Skip to main content

Agsikap · Tomo 6 No. 1

Page 1

‘KAKARAMPOT’ P136-K pondo, kapos PRECIOUS PAULIN PUSAG

I

binunyag ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) ang kakulangan sa buwanang Php 136,800 Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) na natatanggap ng paaralan dulot ng implasyon at patuloy na pagtaas ng populasyon ng eskwelahan. Ayon kay G. Ronald Trigueros, CCSIS Administrative Officer II, bumaba ang kabuuang MOOE mula sa Php 1.9 milyon noon hanggang sa Php 1.6 milyon ngayong taon dahil sa naganap na merging ng Calamba City Science High School at Calamba City Senior High School. “Noong nakaraang taon, tatlo ‘yung MOOE natin kasi magkabukod pa. Now, for the whole year, we have a total MOOE na Php 1,620,700. Composition ‘yan ng junior high school which is Php 659,300 at tsaka senior high school na Php 961,400,” pag-uulat niya.

PARA SA LAHAT. Gumagamit ng iisang dispenser ang mga estudyante ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) kada dalawa o tatlong klase upang makatipid sa pagkonsumo ng kuryente bilang tugon sa kakulangang natatanggap ng paaralan sa buwanang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE). AVIGAIL MONSALUD KAPSYON NI: AIAHLA SHELLOU AGCAOILI

ITULOY SA PAHINA 2

PHP 61,181

PHP 57,346

43% KOMUNIKASYON

PHP 16,185

38%

PHP 1,000

12%

PANGKALAHATANG GASTUSIN

KAGAMITAN

6%

KALINISAN

PHP 750

1%

PASILIDAD

MAYO 2024

PINAGLALAANAN NG BUWANANG MOOE

Kakapusan sa disaster equipment, siniyasat JESSIE CAMANGIAN

83.5% ng CalScians, kontra sa Field Trip DANIELLE MARIE FUEGO

P

inuna ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region IV-A CALABARZON ang kakulangan sa fire protection facilities ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) kasabay ng bagong tayo na ikatlong palapag ng Junior High School (JHS) building. Kaugnay nito, naobserbahan ni John Aries Alzona, isang rehistradong nars at lisensyadong guro ng Philippine Red Cross Laguna Chapter – Calamba City Branch, ang kawalan ng nakahandang fire hydrant sa loob ng paaralan nang magsagawa ng seminar bilang bahagi ng Brigada Eskwela. Ayon kay Alzona, maaaring makompromiso ang kaligtasan ng mga CalScians dahil hindi sapat ang kahandaan ng paaralan na sumasalungat sa matibay na Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan. Ipinaliwanag ni Dennis Batoleña, DRRM Coordinator ng CCSIS, na

Tampok na Balita

Lumang research equipment, idinaing ng paaralan

ang kakulangan pa rin sa budget ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ang isa sa dahilan kaya hindi mapunan ang kakulangan ng mga gamit kung sakaling magkaroon ng mga sakuna tulad ng sunog at lindol. “Malaki ang budget na ginawa ko [sa proposal], nasa Php 300,000. Pero saan kukuhanin ‘yung budget? MOOE natin ay magkano lang... five thousand, hindi pa maibigay. Paano tayo makakabili ng fire extinguishers? Paano tayo makakabili ng wheel chair?” ani Batoleña. Batay naman kay Gng. Christine Abenojar, Teacher-in-Charge ng CCSIS, matagal nang nakikipag-ugnayan ang paaralan sa Local Government ng Calamba upang maisagawa ang mga plano patungkol sa pagpapatayo ng mga fire hydrant at mapunan ang ibang mga pangangailangan para sa kaligtasan at seguridad sa CCSIS.

Kalaunan, nakapaglagay ng mga fire extinguisher at fire alarms sa buong paaralan upang maibsan ang isyu, nagsagawa rin ng fire safety demonstration ang BFP at pagtuturo ng tamang pagbibigay ng first aid upang maging handa ang mga mag-aaral. Samantala, binigyang pansin din ang pagbaha sa bahagi ng patyo ng CCSIS na sinasabing “gutter deep” ang lalim o walong pulgada ayon sa standard floor measurements ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Patuloy pa ring nagsasagawa ng mga plano ang paaralan para rito dahil nais ni Abenojar na maglagay ng hukay upang magsilbing daanan ng tubig sa parte ng gusali ng JHS dahil hindi kasama ang paghuhukay ng kanal sa pagpapatayo nito.

AVIGAIL MONSALUD KAPSYON NI: AIAHLA SHELLOU AGCAOILI

PRECIOUS PAULIN PUSAG KASANGGA. Tinanggap ni Francis Cleofas (kanan), isang benepisyaryo ng programang adopt-achild, ang monthly cash assistance mula sa PTA President na si Hardie Dabu (gitna) at Auditor Baby Gatdula (kaliwa) sa nagdaang adopt-achild assembly noong Oktubre 2023.

