kanilang mga pangarap.
Kaya’t mahalaga na ang mga paaralan at pamayanan ay magbigay ng sapat na suporta sa mga estudyanteng may talento sa isports. Maaaring magpatupad ng mga programa tulad ng flexible schedules, academic assistance, at mentoring na makatutulong sa mga estudyante upang maisabuhay ang balanse sa pagitan ng pag-aaral at paglalaro. Dapat ding magsanib-puwersa ang mga guro, magulang, at coaches
upang masiguro na ang atleta ay nabibigyan ng tamang gabay at motibasyon.
Ang tanong ngayon, paano natin mahihikayat ang mga estudyanteng ito na ipagpatuloy ang kanilang talento? Magsimula tayo sa pagbibigay ng pagkilala sa kanilang galing at pagsisikap. Ipakita natin na ang kanilang kakayahan ay mahalaga at dapat pahalagahan, hindi lamang sa loob ng paaralan kundi pati sa mas malawak na komunidad.
Sa huli, ang edukasyon ay hindi lamang nakatuon sa mataas na grado o akademikong tagumpay. Ito ay tungkol sa pagiging isang buo at balanseng indibidwal na may kakayahang harapin ang iba’t ibang hamon ng buhay. Huwag nating sayangin ang potensyal ng mga estudyanteng ito dahil sa takot. Suportahan natin sila upang magtagumpay hindi lamang sa akademya kundi pati na rin sa isports.
BSANHS Basketball Boys , binasag ang
ANG PAROLA
S P O R T S
ng mga manlalaro ng BSANHS dahilan ng kanilang pagkapanalo kontra APSTAP (70-50), sa pangunguna ni Brod Wilson Soriano manlalaro ng Benigno.
namin ito, sa mga oras na iyon syempre kinakabahan kami pero alam namin na kaya namin ito since months kami nagtraining talaga” saad ni Benjamin Soriano, coach ng Basketball

drought sa Provincial Meet 2024
ang naging inspiration namin.” Pahayag ni Soriano Coach ng BSANHS. Nauna ng nakitaan ng galing ang Benigno matapos ang pakikipagtuos sa quarter finals kontra Ramos,Tarlac at Capas, hindi na sila nagpatinag nang mariing sungkitin ang panalo sa semifinals kontra Gerona. Muling makikipagtuos at makikitaan ng talento ang BSANHS bilang representasyon ng probisya ng Tarlac sa

NAGLILIYAB
Mainit na panahon ang tinapatan ng nag-aalab na talento ng mga kabataang atleta mula sa Benigno S. Aquino National High School matapos magsumite ng karangalan ang mga mapapalad na Atletang Aquinians sa Batang Pinoy 2024 na ginanap sa Puerto Princessa, Palawan, City, noong Nobyembre 20, 2024.
Iba ’ t ibang kategorya ang ibinida sa nasabing patimpalak.
Unang nagpasiklab si Jhan Gabriel Roque na nagningning at taas noong nagsumite ng dalawang karangalan matapos mag puwesto ng 5th Place sa 110m Hurdles Boys u16 at 7th place naman sa 400m.
Ayon kay Roque, hindi biro ang makatungtong sa Batang Pinoy at matagal na niya itong pinapangarap, puno ng pagpupursige sa ensayo ang ibinuhos ng atleta bilang paghahanda sa nasabing patimpalak.
Sa kabilang banda, hindi binigo ng mga batikan sa Dance Sport’s na sina Rapha Joy Licuanan at Fervhie Jude Poligrates matapos humataw ng limang medalya kasama sina Leila Angeli Balanga at Aaron Galang sa kategoryang Chacha at Ballroom.
Hindi na bago ang pagkapanalo para sa kanila, dahil kilala na ang apat na batikan sa hatawan pagdating sa sayawan dahil nasa elementarya pa lamang sila ay umabot na sila sa mga Internasyonal na patimpalak.
“Overwhelmed ‘yung na fi-feel namin po ngayon, pinaghandaan po talaga namin itong patimpalak na ito sa

NA TALENTO

bigo itong makakandado ng puwesto sa pagkapanalo sa Badminton Doubles (Girls) matapos itong matalo sa iskor na 18-21 kasama ang kaniyang partner na si Angel Briggette David nang makatapat