Skip to main content

ALPAS PLUMA SY. 2024-2025

Page 1

ALPAS PLUMA

OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL

PAHINA 2

SETY EM B RE 2024 - EN ERO 2025 V O L UM E I I I . I SSUE 1. BAYAN NG SAN MATEO, DIBISYON NG RIZAL, REHIYON NG IV-A CALABARZON

PAHINA 6

PAHINA 12

KORTESIYA NG LARAWAN | 105.9 TRUE FM

Matagumpay na naisagawa ang kauna-unahang Family Day sa San Mateo Senior High School (SMSHS) na may temang "Pamilya: Kaagapay ng Paaralan, Tungo sa Maka-edukasyong Kaunlaran" sa pangunguna ng School Parent-Teacher Association (SPTA) ng SMSHS noong ika-14 ng disyembre taong 2024 sa school grounds ng paaralan sa ganap na ika-anim ng umaga. Matapos ang mga nakakapagod na araw sa pag-aaral at trabaho, nagsama-sama ang pamilya ng mga mag-aaral ng SMSHS upang magsaya sa mga inihandang palaro at pa-raffle ng SPTA sa tulong ng 105.9 True FM radio. Nagsimula ang pagdiriwang sa isang zumba session kung saan nakiisa ang mga guro, magulang, at mga mag-aaral, kasunod ng paggagawad ng parangal sa mga lumahok na ibinigay ang lahat ng kanilang makakaya sa pagsayaw at pananamit.

YURIE ADLAWAN

Libreng manicure, pedicure, hair cut, at massage naman ang inihandog ng mga mag-aaral mula sa Beauty Care strand para sa mga magulang na dumalo sa pagdiriwang. Nagkaroon ng tagisan ng talento sa pagkanta ang mga mag-aaral sa naganap na Choral Competition kung saan nagwagi ang mga mag-aaral mula sa HUMSS Strand, sinundan naman ito ng TVL, STEM, at ng ABM. Ibinahagi rin ng SMSHS BUZY-B Dance Club ang kanilang talento sa pagsasayaw sa stage upang mas lumigaya ang araw na ito. Hindi pinalampas ng mga mag-aaral ang pagtangkilik sa mga family booth na Binigyang buhay ng mga palaro at pagkain na inihandog ng mga organisasyon ng San Mateo Senior High School. KORTESIYA NG LARAWAN | MARK PASTRANA

PAGLULUTO NG PUTAHENG PINOY, MATAGUMPAY NA NAIRAOS KORTESIYA NG LARAWAN | BOB HEYLI CUTUDIO

Nagpamalas ng husay ang mga lumahok na mag-aaral ng San Mateo Senior High School (SMSHS) sa proyektong "Pagluluto ng Putaheng Pinoy" para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na pinamunuan ng HUMSS Petitive Club noong Huwebes, ika-29 ng Agosto. Ayon kay Roniño Roque, presidente ng HUMSS Petitive Club, naging maayos ang daloy ng proyekto mula sa pagbabalangkas ng programa, pagwawasto ng proyekto katulong ang mga guro sa Filipino, hanggang sa maisakatuparan ito.

PAHINA 16

Ilan sa mga inihain ng mga magaaral mula sa ika-11 at ika-12 baitang na isinagawa sa food laboratory ng paaralan ay ang mga kilalang putahe ng bansa na bicol express, ginisang mais, kare-kare, kinamatasang manok, at nilagang baboy. Bunga nito, isang karangalan para sa HUMSS Petitive Club ang maayos na pagdaos ng naturang programa.

Nailunsad nang matagumpay ng San Mateo Senior High School ang Campus Intramurals para sa taong 2024 noong ika-14 ng Setyembre, mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-dos ng hapon. Sa panimula ni G. Jordan Obogne, guro mula sa Humanities and Social Sciences (HUMSS), sinimulan ang parada kasama ang Supreme Secondary Leaners Government (SSLG) at ang mga estudyante mula sa Accountancy, Business and Management (ABM), HUMSS, at Technical Vocational (TVL) Strand. Upang opisyal na buksan ang programa, ang mga taong abala na sina Gng. Dianne Tobias at G. Jayson Dagcuta mula sa STEM Department ang nanguna upang ipagpatuloy ang mga sumunod na gawain. Kinatampukan ng iba't ibang sports at aktibidad tulad ng Wushu, Arnis, Dodgeball, Kadang-Kadang, Badminton, at ang pinakainaabangan ng lahat, ang Cheerdance. Ang mga nasabing aktibidad ay kinapalooban ng tatlong grupo - STEM-ABM, HUMSS, at TVL. Malugod na nagpapasalamat ang mga guro at estudyante sa butihing punong guro, Dr. Marivic Cabañero, para sa pagtupad ng nasabing programa sa araw ng Setyembre 14.

IPAGPATULOY SA PAHINA 3

JAMILLE ANTONIO

GILLIAN GUANZON

PAHINA 18


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
ALPAS PLUMA SY. 2024-2025 by AlpasPluma - Issuu