AGSIKAP
Pumapanday sa katotohanan, lumilikha ng pagbabago TOMO 7 BILANG 1 • ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG CALAMBA CITY SCIENCE INTEGRATED SCHOOL • REGION 4A-CALABARZON AGOSTO - ENERO 2024
Teacher migration, tumataas; kalidad ng edukasyon, tututukan JESSIE CAMANGIAN, JOSE MIGUEL DACPANO
Para sa sustenableng pag-aaral,
Libreng reviewer sa mga CET, pinaghahandaan na
PANGMALAKASAN. Ibinida ng mga mga mag-aaral ng Calamba City Science Integrated School ang kahusayan sa pagsasayaw ng mga pambansang kapistahan bilang bahagi ng Performance Task sa asignaturang MAPEH. LUISITO LAPITAN kapsiyon ni RAFAEL ORTIZ
MGA TAMPOK NA BALITA
BroadcaSTARS pahina 2
DANAS pahina 8
A
minado ang punong-guro ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) na si Dr. Danilo S. Tungol na isang malaking kawalan ang pagalis ng mga guro sa paaralan ngunit sinigurado niyang hindi masasakripisyo ang kalidad ng pagtuturo sa mga mag-aaral.
Sa isang panayam, pinanindigan ng punongguro na mayroon pa ring ‘career progression’ ang mga titser sa CCSIS at anumang rason para sa pag-alis ng mga dating guro, maaaring may kinalaman sa personal nilang pagpapasya. “I think there are some reasons, basically it is because personally, it’s all about the finances; may
kasabihan nga na kung gusto mo yumaman, wag kang magturo” paliwanag ni Tungol. Ayon naman sa Makabayan bloc, pinatototohanan nito na hindi sapat ang sahod sa entry level ng mga guro na nagkakahalaga ng Php 30,000 kada buwan kaya nais nilang pataasin ang minimum wage sa Php
50,000 ng mga Teacher I o Salary Grade 11. Kung ikukumpara sa ibang bansa na karaniwang nililipatan ng isang guro tulad ng Taiwan, umaabot ng Php 120,000 kada buwan ang pinakamababang sahod ng isang Foreign English Teacher, halos apat na beses na mas mataas sa karaniwang sahod sa bansa.
Batay sa tala mula taong 2022, tinatayang hindi tataas sa 10 guro na ang nagdesisyong umalis sa paaralan, ang iba sa kanila nakahanap ng trabaho at posisyon sa ibang mga institusyon, habang ang ilan, lumipat na ng propesyon o kaya naman ipinagpatuloy ang pagtuturo abroad. “Itinuturing itong
professional growth ng mga teachers at tinitingnan ito in a positive perspective ng school kahit na hindi na talaga mapipigilan na umalis ng school yung mga teacher na nakasanayan na talaga ang sistema sa CCSIS,” dagdag pa ng punongguro. ITULOY SA PAHINA 2
CCSIS, ‘di apektado ng bagong SHS curriculum; 13% pagbaba ng G11 admission, inaasahan JESSIE CAMANGIAN
LATHALAIN pahina 10
PALAG SA MATATAGalang USAD pahina 13
RSPC 2024 - R4A
Ikalawang pinakamahusay sa Pahinang Agham at Teknolohiya
T
iniyak na ni Luzviminda Escuredo, school registrar, ang pagbaba ng mga mag-aaral na tatanggapin sa ika-11 baitang ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) sa mga susunod na taong panuruan matapos magdagdag ng panibagong seksiyon sa Grade 10. Pahayag ni Escuredo, kung mapapanatili ang apat na seksiyon sa Grade 10, mababawasan na ang mga mabibigyan ng pwesto galing sa ibang paaralan para sa kabuuang populasyon ng Grade 11 Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) Strand. “Estimated 129 STEM students na lang ang tatanggapin, depende if may lilipat na Grade 10 to other schools for senior high,” wika ng school registrar. Binubuo ngayon ng 270 estudyante ang Grade 11 sa STEM Strand ng CCSIS, mula rito, 148 na mag-aaral ang galing sa ibang paaralan, mas mababa kumpara sa 151 na estudyante noong nakaraang taon. Taong 2021 hanggang 2022, mayroon lamang dalawang seksyon sa Grade 10 ang CCSIS kaya naman kaunti lamang ang mga nagsisipagtapos sa Junior High School, dahil
BALITANG
NUMERO1
