Kauna-unahang babaeng alkalde Bagong flag pole ipinagkaloob sa Buenlag NHS Ni: Lance Joshua De Vera Pinagkalooban ng matibay, maganda at bagong flag pole ang Buenlag NHS ng Northern Luzon Region IX Professional Eagles Club and Rotary Int’l District 3800-RC San Mateo Highlands sa pamamagitan ni Pres. Ret. Lt. Col. Ramil S. Palisoc. Natapos itayo ang naturang flag pole noong Oktubre 18, 2022. Lubos na nagpapasalamat ang punonguro na si Gng. Genoveva E. Ballesteros at ang buong BNHS dahil ang paaralan ay mayroon ng matibay at bagong flag pole na kanilang magagamit upang magbigaypugay sa sagisag ng ating bansa.
BNHS Youth Organization nagpalugaw Ni: Angelica Espinoza Nagtulungan ang Supreme Student Government, Barkada Kontra Droga, National Drug Education Program at Youth Council ng Buenlag NHS para magbigay ng libreng lugaw para sa mag-aaral ng BNHS. Ika-06 ng Disyembre 2022, isinagawa ng Youth Organization ang nasabing aktibidad sa Buenlag Covered Court. Adhikain ng proyektong ito na pahalagahan ang kalusugan ng mga kabataan upang lubos na makapag-aral ng mabuti sa araw-araw. Pagkatapos ng programa, ay nagkaroon din ng clean up drive ang mga nasabing organisasyon sa loob at labas ng paaralan ng Buenlag National High School. Bilang tugon sa apat na layunin ng SSG ito ay ang Makatao, Makadiyos, Makakalikasan at Makabansa. Sinugurong conducive learning environment at drug free ang Buenlag NHS.
ng Calasiao, Pumanaw na
Ni:Khristel D. Valdez
Ikinagulat ng lahat ang biglaang pagkamatay ng kauna-unahang babaeng alkalde ng Calasiao na si mayora Mamilyn “Maya” Caramat, noong ika-8 ng Enero 2023 sa edad na 52. Ayon sa kanyang anak na si Patrick Caramat siya ay namatay dahil sa organ failure. Pinabulaan ng anak niyang si G. Patrick Caramat ang sabi-sabi na napagod daw ito sa mga dinaluhang seremonya ng katatapos lamang na Puto Festival
“Hindi po siya napagod dahil ginusto niya po itong gawin at ginawa niya ito ng bukal sa kanyang kalooban para mapasaya ang mga Calasiaoñeos.”
wika nito wala ring iniindang sakit ang alkalde nang maupo ito sa pwesto, nilinaw niya na organ failure ang ikinamatay ng kanyang ina. Nagpapasalamat ang pamilya Caramat sa walang sawang pakikiramay ng mga tao sa kanilang pamilya, hiling nila ang dasal ng bawat isa upang malagpasan ang hamong ito ng kanilang buhay. Si mayora Caramat ay ang panganay sa apat na magkakapatid. Unang nagsilbing kapitan sa bayan ng Nalsian at nagdesisyon na kumandidato
bilang alkalde ng bayan at sa kaunaunahang pagkakataon hinirang siya bilang kauna-unahang babaeng alkalde ng Calasiao. Nanumpa si Caramat bilang ika160th alkalde ng bayan ng Calasiao noong Hunyo 28, 2022 sa Sports Complex, Calasiao. Dinaluhan ang ang inagurasyon ng iba’t ibang panauhin mula sa iba’t ibang bayan. Ang labi ng alkalde ay ibinurol sa Mayas’ Heaven, Nalsian at inihatid sa huling hantungan noong Enero 18, 2023. Nagdalamhati ang taong bayan
dahil sa sinapit ng alkalde, ayon pa sakanila napakabait at punong-puno ng pagmamahal ang yumaong alkalde ng Calasiao. Ika ni Bb. Espinoza-
“Isa siyang mahusay, tapat at mapagkakatiwalaang lider ng bayan” Sinabi ni Bb. Espinoza na magpapatuloy ako bilang lider ng paaralan para mapabuti ang aming eskwelahan at higit sa lahat ay para mapabuti ang aking mga kamag-aral.
BNHS ‘DI NAGPAHULI SA STATISTICS MONTH Ni: Noryn Feliz De Vera
Outstanding na mga guro pinarangalan Ni: Jonamae Caducio
Ginawaran ng sertipiko ng pagkilala ang natatanging punongguro, dalubguro at tatlong guro ng Buenlag NHS nitong Disyembre 16, 2022. Umaga ng Disyembre 16, 2022 lumahok ang mga guro ng distrito dos sa PRAISE awarding ceremony. Sinimulan ang nasabing okasyon sa pamamagitan ng Misa ng Pasasalamat at sinundan ng Seremonya ng Parangal.
Nakamit ng Buenlag National High School ang parehong ikalawang puwesto sa municipal level competition sa Oration at Jingle Contest sa ika-33rd National Statistics Month (NSM) noong buwan ng Setyembre 2022, sa Calasiao Comprehensive National High School. Ang NSM, ay ipinagdiriwang upang madagdagan ang kaalaman at malinang ang mga talento ng mga mag-aaral ukol sa estatistiko ito rin ay isang patunay na ang BNHS ay sagana sa mga talento na maaaring maipagmalaki ng eskwelahan.
Sina Gng. Genoveva E. Ballesteros (Punongguro I), Gng. Lorna V. Maynigo (Dalubguro I) at Bb. Rowella A. Catugas (Guro III), Bb. May Carla Ferrer (Guro III) at Gng. Riza Posadas (Guro III) ay masayang tinanggap ang kanilang sertipiko bilang mga natatanging guro.
Ang Statistics Jingle Group ng BNHS ay pinangunahan ni Master Teacher I, Lorna V. Maynigo (Dalubguro I) ma’am Cherry Ann Gabrillo (Guro III), sir Artemio Jimenez (Guro III) at ma’am Elma Alcaras (Guro III).
BNHS, Nagwagi ng 3rd Place sa Nutri-jingle Video Contest Ni: Samuel Ramos Hinirang bilang 3rd place ang Buenlag National High School sa Nutri-Jingle Video Contest Season 5, regional level noong Setyembre 01, 2022 tinalo ng Buenlag National High School ang 7 paaralan sa Rehiyon 1.
Pinarangalan din na “Fan Favorite” ang BNHS sa kanilang Nutri-Brigade, lubos na nagpapasalamat ang mga mag-aaral sa walang sawang suporta na ibinigay ni Gng. Genoveva E. Ballesteros, Principal I at Bb. May Carla
Ferrer, Teacher III (Tagasanay). Layunin ng patimpalak na ito na himukin ang bawat indibidwal na pangalagaan ang kanilang pangangatawan at ang kanilang kalusugang pangkaisipan, ang nabuo nilang liriko ay pinamagatang “TARA
NA” na isinulat ni Noryn Feliz De Vera at ang kanyang kapatid na si Lance Joshua De Vera. Sa tatlong minutong video entry, binigyang halaga nila ang pangangalaga sa katawan, pagkain ng wasto, at pagbibigay pansin sa kalusugang mentalidad.