I

ITULOY SA PAHINA 3

APULA SA BANTA. Inihain ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) Teacher-in-Charge na si Gng. Chrsitine S. Abenojar ang ginawang aksyon ng paaralan ukol sa napupunang usapin pangkaligtasan ng paaralan noong Disyembre. Kamakailan ay ilang lindol ang naramdaman ng lugar mula sa mga karatig probinsya, dahilan ng pagkabahala ng marami.

Adopt-a-Child program, nakatengga

JESSIE CAMANGIAN

binahagi ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) Science Department Head na si Rowena Acosta ang kakulangan sa updated research equipment na nakaapekto sa pagkapanalo sa research competition na isinagawa ng Samsung. Sa isang panayam, ipinahayag ni Acosta na galing sa natirang mga materyales noong nakaraang kompetisyon sa Department of Science and Technology (DOST), dalawang taon na ang nakalilipas, ang ginamit para sa prototype sa Samsung’s Solve For Tomorrow.

T

CCSIS DOCUMENTATION TEAM KAPSYON NI: AIAHLA SHELLOU AGCAOILI

P

ansamantalang nakahinto ang pamimigay ng tulong pinansyal ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) Adopt-a-Child Program sa mga mag-aaral dulot ng kakulangan sa pondo. Sa isang panayam, binanggit ni Gng. Christine Abenojar, Teacher-in-Charge ng CCSIS na bagamat tagumpay na nakapagbigay ng pinansyal na tulong

BALITA 3 BUHOS BIYAYA Usapin sa Monthly Allowance, Learning Kits, nilinaw

ang paaralan sa nagdaang buwan, hindi na sapat ang pondo ng programa para sa mga susunod na buwan. “For the meantime, may pagkaantala sa Adopt-a-Child Program ng school. Naka-affect kasi talaga ‘yung cancellation ng mga fundraising activities noong 2023 Brigada Eskwela na gagamitin sana to fund the program. We are already taking actions about

AGHAM AT KALIKASAN 9 Suplay ng pagkain sa Laguna, Apektado sa Pagkitid ng Lupaing Agrikultural

this,” wika ni Abenojar. Ayon naman kay Gng. Shielalyn Incien, Adopt-a-Child Program Coordinator, kinakailangan pa ng paaralan na makapaglikom ng pondo upang masuportahan ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pagsulat ng sponsorship letters sa mga pinagkakatiwalaang stakeholders. “Sa ngayon eh hindi sapat ang pondo para sa Adopt [-a-Child]. So, gumagawa ng paraan ang ating school para makapag-produce ng fund at makahanap ng sponsors para sa kanila,” dagdag pa ng program coordinator. Samantala, nakikipagtulungan ang CCSIS sa School Parent-Teacher Association (SPTA) upang makalikom ng sapat na pondo para sa nasabing programa.

LATHALAIN 12 PARTNERS IN ONE Makulay na paglalakbay ng Tuss Duos sa CalSci

inanggihan ng karamihan sa mga mag-aaral ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) ang pagsali sa field trip na iminungkahi ng School ParentTeacher Association (SPTA), dulot ng pagkadismaya sa mga nakaplanong destinasyon pati na rin sa kabuuang halaga ng biyahe. Ayon kay Khirby Panopio, isang mag-aaral sa baitang 12, "nakababagot" ang nasabing field trip dahil karamihan sa mga nakaplanong destinasyon ay naisama na nang maraming beses sa mga nakaraang taon. “Kung titingnan mo talaga kasi, hindi sya worth it, hindi siya kaayaaya. Lalo na para sa price ng trip na ‘yan, parang feeling ko hindi talaga siya sulit,” ayon kay Panopio. Pahayag naman ng isang guro sa CCSIS na si Gng. Rowena Acosta, mahirap mamilit ng mga sasama kung ayaw talaga ng mga mag-aaral. “I’ve done my part naman na to convince ‘yung mga estudyante ko because ito nga ay fundraising opportunity ng school, pero kung hindi talaga nila gusto ay wala na tayong magagawa dun,” ayon kay Acosta. Kaugnay nito, itinuturing na malaking isyu ang pagbaba ng bilang ng mga estudyanteng sumama sa nasabing aktibidad dahil isa itong programa ng SPTA na layong makalikom ng pondo para sa mga programa ng CCSIS. Kumpara sa nakaraang taon, bumagsak ang bilang ng mga magaaral na lumahok sa field trip na tinatayang mula sa 500, naging 200 na lamang, na nagpapahiwatig ng pagbaba ng humigit-kumulang 150% ngayong taon. Nagkakahalaga ang kasalukuyang field trip ng Php 1,545 kada tao, na nakatakdang dalhin ang mga mag-aaral sa Presidential Cars Museum, Star City, Manuel L. Quezon Shrine and Museum, at Aguinaldo Shrine na magaganap nitong Pebrero.

EDITORYAL 13 Tatag para sa MATATAG


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Agsikap · Tomo 6 No. 1 by Agsikap & Inheritors - Issuu