dito nagdagdag ng panibagong seksyon hanggang sa maging apat ito sa kasalukuyang taong pampanuruan. Samantala, kasunod ng plano ng Kagawaran ng Edukasyon na pagtanggal sa mga strand ng kurikulum sa senior high school, nilinaw ni Dr. Danilo S. Tungol, punong-guro ng CCSIS, na hindi magiging apektado ang paaralan dahil mananatili pa ring nakaangkla ang kasanayan ng pagtuturo sa agham at teknolohiya. “Wala siyang magiging effect kasi special programmed ang ating ino-offer. Magkakaroon lang ng standardized offering sa mga subject area pero yung specialization natin, still, hindi yan mababago,” pahayag ng punong-guro. Nakapaloob sa inihaing panukala na babawasan na lamang sa lima ang mga core
subject sa kurikulum ngunit ipagkakaloob pa rin ang lahat ng asignaturang kinakailangan sa loob ng isa hanggang dalawang taon. Pananatilihing nakahanay ang nasabing plano alinsunod sa inamyendahang K-10 Curriculum. “This removal allows for a more flexible and inclusive framework that meets diverse learner needs without confining them to predetermined tracks, fostering holistic and versatile education,” pahayag ng ahensiya. Kaugnay nito, pinaigting din lalo ng paaralan ang paglilimita sa pagtanggap ng mga bagong estudyante na mula lamang sa mga lehitimong naninirahan sa Calamba. “All of them must be coming from Calamba, residents of Calamba and voters of Calamba City kasi this school is for Calamba residence kasi it is funded by the local government,” pagdidiin ng school registrar.
PANGUNAHING DAHILAN NG PAGHINTO SA EDUKASYON NG MGA SEKUNDARYANG MAG-AARAL
3,135/
guhit ni LIAN BALLECER binigyang kulay ni GRACE ANN DE LOS REYES
159K 59% 62% 41.7% ng batang mag-aaral ang nagtangka ng ‘suicide’
University of the Philippines Population Institute, 2021
P16.3M/
silid-aralan ang kulang para sa taong panuruan 2024-2025 DepEd, July 2024
ng batang edad 15-19 ang pinakatalamak sa unang gamit ng droga
Dangerous Drug Board, 2023
Pilipino ang aminadong mahirap
PSA, Oct. 2024
35% batang edad 15 pababa ang buntis
PSA, 2022
PURSIGIDO. Tiniyak ni Dr. Danilo Tungol, punongguro ng Calamba City Science Integrated School noong Setyembre 2024 na mapupunan na ang mga kulang na gastusin at kagamitan sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang patimpalak. AIAHLA SHELLOU AGCAOILI kapsiyon ni RAFAEL ORTIZ
KEANE EZAIL VIVAS
S
inisikap na ni Dr. Danilo S. Tungol, punong-guro ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS), na makagawa ang paaralan ng sariling reviewer para sa mga mag-aaral ng ika12 na baitang upang mas mapataas pa ang bilang ng mga makapapasa sa mga college entrance exam at iskolarsyip. Matatandaang nakapagtala ng 109 pasadong mag-aaral sa 260 na kumuha ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) 2024, 15% na mas mataas kumpara sa 56 sa 206 na mag-aaral noong 2023. Tumaas din ng 14% ang pasado sa Department of Science and Technology – Science Education Institute (DOST–SEI) 2024 Undergraduate Scholarship Program mula 65 patungong 74 na mag-aaral. Ayon kay Tungol, bukod sa mga dokumentong handang ibigay ng paaralan, nais pa niyang suportahan ang anumang pangangailangan ng mga mag-aaral na magkokolehiyo sa mga susunod na taon sa pamamagitan ng paghahasa ng kanilang kaalaman. “Isa sa magiging step natin in the near future ay mag-ka-craft tayo ng sarili nating mga review manuals. Pwede naman tayo magbigay ng reviewer basta ‘yon ay contextualized natin,” ani punong-guro. Itinuturing na pinakamataas na rekord ng mga pasado sa CCSIS ang bilang noong 2024 mula nang maging isang integrated school ang paaralan at layunin pa ng punong-guro na higitan ito. “Inspiration drives them, among the takers. Hindi naman totally na napepressure sila, but instead, namo-motivate na lagpasan yung mga number of passers last year” ani Edizon Dela Cruz, Grade 12 Coordinator.